Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter Two

             


  “I still don’t like it.”

               Napanganga na lang si Vel sa sinabi ni Boss Earl. Seriously? Pangatlong revision na niya iyon mula nang pumatak ang Lunes. Mauubos na ang isang linggo at wala pa ni isa sa mga proposal designs ng team niya para sa resort ni Dr. Pelesso ang pumasa sa overly choosy nilang project manager. Suko na ang mga Junior Architects niya.

                “Boss Earl, apat na araw nang halos walang tulog ang mga staff ko para matapos ito.” Ibinagsak na niya ang folder sa mesa nito.

Sa isang iglap ay nahulas ang pagka-crush niya sa lalaking ito dahil sa inis. Sa mga nakaraang araw ay nahahalata niyang hinahanapan siya nito ng weakness. May mga pre-approved designs ang big boss nila pero nang ipa-check niya dito ang designs, ni-reject nitong lahat. Pakiramdam tuloy niya, gusto lang siya nitong pahirapan. Ni hindi naman niya makita ang basis ng assessment nito sa mga designs niya. At ayaw niya ng feeling na nadadamay ang mga tauhan niya sa kalokohan nito.

“And so? Still, the design is not good enough. I think Dr. Pelesso will not like it, too. Your designs are good, Vel. But these lack of something. Kung ako ang pupunta sa resort na iyan, malulungkot lang ako sa halip na mag-enjoy at mag-relax. It’s a bit gloomy, too tight... too plain.”


                Nakuyo  niya ang palad sa mga pinagsasabi nito. Ginawa na niya ang lahat sa project na iyon. “Sinunod namin ang gusto mo sa design, Boss Earl. Hindi na kita ma-gets. Sabi mo sa una naming design, masyadong overwhelming. So, ini-adjust namin to make it a bit simple. Then the next, walang appeal naman ang sabi mo dahil naging simple. Tapos ito, gloomy? Seriously, ano bang kulang ang tinutukoy mo nang mailagay ko na... Boss?” Sarcasm is on her voice.

                He leaned back to his swivel chair.     

                “Your heart.”

                “What?” Jusko, gagawa lang design ng resort, kelangan pa ng heart? Paano ako magkakapuso sa pagde-design eh mas gusto kong igawa ng museleo ang lalaking iyon kesa resort?

                “Come on. It’s a resort, Vel. Kung magbabakasyon ka, ano ba ang hahanapin mo? An inviting ambiance, serenity, peace, or romance. Alam kong ang expertise mo ay corporate buildings. But you can’t make a resort out off stiff orientation of corporate buildings. You have to look at it in different way. You have to make it homey, intimate, and personal. At isa pang request ng client, hangga’t maaari daw ay something close to his personality ang design. Nabigyan na kita ng profile ng client di ba? Why don’t you use the information?”

                 Use the info? Eh di mai-inspire na akong gumawa ng impyernong de aircon niyan? “Backgrounds lang tungkol sa kanya ang meron tayo, Boss. Alangan namang gumawa ako ng design based sa pagiging ophthalmologist niya? Magmumukhang mental institution iyon at hindi resort, Boss!” On the second thought, why not? Bagay kay Jam iyon.  

                Earl just stared at her in poker face. He looked like exaggerately pissed off. Iyon tipong parang lalamunin na siya nito nang buhay maya-maya lang dahil sa pamimilosopo niya. “Then I guess you have to visit the place. Don’t come to office tomorrow. Pumunta ka ng San Juan Batangas and see the location by yourself.” Kumuha ito ng notepad sa side ng table at nagsulat. “Here’s the complete address.”  He gave the note to her.

                Bigla siyang kinabahan. Paano kung naglalagi pala sa lugar na iyon si Jam? Ayaw niyang mapaaga ang pagkikita nila. Susko, nakaka-stress na talaga ito! She sighed and accepted the note. Kinuha na rin niya ang mga folders na binagsak niya sa mesa nito kanina.  Wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod or else baka lalo pang mahalata ng boss niya na may personal issue siya sa doctor na iyon.

