Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin- Chapter Two



“I’m Danica Urbano-Pontez and this has been, The Big News Tonight!” Ngumiti si Danica sa camera habang hinihintay ang cue ng director.

                “Three, two, one... okay, Cut!”  Ciella just gave the cue.

                Automatic na napabuntong-hininga si Danica. She has been awake since four in the morning. Anong petsa na? Eleven na ng gabi at ngayon lang natapos ang live airing ng late night show niya.  Mula pa kaninang umaga ay hindi pa siya nagkakaroon ng pahinga. From morning news to The Morning Talk with Danica show, to primetime news report to The Big News Tonight. These past few days ay sinimulan na rin nila ang episodes para sa morning show niya. Tatlong episodes pa lang  ang natatapos. There’s two more. Apat na araw na lang at aalis na sila ni Cielo kaya minamadali na ang lahat. Bukod doon, may mga live airing pa siyang shows. Medyo suko na ang katawan niya sa pagod at alam niyang maging si Ciella ay ganon din. Heto nga ang sister-in-law niya, nagpunta pa rin talaga sa shoot ng evening show niya kahit nilalagnat na ito.

                Agad niyang nilapitan si Ciella na nasa isang sulok. “Okay ka lang ba?” Sinapo niya  ang noo nito. “Ang init mo, girl.”  Ciella became her real sister after niyang pakasalan ang kakambal nito.

                “Nakainom na ako ng gamot. Susunduin daw ako ni Papa. Ikaw ba? Nasaan na ba iyong kakambal kong kuripot? Susunduin ka ba niya?”


                On cue. Pumasok ng studio si Cielo. Agad itong humalik sa pisngi niya. “Am I that late, baby?”

                “Hindi naman, katatapos lang namin,” sagot niya.

                Binalingan nito ang kapatid. “Lagnat ka pa?” Malambing na ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha ni Ciella. “Wawa naman, ang init mo pa din. Ihahatid na kita sa bahay. Sinabi ko na kay Mama na ako na ang susundo sa’yo para di na maabala si Papa.”

                That scene melted her heart. Kahit madalas na mag-asaran ang dalawa, nananatili pa rin si Cielo na sweet kuya sa kakambal nito. Kinuha niya ang phone at pasimpleng kumuha ng photo ng magkapatid. Then she posted it on Instagram:

                Such a lovely scene. Twin goals! Ang sweet ng Cielo Baby ko oh.   

                That earned lots of comments, shares and likes again. Napangiti siya. Hinding-hindi siya magsasawang ipakita sa mundo kung gaano siya kaswerte sa mister niya. She took her time browsing her social media accounts and sending replies sa mga fans na nag-comment habang busy ang asawa niya at kapatid nito sa pag-uusap. Ititigil na sana niya ang pagba-browse nang isang photo ang nakakuha ng kanyang atensyon. 

                It was her husband in a crowd of women... lots of flirty sexy women. The photo was posted by a fan with a caption, “Hunkable Cielo with the Babe Dancers.” Familiar siya sa grupo ng mga babaeng iyon. It was a sexy dancing group na unti-unting sumisikat ngayon. Parang may kung anong pumitik sa ulo niya. Kung titingnan ang picture, mukhang enjoy na enjoy ang asawa niya sa paligid ng mga sexy at pretty na mga babae. She noticed the date. It was posted a day after that night na tumanggi si Cielo na sumama siya sa gig nito.  Hala siya! Kunwari pang ayaw akong mapagod. Iyon pala, magha-happy happy pala siya!!!

                “Cielo!” Medyo napataas ang tono niya kaya nagulat ito nang balingan siya na tila nagtataka. She sighed. “Ano, let’s go?” anyaya  na lang niya sa magkapatid.

                Itinago na niya ang cellphone at  sinubukang pakalmahin ang sarili. Nagpaalam silang lahat sa cast and crew ng show. She just let Cielo spent time taking good care of his twin. Inaalalayan nito ang kapatid habang papunta sila sa sasakyan nito.

