Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin- Chapter Seven



Beastmode na nagmartsa si Danica papunta sa opisina ng asawa niya sa loob ng P-Mart Shopping Center. Ito ang supermarket sa tapat ng twin building ng Pontez. Bitbit niya ang  isang copy ng fashion magazine na fresh na fresh from Pontez Publication. It was a magazine that featured the Karisma boys, including the team backstage boys, ang katuwaang grupo ng mga boyfriends nina Christel, Dana at Richael. Bilang celebrity icon, hindi na bago sa kanilang mag-asawa ang ma-feature sa mga lifestyle and showbiz magazine, magkasama man o magkahiwalay. Pero hindi niya ine-expect ang magazine na hawak. Her husband was indeed really sexy on those photos featuring summer beach body collection ng Keithan Apparels. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita niya ang laman ng magazine.

Yes, it wasn’t the first time na nag-model si Cielo ng  sexy summer collection for men. She’s proud to say that her husband maintain a good body figure. But she’s not comfortable with it knowing na lahat ng babaeng bubuklat ng magazine ay tititigan ang asawa niyang almost hubad na. Nginangatngat ng selos ang puso niya. Dumagdag pa sa init ng ulo niya nang makita ang full page photo ng asawa kasama ang myembro ng Babe Dancers na naka-sexy bikini swimsuit. Nasa gitna si Cielo ng mga sexy ladies at dalawa sa mga ito ay nakahawak pa sa katawan ng precious niyang asawa.  Fine, hindi talaga ang pagpapa-sexy ng asawa ang issue niya kundi ang hindi nito pagpapaalam sa kanya ng tungkol sa magazine na iyon at ang mga kasama nito sa picture.

“Hi Mich, nasa loob ba si Cielo?” tanong niya sa secretary ng asawa niya.

“Wala po, Ma’am. Nasa selling area siya. Pumasok ka na lang  sa office niya. Ira-radyo ko na lang sa kanya na andito ka.”

“Okay, thanks.”


Pumasok siya sa loob ng office ng asawa. It was her first time to see his office sa P-Mart. Madalas kasi ay sa kabila ito nago-opisina. Umupo siya sa swivel chair nito. Nakapatong sa mesa ang laptop ng asawa. An idea popped her head. Naka-sleep mode lang ang laptop nito. When she touched the sensor ay bumungad sa kanya ang icon na humihingi ng password. Napasimangot siya. They never shared passwords ever since. Ang alam lang nila ay pincodes sa cellphone ng isa’t isa. Mahulaan na lang.  Inilapag muna niya ang magazine sa mesa at pinagdiskitahan  ang laptop nito. She tried keying different possible passwords but all failed.

“Ano kayang password mo, Cielo baby? Ang asawa kong maganda?” natatawang hirit ni Danica sa sarili. She keyed those too, ‘angasawakongmaganda’. In her mere surprise ay nag-login ang account. Napatawa tuloy siya.  Bumungad sa kanya ang wedding photo nila sa desktop nito. It was a photo of their first kiss as wedded couple. Kagya’t siyang napangiti.

Bakit ganon? Pag bwisit na bwisit na ako sa’yo, bigla namang may mangyayaring magpapaalala sa akin kung gaano mo ako kamahal?  Bigla tuloy humupa ang kaninang nasa level 999 niyang galit dito.

 On cue Cielo entered the office. His phone was in his right ear at may kausap. Agad itong ngumiti nang makita siya. “Let me know, Reiko kung kelan n’yo matatapos ang  software. I hope we can conduct the software update as soon as possible. Okay then. Bye.”  He ended the call and come over her. “What brings my beautiful wife here? Is there anything urgent?” Humalik ito sa pisngi niya.

Ngunit bago pa siya magoyo ng paglalambing nito ay agad niya inihampas sa dibdib nito ang magazine na dala.

“Aray! Ano na naman bang problema mo?” reklamo nito.

