Skip to main content

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Prologue




Several years ago...

“Ate! Ate!” Alam ni Aveline na kahit tawagin pa niya sa buong pangalan ang ate niya ay hindi na siya nito naririnig. Nakahandusay ito sa gitna ng kalsada sa tapat ng kanilang school, duguan, walang-malay o maaring wala ng buhay nang ma-hit and run ito ng isang black na van. “Ate!”  Nagpalinga-linga siya sa paligid. “Tulungan n’yo po kami!” Umiiyak na nakiusap siya sa mga tao sa paligid.

                Maraming nakapalibot sa kanila. May mga kapwa niya estudyante, guard sa school, tindera sa labas ng campus at mga usisero. Pero wala man lang may pusong mag-volunteer na magdala sa kanyang ate sa hospital.

                Takot na takot na siya dahil habang tumatagal ay lalong dumadami ang dugong tumatagas mula sa ulo ng kanyang ate. Kitang-kita niya kung paano ito sinagasaan at tinakbuhan ng van na iyon. Wala kayong puso! Nang sandaling nawawalan na siya ng pag-asa ay may lumapit na matandang lalaki.

                “Dalhin na natin siya sa hospital!” Nag-volunteer itong isakay sa kotse nito ang duguan niyang kapatid.


                Walang pagdadalawang-isip na pumayag siya kahit di niya kilala ang nag-offer. Ang mahalaga ay madala sa hospital ang ate niya.  Ang sampung minutong travel time mula sa campus nila hanggang sa pinakamalapit na hospital ay tila pinakamatagal na sampung minuto ng buhay niya. Iyak lang nang iyak si Aveline. She was very young that time. Nasa first year college lang siya noon at ang ate niya ay third year college pa lang. Ni wala siyang matawagang ina o ama para sabihin ang nangyari sa kapatid. Dalawang taon na silang ulila at walang kamag-anak na tumatayong guardian. Tanging ang isa’t isa lang ang meron silang magkapatid.  Nakakapag-aral lang sila dahil sa scholarship at part-time jobs ng ate niya.

                Pagkarating sa hospital ay agad nang inasikaso ng mga nurses at doctor ang ate niya. Nagpasalamat siya sa taong tumulong na matapos silang ihatid ay nagpaalam na din. Naiwan siyang luhaan sa waiting area malapit sa Emergency Room. Abot-langit ang dasal niya na sana maligtas ang ate niya.

                Humihikbi lang siya habang nakaupo sa waiting area. Dinasal na niya ang lahat ng pwedeng idasal habang hinihintay ang kung anumang sasabihin ng mga doctor na nag-asikaso sa kanyang kapatid. Hindi ka pwedeng mawala ate. Wag mo akong iiwan. Walang humpay ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Unti-unting bumalik sa alaala niya ang nangyari kanina lang. Nagmamadaling tumawid ang ate niya dahil papasok pa ito sa part-time job nito. Yumakap at humalik pa ito bago siya nito iniwan sa lobby ng school. Sa pedestrian lane naman ito tumawid. Pero dahil sa isang reckless driver ay nag-aagaw buhay ang kanyang kapatid ngayon. Sinusumpa niyang hahanapin niya ang taong nakabangga sa ate niya sa sandaling sabihin ng doctor na okay na ang kanyang kapatid. Hindi siya titigil hangga’t hindi napaparusahan ang ginawang pagsagasa at pagtakas ng van driver na iyon.

                Pero hindi ata niya kakampi ang tadhana. Lumabas ang doctor mula sa Emergency Room na may dalang di magandang balita. Wala na ang ate niya. And she blamed it all to that person who killed her sister. Kung anu-ano pang sinabi ng doctor ang di niya naunawaan. Ang tangi lang niyang naintindihan ay ang katotohanan na ayaw niyang tanggapin. Wala na ang ate niya at nag-iisa na lang siya.


 TENTH DEATH Anniversary ng ate ni Aveline. Taun-taon tuwing sasapit ang araw ng pagkamatay ng ate niya ay bumibisita siya sa puntod nito. Sampung taon na ang lumipas pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya nang ma-hit and run at mamatay ang kanyang nag-iisang kapatid. Halos kaka-eighteen years old lang niya nang maiwan siyang mag-isa. But after years, heto siya survivor of the past. Kinaya niyang mag-isa. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral at pagtatrabaho para mabuhay. Pero kahit tumagal pa ata ng another ten years ay hindi pa rin nya makakalimutan ang nangyari sa kapatid particular na ang may kasalanan sa pagkamatay ng kanyang ate.

