Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter Four



Kasalukuyang nasa Green Haven Farm si Vel kasama ang mga high school friends niya. It was an early get together with her long-time girl friends—sina Ayen Mirasol aka Aycee, Jheymie,  Jayda, and Myka. They were all blood-related maliban sa kanya, merong first degree at may second degree cousins. Hindi man siya blood-related sa mga ito, still tinanggap siya ng grupo. Nakasama niya ang mga ito sa isang school organization noong highschool. And since that day, napanatili nilang buo ang kanilang samahan. Through the years of friendship, none of these girls turned her down. Halos nga pati mga magulang ng mga ito ay magulang na din niya. But among the girls, pinakamalapit siya kay Jheymie.

It was a fine morning. As usual, tambay na naman sila sa bahay nina Myka sa loob ng bonggang Green Haven Farm with some cup of coffee and toasties. Nasa veranda area sila ng villa. Mula roon ay tanaw ang magagandang facilities ng farm. Not to mention the scenic view of Taal Lake and Volcano. Somehow, nakatulong ang lugar na iyon para makalimutan saglit ni Vel na may gagawin siyang major assassination attack against Jam mamayang gabi.

                “Ay buti na lang, Vel at nahila ka namin sa get together na ito. Nakakaloka ka, hindi ka nagpaparamdam. Trabaho na lang lagi ang ginagawa mo. Mabilis kang tatanda ano?” hirit ni Aycee sabay higop ng kape.

                “Nagsalita ang hindi workaholic.”  She took her first sip of hot coffee.  

Aycee was a popular singer. In fact, concert queen na nga ito. Ito ang nag-iisang anak ng sikat na pianista at music arranger, Mr. Vlad Cerio.  


“Kung alam mo lang ang nakakaloka kong pinagdaanan. Pinatapon ako ng boss ko sa liblib na lugar sa Laiya San Juan for a special project,” kwento niya dito.

                “Pinatapon ka ni Tito Golen?” sabat ni Jayda. She was the daughter of the famous chef of Neryz Ennael, Hershey Castillo na kapatid naman ng big boss niya sa ZLCD.

                “Hindi ano. Mabait kaya si Sir Golen. Iyong bago naming project manager, iyon ang halimaw. Pinatapon niya ako do’n tapos sinundan ako. Kaloka di ba?”

                “Eh, fafable ba?” tanong ni Jheymie.  

She was the daughter of the famous business tycoon, Miguel Catacutan. And as one of the heir, she managed the foundation built by the Catacutan and Ferrer Clan, the New Organ for Life Foundation. Ito rin ng foundation kung saan nag-donate ng mata at puso ang kanyang kapatid.

“Oo, crush ko nga e. Kaso ang heartless niyang magtrabaho. Iyong wala siyang pakialam kung anong pinagdaanan ng empleyado niya masunod lang ang gusto niya. Na-experience kong wag kumain, matapos lang ang pinapagawa niya. Tapos ang ending, ire-reject lang niya. Pag ganyang mga moment, nahuhulas iyong pagka-crush ko sa kanya.”

Tumawa ang mga kaibigan niya.

“Akitin mo na lang para magka-love life ka naman,” hirit ni Myka.

Myka Marinel Catacutan, is the Queen of Green Haven Farm.  Ito ang sumunod sa passion ng ina nito towards plants. Isa itong botanist at landscape artist tulad ni Vel. Anak ito nina Limien and Hamiel na miyembro ng dating sikat na banda, ang Karisma Band. At dahil bongga ang ganda ng Green Haven Farm, doon sila madalas tumambay mula pa noong highschool pa lang sila.

“Sus, hindi na iyon kailangan. Mukhang may gusto sa akin iyon kaya ako tinatambakan ng trabaho e. Pero hanggang crush lang ako. Ayoko ng love life. Nakakasira iyan ng buhay.”

