Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Gas Gone- Chapter Seven



Juice ko, ate! Ang sakit naman ng sign na binigay mo sa akin!  Habang nasa construction site, naisipan niyang humingi ng sign sa ate niya.  Aminado naman siyang unti-unting lumalambot ang puso niya para mapatawad na si Jam. Hindi lang talaga niya alam kung ano ang gagawin. She thought she might ask her sister’s help. At heto ang kinahantungan niya. Aksidenteng napatama ang kanyang binti sa nakausling matulis na bato habang tumutulong siya sa paghahakot ng hallow blocks and Jam became her knight in shinning white robe.
Gets na niya  ang sign mula sa ate niya. Gusto ng kanyang kapatid na bigyan niya ng chance si Jam na tulungan siya. Gusto ng kapatid niya na makita niya ang kabutihang loob ng doctor na ito. And to prove her assessment, muli na naman niyang naalala ang kapatid nang tapunan siya ni Jam ng tingin habang ginagamot nito ang sugat niya. And that ended up with a tough decision.


Nakahiga pa rin siya sa stretcher sa loob ng ER tent. Lumabas saglit si Jam para daw kumuha ng forms. Her heart gave in. Bibigyan niya ito ng chance... a fair chance that he deserved. Okay, what will happen in Culion... stays in Culion.  May plano na si Vel. Pagbalik ng Maynila, magpapalipas lang siya ng few months bago niya tuluyang sabihin dito na napatawad na niya ito. She needed time to gather her courage. But this time, confident na siyang kaya na niya.  For the mean time, she would like to enjoy what Culion and Jam can offer.
She had a deep sigh. Kalmado na siya ngayon dahil wala pa siyang nararamdamang pain. Medyo manhid pa din ang binti niya. She remembered how Jam managed her condition... his worried expression reflected in his eyes, his sweet voice... that sweet endearment and those caring touches while he was stitching her wounds. She felt her heart skipped. Hala, hindi pwede ‘to! Kinikilig ka sa dalawang lalaki, Vel? Aba, abuso ka naman! At saka, ba’t si Jam? Hindi pwede iyan!
Naputol ang panenermon niya sa sarili nang biglang pumasok sa tent ang mga kaibigan niya.
“Vel! What happened?” tanong agad ni Aycee.
“Okay ka lang ba?” tanong ni Jheymie.
“Gosh! Tinahi daw ang sugat mo sabi nung poging doctor sa labas.” Bumaling pa si Myka sa sugat niyang may bandage bago bumaling sa kanya. “Si poging doctor sa labas ba ang nagtahi ng sugat mo?”
“Oo—”
“Ay kung ganoon namang kapogi ang doctor, gusto ko na ring masugatan!” hirit ni Jayda.
“Luka-luka! Paano mo gugustuhing masugatan eh  isa ka pang takot sa dugo?” sansala ni Aycee. “Ako, kaya kong masugatan mahaplos lang niya. Ang pogi!”
“Mga sira, kilala n’yo ba kung sino iyong doctor na iyon?” tanong naman ni Jheymie. Tumingin pa ito sa kanya bago binalingan ang mga kaibigan.
“Si doc pogi!” korong sambit ng tatlo.
“Siya si Doctor Kent aka Jamison Kent Pelesso,” sabat ni Vel.
Natigilan sina Myka, Jayda at Aycee na di makapaniwala sa sinabi niya.
“Siya iyon?”
“Iyong poging doctor na iyon?”
“Siya iyong muntik na nating ipa-ambush?”
On cue, pumasok sa loob ng ER tent si Jam. For sure na narinig nito ang kaingayan ng mga kaibigan niya. Agad itong ngumiti.  Pasimple namang bumulong sa kanya ang mga kaibigan.
“Vel, hindi mo naman sinabi na ganyan pala kapogi iyong muntik na nating ipakulam,” sambit ni Myka.
“Back out na ako, Vel. Hindi ko siya kayang ipa-ambush! Mas masarap siyang iuwi kaysa ipalibing!” hirit naman ni Aycee.
“Vel, tama na ang sampung taong paghabol niyan sa’yo. Ganda mo rin eh. Move on na. Patawarin mo na. Ang gwapo naman pala eh,” dagdag pa ni Jayda.
Sabay na napailing sila ni Jheymie. Ang mga kaibigan nga naman nila. Nakakita lang ng gwapo, nakalimutan na ang lahat.
“Ahm, I just have some few endorsements for my patient. Okay lang ba, ladies?” tanong ni  Jam.
