Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter Three




“Finally, a much sensible design.”
                
          Muntik nang mapa-halleluiah si Vel nang marinig iyon mula mismo kay Earl nang ipa-check niya ang ongoing designs na ginagawa niya.  Pangalawang araw na nila sa lugar na iyon. Pagkarating nila sa resort noong nakaraang araw ay wala siyang inaksayang oras. Nagpunta agad sila sa site para kumuha ng pictures at inspirasyon. Kinalimutan muna niyang si Jam ang kliyente. Ayaw niyang magtagal sa lugar na iyon dahil baka makasulpot pa si Jam sa lugar. Ayaw pa niya itong makita.

                “Finally, may pumasa na din sa’yo. Ligtas na ang trabaho ko,” biro niya dito.  Kasalukuyan silang nasa open pavilion area ng restaurant sa loob ng resort kung saan sila naka-check in.  The resort is located just few walks away from their project site. They were both looking at her laptop kung saan naka-view ang Chief Architect Software na ginamit niya para sa design.

                May itinuro itong bahagi ng layout niya. “Pwede mo pang i-extend pa ang part na ito. Then on this right side lagyan mo ng landscaped garden lounge.”

                Hindi maiwasan ni Vel ang mapatulaley kay Earl habang naka-focus ito sa laptop niya. May ganong effect talaga itong si Earl sa kanya. Parang may gayuma kasi ang kabanguhan nito na tila paulit-ulit siyang inaakit.


                “Take note, the client is into greens, earthly concepts, and white. But in general, this is really better.  Keep it up, Vel! Just do the general designs then iyong iba, ipagawa mo na lang sa team mo para di ka naman mahirapan.  Then email me details para sa costing. I’ll do it for you.” Ngumiti ito nang bumaling sa kanya. 

                Huli tuloy sa aktong nakatulala lang siya dito. “T-tutulungan mo ako?” di makapaniwalang tanong niya.

                “Oo. Pag hinintay ko pa na ikaw ang gumawa noon, baka hindi umabot sa presentation. Gustong makita muna ni Sir Golen ang presentation bago natin iyon ipakita sa kliyente. We have to work on this as a team.”

                “So far, iyan ang pinakamagandang narinig ko sa’yo, Boss Earl. Keep it up! Bait-baitan mo pa ng konti para dumating din iyong araw na wala ng junior ang iiyak at maglalaslas ng pulso dahil pinagalitan mo,” eksaheradang hirit niya sabay balik ng atensyon sa laptop niya.

                “That is exaggerated. Wala pa namang nag-suicide sa department natin,” nailing na sambit nito.  “Pero seriously, ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?”

                Pabirong binalingan niya ito. Humalumbaba pa siya at pinagmasdan ito.  “Hmm, well. Hindi naman. Gwapo ka nga sa paningin ko e. Wag lang tayong magtatrabaho at nahuhulas ang kagwapuhan mo nang paunti-unti. Iyong tipong magugulat na lang ako, may sungay ka na at pangil sa imagination ko,” biro nito.  

                Nahigit niya ang hininga nang bigla na lang nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. He impishly smiled. “Hindi mo pa naman siguro ako nahuburan sa imagination mo?”

                Her heart jumped out a bit.  Tumawa lang siya. “Grabe ka, Boss Earl. Oo, vocal ako sa pagsasabi na crush kita pero dalagang Pilipina pa din ako. Hindi ko magawang isipin na huhubaran kita sa imagination ko kasi...” she teasingly smiled at him, “... mas maganda kayang gawin iyon ng live. HD pa,” biro niya.

                In her mere surprise, he just laughed out loud. “May balak ka?” patol nito sa biro niya.

                Aba, palaban ang loko.  “Masisiyahan ba ako pag nagbalak ako?”  Tinapatan niya ang panghahamon nito. 

                “To see is to believe.”  He winked.

                Tumawa lang din siya at muling ibinalik sa laptop ang tingin. “Wag ka nga! Mapagpatol ka din eh.”

                “Sabi ko naman sa’yo, open-minded ako,” he said. It was followed by a sweet laugh. “May na-discover ako sa’yo.”

                “Ano na naman? Na maganda ako? Matagal na, boss. Naga-upgrade pa ang ganda ko habang tumatagal ang pagtitig mo sa akin,” biro niya. “Try mo.”  Binalingan niya ito. Muntik na siyang mapapitlag nang mahuli nga niya itong nakatitig sa kanya.  Ang ganda ko nga!  

