Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin- Chapter Eight



Nakatulala si Danica habang wala sa sariling pinapaikot-ikot sa kamay ang susi ng bago niyang sasakyan. Cielo surprised her with a brand new Rolls Royce car noong mismong araw na nanalo sila sa basketball game against Babe Dancers.   Sinubukan niyang i-drive ang kotse nang mag-isa kanina lang. It went out good but her attention was easily taken away from the new car.  The name Lifli and the confusing conversation she overheard that day kept on haunting her.

                Kasalukuyan siyang nakasakay sa elevator, on her way to 10th floor kung saan siya nag-oopisina. Right after she married Cielo, she was given another position to hold in the company. Kaya maliban sa pagiging tv show host, siya na ang Department Head for Creative Shows and Entertainment. Ito ang huling position na hinawakan ng asawa niya bago ito maging CEO ng P-Mart.

                Maraming nagtaas ng kilay nang mapunta sa kanya ang pinag-aagawang position. She’s hearing a lot pero deadma lang siya. As long as the Pontez clan believes in her capacity to do the job then she’s fine with it. 

                Sa kalagitaan ng pag-akyat ng elevator ay huminto iyon at bumukas sa third floor. Pumasok sa loob si Herzon.

                “Good morning, Ate Danica,” bati nito sa kanya kasabay ng pagsara ng pinto. Sila lang dalawa sa loob noon.

                “Good morning,” tanging nasagot niya. Sino ba si Lifli, Herzon? Gusto sana niyang itanong iyon para matigil na ang curiosity niya pero takot siya sa maaaring malaman. “Herzon...”

                “Yes?”

                “Bakit.... hindi ka pumunta noong kasal namin ng kuya mo?”   she asked instead.



                “Huh?” tila nagulat ito sa pagtatanong niya.

                Tumawa siya. “Sorry, nabigla ba kita sa tanong ko? I just wanna know what’s going on between you and  Cielo—”

                “Sa kanya ka na lang magtanong ate,” he said in his coldest way.  “I’m sorry if I wasn’t there on your wedding day. For sure hindi naman magugustuhan ng kuya ko kung sakaling pumunta ako kaya hindi na ako noon nag-abala. We’re not in good terms. That’s all I can say. Kung may gusto kang malaman, siya ang kausapin mo.”

                Oh, that was really cold.  “Okay.” Hindi na lang siya nagtanong uli.

                The elevator opened in 5th floor. “Mauna na ako,” he said without even looking at her.

                In just a snap, nag-iisa na uli siya sa elevator. Hindi talaga ma-gets ni Danica ang problema. Sa pagkakatanda niya, malapit sina Cielo at Herzon sa isa’t isa until they both went to South Korea to pursue their studies.  

Something happened in South Korea for sure. I have to know. 

Pagkarating niya sa opisina niya ay sumunod sa kanya ang kanyang secretary. “Ma’am, may for final job interview po kayo for new Executive Producer position.” Iniabot ni Chelsey ang folder sa kanya.

“Okay.”  Umupo siya sa swivel chair. “Ano pa’ng nasa schedule ko today?”

“You have a panel meeting with Goodmorningkada staff and crew at 10am. Lunch date with Mr. Cielo at 12nn, 3pm call time for your Keithan Apparels endorsement shoot and 7pm call time for The Big News Tonight.”

“Thank you, Chelsey.” She opened the folder and got stunned. The name Lifli Lucas appeared on her face. “I-iyong for interview... let her in.” 

“Okay, Ma’am.” Lumabas na ng office ang secretary niya.

                Hindi alam ni Danica kung bakit siya kinabahan. She felt like something not good may happen. Habang hinihintay niyang pumasok sa office si Lifli ay inabala niya ang sarili sa pagpasada ng basa sa credentials nito.

                A graduate of Mass Communication just like me. A fashion model in South Korea, finished studies in television production... same studies that Cielo had...same school... same year...

                “Good morning!”

                Napalingon si Danica sa may pintuan. Nakatayo roon si Lifli Lucas, in her simple yet elegant corporate dress. Sa tindig pa lang nito, hindi maipagkakaila ang pagiging model nito. Not to mention that she’s indeed beautiful.

                Ilang segundong nakatingin lang si Danica rito. Masasabi niyang may laban ang babaeng ito when it comes to face value and confidence. Anong connection mo sa asawa ko?  Curiousity showered her head again. She already had a hint na magkakilala ito ang asawa niya. But she could feel that she had to know more.