“Sure!” korong sagot ng mga kaibigan niya. Nagpa-cute pa na ngiti ang mga ito.
 But before that, let us introduce ourselves. I’m Myka Marinel Catacutan,” sambit nito sabay offer ng handshake kay Jam. Tinanggap naman ng huli ang pakikipagkamay ni Myka.
                “The Queen of Green Haven Farm indeed. Nice to meet you,” sambit ni Jam.
                “I’m Jayda Castillo.” Nakipagkamay din ito ka Jam na may halong konting kilig.
                “The heir of Dernadez Events. Nice to meet you.”  
                “I’m Ayen Mirasol Cerio.” Nakipagkamay din ito sa doctor.
                “The concert queen. Nice to meet you.”
                Gustong matawa ni Vel nang makitang tila nagulat ang mga kaibigan niya dahil kilala sila ni Jam. Hindi na siya nagtaka. Sa pagsubaybay ni Jam sa kanya sa loob ng sampung taon, malamang pati mga asong inalagaan niya, alam nito ang pangalan.
                “And of course, Ate Jheymie. Nice to see you again,” nakangiting pagbati ni Jam dito.
                Vel’s bff smiled. “Same here.”
                “Wait, bakit alam mo kung sinu-sino kami?” tanong ni Aycee.
                “May stalking skill level 999 si Doctor Kent,” sabat ni Vel.
                Kamot-ulong napangiti lang ito. “Well, it’s not actually me. It’s Winona, my secretary.” Napa-oh na lang silang lahat sa sinabi nito. Binalingan nito ang mga kaibigan niya.  “Don’t worry about Vel. She’s fine. And I’ll make sure, she’s gonna be fine for the next few days.” Binalingan naman siya ng doctor. “Vel, ito ang reseta ng gamot mo. Take your meds accordingly lalo na iyong pain relievers and antibiotics.” Iniabot nito sa kanya ang reseta pati ang supot na may gamot.
                “Salamat, Doctor Kent.”
                May iniabot itong calling card. “And here’s my number—”
                “No need. I still have your number... iyon ay kung hindi ka nagpalit.”
                Ngumiti ito sa kanya.  
                Moment of silence took over for the next few seconds. Nakangiti lang sila sa isa’t isa hanggang sa ito na ang unang nagbasag ng katahimikan. “Ahm, pwede ka nang bumalik sa resort para makapagpahinga. ‘Wag ka muna masyadong maglalakad para hindi mamaga ang binti mo. Nagpapatawag na ako ng service para may maghatid sa’yo—”
                “Doc, iyong motor lang ni Kapitan ang available. Kaso wala si Kapitan. Sinamahan niya sina Dra. Monique,” anang social worker.
                “Nasa inyo po ang susi?” tanong ni Jam. Tumango ang social worker. “Sige po.” Bumaling muli sa kanya ang doctor. “Okay lang, sa motor na lang? Ihahatid kita.”
                “Oo! Ihatid mo na siya! Susunod kami!” korong hirit ng mga kaibigan niya.
                Pinandilatan niya ang mga kaibigan. Kayo talaga ang sumagot? Kayo ang pasyente?!  Pasimple siniko siya ng mga kaibigan na parang sinasabi na pumayag na siya at wag nang mag-inarte.
                She sighed. “Sige, okay lang.”
                Few seconds more, natagpuan na lang niya ang sarili na nakaangkas sa motor with her knight in shinning white robe. Nakakapit siya sa balikat nito habang naka-concentrate ito sa pagmamaneho ng motor. And that gave her an access to appreciate his physical features. Jam had broad shoulders. Halata naman na physically good ito, mukhang alaga sa gym at exercise.  She found his nape attractive too. Parang ang sarap noong halikan. May kiliti ka kaya sa batok, Jam?  His back was firm and sexy ganon din ang mga braso nito. Not to mention he smelled so good to her senses. Habang humahampas sa kanila ang hangin ay naamoy niya ang bango ng shampoo nito pati ang perfume nito. Para siyang inaakit ng men scent nito na yumakap. She gave in to temptation though. Inihilig niya ang ulo sa firm back nito and that made her feel better. What the hell is happening to me?  She felt so light at that moment. Iyong tipong wala na siyang maramdamang kahit na anong galit kay Jam… na parang di talaga siya nagalit dito sa mahabang panahon at all. What kind of magic is that? Anong nangyari?
                “Vel, okay ka lang ba?” May himig ng pag-aalalang tanong nito.
