Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone-Chapter Five



“Keys to Design and Engineering Department, please,” sambit ni Earl sa receptionist. Araw ng Linggo. Wala naman siyang gagawin sa bahay kaya naisip na lang niyang magtrabaho.

             “Bukas po iyong office niyo, Sir Santiago. Ando’n po si Miss Mariole,” anang receptionist.

               “Oh, okay. Thanks.” He walked towards the elevator.  Bakit andito siya? Did I miss receiving her OT request?  Wala siyang natatandaan na pinag-OT niya ito.  Kaya nagtataka siya kung bakit pumasok ito ngayon.

               Actually, dalawang araw na niyang napapansin ang tila pagiging tahimik ni Vel. After she presented the design to Dr. Pelesso nung Friday, naging malungkot na si Vel at tila palaging malalim ang iniisip. He found it weird but he had this feeling that the two knew each other. The presentation went well except the fact the he felt some tension between Vel and Dr. Jam.  Hindi niya maiwasang ma-curious. 

               Sa glasswall door sa hallway ay nakita niya si Vel sa loob ng department office. Matamang nakatitig ito sa work-in-progress model ng resort ni Jam. It seemed like she decided to finish the replica model ahead of deadline. He entered the office. Mukhang malalim na naman ang iniisip ni Vel dahil hindi man lang ito natinag sa pagkakatitig nito sa model. There he noticed she’s holding a rubix cube on her left hand and a pencil on the right. Nakalatag sa kalapit na drafting table ang blueprint ng project. Without looking at the disarranged rubix cube, iniangat nito ang kaliwang kamay habang binubuo ang puzzle. Her left hand continued to move and shuffle the cubes while she was deeply staring at the model.


  
              Earl found it amusing. How can she solve the rubix without looking at it?  In his mere surprise, nakita niyang unti-unting naaayos ang  color-coding ng cubes sa kamay ni Vel. Until finally, it’s done in just few seconds. Napangiti siya. Napahanga  na naman siya ng babaeng ito. Awtomatikong huminto ang kamay nito noong saktong ayos na ang rubix cube. Saka lang nito binalingan ang kamay, ibinaba sa mesa ang cube at kumuha uli ng isa pa.

                She was about to start solving the new one nang lapitan niya ito. “Enjoying your rubix cube?”

                Binalingan siya nito. “Good morning, Boss Earl. I didn’t know na papasok ka din today.”
  
              “Well, I’m not informed with your OT, too.”

               Napangiwi ito and for him it’s cute. “Don’t worry, Boss. OTY ‘to. OT na thank you lang sapat na. Kaya mag-thank you ka na lang,” hirit nito.

               Tumawa siya. “In behalf of ZLCD, I thank you,” patol niya sa sinabi nito.

               “You’re welcome!” Ngumiti ito. Ilang araw din niyang hindi ito nakikitang ngumingiti. Saka lang niya na-realized na na-miss niya ang sweet smile nito.

                “Seriously, why are you here? It’s Sunday… family day.”

               “I don’t have a family to spend the day with.” Ibinaba nito sa mesa ang hawak na rubix cube at binalingan ang model. Kinuha nito ang mga kahon ng maliliit na pieces na ididikit sa model. Kinuha nito ang maliit na puno ng niyog. Nilagyan nito iyon ng glue at idinikit sa model.  “Wala na akong nanay at tatay at wala na din ang kapatid ko. Patay na silang lahat.” She suddenly became sad. “Hindi ko din alam kung nasaan o kung meron pa akong kamag-anak. I never seen one relative ever since. Thus, I don’t know what family day is.”

               “I’m sorry to hear that.” Kinuha na rin ni Earl ang ilang small pieces at tinulungan itong ikabit ang mga iyon sa miniature model.

                “Ayokong mag-isa sa bahay at wala naman akong maisip gawin kaya pumunta na lang ako dito para maging productive naman ako.” Ikinabit uli nito ang isa pang maliit na puno sa model.    “Ikaw, Boss? Why are you here? It’s Sunday, family day,” panggagaya nito sa sinabi niya kanina.

                  “I’m also alone. My family is in Dubai. And I also got nothing to do at home.”

                She just nodded and didn’t say anything. Nakakapanibago. Hindi naman ganito si Vel noon. Earl wanted to know what’s going on. Ayaw niyang makita ang love interes niya na malungkot. He sighed.

