Skip to main content

Bukas Na lang Kita Dedeadmahin- Chapter Three




Mga boses na nag-uusap ang gumising kay Danica.

                “Is she really gonna ba okay, Tita Pen?”

That was Cielo’s voice. At ang kausap nito ay ang nanay ni Dana na isang doctor.  Nakita niyang magkausap ang dalawa sa may pinto ng kwarto.  Then she realized, she’s confined in a private ward. On the visitor’s couch were some of his friends. Marahil, ang mga ito ang unang tinawagan ni Cielo kanina.
          
      “Yes, she just needs some couple of days of rest. She’s over fatigue plus her sugar is not that good. You have to monitor her diet. The last time siyang na-admit dito, sinabi ko na sa kanya na mag-control sa mga pagkain mataas sa sugar.  This may get worse if magpapasaway siya. But rest assured hijo. She’s fine. She just have to stay for a day or two so that we can monitor her condition. Once mag-stabilized na ang sugar niya and her vital signs then, pwede mo na siyang iuwi.”

                “Okay, salamat Tita Pen.” The doctor went out of the room.

                Bumalik si Cielo sa kumpulan ng mga kaibigan nito.

                “Oh Cielo, kumalma ka na. Okay na daw siya,” sabi ni Hinaro.

                “Oo nga, you can’t face her na ganyan ang itsura mo. Takot na takot,” Hamiel said. “Dadagdag iyan sa stress ng asawa mo.”


                “Korek.  Wag ka ng mag-alala. She’s out of danger, man!” Tinapik pa ni Geo ang balikat ni Cielo.

                Pero tila walang nakapagpakalma dito. “Kasalanan ko ito e. Mas inuna ko pang deadmahin siya nitong nakaraang araw dahil ayaw niya akong tigilan sa issue ng pambabae. I should have just extended my patience. Hindi ako mapapakali hangga’t di siya nagigising.”

                “We’re seing the other side of Cielo, “ komento ni Limien.

                “Yeah, iyong Cielo na hopeless romanctic at matured na,” Dana uttered.

                “Well, I’m a changed man. And this guilt is killing me. Inalagaan ko na lang sana siya kesa dinedma.”

                “Mahal mo talaga siya ano?” Christella asked.

                “Sobra, Christel bebe. Iyong takot ko kanina parang doble ata nung takot ko nang una siyang himatayin sa braso ko after ng airing ng show niya noon.”  

                That melted Danica’s heart. Naalala niya noong hinimatay siya sa lagnat at sa kagat ng aso ni Cielo noon. Akala niya ay wala itong pakialam sa kanya. Then later on, she found out  na dumadalaw pala ito sa kanya tuwing tulog siya. Then his friends told her na pinagsisihan nitong nangyari ang araw na iyon. He held himself liable why she ended in hospital bed.

                Tapos ngayon, ganon pa din ang narinig niya dito.  Kasalanan naman niya kung bakit siya  naospital. Pero inako din nito ang kasalanan niya.  She had the feeling that she needed to end his worries kaya tinawag na niya ito.

                “Cielo Baby...” 

                Agad itong lumapit sa kanya. “Baby...” Humalik ito sa noo niya bago nito ikinulong ang kanyang mukha sa mainit nitong palad. Mataman siya nitong tinitigan. A trace of worry was reflecting in his eyes as he caress her hair that covered her forehead. “How do you feel now? Nahihilo ka pa ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo?”

                “Medyo okay na ako, Cielo. Don’t worry.” She smiled. Nabawasan bahagya ang pag-aalala nito dahil sa sinabi niya.  

                “Ah, pare. Una na muna kami,”  Hinaro interrupted.

                “Oo nga. May date pa kami ni Golen,” Dana said.

                “Mag-rounds muna ako. Balik na lang ako mamaya, pare,” sabi ni Geo.

                “Thanks, guys! Si Christel, hatid n’yo ah.” Kagya’t na nilingon ni Cielo ang mga ito.

                “I’ll drive her home, man,” sabi ni Hamiel.  

                Kumaway din sa kanya ang mga ito at saka lumabas ng silid. Naiwan sila ni Cielo roon. Muli siyang binalingan nito.  Bagama’t bakas pa rin dito ang pag-aalala, mas maaliwalas na ang mukha nito compared kanina.

                “May gusto ka bang kainin? O inumin?” tanong nito.

                “Tubig na lang,” sagot niya.

                “Wait.”

Agad itong nagpunta sa ref para ikuha siya ng tubig. Isinalin nito ang tubig sa baso at bumalik sa kanya. Inalalayan siya nitong makabangon bago nito pinainom sa kanya ang tubig. Pagkatapos ay inilagay nito sa bedside table ang baso at inalalayan siyang makahiga uli ng ayos.  

