Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter Six



Jam was busy swiping his phone screen from left to right and vice versa. Nakatitig lang siya sa cellphone niya kung saan nakatambad ang dalawang tanging pictures ni Vel na meron siya. It was taken during that day na inihatid niya ito sa San Juan Batangas… noong mga panahong kaibigan pa ang tingin sa kanya nito at hindi kriminal. He sighed.

Kasalukuyan siyang nakasakay sa van mula Busuanga Airport to Coron, Palawan kasama ang mga kapwa niya volunteer doctors at nurses. Sumama siya sa isang volunteer medical mission ng Tolentino-Ferrer Medical Center na gaganapin sa Culion, Palawan.  Kaysa nga naman magmukmok at magsayang ng oras sa kung saan-saang club sa Manila, mas mabuti pang maging abala na lang siya sa mabuting gawain. It’s been months. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung gaano katagal pa kaya siya maghihintay na mapatawad ni Vel. He somehow missed her. Nami-miss niyang panoorin ito habang galit na galit nitong itinatapon sa basuruhan ang mga binibigay niya dito. Hindi na siya umuuwi sa condo unit niya para na din maiwasan ang chances na magkasalubong silang dalawa at mabali niya ang pangako ditong hindi na muling magpapakita. 

Bakit kita nami-miss, Vel? Hindi niya alam ang sagot sa tanong. He just felt it.  And that added frustration to his state. Patuloy pa rin siya sa pag-swipe sa screen ng phone niya nang biglang magsalita si Arthwil na inakala niyang busy sa pagtulog. Gising na pala ito at inuusisa siya.  
             
         “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on sa babaeng niligawan mo ng sampung taon, pare?” tanong nito.

                He immediately took away his phone from Arthwil’s view. “Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko siya nililigawan? Pagbubuhulin ko kayo ni Winona pag napikon na ako.”


                Tumawa ito. “Okay, hindi mo siya nililigawan pero sinusuyo mo—”

                “For her forgiveness!” giit niya.

                He nodded. “Fine. Pero teka lang nga. Ang tagal mo nang kinukwento siya sa akin pero never mo pang nabanggit ang pangalan niya. Kahit nga kulitin ko si Winona, ayaw niyang magkwento—”

                “Oo nga, sino siya? Curious din ang beauty ko eh!” Monique popped out from the back seat. She’s one of his friends, too. Isa siyang Pediatrician. Kanina pa pala itong nakikinig sa usapan nila.

                “Hey, alam mo iyong guy’s talk, Monique?” pakli niya. “Para kang kabute, bigla-bigla na lang sumusulpot.”

                “Eh ano? Lalaki ako ngayon. I’m a woman of flexible genders. I can be a man or a woman or gay or lesbian. Now, lalaki ako.  So, may picture ka ba niya? Chicks ba?” nakangiting litanya ni Monique.

                Napailing lang siya, at napatawa naman si Arthwil.  Iniabot niya ang cellphone sa mga ito. Nag-agawan pa ang dalawa.

                “Hey, babae muna!” agaw ni Monique sa phone.

                “Akala ko ba lalaki ka ngayon?” reklamo ni Arthwil sabay bitaw sa phone.

                “Kanina iyon. Case to case basis ang gender ko.”  Tiningnan na nito ang photo. Hindi pa nakuntento si Monique at nagawa pa nitong i-zoom ang picture para mas malinaw nitong makita.  “Oh no! Do you believe in destiny, Jam?”

                “Whatever!”

                Tinapik ni Monique ang balikat niya. “I know her! She’s Vel. Nagtatrabaho siya sa company ng tatay ko—”

                Inagaw ni Arthwil ang cellphone dito at tiningnan ang picture. “No way! She’s my Ate’s best friend? Pare, you’re in trouble!”

                “Stop, guys. I know na kilala n’yo siya kaya hindi ko sinasabi—”

                “I mean it, pare. Di ba nangako kang hindi magpapakita sa kanya para mapatawad ka niya?” He just nodded. “Well, magsimula ka ng magdasal na sana hindi kayo magkita kahit napakaliit ng Culion.”

                Kunot-noong binalingan niya si Arthwil. “You mean nasa Culion din si Vel?”

                “I heard Dad saying that Vel is representing the company for a school building project sa Culion,” sabi ni Monique.