                 “That thing is already given. Agreed.”

                “So anong na-discover mo sa akin? Never thought, pang-discovery channel pala ang beauty ko,” hirit niya sabay tawa.

                “Iyan. You are funny. You are happy to be with. Pero hindi basta-basta. You are actually a kind of woman that will make a man turned on. Matalino, palaban, straight-forward. Maswerte ang boyfriend mo.”

                “Wala ako noon, Sir.”  Nakangiting binalikan niya ang laptop niya para ipagpatuloy ang ginagawa habang nakikipagkwentuhan dito.

                 “So hindi mo boyfriend iyong inaaway mo sa phone nung tawagan kita?”

                “Hindi. Isa siyang asungot sa buhay ko. Medyo mahabang story. Ikwento ko na lang next time. Pero alam mo Boss Earl, sa tingin ko swerte din naman girlfriend mo sa’yo. For sure mabait ka naman, sa work ka lang halimaw.” She finished typing her emails and sent it to Earl and her team.

“The thing is, wala akong girlfriend.”

“Seryoso?” Binalingan niya ito. And there he was again, making his hobby of gazing at her while lovingly smiling. Napapadalas ah, ma-develop ka sa beauty ko, yari ka!

“Yeah. Wala nga. So pwede ka bang mag-apply?” 

                Yes, yes! Pwedeng promote agad?  “Grabe siya oh. Wag kang ganyan, Boss Earl.”

                “Anong ganyan?” tanong nito, still gazing at her.

                “Ganyan, pa-fall. Kawawa naman kaming binibiktima mo.”

                “Hey legit akong magmahal ano. Iyong mga babaeng na-fall sa akin, na-fall muna ako bago sila. Wala pa sa kanilang nagreklamo.”

                “So?” Hanggang crush lang naman siya. Wala sa plano talaga niya ang maging girlfriend ng kahit na sino.

                He sighed. “Sabi ko nga, iba ka sa kanila.  A little hard to get?”

                “Not a little, but really hard to get. I actually don’t trust your specie. May malaki akong trust issue sa brain cells ko. Kaya Boss Earl, mas makakabuting crush na lang natin ang isa’t isa. Okay?”  She smiled.

                Nagkibit-balikat ito at saka bumalik sa laptop nito ang atensyon. “Okay. Walang sisihan pag na-fall ka sa akin.”

                “Ewan ko sa’yo.” Tinawanan lang niya ito.

They spent the next few hours working. Paminsan-minsan ay iniistorbo niya ito para i-consult ang design na ginagawa niya. Makailang beses din na tatayo ito sa pwesto para sagutin ang mga phone calls nito. Vel realized that working with Earl wasn’t that bad at all. May heartless attitude lang ito madalas.


                “BOSS POGI, SIGURADO ka ba talagang hindi mo pa titigilan ito?”

                Binalingan lang ni Jam ang sekretarya niya. Kasalukuyan silang nasa isang flower shop. Personal siyang pumipili ng  bulaklak para kay Vel. Ngayong araw ay babalik na ito mula sa San Juan. “Win, sampung taon na akong nagpapadala ng bulaklak sa kanya. Ngayon pa ba ako hihinto?”

                “Eh sampung taon na ring basurahan lang ang nakikinabang sa mamahaling bulaklak na binibigay mo. Hindi pa ba sign na iyan na tama na?”

                He sighed. Gets naman niya ang point ni Winona. It’s just, ayaw pa niyang mag-give up. “Should I just buy teddy bear instead for a change?” tanong na lang niya. Ipinatong niya ang mga napiling bulaklak sa counter at binigyan ng konting instructions ang staff ng flower shop para sa  bouquet arrangements.

                Umiling na na lang ito at napakamot sa ulo. “Iba ka talaga, Boss Pogi. Pero nag-aalala ako sa’yo.”

                “Bakit naman?”

                “Baka kasi sa sobrang focus mo sa paghabol kay Miss Vel, makalimutan mo nang may sarili kang buhay. College pa lang tayo, kilala na kita. Wala ka pang dine-date na babae after that accident. Wag mong sabihing may balak kang tumandang binata?  O kaya naman, aantayin mo pa bang patawarin ka niya bago ka mag-love life? Eh paano kung hindi ka niya patawarin? Sayang naman ang cute mong lahi.” 

