Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin-Chapter Five




Malungkot na nag-aabang si Nica sa veranda ng bahay nila. Tapos na ang photoshoot at interview. Bumalik ang sigla at kulit ni Cielo after nitong mag-sorry. Akala ni Nica ay okay na ang lahat. Pero matapos ang shoot nitong nakaraang araw ay agad na umalis ng bahay si Cielo at sinabing sasama ito sa gig ng Karisma sa Cebu. Dala nito ang bagaheng inihanda niya sana para sa Macau trip nila. Mamayang hapon na ang flight nila pa-Macau and still no sign of Cielo. Hindi niya alam kung sasama ba ito o tototohanin nitong hindi ito sasama sa trip na iyon.

                She tried to call him again, pero di nito sinasagot ang tawag. Kanina pang umaga niya ito tinatanong kung kelan ito uuwi dahil baka mahuli sila sa flight pero wala siyang na-receive na reply. She kept on texting him though.

                Akala ko okay na tayo, Cielo? Bakit di mo sinasagot ang tawag ko? Hindi ka ba talaga sasama?

                She sighed. Nagsisimula na siyang mainis. Bakit kailangang maging ganon ka-hard sa kanya ang asawa niya? Eh in the first place, hindi naman niya kasalanan entirely kung bakit na-delay nang na-delay ang trip nila.

                Okay fine. Kung ayaw mo talagang sumama. Aalis na lang akong mag-isa!  Hindi naman pwedeng palagi niyang ipapampam ang ugaling iyon ni Cielo.

Kung ayaw niya, eh di wow.

                Sayang ang ticket at accommodation nila doon sa Macau. Ayaw niyang mag-aksaya ng pera. She prepared herself for the trip. Hanggang sa airport bago siya mag-check in ay umaasa pa rin siyang magpaparamdam ang asawa, pero wala.



                Pumila siya sa check-in counter. Nabwisit pa siya na puro couples ang sinundan niya sa pila. Inabala na lang niya ang pagkuha ng random photos to document her solo trip.  She took a picture of her with her luggage at nasa background ang mga couples. She posted it on Facebook:

                                Danica Urbano-Pontez feeling emotional with Cielo Pontez

Minsan may mga bagay na solo mo lang dadalhin kahit na dapat ay para sa inyo at hindi sa’yo lang. Mapapatanong ka na lang kung bakit ka nag-iisa sayaw na pang-dalawa.  Ang bigat kaya ng maleta ko, tapos ang dami pang pabebe couples dito. Kaloka! By the way, see you Macau in a few.

Maraming nag-comment at nagtatanong kung bakit babyahe siyang mag-isa. Pero ang sinagot lang niya sa mga ito  ay isang mala-showbiz na statement : “Conflict lang sa schedule. Mauuna lang ako at susunod si Cielo Baby do’n.”

Pero ang totoo, hindi na siya umasang susunod ang asawa niyang expert nang tiiisin siya. Buwisit!    An hour later ay on board na siya. Wala pa rin siyang nakukuhang tawag mula sa asawa and that means...

Wag ka na umasa, Danica. Nakamamatay!

She turned her phone into airplane mode and kept it inside her bag. Makalipas ang two hours and thirty minutes ay nag-land na rin ang eroplano sa Macau International Airport. From there, ay may kotseng sumundo sa kanya na maghahatid sa kanya sa Neryz Ennael Macau. Habang nasa byahe ay inaliw niya ang sarili sa pagmamasid sa dinadaan ng sasakyan. Maliwanag ang syudad kahit gabi na. Mukhang masaya ang lugar na iyon, pwera sa puso niya.  

Huminto ang sasakyan sa tapat ng main entrance ng isang luxurious hotel.

“Madam, welcome to Neryz Ennael,” sambit ng driver.

“Thank you.”

Pagkababa niya ng sasakyan ay sinalubong siya ni Golen. Aside from the realty corporation, his family also owns famous chains of luxurious hotels and resorts around the globe including Neryz Ennael.