“You and that magazine.  Iyon ang problema ko.” Binuklat nito ang magazine. Lalo siyang nainis nang hindi man lang niya ito nakitaan ng pag-aalala o gulat factor. “Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dyan?”

“Danica baby, this is just another product endorsement. Kailangan bang ipaalam ko lahat ng commitments ko sa’yo?” tanong ni Cielo. “It’s my secretary’s job not yours.”

“Sagutin mo ang tanong ko!”

                “I thought this is not important to you. This is work, baby.”

                 “Dahil lang ba work ito or ayaw mong malaman ko na magpo-pose ka with them?! As if hindi darating ang araw na ito, Cielo! Ano? Sinadya mong wag magpaalam sa akin kasi alam mong hindi ako papayag pag nalaman kong sila ang kasama mo—”

                He interrupted her with a smack kiss. “You know what, Nica? I like it when you are jealous. Pakiramdam ko, mahal na mahal mo talaga ako.”  He lovingly gazed at her.

                “Wag mo akong paandaran ng mga pagpapa-cute mo, Mr. Pontez! Bakit? Gusto kong malaman kung bakit pumayag ka sa magazine na iyan? Bakit ganon? Halos hubad ka na sa ibang photo. Tapos kasama mo pa ang mga impaktitang iyon! Kung kelan may asawa ka na, saka mo pa naisipang magladlad ng katawan—“ Natigilan siya sa paglilitanya nang tumawa ito. “Anong nakakatawa? Seryoso ang galit ko Cielo!” Hinampas niya ang balikat nito pagkatapos ay tiningnan niya ito ng masama.

                “Sorry, I can’t help it. Swimming trunks ang pinasuot sa akin. Iyon ang pinapa-endorse sa akin ng Keithan. I got nothing to do with it. And by the way, Babe Dancers is a hi-class sexy group, okay. Wag mo nang pag-initan ang mga iyon. Mababait naman sila.”

                She sighed. “Sige ipagtanggol mo pa ang mga impaktitang iyan!” Umirap siya. “Sa kanila ka na lang. Tutal  naman, wala kang pakialam sa opinion ng asawa mo. Nagdedesisyon ka na lang nang di ako kinakausap.”

                Finally, he stopped laughing. Biglang nagseryoso ang mukha nito. “Danica Baby, hindi sa ganon iyon.”  Sumandal ito sa mesa at hinawakan ang kamay niya.

                She turned her gaze to the glass wall. “Alam mo ba kung gaano kasakit ang makitang kasama mo sila sa magazine na iyan? Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na isipin na lahat ng bibili ng magazine na iyan ay titingnan ka nang may halong pagnanasa? Andami ko nang kaagaw sa’yo. Tapos ibinandera mo pa ang abs mo sa magazine na iyan. Ano pang matitira sa akin?” She turned the magazine pages to that particular page where her husband and Babe Dancers can be seen. “Tapos ang dalawang babaeng iyan, nakahawak na sila sa katawan mo!” Tears fell from her eyes.

                Binitawan nito ang kamay niya para ikulong ang kanya sa mainit nitong mga palad. “Look at me, Nica.” She did. Pinawi nito ang luhang dumaloy sa pisngi niya. “I’m sorry.  Hindi ko naisip iyon. Akala ko sanay ka na, akala ko okay ka na. Na hindi mo na ako pagdududahan. Na hindi mo na iisiping maaagaw ako ng iba sa’yo.” Humalik ito sa noo niya bago muli siyang tinitigan. “Walang ibang babaeng nakikita ang mata ko, Nica. Ikaw lang. Hawakan man nila ako, wala pa ring papantay sa mga yakap mo... sa mga halik mo. I’m sorry, baby. Next time, iko-consult ko muna lahat  ng endorsements ko sa’yo. Wag ka nang magtampo, okay? I love you so much.”

                That easy. Napatawad na ng puso niya ang kanyang asawa.  “Okay.” Pero malungkot pa rin ang mukha niya. Wala namang nabago. Makikita pa rin ng publiko ang magazine. At nakayakap pa rin ang dalawang impaktita sa abs ng asawa ko! 

