Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin-Chapter Six




Kulang ang salitang wow para i-describe ang natatanaw ng mga mata ni Danica. Totoo pala ang reviews na nabasa niya online. The sunset from AJ Hackett Tower was astounding.  Idagdag pa ang sweet hubby niyang ka-holding hands niya. May mahihiling pa ba siya?  Akala niya ay sa pangarap na lang siya maide-date ni Cielo nang ganito. But no, heto sila ngayon, magkasama habang nasa buwis-buhay walk path sa tower na talagang nilaan sa sky walk at sky jump.

                “Ang ganda,” Cielo uttered kaya napalingon siya dito. He was smiling while watching the sunset.

                “Ako ba iyan?” biro ni Nica.

               Binalingan siya nito. “Patingin nga.” Masuyong tinitigan siya nito. Kumabog ang puso niya. The way he looked at her was like how he stared at her during their wedding rites. “Maganda nga.”

               “Magaling ka nang mambola ngayon, Cielo Baby.”  He just chuckled. “Upo tayo doon!” Tinuro niya ang pinakamagandang spot pagkatapos ay hinila niya ito. Walang reklamong sumunod lang ito sa kanya. Umupo sila sa edge. Natakot siya nang mapagtanto kung gaano sila kataas. Napakapit tuloy siya sa braso ng asawa. “Hala, ang taas-taas pala natin. Nakakatakot!”

                “So, hindi na tayo tatalon mamaya? Natatakot ka na.” He squeezed her hands. “Nanginginig na ang kamay mo. Pasok na lang tayo sa loob?” A trace of worry covered his face.  
  
              She took a deep breath and happily turned to him. “Gusto kong tumalon. Magkasama naman tayong tatalon di ba? Parang ikaw lang ‘yon, pa-fall... ako naman, na-fall in love.”



               Tumawa ito. “Alam mo ba kung gaano kita kamahal?”

                Umiling siya. “Hindi. Puro denials mo nga lang ang alam ko e.”

                Ngumiti ito sa kanya kasabay ng munting kilig na umusbong sa puso ni Danica. Jusko, ganito pala ang feels na maligawan ni Cielo. Kaloka.  Kahit asawa na niya ito, hindi pa rin niya maiwasang kiligin.  Hinawakan nito ang kanyang kamay na nakadagdag pa sa kilig na nararamdaman niya.  

                “Gaano nga ba kita kamahal? Katulad ng halamang araw-araw nag-aabang sa ulan.  Katulad ng buwan na naghihintay sa bukang-liwayway. Katulad ng mahabang byahe sa dagat na tila walang humpay. Maghihintay ako ng matagal kahit gaano katagal basta sa dulo ng aking paglalakbay ang makikita ko ay ikaw.”

                Nagtriple ang kilig sa puso ni Nica. It was like a spoken-word poetry. Tulang ginawa nito para sa kanya at tinula pa nito mismo sa harap niya. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at inalalayan siyang makatayo rin. Pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabila niyang kamay. He set his expressive eyes on her. 

                “Mula noong unang araw na tumitig ka sa akin, hindi ko na napigil. Ang iyong ngiti ang bumuhay sa puso kong nananahimik. Ang iyong mga mata ang tanging pares na gusto kong babasa ng lahat ng mga bagay na di ko masabi. Dahil madalas mata ko lamang ang kayang magsalita kahit pipi.”

He held her closer by hugging her on waist. They were now inches away from each other. PDA na sila kung tutuusin dahil sunod lang nang sunod ang staff ng AJ Hackett sa kanila pero wala silang pake. Ang alam lang ni Danica, ito na talaga ang pinakahihintay niyang pagkakataon sa buhay niya. Walang pakialaman! Mainggit kayo!

 “Para akong lobo na bagong hangin na tangan mo. Mawawalan ako ng buhay, isang saglit lang pagkabitaw mo. Para kang charger at ako ang battery ng laptop mo. Pag nawala ka, paano na ako?” Nag-sad face pa ito. And that made him more adorable to her eyes.

“In fairness, pa-cheesy ka na ha,” biro niya para iwasang ma-overload sa kilig.

“Di pa ako tapos.”

“Ah, hindi pa ba? Dapat kasi nagpatayo ka na lang ng stage dito para spoken word poetry talaga ang dating.”

He sighed.  Sumimangot ito. “Gusto mo pa bang ituloy ko o hindi na?”