                Tinawanan lang niya ito ng marahan. “Wag mo ngang problemahin ang love life ko. Iyong sa’yo ang isipin mo. Nag-date na ba kayo ni Arthwil?” pagpapalit niya ng topic.

                He was pertaining to his college friend, Arthwil Catacutan. He is the only son of Miguel Catacutan, one of the known business tycoon in the country. Art is also one of his co-doctors at Tolentino-Ferrer Medical Center.  Hindi niya alam kung paano nagkakilala ito at ang sekretarya niya. One thing is for sure, maliit lang talaga ang mundo.

                “Hindi ko pa siya naaakit e. Bukas, try ko!” biro nito. Kinuha na nito ang bouquet na pinagawa nila at nauna nang lumabas ng shop. “Pero seriously, hindi lang si Vel ang buhay mo. Mamaya niyan, ma-in love ka na sa kanya sa kahahabol mo. It’s more complicated, di ba?” She said as they walked their way to the parking lot.

                “That’s not gonna happen. Abot-langit ang galit noon sa akin.”
                Sumakay na sila sa sasakyan. “Kung sakaling patawarin ka niya at magkahimala’t naging friends kayo... may chance na ma-fall ka sa kanya ano. Unless, beki ka pala at hindi ko alam. Homayghad!”

                “Hay Winona, ang gulo mong kausap!”

                Tumawa ito. “Choz lang! Sige na nga, push mo pa iyang panunuyo mo sa kanya. Wala naman akong choice kundi sundin ka, Boss Pogi.”

                Winona started driving habang siya ay nasa passenger seat. Napaisip din si Jam sa sinabi ni Win. Paano na lang kung hindi siya patawarin ni Vel? Hanggang kelan nga ba niya kayang humabol at humingi ng tawad? And that love life thing... bakit nga ba, nawala na iyon sa bokabularyo niya?

                “Alam mo Win, may point ka. Malaki pa rin ang chance na di ako patawarin ni Vel. Anong gagawin ko?”

                “Malapit mo na siyang harapin as Jam. Give your best shot sa araw na iyon. Kung hindi ka man niya patawarin agad, subukan mo pa rin hangga’t kaya mo. Kung wala pa ring mangyari after all the efforts you’ve done, let go na.”

                “Hindi ko siya pwedeng iwan at pabayaan. Ipinangako ko iyon sa puntod ng kapatid niya.”

                “Hindi mo naman siya iiwan. Tulungan mo na lang siya sa ibang paraan nang di niya alam. In that way, matutupad mo pa rin ang pinangako mo sa kapatid niya.”

                “You’re right!”

But  still, the question is how?   Iyon pa din ang laman ng isip niya nang makarating siya sa condo unit. Mag-isa na siya ngayon dahil agad na umalis si Winona matapos siyang ihatid.  Kasalukuyan siyang nasa may pinto ng unit niya. Pasilip-silip siya sa labas habang hinihintay na dumating si Vel. Nasa may pinto na ng unit nito ang bulaklak na binili niya.

                Few minutes later ay dumating na si Vel.  Iniawang niya ng mas malaki ang pinto ng unit niya para makita ito ng mas maayos. Dinampot nito ang bouquet of flowers na nasa sahig at binasa ang card na isinipit niya roon na may apologetic message. Kahit alam ni Jam na malabo pa sa ngayon ay nanalangin siyang tanggapin sana ni Vel ang bulaklak. Bumagsak ang balikat niya nang galit na galit na itinapon ni Vel sa basurahan ang punpon na bulaklak bago ito pumasok sa unit nito.

                He sighed.  I have to do something more than this.  

He closed his door and went back inside his unit. Humiga siya sa sofa at tumitig sa ceiling, hoping na sa ganong paraan ay makaisip siya ng level up ways to get Vel’s forgiveness. Nasa kawalan pa ang isip niya nang biglang may nag-doorbell. Bumangon siya para pagbuksan ito. He was greeted by an unexpected guest. Nakatayo ngayon sa harap niya si Vel, wearing a sunglasses. Really? Mataas ba ang sikat ng araw e gabi na?

“V-Vel! Hi, nice to see you again,” nakangiting bati niya dito kahit na kinakahaban siya.

“Doc Kent, di ba doctor ka sa mata? May problema kasi ako. Kakapalan ko na ang mukha ko, pwede mo ba akong tulungan?” bungad sa kanya  ni Vel.

