Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One





“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”

                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.

                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula siya sa kumpanya sa pinakamababang position as endoder hanggang sa maabot niya ang position niya ngayon... Senior Architect. Marami sa kumpanya ang nagtataka kung bakit niya nakuha ang position nang mas maaga. Usual kasi ay iyong mga architect na may eight to ten years of experience ang nakakakuha ng ganong position. It was actually her intelligence and perseverance that brought her the achievement. Nakitaan siya ng abilidad ng dati niyang boss at bago pa nga mag-resign ang dating Project Manager ay nai-process ang promotion niya.


                Pagka-time in ay agad siyang sumakay sa elevator. Nasa 8th floor ang opisina nila. Okay kaya ang bagong amo namin? Napangiwi siya nang maalala ang kahihiyang inabot niya kahapon. Sana naman hindi siya halimaw. Ayokong mawalan ng trabaho!  Ayon sa nasagap niyang usap-usapan  ng mga ka-Department niya, bata pa daw ang bagong Project Manager nila na may pagka-dragon daw. Nanggaling pa daw ito sa Dubai. May tsismis pang nakarating sa kanya na gwapo at fafable daw ito kaya ang iba nilang katrabaho ay excited makilala ito. At si Vel... eh kahit pa pogi siya, wapakels muna ako... Baka nga masesante ako agad eh.

                Ting!  Bumukas ang elevator sa third floor. Isang binata na nakasuot ng business suit ang pumasok. Natigilan siya nang magtama ang mata nila ng binata bago ito pumwesto sa tabi niya. Mabango ang binata. Amoy-gwapo!  Well, hindi lang ito amoy-gwapo... literal na gwapo nga ito. The face of the guy was enticing to stare with. Matangos ang ilong nito, makinis ang face at may cute na pares ng singkit na mata. Para itong Korean actor na naligaw sa tabi niya. Chinito eyes! My weakness! With that broad shoulders, a tall height, nice shape, and good posture, hindi masisi ni Vel kung ang mga babaeng kasabayan sa elevator ay hindi maiwasang tumitig sa binata tulad ng ginagawa niya. He was indeed an eye catcher.  Unti-unti, naramdaman niya ang puso niyang unti-unting kumakabog ng malakas. Hohemji!  

                Long, long time ago pa ata nang huli siyang ma-attract sa lalaki. After mamatay ng ate niya, tanging mga Korean actors sa iba’t ibang Koreanovelas na lang ang nagpapakilig sa kanya. But this yummy guy beside her reminded her that she still had that “tumi-teenager na kilig” thing in her system kahit wala naman itong ginawa kundi ang tumayo lang sa kanyang tabi. He just captured my heart in two seconds!

                Hindi maalis ang titig niya sa katabing tila walang pakialam. Nanatiling naka-focus sa pinto ng elevator ang attention nito.

                Ting! Eighth floor na. Nagsilabasan na ang ibang sakay ng elevator pati ang binatang katabi niya. Pero si Vel, naestatwa na lang sa pwesto niya sa sobrang pagka-hook sa bagong apple of her cute eyes! All she did was to follow every move that the guy did in slow motion manner. Siyet ang gwapo!  Lumingon pa ito sa kanya bago ito naglakad palayo. Kung di lang siya magmumukhang tumakas sa mental institution ay baka bigla na lang siyang nagtitili without prior notice.

                Natauhan lang siya nang magsara ang pinto ng elevator at hindi siya nakababa. Siyet!  Pinindot niya ang open button para agapan ang elevator pero too late na. Kaya ang ending, inabot siya ng another ten minutes sa loob ng elevator na umabot pa ng 17th floor bago pa nakabalik ng 8th.

                Tumakbo na siya pagkabukas ng elevator sa 8th floor dahil alam niyang late na siya. Nang pumasok siya sa department office ay nagkumpulan na ang mga katrabaho sa gitnang bahagi ng opisina. Nagmi-meeting na ata.  Pasimpleng pumunta siya sa kumpulan nang makita niya kung sino ang nagsasalita sa harapan nila... no other than the apple of her cute eyes!

                Napatitig lang tuloy siya dito.

