Skip to main content

Novels

Mga romance novels :)


An Answered Prayer 



“…Andami ko ng kapalpakan. But still you keep on forgiving me. Ano pa bang hahanapin ko? Ang Diyos na ang nagbigay sa ‘yo sa akin. Ang tagal kong ipinagdasal na sana dumating ang isang ikaw sa buhay ko. You’re all I need to recover my lost life. It’s just you. And I knew it. I finally found my happiness!”

                Nawalan ng pag-asa si Setty na darating pa ang true love matapos mag-fail lahat ng abstract relationship niya sa mga naging text mates niya. Everything changed when she encountered Florenz…ang nag-iisang buhay na fafable bombilya sa mundo. Magawa kaya nitong ibalik ang liwanag ng pag-asa kay Setty na may pagka-lukring madalas?

Chapter List 


Copyright 2008. All rights reserved.



           
  Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin


From Kilig Republic’s Bukas Na Lang Kita Babastedin, the kilig story continues after Cielo and Danica tied a knot. Tulad ng iba, dumaan din sila sa adjustment period bilang mag-asawa.  Pero meron pa ring mga bagay na hindi nabago— ang kulitan, asaran, petty fights, and of course ang kiligan moments na well, recently upgraded. They had a good marriage until something happened.   
                “So, sinasabi mo na hindi mo kayang patawarin si Cielo?”  
                “No! Never! Ever! Chever!”
                “Kahit na magmakaawa  pa siya sa’yo?”
                “Ilang beses na niyang ginawa iyan, deadma na siya sa paningin ko.”
                “Kahit araw-araw ka niyang ligawan?”
                “Binasted ko na uli siya!”
                “Kahit na, i-offer na niya ang lahat-lahat sa’yo mapatawad mo lang siya?”
                “Nabigay na niya ang lahat-lahat niya, pati heartbreak, broken promises, lahat! Kaya no! Hindi na talaga!”
                “Wala na talaga as in?”
                “Wala na. I’m not a wife anymore. Housemates na lang kami!”
                “Eh paano kung sobrang hot niya ngayon?”
                Nilingon ni Danica ang itinuri ni Limien. She sighed. "Why so yummy, Cielo baby?"  she said sabay sabunot sa sarili.



Chapter List 







Copyright 2016. All rights reserved.


Find Your Way To Me: 
Know Me By Heart 



“’Wag mo na akong tanungin kung bakit, paano at hanggang kelan. Basta ang alam ko, mahal kita, minahal kita at mamahalin kita kahit ano pa ang mangyari. Mata lang ang nabubulag, memorya lang ang pwedeng mabura, binti lang ang napaparalisa at hindi ang puso.”



Limien and Hamiel grew up together. They were best of best friends. Magkapatid na rin ang turingan. Hamiel has girlfriend, Limien has a huge crush with her co-pianist. But when those separate relationships started to fail, they found each other and discovered that they were meant to be. Ngunit dumating ang araw na sunod-sunod na pagsubok ang naganap sa kanilang relasyon. Discover how true love changed their lives for the better. 

Chapter List 

Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Epilogue


Copyright 2011. All rights Reserved.

Find Your Way To Me: 
Keep the Music Playing


Kung bibigyan ako ng pagkakataon, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa pangalawa, pangatlo at sa mga susunod ko pang magiging buhay kung totoo ngang pwedeng ma-reincarnate ang tao.”

She was looking for her prince charming...
He was looking for escape...
Natagpuan nila ang isa't isa. Itinuro nila sa  bawat isa kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig...
Si Amhiela...
Si Vlad...
Isang kakaibang kwento ng pag-ibig na hahaplos sa bawat taong nagmamahal, minamahal at umaasang mamahalin.



Chapter List 


Copyright 2013. All rights reserved.

 Find Your Way To Me: 
Loving You In So Many Ways



Hindi nga siguro kapani-paniwalang may puso rin ako para magmahal. Wala naman talaga noon hanggang sa makilala kita. Bato man ang puso ko, handa itong magbago basta sa tuwing mumulat ang mata ko, wala akong ibang makikita kundi ang matamis mong ngiti at ang pares ng iyong mga mata na nagpapaalala sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig.” 