“Correction your honor! Wag kang ganyan sa love. Kung walang love, wala ka sa mundong ito... at wala tayong lahat. Kaya dapat, positive lang ang views sa love. Di ba, Jheymie?” baling ni Aycee dito.

 All the girls turned their attention to Jheymie. “So, may love life na between you and Mr. Lover Boy?” tanong ni Vel.

“Iyong lalaking iyon? Ung Mapagmahal na iyon? Wala iyon!” mataas na tono ni Jheymie na halatang defensive. Recently, this friend of her encountered a guy with Mapagmahal surname. And all of them find him cute. “Naaawa lang iyon sa babaeng nakasaklay.”

Jheymie is indeed a person with disability. Ayon sa kwento nito, bata pa ito nang maaksidente ito at mula noon ay hindi na ito makalakad ng walang saklay or wheel chair. But despite of being like that, Jheymie grew up with a positive attitude. She can do lot of things better than those who can walk and run properly.

“Hep! Wag ganon, Jheymie. Alam nating behind that saklay of yours is a powerful woman. May napadala ka na sa ospital dahil sa powerful saklay mo, remember?” Jayda said.

Naalala tuloy niya ang pangyayari noong highschool pa lang sila. May nagtangkang dumukot kay Jheymie. Bilang mga anak ng napakayamang businessmen, hindi iisang beses na naka-encounter ang mga kaibigan niya ng kidnapping incident. But none of them went successful dahil lahat sila, pati si Vel ay  marunong ng martial arts. And among that kidnapping incident, pinaka-epic ang nangyari kay Jheymie. The kidnappers ended up in the hospital after nitong paghahampasin ang mga iyon ng saklay nito using her arnis de mano skill.

Napatawa tuloy silang lahat. “Oo nga ano? But anyway, wala naman talagang special sa amin ng Mapagmahal na iyon.  Ayoko din ng love life! Pareho kami ni Vel.” Nag-high five pa silang dalawa.

“Ano iyan? Bestfriends, goals?” hirit ni Myka.

Nag-beep ang cellphone niya kaya dinampot niya iyon sa center table. Baka work-related iyon kaya mainam nang mabasa niya agad bago pa siya sabuyan ng asido ng kanyang halimaw na fafable boss. Sa isang unregistered number galing ang text message:

Hi Vel. Doc Kent here. Kumusta na ang mata mo?  

Bigla siyang kinabahan. Pinaalala ng text na iyon ang bagay na gusto niya  muna sanang kalimutan kahit sandali lang.  Natigilan tuloy siya habang nakatitig sa text message na iyon sa cellphone niya.

“Uy, problema?” tanong ni Jayda.

Binaba niya ang cellphone sa  center table at binalingan niya ang mga kaibigan.  Kailangan niyang ikwento ang lahat tungkol kay Doc Kent—este Jam. Dahil kung hindi niya ito mailalabas, baka kung anong magawa niya sa lalaking ito mamayang gabi.

“Girls, I have a major problem,” simula niya. “Remember the guy na nakasagasa sa ate ko ten years ago? I finally faced him again.” Natigilan ang lahat at natahimik. Isa-isang inilapag ng mga ito sa center table ang kani-kanilang cups of coffee at taimtim na nakinig sa kanyang kwento.

From the start ay alam ng mga ito ang trahedyang nangyari sa kanya. Hindi siya iniwan ng mga kaibigan nang mga oras na iyon.  At maging ang madalas na pagpapadala ng bulaklak at paghingi ng tawad ni Jam sa kanya ay alam ng mga ito.

She started telling the story, mula sa unang encounter niya kay Jam na nagpakilalang Kent sa elevator, ang project na ginagawa niya para sa resort nito hanggang sa kung paano niya natuklasan na si Doc Kent at si Jam ay iisang tao lang.

