Skip to main content

Bukas Na lang Kita Dedeadmahin- Chapter Four


               

“Friend, hindi ba pwedeng i-move ito? Kaloka, mapapatay na ako ni Cielo nito!” hirit ni Danica. Kasalukuyan siyang nasa opisina niya sa Pontez at kausap ang kanyang bff slash road manager, si Richael.  She was holding a letter of good news.

Sumaglit lang siya sa office para sa meeting na iyon with Richael. Ayaw pa rin kasi siyang papasukin sa trabaho ng asawa. Saka na lang daw siya magtrabaho pag nakabalik sila from honeymoon trip.
           
           She was held one of the top most influential personalities in the country. Ipi-feature siya sa isang special edition magazine under Pontez Publications. It was a big achievement for her, something na hindi niya kayang palagpasin. Kaso, may problema. Masasagasaan ang honeymoon trip nila ng schedule ng shoot at interview.

                “Friend, minamadali ng Pontez Publication ang magazine,” paalala ni Richael.

                “Eh paano iyong honeymoon trip namin?  Imu-move ko na naman? Magwawala na si Cielo niyan.” She sighed.

                “Saan nga ba ang punta nyo?”

                “Macau. 14 days iyon.”

                “Wait, let me see kung may magagawa ako.”  Nag-dial ito ng number sa cellphone at may kinausap sa kabilang linya. “Ma’am Lanlan, may konting problem sa schedule ni Danica. Naka-schedule po sila ng trip with Sir Cielo on that date. Yes, Ma’am. Ah, let’s see if that will be possible. I’ll get back to you, Ma’am.” Binaba nito ang cellphone at binalingan siya. “Sabi ni Madam Lanlan, baka naman daw pwedeng i-move n’yo ng two days para magawa na agad iyong shoot at interview bago ka umalis or pwede nilang sundan kayo sa Macau for the shoot and interview. Iyon nga lang, two days ang mawawala sa trip n’yo.”


                She sighed. Di siya sure kung papayagan siya ni Cielo pero kailangan din niya ang commitment na iyon. “Okay. Doon ako sa second option. I-confirm mo na kay Madam Lanlan na willing akong gawin ang shoot at interview sa Macau. Ako na ang bahala kay Cielo.”   

                Richael wrote something in her notebook. “Okay, friend. Noted.”

                On cue, Cielo entered her office. Agad itong lumapit sa kanila. Bumeso muna ito kay Richael bago ito humalik sa kanya... tatlong smack kiss.

                “Ay grabe sila. Walang pakundangan. Tinatalo n’yo si Hamiel at Mien sa pagka-PDA,” hirit ni Richael.

                Tumawa lang sila.  “How’s Eldwick? Hindi na nagpapakita sa amin iyong boyfriend mo. Kayo pa ba?” tanong ni Cielo.

                “Aba syempre. Masyado lang busy iyon. Na-promote kasi  siya at napalipat ng CIDG. Yaan mo, sabihin ko sa kanya na mag-social life din naman.  Ako na lang ang laging kasama noon e.”

                “Oo nga, friend. Paki-congrats kami sa kanya,” sabi ni Danica. Yumakap pa sa baywang niya si Cielo. Wala naman itong pakialam kung may makakita unlike before na parang allergic ito sa kanya.

                “I have to go bago pa ako mainggit.” Tumayo na si Richael at bumeso uli sa kanila hanggang sa maiwan silang dalawa sa loob ng opisina.

                Binalingan niya si Cielo. As usual, nakatitig na naman ito sa kanya. “Gandang-ganda ka na naman sa akin, Cielo Baby?” 

                “I’ve heard about the news. Most Influential Celebrity of the Year. I’m so proud of you baby.”  He moved down ang claimed her lips. Pagkatapos ay muli siya nitong tinitigan.

                “Hindi ko iyong makukuha kung hindi mo ako binigyan ng break  sa kabila ng pagkabwisit mo sa akin noon. I will never forget that day when the Pontez bosses and HBH bosses told me that I’m going to have my own show. At ikaw ang nasa likod ng tagumpay ko, Cielo Baby. Ang award na iyon, para sa’yo iyon.”

                Hinila siya nito sa sofa at doon sila naupo. “Hindi ko din alam  kung anong espiritu ang sumanib sa akin noon at  nangyari iyon.” Tumawa pa ito.

