Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter Fifteen

“GOOD morning, Vel!” bungad ni Jam nang lumabas na si Vel sa condo unit nito. He’s handling two cups of coffee.

Few months had passed and they became closer. Bagama’t hindi pa nila uli napapag-usapan ang tungkol sa kanilang dalawa, masaya si Jam sa estado nila ngayon. He was back sending her flowers every night. Pero hindi tulad noong dati na bouquet of flowers ang binibigay niya, isang stemmed rose na lang ang pinapadala niya gabi-gabi. Pinigilan na siya ni Vel sa pagpapadala rito ng mga mamahaling bulaklak at kung ano-ano. Pati ang pagpapadala niya rito ng coffee every morning ay inaawat na nito. He didn’t care about the money at all but she didn’t want him to spend a lot for her. Katwiran ni Vel, ipunin na lang daw niya ang mga perang pinapambili niya ng bulaklak para rito at idagdag sa pondo ng  foundation.

Tinanggap nito ang ini-offer niya rito. “Good morning, Jam! May dala ka na namang kape. May usapan na tayo ’di ba? ’Wag ka na gumastos para sa akin. No need.”


Ngumiti siya habang naglalakad sila papunta sa elevator. “Hindi na ako gumagastos para sa’yo lately. Libre lang iyan mula sa cafeteria sa baba.”

Nagdududang tingin ang ipinukol nito sa kanya habang nakatayo silang dalawa sa harap ng elevator at naghihintay na bumukas iyon. “At paano ka nagkaroon ng libreng kape sa cafeteria?”

Kinuha niya ang isang coupon card sa bulsa ng suot niyang polo at ipinakita rito.

“Free coffee for six months. Maximum of two cups per day,” pagbasa nito sa nakalagay sa card. “At paano ka nakakuha nito? Hindi naman nag-offer ang cafeteria ng ganyan.” She started sipping her coffee.

Tulad nang dati, Jam couldn’t took away his glance at her while she was sipping  her coffee. That careless gesture still looked like sexy to him. “I  have my ways.”

Pinagtaasan siya nito ng kilay. “Binayaran mo ’to in advance?”

“Hindi ah. Hindi na libre iyan kung ganon.”

“Eh paano nga? Hindi ko na tatanggapin ang mga susunod na kapeng ibibigay mo ’pag ’di mo sinabi sa akin.”

“Manakot ba?” Pinandilatan siya nito na ikinatawa lang niya. “Okay fine.” He sighed. “Naging patient ko iyong may-ari ng cafeteria. May Diabetes siya at affected na ang eyesight. Binigyan ko siya ng malaking discount since nasa iisang condo building lang tayo. In return, he sent me this card and another discount card. Everything I order in cafeteria will be 50% off plus free coffee. Idinamay lang kita sa biyayang natanggap ko.”

Nagpatango-tango ito. “Wow thank you for sharing the blessing. How about the stemmed American Rose per night? Mahal din iyon.”

“Libre din iyon. Galing iyon sa bagong flower shop ng nanay  ni Winona. Susuportahan daw ni Tita Milet ang panliligaw ko sa ’yo.”

Tumawa ito. “Kaloka. May support group?”

“Well, yeah merong support group para magla-love life na ako. Wait until you meet my hospital colleagues. Lahat na lang ata ng magandang health workers nireto sa akin doon. They are just too desperate to find me a girlfriend.”

“Wala kang nagustuhan sa mga nireto sa ’yo?”

Umiling siya sabay ngiti rito. “Wala. Architect kasi iyong gusto ko.”

She smiled sweetly. “Agang-aga, bumabanat ka.”

Ngumiti lang din siya. “Naikuwento ko na sa kanila na may nililigawan na ako ang they are all going crazy to know more about you.”

The elevator door opened. Agad silang pumasok. Sila lamang lulan noon.

“Grabe, ganyan na sila ka-desperate na magka-love life ka?”

He nodded. “Papunta na raw kasi ako sa matandang binata. Sa basement parking ka?” tanong niya. “Sa lobby kasi ako.”

“Sa lobby din ako. Coding, e. Mag-commute lang ako.”

He pressed the ground floor button. “Same here.”

“Bakit mag-commute ka?” usisa nito.

“Wala akong driver today. Na-on call lang kasi ako. Eh, pinapunta ko sa San Juan si Apollo.”

“O, bakit di na lang ikaw ang mag-drive?”

Umiling siya. “I quit driving after the accident.”

Natigilan ito. “Trauma? Dahil ba sa nangyari dati?”

Nagkibit-balikat siya. “Sort of. Sinubukan ko naman uli na magmaneho after kong maka-recover pero everytime na uupo ako sa driver’s seat, kinakabahan na ako. Nagpa-flashback lahat sa isip ko iyong nangyari. Your sister’s last glance to me, the setting, the fear I felt . . . lahat. Hanggang sa mag-trigger na iyon ng anxiety attack. I tried several times pero palaging nauuwi sa anxiety attack noon kaya tinigilan ko na ang pagsubok uli.” Tiningnan niya ito. She looked sad. “Hey, ’wag kang malungkot. Okay lang iyon.”

“It’s not okay. That accident deprived you from doing things you usually do. Jam, kailan ka huling sumubok?”