                “Vel, do you personally know Dr. Jamison Pelesso?”

               “Ha?” gulat na binalingan siya nito. Parang natigilan pa nga ito… same reaction he get when first mentioned his name to her few months ago.

               “Come on.  Kapag nababanggit ang pangalan niya, natitigilan ka.  Noong Friday na nag-present ka sa harap niya, hindi mo siya matingnan. He never put a glance on you either.   I can feel the tension between the two of you.”

               “Stop digging my personal life, Boss Earl. Labas na ito sa trabaho,” pag-iwas nito.

                “Apektado ang trabaho mo!”

                She sighed. “I’m trying my best to get away with it okay? Kaya kong i-handle ito alone!”

               “Well hindi iyan ang nakikita ko. You are entirely distracted. Tell me. Sino siya sa buhay mo? What have he done to you?”

               “Please, Boss Earl. Stop it.” Pinandilatan siya nito.

               “Vel, nag-aalala ako sa’yo kaya ako nagtatanong.”

Natigilan itong muli at binalingan siya. “I don’t need your concern. Hindi ko kailangan ang pag-aalala at awa ng ibang tao.” Binalikan nito ang ginagawa.

Hindi na siya nakatiis. Hinila niya ito at ikinulong sa kanyang bisig.  “I know na may trust issue ka sa mga lalaki. It’s not easy to trust again.  But, I’m here. I can be a good friend. Pwede mo akong pagkatiwalaan, Vel. Hindi kita pababayaan. Hindi kita sasaktan. Just let me know, what the hell is happening to you.”

He didn’t hear any reply. Then few seconds more, he heard her sobbed. 


HINDI NA NASUKAT ni Vel kung gaano katagal siyang umiiyak sa bisig ni Earl. Hindi niya alam kung anong nangyari. Maging siya ay nasurpresa sa pangyayari.  She was crying so hard in someone else’s arms. It was new to her. First time niyang umiyak nang ganon sa ibang tao. Hindi niya alam kung tatanggapin ang alok ni Earl na pagkatiwalaan ito. Yes, she’s still a bit attracted to him. Dapat nga sa mga oras na ito na yakap siya nito ay kilig na kilig na siya. Pero mula noong mangyari ang ang huling pag-uusap nila ni Jam ay tila nawalan na uli siya ng ganang magkainteres sa opposite sex. Unfair man, damay na roon si Earl at ang  na-expire na pagka-crush niya dito.

She tried her best to calm herself. It took a while before she was able to hold her grip. Kumawala siya sa bisig ni Earl. There she noticed na nabasa na pala ng luha niya ang polo shirt nito.
“I’m sorry!” She pulled of a facial tissue from the box on her table. Iyon ang ginamit niya para tuyuin ang damit nito.
“It’s okay,” tugon ni Earl. Dumampot din ito ng tissue at pinunasan ang luha sa pisngi niya.

Natigilan siya ganon din ito. They spent few seconds staring each other. His expressive eyes were begging her to believe in him. Parang sinasabi ng mga titig nito sa kanya na okay lang  magtiwala. Siya na ang umiwas ng tingin bago pa mahalata ni Earl na nako-conscious siya.

“Ahm, okay ka na ba Vel?” tanong nito.

She sighed and turned to him. “Magkape tayo sa pantry, Earl. May ikukwento ako.”

Ngumiti ito. “After you.”

Sa pantry nga ang naging ending nilang dalawa. Nag-brew muna si Vel ng kape bago niya ikinuwento kay Earl ang lahat habang nakaupo sila sa mga vacant seats ng mesa. Mula sa pagkamatay ng kanyang ate hanggang sa huling pag-uusap nila ni Jam sa kanyang condo unit. And throughout the moment na nagkukwento siya ay panay din ang pagpatak ng kanyang luha. Earl managed to console her though. Taimtim itong nakinig sa kwento niya, hinayaan siya nitong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Ito ang nagpunas ng mga luha niya. At higit sa lahat, niyakap siya nito nang mahigpit as if telling her that she’s not really alone in this world. Gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang ikwento lahat kay Earl ang pinagdadaanan niya.

