Skip to main content

Bukas Na Lang Kita Dedeadmahin- Chapter One




           Danica was still in the midst of reverie. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa tinagal-tagal ng pamba-bad trip niya kay Cielo, sa wakas, Mrs. Pontez na siya. Kaya mula nang matulog siya katabi ang kanyang mister hanggang sa pagmulat niya ng mata sa umagang iyon  ay nakangiti siya. Nawala lang ang ngiti sa kanyang labi nang mapansing wala sa tabi niya si Cielo. Inaasahan pa naman ng beautiful eyes niya na once na magmulat ang kanyang mga mata ay ang maamong fafable na mukha ng asawa ang una niyang masisilayan. Pero bigo siya.
             
                 “Cielo?”

               Bumangon siya para hanapin ang mister niya. Pumunta siya sa CR, walang tao. Lumabas siya ng kwarto at  hinanap ito sa lahat ng kwarto. Still no sign of Cielo. Nagsisimula na siyang kabahan. Bakit walang tao? Nasaan ang asawa niya? Nagbago na ba ang isip nito at iniwan na siya? Bumaba siya sa living room, sa kusina at sa garden. Wala roon ang asawa niya.

                “Cielo! Nasaan ka ba?” She shouted to no one. Wala kasing tao sa bahay na iyon... at mukhang nag-iisa na nga siya. Tears fell from her eyes. Ito ba ang grand paghihiganti ni Cielo? Pinakasalan siya, pinasaya ng isang gabi tapos iiwanan na siya?

“Cielo! Hindi na ako natutuwa sa pagtatago mo! Lumabas ka na please? Natatakot na ako!” she shouted again. Still, no one responded.

Bumalik siya sa loob ng bahay at umupo sa dining table. Doon niya napansin ang isang note na nakadikit sa ref. May pangalan niya ang note. Kinuha niya iyon at binasa.


I’m sorry, Danica. But I can’t do this. The wedding is just a fraud. End of the game.

 Gumuho ang mundo niya. Nabitawan niya ang note na hawak. She can’t believe it. “Hindi, hindi ako iiwan ni Cielo.” Tumayo siya at tumakbo sa labas ng gate. “Baka di pa siya nakakalayo. Hindi niya akong pwedeng iwan.”

Mababangga na siya ng isang kotse nang biglang...


“Cielo!” Napabalikwas ng bangon si Danica. Andon siya sa kama nila at wala sa kalsada. Masamang panaginip lang pala. Nasapo niya ang dibdib. Masama ata ang tama ng pagiging praning niya. Kakaisip niyang baka iwan siya ni Cielo, ayan tuloy... muntik na siya sa bangungot.  Bumaling siya sa kama at saka niya nalamang wala roon ang asawa.

Bumalik ang kaba sa puso niya. Siyet! Ganitung-ganito ang panaginip ko! Bumangon siya at hinanap si Cielo sa buong bahay, sa CR, kusina at garden tulad ng panaginip niya.

“Cielo?”

 Walang Cielo sa paligid niya. Mga tahol lang ng mga aso mula sa malaking dog house sa may garden ng bahay ang naririnig niya.

But she didn’t give up. “Cielo!!! Lumabas ka na!” She shouted once more.

Halos mangiyak-ngiyak na siya. Takot na takot. She can’t imagine a life without Cielo. Minsan na siya nitong iniwan, nilayuan. Ayaw na niyang maulit iyon. Totoo ba ang panaginip ko?  

“Cielo!” Pahikbing sigaw niya hoping na nasa isang bahagi lang ng mansion na iyon ang asawa at tinaguan lang siya.

Umaasa siyang pinagtitripan lang siya nito para asarin. Pero wala pa ring sumasagot sa kanya. Tuluyan na siyang napaiyak at napaupo sa may bench malapit sa pinto ng dog house. Tinatakasan na siya ng confidence. Pangarap lang ba ang lahat nang nangyari kahapon? Di niya kayang paniwalaan na ang magandang kasal nila ay isa lamang malaking palabas. Parang sasabog ang puso niya.