                They were already off the road when she felt a sort of dizziness. Cielo was driving, she was in the passenger seat and Ciella was at the back seat sleeping. Dala ata iyon ng puyat at pagod. At pagkainis sa lalaking ito! She just leaned back on her seat. Bakit ganon siya? Feeling binata pa din? Heck, may maganda at sexy na asawa na siya! Mauubos ang energy niya kung iisipin niya ang nakita online. Pumikit na lang siya.

                Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya. “Okay ka lang , baby?”

                “Yeah, I’m just tired.” Hindi na niya sinabing nahihilo siya at baka mataranta pa ito.

                “Take some rest. Ihahatid lang natin si Ciella. Then uuwi na rin tayo.”

                 Nakatulog siya. Nang maalimpungatan siya ay papasok na ng grahe ng bahay nila ang sasakyan. Lumingon siya sa likod ng sasakyan. Wala na roon si Ciella. Naihatid na pala nila ito nang hindi niya namamalayan.

                She took off her seatbelt. Binuksan ni Cielo ang pinto ng kotse. Inalalayan siya nito hanggang sa makarating na sila sa kanilang kwarto. She took her time changing clothes and did her rituals bago matulog. Nag-alis siya ng make-up at naghilamos ng mukha. Paglabas niya ng banyo ay naabutan niya ang asawa na nakatutok sa laptop nito. Naalala na naman niya ang nakita. Hindi niya maiwasang manggigil sa inis. Pagod na nga siya sa trabaho tapos ganon pa ang makikita niya. Asar!  But then again, mas nangingibabaw ang pagod sa kanya kaya itutulog na lang muna niya iyon.

                “Tulog na tayo, Cielo. Bukas na iyan,” she said.  Humiga siya sa kama.

                “Yes, I just moved our flight next week.” Inisang-tabi na nito ang laptop na hawak at humiga sa tabi niya.

                “Ano?” Napabaling tuloy siya dito. Now they were facing each other. “Bakit?”

                A trace of worry was reflecting in her husband’s eyes. Hinaplos nito ang pisngi niya. “I don’t want you to get sick. Pinapagod mo na ang sarili mo. Nag-aalala na ako.” Yumakap ito sa waist niya. “At saka si Ciella, nahihirapan na din siya. Wag n’yong i-rush ang shoot. You may take the shoot for two episodes in six days. I think that’s enough. Ayoko nang umuwi kang pagod na pagod. Alam kong ginagawa mo iyan para sa akin. Pero hindi ako magiging masaya kung nakikita kitang ganyan.”

                Napangiti siya. “Salamat, Cielo Baby. Alam ko din naman na gustong-gusto mo nang magbakasyon kaya talagang kina-career ko na iyong shoot. Wag kang mag-alala. That vacation will be worth it.” At after ng vacation na iyon sana hindi ka na buhay binata.  

                He kissed her on lips. It was just quick but seemed to be so sweet. “Sleep na, baby ko. Tomorrow morning, Papa or Tita Sandra would takeover your show. Napag-usapan namin nina Mama na magpapahinga muna si Ciella.” 

                “Yeah, your sister needs it.”   

                Pumikit na ito. Naalala niya uli ang picture. Ayaw niyang matulog at mapraning hanggang sa panaginip niya. She decided to comfront him. “Cielo...”

                “Hmmm?” Nagmulat muli ito ng mata.

                Pinigilan niya ang mapakagat-labi. That Cielo’s act was just so sexy. “Ahm, may itatanong lang ako.”

                “Ano iyon?”

                Kinuha niya ang phone at pinakita dito ang picture na nakita niya sa Instagram. Seryosong tiningnan niya ito. “What is the meaning of this, Cielo Baby? Nanamantala ka bang hindi mo ako kasama sa gig noong gabing iyan? Not yet over with your stag party?” Medyo pataas na naman ang tono ng boses niya.

                Tumawa ito. “Oh, hold it. Bago ka mag-hysteria, mage-explain ako—aray!”

                Binato niya sa tagiliran nito ang cellphone niya. “Anong nakakatawa? Siguraduhin  mong maganda ang explanation mo or else, walang Macau okay?!”

                Kinuha lang nito ang cellphone at pinatong sa bedside table. He held her hand firmly.

                “Nica, game lang iyon. Tapos nagpa-picture lang sila sa akin after the game. It was just nothing,” he sincerely explained.