                Umupo si Cielo sa gilid ng kama, nakaharap sa kanya. Hinawakan nito ang kamay niya at saka siya muling tinitigan. Iyong tingin na palagi nitong ginagawa. That kind of stare that made her heart skip a bit.

                Bigla niyang naalala ang flight nila. “Cielo, I’m sorry.”

                Kumunot ang noo nito. “For what?”

                “Hindi natuloy ang dream Macau vacation natin dahil sa akin.” She felt her eyes being filled with tears.  “I know, you waited for that. Iyong una na-extend tapos ngayon—”

                Hindi na niya naituloy ng sasabihin nang basta na lang siya nito hinalikan sa labi. Pagkatapos ay nakangiting tinitigan siya nito. “Don’t worry about it. Pwede naman nating ituloy iyon some other time. Mas importante ka kesa sa bakasyon na iyon.”

                “Pero—”

                “Maybe ayaw ni Lord na umalis tayo nang di tayo okay. I’m sorry, Danica Baby. Alam kong may kulang sa relasyon natin. We both know it. Hindi tayo dumaan sa normal na phase ng relasyon. Hindi nga naging tayo di ba? Bigla na lang kitang inalok ng kasal. And before we actually knew it, mag-asawa na tayo. Alam ko kahit di ka magsalita about it, alam kong may something sa’yo na hindi confident sa kung anumang meron tayong dalawa.”

                He was right. Dahil nga sa ibang klase ng relasyon na meron sila, insecure siya. Natatakot siya tuwing may iba itong kausap na babae. Natatakot siyang baka later on ma-realized nitong hindi pala siya ang para dito. She had that unexplainable feeling that he had the capability to leave her alone. She was unsure if he really loved her. Nagsimula lang naman itong mag-I love you sa kanya noong araw mismo ng kasal nila. And it was just weeks ago. 

                Napaisip siya. Tama bang pag-usapan na nila iyon? Pero dahil si Cielo na ang nag-initiate ng topic, itinuloy na niya.                

                “Takot ako, Cielo Baby,” pag-amin niya.

                “Saan?”

                “Takot akong dumating iyong araw na ma-realized mong hindi pala ako ang para sa’yo. Takot akong iwan mo, ipagpalit sa ibang babae. Takot akong maiwang mag-isa. Takot akong sabihin mong hindi mo naman talaga ako mahal. Takot akong masaktan.”

                “It will never happen.” He moved closer to her face and lovingly kissed her forehead. He slowly closed his eyes then  went down to kiss her nose. And award her a kiss on her lips. Huling-huli pa ni Danica ang tila slow motion na pagmulat ng mga mata nito para muling titigan siya ng buong pagmamahal.

                “I have to take away those fears in your heart, baby. Alam kong kahit anong promises ang sabihin ko sa’yo, still hindi nito mapapawi ang fears mo. It explains why kahit pictures with fans pinagseselosan mo.  You always think that I’m one step away from you. When all I know I’m always I step closer to you. We have to work things out for this marriage to succeed. Gawin natin lahat kahit bumalik pa tayo sa simula. It will never be too late to start over, right baby?”

                Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa mga sinabi nito. Hindi siya nagkamali sa taong mamahalin. Alam na ni Cielo ang nararamdaman niya kahit hindi siya magsalita. Ganon siya nito kakilala. “Yes of course. So anong gagawin natin, Cielo baby ko?”

                He grinned. Pagkatapos ay umayos ito ng upo. Still holding her hand tight, he showed off his ang-pogi-pogi-ko-talaga smile. “Danica, may nakarating sa aking chismis na crush mo daw ako. Stalker nga daw kita e. Medyo shy pa ako pero sa ang totoo niyan crush din kita.  Ang since we shared some sweet mutual feelings, pwede ba akong manligaw?”

                She laughed.   The way he delivered that line made her heart jumped out though. Magulo man ang sequence ng relationship nila, alam niyang darating din sila sa puntong mapupunta sa tama ang lahat. And with that offer... Alam na this! Ano kayang feeling ng maligawan ng asawa?  Hindi pa man nagsisimula ay excited na siya.

                “Well, dahil patay na patay ka sa ganda ko, yes Mr. Cielo Pontez. Pumapayag ako.”

                His smile grew bigger. “I love you, Danica Baby. This will be worth it.”

                “I love you more, Cielo Baby. And I know, it will really be worth it.”

                He was about to lean down again to give her a kiss nang bigla siyang nahilo. Napapikit siya at napasinghap.