                 “Wag kang babalik sa opisina ko nang walang design na worthy sa demands ng client. Live there in few days if you want to. I’m expecting a much better design pag bumalik ka,” pahabol pa nito. “Do I make myself clear, Vel?”

                “Yes, Boss. Can I have one of my juniors with me?” Gusto niya ng kasama. Malay ba niya kung saang lupalop ng gubatan o isla ang pupuntahan niya sa Laiya. Mabuti na ang may kasama.

                Umiling ang walang-puso niyang boss. “Do it alone. Your juniors will be doing your jobs here in your behalf.”

                Literal na napanganga siya sa sinabi nito. Malinaw pa sa liwanag ng chandelier sa office na iyon na wala itong pakialam kung anong mangyayari sa kanya sa pag-out of town niya nang mag-isa. Arrgh. Hindi na kita crush. Wala kang puso. Expired na ang pagka-crush ko sa’yo!

Asar na lumabas siya ng office na iyon. Kung pwede nga lang na pabalandrang isara ang pinto ay ginawa na niya sa sobrang inis. Agad niyang tinungo ang cubicle area niya.

“Ma’am, anong sabi?” tanong ni Sairyl, isa sa mga junior architects niya.

                Umiling siya. “Still rejected.” Ibinaba niya ang folders at laptop na dala sa mesa niya. “Alam n’yo iyang boss natin na iyan, mali ang spelling ng pangalan. Devil ata ang second name niya at hindi Devin. Ang gusto niyang gawin ko ay puntahan ang location nang mag-isa. Kaloka! Babae ako, gusto niyang pumunta ako sa lugar na iyon nang mag-isa?”

                “Ma’am, may kamag-anak ako sa San Juan Batangas. Iyang Sitio Biga, sobrang liblib na iyan. Delikado. Sasama na lang ako,” sambit ni Bob, isa pa rin sa mga architects niya.

                “Thank you, Bob sa concern pero kayo ang gagawa ng maiiwan kong work. Iyon ang utos ni Boss Earl. Ipagdasal n’yo na lang ang kaligtasan ko.”

                 Halos magkakapanabay na  napailing ang mga tauhan niya.

                “Hindi mo ba ginagamit ang utak mo?! Guguho ang building na iyan sa design mo! Ulitin mo iyan!”

                “Sorry po, Boss! Sorry po!”  

                Sabay-sabay silang napatingin sa pinto ng office ni Boss Earl. Kasalukuyan kasi nitong kausap ang isang sa mga Junior Architect na may handle ng ibang project.  Nagkatinginan sila ng mga tauhan niya at napabuntong-hininga na lang.

                “Halimaw talaga ang isang iyon!” Napailing na uli siya. Nakakairita na!
               

                 “Oliver, hindi ba pwedeng matapos ang repair ng kotse ko today?” tanong niya sa mismong may-ari ng car repair center na pinagdalhan niya sa kotse niya. 

Ayaw na naman nitong mag-start ng ayos. Natatakot naman siyang i-take ng risk na mag-long drive papuntang South nang hindi napapatingnan ang sasakyan niya. Baka tumirik pa siya sa gitna ng gubat, mahirap na.  Suki na siya sa high-end car repair shop na iyon kaya medyo feeling close na siya sa may-ari.

Binalingan siya ng binata matapos nitong silipin ang makina. “Marami ng sakit ang sasakyan mo. Candidate na nga ito, actually.”

                “Candidate for what?”

                “Retirement. Pagod na siya. Palayain mo na. Parang love lang iyan. Pag di na uubra, i-let go mo na,” biro pa nito.

                “Sige, hugot pa more! Wala akong love life. Hindi ako nakaka-relate dyan!” Tumawa sila pareho sa sinabi niya.  “So ilang araw?” nai-stress na tanong niya.