                Ngumiti siya at  pumikit. “Yeah, I’m just fine.” I’m fine being this way for a moment.  

               
                MAAGANG NAGISING  si Jam. It was just five in the morning. Huling araw na nila sa Culion. Tapos na ang medical mission.  Araw  ito ng pahinga at bakasyon para sa lahat. Kahit anong pilit ni Jam na bumalik sa pagtulog ay di na niya nagawa. Bumangon siya at lumabas ng kwarto at tumuloy sa common sala ng villa. Iyong tatlong villa houses ay may common sala sa gitna. Humampas sa mukha niya ang malamig na hangin mula sa bukas na pinto ng veranda.  Huling araw na... huling araw na pwede akong lumapit sa’yo, Vel.  
Naging okay ang lahat sa pagitan nila mula nang maaksidente ito sa construction site. Nagkikita sila tuwing umaga para malinis niya ang sugat nito at mapalitan ng bandage. Sa mga sandaling iyon ay halos hindi naman sila nag-uusap. Civil lang siya sa isa’t isa. It was just plain doctor-patient conversation.  At maliban doon, wala na silang encounter. Mukhang umiiwas pa rin si Vel sa kanya. Marahil ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para hindi mag-krus ang landas nila. And Jam got nothing to do with it.  
                 What will happen when we get back to Manila?  Napabuntong-hininga na lamang si Jam.  Tiningnan niya ang wrist watch. It was still an hour earlier than their agreed time to meet every morning. At siguro dahil rest day ngayon ng lahat, late na ring magigising si Vel.  He just decided to wait though.
                He put on his earphone and shuffled some random songs from his cellphone’s playlist.  Isang lumang kanta ang unang nag-play.
                How can I tell you, that I love you... I love you. But I can’t think of the right words to say... I long to tell you, that I’m always thinking of you. I’m always thinking of you. But my words just blow away... Just blow away...
                An image of Vel flashed his mind. Darn it! I can’t fall for you, Vel!  Letseng tadhana. Mai-in love rin lang siya, sa taong imposible pang mahalin siya pabalik. Asar na inilipat na lang niya ang music. Ang pumalit? Huling El Bimbo.
                Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw. Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw. Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig nang tunay...
                His imagination took him somewhere. Habang nakatitig sa nananahimik na chandelier ay na-imagine niyang kasayaw niya si Vel... in a little romantic way. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Damn, is this a curse?   
                Sa sobrang pre-occupied niya ay hindi niya namalayan na may lumapit sa kanya.
                “Good morning, Doctor Kent!”
                Muntik na siyang mapatalon sa pagkakaupo nang biglang sumulpot sa harap niya si Vel. Buti na lang at napigilan niya ang sarili.  Inalis niya ang earphones na nakakabit sa tainga at saka nginitian ito. “G-good morning.”  Awtomatikong naamoy niya ang fresh shower scent nito. And that added to that weird sensation he felt towards Vel. “Ang aga mo ata. You should get more rest. Last day na natin dito sa Culion.”
                “Nasanay na ako sa ganitong gising eh. Ikaw rin naman. Mukhang maaga ka pa rin ngayon.” Umupo ito sa tabi niya.
                I can’t get enough sleep because I’m thinking of you. “Well, I have a patient in Manila that needs some monitoring,” palusot niya. “Doctors are always 24/7 on call.” He intently gazed at her. “Which reminds me, I have to attend to my patient now.”   Kinuha niyang kanyang med kit. “Kumusta ang sugat mo? Masakit pa ba?”
                Umiling siya. “Hindi ko na nga naaalala iyan unless makita ko na may bandage ang binti ko.”
                He lifted her injured leg and put it on his lap. Doctor duties, he removed the bandages, clean the wounds, and put clean bandages afterwards.  Marahan niyang ibinaba ang paa nito sa sahig.
                “Thank you, Doc,” nakangiting sambit ni Vel. 
                “You are always welcome,” tugon niya. Saglit niyang pinagmasdan ang nakangiting mukha nito. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa wristwatch na suot. “Maaga pa naman, can I get you a cup of coffee?” Sana umoo ka.  For he wanted her that close to him... for the last time before they get back to Manila.
                “Sure, no problem. With creamer and a little sugar, please.”
                Napangiti siya. “Noted.” Tumayo na siya. “Babalik ako in few minutes.”