“Cielo...” sambit niyang muli sa pagitan ng paghikbi.

Biglang bumukas ang pinto ng  dog room. “Mrs. Danica Urbano-Pontez, ang ingay mo—hey! Bakit ka umiiyak?” She heard Cielo’s voice.

“Cielo?” Tumunghay siya at sinalubong siya ng mga mata nitong nag-aalala.  In just a snap ay nasa tabi na niya ito.

“What happened? Bakit ka umiiyak?” nagtatakang tanong ni Cielo.

Tears fell from her eyes out of relief. Hindi siya iniwan ni Cielo tulad ng panaginip niya. Andito pa din ang asawa niya. The dream was not real. Hinawakan niya ang pisngi nito na lalong ikinakunot ng noo nito. Agad niyang niyakap ito na lalo nitong pinagtaka.  

“Bakit wala ka nang magising ako? Bakit di ka sumasagot nang tinatawag kita?” tanong niya habang niyayakap ito nang mahigpit at patuloy na humihikbi. Gusto niyang patunayan sa sarili na totoo ito at hindi imagination lang. “Natakot ako. Akala ko iniwan mo na ako.”  

He hugged him back and kissed her head. “Baby, saan mo ba napulot na iiwan kita?” He moved a little to be able to gaze at her. Ikinulong ni Cielo ang kanyang mukha sa mainit nitong palad. Tinitigan siya nito nang buong pagmahahal habang pinapawi nito ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Didn’t I swear to God yesterday that I will always be here for you? And you did, too. Yesterday isn’t a game, Danica baby. Tapos na ang asaran, tapos na ang taguan ng feelings.” He kissed on her nose. “I loved you so much, my Danica baby. Wag na wag mo nang iisipin na iiwan kita okay? It will never happen again.”

“Hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari?” tanong niya.

Umiling ito. “Hindi. Hangga’t kaya ko, palagi tayong ganito ka-close.” Niyakap pa siya nito nang mas mahigpit.

Kumalas siya saglit sa yakap nito. She looked up to be able to see his face. “Hindi mo ako hahayaang mag-isa?”

“Never. You will never be alone. Nangako ako sa mga magulang mo na hinding-hindi ka na mag-iisa. We will build this family together. Kaya wag ka ng umiyak, tahan na.” He smiled at her sweetly.

“Thank you, Cielo Baby.”  Ngumiti na siya bago muling yumakap dito.

 “Hay naku ang baby ko.” Humalik muli ito sa ulo niya. “Ano bang nangyari sa’yo?”

“Wala. Nanaginip lang ako.”

Kumalas ito sa yakap at hinawakan ang kamay niya habang nakatitig sa kanya. That pair of lovely eyes though. Naalala niya nang una niyang ma-realize na love na pala ang nararamdaman niya para dito. She would always want to gaze at those pair of lovely eyes of him. 

 “Tungkol saan? Na iniwan kita?” She nodded. “Kabaligtaran iyon. Matapang na ang puso ko ngayon, baby. Malakas na ang loob kong ipagsigawan sa mundo na ako ang pinakamaswerteng lalaki dahil sa’yo. And I’m very much excited to share a new chapter of my life with you.”
            
                Naramdaman niyang uminit ang pisngi niya sa sinabi nito.
             
              “You’re blushing, baby. So lovely.” Cielo pulled her closer, held her nape gently and awarded her some sweet fiery kisses. She accepted the invitation to show how much she loves him. Nakakapanibago pa rin. Hindi siya sanay na ganon si Cielo sa kanya, sweet, malambing... at yummy. Dati kasi ang tingin niya dito ay nakakainis, nakakairita, nakaka-miss at yummy. She felt his fiery kisses went deeper as he held her waist even closer to his. Hinayaan lang niyang i-claim nito ang privilege nito bilang mister niya. It was overwhelming. She never thought love could feel that way... so magical and genuine.  

                They were both panting as their lips finally parted. A sweet smile replaced their faces as they lovingly gaze at each other.  