“Welcome to Macau, Nica!” bati nito sa kanya.

“Uy Golen! I didn’t know you’ll be here.”

He kissed on her cheeks. “Well, just a mere coincidence. I’ll be here in few days to supervise an important business conference.” He guided her as they entered the hotel.

Pagpasok ng lobby ay hindi maiwasan ni Danica na mapa-wow. The place reflected a single word—luxurious. Everything looked expensive in that place. She wondered how much Cielo paid for that trip.
            
            Golen led her to the receiving area of the lobby.  “You will be treated as VIP guest here. Let my people do the job for you. Your things are up to your room by now.” May lumapit ditong staff at may iniabot na clipboard. Iniabot nito iyon sa kanya. “Please fill up.”

                They both took their seats. Sinimulang niyang i-fill up a form habang nakikipagkwentuhan kay Golen. “VIP talaga ako dito?” Binalingan niya ito and he just nodded. “Taray! So pwede akong mag-request sa tagapagmana ng mga Castillo?”

                Napatawa lang ito sa sinabi niya. “Ano iyon?”

                She signed the document first bago niya binalingan ito. “Paki-ban si Cielo dito. Ayoko siyang makita.” She said in serious face sabay abot ng form sa kanya.

                “Ha?” gulat na gulat na reaction ni Golen.

                Napatawa tuloy siya. “Joke lang!” bawi niya. Ngunit, bigla din siyang nalungkot. “Pero half meant iyon. Hinayaan lang niya akong magbyaheng mag-isa. Sana panindigan na lang niya. Wag na siyang magpapakita dito.”

                Napangiwi ito.  “I’ll just get your room keys.” Iniwan siya nito at nilapitan ang hotel receptionist. She took the chance to check her phone. Wala pa ring response si Cielo. And to make it worse, sini-seen lang nito ang message niya at like lang reaction nito sa status niya sa Facebook.

Ginagalit mo talaga ako ah. Let’s see. Matira ang matibay.  She grinned.


                MAKAILANG BESES na bumuntong-hininga si Cielo habang hinihintay na dumating si Danica sa hotel room nila. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Is it because first time niyang mag-effort na i-surprise ito? O baka dahil natatakot siyang pumalpak.  He had a hint though na bad trip na si Nica sa pande-deadma niya sa messages and calls nito.

                Nagulat siya nang mag-beep ang message alert tone niya. The message came from Golen.

                Good luck, dude. Mukhang galit sa’yo ang misis mo. :D  

                Napangiwi siya.  “Darn it!”

                Dumoble ang kaba niya nang marinig niya ang pag-click ng pinto, an indication na merong nagbukas ng pinto. Agad niyang dinampot ang bouquet of flowers sa kama at pumwesto sa may pinto. He showed off his sweetest smile and made himself ready.

                “Surprise, baby!” he happily greeted Nica the moment she opened the door. Pero umurong lahat ng ngiti niya nang seryoso lang siyang tingnan nito mula ulo hanggang paa na tila hindi ito masayang makita siya.

                “Tumabi ka. Nakaharang ka sa daan, Mr. Pontez,” she said in poker face.

                “Di ka ba masayang makita ako dito?” He carried her bag.

                “Let’s see. After mo akong pabayaang magbyaheng mag-isa, after mong deadmahin ang phone calls ko at text messages, after mong i-seen lang lahat ng fb messages ko at i-like lang ang status ko... sa tingin mo ba, matutuwa pa ako, Cielo? You just proved me that you are really heartless.”   

                “Hindi kita kinausap para ma-pull off ang surprise na ito. Hindi naman talaga ako tumuloy sa Cebu. Dito ako nagpunta para mag-prepare ng surprise para sa’yo. Sorry if it hurts you. I’m sorry for being a disappointment. Maybe, I’m not really a kind of guy who’s good in surprises.”

                “Okay.”