“Mga eight years ago pa or maybe nine years. I hardly remember.”  

Hinawakan nito ang kamay niya. “Subukan mo uli.”

He was hesitant. Hindi siya sigurado kung muling aatake ang anxiety sa kanya once na subukan niya uli ang magmanheho.  Umiling siya. “Hindi ko alam kung marunong pa ako.”

“Then, aralin mo uli. Tutulungan kita. Kailangan mong makawala sa trauma na iyon. You can’t let go of the past by escaping.”  

Point taken. “Okay, I’ll let you know.”

Pagkababa nila sa lobby ay bumuhos ang malakas na ulan. Nagkatinginan sila ni Vel. Mukhang pareho sila ng iniisip. Mahihirapan silang mag-commute dahil sa malakas na ulan.

“I have an operation at ten,” sabi niya.

“I have a corporate meeting on the same time,” tugon nito. “Mukhang hindi makakabiyahe nang matiwasay. Jam, nasa sa ’yo ba ang susi ng kotse mo?” He nodded.  “Exchange deal tayo. Pahiram ng kotse mo. In return, ipagda-drive kita. Ihahatid kita ngayon para makaabot ka sa operation mo at susunduin kita mamaya.” 

“No. Nakakahiya na ikaw pa ang magmamaneho para sa akin. Dalhin mo na lang ang kotse ko. Ako na ang bahala sa sarili ko—”

Hinila na siya nito pabalik sa elevator. “’Wag ka nang mag-inarte. Tara na!”

Wala na siyang nagawa. Pumasok uli sila sa elevator then she pressed the basement button.

“Car keys, please?”

Dinukot niya sa bag na dala ang susi ng kotse siya at ibinigay rito iyon. “Sigurado ka ba, Vel? Nakakahiya sa ’yo.”

“Ako dapat ang mahiya dahil manghihiram ako ng kotse.”

“Puwede  mo namang gamitin ang kotse ko ’pag kailangan mo.”

Nginisian siya nito. “Taray! Papagamit mo talaga sa akin ang kotse mo? Magjowa tayo?”

The elevator door opened. Naglakad sila sa kalagitnaan ng mga sasakyan naka-park sa basement.

He just lovingly stared at her. “Alam mo, pangarap ko iyan. Puwede?”

She laughed. “Ewan ko sa ’yo.”

Sumakay na sila sa kotse niya. Vel was in the driver seat and he was there in the passenger seat right next to her.

“Nakakahiya talaga, Vel. This shouldn’t be this way. I felt sorry for not being able to drive you to work.”

Makahulugan siyang binalingan nito. “Wala namang dapat ikahiya roon, Jam. Pero kung nalulungkot ka kasi hindi mo ako maipag-drive, eh ’di mag-aral ka uling mag-drive para next time, maihahatid mo na ako.”

Ngumiti lang siya. Never pa niyang naisip na babalik siya sa pagmamaneho ng kotse. He could drive a motorcycle though but still afraid to go in national road or highways.

Halos magpanabay silang nagkabit ng seatbelt. At tulad ng nakagawian ni Jam bago mag-drive si Win o si Apollo para sa kanya, hinawakan niya ang nakasabit na rosary sa rearview mirror nang hindi man lang tinitingnan iyon dahil nasa seatbelt pa ang mata niya. Napalingon lang siya nang hindi rosary ang nahawakan niya kundi kamay ni Vel. Gulat na nakatingin ito sa kanya. They shared few seconds of  gaze. Naalala niya tuloy iyong araw na pumayag itong hawakan niya ang kamay nito habang natutulog siya noong maospital siya. For the first time, naranasan niyang maalagaan ng taong pinili ng puso niyang mahalin.

“Jam . . .” she uttered while still gazing at him.

“Yes?”

“Iyong kamay ko . . .”

 Natauhan siya. Agad niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak dito.  “Sorry, it’s a habit na hinahawakan ko ang rosary na iyan tuwing babyahe ako,” paliwanag niya.

“M-Me, too. Iyon din ang ginagawa ako before driving,” tugon ni Vel.

“Ahm, tara na?”

“Ah, yeah!” She started the engine and released the hand break. “Ipagkakatiwala mo ba ang buhay mo sa akin, Jam?” natatawang hirit nito.

He just gave her an impish smile. “Puso ko nga, ipinagkatiwala ko na sa ’yo, buhay ko pa kaya?”

Tumawa ito. “Ang galing mo talaga sa ganyan.” Then she started driving.

“Saan?”

“Sa pagbanat ng mga pambobola.”

“Hindi pambobola iyon,” apila nito. “Is it bad?”

Nangingiting umiling siya habang nasa kalsada ang paningin. “No, I find it nice.”

Napangiti na lang si Jam habang pinagmamasdan ito. He just couldn’t take away his gaze from Vel while she was busy driving. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na naging posible sa kanilang dalawa ni Vel ang nangyayaring iyon.

“Vel?”

“Hmm?”

“Do you really like the idea of a man driving you to work? I mean, I know you being a tough independent woman. I thought, hindi mo gusto iyong idea na sinasalo ng lalaki iyong bagay na kaya mo namang gawin.”