“Ang hirap, hirap. Gusto ko siyang patawarin pero ayaw ng puso ko. Nakikita ko naman na nahihirapan din siyang dalhin iyong emotional burden dahil hindi ko siya mapatawad pero anong magagawa ko? Tao lang ako, Earl. Mahina. Duwag.”

Hinawakan ni Earl ang kanyang kamay. “Maybe you need more time to earn the courage to forgive him.”

“More time? Sampung taon na siyang humihingi ng tawad. Minsan nga naiisip ko baka bato lang siguro ako dahil hindi ako maawa sa kanya.” Pinawi niya ang panibagong luhang bumagsak sa kanyang pisngi.  

“Ten years na nga siyang naghintay at humihingi ng tawad. Pero base sa kwento mo, ngayon lang kayo nagkaharap. Ngayon ka palang humaharap sa aninong tinalikuran mo. Ngayon ka pa lang magsisimulang mag-ipon ng lakas na loob para patawarin siya.”

She sighed.“I don’t know what to do, Earl.”

Muli silang nagkatinginan. Ngumiti ito. “I hope you finally got the courage to forgive him so that you can also free yourself from the thing that stoping you to move on. Gawin mo iyon, hindi para sa kanya kundi para sa sarili mo.”

“Thank you, Earl.”                                                                                               

 He squeezed her hand. Noon lang niya naalalang hawak ngapala nito ang kamay niya. At tila ngayon lang din siya tinablan sa pagpapaka-sweet nito. She felt her heart skipped a bit.  He lovingly stared at her. “I will always be here for you, Vel. So, don’t worry too much, okay?” She nodded. “Gusto mo bang bitawan na ang project?”

Umiling siya at ngumiti. “Hindi na. Gaya ng sinabi ko kanina, I’m trying my best to deal with this. At saka nangako siyang hindi na magpapakita o magpaparamdam. Professional naman akong tao. Kaya kong ihiwalay ang trabaho ko sa personal matters.”

“Yeah, I know that.” Tumayo ito at hinila ang kamay niya. “Wag na tayong mag-OT. Let’s go somewhere. For sure, kailangan mo ng ice cream and two hours of movie with popcorn.” He winked.

Binawi niya ang kamay niya dito. “Are you trying to ask me for a date after kong ngumawa sa harap mo, Boss Earl?”

Tumawa lang ito. “Sasama ka ba o hindi?”

Napangiti siya sabay tayo.    “Salted caramel ang flavor ha.”

Pinagsalikop nito ang kanilang mga kamay. “Ng ice cream o ng popcorn?”

“Both!”
  
              
                   MONTHS PASSED.
              
                Nagsimula na ang construction ng resort ni Jam kaya naman napapadalas na din ang pag-site visit ni Vel sa construction area. She had to make sure that every detail ng plano ay maisasagawa sa resort na iyon.  Tuluyan na siyang naka-adjust sa sitwasyon. Hindi na lang niya masyadong iniisip si Jam para maka-concentrate siya sa trabaho. Tutal naman, mukhang tumutupad nga ito sa pangakong hinding-hindi na muling magpapakita pa sa kanya. 

                Oo na. Ako lang ang may problema talaga kasi hanggang ngayon naiisip ko pa siya, sita niya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya makalimutan ang mga malulungkot na titig ni Jam sa kanya nung huli silang mag-usap... parehong uri ng pagtitig na ipinukol nito sa kanya habang nagpe-present siya sa harap nito ilang buwan na ang nakakalipas. Pakiramdam niya ay nagpapaalala na naman ang kanyang ate tuwing nagaganap ang bigla-biglang pagrehistro ng  mukha ni Jam sa isip niya.   Tulad ngayon. Nakakita siya ng babaeng may hawak na punpon ng bulaklak na naglalakad sa may tabing dagat. Agad niyang naalala ang mga bulaklak na madalas ipadala ni Jam. Hindi siya makapaniwala sa nararamdaman niya. Dahil ba sampung taon siyang sinanay nitong makatanggap ng bulaklak kaya nang biglang huminto ito sa pagpapadala ay hinahanap-hanap naman niya?

                “Architect Mariole,” tawag sa kanya ng isang babae mula sa kanyang likuran. Iyon ang nagpabalik ng huwisyo niya.