He sighed. “You’re not really okay, I know. What do you want?—”

They were interrupted by a Skype message alert from his laptop. Kapwa napunta roon ang atensyon nilang dalawa. Bumalik ang init ng ulo niya nang makita kung sino ang nagpadala ng mensahe sa asawa niya. “Jessie Mandayong? Di ba ito siya?!” sabay turo niya sa magazine. Isa ito sa dalawang Babe Dancers na nakahawak sa abs ng mister niya sa picture. Inihampas niya uli sa asawa ang magazine. “Bakit ka-chat mo siya?” She was about to open the Skype message when Cielo held her hand to stop her.

“Let me check the message first—”

“Bakit? May tinatago ka ba?”  may halong pagdududang tanong niya.

“Wala!”  he firmly said.

“Then, hayaan mo akong makita ang message niya.” Wala nang nagawa si Cielo. She opened the message and discovered that the sender forwarded a video to her husband. She played the video.  Bumungad sa kanya ang buong Babe Dancers na puro naka-hang in sexy tank top at ubod ng iksing maong shorts. Nasa unahan si Jessie at hawak ang magazine.

Hi Cielo!  bati ng lahat sabay pa-cute na kumaway sa video. 

Si Jessie na ang nagsalita afterwards. Nakita mo na ba ang magazine natin? Ito na siya oh. We are really excited for this. Thank you ngapala for choosing us to be part of this project. Miss ka na namin! I hope we can hangout for a celebration. Iyong tayong lahat with the rest of the Karisma  boys and team backstage. Set natin iyon ha.

Then the group greet him with a final message in chorus. Take care, Fafa Cielo! We love you! The video ended with a flying kiss gestures from the group.   

 Danica was really pissed off big time. She had enough. Kung gaano kabilis niyang napatawad si Cielo kani-kanina lang, ganon din kabalis niya binawi ang pagpapatawad dito.

                “Danica baby! Please, hear me out.  Wala lang iyan!”

                Pumikit siya nang mariin. She didn’t say anything. Baka kasi kung ano pa ang masabi niya. Tumayo siya at ibinato sa mukha nito ang magazine bago siya nag-walkout.                              
     

                “AYOKO NA NITO! Di ko na alam ang gagawin ko.” Nakalugmok si Cielo sa gilid ng basketball court kasama sina Hamiel, Hinaro, Geo, at ang team backstage boys na sina Golen, Phi Nat at Eldwick.  Kanya-kanya sila ng upo sa sahig.

                It’s Pontez Group of Companies Sports Fest. Katatapos lang ng basketball game nila versus employees of Pontez Vision at natalo sila. Wala silang lahat ganang maglaro dahil ang kanilang mga inspirasyon ay hindi nanood ng laro para suportahan sila. Galit pa rin ang mga ito sa kanila.

                Cielo found out na hindi lang siya ang nakatanggap ng video message from Babe Dancers kundi lahat sila. At pare-pareho silang minalas na mga girlfriends at asawa ang nakakita sa video. Well, isa lang ang hindi apektado sa pangyayari... si Hamiel.  Nang binalingan niya ito sa tabi niya ay abala lang ito sa pakikipag-video call sa asawa nitong kapapanganak lang one month ago.

                Siniko niya sa Hamiel. “Ba’t ikaw, hindi affected? Hindi ka ba pinadalhan ng video?” tanong niya.

                Nagpaalam muna si Hamiel sa kausap. “Tawag na lang uli ako, Mien ha. Aayusin ko lang ang love life ng mga ito.” He ended the call and turned to him. “Nakatanggap din ako ng video message from them.”

                “Hindi nagalit si  Limien?” tanong ni Hinaro.

                “Hindi. I made her ready for that. Kaya nang makita niya ang video, tinawanan lang niya.”