                “Mukhang ako nga ang nananaginip ngayon, Danica baby. Misis na  ba talaga kita? As in for real? I still can’t believe that we came this far after all the fights and all my denial issues.” They both laughed.


                “For the first time, inamin mong in denial ka.” She pinched his nose.

“Wala eh. Totoo naman e.”

 “But don’t worry, I love it. I love our love story kahit na kalahati ata noon ay ibinuhos lang natin para asarin ang isa’t isa.”

                “I love you even more my queen.” It was followed by a sweet smack kiss.

                She moved away from him afterwards and held his hand. An idea popped her mind. Hinila niya ito papasok ng bahay. “Let’s start the day right, Cielo Baby.” Back being a little crazy, she showed her ‘nang-aakit-ako-ng-very-light’ pose and lovingly... teasingly gazed at her loving hubby.  “Would you like some coffee, tea or skip na tayo sa dessert named me?” 

                Tatawa-tawang sumunod lang si Cielo sa kanya. “I choose the coffee first with a decent breakfast bago ko i-avail ang indecent dessert na iyan,” pang-aasar nito. He grinned. Ang unfair ng mundo. Kahit ang mapang-asar na mukha ni Cielo ay gwapo sa paningin niya.

                “Ay grabe siya. Indecent talaga?” They went to the kitchen. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay nito at pabirong OA na nag-walling. “Matapos mong pagsamantalahan ang mala-Dyosa kong kagandahan kagabi, sasabihin mong indecent dessert ako? Nasaan ang hustisya?”

                Humagalpak ito ng tawa and that made her heart grew bigger. Wala nang makakatalo sa sayang nararamdaman niya ngayon. Seeing how happy Cielo was, made her feel complete. Hinding-hindi niya ipagpapalit sa kahit na ano ang mga eksenang katulad nito. Wala na nga siyang mahahanap pa. Si Cielo lang, sapat na.

                “Umupo ka na dito sa mesa nang mabigay ko na ang hustisya mo,” natatawa pa ring sambit nito. “But I’m excited with that indecent dessert though.”

“Ganern?” Tumatawang tumalima naman siya. Umupo siya sa tabi nito. At pinagsaluhan nila ang masarap na agahan.

Sa pagitan ng masarap na pagsasalo nila ay humahalik ito sa kanya, naglalambing pagkatapos siya naman ay babanat ng patawa. Napuno ang unang umaga nila bilang official married couple ng tawanan. Dahil doon, nawala na ang di magandang panaginip niya.

“Nica...”

“Hmmm?” Nilingon niya ang asawa pagkatapos niyang humigop ng kape.

“Let’s go somewhere.”

“Saan?”

“I don’t know. Macau, Thailand, Singapore, Hawaii, France, London, Italy, anywhere. Hindi natin napag-usapan ang honeymoon bago tayo ikasal.”

 “Kasi busy ka sa kakaisip kung tama bang magpapakasal tayo o hindi,” pakli niya.

Umiling lang ito at hinawakan ang kamay niya sabay halik doon. “Move on na, okay. It’s not too late to plan right?”

                “Paano iyong shows ko? Two shows iyon everyday. Iyong The Morning Talk at iyong showbiz update sa evening news. Tapos pag Friday, may evening show pa ako. At iyong mga shows n’yo ng Karisma Band? Paano ang work natin dito?”

                Iniisip niya pa din ang trabaho. Ganon ata talaga pag career-oriented. Work muna, bago ang lahat.

                Itinuloy nila ang pagkain. “We can leave your shows to Ciella and my band can pull off the gigs without me. Wala naman kaming upcoming major shows. Nagpaalam na rin muna ako kina Mama na sila na muna ang bahala sa mga negosyo ko at nakausap ko na din si Ciella. It will just be two weeks... just few days without thinking anything but our marriage. What do you think?”

                 “Kelan mo ba balak?”

                “As soon as possible, baby.” He smiled and winked.  The way the conversation goes parang excited na excited itong si Cielo sa two weeks escape nilang mag-asawa. The thing is, ayaw naman niyang iwan na lang kay Ciella ang lahat.