                “I’m Earl Devin Santiago and I’m your new Project Manager,” sambit nito in his serious but yummylicious face.

                Kulang ang salitang tulaley para i-describe ang pagkawala niya sa sarili nang tapunan siya ng tingin ng bagong amo.

                “You...”

                Nahawi lahat ng taong nakaharang sa pagitan nila ng kanyang newly acquired crush. Lalo tuloy nagdiwang ang mata niya. The guy looked regal while he was seriously staring at her that time.

                “Me?” wala sa sariling tanong niya.

                Lumakad ito palapit sa kanya.  “Yes, you. Magkasabay lang tayo sa elevator kanina. Can you tell me where did you go during working hours that took you..,”  tumingin ito sa wristwatch, “Ten minutes to be here?”

                Awtomatikong napunta sa kanya ang atensyon ng lahat. “Ah...” Vel, reasons... just give me a reason! Anak ng reason!”  “Ah...”

                “Never mind.” Tila hindi na nito mahintay ang sasabihin niya kaya sumabat na ito. Isang kunot-noong tingin ang tinapon nito sa kanya bago ibinalik ang atensyon sa lahat. “I have rules. Office rules. At ang una kong rule ay bawal ang late.” Tinapunan pa nito ng tingin si Vel bago muling bumaling sa iba. “Second, there’s no room for petty reasons. If I want you to work on a thing... work on a thing. Saying no will not make you successful, anyway. Third, there’s no room for imperfections. Every work shall be done perfectly. Fourth, never ever come to my office if you’re not that confidentially prepared. And fifth, talking non-sense is highly prohibited. I will not give a damn for blah blah blah talk. Do I make myself clear?”

                “Yes Sir! Very Clear. Awesomely clear,” wala sa sariling sambit ni Vel habang nakatitig sa boss niya. Kiber na kung mukhang masungit at perfectionist ang bago nilang boss. Dahil para kay Vel... Okay lang kung masungitan, basta makapiling ko lang ang kanyang kagwapuhan!

                “What’s your name?”

                Natigilan si Vel nang i-pin point siya ng seryosong amo. She cleared her throat and cheerfully introduced herself.  “I’m Architect Aveline Gayle Mariole, 27, from Taguig City!”

                Nagkanya-kanya ng version ng pagtawa ang mga kaopisinang palaging  suki sa pagtawa sa mga kalokohan niya. Tumawa ang lahat, maliban sa boss niyang kunot-noo lang na nakatingin sa kanya.

                “Ah, so you’re that girl na may kaaway over the phone yesterday.” Napangiwi si Vel. Umiling naman si Eerl bago muling ibinaling sa lahat ang mata. “Everyone, you can all go back to your work.”

                Nagsipulasan na ang lahat at nagpunta na sa kanilang working area. Pahakbang na rin sana si Vel nang biglang...

                “Except you, Miss Mariole. I want to talk to you in my office... privately now.”  Then he turned and entered his office.

                Naiwan si Vel na napapangiwi. Patay kang Aveline ka.


                FINALLY, touchdown Manila. Ito na ang pinakahihintay na araw ni Jam. Bumalik siya sa Pilipinas matapos ang series of medical mission. Isa siyang Ophthalmologist by profession and an aspiring businessman. Marami siyang gustong gawin ngayong meron siyang two weeks break. At kasama sa listahan niya si Vel. He was thankful that he has a secretary with stalking skills. Ang secretary niya ang nag-asikaso ng pagpapadala ng bulaklak kay Vel nang mga nakaraang buwan na wala siya sa Manila. At dahil nga may pagka-stalker itong secretary niya, madali lang ding natunton nito ang bagong tinitirhang condo unit ni Vel.  Nang malaman niya iyon ay walang pagdadalawang-isip na kumuha agad siya ng unit sa same building, few doors away lang sa unit ng babaeng sinusuyo.