“Yeah, tama ka naman doon. Kung kaya ko, gagawin ko na lang kaysa iasa sa iba. But at the end of the day, babae pa rin ako. I like the idea of being taken cared of once in a while. So I find it sweet if a guy drives for me to work. But it’s sweeter if you will come to my office after work and drive me home. Kaya magbalik-loob ka na sa driving.”

“You are really pushing me to drive again, huh.”

“Binibigyan na nga kita ng inspiration.”  Saglit siya nito binalingan. He was caught in the act of staring at her but he didn’t mind. “Magandang inspirasyon, to be exact,” dagdag nito sabay tawa. Ibinalik nito sa kalsada ang atensyon.

Ngumiti siya rito. “Indeed. Sige, pag-iisipan ko iyang pagbabalik-loob sa pagmamaneho.”

Few minutes more, she parked the car in the drop off bay of Tolentino-Ferrer Medical Center. “Salamat, Vel. Drive safely, okay?”

“Salamat din sa pagpapahiram ng kotse, Doc.”

Bumaba na siya ng kotse. Papasok na siya nang businahan siya nito. Paglingon niya ay nakababa na ang bintana ng kotse. Sumilip si Vel doon.

“Anong oras kita susunduin?”

“Take your time doing your work. I'll just wait until you’re done.” Kumaway siya rito. “Take care.”

“Okay! See you later.” Isinara na nito ang bintana ng kotse at nagmaneho na paalis.

Naiwan si Jam na hinahatid ito ng tingin. She looked even sexier while driving. Damn! Nangingiting umiling si Jam habang papasok na siya sa loob ng hospital.

 

***

ABALA si Vel sa pag-check ng design ng isa sa mga junior architects niya. Ilang minuto na lang at alas-sais na ng gabi at may dalawang architectural designs and costing pa siyang kailangang i-check for presentation. Sa kalagitnaan ng pagka-busy niya ay nag-ring ang phone. Agad niyang dinampot ang receiver.

“Architect, may guwapo kang bisita. Dr. Jamison Pelesso raw po,” anang secretary niya.

Agad kumabog ang puso niya. Ano’ng ginagawa niya rito?

“Okay. Let him in.” Ibinaba niya ng receiver ng phone.

Dumoble ang kabog ng puso niya nang may magbukas ng pinto. Agad na nag-angat siya ng tingin. Ngunit napatawa lang siya nang hindi naman si Jam ang bumungad sa kanya kundi ang tatawa-tawang si Monique. Aminadong umasa nga siyang si Jam ang bisita niya. Kaya nang makita niya si Monique ay tila may kaunting pagkadismaya  siyang naramdaman. Sayang, akala ko pa naman, eh may poging inspirasyon na ako bago umuwi.

“What’s with that reaction? Humopia ka ano, girl?” bungad nito sa kanya.

“Sira, kaloka ka. Come in. Ipapakita ko iyong ginawa kong design para sa ipatatayo mong bahay,” nakangiting hirit niya.

“Tapos na ba?”

“Almost.”

“Saka ko na lang tingnan ’pag tapos na. Sumilip lang talaga ako, girl. May date kami ni Dad. Si Jam talaga ang bisita mo, hindi ako.”

Pabirong tiningnan niya ito nang masama sabay tawa. Alam niyang binibiro lang siya nito. “Ewan ko sa ’yo.”

“Seryoso, andito talaga si Jam.”

Pero ayaw niyang umasa at baka hopia na naman siya. Ibinalik na lang niya sa monitor ang atensyon at baka lalong mahalata ni Monique na umasa nga siyang si Jam ang dumating at hindi ito. Nagpaka-busy kuno na lang siya. “Gumora ka na, Monique Joy. Hinihintay ka na ng daddy mo for sure.”

Tumawa lang ito. “Jam, ayaw maniwala ni Vel  na andito ka. Bahala na riyan. Vel, alis na ako. Enjoy your date!” 

Napailing na itinaas na lang niya ang kamay at kumaway nang hindi tumitingin dito. “Okay, ingat!”

Few seconds more nilamon na ng concentration sa trabaho ang atensyon niya kaya bahagyan siyang napakunot noo nang maamoy niya ang isang familiar woody masculine scent. Napaangat tuloy siya ng tingin. Nakita niya si Jam na prenteng nakaupo sa sofa sa ’di kalayuan. Oh, he’s really here!  Nakabaling ito sa direksyon niya. Ang siko nito ay nakatukod sa arm rest ng sofa habang salo ng kamay nito ang pisngi nito. Sa sobrang busy niya, hindi na niya ito namalayang pumasok. Mukhang kanina pa siya nito pinapanood.

Ngumiti ito sa kanya. “Hi!”

“Ano’ng ginagawa mo rito? Ang usapan natin susunduin kita.”

“Sabi mo, mas sweet ang pinupuntahan ka sa office after work. Practice lang.” He winked. “Sumabay na ako kay Monique kasi sabi niya pupunta siya rito.”

Napangiti siya. Hindi niya ide-deny na may kurot ng kilig siyang naramdaman. He was really paying attention to everything she said.   Bakit ba ang guwapo ng lalaking ito? Kumalma ka, self!

“Can you wait a little more? May tinatapos pa ako, eh.”

“Sige lang, go ahead. Dito lang ako.”

“Sure ka? Kung sabagay, wala ka namang choice. Nasa akin ang kotse mo.” Ibinalik na niya sa ginagawa sa monitor ng laptop ang atensyon niya.

