Skip to main content

Kofi Cups Hangover: Finding Your Bittersweet Beginning




Nang mga panahong ang isang barkada ay abala sa Same Order Game of Destiny nila ay abala din sa kani-kanilang buhay ang ibang suki ng Kofi Cups and Sweets.

                Benson Sandoval, a dedicated dentist, was busy reviewing for his final exams on his last year of specialization in Orthodontics. Perfect para sa kanya ang Kofi Cups dahil napakalapit nito sa Zeus-Apollo University kung saan siya nag-aaral at sa Dental Clinic kung saan siya nagtatrabaho. Kahit maingay ang ibang customers ay deadma lang siya. At least walang mga kapatid na idadamay siya  sa mga kalokohan kahit nananahimik siya. Nagulo lang lang siya nang may babaeng nakiupo sa mesa niya na bigla na lang nag-rant tungkol sa love life nitong pumalya.

                Hannah Fay Yamiro thought that chasing her ex to have him back will make her better. Pero ang siste, sa halip na makabuti iyon ay lalo pa siyang lumala... lumala sa page-emo at pagka-bitter. Sa inis niya sa mundo ay basta na lang niya  naisipang mag-stop over sa isang Kofi Cups branch. Bumili siya ng kape out of random choice at walang paalam na umupo sa tabi ng isang nag-aaral na binata.

                “Sinungaling ang lugar na iyon! A place where you find your happiness. Leche! Ikaw! Alam mo ba iyong Senang Hati Music Lounge?” basta na niyang tanong sa minalas na taong mapagbalingan ng kakulitan niya. 


                The guy just grinned at her bago ito muling ibinalik ang atensyon sa binabasang libro. “Oo. Wag ka na ma-bitter. Malay mo andito sa shop ang bittersweet happiness mo.”He winked.

                “Excuse me?”  Ano ‘to? May Bachelor Degree in Flirting Major in Pambobola?

                “I’m talking about coffee.” He sipped from his coffee cup. “Nothing else.”

                She sipped her coffee and for some unknown reason, she just walked out.

                Sa kabilang mesa ay abala sa pagbabasa ng online pocketbook si Jeanie habang kapiling niya ang iced-cold cafe latte niya at chocolate chips.  She finds Kofi Cups a great place to abuse the free internet and go unlimited online reading. She was with someone. He was a long-time friend. Pero wala sa kasama ang atensyon niya kundi sa binabasang kwento sa laptop niya.

                “Alam ko na kung bakit hanggang ngayon wala ka pang boyfriend,” Zedrick Arevalo told her.   

                “Bakit?” sagot niya na hindi man lang inaalis sa binabasa ang atensyon niya.

                “Kasi, ganyan ka makipag-date.” Inalis nito ang laptop sa harap niya. “From now on, gusto kong sa akin lang ang buong atensyon mo pag magkasama tayo. And once you break the rule, hahalikan kita.”

                Inagaw ni Jeanie ang laptop dito at saka umirap. “We’re not into romantic date, Zed. Wag kang ano!”  sabay balik sa binabasang novel ang atensyon niya sabay higop ng kape.

                “What if I think we do?” Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong halikan nang walang pasabi. “Break the rule more. I will definitely  be honored to award your punishment.”

                Naibuga niya dito ang iniinom nang di sinasadya.

                Magkasabay na pumasok sa shop sina Marissa, the personal tour guide and her new Israeli client. Nikolai wento to Philippines to find true love. Kung sinuman ang luko-lukong nagsabi dito na nasa Pilipinas lang may forever eh hindi niya alam. All she cares about now is her work. Kailangan niyang i-tour si Nikolai sa buong Pilipinas at damayan ito sa paghahanap ng ka-forever nito.

                “Sir, would you like some bitter but sweet coffee or tasteless but relaxing tea?” Or have it all yummy me? Lihim na tinawanan niya ang kalokohang naiisip. Marami na siyang na-handle na foreigner clients pero ngayon pa lang niya feel ang mang-akit. The guy is too cute for her eyes.

                Nikolai innocently looked over the menu list while Marissa was busy day dreaming while staring at him.    

                “So what do you want, Sir?” wala sa sariling tanong ni Marissa.

                “I want you... to stop staring at me.” Nagising siya sa kalokohan. “And a cup of cappuccino.”  Nang masabi ang gusto nito ay iniwan na siya nitong nakanganga sa may counter.

                Sa garden area sa labas ng coffee shop nagpunta si Marianita Grace aka Ria para mag-emote. Ayaw niyang pumasok sa loob ng Kofi Cups dahil andoon sa loob ang kuya Sunset niya. Ayaw naman niyang makita siya ng kuya niya in her worst state. Her boyfriend broke up with her. Hindi niya matanggap na pagkatapos niya maging mabuting girlfriend dito ay basta na lang siya nitong hihiwalayan with the famous line, “It’s not you. It’s me.”  Tears fell from her eyes. Feel na feel na niya ang pagiging broken nang isang lalaki ang nang-istorbo sa kanya.              