                 Hindi nawala ang nakapaskil na ngiti sa kanyang labi habang tinatahak niya ang daan papunta sa restaurant ng resort. Um-order siya ng dalawang cups ng kape, buttered bread at pancakes. While waiting for his orders ay nakatanggap siya ng text mula kay Monique. 
                Text mo kami ‘pag tapos na ang alone moment mo with Architect Mariole. Saka na kami lalabas  para di kami makaistorbo. Hehehe!
                Nailing na nag-reply siya dito. Sira ka talaga. Pero sige, pahingi pa ng one hour okay? J  
                Bitbit ang in-order na kape at pagkain, bumalik siya sa villa house. Naabutan niya si Vel sa parehong sofa pero may kaharap na itong laptop at may kausap sa cellphone. Dahan-dahan niyang inilapag sa center table ang mga pagkaing dala upang hindi ito maistorbo. Tahimik na umupo lang siya sa tabi nito.
                “Okay, Sir noted,” sambit nito sa kausap. Tumingin ito sa kanya. “Actually, no need to forward it to Miss Winona. I can get the approval now. Dr. Kent is here. Yeah,  kelan ba ako nag-joke, Boss Earl? I’ll take charge of it.”   The call ended.  Inilapag nito sa center table ang cellphone. “Ah, Doc may kailangan kaming ipa-approve sa’yo na design para doon sa beach front villa—”
                “Kasisikat pa lang ng araw, work ka na agad?” he interrupted.
                “I have a monster boss named Earl,” natatawang sambit  ni Vel. “Hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan ko para sa resort mo.”
                “Dahil ako ang client?”
                Umiling ito at natawa. “Hindi. Dahil Boss Earl is such a monster boss.  May mga designs na approved na kay Sir Golen pero ayaw niya kaya babaguhin uli bago ipadala sa’yo. Wala siyang pakialam kung magpakabaliw ang team ko, makatapos lang ng design. He is always like that. Pag ayaw niya... ayaw niya.”
                He just nodded. “I see.” A genuine impish smile plastered his face. “So architect, anong kailangan mo sa akin?”
                She matched it with a grin. “Iyong oo mo... sa design.”  She showed him her laptop. “These are the two choices for the design of the porch.”
Iyong isa ay made of fine wood, may hammock on the right side, at wooden furnitures on the left. The other one is made of concrete cement and steel outdoor furniture.  Both designs are quite appealing and impressive. “Hmm, let’s say, what if that beach villa is yours. Kung ikaw ang masusunod sa design ng porch, anong pipiliin mo?” tanong niya rito. He turned to her.
“Ako? Well honestly, wala sa dalawa ang choice ko.” May hinanap ito sa files sa laptop  pagkatapos ay may ibang design na pinakita sa kanya. “Iyan talaga iyong una kong design pero hindi approved kay Boss Earl.”
They set their glances in the laptop. Made of wood ang flooring ng porch pati furnitures pero may glass wall paired with wooden curtain blinds made of fine bamboo from ceiling to floor. May rocking chair at wooden love seat full of pillows sa right side. Jam couldn’t deny that the design was also impressive. Actually, he liked it....even better.
He turned to Vel. “So, bakit ganito ang design na gusto mo?”
“Well, naisip ko kasi pag nagkaroon ako ng sarili kong beach villa, gusto ko paglabas ko sa porch may complete access ako sa magandang view ng dagat but still I want my privacy intact kaya may glass wall. Masyado daw secluded sabi ni Boss Earl kaya pinaalis niya sa akin iyong glass wall like one of those two designs I showed you a while ago. ”
He nodded. “Actually, this is good. Curious lang ako. What are the blinds for?  Talagang ceiling to floor?”
                “Well that is for more intimate thing.  Naisip ko kasi pag nagkabahay ako by the beach maybe I could be with the man I love.  Alam mo na.” Itinuro nito ang area kung saan nakalagay ang rocking chair at love seat. “And this area is perfect for some intimate love-making thing with my man—”
                Kapwa sila natigilan sa mga pinagsasabi nito. He noticed her cheeks turning red  and he felt something weird kaya bago pa kung saan mapunta ang titigan nilang dalawa ay umiwas na siya ng tingin. How did she talk about it like it’s nothing? Awkwardness surrounded them.
                “Ah, I mean... Iyong concept ko kasi sa beach villa is intended for... newly weds, honeymooners... you know.”
                Dinampot ni Jam ang  tasa ng kape. “Got it.” Humigop siya. “Iyong kape, nagsisimula nang lumamig. Uminom ka na,” he said, trying not to look at her.