                Yes panunuyo ang approach ni Jam sa ginagawa niya kay Vel. It’s been ten years mula nang mangyari ang pinakamabigat na kasalanang nagawa niya dito.  God knows that he doesn’t want to hurt anyone. Pero nung araw na iyon, sampung taon na ang nakaraan, aksidenteng nasagasaan niya ang ate ni Vel. Nakita niya ang magkahalong sakit at galit sa mga mata ni Vel noong araw na iyon habang sinisisi siya nito. Binago ng araw na iyon ang buhay niya.

All these years, he was chasing for Vel’s forgiveness. At kahit abutin pa ng another ten years ay hindi siya titigil suyuin ito. He wanted to cast away the hurt and the pain in her eyes na palagi niyang nakikita tuwing palihim niya itong pinagmamasdan pag dumadalaw ito sa puntod ng kapatid at nagkakataong andon din siya. Palihim lang lagi dahil hindi siya nito pwedeng makita.

                Sinunod niya ang gusto ni Vel na wag na wag siyang magpapakita dito. Pero may kung ano sa puso niyang nagsasabi sa kanyang hindi niya ito pwedeng pabayaan. That’s why he did his best to stay connected to her. At sa pagtagal ng panahon, naging parte ng buhay niya si Vel... kahit mukhang ayaw naman nito.  She never replied to any of his messages to her. Kahit smiley o devil emoticon man lang para ma-express nito ang galit nito sa kanya ay wala.

                Kahit wala namang commitment sa araw na iyon ay maagang nagising si Jam. He was enjoying his brewed coffee and breakfast as he check on the printed documents from his secretary. Kinuha niya ang personal planner at pinagsusulat doon ang dates ng kanyang clinic schedules once matapos ang two weeks break niya. 

                After that, ini-scan naman niya ang mga documents tungkol sa bagong endorsement offers at business proposal. Nagbabalak na rin kasi siyang pumasok sa pagnenegosyo. And he was eyeing for hotel and resort kind of business venture. Nang magsawa siya sa pagbabasa ay inihagis lang niya ang mga papel sa isang side ng sofa. He leaned his back on the sofa and sipped his coffee. Si Vel kaya, kamusta kaya siya? Ba’t kaya niya tinapon ang flowers na bigay ko kahapon?  Napansin niya ang bulaklak na binili niya para dito na nakapatong sa trash can malapit sa pintuan ng unit niya. Personal pa naman niyang binili ang mga iyon at nag-effort pa siyang maglagay ng message card.  Napaisip tuloy siya kung lahat ba ng pinapadala niya dito ay tinatapon lang nito. Nagtanong ka pa, Jam. Oo, ang sagot. Ganon kalaki ang galit niya sa’yo.

                He sighed. How can I pick the broken pieces of your heart and make it whole again?   He was in the middle of that thought when he spotted a brown envelop along with other paper documents. Kinuha niya iyon at binuksan. Mga documents pala iyon tungkol kay Vel with pictures pa. Napailing siya. Halata talagang hindi lang secretarial duties ang kaya ng kanyang personal secretary.  Winona was indeed a frustrated private investigator.

                Matagal na niyang sinusubaybayan si Vel sa malayo. Pero ngayon lang siya magkakaroon ng oras na gawin iyon ng mas madalas dahil may free time siya. May isang calling card siyang nakita sa envelop na iyon with the name, Engr. Earl Devin Santiago. Nakalagay din ang position nito bilang Project Manager ng ZLCD Realty Corporation. An idea popped in his mind.   

                He grabbed his phone and dialled his secretary’s number. “Hello, Winona.”

                “Hello Boss Pogi. Na-receive n’yo na ang mga pinadala ko?” tanong nito. His secretary often called him that way. Hinayaan na lang niya iyon dahil totoo naman. 

                “Yes. So I want you to set me an appointent with ZLCD Realty Corporation as soon as possible.”

                “For what purpose, Sir?”

                “Business proposal. Tell Mr. Santiago that I want their company to build my private resort.” And I want Aveline to be there from time to time.  He sweetly grinned. That’s hitting two birds at a time. Mapapatayo na niya ang kanyang negosyo and at the same time, mawawalan ng choice si Vel kundi ang makasama siya.   