                 Tinitigan niya ang asawa. At alam niyang hindi talaga okay ang ibig sabihin nito.  She just sighed at dumiretso sa bedroom area ng unit. Malaki ang VIP room na iyon. May mini sala separated sa bedroom.  He was about to follow her inside when she just shut the door in his face. He knocked on the door. “Nica, usap tayo. Please? I’m sorry!”

                “I said okay! Ano pa bang gusto mo?!” she shouted.

                “Ikaw, iyong asawa ko. Iyong honeymoon trip, iyong plano para sa first baby natin.”   He felt his heart being crushed little by little. “Ikaw? Anong gusto mong gawin ko, mapatawad mo lang ako?”

                She opened the door. “Do me a favor. Lumipat ka ng room. I don’t want you here.”

                “I can’t do that.”

                She rolled her eyes. “You can.”

                “Do you know how much this room costs? Forty-five thousand pesos per night. Pag lumipat ako, we will double the cost of our honeymoon trip. Gusto mo ba iyon?”

                Napanganga ito sa sinabi niya. “Susme! Gawa ba sa ginto ang kwartong ito at ganoon kamahal? Why the hell you rented this hotel room kung sobrang mahal?”

                 Pumasok siya sa room. “Because this is best for my wife.” Hinawi niya ang kurtina na nagko-cover sa glasswall corner ng silid. Tumambad sa kanila ang isang scenic view. “I remember na mahilig ka sa city lights view. I know you will love the Macau version.” Isa lang iyon sa napansin niya nang maging asawa niya ito. Tulad niya, mahilig din itong mag-city lights viewing.

                “Fine. Wag ka na lumipat ng room. But still, ayokong andito ka sa kwarto na ito. Kaya please, labas!”  Pinagtulakan na naman siya nito.

                “Pero saan ako tutulog?” apila niya.

                She grinned. “I think the couch is perfect for you.”

                He sighed. “Okay I got it. This is my punishment. Kung ito ang magpapasaya sa’yo my Danica baby, then so be it.” Sumandal siya sa hamba ng pinto at hinapit ito papalapit sa kanya. He gave her a quick sweet kiss. Napangiti siya afterwards. May tampo man ang asawa niya sa kanya, hinding-hindi nito kayang magsinungaling once na halikan niya ito. She just responded. “Rest well, baby. Be sure to be up before six in the morning to witness the astoundingly beautiful sunrise from there. And be ready for breakfast at 7am. We have a date.”  Then he let go of her and turned away.

                “Hindi ako umoo sa date na iyan,” she winced.

                “I’m not asking permission. I’m telling you my plans.” He grinned. “Do you wanna hear more?”

                She shut the door and screamed. “I hate that I love you, Cielo! Nakakainis ka!”

                “I love you more, baby. Itulog mo na lang muna iyan.”   Umupo siya sa couch at napabuntong-hininga. I should do this better. Courting a wife is not really easy.

               
               
                DANICA spent all her attention watching the sunrise right from her bed. Indeed, the scene was breathtaking. She can’t help but smile.  “Tama si Cielo. Napakaganda mo naman ngayong umaga, sunrise!” sambit niya.

                “Ikaw rin. Napakaganda mo tuwing umaga.” She heard Cielo’s voice. 

                Napalingon tuloy siya. “Sinabi ko na bang pwede ka nang pumasok dito? Tigas din ng ulo mo e.”

                “Kukuha ako ng damit. Maliligo ako.”

                “Whatever.”  She rolled her eyes and set back her attention to sunrise view from the glasswall. Nagulat siya nang biglang umupo sa tabi niya si Cielo. Hinawakan pa nito ang kamay niya. She threw him a threatening look. He just smiled. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

                He lovingly gazed at her. “Doing my morning routine. I already got used to this habit of looking at you in the morning and thanking God that I finally got the best in the world beside me.”