                “Miss are you okay?”

                Na-badrip siya dahil naisitorbo siya. Binalingan niya ang binata in her beastmode face. “Ano? Kakamustahin mo ako  kung okay lang ako tapos ako naman magkukwento sa’yo kahit di kita kilala. Tapos ano? Bibilhan mo ako ng kape, makikipagkwentuhan ka sa akin tapos iko-comfort mo ako. Yayayain mo akong magkape uli. Magpapa-fall ka. Ako naman tanga, mapo-fall nga. At kapag alam mong fall na fall na ako, iiwan mo lang ako sa ere. Maiiwan akong nag-iisa, naglalakbay sa gitna ng dilim. Kaya pwede ba, wag ka ng lumapit!” litanya niya dito.

                “Andami mong alam, Miss. I didn’t come over because I find you interesting. Iyong kotse mo, nakaharang sa kotse ko. Pakialis, Miss Emo.”

                Pakiramdam ni Ria ay binuhusan siya ng malamig na tubig na may kasamang yelo. Lupa, lamon na please! Alanganing ngimiti siya. “Sorry, sige.”

                “Ay Enjeru! Mula ngayon magsuzumba na talaga ako, linggo-linggo!” hirit ni Melody sa kaibigan niyang kasalo niya sa pagkakape ngayon.  Nakita  na kasi niya ang kanyang destiny— isang dance instructor sa gym club kung saan siya napapunta, kakasunod sa amo niyang demanding.

                “Ako, mula ngayon isusumpa ko na ang lalaking iyon!” sagot naman ni Enjeru.

                “Ay ang bitter mo. Mabait naman si Sir Alex."

                "Hindi mabait iyon! Nabuhusan na nga niya ako ng kape kaninang umaga pero di man lang siya nag-sorry. Anong tingin niya sa akin? Pavement lang? Ang ganda kong ito, hindi niya napansin?” Binalingan siya nito. “Boss mo nga pala ang loko ano? Kung mag-apply kaya ako sa inyo par makaganti ako?”  

                “Maga-apply ka sa amin para lang asarin ang poging boss ko? Ganyan na ba ka-bore ang buhay mo—ayy! Ang destiny ko pumasok! Fafa Ian Sol Kaviero! This is really meant to be,” hirit ni Melody habang yakap-yakap ang back rest ng upuan. 

                “Kasunod din niya iyong sinusumpa ko. Great! Magkakilala pa ata,” sabat ni Enjeru.  “Hoy, Alexander Lim!”

                Lumingon si  Alex nang may tumawag sa pangalan niya. Napakunot ang noo niya dahil di niya ito kilala. “Yes? I don’t know who you are.”

                Enjeru stand up and walked towards him with poise. “Ako lang naman ang pavement na tinapunan mo ng kape kaninang umaga sa labas ng HBH Network.”

                “And what do you want?”

                “Panagutan mo ang ginawa mo sa akin!”

                In Enjeru’s surprise nagtayuan ang mga tao at binigyan siya ng round of applause.


                Six different love stories shared between blends of coffee. Will they make their love story bitter or sweet?   


                                                                 FIRST STORY

Comments

Angel Jang said…
waaah oh my g ito na xa #kiligsobra love it the best ka talaga miss melai ^_^ thank you... marissa and nikolai here we are hahaha...
Hannah Fay said…
Looking forward. Hehe. Lab lab ate ❤️💋
Anonymous said…
hahahaha...agad agad may nkawan ng halik? nganga si inday sa intro ng kwento... ok na ung adik sa online pocketbooks/stories eh personality ko na un kaso umeksena agad agad si knight & shinning armor..lol

kiligcited na me!!!


Cutie here...
llorenz faelnar said…
Hi po I really love your stories. It's so nakakakilig at the same time nakakatawa yung mga banat. Hahha tumatawa ako nang mag isa kahit na nasa jeepney. Stress reliever na din. Love you poh. May the grace of God be with you always. Hope marami pa kayong mainspire sa mga stories nyo. Love lots.😉
Anonymous said…
sa wakas andito na rin galing mu talga ms.melai,
pak na pak!magiging adik na naman ako sa mga story
nila...nakakakilig,nakakaexcite...,tnxu ng marami..
llorenz faelnar said…
Wow excited ako. Thank you poh ms Melai. your so blessed to have such a wonderful talent. Salamt poh at pinapasaya at pinapakilig mo kami. binubuhay mo ang aming mga pusong patay heheheh joke. Pero samat po talaga kilig much poh c aketch
Melai said…
Hello guys. Pasensya na at wala pang update. Naging abala sa family matters ang inyong lingkod. Next week promise, may ipo-post na ako.:)
Melai said…
This comment has been removed by the author.
llorenz faelnar said…
Yey Thank you po. Excited na ako

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…