                Makahulugang nginitian niya ito. “Have a seat, Miss Lucas,” sabi niya sabay turo sa visitor’s chair.

                “I’ve read your credentials and it’s impressive. I just need to ask some more questions.” Sa mga sumunod na segundo ay tinanong niya ito ng may kinalaman sa ina-apply-an nitong trabaho hanggang sa mapadako sila sa personal matters. “You studied in South Korea right?”

                “Yes, Ma’am.”

                “Same year and same school where my husband studied. Do you know my husband?” she firmly asked.

                “Cielo and I were good friends way back then but I don’t have any communication with him anymore. So you can say that we’re ex-friends.” Hindi nagpatinag si Lifli. Nakatitig lang din ito sa kanya na waring sinasabi sa kanyang hindi ito natatakot sa pangi-intimidate niya.

                “Cielo is a busy person so forgive him for being disconnected to you.”

                “It’s fine with me, actually.”

                “And how about Herzon?”

                “I’m his girlfriend or a live in partner. I want to be called a wife though but we’re not legally married.”

                Nagulat si Danica. Seriously? Herzon is just twenty two. And this woman is few years older than him. “I don’t know that he’s in that serious relationship.”

                “I’m not surprised. I’m someone who’s kept hidden.”

                “Because he’s too young to be in relationship and he’s not even allowed to get married? Why do you settle in this kind of—”

                “You’re asking too much, Ma’am. I can’t answer that.”

                Danica sighed. “I’m sorry. Do you have a child?”
                “Yes.”

So ang batang tinutukoy ni Herzon ay anak pala nila.  Medyo nakahinga si Danica nang maluwag sa mga nalaman.

                “Miss Lucas, why should I hire you?”

                “I already have an impressive background being an EP and I believe that I can contribute a lot in the progress of Pontez Media. And on a personal note, my son is a Pontez. Soon I hope I can carry that surname too and be part of the family. I believe... I deserve to be here.”

                    A part of Danica felt sorry for this woman. Itinatago ito ng pamilya sa publiko dahil hindi magandang publicity na ang isa sa mga Pontez ay maagang nag-asawa at isang batang ama.  Maybe Lifli loves Herzon that much to stay beside him despite of the hardship.  May gusto itong patunayan... na pwede rin itong maging parte ng pamilya katulad ng gustong ipaglaban ni Herzon base sa na-overheard niya noon.  Kung siya nga na kasal na kay Cielo ay hirap pa ring patunayan ang sarili na deserve niya ang apelyidong iyon, ito pa kayang si Lifli ang hindi mahirapan? Somehow ay naka-relate siya dito.

                “Alright then. Miss Lucas, welcome to Pontez Media. You’re hired.”

  
                ABALA SI CIELO sa pagpapakain sa mga alaga niyang aso habang ang asawa naman niya ay nakaupo sa couch sa loob ng air-conditioned dog house at nakikipaglaro sa mga asong inaalagaan nito. Tuluyan na ngang nalagpasan ni Danica ang fear nito sa mga aso. Medyo lumalaki na rin ang mga puppies na inalagaan ni Danica mula pagkapanganak.

                “Danica baby, how’s driving with your new car?”

                “It’s fine. Kaya lang nag-aalala ako. Baka ma-carnap lang iyon sa akin,” tila walang ganang sagot nito.

                 “Don’t worry. Lagi ka namang may kasamang security—” Natigilan si Cielo nang balingan niya ang asawa. Nakatulala ito habang hinihimas nito ang katawan ng alagang aso na nakadapa sa binti nito. “Hey baby, what’s bothering you?”

                Biglang napunta sa kanya ang atensyon nito. “Cielo baby, what happened between you and Herzon? Bakit galit siya sa’yo? Nakasabay ko siya sa elevator kanina and direkta niyang sinabi sa akin na hindi kayo okay. Sa naaalala ko, malapit kayo sa isa’t isa noon. Anong nangyari?”

                Cielo sighed. He knew he would face this scene but he never thought that it would be this soon. Maybe I could share a bit but not the whole thing for now. “I failed to be a good kuya, I guess.”

                “Pag-usapan natin over coffee?” nakangiting tanong ng asawa niya.

                “Better.”