                “Oo nga,” tipid nitong sagot nito nang kunin nito ang tasa ng kape para dito.
                Katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Kapwa  parang gustong ma-wash out na lang ang awkwardness sa pagitan nila.  Tahimik nilang pinagsaluhan ang agahan. Pasimple niya itong tinitingnan. And damn! The way she sips her coffee and bites her buttered bread was kind of... sexy.   The idea of the porch with intimate love-making flashed his mind.  Jam, stop it. It’s not good for you.  
                “Doctor Kent... so... anong design ang prefer mo?” pagkuwa’y tanong ni Vel.
                He set his eyes on her. “I like that porch with intimate privacy thingy,” wala sa sariling sagot niya. Huli na para bawiin. “Ah... I mean, I like that design with glass wall. Tama ang concept mo. It can be a perfect getaway nest for couples.”
                Parang muling naging awkward si Vel. Umiwas ito ng tingin at inisang lagok na lang ang natirang kape sa tasa nito. “Okay noted.” Ibinaba nito ang tasa sa center table. “Ahm, salamat sa breakfast, Doc. “ Binitbit nito ang laptop at tumayo. He did the same. “I... have to go.  Kailangan ko pang mag-work para masimulan na itong design na napili mo.”
                He nodded. “Thanks for the time.”
                She nodded, too. “See you around.”   


                BACK TO Manila. Back to work. Halos maghapong nakatitig lang si Vel sa laptop niya sa loob ng opisina. It’s been two days mula nang makabalik siya roon mula sa Culion.  Nakakulong  lang sa opisina si Earl kaya kahit papaano ay matiwasay at tahimik ang buong department.  Rare scenario na ngayon na hindi nila naririnig ang boss nila na nagsisigaw. May everyday hobby kasi itong manghalimaw ng empleyado araw-araw.  
                Akala niya ang mananatiling tahimik ang araw niya until naka-receive siya ng chat mula sa Boss Earl.
                Let’s talk in my office now.  
                Agad siyang tumayo at pumunta sa separated office ni Boss Earl. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Earl na nakasandal sa swivel chair  na inuupuan nito at nakapikit. His cheeks were slightly in red as well as his nose. Mukhang may sakit ito.
                “Boss Earl?”  Ang gwapo mo talaga. Lalo na sa anggulo na ito. Para kang anghel at hindi monster.  Pinilit ni Vel na wag mapatawa sa tinatakbo ng isip niya. Indeed, he was more gorgeous while sleeping.
                Bigla itong naalimpungatan at umayos ng upo.   “Andyan ka na pala. Have a seat.”
She did. “Kaya ka pala nagkukulong dito sa office mo kasi may sakit ka.”
“This is just some colds. I’m fine—” Naputol ang litany nito nang bigla itong napaubo. “Sorry.”  
                “Well, mukhang di ka okay. Umuwi ka ng maaga at magpahinga ka,” she said with a smile.
                He grinned. “Concern?”
                She matched his grin. “Hindi, gusto lang namin ng konting peace ditto sa office,” biro niya na ikinasimangot nito. “So anong kasalanan ko at pinatawag mo ako Boss?”
                Still in frown, he gave her a folder.  “I still don’t get it na iyang design na iyan ang pinapagawa ni Dr. Pelesso. It’s not part of the options.  Ipinilit mo sa kanya ang gusto mo? How the hell that thing happen?”
                “Na-explain ko na iyan sa’yo. He’s in Culion. I directed the concerns to him. He asked my expert opinion and gave him what he asked.”
                “By pushing a design which was not even part of the choices that you should had presented? Ni hindi ko nga in-approve iyan di ba?” He talked as if she did a crime.
                “Hindi ko ipinilit sa kanya ang design na iyan. Pinakita ko lang. Malay ko bang iyan ang magugustuhan niya?”
                Pinagsalikop nito ang kamay habang ang dalawang siko ay nakapatong sa arm rest ng swivel chair nito.  “Tell me. What exactly happened in Culion?”
                “Ha?” Nagulat si Vel sa tanong nito. Kung papatulan niya ang nakikita ng kanyang mata, mukhang hindi naman ang design ang nirereklamo ni Earl kundi ang kung anumang naging connection niya kay Jam habang nasa Culion sila.
                “Vel, bago ka umalis papunta sa project na iyan sa Culion, you hate him. He was like a dark curse of your life. Ni hindi mo siya gustong makita. Tapos sa Culion, you seemed to forget about that.”