                “And that project was a joint project of ZLCD Realty and Catacutan Group of Companies. Kaya nga ang buong pamilya ko ay nasa Culion na ngayon. Nauna silang dumating. Two days na sila roon,” sabi ni Arthwil.

                Napangiwi na lang si Jam. Mixed emotions were covering his heart. Excited siyang makita si Vel, kahit sulyap lang... kahit sa malayo. At the same time, takot siyang makita nito. Baka kasi isipin nitong bumabali na siya ng pangako.  You’re in trouble, Jam. Big trouble.  


                   MAAGANG NAGISING si Vel. Ang mga room mates niya, sina Jheymie at Myka ay tulog na tulog pa. Hindi na siya muling dinapuan ng antok kaya bumangon na siya, nag-ayos ng sarili at tumambay sa veranda ng villa house na tinutuluyan niya kasama ang pamilya nina Jheymie at ang buong barkada nila. Umupo siya sa wooden chair doon facing the scenic ocean view. Lately ay kinukulang siya sa tulog. Hindi mawala sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Winoma tungkol kay Jam. Then she realized na hindi naman pala siya bato at all. Naawa siya at na-guilty nang malaman niya ang other side of the story.

Will that be enough for me to forgive him?  

Ano nga bang kinakatakot niya? Patatawarin lang naman niya ito. Baka nga pag napatawad na niya ito, tuluyan na itong lumayo sa kanya tulad ng ginusto niya.

Well, gusto mo pa nga bang lumayo si Jam ng tuluyan sa’yo o kaya ayaw mo siyang patawarin eh dahil ayaw mo siyang maglahong parang bula sa buhay mo?

Napangiwi siya. Ang daming alam ng alter ego niya. Pinagmasdan niya ang malawak na dagat. Nagsisimula pa lang sumilip ang araw. Malamig ang simoy ng hangin.  I need a coffee!  Aalis sana siya sa pwesto nang may nag-abot sa kanya ng isang tasa ng mainit na kape.

“Good morning, anak! Kape tayo?” nakangiting bati sa kanya ni Daddy Miguel nang  balingan niya ito. He was Jheymie’s loving father.

Mula nang malaman ng mga magulang ng kaibigan na ulila na siya, itinuring na siyang anak ng mag-asawang Yumi at Miguel.  Malaki ang pasasalamat niya sa mga ito sa pag-aalaga sa kanya lalo na nung mga panahong nawala ang kanyang nag-iisang kapatid.

“Salamat po, Daddy Migs!”  She took her first sip of coffee.

“At ito ang hot pandesal na match sa kape!” Dumating naman si Mama Yumi at inilabag sa lamesita ang dala nitong mainit na tinapay na nakalagay sa isang bread basket.  Umupo sa tabi niya ang mag-asawa.

“Kumusta ka, Vel? Nalaman namin mula kay Jheymie na nakita mo na raw uli iyong nakasagasa sa ate mo dati,” sambit ni Daddy Miguel.

She nodded. “How I wish na pwede kong sabihin na okay lang po ako. Pero hindi po. Ang hirap pong magpatawad. Naging mabait siya sa ’kin. And through the years, I realized na never siyang naging hindi mabait sa akin. I know he has a good heart, pero naduduwag po akong patawarin siya.” She sighed para maiwasang maiyak. “Nalaman ko pa po lately na nung araw na namatay si ate, nagtangka pala siyang magpakamatay din. Lalo akong na-guilty. Akala ko po noon, ang buhay ko lang ang nasira. Hindi ko alam na pareho lang pala kami... mas matindi pa nga ang pinagdaanan niya. Gusto ko na siyang patawarin. Hindi ko alam kung paano.”

 Nagkatinginan ang mag-asawa.  Pagkatapos ay binalingan siya ni Daddy Migs. “Forgiveness ba? Ask your Mama Yumi about it.”  Tinanguan nito ang  asawa na parang binibigyan ito ng permiso to tell her something.

“We’ll tell you a story of our past but please don’t tell this to Jheymie or Arthwil. Ayaw na naming masaktan sila,” simula ni Mama Yumi. She just nodded. “My mother died because of  Miguel.”