                Lumingon siya at bumungad sa kanya si Winona, ang secretary ni Jam.  Ngumiti siya. “Miss Winona, napadalaw ka?”  Alam niyang alam nito ang lahat ng tungkol sa kanila ng amo nito. Pero labas ang mabait na secretary ni Jam sa sitwasyon nila ng amo nito.

               “Gusto sana ni Boss na makita iyong progress ng construction. Pero nalaman naming na andito ka sa site kaya nagpaiwan na lang siya sa sasakyan.”

                She felt awkward. “Ganon ba?”

                Winona nodded. “Can you tour me around? Kukuhanan ko na lang ng video at photos para makita niya.”

                “Sure.”  In-assist niya ito. Pinasuot niya dito ang isang helmet bago sila nagsimulang maglibot.  

               Una nilang pinuntahan ang isang villa house na magsisilbing receiving area at offices ng resort.  May bachelor’s pad din doon para kay Jam. The villa is already 90% completed. Inaayos na lamang ang mga built-in wooden accents sa haligi at ceiling ng villa house. Sa target plan, sa loob ng dalawang lingo ay pwede nang ayusan ng interior designer ang lugar. Sunod nilang pinuntahan ang guest villas and cabanas. “Panglimang cabana na ang ginagawa ngayon. The first four is already completed and ready to be furnished.  Target na matapos na  sampung cabanas in three months. Para sa guest villas naman, dalawa pa lang ang naitatayo,” litanya ni Vel.

               Winona, on the other hand, was just busy taking videos and photos. “My boss wants to initially open the resort for public once the cabanas and villa houses are done. Mga gaano pa kaya katagal?”

                “Mga six months pa. Tell him, after six months, landscaped na lahat ng garden areas, fully-furnished na ang guest houses and villas at ready to be used na ang pool.”

               “Noted.”  Binigyan niya ito ng ample time para tapusin ang tina-type nito sa cellphone.  She must be taking down notes about the site visit.

               “Ahm, Miss Winona?” 

Binalingan siya nito. “Yes, Architect?”

“I assume may alam ka naman sa nangyari sa amin ni Jam di ba?”

She nodded. “Oo, alam ko lahat. Saksi ako sa lahat. Sorry nga pala. Kasama ako sa nagsinungaling sa’yo.”

Umiling siya. “Wala iyon. Amo mo siya, natural na siya ang sundin mo.”

“Iyong totoo? Hindi lang dahil doon. Magkaibigan din kami since college days. Isa ako sa mga kaibigang karamay niya noon hanggang ngayon.”

“Kumusta na siya?”  That slipped off her tongue. Hindi naman niya alam kung bakit bigla na lang niyang tinanong iyon.

Tila nagulat din si Winona sa tanong niya. “Nakakagulat na kinukumusta mo siya.”

“I just wanna know...”

“The truth is, he’s pretending to be okay even though I know he’s not. Life must go on, sabi niya. Kaya patuloy pa rin siya sa pagpapagaling ng mga pasyente niya sa hospital. Pero pag may oras siya para magpahinga, madalas ko siyang nakikitang tulala lang. Napapadalas din ang paglalasing niya. Hindi iisang beses na sinundo ko siya sa mga bar na pinupuntahan niya. Madalas na wasted na siya pag sinusundo ko.”

Bigla namang na-guilty si Vel. She never thought she could cause someone miserable. Natahimik na lang tuloy siya.

“Architect, hindi ko ito sinasabi sa’yo para ma-guilty ka. Matagal ko nang pinapanalangin na sana ay dumating na iyong araw na mabuksan mo ang puso mo para sa pagpapatawad. Sa totoo lang, hindi lang naman buhay mo ang gumuho nang mangyari ang insidenteng iyon. Nasira din ang buhay niya. Mabuti siyang tao. Alam ko na alam mo iyon.  Iyong nagawa niya noon, pinagbayaran na niya iyon sa tadhana at patuloy pa rin niyang pinagbabayaran.”

“Masisisi mo ba ako kung bakit hindi ko siya mapatawad? Siya ang dahilan kung bakit ako naging ulila.”

“Hindi biro ang pinagdaanan mo for sure.  Pero bawat pangyayari sa buhay natin ay may magkabilang side. Ang alam mo lang ay ang pinagdaanan mo. Hindi mo alam ang pinagdaanan niya. Hindi mo alam na habang pinagdadaanan mo lahat ng sakit at hirap nang maiwan kang mag-isa, ay may pinagdadaanan din siya.”