“Ito naman tampo agad. Syempre gusto ko. Tuloy mo na, hindi na ako iimik.”

“Hindi mo naman ata nagustuhan iyong tula ko. Pinaghirapan ko—”

She kissed her on lips pagkatapos ay mataman niya itong tinitigan. “Gusto ko, mahal ko ang kahit na ano basta galing sa’yo. Gusto kong marinig kung gaano mo ako kamahal.”

  He just sweetly smiled and kissed her hands. “Ganito kita kamahal. Parang tulad ng pelikulang ni-replay sa tv. Kahit alam mo na ang mangyayari, pinapanood mo pa rin. Paulit-ulit. Hindi nagsasawa. Walang kapalit. Parang tulad ng pagbabalita mo tuwing Friday  ng gabi, nakakapuyat pero pinapanood ko pa rin. Walang liban, walang mintis. Parang tulad ng left and right earplugs ng earphones mo. Kailangang parehong gumagana, magkahawak kamay kahit paulit-ulit man ang pinatutugtog mong kanta.”

Naramdaman niyang inayos ng staff ng Aj Hackett ang harness nila pero deadma pa rin si Danica. Nadala siya sa kung saan ng mga sinabi ng asawa niya. Muli siyang niyakap nito sa baywang. “Kung hindi mo pa rin naiintinidhan, ang gusto ko lang naman talagang sabihin ay... Handa akong mahulog ng paulit-paulit kahit gaano kataas basta sa pagmamahal mo lang ako babagsak. Walang pusong mawawasak, walang pag-ibig na magwawakas.”

He securely hugged her and they jump off the tower in instant. Natagpuan na lang ni Danica ang sariling bumabagsak sa ere kasama ni Cielo.  She felt she had just experienced the slowest seventeen seconds of her life. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kilig o late na niya na-realized na tumalon na sila.

                Halos sabay lang silang napasigaw ni Cielo.

                “Nica!”

 “Cielo!”

Pag-land nila sa lupa ay pareho silang nakapikit. Siyet, buhay pa ako! Wooo!

She slowly opened her eyes. Caught in the act na slow motion ding iminulat ni Cielo ang mata nito. Buhay pa nga ako. Nakayap pa din sa akin ang buhay ko.  Nagtama ang kanilang mga mata at sabay na napatawa.

“Nakakahilo!” reklamo nito. Sinapo pa nito ang sentido.

“Astig kaya, ulitin natin!” biro niya.

“Huh? Eh mukhang naiwan kaluluwa ko sa taas e. Damn!”

Tumawa siya. Hinintay niyang maka-recover ito sa hilo bago niya ito hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit. He lovely hugged her back. He even landed a kiss on her pate.

She moved a little to be able to look at him. “Thank you for this sweet surprise, Cielo Baby.”

“I’m not yet done.” He grinned.

“Meron pa?”  He nodded.

Nagulat na lang si Nica nang bigla na lang sumulpot si Golen from somewhere. May bitbit itong laptop na nakabukas. Wala itong sinabi. Lumapit lang ito sa kanila at saka niya napagtanong ang buong Karisma ang naka-video call sa laptop. Kumaway siya sa camera. It seemed like the band was in their usual band room sa Green Haven Farm. Hindi din umimik ng kahit ano ang mga ito. Marahil ay para bigyang daan si Cielo sa round two ng sweet surprise nito. 

Bumaling siya sa asawa. He was just lovingly watching her. “Mahal na mahal kita, Danica Baby... higit pa sa iniisip mo...”

On cue she heard the band played. It was followed by Cielo singing that OPM song for her.

Kung may taong dapat na mahalin ay walang iba kundi ikaw. Walang ibang makakapigil  pa sa akin. Binuhay mong muli ang takbo at tibok ng puso sa ’yong pagmamahal. Ang buhay ko’y muling nag-iba, napuno ng saya...

 Then she heard Hamiel’s golden voice kahalo ang mga tinig nina Hinaro, Mathew and even Phi Nat. Si Golen ay sumisimple rin ng pag-second voice.  It was indeed a sweet serenade. Hindi inaalis ni Cielo ang mga mata sa kanya na tila muling pinapaalala sa kanya na ang mga matang iyon ay sa kanya lamang titingin kahit anong mangyari.