Napahigop si Vel ng kape sa pagkabigla. Hindi niya alam na may ganoong pinagdaanan pala ang pamilya ng best friend niya.  She just let the old lady shared a story.

“It was the day when Miguel asked me for marriage. It supposed to be a happy day. Hanggang sa paulanan ng bala ng baril ang bahay namin ng isang gun man na binayaran ng ex wife ng asawa ko. In just few minutes, everything turned upside down. Miguel got comatose, my mom died. Ang hirap magpatawad noong mga panahong iyon. Iyong utak ko, sinisisi si Miguel sa lahat ng gulong nangyari sa buhay namin. But my heart keeps on telling me how much I love him.” Nginitian siya ng ginang. “Tulad mo, hindi ko alam kung saan ko kukunin iyong tatag ng loob para patawarin si Miguel. But you know what? I did. Because my heart knows, I should forgive him. And look at us now. Kaya pa naming daigin ang Jadine sa sweetness!” They all laughed. Hinawakan ng ginang ang kamay niya. “Follow what your heart dictates, Vel. Kilala ko si Jam. Kaibigan siya ni Arthwil. I know he’s a good person. At gaya ng sinabi mo kanina, alam mo rin sa puso mo na mabuti siyang tao.”

“His mistake few years ago doesn’t define him as a person,” dagdag ni Daddy Miguel. “That forgiveness? He deserves it and you deserve it, too. Hindi lang naman iyon para sa kanya. Higit sa lahat, para din sa ikapapanatag ng kalooban mo iyon.”

She nodded. “Salamat  po. Mama Yumi at Daddy Migs.” Lahat ng kanyang narinig ay tila nagbigay sa kanya ng peace of mind at tapang para subukang patawarin na si Jam.

Bahala na nga.  

Ipinagpatuloy nila ang masarap na coffee at hot pandesal moments sa pagkukwentuhan hanggang sa dumating si Arthwil.

“Mama! Daddy!” Humalik ang binata sa mga magulang. Bumaling ito sa kanya na tila nag-aalala. “Hi Ate Vel!”

“O, ba’t ganyan ka makatingin?” biro niya.

Mataman siyang tinitigan nito. Hinawakan nitong bigla ang kamay niya. “Ate, tatagan mo ang iyong loob!” seryoso nitong sambit.

Natawa siya. Hindi naman kasi siya sanay na seryoso si Arthwil kaya ang dating ng act nito ngayon ay parang nagbibiro lang. “Ano ba iyang sinasabi mo? Naka-drugs ka ba?” hirit niya.

Umiling ito. “Seryoso ako.” He held her hand tighter. “Hindi ko alam na connected ka pala kay Doctor Kent... kay Jam. Kanina ko lang nalaman na ikaw pala iyong sampung taon niyang pinapadalhan ng bulaklak na akala naman namin e nililigawan niya. Kasama namin siya ngayon at andyan lang sila sa katabing villa naka-check in.”

Sa hindi mawaring dahilan biglang kumabog ang puso niya nang marinig ang pangalan ni Jam mula kay Arthwil. Andito siya?  She felt a little excited taliwas sa inaakala niyang magiging reaction niya kung sakaling makita niya uli ito.

  “Ate Vel—”

Nginitian niya si Arthwil. “Okay lang. Okay lang ako.”

Pero hindi. Bakit ganito ang reaction ng puso ko? Ang bilis-bilis? Di ba ang ganitong feeling ay para sa mga babae sa pocketbook na in love sa bidang lalaki? Bakit ko iyon nararamdaman? May special feelings ako kay Jam?   

Tumayo na si Vel para maalog ng konti ang ulo niya. Mukhang masama ang epekto ng kape o ni Jam sa kanya. “I have to prepare para sa construction site visit. Mauna na ako.”  Umalis na siya roon at nagtuloy sa kwarto. Natutulog pa rin sina Jheymie at Myka. Napabalik siya sa kama niya at nagtalukbong ng kumot.

An image of Jam’s sweet smile kept on haunting her mind. What the hell? I need a distraction.  Hindi na niya kinailangang mag-effort dahil few seconds lang, nag-beep ang cellphone niya. She received a message from Earl.

Good Morning, Vel. How’s your volunteering project? Kailan ka ba babalik? Miss na kita.