                “Ganon? Buti na lang wala ka sa katinuan mo noon. Look at me now, still beautiful and gorgeous—”

                “Anong kinalaman niyan sa pagiging host at news anchor mo?” kunot-noong tanong nito.

                “Wala. Gusto ko lang i-emphasize ang beauty ko.”

                Umiling ito. “We’re leaving tomorrow night. Excited na ako. Finally, matutuloy na itong honeymoon trip natin. Masosolo na rin kita na walang manager calls, walang secretary calls, walang show, walang taping,” sambit nito.

                Napangiwi siya.  Paano niya ngayon sasabihin dito na magkakaroon ng konting aberya sa honeymoon trip nila?  Niyakap niya ito. “Cielo Baby, Ipi-feature daw ako lifestyle magazine ng Pontez Publication dahil nga doon sa pagiging most influential celebrity ko.”

                “Don’t tell me na maka-cancel na naman ang trip natin,” bahagyang nagtaas na ang boses nito.

                “Hindi! Hindi maka-cancel. Tuloy tayo bukas ng gabi,” sansala niya. Heto na nga ba ang sinasabi niya.  By looking at her husband mukhang badtrip na ito agad.

                “Then what’s the problem?”

                “Hindi naman talaga problem. May konti lang adjustment. Di ba fourteen days naman tayo sa Macau?  The publication is willing to take the interview and shoot at Macau. They only need two days to finish everything—”

                “So babawasan mo ng dalawang araw ang fourteen days trip natin?” di makapaniwalang sambit nito.
                She sense some sort of sarcasm in his voice despite of being calm. “Okay lang naman di ba?”

                “So meron na lamang tayong twelve days ganon?”

                “Kesa naman sa isang option nila na ipa-move ‘yung flight natin ng two days para magawa ko ang shoot dito—”

                Nailing na tumayo ito at nagdiretso sa mini ref. Kumuha ito ng beer in can, binuksan iyon at uminom. That act of Cielo was a sign that he strongly disagreed. “You know what? This is unfair.”

                “Tuloy naman trip natin ah.”

                “Yeah, pero binawasan mo ng dalawang araw para magtrabaho… trabaho again. Hindi ba tayo pwedeng umalis ng walang istorbo? As in wala, ni phone call sa kahit kaninong related sa trabaho mo?”  He took another doze of that beer in can he was holding.

                “Two days lang naman di ba? Hindi naman kita aawatin kung gusto mong magtrabaho din habang nasa trip tayo. I don’t believe you na wala kang hahawakang kahit anong work-related thing pagpunta natin ng Macau. ”

                “Ah, so it’s my fault now?” Inubos nito ang laman ng beer in can.  He was indeed in argument mode.

                “Di ba ang importante naman dito ay matuloy ang trip natin?”

“Wow, Danica. Just wow.” He sighed. “So magpapasalamat pa ako sa’yo at hindi na-cancel ganon? For your information, Danica, iiwan ko ang trabaho ko para sa’yo, buong-buo. How I wish, ikaw rin. Well, I’m actually expecting you to do so. Well, guess what? I’m disappointed. Ayokong sisingit ang interview at shoot na iyan sa trip natin. Ayoko ng kahati.” Umupo ito sa swivel chair niya  malapit sa sofa na inuupuan niya.

Nakuyom ni Danica ang kamay. “So anong gusto mong gawin ko? I-cancel na lang natin at i-move after two days ang trip. Baka pagkatapos ng dalawang araw, hindi ka na naninigaw. And by that time, wala ka na ring kahati.”  Hindi na din niya naiwasan na maiinis na dito.  Heck, kasalanan ko bang ganyang ka-hectic ang beauty ko?

Umiling na naman ito. “Buti pa ang trabaho mo at ang commitments mo, may oras ka. Damn! Hindi mo naman ako in-inform. Kailangan ko pa bang magpa-appointment sa secretary mo para magkaoras ka para sa akin? Para sa asawa mo? I can’t believe you, Nica.”

Napakunot ang noo niya. “Saan naman galing iyan? Maliit lang ang problema natin Cielo. Kung hindi ka lang nag-iinarte—”

“Pag-iinarte lang ba ang tingin mo dito? Now, it hurts. It seemed that you don’t get it.”

“Cielo—”

 “Okay fine! Hinahamon mo ako ng cancelation? Sige, i-cancel mo. Magsama kayo ng trabaho mo. Ayoko nang umalis.”

                 “Tuloy pa din ang trip natin!” giit niya.