                Kumabog ang puso niya sa sinabi nito. Hinalikan nito ang kamay niya at humalik ito sa kanya afterwards. “Good morning, baby. Na-miss kita.”

                Umiwas siya ng tingin. “Kasalanan mo naman kung bakit mo ako na-miss.”

                Napangiwi ito. “Mag-move on ka na pwede? Patawarin mo na ako. Let’s just enjoy this trip like how we planned it.” He held her chin dahilan para muli niya itong harapin. Sincerity was reflecting in his eyes. “Please? Truce na tayo.”

                 She sighed. “Okay sige. Bati na tayo. But I still have conditions,” she said.

                Ngumiti. “Anything, baby. Name it.”
                “Hindi ka pa din pwedeng matulog sa kwarto na ito unless magbago ang isip ko.”  She grinned. “That’s your punishment for making me worried, for leaving me alone, and for taking me for granted.”

                “I didn’t take you—”

                “Shh! Take it or leave it?”

                “How can I change your mind?” he asked instead.

                Nagkibit-balikat siya. “I don’t know. So?”

                “I’ll make sure you’ll change your mind.” He smiled. Tumayo na ito. “Maliligo na ako.”

                “Okay, bilisan mo. Maliligo na din ako after mo.”

                He leaned down and impishly smiled at her. “Ayaw mo bang sumabay sa akin maligo?”

                Homeghed! Mabilis na nag-flash sa utak niya ang mga ginawa nila nang unang beses silang naligo nang sabay. Parang inanay ang utak niya sa sinabi nito. Kaloka, agang-aga! She tried herself not to give in to his offer and pretended that she’s not interested. “Ayaw!”

                “Sigurado ka?”

                “Pwede ba? Maligo ka na kung maliligo ka.”        

                Humalik ito sa noo niya. “Okay.” Hinubad nito ang suot na shirt sa harap niya in slow motion. And she can’t help but watch his move like it was the first time.

 Bumaling ito sa kanya and she was just caught in the act. “Ano, sasama ka na?” tanong uli nito.

                “Umalis ka na dyan, blocking ka. Ang ganda ng sunrise oh, sinasapawan mo.” She rolled her eyes.

                He sighed. “Ang hirap akitin!” bulong nito pero nadinig pa rin niya.

                “Ano?”

                “Wala!” Then he walked straight to the bathroom.

                Lihim na napangiti si Nica at napailing. It really feels good to her senses na napapasunod na niya si Cielo. Naitulog na niya ang ikinatampo niya dito. But she needed time to teach him a lesson. Para sa susunod, hindi na ulitin nito ang nangyari.  I wonder kung ano pang desperate moves ang gagawin niya makatulog lang sa kwartong ito kasama ko. Haha. It’s your turn, Cielo. Habulin mo ang beauty ko!

               
                FIFTH DAY. They were done with the city tours plus dinner dates. Nakapunta na rin sila sa casino at The Venetian Macao, Casino Lisboa, and City of Dreams,  pero hindi pa rin nababago ni Cielo ang isip ni Danica. He’s still sleeping in the couch every night. But at least, hindi na ito galit sa kanya. Ang siste lang, sumasakit na ang likod ni Cielo at napupuyat na siya dahil uncomfortable para sa kanya ang matulog sa couch. Ni hindi nga siya kasya doon.

                Nagawa na niya  lahat para maakit ang asawa. Nagsakit-sakitan na siya, umarteng hinimatay and even ang maghubad sa harap nito ay nagawa niya pero wala, malakas ang defense ng cute niyang asawa. Nauubos na rin ang ideas niya kaya dapat na niyang ibigay dito ang kanyang surprise.

                They had the usual day today. Naglibot lang sila sa Taipa Village at sa Senado Square para mag-shopping ng konti at mag-food hunt. Matapos nilang magtanghalian ay nagyaya na si Nica na bumalik na sa hotel para magpahinga. Mahimbing na natutulog ang asawa niya sa kwarto at siya, pinaplano na ang surprise niya na magaganap mamayang gabi.