Si Earl. Mula nang magka-instant movie date sila, para na itong sinapian ng kabaitan pero sa kanya lang. Halimaw pa rin kasi ito sa iba nilang katrabaho. Wala namang ibang sinasabi ito kaya ayaw niyang mag-assume. But two things were for sure— he’s kind to her and she liked the idea.

Nag-type siya ng reply kay Earl.

Good Morning, Boss Earl. Wuu! Miss mo lang mang-alipin kaya ka ganyan e. Masayang experience ang bayanihan dito. Lahat nagtutulungan, maitayo lang ang school. Be back after three days anyway. Meaning I still have 3 stress-free days away from my slaving boss! Joke lang. Miss na din kita. Wala akong mapagtripan dito eh.

Agad na nag-reply ito.

Haha. Ang bait ko na kaya sa’yo, sweetie!

Napabangon siya sa kama at napangiti habang nagre-reply. 

  Sige nga, kung totoong mabait ka na, pa-increase nga ng salary ko. :P

Then he replied.

Kaka-increase lang ng sweldo mo nung dumating ako sa company. Wag kang abuso. Let’s have another movie date na lang. I can grant that. Easy. ;)

Another date with her boss? Teka, di ba pag nag-second date,  may something na iyon? She felt excited. Ano kayang mangyayari sa second date?

Kinikilig na nag-reply siya.

Para-paraan ka naman, Boss Earl. :P Pero go ako dyan, basta alam mo na ang gusto ko.

 Ipinatong niya ang cellphone sa bedside table at humarap sa salamin para mag-ipit ng buhok. Kailangan na kasi niyang pumunta sa site. Inayos na rin niya ang dalang bag at blue prints para sa  tinatayong school building sa bayan ng Culion.  Papalabas na siya ng kwarto nang mag-beep uli ang phone niya.

Salted caramel popcorn and ice cream plus me. Yeah, I got it. :)  

Nangingiti pa siyang lumabas ng silid. Medyo malayo pero kaya namang lakarin ang location ng construction site kaya nag-decide na lang siyang maglakad.


NANG MAKARATING sa Culion ay binigyan lang sina Jam ng isang oras para magpahinga bago magtungo sa school gym kung saan gaganapin ang medical mission. Sinamantala ni Jam ang pagkakataon para magkape.  Pumunta siya sa veranda. At doon niya natanaw ang familiar na pigura ng babaeng lumabas mula sa kabilang villa. Confirmed. Naroon nga rin si Vel at talagang mapagbiro ang tadhana dahil sa dinami-dami ng villa houses sa resort na iyon, magkatabi pa ang villa na tinutuluyan nila. Lalong lumiit ang chances na hindi siya nito makikita. At iyon ang major problem niya. Iisa lang ang chance na meron siya para mapatawad ni Vel. Nanganganib pa iyong maglaho.

Nilapitan siya ni Arthwil. “Pare, sinabi ko na kay Ate Vel na andito ka.”

“Huh?” maang na binalingan niya ito. “Bakit mo sinabi iyon?”

“Mas maganda na alam niya iyon kaysa magulat siya. At least hindi niya iisipin na sinsusundan mo siya kaya ka narito. I already did the explanation.” Humigop ito ng kape mula sa hawak nitong tasa. 

Point taken. “Anong sabi niya? Galit ba siya?”

Umiling ito. “Okay lang daw. Okay lang daw siya. Tapos nag-walkout na.”

He sighed. “Meaning hindi ito okay sa kanya.” Inubos niya ang huling lagok ng kape sa tasa niya.

Tinapik ni Arthwil ang balikat niya. “Don’t think about it too much. Mapapatawad ka rin no’n. Mabait si Ate Vel. Takot lang siguro siyang magpatawad. Pag pinatawad ka kasi niya, magkakaroon kayo ng open connection. Pwedeng mapalapit kayo sa isa’t isa. Baka doon siya natatakot—”

“Sa idea na posibleng maging kaibigan niya ang taong nakasagasa sa kapatid niya. Bakit ganon pare? Lahat ng tao pwedeng maging friends sa isa’t isa, tapos kami hindi pwede? That single mistake broke us... and all the rights that we deserve. Kaya once na mapatawad na niya ako, tuluyan na lang siguro akong lalayo sa kanya. Sa ganoong paraan lang kami hindi magkakasakitan.”