Determinado si Naiomi Dellano na mabawi ang Casa de Yumi sa bagong may-ari nito. It so happened na ang nakabili pala ng humble home nila ay ang Hitler-like brother ng sikat na singer na hinahangaan niya. Miguel, is considered a type of guy you will never want to meet. Isa itong walking bangungot. Ang buhay kasama ito ay pinagsama-samang batas militar, Nazi rules, and coup d’etat. Paano nga ba niya mababawi ang pinakamamahal na bahay kung pilit humihindi ang bagong may-ari?

“Casa de Yumi is not for sale. Sumuko ka na lang. Bukas na bukas na ang gate ng bahay ko. Please, just get out. You’re really had wasted my precious time.”

“Pakasalan mo ako,” she declared. Bago pa niya maisip ang kahihinatnan ng sinabi niya ay lumabas na iyon sa kanyang bibig. Huli na para mabawi niya iyon.

Chapter List

Copyright 2013. All rights reserved. 





                      Find Your Way To Me: 

                     After the Love Has Gone

May iba't iba tayong version ng love. Ito ang sa akin. Hindi ko ginustong mahalin ka. Kusa iyong nangyari. Hindi ko din alam kung bakit... Na kahit umalis ka, naghihintay pa din ako kung kelan ka babalik. Na kahit siya ang pinili mo, umaasa pa din akong darating ka para sabihin sa akin na may pag-asa pa ako. Na  minsan minahal mo rin ako...kahit minsan man lang.


Aveline Gayle Mariole is a non-believer of true love. Walang ganon sa dictionary niya. Para sa kanya, walang lalaking katiwa-tiwala. Lahat lang ng lalaki ay nananakit in different ways. And the reason behind was named Jamison Kent Pelesso, ang huling lalaking gugustuhin niyang makita sa tanang buhay niya dahil sigurado siyang makakapatay siya pag muling nagtagpo ang landas nila. 
                Nagbago ang lahat ng tingin niya sa lalaki nang makilala niya si Earl Devin Santiago, ang bago niyang boss na kahit mukhang nangangain ng tao ay saksakan naman ng gwapo. Ito ang nagbalik ng tiwala niyang may pag-asa pa ang mga lalaki sa mundo. Na hindi silang kasing sama ng taong nakapatay sa kapatid niya.

                Paano kung ang inakala niyang magbibigay sa kanya ng true love ay siya palang mananakit sa kanya ng husto at ang taong inisip niyang sasaktan lang siya ay siya palang magmamahal sa kanya ng buo? Sino ang kanyang pipiliin? Ang lalaking nagmamay-ari ng mata ng kanyang ate o ang lalaking binigyan ng bagong buhay ng puso ng kanyang kapatid?

Chapter List 

Prologue
Chapter One 
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four

Copyright 2016. All rights reserved.





Let The Reason Be Love 



You let me believed that true love really exists. Nangako ako sa sarili ko na hindi na muling maghahanap ng mamahalin pero kusa kang dumating at hindi ko na namalayan na unti-unti ko ng nahanap ang nawawala kong pagkatao. You picked the shattered pieces of my heart and put it in a right place…inside yours.”


Opalyn cursed to heaven that she will never fall in love with a jerk like her ex. Galit siya sa lalakeng siraulo. Her heart was torn into pieces nang mahuli niya ang fiancé na may milagrong ginagawa kasama ang ibang babae. She was mending her broken heart when she bumped with a guy mending his broken life. Bigla siyang nagkaroon ng purpose in life… ang tulungan si Keijin na maka-recover sa tragic past nito.  Ngunit isang araw ay nawindang siya nang sabihin ng kaibigan nitong…“Opalyn, Keijin doesn’t really need counseling. He needs love.”  Is she ready to trust a guy again? 


Chapter List 



Copyright 2009. All rights reserved.



Love Story by Glass Wall



Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataon mahalin din ng taong minahal nila. Kaya kahit ibato mo pa sa akin ang cabinet sa tabi mo, isama mo pa ang working table mo pati kama mo, buong puso ko silang sasaluhin. Ayos lang masaktan ng paulit-ulit, basta wag ka lang mawawala sa akin.”  