Sa lahat ‘di maari, di maaring iwan. Wala ng makakapigil kahit na bagyo man. Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan? Paano ba?

The Cielo’s turn again.

Kung mawalay ka sa buhay ko, kung pag-ibig mo’y maglaho, paano na kaya ang mundo? Kung sa oras di ka makita, kung ika’y napakalayo na, may buhay pa kaya ‘tong puso? ‘Yan lang ang maari natin sadyang matatanggap habang ako’y may buhay. Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo...  

                Tears fell from her eyes. Higit pa nga sa iniisip niya ang pagmamahal ni Cielo. Hindi niya akalaing ganito katindi ang epekto niya sa asawa. Akala niya noon ay sinakyan lang nito ang trip niyang magmahal. Pero hindi. Ito ang version ni Cielo. At sa mga sandaling iyon, alam ni Danica na kahit na anong mangyari, hindi magbabago ang pagmamahal niya sa asawa.

Huminto ito sa pagkanta. Si Hamiel na ang nag-take over. Marahan nitong pinawi ang luha niya. That’s when she noticed that he’s teary-eyed, too.

“Nica, alam kong naipangako ko na lahat ng pwedeng ipangako sa’yo noong nagpakasal tayo. Gusto kong malaman mo na, nagpapasalamat ako kasi kinumpleto mo ang buhay ko. I just have to ask, will you stay with me until life ends?”

Muling pumatak ang luha niya habang nakangiting sumagot ng, “Yes, Cielo Baby. I will love you until the life ends!”

He pulled her closer and grabbed her lips.  It felt like a first kiss to her. Sobrang overwhelming na halos makalimutan ni Danica na nasa public place sila at napapanood lang naman sila ng buong Karisma band over video call.  They lovingly stared at each other while smiling sweetly when their lips parted.

“Cielo Baby...”

“Yes, Danica Baby?”

Bumitaw siya sa pagkakayakap. “Sorry, pero kailangan ko itong gawin. Dyan ka lang, baby.” Naglakad siya paatras palayo dito pero nanatiling nakatitig siya sa mga mata nito.

Napakunot-noo ito.  Fear was reflecting in his eyes. “Nica? Iiwan mo na ba ako?”

“Silly. I will never do that, baby.”

“Then what the hell are you doing? Tinatakot mo ako.” He was about to step forward pero pinigilan niya ito.

“No! Dyan ka lang.” Ngumiti lang siya at tumalikod dito saka nagtatalon sa kilig.   “Juskolord! Kinikilig ako!”  Wala na siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao. All she knew is that, she had to release that umaapaw na kilig in her system.

Nang maka-recover ay binalikan niya si Cielo na nakangiting pinapanood lang siya. Agad niya itong sinalubong ng yakap at halik. “You are more than what I asked for. I love you so much, Cielo Baby!”  

They heard the band cheered to them, over the video call. 

“PDA Macau version!” korong sambit ng mga ito sabay tawa.

Tumawa lang sila at halos sabay na bumaling sa video.

“Inggit lang kayo!” sambit ni Cielo. “Thanks guys! Bawi ako pag-uwi natin.”

“Wooo! For the first time in history, manlilibre na si Cielo baby!” patawang hirit ni Hinaro.

“Yeah.  May tig-isang fishball kayo pag-uwi namin!”

“Ang kuripot!” reklamo ng mga ito.


MASAYANG UMUWI sila nang gabing iyon. Cielo finally won the heart of his queen, he bet. Pagsakay nila ng elevator sa hotel ay napasandal siya sa pader. He still felt a little dizzy after that heart-wrecking jump. Malay ba niyang ganon pala iyon?  His lack of comfortable sleep and backaches are not doing good to his condition.

“Okay ka lang, Cielo Baby?” agad siyang dinaluhan ng asawa.

“Nahihilo lang ako ng konti. I’m dead serious with that dizziness thing a while ago. But don’t worry, I’m just fine. Puyat lang ako.”

Niyakap siya nito. Wala namang ibang tao sa elevator kaya okay lang. “Puyat? Maaga naman tayong umuwi kagabi. Don’t tell me nag-work ka pa at late na natulog?”

  The elevator opened. Naglalakad na sila sa hallway nang sagutin niya ang tanong nito. “Hindi naman ako nakakatulog ng ayos sa couch. It gave me backaches and uncomfortable sleep. It’s just, iyon ang gusto mong gawin ko so, I got no choice. ”                

“Sige na nga, pwede ka na sa kwarto ko.” She opened the door of their hotel room.