                “Hmmm, three days.”

                She sighed. She can’t wait for another three days. Kailangan niyang mabigay agad kay Boss Earl ang demands nito or else... mabi-break ang record ko sa trabaho. I will never submit my works late!

                Dahil no choice, umisip na lang siya ng paraan. Kailangang sa araw na iyon ay makabyahe siya pa-San Juan, Batangas. Una niyang naisip ang mag-request ng transportation sa ZLCD.

                “Sorry, Miss Vel. May seminar ang ilan sa engineers natin. Service nila ang coaster. Iyong dalawang kotse naman, nasa casa para sa annual preventive maintenance,” sagot ng HR personnel na assigned sa pag-schedule ng company transportation.

                “Kahit ‘yung L-300 na lang,” pagpupumilit niya. Wala iyong aircon at kakarag-karag na pero confident siyang kaya ng sasakyan na iyon na mag-long travel.

                “Naka-deploy, Ma’am sa construction area.”

                Anak ng semento! She sighed. “Okay, salamat.”

                Plan A and Plan B is not feasible. Then now, it’s time for Plan C. Commute. Sakbat niya ang backpack at bitbit ang ilang mga tracing papers at blue print materials nang magsimula siyang maglakad papunta sa sakayan ng bus na magdadala sa kanya sa provincial bus terminal.

                Sa kalagitnaan ng pag-aabang niya ng masasakyan ay may isang Jaguar XJ na kotse ang pumarada sa harap niya. Bumaba ang window frame sa backseat and she was greeted by her fafable condo neighbor—the person she knew as Kent.

                “Hi! Saan ang punta mo?” tanong agad nito sa kanya.

                “Ah sa bus terminal sa Buendia. Pa-Batangas ako e.”

                “You are lucky today. Papunta rin akong Batangas. Sumabay ka na,” nakangiting sambit nito.

                 She was surprised by the invite. Oo, magkapitbahay nga sila pero hindi pa naman sila ganong ka-close para isabay nito sa bongga nitong kotse papunta sa isang may kalayuan na lugar. Wait, di kaya poging rapist ito? Uso iyon ngayon.  Kapraningan turned on.

                Napansin ata nitong hesitant siya kaya tumawa ito. “Come on. Wala akong gagawing masama sa’yo if that’s what you are thinking. I have my secretary with me.” Bumaba din ang bintana sa tabi ng driver’s seat at kumaway ang isang babae sa kanya.

                “Hi!” bati ng babaeng nasa driver seat.

                Wait, pinagda-drive niya ang babae?  Medyo na-turn off siya ng konti. How could this cute guy let a woman do the driving?

                “Ano, Vel? Sakay ka na!”

                “Oo nga, sasakay na.” Wala na siyang nagawa nang buksan ni Kent ang pinto at pinasakay na siya. “Sigurado bang okay lang sa’yo? Kakahiya naman. Ang layo ng pakiki-ride ko sa bongga mong sasakyan,” sabi niya nang makasakay na siya.

                “Wala namang ibang laman ang sasakyan ko, kundi tayong lang tatlo,” sambit nito.


                JAM WAS a bit blessed by chances today. Tinawagan siya ng taga-ZLCD at sinabing bibisita ngayon araw si Vel sa location ng beach property niya. He wasn’t prepared though for the visit, but thanks to Winona. Nagawa niya ngayong i-rescue sa hassle ng pag-commute ng malayo si Vel.

                “By the way, Vel I would like you to meet my reliable secretary, Winona,” sambit niya. They both greeted each other, pagkatapos ay nanahimik na uli si Vel sa tabi niya.  Tumingin lang ito kay Winona tapos ay bumaling sa kanya. He somehow read her mind. “Napaka-ungentleman ko ba at babae ang nagda-drive para sa akin?” tanong niya.

                Napangiwi ito. “How can you read my mind?”

                “Wild guess.”