                Pero hindi pa noon napakalma ang selos niya. “Eh bakit parang sayang-saya ka habang nakahawak pa sa’yo iyong mga babaeng iyon?”

                “Alangan namang sumimangot ako sa fans. You know I can’t do that as much as you can’t turn down those guys that keep on sending flowers to you despite of being married to me.”

                “Ay ewan ko sa’yo! Matulog na nga lang tayo!” Tinalikuran na niya ito. Inis pa din siya. Ayaw niyang may ibang lumalapit at humahawak sa Cielo baby niya. Siya lang dapat.  Kaso ang siste,  mahirap iyon sa estado ng stardom nito. Andami nitong fans at majority ay mga babae.

                Yumakap ito sa kanya. “Baby, kahit naman umakbay sila sa akin at yumakap, at the end of the day, ikaw pa rin ang pipiliin kong yakapin. Wag ka na magalit.” He even kissed her shoulder. “Sorry na.” That was indeed sweet. Pinawi na noon bahagya ang inis na naramdaman niya kanina.

                    “Magkatigdas sana lahat ng yumakap sa’yo habang wala ako!” She winced.

                In her mere surprise ay tumawa uli ito nang malakas. “Ang sama mo, Nica. Wag ganon!” Humalik pa ito sa pisngi niya bago ito umayos ng higa. “Ang cute mong magselos. I like it. Good night, Danica Baby. I love you.”

                “Tse!” Akala ata nito, nagbibiro lang siya. Hindi talaga niya nagustuhan ang nakita. Dahil takot siya… takot siyang makakita si Cielo ng iba at mangyari ang panaginip niya.

               
                DAYS PASSED.

                Cielo was patiently waiting for his friends to come. Kasalukuyan siyang nasa Kofi Cups and Sweets. Kasama na niya si Hamiel. Hinihintay na lang nilang dumatin ang iba pa.

                “Akala ko ba may honeymoon trip kayo?” usisa ni Hamiel.

                “Pina-move ko ng ilang araw. We’ll fly in the next two days,” sabi niya. 

                “Bakit?  Ayaw na niyang sumama sa’yo?”  Hinaro just came in.

                Binato niya ito ng crumpled tissue. “’Lol! Busy lang siya sa shooting ng shows niya. Gusto kasi niya, hindi replays ang ipapalabas pag nag-out of country kami. Plus, ino-orient pa niya iyong papalit na news anchors sa evening news niya.”

                Tumawa lang si Hamiel. “Welcome to the club of men married to workaholics wives.”

                Napailing na lang siya. His cousin, Limien Rose who married his friend Hamiel was quite the same as his wife. Very career-oriented. Well, lahat ata ng involved sa kanilang magkakaibigan ay ganon.  “Nagkaroon ka ba ng feeling dati na gusto mong patigilin si Limien sa pagtatrabaho sa Green Haven?” tanong niya kay Hamiel.

                “Hanggang ngayon, gusto ko siyang huminto pero hindi iyon ganon kasimple. We all know guys, we are involved with women who are independent and bossy. Hindi susunod ang mga iyan sa atin. Kaya sa halip na pag-awayan, tanggapin mo na lang. You’ll get used to it with proper time management.”

                “Usapang married life, di ako maka-relate,” sabat ni Hinaro.

                “Well, unless you ask Zeth to marry you,” natatawang hirit niya. “Makaka-relate ka din.”

                “Hindi pa kami siguro handa. I just love being with her and I’m still seizing the moment,” seryosong hirit ni Hinaro. Mukhang ang pinakababaero sa grupo, napatino na ng isang babae. Breaking the record na ito kay Hinaro dahil malapit ng mag-isang taon ang relasyon nito kay Zeth.  

                On cue, dumating na si Doc Geo. At halos kasabay nitong dumating sina Golen at Phi Nat. Yes, after being involved with Dana and Christel, nakasama na sa circle of friends nila ito. At meron pang isa, si Eldwick Almendral, ang nabinggwit na pulis ng kanilang ever-reliable road manager na si Richael na bihira nilang nakakasama dahil masyado itong dedicated sa pagseserbisyo sa bansa bilang huwarang pulis. 