Naguluhan siya sa tinatakbo ng litanya nito. “Anong ibig mong sabihin?”

Winona sighed. “Ayaw ipaalam ito ni Jam sa’yo but I think, you have to know.  Noong nalaman niya na namatay ang babaeng aksidenteng nabangga niya, nagpakamatay siya noon.”

“Ano?!” Biglang kumabog ang puso niya sa pagkabigla. Nabitawan niya ang hawak-hawak na blue print at napaupo siya sa pinakamalapit na bench.

Pinulot ni Winona ang blue print at binigay sa kanya. Umupo ito sa tabi niya. “Pumunta siya sa Tagaytay. Pagkarating niya roon, pinutol niya ang break plug ng sasakyan niya at saka nagmaneho ng mabilis. Nahulog ang sinasakyan niya sa bangin. The accident almost killed him. Dalawang linggo siyang na-coma.”

“B-bakit niya ginawa iyon?”

It felt like her heart was crashing into pieces. Oo dati, she was cursing heaven to kill him. Literal nga niyang sinabi kay Jam noon na sana mamatay na din ito nang una niya itong makita ilang minute pagkatapos mamatay ang ate niya. Pero ngayong narinig niyang tinangka nitong bawiin ang sariling buhay noon, hindi niya alam kung anong mararamdaman. Tama si Winona. Hindi lang buhay niya ang nasira. Pati buhay ni Jam ay nasira dahil sa nangyari.

“Too much fear at sobrang pagsisisi. Inisip niya na pag namatay siya, quits na sila ng ate mo. Nakuha mo na ang hustisya. At dahil hindi pa niya talaga oras, nakaligtas siya. Nung magising siya, inakala namin na magiging okay na siya. Pero hindi. He became suicidal, tumigil na lang basta ang mundo niya. Ayaw niyang kumain, ayaw na niyang pumasok sa school, ayaw niyang makipag-usap, ayaw na niyang mabuhay. Dalawang taon pa ang lumipas bago siya nakabangon sa depression sa tulong ng mga doctor. Nakabalik siya sa pag-aaral at naging doctor. Pero never ka niyang nakalimutan. Palagi ka niyang binibisita. Palagi ka niyang binabantayan. Kasi iyon ang ipinangako niya sa kapatid mo.”

Makailang buntong-hininga ang nagawa ni Vel habang nagkukwento si Winona. Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sa palagay niya, labis-labis na ang pinagdaanan ni Jam para lang pagbayaran ang pagkamatay ng kapatid niya. He already experienced enough to be forgiven. And speaking of forgiveness...  This is insane! Hirap na hirap akong patawarin ka tapos malalalaman kong ganito pala katindi ang pinagdaanan mo. Bakit ako naging bato para hindi ka patawarin?

Hindi na napigilan ni Vel ang mapaluha. “Winona, can you keep a secret?”

“Kung ayaw mong malaman niya na nag-usap tayo, wag kang mag-alala. Tikom ang bibig ko,” tugon nito.

She nodded. “Salamat, Winona.”

Nag-ring ang phone nito na agad nitong 
sinagot. “Yes, Boss Pogi? Pabalik na ako. May mga details and updates lang na binigay si  Architect Mariole. I’ll be there in a few.”  Binalingan siya nito. “Naiwan ko ngapala sa kotse ang boss ko. I have to go. Salamat, Architect Mariole—”

Biglang niyakap ni Vel si Winona. She was really thankful na through her, nalaman niya ang other side of the story. Nakatulong iyon ng malaki para makuha niya ang lakas ng loob para patawarin si Jam. “I’m really thankful na di mo pinagdamot sa akin ang mga bagay na kailangan kong malaman. Jam must be really lucky to have you as a friend.”

“Someday, you will also realized na maswerte kang may Jam na handang gawin ang lahat para sa’yo despite of the painful past.” Winona hugged her back. 



PREVIOUS                              NEXT 

Comments

dexter manuel said…
Tapos ko na po lahat ng kwento sa blog. dalawa na lang sinusubaybayan ko ms.Melai. Ito at saka yung BUkas na lang kita dededmahin. :) Salamat po for the kilig and inspiration :D hahaha.
Melai said…
Salamat Dexter :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…