“Eh gusto mo ba talagang lumayo sa kanya?” Monique asked. Bigla na naman itong sumulpot sa tabi niya. “Sorry I overheard.”

“You always overhear us, Monique,” natatawang sagot niya rito. “To answer the question...” Umiling siya. “Ayoko. Pero... iyon ang tama. I have to stay away from her to keep her heart whole. I have the tendency to break her heart. Kaya bago pa kami magkasakitan, lalayo ako. I just need that forgiveness from her para maka-move forward na ako.”

A shock covered Monique’s face. “Jamison, shocks! You’re in love with her! In love lang na tao ang kayang magbitaw ng ganyang selfless decisions.”

Natigilan si Jam. Wala siyang idea na manifestation ng special feelings ang nararamdaman niya at ang pinapakita niya. Pero tatlong tao na ang nagsasabing in love siya kay Vel. Si Winona, si Arthwil, and now si Monique.  “No! I’m not and I can’t be in love with her.”

She just nodded. “You still have time to figure it out. For now, let’s get back to work.” She asked them to follow her. Ito ang kasi ang team leader ng medical mission na iyon.

Few hours more, magsimula na silang mag-medical check up. Maraming residente ng Culion ang dumalo sa medical mission para magpatingin. Na-assign siya sa mga pasyenteng nasa teenage years pataas. Sa pedia naka-assign si Monique at sa mga matatanda naman si Arthwil. May iba pang mga doctors doon na naka-assign naman specifically sa mga may sakit sa balat.
          
      Bago siya maging ophthalmologist and eye surgeon, nag-devote din si Jam ng medical practice sa Internal Medicine for more than three years. And that gave him the chance to help more people aside from those who are suffering from eye diseases.

                Bandang alas-kwatro ng hapon nang magsimulang maubos ang dating ng mga taong magpapa-check up.  Tatlong araw naman kasi silang naroon kaya siguro iyong iba ay hindi na muna nag-abalang pumunta.

                “Doctor Kent, ikaw muna ang bahala dito. Magbabahay-bahay kami ni Doc Arthwil,” sabi ni Monique.

                “Okay, Dra. Monique. Noted.” 

 Isinama ng mga ito ang ilan sa volunteer nurses. Isang nurse at isang social worker ng bayan ng Culion ang naiwan kasama niya sa booth. Okay lang naman iyon dahil di na naman toxic ang area. Dalawang teenager na lang ang kailangan niyang asikasuhin.

Nagsulat si Jam ng doctor’s referral para sa pasyente. Kailangan kasing ipa-xray ito.  “O, ineng. Pumunta ka doon sa mobile lab namin.” Itinuro niya sa trese anyos na dalagita ang mobile lab nila na kumpleto sa laboratory equipments. “Iabot mo itong papel sa volunteer doon. Hihintayin mo ang resulta  ng x-ray tapos bumalik ka dito or kung wala ako dito,  dalhin mo bukas ng umaga at saka kita bibigyan ng gamot. Pansamantala, inom ng maraming tubig ha.”

“Okay po, Doctor Kent. Salamat po.”

Nakangiting hinarap naman niya ang sunod na pasyente na may kasama pang magulang. Binasa niya ang vital sign records na ibinigay ng nurse sa kanya. Nilalagnat ang pasyente. Isinuot niya sa tenga ang stethoscope, tumayo at sinuri ang paghinga ng pasyente.

“May hika po ba siya, inay?” tanong niya sa kasamang parent.

“Opo, doc meron po.”

“May iniinom ba siya or inhaler?”

“Dati po meron, pero wala na po kaming pambili.”

Umupo muli si Jam sa pwesto niya at nagsimulang magsulat sa record sheet at doctor’s referral. Nagsulat na rin siya ng reseta. Pagkatapos ay in-explain ang lahat sa ina ng pasyente. “Pupunta po kayo doon. Siya poang namimigay ng libreng gamot.” Itinuro niya ang mesa ng volunteer pharmacist.

Pasimpleng nag-inat ng mga kamay si Jam nang umalis ang huling pasyente niya.

“Magmiryenda muna kayo, Doc!” Lumapit sa kanya ang isang social worker at inabutan siya ng isang bote ng mineral water at ham and cheese sandwich.