She showed the pen light to them. “I regret na hindi ko maalala ang mukha niya. Kung na-recognized ko lang sana siya agad, wala sanang ganitong drama. Inihahanda ko na ang sarili ko na makikita ko siya soon dahil sa project na iyon. Magpe-present ako sa kanya ng project and I have nothing to do with that. Hindi ko iyon maiiwasan kaya hinanda ko na ang sarili para doon. Pero hindi ako ready kagabi. Akala ko, pwede ulit akong magtiwala sa ibang tao. And it turned out to be another mistake from Dr. Jamison Kent Pelesso. Kasumpa-sumpang pangalan. Dumoble pa tuloy ang sama ng loob ko sa kanya.”

“Pelesso... Dr. Pelesso...” Jheymie acted like thinking about something. “Ito ba iyong doctor na may secretary-driver na babae?”

“Yes, Jheymie. How did you know?” tanong niya.

“Ahm... katrabaho siya ni Arthwil and I think he’s a good friend of my brother,” malungkot na sambit nito. “But we never get along.”

“So what’s the assassination plan?” tanong ni Jayda.

“Grabe, assassination agad?” alma ni Myka.

“Eh di ba, nagplano nga tayo ng ganyan dati?” tanong ni Aycee. “Si Jheymie pa nga ang mag-hire ng killer!” biro pa nito.

“Tapos si Jayda na ang bahala sa paglilinis ng ebidensya!” hirit ni Jheymie sabay tawa.

“Si Myka ang bahala sa pagdidispatya ng bangkay!” hirit din ni Jayda.

“Si Aycee ang bahala sa dramatic look mo, Vel habang tumatawa ka ng pangkontrabida at kumakanta ng, ‘Ako ang Nagwagi!’” sabi ni Myka.

Napuno ng tawanan ang veranda. Hindi niya ma-imagine kung anong polluted air ang pumasok sa ulo nilang magkakaibigan at  minsan nga nilang naisipang gumanti noong college pa lang sila, less iyong sinabi ni Myka of course.

“So anong plano? May dinner kayo mamaya, di ba? Wag mo siyang lalasunin ah. Masama iyon!” sabi ni Myka.

“Kahit naman gusto ko siyang patayin sa imagination ko, hanggang doon lang iyon. I can’t do that.”

“Pero Vel, ano ba talaga ang gusto mong mangyari?” tanong ni Aycee.

Nagkibit-balikat siya. “I actually don’t know.”

Ano nga ba? Kahit sarili niya hindi alam kung ano ang sagot sa tanong na iyon. Gusto ba niyang gumanti? Anong klaseng ganti? Gusto ba niyang masagasaan din ito? O ang mamatay ito? A part of her mind was yelling a lot of no in her head. Hindi siya masamang tao. Hindi siya ang tipo ng taong gugustuhin may mamatay para lang sa katarungang hinihingi sa pagkawala ng kapatid. Hindi siya ang tipo ng taong kinain ng poot at galit para pag-isipan ng masama ang ibang tao.

Isa lamang siyang taong natatakot na magtiwala sa iba. Isang babae na takot nang maiwang mag-isa, pagod nang malungkot, at pagod nang magluksa. Ilang taon siyang bilanggo ng sama ng loob. Alam niyang ang tanging paraan para lumaya siya sa ganoong sitwasyon ay ang matutunang magpatawad. Ngunit hindi niya alam kung saan hahagilap ng lakas ng loob para patawarin si Jam at ang sarili niya.  Mas gugustuhin pa siguro niyang lumayo na lang ito sa kanya tulad nang dati niyang hininging pabor sa magulang nito kesa ang patawarin ito. Dahil ang presensya nito ay nagpapaalala sa kanya kung gaano kasakit at kahirap ang maging isang ulila.


“WINONA, HAVE you seen my pen light?” tanong ni Jam dito.

He was looking for it the whole day. Balik clinic na siya nang bigla siyang ipatawag ng Tolentino-Ferrer Medical Center para sa isang emergency operation ng isang pasyenteng biktima ng car accident.  Kahit di pa tapos ang bakasyon niya ay wala na siyang nagawa. Ganon naman talaga ang mga doctor, wala na silang magagawa once ma-on call.