Leanne never got tired of waiting for Zyren to come back. Walong taon ang inabot bago nito natupad ang pangakong babalik ito. And now that they finally decided to get married, their love for each other was tested by faith. Nagbago na ang lahat sa kanila. And because of that, sinubukan nilang kilalanin pa ang isa’t isa. They fight a lot…love a lot. They enjoyed doing those two things all of the same time.  Until she discovered his secret named Jennie… Will Jennie took him away from her? Will the wedding still be on?  Sa puntong hindi na nila kayang unawain ang isa’t isa, paano naibalik ng nananahimik na glass wall ang sweet taste ng true love sa pagitan nila?


Chapter List

Copyright 2012. All rights reserved.




My Dearest Someone Else

Ikaw ang nag-break ng records ko sa buhay. Tamad akong magsulat at hindi ako matandain sa dates pero nagawa kong mabuo ang scrapbook na iyon. Alam mong hindi ko ugali ang maghabol sa babae. Pero sa unang pagkakataon, binalikan kita, hinabol at ipinangako ko sa sarili ko na ipagtatanggol kita at ipaglalaban.”

Career-oriented na sobrang lakas ng trip sa buhay… iyan si Aya. Wala siyang pakialam sa love life  hangga’t kasama niya sa buhay  ang tatlong kabarkada. Until nagpakita uli sa kanya si Lem—ang college friend niyang  nagpumilit na mag-best friend daw sila. At matapos ang apat na taong di pagkikita, may isang insidenteng nagging dahilan ng pagtira nito sa bahay niya. At dahil na rin sa panunulsol ng mga kaibigan at ng uto-uto niyang puso, nahulog ang lob niya dito. Paano na ang love life niya  ngayong meron palang someone else si Lem na ayon sa mga nagging girlfriend nito ay siyang tunay na minamahal nito?

Chapter List



 Copyright 2008. All rights reserved.


Strange Feeling of Love 


“Don’t worry, hindi kita hahayaang mahulog at masaktan. I can’t promise you anything by now but I’ll do my best to be the best man for you.”


Being an ex-nun turned romance novel writer, Lanlan became so much attached with the attitude of her characters. May pagka-childish but cute in her on way. Everythng changes when she bumped with the most papable policeman she ever seen kahit pa nga sa unang pagkakataon ng pagkikita nila ay nagkandaletse-letse siya. Hinuli siya nito sa offense na jaywalking dahil na rin sa kapraningan niya.
                On the other hand, Excel was a man with a choosy heart.But when right time came, destiny brought him near his destined happiness.  Na-capture ang atensyon niya ng isang babaeng abala sa pagta-type sa laptop notebook nito sa kalagitnaan ng concert grounds.
                A one witty girl and an exemplary policeman. Ano kaya ang mangyayari the moment they finally shared the strange feeling of love from each other? 


Chapter List 

Copyright 2010. All rights reserved. 


                                                  This Time I Mean It



Eingel is having trouble with her life. Nag-resign siya sa trabaho para magsulat pero hindi umayon sa kanya ang panahon. She always ended up being rejected. At sa din inaasahang pagkakataon kung kelan di siya nakapagsuklay at di siya prepared ay saka naman siya muling nakita ng dating love interest na si Marion na iniiwasan niya.
“Eingel, it’s nice to see you here. What’s up?” nakangiting tanong nito.  His voice was still enchanting like before. And seeing him that close allowed her to see how handsome he has been after almost seven years.
“H-ha?”
“Hindi mo na ako natatandaan? It’s me, Marion Jhon Chavez you’re college—”
 “Oh yeah, it’s you!”
He then flashed his signature breath-taking smile. “Yeah, it’s me.”
“Yes, it’s you. It’s really you. Oh, nice to see you, babu!”


Chapter List
 Chapter One
  Chapter Two
  Chapter Three
  Chapter Four
  Chapter Five
  Chapter Six
  Chapter Seven
  Chapter Eight
  Chapter Nine
  Chapter Ten

Copyright 2014. All rights reserved.

                   When Hershey Meets Kisses 



“I never stop loving you even though throughout the moment, I know I will never have your heart alone.”

          Kisses spent years loving her best friend just to find out that he’s in love with someone else. On her “art of letting go” moments, a guy named Hershey stayed on her side, healed her broken heart, and made her feel alive again.  He was the most understanding and loving guy she ever met. She was just so glad she had him as her boyfriend. Then time came, her best friend confessed his feelings for her. Naguluhan siya, nagulo ang relasyon nila ni Hershey. How will true love fix a relationship after the damages had been done? 

Chapter List 


Copyright 2011. All rights reserved.

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…