Tinulungan muna niya si Nica na magbalik ng mga aso sa specific dog cages bago sila lumabas ng dog house.  They ended up in the veranda with cups of coffee. Magkatabi silang nakaupo sa long bench.

“So, anong pinag-awayan ninyong magkapatid?” tanong ni Nica.

“I actually don’t know how this started. When I went to South Korea and held responsible with my siblings, naging disciplinarian ako. Ang iniisip ko lang noon, everything shall fall into places. Inalagaan ko sila ni Ashley, dinidisiplina ko kung kailangan. I trained them to be better than me. Malaki ang responsibilidad ko bilang panganay and I expected too much from them. Herzon was doing good at first.  Until he fell in love and started to act like a love sick puppy.”

“You mean, na-in love siya at dahil doon napabayaan niya ang studies niya?”

He nodded. “He failed in school. Umuuwi ng dis-oras ng gabi. Walang ibang ginagawa kundi ang lumabas kasama iyong babaeng kinalolokohan niya.Nagsimula siyang magbago. Naging pasaway. Nawala sa isip niya iyong dahilan kung bakit kami nag-aaral sa ibang bansa. Na kailangan naming aralin ang mundo ng media ng Koreans para mai-adopt dito sa Pilipinas para magkaroon ng something new to offer ang kumpanya. Na kailangan naming manatiling nasa top ng klase. All of a sudden, lahat ng lumalabas sa bibig niya ay puro tungkol doon sa babae na iyon.” Humigop muna siya ng kape bago nagpatuloy. “He’s just seventeen way back then. Anong alam ng isang binatilyo sa love, right? The moment I realized that he’s already too much, nagsimula akong disiplinahin siya. Hindi niya nire-recognize ang pagdidisiplina ko kaya  gumawa ako ng paraan to take that distraction away from him. Lalo kaming nagkagulo hanggang sa lumala ang away namin.”  

“Alam ba nina Mama Zhei at Papa Herald iyan?”

“Si Papa lang ang may alam ng lahat. We don’t wanna hurt Mama.” He sighed. “Hindi ko na naayos iyong gulo namin.  Kaya pakiramdam ko, I’m a big failure.” Ibinaba niya ang empty na tasa sa lamesita.

Lumapit sa kanya si Nica at niyakap siya. “No. You’re not a failure. You’re just an eldest son who tried to be the best. Pamilya kayo. Maaayos din ‘yon. You’ll gonna be fine.” Danica gave him a quick kiss on lips that made him smile.

He embraced his wife on her waist and lovely set his glance on her expressive pair of eyes. “As long as you’re here with me, I’ll always be fine. I love you baby!” He awarded his wife some sweet fiery kisses.

“Cielo baby, iyong babaeng tinutukoy mo, siya ba si Lifli Lucas?”

“Ha?” Umiwas siya ng tingin sa pagkabigla. Pero muli niyang ibinalik ang paningin sa asawa bago pa ito makahalata. “H-how did you know about her?”

   Does Nica knows everything at sinusubukan lang niya ako kung magsasabi ako ng totoo? Damn it! What will I do?  

“I hired her kanina. Nag-apply siyang EP. May recommendation letter pa nga mula kay Papa Herald sa application files niya. I interviewed her and found out that you’re friends way back in Korea and she’s now living with Herzon.”

“I never know that they’re really living together now.” All along akala ni Cielo ay sinabi lang iyon ng kanyang kapatid. How could a young man do drastic decisions like that? “See? Ang bata pa niya, nag-asawa na siya agad... well, something like that because they’re not allowed to get married without my parents consent. Ni hindi siya nagpaalam sa magulang namin kung pwede na siyang umako ng responsibilidad.” Na dapat ay sa akin... Muntik na niyang masabi iyon. Buti napigilan niya ang sarili. “Ni wala pa siyang napapatunayan sa kumpanya.”  Lalo siyang na-frustrate sa sitwasyon niya. He knew he was already in trouble. Soon malalaman na lahat ng asawa niya ang buong kwento and that scares the hell out of him. Napapikit siya ng mariin out of frustration.

“Cielo baby, wag kang ma-stress okay? Andyan na iyan. As my interview with her gone by, medyo naawa nga ako kay Lifli. Hindi pa siya mapakasalan ni Herzon. Tapos may anak pa sila. Alam mo ba iyong tungkol sa anak nila?”