Matapos ang matagumpay na operation ay mga medical consulation naman ang inasikaso niya. Saka lang niya napansin na nawawala ang pen light niya  nang gagamitin niya iyon. Buti na lang may spare siya sa clinic.

“Inilagay ko iyon sa medical kit mo,” sagot ni Winona.

“I think I misplaced it.”

Tapos na ang clinic hours. Wala na din siyang pasyente.  He’s resting a bit bago niya bisitahin ang ilan niyang pasyenteng naka-confine.  He picked up his phone to check kung nag-reply si Vel sa kanya. Bahagya siyang nalungkot nang wala itong reply.  Bakit kaya di siya nag-reply? Bigla siyang natigilan. Ginamit nga pala niya noong nakaraang gabi ang pen light nang tingnan niya ang mata ni Vel. What if naiwan pala niya iyon sa bahay nito? The pen light has his name engraved in it. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi siya sumasagot sa text ko? Lagot!

“Damn it!”

“Huh?” Binalingan siya ni Winona with a knotted forehead.

“Naiwan ko ata sa unit ni Vel iyong pen light kagabi.”

“At anong ginagawa mo sa bahay niya?” malisyosang tanong nito.

 “She asked for my help.  Nagkaroon siya ng styes. I checked her eyes in her unit.”

“Iyon lang?”

“Win!” sita niya dito.

Tumawa lang ito. “Eh baka naman kasi nauwi sa kissing scene iyong check up. Hinihintay ko sanang ikwento mo iyon—”

“Kahit magka-kissing scene, hindi ko ikukwento sa’yo iyon ano!” mataas na tonong sagot niya.

“So, umaamin ka na ba sa lagay na iyan na more than forgiveness ang habol mo kay Vel?” she grinned.

Tiningnan niya ito ng masama. “Tigilan mo nga ako. Sesesantihin kita!”

Tumawa lang ito dahil alam naman nitong hindi niya gagawin iyon. “Pikon si Boss Pogi oh! Unahan mo na.”

“Wala akong balak halikan siya, okay!”  Mataas pa rin ang tono niya.  Hindi niya kasi mawari kung bakit ang tingin ni Winona sa kanila ni Vel ay isang love team gayong alam naman nitong malabo iyong mangyari.

At disappointed ka? Bet mo rin ba? Isa ka pa rin namang kung anu-ano ang iniisip tungkol kay Vel, he said to himself.

Tumawa si Winona na nagpabalik sa huwisyo niya. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Napapaghalata ka rin e. What I mean is, unahan mo na siya. Tell her the truth bago pa niya isampal sa pagmumukha mo iyong pen light na naiwan mo sa bahay niya.”

Napangiwi siya. Biglang nag-beep ang cellphone niya indicating a text message received. Nag-reply si Vel sa text niya.

Hi Doc Kent. My eyes are okay. See you later.  

Napabuntong-hininga siya para mag-ipon ng lakas. He was about to face a battle later on.  Tinapos niya ang trabaho at nagpahatid na kay Win sa condo. Habang palapit nang palapit ang alas-siete ng gabi ay patindi nang patindi ang kabang nararamdaman niya.  Until the time was up.  

Holding a bouquet of the usual set of flowers he used to choose for Vel, nag-doorbell siya sa unit nito. He was wearing a bit formal powdered blue long sleeves na akala mo, isang formal date ang pupuntahan. Walang ng atrasan. Ipagtatapat na niya dito na siya ang taong isinusumpa nitong makita. Buong tapang niyang haharapin kung anuman ang kahihinatnan noon.

It’s all your fault, anyway. Wala kang karapatang humingi ng kahit na anong konsiderasyon kay Vel, dahil kasalanan mo naman ang lahat, Jam.  