                “What if i-schedule natin siya two weeks from now? I can’t just let Ciella carry all the stress of that honeymoon leave.  Baka di na magka-love life ang kakambal mo dahil sa sobrang stress. What if, mag-shoot muna ako kahit iyong sa morning show ko na lang para hindi replay episodes iyong ipapalabas kundi new segments pa din pero hindi nga lang live.”

                Tila nalungkot ito sa sinabi niya. “That long?”

                “Yeah, a week for brainstorming and segment ideas then I will shoot the five episodes right away.”

Silence took over. Alam na niya pag tahimik si Cielo, ibig sabihin noon kontra ito sa sinasabi niya at pinipigilan nito ang sariling makipag-argument. Tumayo siya at niyakap ito mula sa likod habang ito ay nakaupo pa rin.

“Pwede naman mapaaga, depende kung gaano kabilis ang shooting namin. As soon as matapos ko iyon, lipad tayo agad at pupuntahan natin ang kahit alin sa gusto mong puntahan. Promise.” She kissed on his cheeks that made him smile.

                “Okay, deal. For two weeks, you do your work, I’ll do mine. So, where do you wanna go first?” 

                She smiled. “Macau.”

                “Great!”

               

                NAKATITIG SI Cielo sa mga pictures na nakadikit sa isang bahagi ng silid nila ni Danica. Those pictures told their love stories. Mga pictures nila iyon ng asawa mula noong unang araw silang nagkakilala hanggang sa ikinasal sila. He set his eyes to those pictures taken when they were still in high school. Naalala niya ang nakaraan at napangiti.

                “Cielo, na-check mo na ba iyong segment episode proposal—anong problema mo dyan?”  tanong ni Danica. Lumabas ito mula sa banyo after taking a shower. Nilapitan siya nito and did the same. Tumitig din ito sa mga pictures. “Anong iniisip mo?”

                “Wala naman, may naalala lang ako.”

                “Like?”

                “Naalala mo ba nung una tayong nagkakilala?” Binalingan niya ang asawa.
                Ngumiti si Danica at bumaling sa wall. “Oo naman.” Itinuro nito ang picture. “JS Prom night. Dati crush na crush ko pa si Hinaro noon. To the point na ako na nga ang nagtanong sa kanya noong third year high school kung pwede ba siyang maging prom date ko. Kaso sabi niya di pwede kasi usapan n’yong magkakaibigan na wala kayong ide-date sa prom.  Nag-promise siya sa akin na isasayaw na lang ako sa gabing iyon.”

                “Pero di niya ginawa kasi nakalimutan niyang nangako din siya sa’yo. Nangako kasi siya sa napakaraming babae noon.”

                “Oo, umasa ako no’n. Kaya nalungkot ako nung lagpasan lang niya ako. Nagmukmok na lang ako sa isang sulok.”

                “I saw that sad face and I had the feeling that I should go and dance with you. Mula noon, naging magkaibigan na tayo. Pero bad trip, crush mo pa rin si Hinaro hanggang sa magpang-abot tayo sa college. Kelan nga ba nawala ang interest mo sa kabanda kong iyon?”

                She laughed. “Nung makita ko kung gaano siya kababaero. Sa lahat na lang ng puntahan may chicks. Kaloka. Pero buti na lang at medyo matino na siya ngayon ano? It takes really a right woman to change a man.”

                Hinarap niya ang asawa at payakap na hinapit palapit sa kanya. He kissed her temple. “Thank you for being my right one, baby.” Then he kissed her nose.  “I’m a changed man now because of you.”

                She sweetly smiled. She pulled him closer. Naalala niya noon. Kapag gagawin iyon ni Danica sa kanya, para siyang ewan na lumalayo dito. Pag siya naman ang gagawa ng ganon dito, para itong takot na takot na mahalikan. But things were different now.

                He gently held her nape and lovingly claimed her lips. She seductively smiled and embraced him while they share their version of love.