“S-sure! Anong maitutulong ko?”

“Eh.. kasi...” Inalis nito ang suot na sunglasses to reveal her eyes. Itinuro nito ang kaliwang mata na medyo namamaga. “Bigla na lang ganito na ito kanina paggising ko after kong matulog sa byahe. Masakit at makati. Di ko alam kung may kumagat sa mata ko. Pwede mo bang tingnan, please?”

Ngumiti si Jam. Pagkakataon na niyang tulungan si Vel. Isinantabi niya muna ang pag-aalala sa pagsisinungaling niya dito. Ang mahalaga ay ang matulungan niya ito ngayon. “Of course!”

Papapasukin na sana niya sa unit ito nang maalala niya ang mga nagkalat na certificates at plaque na naka-display sa sala area ng bahay. Tadtad ng buo niyang pangalan ang mga iyon. “Ahm, kaya lang hindi kita pwedeng i-check up dito sa loob ng unit ko. Maalikabok pa kasi hindi pa naglilinis iyong katulong ko. Lalong mai-infect iyong mata mo.  O-okay lang bang doon tayo sa unit mo?”  Tila natigilan ito at napaisip. “But if you’re not comfortable with that, we can go to the condo’s clinic. I’ll check your eyes there.”

“Ahm...sige sa unit ko na lang,” nahihiyang sambit nito.

He smiled. “Okay then. I’ll jus get my things.”

“Thank you, Doc Kent! Pasensya ka na ha. Gabi na kasi. Hassle nang pumunta ng hospital.  Eh baka lumala pa ito pag pinagpabukas ko pa.”

“Don’t worry about it. I’m glad na sa akin ka lumapit. You’re eyes are in good hands.”

Ngumiti ito sa kanya. At sa di mawaring dahilan, Jam felt different again. Nakagaan sa pakiramdam niyang makita na ngumingiti si Vel. “Thank you talaga. Hintayin na lang kita sa unit ko ha.”

“Yeah. Susunod agad ako.” He smiled sweetly as she waved to him. Then he closed the door. She really has the kind of sweet smile that I can’t simply ignore. Napangiti siya... for some unknown reason.  Napapailing na kinuha niya ang medical kit at ang gamot na kailangan para sa remedy ng swollen eyes nito. He fixed his hair in a bit and put on his perfume before he went out of his unit.


NAKAKUNOT ang noo ni Vel habang tinitingnan niya ang mata sa salamin. Noong nakaraang araw pa niya nararamdaman ang discomfort sa mata niya na binalewala lang niya. And here’s the result ng pagwawalang bahala niya. Namamaga ang upper eyelid ng kanya left eye. Kinapalan na niya ang mukhang kumatok sa unit ni Doc Kent. Buti na lang at hindi ito busy. Speaking of the guy...

Pogi pa din si Doc Kent kahit messy ang buhok! Naalala niya ang itsura nito kanina nang pagbuksan siya nito ng pinto. Gulo-gulo pa ang buhok nito. Mukhang naistorbo pa niya ang pamamahinga nito.

Ikaw kasing mata ka, pasaway! Pero in fairness, ibang level din ang kagwapuhan ni Doc Kent. At ang bait pa niya di ba, Vel? Bongga!  

Naistorbo ng katok sa nakabukas naman niyang pinto ang pakikipag-conference niya sa sarili. Paglingon niya ay nakatayo na sa may pinto si Doc Kent. “Pasok ka, Doc.”

“Thank you.” Agad itong tumuloy at ipinatong sa center table ang dala nitong medicine kit.

Umupo naman siya sa sofa malapit dito. “Ano bang nangyari dito sa mata ko?” tanong ni Vel.

Lumingon ito sa kanya at saka ngumiti. He put on surgical gloves on his hands and picked the pen light. “Let me see.” He moved closer to her.

Nagulat si Vel nang biglang kumabog ang puso niya as she smelled his genuine masculine scent. It was unexpected. Oo nga’t nagagwapuhan siya kay Doc Kent pero hindi iyon kasing tindi ng pagka-crush niya kay Earl. Crush din kita, Doc Kent? Hohemji! Sana dalawa ang puso ko? Ganern? Dumoble ang kabog ng puso niya nang titigan siya nito. Tila slow motion sa paningin ni Vel ang pag-curve ng lips nito nang ngitian siya nito. And how can she resist that pair of eyes that gazed at her in his most sexy way? Pakiramdam ni Vel, may sanib sila ng mga characters sa isang authentic romance story... o baka siya lang dahil wala namang idea si Doc Kent sa kalokahang tumatakbo sa isip niya nang mga sandaling iyon. Dahil kung titingnan siya, mukha lang siyang namatanda habang nakatulala dito.