Napangiti siya. “Abswelto na ako?” He kissed on her head.

“Oo na, sige na. May free massage ka pa tonight. Okay na?” Bumitaw ito sa kanya at naunang pumasok sa bedroom.  

“Okay na okay!” he said.  Biglang nag-ring ang phone niya. Unknown number is calling. Kinabahan siya. He was expecting a call from someone. Umaasa siyang ito na iyon.   “Nica, I’ll just take this call,” pamamaaalam niya dito.

“Sure, baby!”

Agad siyang pumunta sa veranda at sinagot ang tawag. “ Hello?” He waited for seconds until he heard a familiar female voice.

“Cielo...it’s me.”

“Lifli...” Napapikit si Cielo kasabay ng pagbuntong-hininga. Matapos ang isang taong paghahanap, heto na. Nasa kabilang linya na ang babaeng tinakbuhan niya sa Korea tatlong taon na ang nakakalipas. Based sa number ng tumatawag, alam niyang nasa Pilipinas na ito.
     
           “Tumawag lang ako dahil sa messages mo sa email... para sagutin ang tanong mo. Wag ka nang mag-alala. Okay lang ako... okay lang din ang bata. He’s turning three next month.”
            
         “Can I see you, pag-uwi ko?”

                “Kahit ayokong magtagpo tayo, magkikita at magkikita pa rin naman tayo, Cielo. Maliit lang ang mundo natin. See you soon when God permits.”

                “Lifli, I want see the kid—Lif? Hello?”  She hung up.

                Cielo sighed as he leaned his back to the wall. He was a bit desperate. Kailangang mauna niyang makita si Lifli bago mag-krus ang landas nito at ng asawa niya. He would be in a bigger trouble pag nagkataon.

                Lifli Lucas played a big part of his four years in South Korea. She’s a Filipina model. Katulad niya ay nag-aral ito sa South Korea ng broadcasting and film-making. Naging magkaklase sila at isa ito sa mga naging unang kaibigan niya nang magdesisyon siyang mag-aral sa South Korea. They even been part of a band na puro Pinoy din ang members. Tumutugtog ang banda sa isang sikat na bar sa Seoul City tuwing weekends.  They were so close. That time, mainam na diversion si Lifli para makalimutan niya si Nica pansamantala habang nasa ibang bansa siya.

                On his second year of study, sumunod sa kanya sa South Korea ang bunsong kapatid na si Herzon. He was just 17 that time,  7 years younger than Cielo’s age.  He took the responsibility of being a guardian to his brother. Sinuguro niyang nakakapag-aral ito ng mabuti at walang anumang bagay na makakapag-alis ng focus nito sa pag-aaral. They were heirs of Pontez. Lahat silang magkakapatid ay nakatakdang humawak ng mga negosyo ng pamilya na higit limampung taon nang nasa industriya. Katulad niya, may naghihintay na ding mataas na posisyon sa Pontez Vision para sa kapatid niya. Hindi pwedeng hindi iyon matupad. Kaya naman ginagawa ni Cielo ang lahat para bantayan ang kapatid.  But the thing became a bit hard when Herzon met Lif a year after. His younger brother seemed to have special feelings for Lif and his friend seemed to have a possibility to fall. Limang taon ang tanda niya kay Lif. Wala naman sanang problema kahit mas matanda si Lif kaysa sa kapatid niya. The thing was Herzon was still young that time and he got easily distracted by love. Mas napo-focus ito sa love kesa sa pag-aaral. Hindi iyon dapat mangyari. Kaya para ilayo si Herzon sa bagay na sisira sa nakatakdang responsibilidad ng kapatid sa negosyo ng pamilya, niligawan niya si Lifli, inakit. Ipinilit  niya na ibaling sa kanya ang pagtingin nito para lumayo ito kay Herzon.

                Inakala niyang maaayos ang lahat dahil sa ginawa niya, pero nagkamali siya. Nagkaroon ng lamat ang pagiging magkapatid nila ni Herzon dahil sa ginawa niya. Sa halip na tigilan ni Herzon si Lifli dahil exclusively dating na sila that time, mas pinili ng kapatid niyang makipagkompetensya sa kanya.  