                “How come? Si Dana, hindi man sinabing galit siya, ramdam ko naman. Ni hindi ako iniimikan,” kwento ni Golen.

                “Well Christel is vocal. Pwede na daw akong pumunta sa hell kasama ng Babe Dancers,” kamot ulong hirit ni Phi Nat.

                “Zeth is... is... I can’t reach her anywhere. Pinagtaguan na ata ako,” hirit ni Hinaro.

                “Si Sophia, she just talked,” sambit ni Doc Geo.

                “Kalmado o beastmode?” tanong ni Cielo.

                “Kalmado... but in Mandarin language. Nakikipaghiwalay na nga sa akin, hindi ko pa alam.” Napangiwi silang lahat.

                “I’m sorry for you, dude,” hirit ni Hamiel. Tinapik nito ang katabing si Eldwick. “Ikaw? How’s Richael?”

                “Malala. Iyak lang nang iyak. Alam naman niya ang tungkol sa magazine pero hindi niya alam na kasama ko do’n. Na ganon iyong mangyayari.” Binalingan ni Eldwick si Cielo. “Si Nica?”  

                 “Nagalit. Kumalma. Nanahimik. Nakakatakot na. Hindi tahimik na tao ang asawa ko. At hindi na niya ako pinapansin. Invisible na ako.  The last reaction I got from her? Ibinato niya lang ang magazine sa mukha ko sabay walkout.” Muli niyang binalingan si Hamiel. “Bakit si Limien, okay lang sa kanya?”

                “Nagpaalam ako sa kanya at pumayag siya. Dapat kasi, nagpapaalam kayo sa mga girlfriends n’yo.” Binalingan siya nito. “At ikaw dapat nagsabi ka sa asawa mo. Alam n’yo nang may selos issues na sila sa Babe Dancers, hindi n’yo na sana dinagdagan.”
               
                 “Wala na tayong magagawa. The magazine is already out in the market,” Golen said.
           
            “Sa magazine, wala na talaga. Pero sa mga love life n’yo meron.” Tumayo si Hamiel. Tinapik nito ang balikat niya at pinatayo na siya. “Get up boys and make up with your ladies. May laro sila sa kabilang basketball court. Go and support them.”

                “Talaga? Sinong kalaban?” tanong ni Hinaro.

                “The Babe Dancers!” nakangising sagot ni Hamiel. 

                “Damn it!” halos koro nilang nasambit.
                 
               
                MAGKAHARAP sina Danica at si Jessie ng Babe Dancers sa gitna ng basketball court. Binabantayan siya nito. Katatapos lang ng first quarter ng game at kakasimula pa lang ng second quarter. Halos dikit ang scores ng dalawang team. It’s Karisma Ladies vs. Babe Dancers. Hindi alam ni Danica kung talagang nananadya ang tadhana o talagang may sapak ang sports committee ng Sports Fest. Lantad sa social media ang naging issue ng paglabas ng Karisma at team backstage boys sa magazine kasama ang sexy group na ito. At ang mga damuho nilang love partners, sa halip na manahimik ay lantaran pang humingi ng apologies sa kanila sa social media. Alam na tuloy ng buong mundo na lahat ng boys ay not in good terms sa kanila.  Itong asawa niya, sumama pa sa liga. Before the game started, Cielo posted the poem he wrote for her sa Facebook. Iyon ang tulang ginamit nitong proposal material sa Macau. Naka-attached sa post ang picture nila sa AJ Hackett.

                  It was indeed sweet. Ang totoo, okay na naman siya. Hinihintay lang niyang mag-effort pa uli si Cielo na suyuin siya. And perhaps, mas magiging okay ako pag napatumba namin ang mga impaktitang ito.  