“Pati nga puso ko, eh,” pasimpleng banat nito sabay tingin sa ceiling.

Sumikdo ang puso niya. “Gusto mo ng kape? Tsaa? Water? Juice?” Binalingan niya ito. “Para kabahan ka naman.”

Nakangiting bumaling ito sa kanya. “Ikaw.”

“Ako?”

“Ikaw lang, sapat na.”  Sabay silang tumawa. “Papunta na sa baduy iyong mga hirit ko ano?”

“Buti aware ka.”

“Just bare with me.Toxic sa hospital kanina. I need something to keep me sane.”

“Daming pasyente?”

Napansin niya umayos ito ng upo sa sofa at prenteng isinandal pa ang likod sabay tingala sa kisame. “Yes. Iyong inoperahan ko, muntik ng bumitiw. Pero stable na siya as of the moment. Tapos iyong mga out patients ko naman, almost same cases ang majority. Sore eyes.” Bumaling uli ito sa kanya. “It’s common nowadays. Kaya ikaw, kapag nasa construction site ka, protect your eyes. Wash hands or sanitize first before touching your eyes para iwas infections.”

“Yes, doc.” She nodded. It’s nice to hear him talking about his profession even if she didn’t ask for it.

Aminado si Vel na masaya siyang kasama si Jam at nakakakuwentuhan niya na parang ang tagal na nilang magkaibigan. Sa paglipas ng panahon, mas nakilala niya ito. He was a too good to be true kind of guy. He has long patience. He’s a kind who knows how to wait. Hindi nito ipipilit ang gusto nito. Instead, mag-a-adjust ito para sa gusto niya, like what their undefined relationship looks like. He was also an open book. What you read in his eyes is what you get. Kaya sa  tuwing ine-express nito ang feelings nito sa kanya ay buong puso siyang naniniwala. His eyes were telling her a lot more than those  mushy cheesy phrases she received from him. Unti-unti, nasasanay na siya sa idea na nililigawan siya ni Jam.

May kumatok sa pinto. Her secretary opened the door and entered. May bitbit itong box.

“Architect, dumating pala ito kanina. Nakalimutan ko lang i-hand over sa ’yo.” Ipinatong nito ang isang box sa mesa niya.

Sinulyapan niya ang kahon bago binalingan ang secretary niya. Pasimple itong sumusulyap-sulyap kay Jam na walang kamalay-malay at abala sa pagtitig sa ceiling.

“Jackie?”  Vel caught her attention.

“Yes? May iuutos ka pa?” Ibinalik nito ang atensyon sa kanya.

“Wala na. Puwede ka nang umuwi.”

“Okay. Siya, hindi ba siya puwedeng iuwi?" pabulong na biro nito. “Ang guwapo!”

“Ako ang mag-uuwi riyan,” sakay niya sa biro nito.

“Bongga talaga ang ganda mo, Arch. Naka-move on ka na talaga! Sige uwi na ako.” Humabol pa ito ng sulyap kay Jam bago lumabas ng office.

Eye-catcher talaga ang isang ito. Vel was thinking kung aware ba itong si Jam na ganon ito. She felt a little lucky though. Marami man ang lumilingon para sulyapan ito, siya lang naman ang tanging babaeng pinagbubuhusan nito ng atensyon.

Binalingan niya ang kahon. Galing iyon kay Mr. Albert Sol, ang bumili ng bahay nila few years ago. Ano kayang laman nito?

Binalikan na lang niya ang trabaho. It took another half an hour when she  finally finished her task. Binalingan niya si Jam. Nakapikit na ito. Nakatulog na ata.

Isinilid niya ang laptop sa bag, kasama ng mga papeles na aasikasuhin niya pag-uwi. Bitbit ang laptop bag, drafting tube, at ang kahong pinadala ni Mr. Sol, nilapitan na niya si Jam. Gigisingin na sana niya ito nang marinig niya itong humilik.

Napangiti siya habang pinagmamasdan itong natutulog. Minsan talaga unfair ang mundo. Even that disturbing snores of him sounded sexy to her ears. Nagkaroon ng pagkakataon si Vel na magnilay-nilay. Ano ba’ng nakita mo sa akin, Jam? Isa lang naman akong boring na arkitekto. Why did you choose to love me kahit walang kasiguraduhan na mamahalin kita pabalik? She knew in her heart that Jam was special. Kahit noon pa man ay di sinasadyang magkapuwang ito sa buhay niya. Pero takot pa si Vel magmahal uli. Kapag ba tuluyan niyang binuksan ang puso niya rito, hindi na ba siya masasaktan? Will it be true love for real? A part of her also wanted to give him back the love that he deserves. Pero hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya. Ayaw niyang maging rebound lang si Jam. Hindi nito deserve ang ganon. I think I need closure from jerk Earl.

Naputol ang pagninilay-nilay niya nang maalimpungatan si Jam. Nagulat ito nang ngitian niya ito.

“Sorry nakatulog ako.Tapos ka na ba?”

She nodded. “Okay lang. Mukhang pagod ka talaga. A doctor like you needs ample rest once in a while. Tara, uwi na tayo para makapahinga ka na.”