Guilt covered Cielo’s heart.  Oo, anak ko siya eh.  “Yeah, I heard.”

 “O di ba? Ni walang recognition ang bata. Nakatago sa publiko ang mag-ina. That’s sad.” Yumakap ang asawa niya sa kanya at humilig sa kanyang dibdib. “It made me feel a bit luckier. Kasi ako, pinanindigan mo ako. Pinakasalan mo ako. Minahal mo ako, at paulit-ulit mo akong minamahal. You  became more than what your father wanted you to be. A loving husband, son, brother... and loving father for sure kapag nagkaanak na tayo.”

Something clenched his heart as he heard what his wife was saying. Alam ni Cielo na hindi niya deserve ang papuring iyon. Dahil isa akong sinungaling na tao at iresponsableng ama. I’m sorry! He tried his best to hold his tears. “I’m trying to be that person, Nica.” He kissed on her pate. 

“For me, you already are.” She moved a bit to face her. “Wait, ibig sabihin pinaglayo mo si Herzon at Lifli noon?” He nodded. “Eh di galit din si Lifli sa’yo?”  He nodded again. “Oh, so that what ex-friends means.”  

                “Don’t think about these things too much, Danica baby.”

                “A talk show host loves thinking and asking a lot. Parte iyon ng ganda skills ko!”  sabi nito sabay tawa.

                He awkwardly smiled. He was praying hard that it would be the last time that she would think about it and ask questions. Dahil pag lumalim pa ang analysis ni Danica sa situation, hindi nalalayong matukoy nito ang buong kwento.

                He lovingly grinned to her as he held her closer to his body. “Let’s do something else better than that ganda skills you’re talking about.”  He grabbed her nape and leaned down to give her another sweet feiry kisses indeed. “I love you so much baby.”

                “I love you more, Cielo baby.” She then pulled him closer to her again. 
               

                IT WAS another jam-packed night at Senang Hati. Masayang naki-party si Danica kasama ang kapwa niya team backstage habang on stage ang Karisma Band. Hamiel and Cielo were singing their rendition of the the famous Despacito while dancing in a little sexy way.  Good moving music, Karisma Band plus cocktail drinks. It was indeed a nice party night. Sumasayaw din ang team backstage sa isang sulok malapit sa stage. Ganon nila pinakita sa banda ang suporta nila para sa kanilang love ones.

Come on over in my direction
So thankful for that, it's such a blessin', yeah
Turn every situation into Heaven, yeah
Oh, you are...
My sunrise on the darkest day
Got me feelin' some kind of way
Make me wanna savor every moment slowly, slowly
You fit me, tailor-made love, how you put it on
Got the only key, know how to turn it on
The way you nibble on my ear, the only words I wanna hear
Baby take it slow so we can last long....


                Sa kalagitnaan ng mga taong nasa party mode ay namataan niya ang mga members ng Babe Dancers. Ngumiti sa kanya si Jessie bilang pagbati. She smiled back, tanda na wala na siyang nararamdamang selos.  Wala naman talagang problema sa pagitan nila. She also found out that these girls have a good heart. Sa katanuyan, nangunguna pa ang grupo sa pag-volunteer sa isang outreach program na ino-organize ng Pontez Group of Companies at HBH Network Foundation.  Nagkalat din sa audience ang ilang mga kilalang bachelors ng bansa, mga artista, models at young businessmen.

                Matapos ang kanta ay nagpaalam siya sa grupo para sumaglit sa restroom. Habang nasa isa sa mga cubicle roon ay may na-overheard siya mula sa mga babagong dating.

                “Jessie, sabihin na natin kay Miss Danica hangga’t maaga pa.”

                She recognized that voice. It was Annie, one of the Babe Dancers.

                “Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya. Baka naman kasi mali iyong nakita natin. Eh di nag-away pa iyong mag-asawa. Kasalanan pa natin.”

                Another familiar voice from Jessie.  Napakunot-noo si Danica sa narinig. Bigla siyang kinutuban nang di maganda. 

                “Ano pa bang malabo do’n? Kita naman nating dalawa iyong nangyari. Dinig pa nga natin eh.”

                “Annie, hindi ko kayang sabihin iyong nakita ko—”

                “Ano ba iyon?” Lumabas na si Danica sa isa sa mga cubicle. Gulat na gulat ang dalawa nang balingan siya. “Did you see my husband somewhere?”