He turned on the pen light in his right hand at saka itinapat iyon sa kaliwa niyang mata. Nahigit niya ang hininga nang hawakan ng kaliwang kamay nito ang kanyang pisngi, malapit sa ini-inspect na mata. Nagsimula na siyang mawirduhan sa reaction niya. Yes, she had never been close to any guy in her life. Pero parang ang OA naman ng reaction niya gayong wala namang ibang ginagawa si Doc Kent kundi ang tingnan ang kanyang mata. Check up lang ito, Vel. Wag kang OA! Sinaway niya sa sarili. 

   While he was busy inspecting her eyes ay hindi maiwasang matitigan niya ito. Good catch din naman itong si Doc Kent. Mabait na, mabango pa.  Bumalik lang sa real world ang isip ni Vel nang i-turn off na nito ang pen light na hawak.

“Your left eye has a chalazion at your upper eyelid and a small hordeolum at the lower eyelid. But good thing, your right eye seems to be okay and not infected,” he said.

“Ano iyon, doc?”  tanong lang niya uli. Minsan nakakaloka ding kumausap ng doctor. Palagi kasing medical terms ang sinasabi. “Layman’s term please?”

“Styes. Parang pigsa pero sa mata tumubo.” Napangiwi siya sa sinabi nito. “But don’t worry. By looking at your case, hindi mo naman kailangan ng incision. I just have to apply some remedy. May mainit na tubig ka ba?”

“Ah yeah. Sa kusina—” Tatayo na sana siya nang pigilan siya nito.

                 “Ako na ang bahala. Just sit down, dear patient.”

                Natulala na lang siya. Kaya bago pa man siya makasagot sa sinabi nito ay nakaalis na ito sa harap niya dala ang isang hot compress bag. Ano daw? Dear patient? Why so sweet dear doctor?  

                Few seconds more ay bumalik na ito sa sala at umupo sa tabi niya. “I will apply warm compress to your affected eyes for about 10-15 minutes. Then, you have to do it 3-4 times a day until the styes subside. Got it?”

                Got you, Doc! Tumango lang siya.

                “Good.” Inayos nito ang throw pillows sa sofa na inuupuan nila. “Sumandal ka sa sofa and rest your head para comfortable ka.”  Agad naman siyang sumunod.   

On cue, bigla silang nagkatitigan. His eyes were expressing lots of emotions that time. The way he looked at her made her feel different. Parang andami nitong gustong sabihin pero di nito magawa.   Muling kumabog ang puso niya nang ngumiti ito.

 “Wag mo akong titigan, Vel.” He pleaded.

“Nako-conscious ka?” she asked.

Umiling ito. “Nope. More on, natutunaw ako. Corny di ba?” he winked.

Tumawa siya. “Buti aminado ka.”

“Close your eyes, Vel.” He instructed.

“Para di na kita matitigan o para di ka na matunaw?”

“Para malagay ko na ang warm compress. Lalamig na ‘to.”

Napangiwi siya sabay pikit. Tablado ka ‘te!  Soon enough, she felt the hot compress bag on her left eye. It indeed made her feel better.  

 “Doc?”

“Hmm?”

“Pwede ko bang imulat ang kanang mata ko?”

“Yeah.”

Iminulat niya ang kanang mata. She found him looking at the side table where her sister’s photo was placed.  “Ganda niya ano?”

Agad siyang binalingan ni Kent. “Yeah, she looks as pretty as you are.”

“Kaya lang wala na siya e.  She died in an accident ten years ago,” malungkot na kwento niya dito.  Hindi alam ni Vel kung anong pumasok sa isip niya at naikwento niya iyon. The doctor seemed to be so kind kaya siguro pakiramdam ni Vel, okay lang mag-open up dito. And throughout the moment, Doc Kent was just gazing at her attentively.

“I am very sorry, Vel,” he sincerely said.

Medyo nawirduhan siya. The way he said that line was so genuine na parang kasalanan nito kung bakit namatay ang ate niya. “Wala iyon. Ten years na nung nawala siya. Sanay na nga akong mag-isa.”