Nagsulat si Cielo ng note at iniwan sa bed side table sa kwarto kung saan natutulog pa ang asawa. Humalik siya sa noo ni Nica bago tahimik na lumabas ng kwarto.

                He dialed her cousin’s number. It took five rings before Limien was able to answer the call.  “Hey, Mien! Good afternoon! How’s the baby in your tummy?” pangangamusta niya dito.

                “Well, she’s fine. Medyo malikot na. Due na ako next month, Kuya Cielo. Tito ka na. Ikaw? Umubra na ba ang mga suggestions ko?” Isa itong pinsan niya sa taong tinawagan niya for suggestions.

                “Hindi.”  

                “Aw, that means wala kang future sa acting, Kuya Cielo.” Tinawanan pa ni Mien ang sinabi nito.

                “Whatever!  I have to do that supposed finale thing now, I guess. Napaaga sa plano but can you tell the guys that we’re doing it today?”  He planned a grand proposal for Danica. Even that, yes. Wala siyang matinong marriage proposal dito kaya naisip niyang perfect time na gawin niya iyon in Macau.

                I really suck in this love story, didn’t I?

                “You’re in the right timing, bro. Andito kaming lahat sa Green Haven. Just give us the call and we’re ready!”  bigla na lang si Hamiel ang nagsalita sa kabilang linya. The call on the other line might be in loud speaker, he guessed.

                “Well-practiced na din kami!” The whole Karisma Band shouted.

                “Damn, I love you guys!” Napangiti siya.

                “So gay!” narinig niyang react ng mga boys. Napatawa na lang siya. Then he heard the click on the door of Danica’s room. “I gonna go. Tatawag na lang ako later.”

                “Go Mr. Kuripot!” The Karisma band cheered.  The call ended.

                “Aalis pa tayo tonight? Why in sporty outfit?”

                He turned around and smiled to Nica. She was just wearing her usual sleeping shirt and shorts and holding the note he left beside her a while ago. “Well I thought you’ll love to see the Macau city lights tonight at AJ Hackett Macau Tower.”

                “Sky jump and sky walk?!” excited na sambit nito.

                “Definitely!”

                Masayang niyakap siya nito. “Thank you, Cielo Baby. I love you.” Humalik pa ito sa kanya. “Give me thirty minutes!”

                Nagulat si Cielo kaya bago pa siya naka-react ay nakabalik na ito sa kwarto at wala na sa harap niya. He sighed.  Sana palagi ka na lang ganyan kasaya, Nica. Para itong batang nakatanggap ng bagong laruan.

                While waiting for her to finish preparing herself, he got a text from Golen.

                Got the arrangements to AJ Hackett Macau Tower done. All you need is to bring her up and jump off!

                He typed his reply:

                Thanks, dude. You can now marry Dana. I’m giving you my blessings!  

                He sent it and softly laughed. And few seconds, he got a reply:

                Haha. You owe me this one, Cielo. Pag nag-propose na ako kay Dana, babalikan kita. Lol.  

                Few minutes more ay lumabas na ng kwarto si Nica, ready with her sporty outfit. Then after few  minutes from Neryz Ennael hotel, they finally got the chance to set foot on the famous tower.  

                “Gaano daw kataas ‘to?” tanong ni Nica sa kanya habang kinakabitan sila ng safety gears and harness.

                “764 ft. Ang love ko sa’yo ay parang tower na ito. Nakaka-high!” biro niya.

                Tumawa ng malakas si Nica. “Ang taas ng tower na ito ay parang ikaw. Nakakaloka!” They both laughed until Nica suddenly hugged him. “Thank you for bringing me here, Cielo Baby. Ang saya ko, sobra.”

               He kissed on her pate. "The night is just starting, my queen. Let's go?" He lovingly gazed at Danica  hoping it would remind her how much he loves her. Sana ito, hindi na mag-fail.




PREVIOUS                                          NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…