                “Hey, baby. Tatawag na ba ako ng doctor?”

                She tried to open her eyes and smiled. “Nahilo lang ako, Cielo.”

                Humalik ito sa noo niya. “Go and sleep, baby. You need to rest. Dito lang ako. Hindi kita iiwan.”

                               
                NAG-INAT SI CIELO to wake himself up. Kasalukuyan siyang nasa home office niya. It has been five days since his wife was discharge from the hospital. Hindi na muna ito babalik sa trabaho. They decided to take the trip few days from that day.  At para masigurong hindi nga ito magpapagod, maging siya ay sa bahay na muna nag-office. In that way, naaalagaan niya ang asawa at the same time, nakakapagtrabaho pa siya. Plus, his panliligaw to his wife just started and he was doing it fulltime.  It was three in the afternoon at medyo inaatake siya ng antok.

                He was disturbed by a call. Agad niyang sinagot ang tawag mula kay Christel.

                “Kuya Cielo...”  Christel will only call him kuya pag may problema ito. And with that sad tone, he knew that the Karisma’s baby is in trouble.

                “O,  anong problema? Naging peanut butter na ang boyfriend mo?”  He felt a bit of panic when she cried over phone. “What the hell was wrong? Niloko ka ba Phi Nat? Sinaktan?” Silang mga lalaki sa grupo ay over protective sa tatlo nilang prinsesa sa banda. Toddlers pa lang sila ay magkakasama na silang lahat kaya ang bond nila ay higit pa sa magkakatropa. They were siblings by faith and family by heart.

                “No, he will never hurt me. Mahal niya ako. Pero... Kuya Cielo ang tanga ko!”

                “Anong nangyari?”

                Pumasok si Danica sa office niya. Nang makita nitong may kausap siya ay sumenyas ito kung pwede ba itong tumuloy o babalik na lang after few minutes. Sinenyasan niya itong pumasok. He held her hand and let her sit on his lap while he was on his swivel chair.

                “I let him go!” Christel said.  

                “What? Why?”

                “Andyan ba si Nica?”  she asked instead. Like the guys, naging parte na rin ng circle of friends ng mga prinsesa ng Karisma ang mga babaeng na-involved sa kanila.

                Napatingin siya sa asawa. “Yes, Nica is here with me.” Ini-loud speaker mode niya ang call at inilapag sa mesa ang cellphone.

                “Baby, it’s Christel. May problem ata siya with Phi Nat.”

                “Hohemji! Umeklavu ba ang ex?” tanong ni Danica na ikinakunot ng noo niya. May chismisan na ata ang mga ito na hindi pinapaalam sa kanilang mga lalaki.

                “What’s with ex? Sino?” tanong naman niya.

                “Phi Nat’s ex.  She sent me an email. Ang sabi niya, mahal niya si Phi Nat. At hindi iyon desperate email. It’s expressing an unconditional love of a woman to my blogger prince. I talked to Phi Nat about it.  Kasi, what if siya ang para kay Phi Nat at hindi ako? Ayokong ipagdamot sa babae na iyon ang chance na mapili ni Phi Nat since pareho lang kaming dalawa. Mahal namin siya.”

                “So anong nangyari?” tanong ni Cielo.

                “Hindi ko alam. Basta iniwan na ako ni Phi Nat. Wag na daw akong umasa na babalik siya dahil ako ang unang nang-iwan. Ako ang bumitaw.” Then, they heard her sobbed again.

                “Gusto mo bang puntahan ka namin girl?” tanong ni Danica.

                “Wag na muna, Nica. I want to deal with this alone muna. I’ll call kung kailangan ko na kayo. At least nasabi ko sa inyo na may problema ako.”

                Cielo suddenly felt uneasy. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga kaibigan niya.  “Time heal wounds, Christel. Siguro kailangan n’yo ni Phi Nat ng time out. Kung talagang mahal ka niya, babalik iyon kahit pa sinabi nitong hindi na.”

                “Pero kung talagang iwan ka na niya, ibig sabihin wala rin siyang balls like Dana’s ex who keeps on bugging her. Pero kung gusto mo naman talaga si Phi Nat, kulamin na lang natin siya, okay?” biro ni Nica.

                Tumawa ng konti si Christel. “Sige, Nica. Gusto ko iyong kulam na katulad ng ginawa mo kay Cielo.”

                “Ay gayuma ‘yon!” patawang hirit ng asawa niya.

                Napakunot-noo lang si Cielo.  Mas close na ata ang asawa niya sa mga kaibigan niyang babae kesa sa kanya. But that’s fine with him. In fact, it seemed to be sweet.