“Salamat po, Aling Minda.” He was about to take his first bite when Arthwil’s mom  rushed in.  Tumayo siya at sinalubong ito. “Tita, may problem po ba?”

“I can’t reach, Arthwil from his phone.  Naaksidente si Vel sa construction site. Please help her.”

On cue nakita niya ang asawa ng ginang na buhat buhat si Vel sa di kalayuan. May tumutulong dugo sa kaliwang binti ng huli.

Jam suddenly felt nervous. Ngunit pinilit niyang iisang tabi iyon. It’s his chance to help Vel again. Pero paano ang pangako mong di ka magpapakita?  He sighed sabay baling sa nurse. “Prepare the ER tent.” Bahala na kung anong kahihinatnan ng sitwasyon. Basta para kay Jam, gagawin niya ang role niya bilang doctor.

“Yes, doc.”

 Tumakbo siya at sinalubong ang ama ng kaibigan. Vel was still conscious. In fact, she looked like in panic and pained.

“Daddy Migs, ang sakit!” Vel kept on uttering while crying.

“Oo, eto na ang doctor!” The old man set a glance on him. “Tinamaan ng matulis na bato sa construction site iyong binti niya. Hindi maampat iyong dugo.”

He nodded. “Doon po tayo sa ER tent.”  He led the way.

“Daddy Migs!”

“Oo na, anak. Andito na tayo.”

Inihiga na nila sa stretcher si Vel. Hindi na nag-aksaya si Jam ng oras. Without looking at his patient’s face, he started assessing the condition of her left leg. Di naman gaano kalaki ang hiwa pero malalim ang sugat. Mabuti na lang at walang tinamaang buto ang injury nito. The nurse started to clean the wounds.

“Doctor Kent?” umiiyak na sambit ni Vel.

Intentionally, hindi niya ito nilingon. “Isipin mo na lang na ibang doctor ang nag-asikaso sa’yo at hindi ako. Hindi na natin pwedeng hintayin si Arthwil—”

“Doctor Kent, ang sakit sakit. Tulungan mo ako! Alisin mo iyong sakit! Andaming dugo baka maubos dugo ko! Please, please ang sakit! Hindi ko na kaya!”  Nangangatog sa panic si Vel habang patuloy na umiiyak. Nerbyosa pala ito when it comes to cases like this.

Binalingan niya ito. She was straightly looking at him. Walang nirere-reflect ang mata nito kundi takot sa situation nito na may halong pagmamakaawa. She was like a baby who had her first cut in her entire life. “Okay. But you have to relax—”

“Mauubusan ako ng dugo—”

“Hindi iyan! Pero hindi rin titigil sa pagdurugo ang sugat mo pag hindi ka kumalma,” paliwanag niya.

                “Ganon?”

                “Oo, so relax.”

Binalingan niya uli ang sugat. “Tito Migs, malamim po ang sugat though hindi naman malaki. Kailangan pong tahiin.” The nurse put on his surgical gloves.

“Ha? Tatahiin? Masakit iyon! Ayoko!” iyak ni Vel.

“Do what is needed, Doc Kent,” sansala naman ni Daddy Migs. “Maghihintay na lang kami sa labas.” Lumabas ng ER tent ang mag-asawa.

The nurse handed him the injection. He set his eyes on her left back leg.  “I’m sorry, hindi pwedeng hindi, Vel. I have to do it. May anaesthesia akong ituturok—”   

“Doctor Kent, masakit iyan! Ayoko, takot ako. Wag mong ituturok sa akin iyan!”

“Dear patient, mas masakit pag hindi ko itinurok ito sa’yo. Aalisin nito ang sakit.  Pag tumalab na ito mawawala na iyong sakit. Wala ka nang mararamdaman.” Maligalig ito. Daig pa niya ang may hawak na batang pasyente.

Vel seemed to forget everything because of too much panic. “Takot ako sa injection, Doc! Pag tinurok mo sa akin iyan, hindi na kita mapapatawad kahit kailan!”

Umiling si Jam at saka hinanap ang tamang area na pagtuturukan sa left leg ni Vel. “I’m sorry but I have to do this!” Itinurok niya ang hawak na injection and successfully pulled it off afterwards.

“Doctor Kent!” umiiyak na sambit ni Vel.