“Hindi naman. Mabilis lang talaga akong makatulog. Masandal lang kung saan, nakakatulog na.” Nag-inat ito at tumayo. Kinuha nito ang kahon na bitbit niya pati ang laptop bag na dala niya. Hinayaan na lang niya ito.

Paglabas nila ng office ay dumiretso agad sila sa elevator at sa basement parking. Few more minutes lulan na uli sila ng kotse nito on their way home.

Nasa kalagitnaan sila ng biyahe nang mag-ring ang cell phone niya.

“Makikidukot na lang ng CP ko sa laptop bag,” sabi niya.

He did. Tiningnan nito ang naka-register sa nag-iingay niyang cell phone. “Albert Sol ang tumatawag.” Akmang kukunin niya rito ang cell phone nang ilayo nito iyon sa kanya. “You’re driving.”

“I need to take that call.”

“Loud speaker mode on then.” Jam swiped up the answer button and turned her phone to loud speaker mode.

"Vel, nakarating ba iyong pinadala ko?"

" Yes, Mr. Sol. Ano’ng laman ng kahon? Hindi ko pa kasi nabubuksan.”

“Ah, pinabaklas ko kasi iyong second floor ng bahay n’yo for renovation. Nakita namin ang mga iyan na nakasilid sa ilalim ng kahoy na sahig. Mukhang sa ate mo ang mga gamit na iyan. Kinahon ko na lang.”

“Ah, ganon ba? Wala akong idea na may tinago pang gamit si Ate sa bahay. But, thanks. This means a lot to me.”

“Sure no problem.”  The call ended.

Lalo lang tuloy siyang na-curious sa laman ng kahon.

“Jam, may gagawin ka ba tonight?”

“I don't have plans. Why?”

“Samahan mo akong buksan ang kahon na iyan,” turo pa niya sa kahon na kandong nito. “I think, I need a moral support.”

“Moral support nga ba or gusto mo lang akong makasama ngayong gabi?” pabirong nginisihan pa siya nito.

“Both. Bakit ayaw mo?”  may halong paghamon niya rito.

“Gusto, siyempre. Pero kumain muna tayo, gutom na ako.”

Papasok na ang kotse sa basement parking ng condo building kung saan sila nakatira. “Okay. Let's order food at the cafeteria. Pakinabangan natin ang 50% off mo roon.”

“Doon tayo o-order? Tatawag sana ako sa Kofi Cups or sa Chembrant.” Mga mamahaling resto ang mga iyon.

“Ayoko roon. Pricey. Sa cafeteria na lang muna tayo ngayon. Next time, magluluto na lang ako.”

“Aba may next time. Sige, deal!” masayang tugon nito.

Napatawa na lang siya. That's one thing she liked about him. Madali itong kausap. Hindi ito makikipag-argue kung saan sila pupunta, kung saan sila kakain, o kung ano ang gagawin.  Even though, may pre-plan ito, once na marinig nito ang gusto niya, nakikipag-compromise ito. And Vel believed it was one of the best things being with Jam.

 

***

MATAMANG nakatingin lang si Vel sa kahon na nakapatong sa center table sa mini sala ng unit niya. Hinihintay niyang bumalik si Jam. After nilang mag-dinner ay nagpaalam ito saglit na mag-shower lang daw muna ito. So she did the same when he went out of her unit.

Few minutes more, kumatok na si Jam. Tumayo siya para pagbuksan ito.

“Sorry kung nagtagal ako. I got a call from the hospital,” sabi nito sabay upo sa sofa.

“Ah, akala ko, naligo ka pa ng pabago,” biro niya nang umupo siya sa tabi nito.

 Amoy na amoy kasi ang naghahalong shower scent at pabango nito. So fresh, so yummy!

Sininghot siya nito sa bandang leeg. Muntik nang makalimutan ni Vel huminga. That gesture brought some thrilling sensation to her senses.

“Mukhang ikaw din naman, nanligo ng pabango. Quits lang tayo.”

Eksaheradang binalingan niya ito. “Excuse me! Normal shower scent ko ito. I went out shower like this.”

“Talaga? So everytime na mag-shower ka ganyan ka kabango?” She nodded and he impishly grinned.”I love it. Nice—aray!” Hinampas niya ito sa braso.

Seryosong tinitigan niya ito. “Hoy Jamison, ’wag kang mag-imagine ng kung ano!”

Bakit kasi pinatulan pa niya ang usapang pabango? Napupunta tuloy silang sa naughty na usapan. Well, kung ito man ay lalabas ng shower na ganon kabango . . . Wooh! Baka ikaw na ang dahilan kung bakit sa tanda ko nang ito, virgin pa rin ako. Ay ano ba iyan, Aveline?! Hindi namalayan ni Vel na napapangiti na pala siya habang nakatitig  dito. Natauhan lang siya nang tumawa si Jam.

“Ikaw ata ang nag-i-imagine ng kung ano-ano, eh—aray!” Hinampas niya uli ito sabay baling ng attention sa kahon. “Okay lang naman.”

“Anong okay?” kunot-noong tanong niya.

“Okay lang na maging laman ng imagination mo,” biro nito. “It’s my pleasure—”

“Shhh! Shut up! Buksan na natin itong kahon! Ito kasi ang agenda natin, ’di ba?”