                “Mag-trip kang mag-isa mo!”

                “May nagha-honeymoon trip  bang mag-isa? Sa ayaw mo’t sa gusto, magti-trip tayo in two days Cielo!” At gagawin niya ang lahat as in lahat, makaladkad lang niya ang asawa sa trip na iyon.

                A message alert tone interrupted them. Nasa tabi niya ang cellphone ni Cielo. She grabbed the phone and read the message. Kay Christel pala galing iyon.

                Let’s meet at Kofi Cups near Pontez Media. May problema ako. Pag di kayo dumating, kukulamin ko kayong lahat!

                Iniabot niya ang cellphone kay Cielo. “Nag-text si Christel, puntahan mo siya. Bukas na lang tayo mag-usap. May emergency ang friend mo. Parang sign na iyan. Di tayo talaga pwedeng umalis ng bansa dahil di mo siya pwedeng iwan—”

                “Tama na, Nica okay? I’m not interested to that trip anymore. Nakapag-decide na ako. Kung gusto mo, umalis kang mag-isa. Wala na akong pakialam.” Tumayo na ito at naglakad papunta sa pinto.

                “So ayaw mo nang magkaanak?” Naalala niyang pinangako niyang pag-uusapan nila iyon sa trip.

                Natigilan ito at malungkot na binalingan siya. “Kung ayaw mo akong bigyan, may magagawa ba ako?” A different degree of sadness was reflected in his eyes. “It will still be your decision, Nica.”

                Natigilan tuloy siya.  Bago pa siya maka-recover ay nakalabas na ng office si Cielo. Hohemji. Anyare?   


                ANG PAG-COMFORT nina Cielo kay Christella ay nauwi sa inuman sessions with the boys sa bahay ni Phi Nat. They were in a cozy veranda of the house with beers, wines and tequila. Himalang nakumpleto silang lahat. By looking at the serious faces of his friends, mukhang hindi lang siya ang may pinagdadaanan.

                “So, totoo ba talaga na na-cancel ang honeymoon trip n’yo dahil sa amin ni Christel?” tanong ni Phi Nat.  

                Umiling siya sabay inom ng shot niya. “Sort of but not really. May issues na kami bago pa kayo napasali.”

                “Please expound,” Hamiel uttered, pushing him to tell a story.

                He sighed. “Alright, tama ka, Hamiel. Siguro it will really takes time for me to cope up being married to a workaholic. Ayaw niyang bitawan ang trabaho niya. Plus, parang ayaw din ng faith na makaalis kami ng walang aberya. Palaging may nangyayari para di kami matuloy. And this is annoying already. Una, gusto niyang magtrabaho. Pangalawa, ako ang nagpa-move dahil natatakot akong magkasakit siya. Pangatlo, nangyari ang ayokong mangyari, nagkasakit siya. Ngayon, may urgent interview and photoshoot siya for the Most Influential Celebrity of the Year Award thing. Bagay na di niya matanggihan. Kung tutuusin, kung hindi siya humingi ng two weeks sa simula pa lang eh di sana, tapos an ang trip na iyon. She could do now whatever she wanna do.”

                “In the first place, bakit mo ba pinagbigyan?” tanong ni Hinaro. “May control ka naman sa work niya. You can easily manipulate everything being the next CEO of the Pontez Group.”

                “I can’t take her away from her passion. Masaya siya sa trabaho niya. Hindi ako ang taong pipigilan siyang magkaroon ng sariling buhay dahil lang ikinasal kami. At... mahal ko siya. Akala ko naman hindi namin magiging problema iyon kasi nasa magkabilang building lang kami. Minsan pa nga nasa iisang building lang. Pero hindi eh. Parang mas malayo pa siya sa akin ngayon kesa noon.” Magkatabi lang ang HBH Network building at Pontez Building.  

                “So anong nangyari?” tanong ni Golen.

                “Nasigawan ko siya. Nagkaaway kami.”

                Umiling ang mga ito. “Mali, bro!”

                “Alam ko, pero nagawa ko na. Alam ko na dapat mas inuuna ko ang mararamdaman niya kesa sa nararamdaman ko but my attitude just messed things up. Nagkasagutan kami bago kami nagkahiwalay kanina. And the worst part of it... I know I just did something that I really regret. Nasaktan ko siya. I saw it in her eyes.” Napailing siya at napasubsob ng mukha sa dalawa niyang kamay. “At hindi ko alam kung paano ko iyon babawiin sa kanya. Damn it!”  He sighed again. Nasundan iyon ng pag-shot ng tequila.