                “Sorry, hindi lang kasi usual iyong makakita ako ng lalaking babae ang pinagda-drive. Imposibleng may ganito ka kagandang sasakyan tapos hindi mo man lang naisip mag-aral mag-drive.”

                “Ah...” How can I lie?  He quit driving after that car accident ten years ago that killed Vel’s sister. “May ankle injury kasi ako.” 

It was part of the plan. Winona said a while ago na pag nagtanong si Vel, sabihin niyang injured siya. To make it more realistic eh naglagay pa sila ng bandages sa right foot niya.           

“Oh!” Agad itong napatingin sa paa niya. “Naku, sorry. Anong nangyari?”

                “Basketball.” Ang pambansang reason kung bakit nai-injury.  “Pero sprains lang naman ito. Saan sa Batangas ngapala ang punta mo? Work-related o bakasyon?”

Of course alam niya kung saan ang punta nito but he had to pretend that he didn’t just to keep the conversation with her. Hindi niya alam kung kelan mauulit iyon o kung may chance na maulit pa iyon dahil nalalapit na rin silang magharap once na dumating na ang araw ng presentation ng team nito sa design ng resort niya. If that day came, mawa-wash out na si Kent na kinakaibigan nito. Matitira na si Jam na kinasusuklaman nito or mas kasusuklaman pa nito dahil nagsinungaling pa siya ngayon. Hindi tuloy niya alam kung ipagpapasalamat ba niyang hindi nito maalala ang mukha niya.

                “Sa Laiya, San Juan. Ocular visit sa site ng client. Architect kasi ako and a landscape artist. ‘Yung bagong boss ko kasi, masyadong ewan. Wag daw akong babalik sa office nang walang magandang design sa resort na iyon. Kaya heto, pinatapon niya ako sa Batangas.”

               “For the love of work!” he commented.

                “True. And for the the bills, too,” she laughed.

                “Maswerte ka talaga dahil sa San Juan Batangas din ang punta namin,” he winked.

                “Really? Then I should thank you a lot for being my savior today.”

“Welcome.” Napangiti siya.

Nasa kahabaan na sila ng SLEX nang mag-request si Winona na mag-stopover. Magsi-CR lang daw ito. Lumabas din si Vel at bumili ng drinks at makakain sa convenience store. Sasamahan sana niya ito kaso humindi ito dahil sa injury kuno niya.

                Few minutes more ay nasa byahe na uli sila.

                “Kent...”

                “Hmmm?” Kasalukuyan nilang pinagsasaluhan ang chips na binili nito.

                “Nakita ko iyong MD plate sa sasakyan mo. Doctor ka pala,” komento nito.

                Nasamid siya sa sinabi nito. He didn’t expect that question. Malay ba niyang mausisa pala itong si Vel. Uminom siya ng tubig bago sumagot. “Yeah. But I’m quite off for a short vacation now.”

                “Anong specialization mo?”

                Alanganing ngumiti siya. “Ahm, Internal Medicine.” This is going too awkward.

                “I see. Heart? Respiratory?”

                “Eyes.” He sighed. Okay lang naman siguro. Hindi lang naman ako ang doctor sa mata sa mundo. “I’m an Ophthalmologist.”                         

                Nagpatangu-tango ito. He sighed. Wag ka na sanang magtanong at baka mabisto na ako. His wish was granted dahil hindi na ito nang-usisa pa at naging busy na din sa pagkain. Until, his cellphone rang. Mr. Earl Santiago was calling.

                Shit! He answered the call. “Yes, good morning.”

                “Dr. Pelesso, I’m sorry for the short notice but I’m also going to the site. Nauna lang si Miss Mariole doon,”  sabi ni Mr. Earl Santiago.

                “Oh, I see. I’ll just let my secretary prepare the accommodation for you,” sambit niya sabay sulyap kay Vel. Damn, ba’t nakatitig siya sa akin?  His heart suddenly skipped. Hindi iyon kaba dahil baka mabisto siya. It was different. And it felt so good to his senses.