                “Sige, baka naistorbo ko na kayong mag-asawa. Salamat, Kuya Cielo. You’re really lucky to have Nica. And you girl, gusto ko ng gayuma na yan na ginamit mo sa kanya. Ituro mo sa akin ah. Bye guys.”  The call ended.

                   Yumakap sa leeg niya ang asawa habang nakatitig lang siya dito.  “So, hanggang kelan ang duration ng pangungulam mo sa akin?” biro niya.

                “Hangga’t ganyan ka kagwapo sa aking paningin.”

                He laughed. “I hope Christel can get through with this.” Bigla siyang napabuntong-hininga.

                “You look stressed.” Humalik ito sa labi niya.  “Go out of this office. Makipaglaro ka muna sa mga dogs mo na kasing-ganda ko ang mga pangalan.” Nag-project pa ito na medyo sexy yet funny.

                Napangiti siya. Alam ni Nica na ang mga aso niya ang stress reliever niya. “So tanggap mo na ang mga pangalan nila?”

                Umirap ito. “Hintayin kong makapanganak ang isa mong aso. Lahat iyon, ipapangalan ko sa’yo.” Lalo siyang napatawa sa sinabi nito. Tumayo na ito at hinila siya palabas ng office niya.

                  
                LIHIM NA NAPAPANGITI si Danica habang pinagmamasdan sa di kalayuan si Cielo. Nasa sa living room siya malapit sa garden area kung saan naroon ang sosyal na dog house ng bahay. Mula sa kinaroroonan niya ay tanaw niya sa glasswall ang asawa na aliw na aliw sa pakikipaglaro sa higit sa limang aso. Dalawa doon ay big dogs na at ang tatlo ay tuta pa lamang.  Ang sarap panoorin. Napatitig na lang tuloy siya dito.

                Bigla itong lumingon sa kanya at ngumiti. She just smiled back to him. Then nakita niya itong inihatid na ang mga aso sa dog house. Dahil out of sight na ang asawa ay binalikan na lang niya ang binabasang articles sa laptop niya.

                Maya-maya pa ay pumasok na sa bahay si Cielo at tumabi sa kanya. “Anong ginagawa mo, Nica? Bawal kang magtrabaho,” sita nito.

                “Hindi ito work-related. I’m reading articles about dogs and how to conquer Cynophobia.” She was pertaining to her fear of dogs. 

                Nagulat ito sa sinabi niya. “You finally decided to face your fears huh.”

                Binalingan niya ito. “Kasama kasi sila sa buhay mo. Therefore, kasama sila sa buhay nating dalawa. I’m trying to look at ways kung paano maaalis ang phobia ko sa aso para makasama na rin ako sa happy moments mo with them.”

                Though she knew it will be hard for her, she’s willing to take the challenge. Mahal ni Cielo ang mga alagang aso. And she should learn to love them, too.

                Nagulat siya nang bigla siya nitong niyakap. “Thanks, Nica. That is so sweet.” He moved a little to face her. “Don’t worry, I’ll be with you in the process.”

                “Ang sabi sa article na nabasa ko, mas maganda daw na mag-alaga ako ng puppy and witness the growth of the dog.”

                “Ready ka na ba?”

                “Di mo naman ako pababayaan di ba?” Umiling ito. “Then, I’m ready.”

                He held her hand and led her to the dog house. “Nanganak na si Aica.”

                Napangiwi siya. “Ba’t di mo sinabing nanganak na pala iyong aso mo?”

                “Well I thought you don’t care about them.” He opened the dog house door.

It was an airconditioned room for dogs. Pagpasok mo roon ay puro kulungan ng aso ang makikita. At the left side corner was a cabinet na pinaglalagyan marahil ng dog stuffs. Lahat ng aso doon ay nakakulong. At ang pinagtataka ni Danica hindi man lang siya tinahulan ng mga iyon.

“Hindi sila tumatahol. Dapat na ba akong matakot?” sabi niya.

Cielo softly laughed. Inakbayan siya nito. “Kilala ka na nila.”

“Paano? Wala akong matandaang meet and greet session,” biro niya.

“Ilang beses ko ba silang pinalapit sa’yo noon?”

 Napangiwi siya. “Ay wag mo nang ipaalala.” Napatawa sila pareho.

Dinala siya nito sa isang separate room sa loob ng dog house. Bumungad sa kanila ang isang separate cage. She presumed that the dog lying on that was Aica, the new mommy.  Hinila siya nito sa isang long table na may limang basket.

“Here are the puppies!” Kinuha nito sa basket ang isang puppy. “Look oh.”