                “Lesson learned. Pag kasal na kayong lahat, wag na wag kayong mag-uusap ng sensitive topic pag ang isa sa inyo mainit ang ulo. Guaranteed, iiyak ang misis n’yo. And you will never like the feeling afterwards,” Hamiel said. He took his shot of beer. 

                 “Eh kayo, anong drama n’yo? Sumasabay pa kayo sa amin ni Phi Nat,” hirit ni Cielo.

                “I now hate the fact that I’m not Chinese and will never be the best for Sophia,” Geo said. He was involved with a pure Chinese girl. Bagama’t approve na ito sa ama ni Sophia Chii, madalas pa rin itong makatanggap ng harap-harapang insults and discrimination mula sa angkan ng girlfriend nito dahil lang hindi ito Chinese.

                “As long as she and her father will always be at your side, you will be in good hands, dude. Eh ako? Nobody from you guys was able to warn me that Dana is more than what complicated means. Mahal niya ako, mahal ko siya. Pero hindi ko siya mapakasalan.” Golen stated. “I opened up the topic to her. Just a what if thing. What if magpakasal kami? And she just said she can’t sabay walkout. After that, awkward na kami. Ni hindi ko alam kung may dapat ba akong ihingi ng tawad sa kanya or so. I know  her past but, isang taon na kami, hindi pa ba siya nakaka-move on?”

                “Magpasalamat ka na lang pare at kayo pa. Kami ni Zeth?  Wala ng kami,” Hinaro declared. “She broke up with me.”

                “Bakit daw?” koro nilang tanong. 

                “I really don’t know. Inakala niyang babae ko ang kapatid ko. Kahit nakausap na siya ni Laina for clarification na wala akong babae, still, nakipaghiwalay pa rin siya sa akin.  Sabi niya one year is enough, she’s done. Kung kelan ako nagpakatino para sa isang babae, kung kelan nangarap na akong maging married man, this is what I got.” It was followed by a shot of beer.

                 “Pwede mo pa siyang habulin, pare. Hangga’t wala pang iba may laban ka pa. Ako, kayo ang problema ko,”  sabi ni Eldwick.

                “Ha?!”  koro uli nilang tanong.

                “Hindi nagtatagpo ang schedule namin ni Richael dahil sa inyo. Hindi ko rin magawang mag-propose sa kanya dahil palagi niyang sinasabi na hindi niya kayo kayang iwan.  Wala naman sanang problema iyon kung hindi lang ako ia-assign sa malayo. Kung ako lang gusto kong magpakasal na kami bago ako i-assign sa Cebu. Isasama ko siya. Kaso, alam kong over Karisma, Danica Urbano, and Sheyron band, talo ako. Hindi niya ako pipiliin. So how can I be with Richael?”

                Peace sign lang ang  sinagot nilang lahat dito. They were guilty.

                “Iyong mga problema n’yo nadadaan iyan sa mabuting usapan with the girls,” Hamiel said. Mag-usap lang kayo sa tamang oras at lugar, maaayos din lahat iyan. Mas mahirap ang magkaproblema sa sarili.”

                “Problemado ka rin?” tanong ni Phi Nat. “I thought, you had a good marriage.”

                “Yes I do. But things are really complicated if you have father in law who’s already dead but still able to remind you how jerk you are in the past.”  Ang father in law nito ay gumawa ng napakaraming videos noong nabubuhay pa ito para sa kabanda nilang si Limien at sa mga taong involved dito.  And being the son in law, Hamiel was also receiving videos from the late Ross Daniel Ferrer.  Ikinuwento pa ni Hamiel ang tungkol sa video na na-received nito na nagpaalala dito ng isang block sa past na ayaw na sana nitong balikan— ang panahong nasaktan nito ng sobra ang damdamin ng asawa nito.

                All of a sudden, natahimik sila. Kanya-kanya lang sila ng salin ng alak sa kanya-kanyang baso. Nagpalit na sila ng topic dahil baka pag love life pa rin ang pinag-usapan nila ay magkaiyakan pa sila sa kabila ng pagiging mga macho.  Sa kalagitnaan ng usapan ay nag-ring ang phone ni Hamiel.