Tumawa lang ito. Dinampot nito ang cutter knife. “Let me.” Sinimulan na nitong i-cutter ang sides ng box para maalis ang nakabalot na plastic wrap. He removed the  plastic tape until a wooden box was left unsealed. “O, buksan mo na.”

Bigla siyang kinabahan. Feeling niya, may itinago sa kanya ang kapatid at nasa kahon na iyon ang lahat ng kailangan niyang malaman.

Mataman niyang pinagmasdan ang kahon. “Kinakabahan ako.”

Sumikdo ang puso niya at tila lalong lumala ang kabang nararamdaman niya nang hawakan ni Jam ang kamay niya at pinagsalikop iyon. Napatingin tuloy siya rito. He was lovingly gazing at her with his sweet captivating smile.

“I think your sister wants to tell you something she wasn’t able to tell you when she was still alive.”

“I’m thinking the same way.”  She sighed. Marahan siyang kumalas sa pagkakahawak nito ng kamay niya. Tinanggal niya ang wooden cover ng box. Bumungad sa kanya ang picture nilang magkapatid. Kinuha niya iyon at napangiti. Pinakita niya iyon kay Jam. “Last birthday niya. Niregaluhan daw siya ng kaibigan niya ng digicam. Kaya iyon, picture kami nang picture noon.” Tiningnan niya ang likod ng picture. May nakasulat doon:

Ito ang favorite photo natin, Sis. Ang ganda mo talaga pero siyempre mas maganda pa rin ang ate mo.

All of a sudden, she became emotional. Awtomatikong lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Bigla niyang na-miss ang ate niya. “Akala ko okay na ako, na tanggap ko na na wala na si Ate. Pero bakit, sa isang iglap, mararamdaman ko uli ito? Ang sakit pa rin.”

“I'm sorry!”

Binalingan ni Vel si Jam. Teary-eyed ito habang nakatingin lang sa box. Hinawakan niya ang kamay nito.

“Okay na tayo, Jam. Do not misinterpret what I said. I’m not blaming you anymore.”

“I know. It's just, hindi naman natin maiiwasan ang mga ganitong sitwasyon. As much as I wanted to wipe your tears away, I can never change the fact that I am the major cause of your pain. Reality hurts.”

Seeing him in pain hurt her also. “Doc, I think I need a doze of your medicine.”

Despite of those manly tears, he opened his arms wide open and gave her a hug. She fullheartedly hugged him back.

“You also need this. I’m also giving you a doze of Hugspirin to feel you better. I-work out natin ito, Jam. Hindi tayo puwedeng ganito habambuhay. Kailangan nating matutunang maging less emotional kapag si Ate na ang topic. Masisira kung ano man ang meron tayong dalawa kung parati tayong ganito.”

“Yeah, you’re right. We have to be stronger.” He moved a little enough to see her face. Tinitigan siya nito. Umangat ang isang kamay nito para marahang pawiin ang mga luha aa pisngi at gilid ng mga niya.

She did the same on him. Pinawi niya ang luhang namuo sa gilid ng mga mata nito.

They stayed that way for seconds hanggang sa pareho na silang kumalma. She sighed. Kumalas na siya sa yakap nito at umayos muli ng upo.

Ibinaba niya sa center table ang picture na hawak at dinampot ang isang maliit na journal notebook. Mahilig ang ate niya na magsulat ng day to day journal. Binuklat niya iyon. Majority ng pages ng journal ay blangko. Namatay kasi ang ate niya sa pangalawang linggo ng January.

Pinasadahan niya ang laman ng journal. Her ate was just telling a story about doon sa crush nitong regular customer sa coffee shop kung saan ito nagtrabaho. As Vel flipped the pages, mas marami pa siyang nalaman tungkol sa crush ng ate niya. Sa pagkakaalam niya ay long time crush ng ate niya ang lalaking iyon na Dev kung tawagin nila. Hindi na niya maalala kung nabanggit ba sa kanya ng ate niya ang buo nitong pangalan.

According sa journal, pakiramdam daw ng ate niya ay mahal na nito ang lalaki kahit hindi naman alam ng lalaki ang presence ng ate niya. Na-curious lalo si Vel sa love life ng ate niya na hindi nito naikuwento nang buo sa kanya nung nabubuhay pa ito.

Dama ni Vel ang saya ng ate niya nang sa wakas ay napansin na ito ng Dev na iyon. They exchanged cell phone numbers. Ngayon niya na-conclude na ang Dev na iyon pala ang pinagkakapuyatan ng ate niya no’n. Madalas na nagigising si Vel noon ng madaling araw at nakikita niya ang ate niyang masaya habang sige sa pagte-text.

Nagkuwento pa ang ate niya ng ilang mga sinabi ng lalaki na kinakilig nito hanggang sa mapunta sa seryosong topic ang journal ng ate niya. May sakit pala sa puso ang lalaking mimamahal nito. Ramdam ni Vel ang takot at pag-aalala ng ate niya. On the next few days, dinetalye ng ate niya na nagpunta ito sa Organ For New Life Foundation at nag-sign up. Kumabog ang puso niya sa mga sumunod na nabasa.