Inilagay niya ang injection sa basin sa tabi niya. At saka inihanda ang pantahi ng sugat. “I’m sorry, Vel. Okay lang na hindi mo ako mapatawad. Basta nagawa ko ang lahat para maging okay ka. Once na ma-heal na iyong sugat mo, makakalimutan mo rin na kahit humindi ka, tinurukan pa rin kita, hindi ako nakinig at sinira ko ang pangako ko sa’yo.”

Bigla itong natahimik kaya binalingan niya ito.  Though sumisinghot-singhot pa rin ito dahil sa pag-iyak, tila unti-unti na rin itong kumakalma. “Masakit pa?”

“Manhid na.” She bit her lower lip.

Parang bata talaga. Napangiti siya. “Tatahiin ko na, dear patient.”

“Dahan-dahan lang ah.”  

“Wala ka na namang mararamdaman.” He took his eyes away from her and started doing the stitches on her wound.

“Kahit na!”

“Alright, dear patient. Just relax. I’ll be gentle.”  Wala na siyang narinig na pagtutol dito. He just made himself busy doing his job as a caring doctor. 

Hindi na kita mapapatawad kahit kailan!  Those words haunted his mind as he finished the stitches. Okay fine, nasira na niya ang pangako niya. Hindi lang siya nagpakita, lumapit pa siya at ngayon nga hinahawakan pa niya ito. He thought that maybe... just maybe he really didn’t deserve to be forgiven.

“Doctor Kent...” she softly uttered.

He put on the bandages first before he faced Vel. “Your wound is okay now, Vel. Nalagyan ko na rin ng bandage. I’ll be giving you pain relievers, anti-inflammatory medicines and antibiotics para maiwasan natin na ma-infection iyan. I’ll be asking Doc Arthwil or Dra. Monique, whoever you will be more comfortable with, para i-check ang condition ng sugat mo until we get back to Manila—”

“Bakit? Ayaw mong ikaw na lang?”

Inalis na niya ang surgical gloves at nag-sanitize na siya ng kamay. “Bakit? Gusto mo bang ako na lang?”

“Ako ang unang nagtanong, Jam.”

“Concern lang naman ako, Vel. Ayaw mong makita ako di ba? I’m sorry kung andito ako. Kung mas maaga kong nalaman na andito ka rin, hindi na ako tutuloy sa pag-volunteer dito. Masakit para sa akin ang mawalan ng chance mapatawad mo pero kinailangan mo ako bilang doctor. I don’t have the heart to see you in pain again. I’m sorry for this, Vel. Pero wala na tayo parehong magagawa. I might as well face my consequences—”

 “Gusto ko na ikaw ang mag-follow up check up sa akin.”

“Ano?” Shock covered his face.  Hindi siya makapaniwala. Malayung-malayo iyon sa expectations niya. “R-really?”

She nodded. “Ikaw ang tumahi sa sugat ko. Dapat ikaw din ang mag-monitor kung gumagaling ba ang sugat ko o hindi. At saka... gusto kitang bigyan ng chance. Since inasikaso mo ako, gusto kong bigyan ka ng pagkakataong makabawi sa akin like the way you wanted. Gagawin ko ito para kay ate, para sa akin at para din sa’yo.”

“It means pwede na tayong magkita?”

She smiled. “Dito lang sa Culion. Hindi counted sa una nating agreement ang lahat ng mangyayari dito sa Culion  dahil wala naman tayong choice kundi ang magkita dito.”

Bahagya siyang nalungkot. Akala pa naman niya ay pwede na uli siyang lumapit dito. Temporary lang pala. Pero okay na rin iyon. At least, buhay pa ang chance niyang mapatawad nito. Not bad. Actually, this is better.    “Salamat, Vel.”

“No, salamat. Akala ko talaga kanina, mauubos na dugo ko! Nakakahiya, para akong bata.” Tinawanan nito ang sarili.

“Cute mo nga eh,” bulong na sagot niya.

“Ano?” tanong nito.

“Wala... ah kukunin ko lang iyong information sheet at endorsement forms para maresitahan na kita ng gamot.” Tatalikod na sana siya nang tawagin siya nito.

“Doctor Kent!”

“Yes?”

“Thank you uli.”


“You’re welcome, dear patient.” He smiled and went outside the ER tent.  




PREVIOUS                                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…