                 “Thank you, Dr. Pelesso.”

                He ended the call and turned to Winona. “Win, the boss is also coming. Kindly arrange an accommodation for him in the same resort okay?”

                “Noted, Sir.”

                Muli niyang binalingan si Vel and got surprised. Nakatingin pa rin ito sa kanya.  “Why?”

                She just smiled. “Nothing. Parang noon pa kita nakita at hindi nung isang araw lang.”

                Kinabahan siya. “Huh?” Pasimpleng sinulyapan niya si Winona na nakatingin din pala sa kanila through rearview mirror. Muntik na siyang mapakamot na lang sa ulo nang kumindat lang ito sa kanya at ngumiti.

                “Ah! Alam ko na! Model ka din di ba? Nakita ko iyong picture mo sa isang magazine!” hirit ni Vel.

                “Mismo!” sabat ni Winona. Kinuha nito ang ilang magazine sa compartment at binigay kay Vel. “Boss is a Keithan Apparels endorser!”

                The next few minutes, ang pagiging print ad model na niya ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Napasandal na lang siya sa upuan. Akala niya, bistado na siya agad. Buti na lang at hindi.

                “Sabi na nga ba e. Nakita na kita dati,” sambit uli ni Vel habang binubuklat ang magazines na hawak.

                Alanganing ngiti lang ang binigay niya dito. He ended up gazing at her while she was busy browsing the magazines. She really looks lovely. Ang sarap pagmasdan. Sana palaging ganito na lang. Na pwede kitang makasama sa kotse o makasabay sa elevator na nakangiti ka sa akin. Napakunot-noo siya nang maisip na ang weird ng pinagsasabi niya sa sarili.

                “Miss Vel, andito na tayo sa bayan ng San Juan,” sambit ni Winona. Nag-park ito saglit at bumaling sa kanila.  May tinuro itong kanto. “Doon ang  sakayan ng jeep pa-Laiya.”

                “Sige, salamat.” Bumaling sa kanya si Vel. “Salamat, Kent! I owe you a dinner pagbalik ko, promise!”

                “I’ll be looking forward to that,” sambit niya. Bumaba na ito ng sasakyan.  And few seconds more, sinundan niya ng tingin si Vel habang naglalakad ito palayo ng sasakyan niya. Naalala niya kung paano siya nito titigan kanina. Napangiti siya.  Sana maulit.  

                “Boss Pogi, sigurado ka bang forgiveness lang ang habol mo kay Miss Aveline?” usisa ni Winona.

                Kunot-noong binalingan niya ito. “What do you mean?”

                “Lumu-look of love ka kasi,” nakangiting sagot nito.

                Umiling lang siya. “Just drive in, Win.”

                Imposible ang sinasabi nito. Forgiveness nga hindi niya makuha , love pa kaya?


                WHAT ARE YOU doing here, Earl? Huli na para kay Earl ang sagutin pa ang sariling tanong. Kasalukuyan siyang nasa bayan ng San Juan, Batangas. Nalaman niyang tumawag si Vel sa company at nag-request ng service ngunit walang napadala ang kumpanya. At narinig niya rin sa mga Juniors nito na nasira pala ang kotse nito at magbabyahe lang ito.  Delikado din pala ang lugar na pupuntahan nito at dead signal pa. Hindi ito makakatawag kung sakaling may mangyari ditong hindi maganda. Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumanib sa kanya at bigla na lang siyang bumyahe para sundan ito.

                Nag-park siya ng sasakyan sa gilid ng kalsada. He picked his cellphone and dialled Vel’s number. Sa unang try niya ay hindi ito sumasagot kaya medyo nag-alala na siya.  In the third time, sumagot ito. Finally!

                “Yes, Boss Earl?”

                “Where the hell are you?” tanong niya.