Nakapagdesisyon na ako. Nag-sign up na ako sa Organ for New Life Foundation para mai-donate ko ang cornea ng mata ko at ang puso ko. Kung sakaling kailanganin ni Dev ang heart transplant at wala pa rin siyang makitang ibang donor, willing akong ibigay ang puso at buhay ko sa kanya. Ganon ko siya kamahal. Alam ko masasabunutan ako ni Vel kung mababasa niya ito. Pero mahal na mahal ko si Dev. Hindi ko hahayaang ikamatay niya  ang sunod na atake sa puso niya. Marami pa siyang pangarap. Ako, tapos na akong mangarap. Nakakapagod din naman ang mabuhay. Kung ’di lang dahil kay Vel, matagal na rin akong sumuko. Kaya kung sakali, sana puso ko na lang ang mapunta kay Dev. In that way, kahit mawala ako, at least mananatili akong buhay sa  kanya. Mananatili kaming isa.

Ipinabasa niya iyon kay Jam. May nakakalokang theory na nabubuo sa isip ni Vel. It seemed like a bomb was about to explode.  Ano’ng ibig mong sabihin ate?

“Na kanino ba ang puso ng ate mo? Have you met the beneficiary noong nag-organize ng event ang  foundation?” usisa ni Jam.

“Na kay Earl ang puso ng ate ko.”

“What?!” He was surprised. Hindi nga pala niya nabanggit kay Jam ang tungkol doon. “So, your ex and your sister—”

“I don't know!” Ang bilis ng kabog ng puso niya. Posible nga kayang ang love interest ng ate niya bago ito mamatay ay si Earl? She remembered him telling her that his someone else was already dead even before the two of them met. Lalong lumakas ang kutob niya.

“What’s written on the next page?” tanong ni Jam.

She flipped the next last page at sabay na nilang binasa ang laman noon. Nakasulat doon na sinagot na ng ate niya ang lalaking iyon. Wala nang kasunod na nakasulat. Nang mapansin niya ang date ng last journal entry, it was the day before her sister died.

Napatayo si Vel at nagpalakad-lakad sa sala para pakalmahin ang sarili. What she about to discover in her sister's past was mind blowing. “Ano sa tingin mo? Naging boyfriend nga ng ate ko si Earl?”

Nagkibit-balikat si Jam. “I don't know.” Itinuro nito ang kahon. “Baka nasa kahon na ito ang confirmation.”

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad back and forth. “Teka lang, shocked pa ako sa theory na naiisip ko. Hindi ko na kayang tingnan pa ang laman niyan. Puwede bang ikaw na lang ang tumingin?”

“Sigurado ka?”  She nodded. Sinimulan ni Jam na tingnan pa laman ng kahon.

Vel, on the other hand, grabbed the unsolved rubix cube sa kalapit na working table niya. She started solving the rubix cube habang ang full attention niya ay nasa box na kinakalkal ni Jam.

“May nakita ka na bang proof?”  tanong niya.

“Mga pictures nyo ito ng ate mo.” Bumaling ito sa kanya at iniabot ang ilang 3R photo sa kanya. Napakunot ang noo nito sa hawak niya. “What's with the rubix cube?”

Tinanggap niya ang mga iyon. “Pampakalma. Pantanggal stress.” Tumigil ang kamay niya sa pag-solve ng rubix cube nang mabuo niya iyon.  

May binuklat itong papel mula sa box at mataman nitong pinasadahan ng basa ang kung ano mang nakalagay sa papel. “Sh*t!”

“What’s in it?”

Iniabot nito ang isang papel sa kanya. It was a Donor's Will and Testament stating that  in the event that her sister passed away she was willing to donate her heart to Earl Devin Santiago. Tila huminto ng ilang segundo ang mundo ni Vel nang makumpirma ang hinala. Natulala na lang siya.

“Anong klaseng paglalaro ang ginawa sa amin ng tadhana? Alam ba ni Earl ito? Alam ba niya na kapatid ko ang ex niya? Minahal ba niya ako o sinubukan niya lang kung pwede akong pumalit sa puwesto ng ate ko sa buhay niya?”

“Vel, only him can answer those questions.” May iniabot ito sa kanya.

It was a picture of her sister and the younger version of Earl. Mataman niyang tinitigan ang larawan.  “They looked good together. They were happy.” Isa pang birthday card ang iniabot ni Jam sa kanya. Binasa niya ang nakasulat doon.

My Abbie,

Happy birthday. Keep this camera with you always so that we can capture good memories together.

Dev

Kinapa ni Vel ang puso niya. Tila bahagya iyong namanhid. Minahal niya si Earl. Ngunit tila mas malalim ang naging ugnayan nito at ng ate niya. Ito na siguro ang closure na kailangan niya para tuluyang kalimutan si Earl. Hindi na talaga sila puwedeng magkabalikan pa dahil hinding-hindi niya aagawan ng taong minamahal ang ate niya.

Ngayon ay mas nauunawaan na ni Vel kung bakit siya iniwan ni Earl. Her sister’s genuine love for him was eternal. Mahirap kalimutan. She couldn’t replace her sister at all.