                Nagkatinginan sila ni Dana. Ito ang may hawak ng bola. She did an eye gesture. Alam na ni Dana ang gagawin. Ipinasa nito ang bola sa kanya. And not giving the opponent any single chance, agad niyang inihagis ang bola sa ring at nag-shoot iyon. Three points! Naghiyawan ang mga nanonood. Si Dana, Christel at siya ay varsity players ng women’s basketball mula high school hanggang college. Ang dalawa pa nilang ka-team na sina Richael at Sophia Chii naman ay marunong ding mag-basketball kaya hindi nahirapan ang team niya. Though she should admit, magaling din ang kalaban. May varsity players din pala sa mga ito.

                Humingi ng time out ang kabilang team. Nagpunta sila sa sulok para mapahinga ang kanilang mga katawan.

                “Wala sila. Gumanti ata dahil di tayo nanood,” hirit ni Richael.

                “Nag-text si Phi Nat. Natalo daw sila kasi hindi sila inspired sa laro kanina. Wala daw kasi ang mga beauty natin doon,” sabi ni Christel.

                Sophia on the other hand ay nakasimangot lang sa isang tabi. “Miss ko na siya.”

                “Paano ka naman kakausapin  ni Doc Geo eh mina-Mandarin mo siya? Mag-Tagalog ka kasi,” sita ni Danica.

                “Sa ganon ako pag galit ako eh.”

                “One week na kaming hindi nag-uusap ni Golen. Ano? Magpapakasal pa ba kami o ayaw na niya?”  Dana sighed. “Buti pa si Cielo, todo ang pagpapa-sweet sa’yo, Nica. Okay na ba kayo?”

                “Masama sa akin ang masyadong sweet. Maoospital ako.” Napairap siya. “We have to win this game and prove them na hindi tayo talunan. Feel na feel ng grupo na ‘yan ang kasikatan nila ngayon mula nang ma-involve sila sa mga partners natin.” 

                “Eh may ipagmamalaki naman talaga sila. Literal,” natatawang hirit ni Richael.

                Nagkatinginan tuloy silang lima sa kani-kanilang hinaharap. Kung doon ang base ng labanan, dehado sila. Mas malalaki ang hinaharap ng kalaban. Napatawa na lang sila.

                “Well, may laban pa rin,” hirit ni Danica. “Let’s go girls.”

                Back to the game. Sobrang higpit ng laban. Pag nakakapuntos ang Karisma Ladies, agad ding nakakabawi ang Babe Dancers. Ramdam sa buong Sports Gym ang tension ng magandang laro. Binantayan ni Danica ang kalaban. She knew she was the other woman who dared to touch her husband’s abs. Lalo tuloy siyang nanggigil. May nagpasa dito ng bola pero maagap niya iyong naagaw. Tumakbo siya at hinarangan ni Jessie. She did some crossover moves and passed the ball to Christel. Ipinasa naman nito ang bola kay Richael na agad din namang na-shoot ang bola sa ring. Two points.

                Nagpatuloy ang laro hanggang malapit nang matapos ang 2nd quarter.  Nagkaroon konting ingay. Napakunot ang noo ni Danica nang makitang lagpas sa kanya ang tingin ng bumabantay sa kanya.

                “Andito sila!” tila kinikilig pang sambit ni Jessie.

                The who?  Pinasa muna ni Nica ang bola kay Sophia bago nilingon ang tiningnan ni Jessie. There she saw her husband with the rest of the guys. Ang wala lang sa grupo ay si Hinaro at Hamiel. Napailing na lang siya.

                “They’ll be supporting us girls,” sambit pa ni Jessie sa mga kasamahan nito. “So galingan n’yo ha.”

                “Excuse me lang.” Hindi na napigilan ni Danica ang sarili. “Kayo talaga ang susuportahan nila? Really? Kami iyong partners oh. Kami iyon. Hindi kayo kasali okay?”

                Nang-aasar na tumawa si Jessie. “Di ba hindi kayo okay ng asawa mo?” Umiling ito. “You know what? Sayang si Cielo. Kung hindi lang siya married, I’ll gonna come over him.  Oops, sorry to offend you, Danica. Naisip ko lang kasi na kung mas una siguro kaming nagkakilala kaysa sa inyo,  baka naging kami.”