                He ended up doing his best. Kailangang siya ang piliin ni Lifli.  Nauwi siya sa desperate moves. They ended up in bed. Intentional. Naisip ni Cielo na baka pag nalaman ng kapatid niya na may nangyari na sa kanila ni Lifli ay susuko na ito. Umabot na siya sa ganon. Pero hindi pumayag ang kanyang kapatid na basta na lang mag-give up. Nag-bounce back kay Cielo ang acts niya nang isumbong siya ng kapatid sa kanilang ama. Gumulo na lalo ang sitawasyon. He was about to confess the truth to their father when he found out that Lifli got pregnant.

                Man enough, pinandigan niya ang nagawa niya. Hindi na niya nasabi sa magulang ang rason niya. Herzon back off after that thing happen. Nagtagumpay siya... pero sariling buhay naman niya ang nasira niya. That time na nalaman niyang magkakaanak na sila ni Lif ay biglang bumalik lahat sa puso at isipan niya si Danica. May babaeng naghihintay sa kanya sa Pilipinas. Inakala niyang huli na ang lahat para sa kanila ni Danica dahil magbabago na ang buhay niya. Hindi na sila pwede.

                Nang malaman ng magulang niya ang tungkol sa pagbubuntis ni Lifli ay agad na nag-arrange ng kasal ang pamilya niya. Kailangan niyang panagutan ang bata. Umayaw si Lifli nang pag-usapan nila ang kasal. Hindi daw siya nito mahal. May mahal itong iba at hindi siya. Fine, the feeling is mutual. Hindi rin naman niya ito minahal dahil wala siyang ibang minahal kundi si Danica lang. Pero hindi niya kayang pabayaan ito at ang anak nila. Alam niyang tamang gawin ay ang pakasalan ito at bumuo ng pamilya. Natuloy ang arranged marriage.

                Ngunit nang mga sandaling tinatanong na siya ng nagkakasal sa kanila tungkol sa vows of marriage ay saka lang niya nasabing hindi niya kaya. Hindi niya ito mapapakasalan. Hindi siya pwedeng magpakasal. Tinalikuran niya ang responsibilidad niya. Tinakbuhan niya ito. Noong araw ding iyon ay nagdesisyon siyang umuwi ng Pilipinas. Alam na niya ang estado ng puso niya noon. Wala siyang gustong maging misis kundi si Danica lang.               

                Ngunit tulad ng lahat ng sekreto, alam niyang lalabas din soon ang tungkol kay Lif lalo na ngayong nakabalik na rin ito sa Pilipinas. After niya itong takbuhan ay agad din naman siyang nakonsenya noon. Hinanap niya ito. He tried his best to reach out. Hindi man niya ito pinakasalan, gusto pa rin niyang sustentuhan ang bata o kahit ang makilala lang siya ng bata bilang ama. But Lifli, run away somewhere, too. At ngayon, makalipas ang apat na taon matapos niya itong iwan, mukhang nalalapit na rin silang magkita.

                How can I fix this up now?  He sighed. Nasa kalagitnaan siya ng malalim na pag-iisip nang bigla siyang tawagin ni Danica.

                “Cielo Baby....”

                Umiling siya to clear his head. Saka na lang niya poproblemahin iyon. He needed to be with his wife first. Pumasok na siya sa loob ng hotel unit.  Nakita niya ang asawa na nakaupo sa sofa in her usual sexy yet nakakatawang pose in her sexy lingerie. May hawak itong mug.

                “Coffee or me, baby?” she winked.

                He mischievously grinned. “Tinatanong pa ba ‘yan?” He moved closer to her and awarded her a sweet kiss sabay kuha ng tasa ng kape. “Kape of course!” biro niya sabay higop ng kape.

                Pabirong umirap ito. “Hindi na ako nanalo sa kape. Palaging mong pinipili ang kape. Sa sunod, gatas na ang titimplahin para siguradong ako na iyong pipiliin mo.”

                Tumawa siya.  Inilapag niya sa side table ang coffee mug at niyakap ang asawa sa waist nito. “Mali kasi ang tanong mo. Dapat ang tinanong mo ay, ‘Coffee or baby?’”  He kissed her neck. “Forever kong pipiliin ang baby ko kesa sa kape.”  He gave her a second batch of sweet fiery kisses.


PREVIOUS                                 NEXT


Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…