Skip to main content

Mga Libro sa Bookstore


Availability

All books are available in all bookstores nationwide. You may also order online. Message me on Facebook or send me an email  for more details. 




When God Made You 

True love is real. If you are able to find it, you are lucky. If that person finally arrived, never waste time searching for reasons. Just fall in love and let love give you the best lessons in life. Because love indeed is the most wonderful gift you can ever give and receive.”
           
            They said, once in your life you will have a chance to meet your Mr. Right. Someone who will perfectly define what love means. Someone who will show you how great it is to fall in love…no buts, no what ifs, and no whys.  Ngunit paano kung makita mo nga ang “someone” na hinahanap mo, pero bigla ka naman niyang iiwan nang di mo alam ang dahilan?

Because of that not so good experience of love, Sandra declared that she’s done with love life. But everything she said about not falling in love again got burned when her ex came back. Kasabay noong bumalik ang feelings niya dito. Dahil sa muling pagbabalik ni Ross sa buhay niya, muli rin nitong pinadama sa kanya na totoo ang true love. He  even claims the position of being her Mr. Right.

            What if love at second chance will never last forever? Handa ka bang maiwan uli?
 


Bukas Na Lang Kita Pakikiligin 


Bago pa man mag-exist si Fafa Cielo  sa kwentong, Bukas Na lang Kita Babastedin, aba syempre, nagka-love story muna ang mga magulang niya.
                Here’s the story of Zhei, isang certified rakiterang stageplay writer ng Pontez Media Productions who accidentally fell in love with a little arrogant but sweet film maker named Herald Pontez. It was indeed a hate at first sight turned love at second sight kind of story na magbibigay aliw at kilig sa inyong lahat.
            “So, what is love?”
            “Love is… is… all that matters.”




Kilig Republic: Love Moves In Camera Ways



Angel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupad ang dream love story niya nang ma-crush at first sight siya kay Lowell na nagkagusto naman sa best friend niyang si Josyl. 
Here comes Steven to the rescue. Ang photography student na madalas niyang kaasaran at numero unong kontrabida sa love story nila ni Lowell. Ang taong nagsabing hindi daw siya pwedeng magka-love life hangga't wala itong love life... at lalong hindi pwede kung si Lowell ang ila-love life niya.
"You have choices. It's either tumandang dalaga ka o maging tayo."
Ano ang pipiliin ni Angel? Ang tumandang dalaga o maging boyfriend si Steven?



Kilig Republic: Bukas Na Lang Kita Babastedin



Binasted ni Danica si Cielo nang mag-proposed ito sa kanya. Pero nang ma-realized niyang gusto rin pala niya ito, siya naman ang nagtapat. Laking gulat niya nang bastedin din siya nito. Never say die, she continued telling the world that she loves him just to annoy him to death. May love story pa bang mabubuo kung patuloy nilang binabasted ang isa't isa?
"So, hindi ka na talaga mai-in love kay Danica?" tanong ng kaibigan ni Cielo.
"No more."
"Kahit na, sinabi niya sa buong mundo...well almost, na mahal ka niya at may love story talaga kayo?"
Umiling lang siya.
"Kahit na, gawin niya ang lahat para mahalin mo lang uli?"
"Walang effect na yon sa akin."
"Kahit napakaganda niya?"
"Mukha lang siyang blank paper sa paningin ko."
"And sexy?"
He sipped his coffee once again. "Mukha lang siyang sexy na blank paper sa paningin ko."


Baranggay Tawa 1: The Mumuchacha Hunters

          

  Nagugulo na ang balance ng mundo. Dumadami kasi ang disturbed souls na ayaw paawat sa sobrang pagkapasaway. Maraming kaluluwa ang ayaw tumawid sa kabilang buhay at ginustong manatili sa mundo kahit hindi naman pwede kaya gumawa na ng resolution ang Heaven’s Kingdom. From Soul Department, ipinadala sina Angel Lenggay at Angel Gardo sa lupa para hanapin at i-guide ang limang kabataan na napili ni Angel Churva para gumawa ng misyon. Isang artistahin daw sabi niya, isang emoterong biktima ng wrong spelling na pangalan, isang photographer na bawal mahalikan, isang adik sa chocolate na ang hobby ay himatyin, at isang student leader na may see-through na girlfriend. 