                She remembered a scene yesterday morning. May kung sinong kausap si Cielo habang inaakala nitong nasa loob pa siya ng banyo. Sa narinig niya ay nakikiusap ang kanyang asawa na sana ay makipag-meet ang taong kausap nito sa kabilang linya. Hindi rin nakatakas sa kanyang hinala na may nililihim ito dahil bahagya itong namutla nang usisain niya kung sino ang nakausap nito.  He just said na client daw iyon. Lalong lumakas ang kutob niya.

                “Miss Danica...”

                “Please, Jessie. Tell me what you know.”

                Kinuha nito sa bulsa ang cellphone and started browsing. Pagkatapos ay alanganing iniabot nito sa kanya iyon. Tumambad sa kanya ang mga stolen shots photo showing her husband carrying a little boy and beside him was indeed Lifli Lucas. Kuha sa hotel lobby ang larawan. Natigilan siya. 

                “Nakita namin si Cielo kasama si Miss Lifli sa Neryz Ennael kagabi,” litanya  ni Jessie.

                “Maybe you’re just misinterpreting the scene. Lifli is Herzon’s girlfriend and Cielo’s friend,” sabi ni Danica. Pero sabi ni Lifli, hindi na sila friends. Can they be more than that?  She doesn’t want to entertain the thought but she  believed there’s something more than what she knew.

                “I hope na mali kami, Miss Danica. Nag-check in sila sa hotel room sa katabing unit kung saan kami nag-check in ng mga kapwa ko Babe Dancers,” sabat ni Annie.

                Ibinalik niya ang cellphone kay Jessie. “Can you send me those pictures?” Pinilit niyang pakalmahin ang sarili habang hinihintay na malipat sa cellphone niya ang mga pictures na iyon. Nang matapos ay makahulugang tiningnan niya ang dalawa. “Can you do me a favor?  Sana hindi na ito kumalat.”

                “We’re on your side, Miss Danica. Hindi kami sigurado kung kami lang ang nakakita sa kanila. Pero makakaasa ka. This will be kept hidden,” sabi ni Jessie.

                “Thank you, Jessie.”

                Lumabas na sila ng restroom na parang walang nangyari. Danica tried her best to remain calmed even though right at that moment, she wanted to freak out.

                Nanginginig pa rin ang kamay niya nang makabalik siya sa mesa ng team backstage. “Golen, c-can you get information from Neryz Ennael kung nag-check in nga roon si Lifli Lucas kahapon?”

                “Why? May nangyari ba sa’yo sa restroom?” nagtatakang tanong ni Golen.

                Hindi niya napigilan ang luhang nakatakas mula sa kanyang mata. “Please don’t ask. Just do it.”
                “Okay, wait!” Golen immediately took a call while the others were kept on asking her if she’s alright.

                “Anong nangayari, Nica?” tanong ni Zeth. Iling lang ang sagot niya.

                “May problema ba?” tanong ni Sophia. Iling lang din ang sagot niya.

                Dumating si Phi Nat na may dalang drinks. Agad siyang napansin nito. “What the hell happened  to you? Bakit ka umiiyak?”  Umiling at humikbi lang siya.

                “There is a check in record under Lifli Lucas yesterday afternoon at 2pm. Nag-early check out daw ito ng 8am kaninang umaga...” sambit ni Golen.

                “D-did she has a guest last night?”  Cielo went home late. Mga bandang ala-una na nga ng gabi ito nakauwi. Alam niyang wala naman itong gig. Ang sabi nito ay nag-OT ito sa trabaho. Mukhang alam  na niya kung kanino ito nag-OT.   “Please, Golen. Tell me everything!”  

                He sighed. “Cielo was in her guest list.”

                Para iyong bombang sumabog sa puso ni Nica.  Natutop niya ang bibig para pigilan ang tuluyang paghagulgol sa pag-iyak. “S-so it’s true. He’s having an affair.”

                “What?” gulat na tanong ng tatlo.

                Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, Agad siyang tumayo. “I-I have to go. I-I need to leave.”


                Hindi na niya hinayaang may makapigil pa sa kanya o ang may makapansin sa nangyari. Agad siyang  lumabas at tumakbo sa parking lot. Kailangan niyang umalis sa lugar na iyon. Kailangan niyang tumakbo palayo sa nagbabadyang pagguho ng pagmamahal niya kay Cielo. 



PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…