                “I’m just trying to give him a fair chance of forgiveness. Di ba iyon din ang payo mo? So now, anong problema mo sa pakikipag-usap ko kay Doctor Kent?”
                Tila ito naman ang nagulat sa tanong niya. “W-wala.”
                She grinned. “Jelous?”
                 Umayos ito ng upo. Itinukod nito ang mga siko sa mesa at pinagsalikop muli ang mga kamay habang matamang nakatitig sa kanya. “Do I have the right? Bigyan mo ako at baka magselos nga ako.”
                Mapagpatol talaga.  “Alam mo, lagnat mo lang iyan. Umuwi ka na at magpahinga,” pag-iwas niya. “You have nothing to worry about Jam and his resort, okay?” Tumayo na siya.
                “Sa’yo ako nag-aalala.”
                That melted some part of her heart. Minsan talaga,  di niya maiwasang matuwa sa concern na binibigay ni Earl sa kanya. Kahit na sabihing hindi naman niya ma-classify kung anong meron sa pagitan nilang dalawa. Para kasi sa kanya, her Boss Earl was special. Hanggang doon lang muna. Mukha naman din kasing wala itong balak magkarelasyon. Puro lang ito pagpapa-cute.   
                Bumaling siya dito at ngumiti. “Don’t worry about me. Sinasabi ko sa’yo, okay lang ako.”  Wala na siyang narinig  mula rito kaya nagpasya na siyang umalis. Nakapaskil pa rin ang ngiti sa kanyang labi nang lumabas siya ng opisina nito.
                Bumalik siya sa working station niya. And since wala naman siyang masyadong ginagawa, may oras pa siyang magpetiks bago ang uwian. Kinuha niya ang cellphone sa drawer at  nag-online. Nakita niyang may mga  FB messages mula sa group chat nilang magkakabarkada.
                Napakamot siya ng ulo nang bumungad sa kanya ang mga pictures ni Jam nang buksan niya ang group chat thread. Mukhang walang magawa sa buhay sina Aycee at Jayda kundi ang mag-stalk  sa social media. Flooded ang mga Instagram post ni Jam sa group chat nila. Myka even added  Monique to that group chat. Iyon tuloy, lalong gumulo ang usapan.  Vel took her time back reading.
Jayda Castillo: Look Vel, Doctor Kent is so papable!
It was followed by screenshot photos from Jam’s Instagram account.  Oo, hindi naman maipagkakaila na  gwapo ang doctor. Ang siste, hindi comfortable si Vel na pinagtutulakan siya ng mga kaibigan  kay Jam. Nasundan pa iyon ng mga photos na si Aycee namana ng nag-send.  
She keyed her reply nang makaabot siya sa last message. Wala na naman kayong magawa sa buhay n’yo.
Myka replied: Wala na bang pag-asa talaga sa puso mo si Doctor Kent? Kasi kung wala, amin na na lang siya!   
                Jayda: Akin na lang siya!  @ Monique, anong oras clinic schedules niya? Papa-check up ako ng mata pati na rin puso!     
                Aycee: Pa-check up ko kaya si Mama sa kanya kahit okay naman ng mata ni Mama?  
                Jheymie: Tinamaan na naman kayo ng kalokahan.
                Vel: Oo nga, di pa kasi natuturukan ang mga iyan. Haha.
                Monique: Ay wait, send ko iyong schedules niya. Pero mas okay kung kay  secretary na kayo dumiretso para appointment agad. Di ba may number ka ni Winona, Vel? O baka pati number mismo ni Doctor Kent, meron ka.
                Jayda: Ay pahingi!
                Vel: I can’t disclose their numbers to you guys. Dangerous.
                Aycee: Damot!
                Jheymie: Wait, andito pala sa office si Doctor Kent. Gonna go.  
                Myka: Why, Jheymie? Why? May Cedrick ka na!
                Napatawa na lang si Vel. Though, curiosity came across her mind. Anong ginagawa ni Doctor Kent sa Organ For New Life Foundation? Maybe work related.  Nagkibit-balikat na lang siya.


PREVIOUS                                                                    NEXT

Comments

dexter manuel said…
Ang tagal ko inantay hehheheheh salamat po! sana may next na agad ate melai. heheh
Chreslane said…
Sana may next chapter na. Hehehe
Melai said…
Thank you for reading kahit ang tagal long mag-update. hehehe. Sinusulat ko na iyong kasunod.
Asan na ang author? wala na yatang update ^_^ ...

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…