Dumoble ang kabang naramdaman niya nang bumakas ang pinto. Bumungad sa kanya si Vel in a simple royal blue fitted dress paired with a simple silver-colored stiletto shoes. Ayos na ayos din ang buhok nito at naka-make up.

Geez! Why is she so beautiful tonight?  Nagulat si Jam nang ngumiti Vel sa kanya. She even looked intently in his eyes that made him feel more uncomfortable. That fake smile can’t hide the anger reflecting in her eyes. Confirmed, bistado na siya. He can sense that. Or this is her kontrabida look.  Am I gonna die tonight?
   
“Doctor Kent.” Matamang tinitigan siya nito. “I’m glad to see you again. Please come in.” She opened the door wider para papasukin siya.  Makahulugang tiningnan pa siya nito bago ito tumalikod at naunang naglakad sa loob ng unit nito.

Despite of her dangerous woman look, Jam still found her astoundingly beautiful that night. Hindi niya maiwasang pansinin ang hubog ng katawan nito sa sexy dress na suot nito matched with her perfume.  Hay Jam! Bibitayin ka na nga, kung anu-ano pa iyang naiisip mo! Hold your grip! Sinermunan niya ang sarili.  He followed her inside her unit and closed the door.
  
“Vel...”

Lumingon ito. Kinabahan siya. “Yes?”

“Flowers for you.”

Tinanggap nito ang bulaklak. Saglit nitong pinagmasdan iyon bago makahulugang binalingan niya. “Thanks. Pero sana hindi ka na nag-abala pa. The dinner is ready, shall we start meal?”

“Ahm, Vel...I... I have to say something important to you. Can we talk first?”

Hindi nakatakas sa kanyang mga mata na bahagyang tumaas ang kilay nito bago makahulugan na namang tinitigan siya. “Whatever it is, it can wait.  But the food can’t. Lalamig ang pagkain. Iyon muna ang unahin natin.” Tinalikuran na siya nito at naglakad papuntang dining area.

He sighed. Why do I feel so weird?  Alam na niyang bistado na siya pero di niya maipaliwanag kung bakit ibang kaba ang nararamdaman niya. It was like there’s something in Vel that made his senses turned crazy. Sumunod siya sa dining area at umupo sa other side ng mesa kung saan ito nakaupo. They were now facing each other. And through out that moment ay nakatitig lang sa kanya si Vel. Ung titig na kung nakakamatay lang, nasa funeraria na siguro siya ngayon.  

“Let’s eat. Kumuha ka na.” Hindi pa rin kumibo si Jam. She sighed. Pagkatapos ay pinagtaasan siya ng kilay.  “Wag ka nang mahiya...or shall I say, wag kang matakot, Dr. Jamison Kent Pelesso.”

Nakipagtitigan na lang din siya dito. Hindi naman talaga natatakot si Jam sa paghaharap na iyon. He’s more worried about what will be Vel’s reaction. Or kung anong posibleng maging end result ng acts niya. Ayaw niyang makitang nasaktan na naman niya si Vel dahil sa nagawa niya or makadagdag pa iyon para hindi siya nito mapatawad. But seeing how tough she was, mukhang wala naman siyang dapat ipag-alala. Mas magagalit siya sa sarili kung humarap ito sa kanyang umiiyak.

Tumawa ito ng pagak. “It seems that you already figured it out. This is unfair. Hindi ka man lang nasurpresa na alam ko na ang kalokohan mo. Samantalang ako, saglit na gumuho ang mundo ko matapos kong matuklasan na kinaibigan ko ang taong nakapatay sa ate ko. You must have planned the game so well, Mr. Pelesso.” Ibinalik nito ang pen light sa kanya.

“I’m not playing games with you, Vel. This is the reason why I asked if we could talk first. I don’t even understand why you pursue this dinner kahit alam mo nang ako si Jam. But I know why I am here. This is the opportunity for me to make things right—” Inawat siya nito.

“Hindi ko pa gustong marinig iyang paliwanag mo. I-reserve mo iyan, mamaya. Pwedeng kumain muna tayo?”