                “Hindi rin kita maintindihan talaga, Boss Earl. Pinapunta mo ako sa San Juan Batangas tapos hahanapin mo ako. Natural! Kung saan mo ako pinapunta, doon ako pupunta. Ano, Boss? Sabog ka ba?” sarcastic nitong sagot.

                Napailing siya. Eto na naman siya, sinagot-sagot lang siya as if hindi siya ang boss. Pero sa halip na ma-pissed off siya ay lalo lang niyang hinahangaan ang pagiging palaban nito. Stop it, Earl!  “I’m your boss and I must know where the hell are you!”

                “San Juan nga.”

                “Exact location please.”

                “Okay. Para sa ikatatahimik ng sabog mong utak, kasalukuyan akong nakasakay sa jeep papuntang Laiya. Nagpupuno pa po ng pasahero—”  

                Hindi na niya ito pinatapos. He ended the call and drive in kung saan ang paradahan ng mga jeep papuntang Laiya. He parked the car. Bumaba siya at sumilip sa jeep na pinupuno.

                “O, Laiya! Hugom!” tawag ng driver ng jeep.

                Hindi niya iyon pinansin. Sumilip siya sa loob ng sasakyan at nakita si Vel sa medyo gitnang bahagi ng jeep. Tinawag niya ito. “Vel! Bumaba ka na dyan,” utos niya dito.

                “Ano’ng ginagawa mo dito?” Maang na tiningnan lang siya nito sampu ng mga kapwa pasahero ng jeep. Bigla tuloy siyang naging center of attraction pero binaliwala din niya iyon.

                “Vel! You’re wasting time. Bumaba ka na,” he said in poker face.

                Still, nakatingin pa rin sa kanya si Vel at hindi kumikilos hanggang sa may pasaherong sumabat. “Ay ate, ang pogi sana ng boyfriend mo kaso ang sungit.” Bumaling ang babae sa kanya. “Hoy kuya pogi. Ang mga babae, sinusuyo at hindi inuutusan. Kulang ka kasi sa lambing  at sa panunuyo kaya ayaw bumaba ng girlfriend mo!”

                Muntik na siyang mapanganga nang magsitanguan ang mga pasaherong na-misinterpret ang pangyayari.   Then why are you here again, Earl? Sumasakit ang ulo niya sa mga nagaganap.

                Tiningnan niya si Vel.  Pero wala, parang naestatwa na ito. Hindi ata ito makapaniwalang naroon siya.

                He sighed. Nawalan na siya ng choice kundi ang sumakay sa jeep. Kinuha niya ang mga bitbit nitong gamit at hinawakan ang kamay nito. “Let’s go.”

                “Di ba ang gusto mo, pumunta akong mag-isa? Bakit andito ka?” parang wala pa rin sa sariling tanong nito nang tumingin ito sa kanya.

                “Andito na nga ako di ba?” Di sinasadyang mapatitig siya dito. Damn! This is a wrong move.

                “Oy kayong dalawa. Bababa ba kayo o magliligawan pa? Paalis na ang jeep ko!” sita ng driver.

                “Yihiiiiii!” tudyo ng mga usiserong pasahero.

                Kapwa silang napalingon sa driver. “Sorry po!” koro nilang sambit kaya nagkatinginan sila uli at parehong natawa. Agad na silang bumaba ng jeep at tahimik na naglakad kung saan naka-park ang kotse niya.

                “Boss Earl?” maya-maya’y tanong ni Vel.

                “Yes?”  tugon niya without even looking at her.

                “Iyong kamay ko...”

                Awtomatikong napatingin siya sa magkahawak pa din nilang mga kamay. Their hands looked good that way. Agad niya itong binitawan. “Sorry.”