Muli siyang umupo sa tabi ni Jam at binalingan niya ito. “Jam, closure na rin ito para sa ’yo. ’Wag mo na uling sisisihin ang sarili mo sa pagkamatay ni Ate. Sa tingin ko, nagpakamatay siya, para ibigay kay Earl ang puso niya at para makatakas sa responsibilidad niya bilang ate. I didn’t know that life was hard for her. At dahil lang sa may kapatid siyang kailangang buhayin at papag-aralin, kahit napagod na siya, hindi niya magawang sumuko. Ang pagkakabangga mo sa kanya ang naging excuse niya para iwan ako at maging isa sila ni Earl. Ginusto niyang mamatay.”

Muling tumulo ang luha niya. Lubos na nasasaktan si Vel sa natuklasan.  Hindi niya naisip na naging pabigat siya sa kapatid. She thought everything were okay. Iyon pala, willing itong iwan siya para sa isang lalaki. And to make it more painful, ang lalaking iyon pa ang lalaking once na inakala rin niyang makakasama niya habambuhay.   

  Inihilamos ni Jam ang nga kamay sa mukha out of frustration. Alam ni Vel na apektado rin si Jam. Ilang taon nitong sinisi ng sarili. He even went through some episodes of depression. Pagkatapos, malalaman nilang sinadya ng ate niyang magpasagasa at minalas lang si Jam na siyang makabangga rito. Tulad niya, biktima din si Jam ng tadhanang pinaglaruan lang sila.

Bigla itong tumayo. “I need a beer. Kukuha lang ako sa unit ko.”

“May beer sa ref ko.”

“Pahingi na lang ng isa.” Dumiretso ito sa kusina.

“Dalawahin mo na. Akin ang isa.”

Pagbalik nito sa tabi niya ay bitbit na nito ang dalawang bote ng beer. Binuksan nito ang isa at ibinigay sa kanya. “Bakit ka may beer sa ref mo?” Binuksan na rin nito ang isa pang bote at diretsong uminom.

“Bakit? Masama ba?”

“Hindi iyon healthy...for your emotions. Nag-iinom lang naman ang babae pag problemado ’di ba?”

“Eh, bakit ikaw? May beer ka rin naman sa ref mo.” She drunk her first doze of beer.

“Iba iyon. Lalaki ako. Beer is part of my occasional lifestyle.”

“Sus! Hoy, walang gender requirement sa pag-inom ng beer. Puwede mo naman akong pagbawalan kung gusto mo.”

“Bakit kita pagbabawalan kung iyon ang gusto mo? Hindi ko gagawin iyon. Sasamahan na lang kita pag gusto mong mag-inom.” Napangiti siya. Napakunot naman ang noo nito. “What? Why are you smiling like that?”

“Wala lang. That attitude of yours fascinates me. You gave me freedom to do anything I want. Iyong tipong hindi mo ako kinokontra sa gusto kong gawin. Instead of making arguments, you’ll offer something to compromise.”

“Well, as long as it won’t cause you any harm, you can do anything you want. Hindi ako controlling na tao.  I can be bossy though but I will never control your decisions, likes, or actions.” He smiled even wider.  “Ituloy mo lang iyang pag-fascinate mo sa akin. Magkaka-future tayo riyan.”

Tinawanan lang niya ito. Silence took over between them. Nabalingan ni Vel ang kahon at at mga  laman noon na nagkalat sa mesa. He did the same. At halos magkapanabay din silang bumuntonghininga.

“Alam mo, minsan di ko maiwasang isipin na galit ata ang tadhana sa akin, eh. Bakit niya ako pinag-trip-an nang ganito? Namumuro na iyang tadhana sa akin, ah.”

“Sa akin din naman.” Bumaling ito sa kanya. “Pero come to think of it. We will not be right here together kung hindi rin dahil sa power trip ng tadhana.”

She nodded. “Kung sa bagay, may point ka. Sige, pinapatawad ko na ang tadhana.” Di sinasadyang napahikab siya. Napatingin sila ni Jam sa wall clock. Alas-dos na pala ng madaling-araw.

“Let's call it a night. It’s been a long day. Matulog ka na, Vel.”

“Oo nga. Ikaw rin.” Itinaas niya ang bote ng beer. “Last shot for tonight?”

He raised his bottled beer to hers. “Cheers!”



PREVIOUS                   NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…

Senang Hati Music Lounge 2: Fall or Nothing- Part 1

Agang-aga ay mainit ang ulo ni Dana. Ito na naman ang araw na kinabubwisitan niya. Iyong tipong agang-aga ang sasalubong sa kanya ay mga bonggang bagay na may kinalaman sa pag-ibig… katulad ng scenario sa harap niya ngayon. Ang pinsan niyang si Limien at ang asawa nitong business partner din niya na si Hamiel ay abala sa paglalambingan sa loob pa mismo ng opisina niya.  May-ari sila ng isang veterinary clinic kung saan siya at si Hamiel ang mga doctor na gumagamot sa mga hayop na may sakit. Kumpleto sa equipments ang clinic nila kaya marami silang suking clients. Nagtitinda din sila ng mga gamot, vitamins, pagkain, at lahat ng needs ng isang pet owner para maalagaan ang kanilang pets.
Aside from being part of the famous Karisma Band, Dana and the rest of the gang are doing the things they wanted to do as ordinary person. In her case, abala siya sa pagiging doctor ng mga hayop.           “Hamham ko, gusto mo ba ng kape? Pagtitimpla kita?” lambing ni Limien sa asawa.
                …