He shut his mouth pero hindi pa rin siya kumuha ng pagkain.

“Wag kang mag-alala. Walang lason ang mga ito.” Sumandok na ito ng pagkain at nagsalin sa pinggan nito at sumubo. “See? Kumain ka na. Makakauwi ka pang buhay after this.”  She rolled her eyes.

“Why Vel? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit? Pwede mo naman akong ipagtabuyan na lang, paghahampasin sigawan, murahin. Pwede kang magalit sa akin. Bakit kailangan mong ituloy itong dinner na ito kahit na alam nating napipilitan ka lang?” tanong niya.


 VEL TOOK a deep sigh. “Hindi ba dapat maging thankful ka na lang?” mataray na sagot niya dito.

Hindi din naman niya alam ang sagot e. Ni hindi din nga niya alam kung bakit nag-effort pa siyang mag-dress at mag-make up gayong  isang taong walang kwenta lang naman ang kaharap niya. Eh kasi sa teleserye, dapat maganda ka pag makakaharap mo ang kalaban mo. I’m just doing the same.  Lihim siyang napangiwi sa naisip.

Iba ang nangyari sa nasa isip niyang plano. Kokomprontahin na sana niya si Jam pagkabukas pa lang niya nang pinto pero tila nakalimutan niyang abot-langit ang galit niya dito nang titigan niya ito. It was like her sister was gazing at her and telling her to stop being too hard on him. Naisip niya tuloy na baka kaya niya nakikita ang mata ng ate niya kay Jam ay dahil pinapaalalahanan siya ng kapatid na magpatawad. Kaya kahit gusto niyang hambalusin ito nang walang awa ay hindi niya nagawa. They ended up in that dining table.

Hindi pa rin ginagalaw ni Jam ang pagkain habang siya ay nakakatatlong subo na. He was just gazing at her at hindi na siya comfortable. Para siyang kinokonsensya ng kapatid. “Fine! Itinuloy ko ang dinner na ito dahil ayokong magkautang na loob sa’yo. Ilang beses mo akong tinulungan and I have to repay whether you like or not. In that way, made-dettached ako sa’yo. This is for the good guy named Doctor Kent at hindi sa’yo.”

“Ako pa rin si Doc Kent,” he said affirmatively.

“Hindi ikaw si Doc Kent sa paniniwala ko these past few days. That good guy was gone.” She continued eating all the food in her plate and he just stared at her. “Kung ayaw mong kumain, bahala ka.” 

 Few seconds ay sumandok din ito ng pagkain. Tahimik lang sila habang kumakain. Hindi makapaniwala si Vel sa nangyayari. Ano bang kalokohan ‘to? Pinagluto ko pa at pinatuloy ng bahay ko ang lalaking ito. Ate naman kasi, nangongonsensya ka pa e.  Hinintay niya itong matapos.

“Thank you sa dinner. You cook well,” sambit nito.

“I’m saying goodbye to Kent for good. And now, Mr. Pelesso sabihin mo nga sa akin kung bakit mo nagawa ito? Bakit mo ako niloko?”

“Hindi ko intension na lokohin ka. The moment we bumped to each other, I thought maaalala mo ako, na makikilala mo ako. But you didn’t—”

 “And you took that opportunity na lokohin ako?”

“No.”

“Then why? Hindi ko makita ang sense na patuloy mong panggugulo sa buhay ko gayong simple lang ang pabor na hiningi ko sa magulang mo at sa’yo...I want you to get lost! Wag kang magpakita sa akin. I’ll be perfectly okay with that. Pero hindi ka tumupad, pinaglaruan mo pa ako,” still in her serious tone.

“Hindi iyon sa ganon—”
               
              “So ano?”
              
           He looked at her with all sincerity. “Hindi ko matanggihan iyong pagkakataon na makita kang nakangiti at masaya.”
                