                SIYET! ANG HABA ng hairlaloo ko!  Hindi maipaliwanag ang kilig na naramdaman ni Vel. Ikaw ba naman ang sundan ng poging boss mong masungit sa ganoong kalayong lugar, hindi ba malalaglag ang puso mo sa kilig? May bonus pang HHWW! Ngunit nang maalala niyang hindi na pala niya ito crush ay natauhan siya. Binitawan na siya nito. Nag-iwasan sila ng tingin. At siya naman, pasimpleng inamoy ang kamay niyang hinawakan nito. Kumapit doon ang amoy ng men scent perfume nito. Ang bango talaga! Paano ba naman ako hindi maaakit nito?  

                Hanggang sa sasakyan ay pasimple niya pa ring inaamoy-amoy ang kamay niya without knowing na kanina pa pala siyang napapansin ni Earl sa kabila ng pagiging abala nito sa pagmamaneho.

                “Euphoria,” sambit nito dahilan para balingan niya ito. Nahuli ng mata niya ang  tila slow motion na pag-curve ng lips nito.

                Hala, ang gwapo! Crush na uli kita! “Boss?”

                “Calvin Klein Euphoria Men. Iyon ang pabango ko.”

                Napangiwi siya. Bistado ang ganda niya. “Mabango, Boss,” komento na lang niya.

                “Pansin ko nga. You enjoyed the smell on your hands huh. O baka naman pati iyong pagkakahawak ko sa’yo na-enjoy mo din,” he teasingly said.

                Susko! She felt her heart skipped. “Ay grabe siya oh! Hindi na kita crush ano! Mula nang puyatin mo ang team ko sa kagagawa ng proposals na di pumasa-pasa sa’yo, nawala na ang pagka-crush ko sa’yo. Iyong pagkairita ko na lang sa’yo ang natira.”

Hindi naman iyon totoo. Madali lang namang magka-crush uli dito. Hindi alam ni Vel kung bakit. Sa tagal niyang di na-attract sa opposite sex, naging ubos-kilig naman siya ngayon. Not only to one person but, for two. Cute din naman si Dr. Kent!  But as of the moment, i-feel naman muna niya ang bango ni Earl. Inamoy niya uli ang kamay niyang hinawakan nito. Hell care kung nakatingin ito sa kanya.

                Earl chuckled.  “It seems it’s not over yet.”

                “Ang amoy ng pabango mo?”

                “’Yung pagka-crush mo sa akin.”

                “Expired na iyon!” Tumawa ito. “Akala ko ba sabi mo, hindi makakabuti sa trabaho ang attraction na iyan. Bakit pinagpipilitan mo ngayon?” Ikaw na ang may crush sa akin ngayon ano? biro niya sa sarili.  

                “Nothing,”  tipid nitong sagot.

                Daming-dami mong pinaglalaban, nothing lang pala.  “So, malinaw ang usapan, Boss Earl. Hindi na kita crush kaya shut up ka na lang po.”

                Umiling ito. He parked the car on the side of the road. May kinuha ito sa dashboard at binigay sa kanya. It was the bottle of his perfume. “There are second chances in this world. I’m not that hard to please, Vel. And, open-minded naman ako.”

                Natigilan siya kasabay ng consistent na mabilis na tibok ng puso niya.  Anong ibig sabihin nito? “So... may crush ka sa akin?” wala sa sariling tanong niya. Too late to hold it back dahil nasabi na niya.

                He just sweetly curved his lips, got the perfume from her, removed the cover lid of his bottled perfume and sprayed it on her backpack. The car was now covered with his scent. Binalik nito sa dashboard ang bote ng pabango.

Then, he went back driving.  “Enjoy it while it lasts!”
            
                Nangingiting niyakap lang niya ang backpack na nasa lap niya. She was indeed speechless. Inakit siya ng bag niyang singhutin ang pabango ng boss niya. She just give in with the temptation. Anong nakain mo Papable Boss E?  It was unexpected but somehow, she liked it.


PREVIOUS                                                                      NEXT

Comments

Anonymous said…
ang ganda po.. next chapter plss :)

~Rika
Anonymous said…
Wala pa po talaga mga next chapters?

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…