                “So this meeting is about what?” tanong ni Geo.

                He grinned. “I need your opinion.”

                Nilatag niya sa mesa ang blue print location map ng dalawang properties na pinagpipilian niya. “I’m planning to surprise my wife with this. Bibigyan ko siya ng rest house. So I’m torn between a beach front villa or a garden villa sanctuary. What do you think?”  Maang na nakatitig sa kanya ang mga kaibigan na parang nagtataka sa mga sinabi niya. “Bakit?”

                “I think you’re sick. Doc Geo, check up mo nga iyan!” biro ni Hinaro.

                “Oo nga, baka may nakain iyang kung anu-ano at  nagkakaganyan,” gatong pa ni Hamiel.

                Lumapit nga si Geo sa kanya at pabirong isinuot pa ang stethoscope na dala at akmang pupulsuhan siya.

                “Ikaw ba iyan, Cielo? May sanib ka ata pare?” tanong ni Geo.

                “Seryoso ba iyan o power trip lang?” tanong ni Golen.

                “O baka, nakasama ang kape sa’yo, pare,” komento ni Phi Nat.

                Inilayo niya ang kamay kay Geo.  “Mga siraulo kayo. Seryoso ako!”

                “Eh paano naman kami maniniwala agad, eh saksakan ka ng kuripot tapos sasabihin mo sa aming ibibili mo ng property ang asawa mo,” sabi ni Hamiel. “As in? Nanay mo nga di mo man lang nabigyan ng expensive gift. At iyong mga kapatid mo, never mong niregaluhan tapos sinasabi mo ‘yan sa amin ngayon?”

                Napailing siya. “Hindi nga ako kuripot, wise spending ang tawag doon. Iyong pamilya ko, they can afford it all by themselves. At saka, si Danica itong pinag-uusapan natin. Ibibigay ko syempre ang lahat sa asawa ko. Marami akong sinayang na panahon noon. Gusto kong bawiin lahat ng pagkukulang ko sa kanya.” Natahimik ang mga kaibigan niya. “Alam n’yo namang hindi kami dumaan sa ordinaryong relationship. Hindi nga kami naging kami talaga. I just found myself marrying her. I want to re-direct everything para maging tama na ang lahat. And this is my good start. I will give the best of my best to make her happy.” Still, tahimik pa rin ang mga kaibigan niya na tila hindi pa rin makapaniwala na may moment din naman na nagseseryoso siya. “Ano? Tutulungan n’yo ba ako?”

                “ZLCD Realty Corporation can do the villa for you. Just choose the property,” Golen pledged. May-ari ito ng isang real property development company with the best among the best artchitects and engineers in the country.

                “Thanks, pare.”

                Hinawakan ni Hinaro ang dalawang blue prints. “The beach cost higher in market value and I think Danica will love this place. My vote is for the beach.”

                Inagaw ni Geo ang blue prints. “Mas relaxing ng garden villa for me. My vote is for the garden villa.” Iniabot nito ang prints kay Hamiel.

                “Sa beach ako, pare.  She will love it for sure.” Iniabot naman nito kay Phi Nat ang prints.

                “I’ll go with the beach, too.”

                “So it will be the beach front villa.” Cielo felt relieved. “May isa pa akong ibibigay sa kanya.” Dalawang picture ng kotse ang pinakita niya sa mga ito.  One is a Rolls Royce Phantom Serenity model and the other one is BMW Series 6 Cabriolet.

                “Bagay ito kay Limien,” sambit nit Hamiel while looking at the Rolls Royce.

                “Ito naman, bagay ito kay Dana,” Golen commented after seeing the BMW.

                “Eh di bilhan n’yo sila,” hirit niya. “Maging galante kayo sa asawa!”

                “Hindi ko pa siya asawa,” Golen emphasized.  “Unless, pumayag na kayong alukin ko na siya ng kasal.”

                Hinaro, Geo, Hamiel and him threw Golen a threatening look. “No!”

                Golen just laughed. “I know, the one year rule is not yet over.”