              Kumabog ang puso niya nang marinig iyon dito. “Huh?”
           
            “Vel, ten years kitang sinubaybayan. It’s not just about the flowers I gave you or the emails or the phone calls. Sinusundan kita minsan, inaalam ko kung saan ka naroon to make sure that you’ll be okay. Call me a stalker or whatever you like. Nakita ko ang bawat luha na pumapatak sa mata mo tuwing dadalaw ka sa puntod ng kapatid mo or tuwing naaalala mo siya. Alam ko kung gaano ka kalungkot sa buhay mo lalo na pag mag-isa ka na lang. I wanted to help you, to cast those tears away. I want to make you happy. But how can I do that if I’m part of the reason why you cry? Bahagi ako ng dahilan ng kalungkutan mo. Pero after we met in the elevator, you were different.  Ngumingiti ka, kaibigan ang turing mo sa akin, humingi ka sa akin ng tulong... bagay na alam kong di mangyayari kung alam mong si Jam ako. In some point pinagpasalamat kong hindi mo ko nakilala. Ginamit ko ang opportunity na iyon para tulungan ka pag kailangan mo ng tulong at para makita kang ngumiti.”
                
          “So what kung makita mo akong ngumiti? Ano namang magagawa noong mabuti sa’yo?” Umiwas siya ng tingin dito para iwasan ang mga matang kahawig ng sa ate niya. Tumungo na lang siya. 
          
            “It made me feel better for some reason that I don’t know. It was a once in a lifetime event na alam kong imposibleng maulit lalo na ngayon na alam mo na ang totoo.  Kaya kahit alam kong mali, itinuloy ko ang paglapit sa’yo. It somehow made me believe in a dream that you can be nice to me... na pwede mo rin pala akong makita bilang mabuting tao at hindi masamang tao na naging dahilan kung bakit namatay ang kapatid mo. A dream that made me believed that I can be that close to you as a friend.”
     
           Hindi napigilan ni Vel ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata nang muli niya itong balingan. “Wala akong planong maging kaibigan mo. Alam mo iyan! What you have done to ruin my life is unforgiveable.”  Tinitigan niya ito. Kailangan nitong makita ang luha out of painful reality. But she was surprised when she saw his tears falling while gazing at her.

“I’m so sorry, Vel. Alam ko ang extent ng galit at sakit na nararamdaman mo para sa akin. Buong buhay akong hihingi ng tawad sa’yo kasi iyon na lang ang kaya kong gawin. Hindi ko sinasadya ang nangyari.”

She sobbed. “Bakit ka tumakbo nung araw na iyon?”   
     
           “Natakot ako, naduwag ako.” Umiwas ito ng tingin nang muling tumulo ang luha sa gilid ng mga mata nito. “I didn’t expect your sister to pass by kasi naka-go signal ang traffic light noon. Nagulat na lang ako, bumangga na siya sa sasakyan ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, tumakas ako—”

                “Kung dinala mo siya sa hospital right that moment na nabangga mo siya, mabubuhay pa sana siya!” Tumayo siya at nihampas niya dito nang makailang beses ang bouquet of flowers na ibinigay nito sa kanya. Hinayaan lang siya nito. Sinalo lang nito lahat ng hampas na ginawa niya. Hindi siya nito pinigilan kahit nagkasugat-sugat na ang mukha nito.  “Pero dahil tinakbuhan mo ang responsibilidad mo, namatay siya. Naiwan akong mag-isa sa buhay. Hindi mo maiiintindihan kung gaano kasakit iyon dahil buo ang pamilya mo. May mga magulang ka, may kapatid ka. Ako? Siya na lang ang meron ako. At dahil sa’yo, nawala din siya!” Ihahampas pa sana niya uli sa mukha nito ang bouquet nang titigan siya nito. Muli, pinaalala ng pares ng mga mata nito ang kabutihang loob ng kanyang ate.  She sighed ang just went back to her seat.  