                “So, anong agenda natin ngayon baby?” he impishly grinned. He lovingly looked at her and kissed on her cheeks, on her ears… down to her neck. How he loved moment like this where he could just praise his wife’s beauty.

                “Di ba may gig ka pa?” Danica asked.

                “Gig?” He looked at his wrist watch and went back his eyes on his lovely wife. “I still have three hours, baby.”

“How about the segment episode proposal?” She insisted.

He held her hand. Hinalikan niya ang kamay nito. He kept on showering kisses on her arm until he reached her shoulders. “Tapos na ang office hours, baby.”

She giggled when his lips landed on her neck again. “Pero hinihintay na ’yon nina Mama Zhei at Ciella.”

“Later na iyon! I’m quite busy.” Tumawa lang si Danica.  Once again, he claimed her lips. His wife responded like how he loved her to do so. He was about to set the mood when his phone rang. Tiningnan niya saglit kung sino ang tumatawag. Nahinto tuloy siya sa pagiging busy.

“Si Mama Zhei. Sagutin mo na,” Danica said.

Out of dismay ay sinagot niya ang tawag. “Yes, ‘Ma?”

“Anak, I need your approval for the segment episode proposal sa The Morning Talk show. Have you checked it?”

 Napailing siya. Pamilya ata sila ng workaholics. Gabi na pero nagtatrabaho pa din ang nanay niya. “Ma, hindi ba pwedeng later na lang?”

“Kailangan na ni Ciella. Akala ko ba nagmamadali kang matapos ang shooting ng show ni Danica para makaalis na kayo ng bansa? Don’t be a cause of delay.”

                  Napabaling tuloy siya sa asawa niyang yakap-yakap niya pa rin. “Sige, Ma. Give me few minutes.”

                “Okay, anak. By the way, kumusta misis mo? Inaalagaan mo ba si Danica? Aba, wag mong pababayaan ang batang iyan. Halos di na iyan natutulog, matapos lang iyong hinahabol niyang i-shoot na episodes ng show niya.”

                “Yes, Ma. Don’t worry. Inaalagaan ko po siya.” Minamahal pa nga e. 

                “Then, good. I’ll wait for the approval okay?”

                Kumalas sa pagkakayakap niya ang asawa. Kinuha nito ang laptop niya sa bedside table.  Umupo naman siya sa kama. “Yes, Ma. Love you.”

                “Love you too, son.”  Call ended.

Napailing na lang siya. It’s been a week since they got married and here they were, too busy with each other’s career. He just let his wife do her happiness as a tv talk show host and news anchor sa isang evening news show pag Friday nights.  Though nasa iisang industry silang dalawa, hindi rin naman sila madalas magkita. Gustuhin man niya kasing i-supervise ang lahat ng shooting ng asawa, hindi naman niya magawa. Maliban kasi sa pagpapatakbo ng Pontez Media na naka-focus sa mga tv shows, teleserye, at movies ay pinahahawakan na din sa kanya ng magulang ang P-Mart Shopping Center na nakasentro naman sa merchandising. Supermarket at department store in one iyon. Ang Pontez Vision na naka-focus sa  mobile app games and programming at ang Pontez Publication ay pinapahawak kay Ciella, katulong ang dalawa pa nilang nakababatang kapatid… sina Herzon at Ashley na kasalukuyang nasa ibang bansa para mag-aral.

It’s true indeed na mahirap maging anak ng isang business tycoon.  Ikatlong henerasyon na sila ng mga namamahala sa Pontez Group of Companies at bilang panganay, mas mabigat ang responsibilidad na binigay sa kanya ng magulang.  Plus he’s still a celebrity being part of Karisma. Regular gigs at mall tours pa lang ng banda, nauubos na ang oras niya. Kaya nga maswerte na sa kanilang dalawa ni Danica  ang magkaroon ng three to four hours  na magkasama sila tulad ngayon. They don’t have idea, when will it happen again since they were both busy with each other’s profession.

                “Sabi ko sa’yo check mo na e,” sabi ni Danica. Iniabot nito sa kanya ang laptop.  She leaned down and gave him a sweet quick kiss.