                Tinawanan lang niya ito kahit na ang gusto talaga niyang gawin ay hilahin ang buhok nito at kaladkarin hanggang sa labas ng gate. She can’t do that of course. “I’m sorry for you, Jessie.  Hindi iyon mangyayari. Kahit pa mauna kayong magkakilala ng asawa ko, sure akong hindi ka niya papansinin kaya ihinto mo na iyang pagka-ilusyunada mo.”

                “Paano mo naman nasabi?”

                “Simple,  you’re not Danica Urbano-Pontez. My man will only fall in love with me in this lifetime.”    Pumito ang referee, hudyat na tapos na ang 2nd quarter.   Napatingin si Danica sa score board. Lamang lang ng dalawang puntos ang team niya. 

                “Let’s have a deal, Mrs. Pontez.”  Taas-kilay lang ang naging response niya rito. “Kapag nanalo kayo dito, we will stay away from them. Hindi na rin kami magpo-post about them sa social media.”

                “Pag kayo ang nanalo?”

                “Papayagan n’yo kaming makasama sila for a celebration. Just one night.”

                Ang kapal talaga ng mukha nito. “Deal!”

                Agad niyang tinalikuran ito at lumapit na siya sa ka-team niya. Ikinuwento niya sa mga kasama ang deal nila ni Jessie.

                “Ang kakapal talaga ng pagmumukha! Just one night? Subukan lang sumama ng mga ugok na iyon sa mga hitad na iyan, magkakagyera dito,” asar na hirit ni Dana.

                “At subukan lang talaga ng mga lalaking iyan na lumapit sa mga hitad na iyan sa harap natin ngayon. Subukan mo lang, Phi Nat! Gagawin kitang panutsa!” hirit ni Christel.

                Napalingon si Danica. Papalpit sa direction niya sina Cielo at nakaharang sa daraanan ng grupo ang mga impaktita. “Hindi ko na kaya pag nagkamali pa itong si Cielo sa harap ko.” Please, Cielo baby. Wag mo siyang papansinin.  

                “Patatawarin na kita, Geo. Just ignore them, please!” hirit ni Sophia.

                “Sasama na ako sa’yo sa Cebu, Eldwick, wag mo lang silang tingnan.”

                Napalingon sila kay Richael. “Iiwan mo na kami?” korong tanong nila.

                Guilty smile ang sagot nito sabay peace sign. “Pinaplano pa lang namin. Hindi pa final.”  

                Lahat sila ay matamang inabangan ang sunod na mangyayari. Mukhang lahat sila ay decided nang makipag-ayos sa kani-kanilang partners, just for one condition—deadmahin lang ng mga ito ang Babe Dancers.      

                Their hearts celebrated and sweet smiles curved their lips when the boys just passed through the Babe Dancers and walked straightly towards them.  Cielo caught her eyes. Kahit medyo malayo pa ito ay kita na niyang sa kanya lang ito nakatitig. He didn’t even set a glance to Jessie sa kabila nang pagkuha ni Jessie ng atensyon nito. Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso niya habang palapit nang palapit ang asawa sa kanya.

                “You’re smiling now.  Will that means, okay na tayo? Hindi na ako invisible?” tanong nito. Iniabot nito sa kanya ang isang bottle water.

                She moved closer and kissed his lips. “Pinatunayan mo sa akin na totoong ako lang ang nakikita ng iyong mga mata. Okay na ako, Cielo baby.”

                Agad siya nitong niyakap. “I miss you, baby.”

                Tumawa lang si Nica. “Wag ka na kasing lumapit sa mga seksi para hindi mo ako ma-miss.”

                He laughed with her. “Ikaw lang ang sexy na kilala ko—”

                “So kami, hindi mo na kilala Cielo?” hirit ni Sophia na ikinatawa ng lahat.