                “Bumalik ako. Kasi alam kong mali ang tumakbo pero wala na kayo do’n at sabi ng mga tao, nadala na sa hospital ang ate mo.  God knows, pinagdasal ko na mabuhay siya. Pero pagdating ko ng hospital sinabi mong wala na siya. Hanggang ngayon galit ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa’yo. Alam kong dalawang buhay ang nawasak ko, ang sa ate mo at ang sa’yo. Alam kong hindi ko na maibabalik ang ate mo. All I can do is to say sorry as many times as I can until you have the heart to forgive me.”

                  Pumikit siya nang mariin para pigilan ang pagpatak ng luha mula sa gilid ng kanyang mata. Pagkatapos ay binalingan niya ito. “You don’t have to do that. I just want you to get lost. Tigilan mo na ang pagpapadala ng bulaklak, ng birthday cake, ng kung anu-anong regalo sa akin. Stop sending me emails and text messages. Never call me again. I want you to disappear. Please just pretend that you never existed. Baka pag hindi na kita nakikita at wala ng kahit anong bagay na mapapagpaalala sa’yo sa akin,  hindi na ako masasaktan. Baka mapatawad na rin kita pag naglaho ka na.” Papawiin sana niya ang luha sa kaliwang mata nang hawakan nito ang kamay niya para pigilan. “What?”

                He moved closer to her, kumabog ang puso niya. He slowly wiped her tears using his clean white handkerchief. “I already told you that you should avoid touching your eyes. Kakalat ang infection.”

                Natigilan si Vel. Ni hindi niya nagawang tumanggi sa pagpunas nito ng luha niya. That scene ended when he handed her the clean handkerchief.  She sighed the moment he moved away from her. “Get lost, Jam. Please, get lost.”   

                “Okay, kung iyan ang gusto mo, gagawin ko. Promise. Salamat sa opportunity na makausap ka. Ilang taon ko ding hinintay na mangyari ito. At least alam ko na kung anong gagawin ko para mapatawad mo ako. I’ll go ahead.”  Tumayo na ito.

Papalabas na ito ng unit niya nang tawagin niya ang pangalan nito. “Jam...”

He turned to her. He looked sad and broken, too. And that made Vel feel a little guilty. Nang makita niya ang mga luhang pumatak sa pisngi nito at ang pares ng mata nitong sinserong humihingi ng tawad, natunaw na ang puso niya. Alam niyang iyon din ang gusto ng kanyang kapatid... ang mapatawad niya si Jam. The thing is, hindi pa niya talaga kayang magpatawad sa mga sandaling iyon.    

“Yes? Any additional request para mapatawad mo ako?”

She sighed before speaking. “Sinubukan ko naman na patawarin ka. Hindi ko lang talaga kaya. I’m sorry for that.”

“I understand. I deserve it or even more than that, maybe.”

“May huling tanong ako sa’yo.”

“Ano iyon?”

“Sinadya mo rin bang sa ZLCD Reality magpagawa ng resort dahil alam mong doon ako nagtatrabaho?”

He nodded. “Yeah. Desperado akong makaharap ka at makausap para personal na makahingi uli ng tawad. But after this talk, it doesn’t make sense anymore. Don’t worry. Huli na nating pagkikita pag nag-present ang ZLCD sa akin ng design. Hindi mo na ako makikita pagkatapos noon, pangako. Aalis na ako.”

Hindi na nito hinintay ang reaksyon niya. Tumalikod na ito at lumabas ng unit niya. Naiwan siyang malungkot at tulala habang nakatitig sa sira-sirang bouquet of flowers na pinaghahampas niya dito kanina at sa puting panyo na nasa kamay niya. She suddenly felt empty.

"Bakit ganon? Di ba dapat mas okay na ako dahil hindi ko na siya makikita? Hindi na siya manggugulo. No more annoying flowers, no more emails, no more landline calls. I should feel better."  But for some reason, she felt the other way.



PREVIOUS                                                                  NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…