                Agad nitong sinagot ang tawag. “Mien ko? Yes, pauwi na ako.  Eto na, aalis na ako dito. Matulog ka na. I love you.” Pagka-cut ng call ay bumaling ito sa kanila. “Uuna na ako ha at ang misis kong buntis, hindi pwedeng mapuyat.”

                “Ingat, pare,”  sambit nila.

Nang makaalis si Hamiel ay siya naman ang napagdiskitahan ng mga ito.

“Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi? May asawa ka na din oy!” pagtataboy sa kanya ni Geo.

“Hindi,” hirit niya. May konti pa siyang tampo na nararamdaman.  Pero higit roon ay hindi niya alam kung kaya na niyang humarap kay Nica na hindi na siya makakapagbitaw ng salitang ikakasakit na naman ng damdamin nito na pagsisisihan niya.

On cue, biglang nag-ring ang phone niya. Nica was calling. Pero sa halip na sagutin ay tinitigan lang niya iyon.  It was followed by a text:

Cielo Baby, sorry na oh. Pangako, huli ng delay ng trip natin ito. Tinawagan ako ng Pontez Publication, gusto nilang kasama ka sa photoshoot at interview.  

He didn’t reply. Hindi niya kasi alam kung anong sasabihin niya. Another text came.

Baby, uwi ka na. Gabi na oh. I love you so much. Muwah, muwah. Chup chup!   
And that melted his heart.  He sighed. He took his last shot of tequila bago siya tumayo. “Sabi ko nga, may asawa na ako. Kailangan ko nang umuwi.”  Nagpaalam na siya sa grupo.  

Bagahe nilang dalawa ni Danica ang bumungad sa kanya nang makapasok siya sa kwarto nila. May note na nakasipit sa bagahe niya. Kinuha niya iyon.

Code has been changed. Binago ko para siguradong hindi ka mag-unpack ng gamit mo. Tuloy tayo in two days.   

Napailing na lang siya sabay lingon sa kama. Wala roon ang asawa niya kaya nagpunta na lang siya sa walk-in closet para magbihis. Paglabas niya doon ay bumungad sa kanya ang asawa na may hawak na isang tasa ng kape.

“Coffee or me?” nakangiting tanong ni Danica.

Kinuha niya ang kape. The coffee was hot as well as his wife but he knew it. Kasama marahil iyon sa plan nitong mapapayag siya. “Just the coffee. Thanks,” he answered in poker face. Pasimple na lang niyang tiningnan ang asawa niya in a bit sexy lingerie. Damn!  He tried his best not to react about that.

Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagkawala ng ngiti ni Nica. Napalitan iyon ng lungkot. “Ahm...Ubusin mo na lang iyan para hindi ka magka-hangover bukas.” Umiwas ito ng tingin at pasimpleng kinagat nito ang labi para pigilang mapaiyak sa harap niya. “Matutulog na ako. Sunod ka na lang.” Tinalikuran na lang siya nito at humiga na ito sa kama.

 It felt like his heart was being stabbed. It shouldn’t be this way. Hindi naman kasama sa pinangako ko sa’yo na malulungkot ka lang sa piling ko, Nica.   His heart just gave in. Nangangalahati pa lang siya sa kape ay ibinaba na niya ang tasa sa bedside table. Humiga siya sa tabi ng asawa.  He pulled her closer and hugged her tight. Now they were facing each other. She was just gazing at him as if asking lots of questions she didn’t bother to utter.

“Sorry kanina, Danica baby.”

“Sorry din.”

Humalik siya sa noo nito.

“Amoy alak ka,” reklamo nito. “Pero gwapo ka pa din sa paningin ko kahit di ka amoy gwapo.” Bumalik na ang ngiti nito na nawala kanina. “So... sasama ka na sa akin sa Macau?”

An idea popped in his head. He grinned. “Hindi. Di ba sabi ko sa’yo, di na ako interesado?”

She rolled her eyes. “Grabe ka talaga.”

“Convince me more at pag-iisipan ko.”

“Cielo baby...” She crossed her legs on his.  “Mas sexy pa dito ang isusuot ko sa Macau,” she teasingly smiled at him. Her nakakatawang pang-aakit always made him laugh. 

Tumawa lang siya. “Walang preview?”

“Aba, abusado. One day screening lang iyon at sa Macau lang. So ano? Sasama ka na?”

He closed his eyes. “Hindi pa rin. Itulog mo na lang iyan.” 

“Kaloka! Best effort na nga ito, ayaw mo pa?”

“Good night, my Queen Danica Baby. Love you.”


PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…