              Ang mission?  Kausapin ang mga kaluluwang ligaw at patawirin ang mga ito sa after life.


Kilig Republic 13: Catching Loui's Heart


        

Louscito Pedrico Borromeo III… Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. Hobby ang mag-date ng mga chicks. But ironic as he is, hopeless romantic iyan. Babaerong naniniwala sa one great true love. Once na magmahal na siya, all out iyan. No reservation kaya sobra ding masaktan. Emotero to the max. Asianovelas and Asian movies fanatic and guess what? Ang trip niya ay romance stories. He loves to build houses, to build resorts and hotels, to flirt with women, to play piano and to power trip his favorite servant named Mharlen Gardova.
           
      Moody, perfectionist and bossy. He had been through lots of relationships that ended up with nothing. Isa lang babae ang nakatagal sa kanya. At ang espesyal na babaeng iyon ang dahilan ng kwentong ito. 



Only Pure Hearts Can Break the Spell 


Dahil sa pagkaka-reject ng thesis proposal, lalong naging determinado si Azhena na mapatunayang totoo ang usap-usapang underground society of witches sa kanilang unibersidad. Sa misyong ito, naging kaakibat niya ang GSPub- ang official publication ng campus na pinamumunuan niya. Binubuo ito ng mga kabataan may iba’t ibang personalidad na naging solid na magkakatropa. Mula sa pangangalap ng impormasyon hanggang sa imbestigasyon, unti-unti nilang naungkat ang lihim ng Societa Y Majicka- ang napabalitang underground society of witches na binubuo ng mga kapwa nila estudyante, mga propesor, staff, at school administrators.


At nang dumating ang oras na halos nalaman na nila ang lahat, isang pangyayari ang naging mitsa ng panganib na nagpabago sa takbo ng buhay ng bawat kabataang nasangkot sa isang gulo. 

Labing-walong kabataan. Hinubog ng iba’t ibang istorya ng buhay, personalidad at pananaw. May kanya-kanyang pang-out-of-this-world na trip at kawirduhang taglay. Pinagbuklod ng pagkakaibigan, pagmamahal, pananalig sa Diyos at tiwala sa isa’t isa. 


Sino ang kalaban? Sino ang kakampi? 
Ano ang dapat manaig? 
Alin ang tama at alin ang mali? 


Kilig Republic 3: Love Story by Headlines



"Pag pinakasalan mo ako, magkakaroon ka ng asawang gwapo, simpatiko, at romantic. At higit sa lahat, wala ka nang makikitang handang maging punching bag mo habambuhay. Handa akong ma-deform ang buong katawan ko kung doon ka masaya!"

Away…asaran…kulitan…. D’yan nabuo ang connection nina Leanne at Zyren sa loob ng apat na taon sa college. They fight for senseless things. They fight to make each other pissed-off. Masaya silang naaasar ang isa’t isa. Until someone posted their issues on the freedom board. Naging sentro tuloy sila ng usap-usapan sa loob ng campus. Naging headline ang bawat eksena nilang dalawa. Until one day, they woke up and realized that they are not meant for rivalry at all. Binago ng headlines ang tibok ng puso nilang dalawa.





Kilig Republic 7: The Closet I Got For You 



“I just want you to know that you’re my happiness. You’re my life. The first time I saw you, nakalimutan kong nagsesenti nga pala ako at silently pampering my broken heart. Pinagpapasalamat ko sa Diyos na ibinigay ka Niya sa akin.”

Loise was a broken hearted events coordinator. Maganda ang career niya pero hindi ang love life. Her ex-boyfriend married her friend at siya pa ang wedding coordinator. Choco, on the other hand, was a broken hearted school principal. Never had a girlfriend dahil iba ang nakatuluyan ng babaeng minahal nito at napapagkamalang pa itong bading lalo na nang makita ng lola nito ang laman ng closet nito.

Through faith, pinagtagpo sila sa iisang bus habang nage-emote si Loise at sintunadong bumibirit naman ng pambigong love song si Choco.

Loise was in love with chocolates. Mamahalin rin kaya niya ang nag-iisang buhay na tsokolateng ito na minsang na-in love sa kliyente niya?


Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…