“Well, not anymore. If you need someone, I’m just one knock away.”     

“Thank you, Doc.” Napangiti siya.
Matagal na nang huli siyang magkaroon ng bagong kaibigan. Having one may not be bad at all lalo na’t kapitbahay pa niya ito.

“Welcome!” He smiled back. Pagkatapos ay sinipat nito ang wrist watch. Inalis na nito ang hot compress bag sa mata niya. “Don’t forget to apply warm compress as prescribed okay?”

“Yes, doc! Noted.”

May kinuha itong eye drops sa mata and put it in her eyes. “This is an antibioitic eye drops, put it twice a day. And these are pain relievers.” Iniabot naman ito ang ilang capsules. “Take it once a day.”

“Wow, in fairness. Complete na ah. Wala na akong bibilhin?”

“That’s already enough until you get well.”  Inalis na nito ang surgical gloves sa kamay nito.

“Salamat, Doc. Ahm, magkano ang ibabayad ko sa’yo?”

“Hindi ako nagpapabayad sa kapitbahay,” nakangiting sabi nito sabay tayo.

“Uy, hindi naman pwede iyan. Ang dami ko ng utang na loob sa’yo,” apila niya.

“Wala iyon. Wag mo nang isipin iyon.”

“Pero kailangan kong isipin iyon. I have to repay you in any other ways perhaps—” Bigla niyang naalala ang pinangako niyang dinner dito. “Oh, alam ko na! The dinner. Let’s have dinner tomorrow? Ipagluluto kita.”  Parang nahihiya pa itong umoo sa kanya kaya pinilit pa niya ito. “Please? Sige na. Masarap akong magluto.”

He gave in. “Okay if you insist, then let’s have dinner tomorrow. Around 7pm?”

She nodded. “That will be fine.”

“Good. Iwasan mo munang hawakan ang mata mo para hindi ma-infect. Apply warm compress again before you go to sleep.” She nodded. “I’ll go ahead.” Binitbit na nito ang medical kit na dala.

 Inihatid naman ni Vel ang doctor hanggang sa pinto ng bahay. “Salamat uli, doc. See you tomorrow!” She waved goodbye and he did the same.   

Paskil pa din ang ngiti sa labi niya nang isara niya ang pinto. “May gwapo akong dinner date bukas, ate!” baling niya sa picture ng ate niya sa side table. “Makapagpa-parlor nga bukas! Char!” biro pa niya sa sarili.

Pupunta na sana siya sa kwarto niya nang mapansin niyang naiwan pala ni Doc Kent ang pen light na ginamit nito kanina. Nakapatong ito sa center table.

                Dinampot niya ang pen light. Ibubulsa na sana niya iyon nang makuha  ang atensyon niya ng naka-engraved na pangalan sa pen light—Dr. Jamison Kent Pelesso. Kulang ang salitang shock para i-describe ang pagkagulat niya.

                No way! This isn’t happening. It took her few seconds before the realization sinked in. She just befriended a person she didn’t want to be friends at all! Hindi siya makapaniwala. Kanina lang ay inakala niyang may bago na siyang kaibigan na pwedeng pagkatiwalaan. It turned out na di pa man sila nagiging close ay niloloko na siya nito.

                “Bakit di ko napansin? Bakit di ko nalaman na siya pala iyon? Bakit niya ginagawa sa akin ito?” she said to no one in particular. Awtomatikong tumulo ng luha niya sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na muli niyang makakaharap si Jam sa ganoong sitwasyon. Ni hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. These past few days ay nakitaan niya ng kabaitan ito bilang Kent. He even helped her just few minutes ago. Alam niyang mabait itong tao. Pero...

Siya pa rin ang dahilan kung bakit namatay ang ate ko! Nagsinungaling din siya. Hindi siya mabuting tao!

                 Napahigpit ang hawak niya sa pen light. Then she took a deep sigh. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Kailangan niyang ipakita kay Jam na matapang siya at hindi siya matitibag dahil lang natuklasan na niya ang kasinungalingan nito. Tama! Kung may dapat matakot sa aming dalawa, siya iyon.

                Pinawi niya ang luha at muling tinitigan ang pangalang nakaukit sa pen light. “Kabahan ka na, Jam. Your game is over.”



PREVIOUS                                                                            NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…