                Napailing si Cielo. Naalala niya iyong araw na nag-inuman silang lahat. Pinasumpa nila sina Eldwick, Golen at Phi Nat na hindi nila aalukin ng kasal sin Richael, Dana and Christella unless makaabot sila ng isang taong stable relationship. Wasted na silang lahat noon at hindi naman sila seryoso. But surprisingly, mukhang susunod nga ang tatlo sa kalokohan nila.  

                “Kami ba hindi mo ililibre ng sasakyan? Buong buhay na lang magkasama na tayo pare. Hindi mo ba ako love?” biro ni Hamiel.

                “Hindi, p’re. Wag ka nang umasa. Walang tayo,” patol niya sa sinabi nito.

                Umugong ng tawanan ng grupo hanggang sa bumalik uli sa kotse ang usapan nila.

                “Hindi ko alam kung anong taste ni Danica sa cars.” Napailing si Hamiel. “But the Rolls Royce fits her lifestyle.”

                “Wait what’s the plan? Ida-drive ba niya? Mas ma-appreciate niya ang Rolls Royce kung may driver siya. The comfy interior of the Rolls Royce is perfect for her.   But the BMW will be best if she’s driving alone. Astig sa babae,” sabi ni Hinaro.

                Napangiwi siya. “Damn, I don’t even know if she knows how to drive. Palagi kasing company driver ang nagda-drive sa kanya.” 

                “Then choose the Rolls Royce,” Golen suggested. “I-drive man niya o hindi, the car will do well on her.”

                “I agree,” Phi Nat said.

                “Me, too,” Geo said. “Though my Sophia will like that BMW.”

                 He nodded. “Salamat.” Napangiti siya. Sa wakas, nakakuha din siya ng solid opinions sa mga ito. Napi-picture out na niya na pinaplanong surpresa. And it must be special.   

                Nagkukwentuhan na ang grupo about their relationships with the girls. Hanggang sa mapunta sa kanya ang atensyon ng mga ito.

                “Hindi ka ba hinahanap ng misis mo?” tanong ni Phi Nat.

                “Nope. Ako pa? Ako ang batas!” mayabang na sabi niya. “Hindi ako matitinag sa isang phone call lang ng asawa. Di ba, Hamiel?”

                Tumawa lang ito. “Ilang araw pa at kakainin mo din iyang sinabi mong ikaw ang batas. Maniwala ka pare.”

                Umiling siya. “Hindi iyan.”

                On cue nag-ring ang phone niyang nakalapag sa mesa. Kitang-kita ng mga ito na tumatawag si Danica. Agad niyang dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. “Yes, baby?”

Namataan niyang pumasok sa Kofi Cups ang members ng Babe Dancers. Kumaway pa ang mga babae sa kanila. Kumaway din siya along with the guys.

                “Nasaan ka?” tanong ni Danica.

                “Ah, nasa office ako baby,” pagdadahilan niya.  Baka bigla siya nitong puntahan sa Kofi Cups. Malalagot siya.

                “Sinungaling! Nasa office mo ako at wala ka! Nasaan ka?” Nataranta siya sa pagtaas ng boses nito.

                “Ahm, ano. Ah… kasama ko sina Hamiel.” Nakita niyang nagbubungisngisan ang mga siraulo niyang kaibigan. Pinagbabato niya ito ng mga crumpled tissue.

                “Saan nga?!”

                “Kofi Cups sa tapat.” He saw the Babe Dancers approaching their seats. Patay ako nito. Selosa ang asawa niya. Kaya kahit wala naman si Danica sa tabi niya eh kinabahan siya. He smiled to them though. Mahirap na at baka matawag pa siyang snob ng media. Napansin din kasi niya na may mga press din na pumasok ng shop.  

                “Hi Cielo!” bati pa ng mga ito sa kanya. Bumeso pa ang mga ito sa kanilang lahat.  Sa lakas ng boses ng mga ito at sa tunog ng mga kiss ng mga ito sa pisngi niya, sigurado siyang dinig na dinig iyon ng asawa sa kabilang linya.

                “Hoy, Cielo Prudence Pontez! Bumalik ka sa opisina mo ngayon din kung ayaw mong balatan ko ng buhay ang mga aso mo!” The call ended. And with the tone of his wife, alam niyang malalagot na siya.  Though, he’s confident that the dog thing will never happen. Sobrang takot sa aso ang asawa niya. Mas natatakot siya sa away.