                EARL was busy signing papers when Aveline entered his office. This woman. Hindi niya alam kung anong meron sa babaeng ito pero madali nitong nakuha ang atensyon niya. Well aside from being that attractive, Aveline had this presence that he couldn’t resist. And he didn’t want to savour the feeling. Wala sa bokabularyo niya ang ma-involve na naman sa isang babae. He had enough.  Kaya bago pa magkaroon ng meaning ang lahat, sisimulan na niyang hanapan ng pula ang babaeng ito para ma-turn off siya. Pero ang siste, mukhang mahihirapan siya. Based sa employment profile nito, isa ito sa de kalibreng architect ng kumpanya. She handled numerous big client projects for the past few years and finished them successfully.

                Without looking at her, he motioned Vel to sit on the chair. Agad naman itong umupo. Tinapos niya ang pinipirmahan bago niya ito hinarap. He just caught her gazing at him. “Do you know gazing at your boss will not do anything good at you?”

                She sweetly  smiled. “Apparently Sir, it can do anything good at me,” she confidently uttered.

                “Which is?”

                “You’re a good inspiration. A well-dignified successful man at the young age with a pogi face. That’s you. Mas gaganda ang trabaho ko bilang isang empleyado kung inspired ako.”

                He can sense it. Actually kanina pa niya nahahalata mula pa sa elevator. Mukhang attracted sa kanya ito and that made it more complicated.

                “Minsan hindi rin magandang magka-crush ka sa amo mo.”  He looked at her in poker face. Darn it. Why does she look so lovely that way? Prenteng nakaupo ito sa visitor’s chair with class and confidence. Bago pa kung saan mapunta ang iniisip niya ay pinigilan niya na ang sariling purihin pa ito.

                “It’s my problem, Sir not yours.”

                Straight forward.  Gusto niya ang mga babaeng straight forward. Kinuha niya ang isang folder. “Can I call you, Vel?” Kahit naman strict boss siya, gusto pa rin niya na nicknames or first names ang tawag niya sa mga subordinates niya.

                “As you wish, Sir Santiago—”

                “Earl. Boss Earl,” he corrected her.

                “Okay, Boss Earl. Hmm, pwede po bang magtanong?”

                “Yes?”

                “Are you going to fire me now?” Hindi iyon tanong na may halong pag-aalala o takot. Walang bakas na ganon sa pagkakasabi noon. Mukha pa ngang nangi-intimadate ito na parang sinasabi sa kanyang pagsisisihan niya kung oo ang isasagot niya.  

                Napakunot ang noo niya. “Why should I?”

                “Because I yell at you over a phone call yesterday?”

                Napailing siya at bahagyang napangiti. Naalala pa niya iyon. Tinawagan niya ito dahil kailangan niya itong makausap para sa updates ng mga projects na hawak nito. Pero ang nangyari, siya ang nakasalo ng beast mode rants nito towards someone he doesn’t care about at all.

                He looked at her. “I won’t just let go of someone worthy of being company’s asset like you just because I became a victim of your non-sense rants last night. This courtesy call is not about that.” 

                 Napangiti ito. “Good. So para saan ito, Boss?” tanong nito.

                “I want you submit summary reports about your three ongoing projects.” Nakita niyang kumuha ito ng tickler notebook at nagsimulang mag-take down notes kaya pinagpatuloy niya ang sinasabi. “Gusto ko din na bigyan mo ako ng data tungkol sa target finish date ng bawat projects with budget reports. I want it in my table early tomorrow morning.”

                “Okay, Boss Earl. Noted.”

                “Another thing.” Ibinigay niya dito ang isang folder. “I got a client call early this morning. The new big client submitted these documents for a study. The client wants us to build his private beach resort along Laiya San Juan, Batangas. And our chairman, Mr. Golen Castillo,  personally requested  you to handle the project.”

                “Really? Must be another reccommendation from previous satisified clients,” confident nitong sinabi. Binuklat nito ang folder. “Wow. Medyo malaki ito ah. Pwede ko pong malaman kung sino ang client natin?”     

                “A known ophthalmologist from Tolentino-Ferrer Medical Center, Dr. Jamison Kent Pelesso.”

                Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang biglang pagbabago ng facial expression ni Vel. Ang kaninang “inspired” architect image nito ay biglang nawala. Naiwan ang isang babaeng tila nakarinig ng bad news na ikinagulat nito. Bigla kasi itong natigilan. Kilala niya ang doctor?

                “Do you know him?” tanong niya.

                Bigla itong natauhan. “No, Sir. I don’t.” Umiling ito.   

Bumaling ito sa kanya na parang walang nangyari, But her eyes can’t lie. Vel’s eyes were telling him that she’s not okay.  And he just wondered why. “I want you to make a proposal for this project. Work on this with your team for a week. I want you to present the proposal early next week.”

“Kulang Boss ang isang linggo—”

“Do not break my office rule. O baka naman di mo kaya, just say so. I can give the project to other more competent—”

“No, Sir. The project is mine,” palaban na sagot nito.

“Then good.”


TULALA. Literal na nakatulala sa hangin si Vel. It’s been a long day. At para sa kanya, hindi lang iyon long day... nakakaloka day pa. She just can’t believe it. Talaga bang si Jam ang new client namin? As in? Bakit siya?  Of all the people on earth, si Jam ang huling taong gugustuhin niyang makita. Or worst, ayaw talaga niya itong makita ever. Hindi na niya maalala ang mukha ni Jam pero sigurado siyang Jamison Kent Pelesso ang buo nitong pangalan.

“Ay grabe! Grabe naman ‘to, Lord. Ano bang gusto n’yong mangyari?” she uttered to no one. Kasalukuyan siyang nasa mini sala sa condo niya. Dapat sa mga oras na iyon ay nagda-draft na siya ng framework plan para sa project pero ang siste, hindi niya ma-take na igagawa niya ng bahay ang lalaking iyon. Parang mas trip kong igawa siya ng lagoon na puro ahas.  

Inilapag na niya sa mesa ang hawak na folder. Gabi na. Dapat talaga natutulog na siya sa mga oras na ito pero pati iyon, hindi niya rin iyon magawa. Walang lumalabas sa utak niya kundi ang 99.99% chance na magkita muli sila ni Jam at ayaw magpatulog ng thoughts na iyon. 

                Kinapa niya ang puso. Why should she be bothered? “Oo nga, bakit ako ang mai-stress? Dapat siya ang matakot makita ako dahil siya ang may malaking kasalanan.” Pero kung ang pagbabasehan ay ang ten –year long non-stop na pagpapadala nito ng bulaklak at emails plus ang monthly pagbisita nito sa puntod ng kanya kapatid, parang malabo atang matakot si Jam sa muling pagtatagpo nila. Baka nga magustuhan pa nito iyon. Hindi miminsang nag-attempt si Jam na makipagkita sa kanya. Ilang beses itong nakiusap na magkita uli sila at mag-usap pero ni isa sa meet up na iyon ay hindi niya sinipot. Tumatawag pa nga ito minsan at hina-hang up lang niya o nila-loud speaker iyon hanggang sa magsawa itong magsalita at magkusang mag-end call. Ganon na aktindi ang pag-ignore niya dito pero parang balewala lang dito iyon. I won’t give up by Jason Mraz lang ang peg.

“At ngayon, wala na akong choice.”  Indeed. Dahil hindi siya ang tipong aatras sa trabaho dahil lang sa personal na bagay. Pumapasok nga siya kahit tinatrangkaso. Hindi pwedeng maging si Jam lang ang dahilan para masira ang competitive reputation niya sa company lalo na’t ang big boss pa nila roon ang nag-request sa kanyang expertise.

She sighed as she lazily leaned her back on the sofa. Binalingan niya ay picture frame sa side table. It was the last picture she had with her sister. “Ate, ano bang tamang gawin?” 

Hanggang ngayon ay hindi malinaw sa kanya kung ano ba talaga ang dapat. Alam niyang mali na buong buhay niyang isisi kay Jam ang pagkawala ng ate niya. Pero hindi pa rin niya masabi sa sarili na kaya niya itong patawarin. Siguro dahil never pa niyang sinubukan. Tuwing masasagi kasi sa alaala niya ang nangyari noon ay nasasaktan pa rin siya at tuwing maaalala niya si Jam ay galit pa rin ang nararamdaman niya kaya never niyang sinubukang hanapin ang lakas ng loob para patawarin ito. Gusto na talaga niyang kalimutan na lang ito at ibaon sa limot. Pero paano niya gagawin iyon ngayon?