                “Nambobola lang ako ng misis. Wag n’yo akong intindihin!” Nagtawanan silang lahat. “You all look so tired. Wag n’yo na ituloy ang game. Hayaan n’yo na silang manalo. Mag-date na lang tayo.”

                “Hindi pwede!” sabay-sabay na sagot nilang mga babae.

                “We have to win the game, or else, kailangan namin kayong payagan na lumabas kasama nila,” sabi ni Richael.

                “What?!” korong hirit ng mga boys.

                Lahat sila ay bumaling kay Danica. “I closed a deal with Jessie.”

                Napabuntong-hininga na lang ang mga lalaki.

                The game resumed. Parang naging mas intense ang mga sumunod na quarter ng game dahil sa deal. Dikit na dikit pa din ang scores. Hanggang sa dumating na ang last few minutes ng game. Lamang ng  one point ang kalaban.  Na kay Danica ang bola at nakabantay sa kanya si Jessie.

                Hindi ko hahayaang madampian uli ng kamay mo ang asawa ko. No...never! She did her personal favorite crossover technique and shoot the ball in last five seconds. Napapikit si Danica. Kung hindi iyon mag-shoot, makaka-date ni Jessie ang asawa niya. Naghiyawan ang mga tao. Saka lang siya nagmulat ng mata at diretsong tumingin sa score board. Pasok ang bola, panalo sila.

                Naglapitan na ang mga boyfriends ng team mates niya. Hinanap niya sa paligid ang asawa. He supposed to be there, too.  Pero bigla itong nawala. Habang naglalaro siya ay nakikita pa niya sa gilid ng court ang asawa. Bigla na lang itong naging out of sight.

                “Golen, si Cielo?”

                “May tumawag sa cell phone niya. Lumabas muna siya para sagutin ang call—”

                Hindi na niya pinatapos ang sinabi ni Golen. Lumabas siya para hanapin ang asawa. Nakita niya ito sa may locker room. Naabutan niya ito with his younger brother Herzon. Tila nasa gitna ng argument ang dalawa kaya hindi na siya nagpakita. Aalis na sana siya roon nang marinig niya ang pangalan niya. Nanatili siyang nakikinig.

                “Bakit hindi siya pwedeng magtrabaho rito? Hindi mo pa ba sinasabi kay Ate Danica ang totoo?” sambit ni Herzon.

                “My wife is none of your business, Herzon. We are perfectly fine here. Tapos uuwi ka na lang basta para ano? Manggugulo ka dito?”

                “Kuya, hindi lang ikaw ang anak ni Mama at Papa. May karapatan akong umuwi dito at magtrabaho sa negosyo nina Papa. Even the kid deserves to be known. He’s a Pontez.” 

                The kid? Kaninong anak?

                “This isn’t the right time for this,” giit ni Cielo.

                “So kelan? Let me, guess. You never think about it, don’t you? Ano pa nga bang aasahan sa iresponsableng tao tulad mo kuya? Napakadali nga para sa’yong iwan si Lifli at mag-pretend na parang wala kang masamang nagawa—”

                “Nakuha mo na ang gusto mo, Herzon. She’s with you now. Ano pa bang kulang? Ano pa bang gusto mo?”

                “I was treated unfair by our parents because of you. Ikaw lang kasi ang tama sa kanila at ako ang palaging mali. Gusto mo ng sagot? Kulang pa ang lahat ng ito. Gusto ko pang makita na unti-unti kang nasisira Kuya. Para maramdaman mo naman kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin noon.   Hindi mo mahahawakan ang bata. Hindi ko siya ibibigay sa’yo. And Lifli will work at Pontez Media whether you like it or not.”


                Wait...anong ibig sabihin no’n? Hindi malinaw kay Danica ang narinig. At ayaw na niyang malaman kung sino ang bata at ang babaeng tinukoy ni Herzon. Dahil may pakiramdam siyang kung anuman ang malaman pa niya ay tiyak na dudurog sa puso niya.  



PREVIOUS                                                   NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…