                He smiled. “Thanks, baby. Mabilis lang ‘to. Gusto ko pang maging busy sa’yo,” biro niya. He turned on his laptop.  

Nangingiting napailing ito.  Sumampa na ito sa kama. “Kaloka ka, Cielo Baby. Don’t worry, hindi naman ako tatakbo. I’m just here.”

Binalingan niya ito. “I love you, Danica Baby.”     

                 Kinuha nito ang unan at inilagay iyon sa tabi niya. Pagkatapos ay doon ito humiga. “I love you more, Cielo Baby.”

                 Nangingiting binalikan niya ang laptop to check his emails and did his work. Maliban pa sa urgent email tungkol sa segment episode proposal ay mga urgent emails pa pala siya mula sa kanyang ama, kay Ciella and from his other siblings. All were about business. Kaya ang ilang minutong trabaho ay inabot ng isang oras.

                Nang i-shutdown niya ang laptop ay agad niyang binalingan ang asawa. Mahimbing na ang tulog nito at halatang pagod na pagod. Bigla siyang na-guilty.  Danica was working double time para pag umalis sila ng bansa, hindi maaapektuhan ang ratings ng show nito. Araw-araw ay naka-live ang show nito tapos after show, magshu-shoot pa ito. Not to mention her other commitments as co-host and co-news anchor sa isang news oriented show at ang piling-pili na mga endorsement shoot and activities. Pagkatapos ay sumasama pa ito sa gigs niya para suportahan siya. Inaalagaan pa siya nito. She was doing it all for him... para matuloy na ang bakasyong pinaplano nila.

                Hinaplos niya ang mukha nito. Malalim na siguro ang tulog nito dahil hindi man lang ito nagising sa ginawa niya. “Don’t push yourself too hard, baby.” He will never forgive himself if something bad happen to Danica. Yes, they were looking forward to that honeymoon vacation. Pero kung papagurin naman nito ang sarili para matuloy lang iyon… I think that’s not a good idea.  He leaned down and kissed her forehead. “Sleep tight my sweet baby.” Dahan-dahan siyang tumayo. It’s time for him to prepare for his gig.

                Naligo na siya at nagbihis. Tulog pa din ang asawa niya. He just let her have a comfortable sleep. Sinusulyapan pa niya ang asawa habang abala siya sa pag-aayos ng kanyang buhok. Until, it’s time to leave.

                Lumapit siya sa asawa. Humalik siyang muli sa noo nito nang bigla itong nagising. “Hey Danica baby, aalis na ako.”

                “Huh? Sasama ako!”

                Mula noon hanggang ngayon ay palagi pa ring nakasuporta si Danica sa mga gigs niya. But he knew that she needed the good rest more than he needed her support. Babangon na dapat ito nang pigilan niya.

                “Wag na, baby. Magpahinga ka na lang muna tonight. Uuwi ako agad, promise.”

                Nalungkot ito. “Ayaw mo na ba akong isama sa gigs mo?”

                “It’s not like that baby. I will always love to see you there in the crowd every time I play my violin with the band. Pero ngayon, I can see na mas kailangan mo ng pahinga. Kaya ituloy mo na lang ang tulog mo ha.”

                “Pero—” Aapila pa sana ito nang  bigla niya itong hinalikan.

                “Wag nang makulit.” He gave her another quick kiss. “I have to go. Sleep well okay?”

                Yumakap ito sa kanya. “Ingat ka, baby.”

                   He smiled as he embraced her back. Cielo didn’t know that being married will be that nice until he had that experience. Parang kahit anong pagod niya sa trabaho, madaling nare-recharge ang energy niya basta makita lang niya ang asawa. Just one hug from her and he’s okay. Masarap pala ang may asawa. Tama pala si Hamiel.  



                                                                                NEXT

Comments

Danica Urbano said…
I love you Cielo Baby. Mula sa napakasexy, beautiful at may walang kapantay na appeal mong asawa. Hahahahaha.

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…