                I think I need a walk.  Lumabas siya ng unit niya at naglakad sa hallway. Huminto siya sa tapat ng pinto ng elevator. Nakatitig lang siya sa stainless steel door ng elevator habang malalim ang iniisip. Until a guy stand beside her, naghihintay din sa pagbubukas ng elevator na tila nag-slow motion sa up and down trip nito.

                The guy smells good. Ewan ba niya. Una talaga niyang napapansin sa lalaki ay ang men scent nito. Pag di niya type ang pabango ng lalaki kahit gaano pa ito kagwapo ay hindi niya ito magugustuhin. Like her new boss, kahit pa masungit ito at bossy ay ayos lang kasi mabango.

As if choreographed by faith, sabay silang napalingon sa isa’t isa ng estranghero katabi niya. Yes indeed gwapo ang binata, pero ang mata nito ang sunod na kumuha ng atensyon niya. Hindi ito chinito na another requirement para magustuhan niya. But that pair of eyes looked familiar.

“May kamukha ang mata mo,” wala sa sariling nasambit niya sa binatang nakangiti sa kanya.

“Ha?”

“Ah, nevermind. Meron kasi akong kakilala na kasing-mata mo. Kahawig ng mata mo.” And siyet, kamata niya si ate.   

“Ah, I see,” tila walang pakialam na reply nito sa kanya.

 Ano ba naman kasi iyang pinagsasabi mo Aveline?  The elevator door opened. Pinauna siya ng binata. Gentleman indeed.  “Bababa ka ba?” tanong nito.

Tumango siya. “Yes. Bababa ako, salamat.”

He pressed the ground floor button. Then the door closed. Sila lamang ang sakay.

“Same floor ka nakatira?”  tanong niya. Okay na din ‘yung makakilala siya ng kapitbahay. Para kung sakaling kailanganin niya ng tulong ay may makakausap siya.

“Ah yeah. Doon ako sa dulo.”

                 “Good. Magkapitbahay este magkapit-condo pala tayo.” Impit itong tumawa sa joke niya. She offered her hand. “Aveline. But you can call me, Vel.”

                Ngumiti muna ito bago tinanggap ang kamay niya. “Ja—Kent. Call me, Kent. Actually kakalipat ko lang kahapon. Ikaw?”

                “Ako few days ago lang. Pareho pala tayong newbie dito.”

                “Yeah.”

The door opened at ground floor.  Time to part ways. Akala niya ay nag-dead end na ang conversation nila ng binata dahil pakaliwa na ito at pakanan naman siya. Pero bigla siyang tinawag nito.

                “Hey Vel!”

                Nilingon niya ito nang matigilan siya. Wait, bakit familiar ang boses niya?  “Yes?”

                “I’m glad to meet you.” The guy showed off his sweet smile. Hindi lang pala ito gwapo. Mukha itong mabait at mukha ring alaga sa gym ang katawan.  

                “Me, too. See you around.”

                “Yeah, take care.” Kumaway pa ito bago tuluyang naglakad palabas ng condo building.

                Nawiwirduhang tumalikod na siya at naglakad papunta sa garden area malapit sa pool side. Mukhang maliban kay Jam, may isa pa siyang isipin. Bakit parang ang weird ng feeling niya sa Kent na iyon. Kamata niya si Ate at parang kaboses niya si Jam. Napailing siya.  Paano mangyayari iyon? Ay naku, ang hirap ma-stress mag-isa. Kung anu-ano lang naiisip ko. An image of Earl popped her mind. Ay bongga! Si Boss Earl na nga lang ang iisipin ko. Hay, Boss E, why so pogi eh? 



PREVIOUS                                                                  NEXT

Comments

at last nasundan rin.. thank you writer.... pero bitin hahaha
NEXT CHAPTER PLS.

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…