                “I better go,” paalam niya sa grupo.

                Nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Siya daw ang batas, mga ‘tol!” hirit ni Hamiel. “Go, pare. Ingat sa pagtawid!”

                Hindi na niya hinintay ang iba pang kantyaw ng mga kaibigan. Patakbo na siyang lumabas ng coffee shop at dali-daling bumalik sa opisina niya.  The hell!


                Tahimik lang si Danica habang kumakain sila ni Cielo sa cafeteria sa loob ng airport. The long wait for vacation was over. Hinihintay na lang nilang i-on board sila and they’re ready to go. Dapat excited siya ngayon pero hindi niya magawang ma-excite. Hindi siya maka-moved on sa mga Babe Dancers na iyon na nalaman niyang kasama ni Cielo sa Kofi Cups noong isang araw. Nagkalat sa kabi-kabilang online articles, social media and newspapers ang mga picture ng Karisma boys with the Babe Dancers. And those killed her jealous heart.

                He denied it, of course. In connivance pa ito with his friends. Bumati lang daw ang mga babaeng iyon sa kanila. Hindi daw sila magkakasama. But knowing that Cielo had that chick magnate image, hindi magawang maniwala ng paranoid niyang brain sa sinasabi nito. At ang lalo niyang kinakainis, sa halip na suyuin siya eh heto si Cielo, nakikipagmatigasan lang sa kanya dahil ayaw niyang tigilan ito sa issue. Buong araw silang hindi nagpansinan hanggang sa ngayong paalis na sila ng bansa.

                Seriously? Para tuloy silang hindi magkakilala kahit nasa table for two lang sila.  Her husband was busy reading something in his laptop while drinking coffee. Hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. At talagang nabubwisit na siya.

                Ibinuhos na lang niya sa pancake ang frustration habang tinitingnan ito nang masama. Isa lang naman ang hinihintay niya. Isang sorry lang sana at isang promise na di na ito makikipag-mingle sa sexy group na iyon. Pero knowing Cielo, imposibleng mangyari iyong gusto niya.

                Panay ang subo niya ng pancake na nilagyan niya ng honey at chocolate syrup. Hindi niya inaalis ang tingin sa asawa. Hanggang sa ang inis na nararamdaman niya ay naging tingin ng paghanga. May something sa asawa niya ang nagbago mula nang ikasal sila. Nag-mature ito. Mas naging pogi, mas naging yummy, mas naging papable... I miss you Cielo Baby kahit magkasama tayo.   

                She took another bite of her pancake and another. Hanggang sa parang nahihilo na siya. Naubos na pala niya ang pancake nang di man lang umiinom ng tubig. Nasobrahan na siya sa sweets.   Naramdaman na rin niya na parang sumasakit ang bahagi ng ulo niya malapit sa batok. And she knew it was a sign ng pagtaas ng sugar niya.  Agad siyang uminom ng tubig, kalahating baso agad. Ngunit hindi nito naibsan ang pakiramdam niya.  Hindi maganda ang result ng ilang araw na puyat at pagod plus too much sweets intake.

                Napapapikit na siya sa hilo. “Cielo...”

                “What?”  Hindi pa rin siya nilingon ng asawa sa pag-aakalang may sasabihin lang siyang kung ano.

                “Cielo!” Her voice now was begging for help. Hindi na niya kaya dahil umiikot na ang paningin niya.  Napapikit na siya nang tuluyan.

                “Baby? What’s wrong?”

Agad na siyang dinaluhan ng asawa. She can sense some sort of panic in his voice when he rushed on her. Nang maramdaman niya ang asawa sa tabi niya ay saka siya tuluyang nawalan ng malay.

                “Nica! God, what’s happening?” 


                Naramdaman pa niyang tinatapik nito ang pisngi niya para gisingin siya but she doesn’t have the energy to open her eyes. Paulit-ulit siyang tinatawag nito.  And the last thing she heard before she lost her consciousness was the voice of Cielo in panic, shouting and asking for help. 


PREVIOUS                                                                 NEXT

Comments

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…