“Wow, ang cute. Ano ngang breed nila? Sorry ah. Ung chowchow mo lang ang kilala ko e.”

“Pomeranian Husky. Crossbread na sila.” Iniabot nito ang tuta sa kanya. “Wanna carry?”

“Hindi ba yan mangangagat?”

“Nope. Baby pa lang yan.”  

                Maingat niyang tinanggap mula dito ang maliit na aso. Cielo didn’t take his hands away though. Kaya kung titingnan, parang buhat nila pareho ang tuta.  Mahigit isang dangkal lang ang laki nito. Napangiti siya. Wala kasi siyang naramdamang takot. And she felt like there’s a warm feeling covering her heart nang imulat ng aso ang mata at tumingin sa kanya. It was a good feeling na ramdam niya ang isang buhay na aso sa kanyang mga kamay. She’s not into pets dahil takot nga siyang makagat. But she’s willing to change a bit for her love to Cielo. Napangiti siya habang pinagmamasdan niya ang maliit na tuta sa kamay niya.

                “Hey, cutie. Mukha kang hamster!” she said.  Binalingan niya ang asawa. Nahuli niya itong matamang nakatitig lang sa kanya. “Bakit? Gandang-ganda ka na naman sa akin baby?”

                Pabirong umirap  ito. He was really cute whenever he do that pang-iirap thing. “Nakakaumay din iyang ganda mo minsan,” pang-aasar nito.

                “Oh really?” She moved closer to him. “Maumay ka man sa ganda kong taglay, ang love ko sa’yo ay walang kapantay.”

                He lovingly looked at her. Iyong tipong puno ng pagmamahal. “Ang love mong walang kapantay, gaganda pa yan kung ikaw ay nagsuklay.”

                They laughed.  Nasa bahay lang naman siya kaya hindi na siya masyadong nagsuklay. “Oo nga ano? Kanina pang umaga ang huli kong suklay after kong maligo.”

                “I miss that, baby.”

                “Iyong pagsusuklay ko?” biro niya. Ibinalik na niya sa basket iyong hawak nilang tuta at sinubukan din niyang hawakan ang iba pa.

                “Sira. Iyong pampi-pissed off mo sa akin ang tinutukoy ko. Well, come to think of it. Hindi naman talaga ako pissed off noon.”

                “I know. Iyon ang paraan mo para mahalin ang sexyness ko.” She even did a sexy pose while carrying one of the puppies.

                He laughed. “Hold it. That deserves to be captured.”  Kinuha nito ang phone at kinuhanan siya ng pictures. At dahil mapagpatol, game na game siyang nag-pose with the dogs.

                 “The yaya ng puppies pose!” She did some crazy pose with one of the puppies.

Napuno ng tawanan ang dog house na iyon.  Hanggang pati si Cielo ay naki-join na. They took some selfies while they were holding the puppies with their hands. Nang magsawa ay pinagmasdan niya ang asawa habang tinitingnan nito ang shots. That impish smile of Cielo was indeed lovely.

“You posted it?”

Nakangiting binalingan siya nito. “Yeah.” Pinakita nito sa kanya ang post.

It had a sweet caption, Our first babies! Umani na iyon ng shares, likes, and comments from fans. Muli niyang binalingan ang asawa. Nakatitig na naman ito sa kanya.

“Ganda ko ano?” hirit niya.

Umiling ito. “Pwede na, pasado naman.”

“Yabang nito.” She let go of the puppies and just faced him.

“Nica...”  He held her hands tightly.

“Yes, Cielo baby?”

“Naisip ko lang... what if, mag-plan na tayo para magka-baby?”

She found herself clueless with that question.  Hindi niya iyon naisip nang magpakasal sila ni Cielo. Ready na ba siyang magkaanak? Maging ina? Iisang-tabi ang career niya para maging fulltime mother?
          
      Kahit medyo uncertain ay nginitian niya si Cielo. Ayaw niyang ma-disappoint ito. “Pag-usapan natin iyan sa honeymoon trip natin.” 

                Niyakap siya nito. At hinalikan sa noo. “Thanks, baby.” May kinuha ito sa drawer na nahagip nito malapit sa mesa. “Dahil masaya ako sa eksena natin ngayon with the dogs, sige payag na ako. Ipangalan mo silang lima sa akin.” Ibinigay nito ang limang record cards ng mga aso.


                “Talaga?” excited na tanong niya. Cielo nodded. “Yes!” Kinuha niya ang record cards. “Makakaganti na rin ako sa’yo!” Hinalikan niya ito sa labi. “Thanks, Cielo Baby! I love you.”



PREVIOUS                                               NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…