Noong mga sandaling kakasabi pa lang ng doctor sa kanya na wala na ang kapatid niya ay nakita niyang nag-park sa may emergency bay ng hospital ang sasakyang sumagasa sa kapatid niya. Bumaba doon ang isang binata na kapwa niya estudyante mula sa kilalang university na halos mayayaman ang nakakapasok.  Inamin nito ang pagkakamali at humingi ng tawad. Kita niya sa mga mata ng binata na nagsisisi ito, natatakot at nakokonsensya pero hindi noon nabura ang galit niya sa puso. Kasama nito ang mga magulang na agad nag-offer ng pera para hindi siya magsampa ng kaso. Inako din nila lahat ng gastos sa hospital at pagpapalibing. Dahil wala naman siyang mapagkukunan ng pera nang mga sandaling iyon ay pumayag siya sa financial assistance na binigay ng magulang ng lalaking Jamison Kent Pelesso ang pangalan. Lahat ng tulong tinanggap niya. Ang mahalaga sa kanya noon ay ang mabigyan ng desenteng libing ang kapatid kaya kahit masakit sa kalooban niya ay pikit-matang tinanggap niya ang offer ng magulang kapalit ng hindi niya pagsasampa ng kaso sa Jam na iyon. Isa lang ang hiniling niya sa pamilya... ang wag ng ipilit pa na mapatawad niya si Jam. She will never ever forgive the one who killed her sister. Isinumpa niyang habambuhay na dadalhin ng konsensya nito na nakapatay ito ng tao.

Malungkot na umupo siya sa damuhan na nakatabon sa labi ng kanyang kapatid. Her sister was now six feet below the ground at tanging lapida na lang nito ang kaya niyang hawakan. “Ate, masaya ba sa langit? Ten years na. Parang kahapon lang nang ilibing ka at tuluyan na akong mapag-isa.” 

Napansin niya ang nalalantang bulaklak sa tabi ng lapida ng kapatid. Parang ilang araw pa lang iyon nang iwan nang  dumalaw. Hindi niya kailangang manghula dahil alam naman niya na maliban sa kanya ay may isa pang consistent na dumadalaw sa kapatid niya buwan-buwan... si Jam. Ang lalaking may dahilan kung bakit sampung taon na siyang mag-isa sa mundo. Ni minsan, matapos ang huling pagkikita nila sa hospital noon, ay hindi na niya nakita ang binata at pinagpasalamat niya iyon. Hindi pa rin nababago ang nararamdaman niyang galit pag naaalala niya ang binata. Hindi niya ito malilimutan. “Dinadalaw ka pa rin pala niya.” Napaismid siya.

That guy did all his best for her forgiveness. Pinapadalhan siya nito ng bulaklak sa bahay, apology emails, cards, letters at kung anu-ano pa na puro paghingi ng tawad ang laman. Sa mga sulat din mula dito niya nalaman na bumibisita ito  sa puntod ng kapatid niya. At lahat ng iyon, shoot lang sa basurahan matapos niyang mabasa o makita. She doesn’t care. Dahil kahit anong sorry naman nito ay hindi na mabubuhay ang kapatid niya. Babalik at babalik pa rin sa kanya ang sakit na naramdaman nang lubusan siyang naulila. Kaya kahit mag-end of the world pa, hindi niya ito mapapatawad. Baka nga mas hilingin pa nga niyang mauna na itong hatulan ng langit pag katapusan na ng mundo.

She sighed. “Kelan ba maiintinidhan ng lalaking iyon na hindi ko siya mapapatawad? Pinatay ka niya, Ate. Kung hindi nga kasalanan kay Lord, walang-awang sasagasaan ko din siya para makuha ang hustisya sa pagkamatay mo. Pasalamat siya takot ako kay Lord. At pasalamat siya, mabait ang mga magulang niya.”

Kinuha niya ang nalalantang stemmed roses at inihagis sa kabilang lapida. Ayaw niya ng ibang kalat sa lapida ng kapatid. “Ate, nagpadala ng letter sa akin iyong Organ for New Life Foundation. Gusto daw makipagkita ng maswerteng nakatanggap ng mata mo.”

Nang mamatay ang kapatid ay saka lang din niya nalaman na organ donor pala ito. Agad siyang kinausap ng taga-foundation at pinakita sa kanya ang mga documents na pirmado ng kanyang kapatid. Nai-donate sa foundation ang mata at puso nito. “Pumayag ako ate.” Napangiti siya.

Excited siyang makitang muli ang mata ng kapatid sa mukha ng ibang tao. Hindi kasi siya nabigyan ng pagkakataon noon na makilala ang recipient ng mga mata ng kapatid dahil naging abala siya sa pagpapalibing sa kapatid.

“Okay din pala ang maging donor ate. Kahit nawala ka,  may dalawang buhay naman na nagpatuloy dahil sa’yo. At may chance pa akong makitang muli ang mga mata mo. Hopefully, iyong napuntahan ng puso mo, makilala ko rin. Ibang tao man sila, bahagi pa rin ng katawan mo iyong nasa kanila. Tinatanong ko nga  sa foundation kung babae ba o lalaki. O kaya kung mas bata ba sa akin o matanda na. Sa tingin mo, kasing ganda natin o kasing gwapo ni James Reid?” Napailing siya. Napangiti saglit kasabay ng pagpatak ng luha niya.

Naaalala pa niya noong buhay pa ang kapatid. Magkasundo silang mag-ate sa pagpili ng mga gwapo sa paligid. Masaya na silang pagkwentuhan ang mga crush nila sa school. Architecture ang course niya. Education naman ang ate niya. Ngunit kahit magkaiba sila ng department ay relate sila sa isa’t isa pag campus crush na pag-uusapan. At ngayong wala na ang ate niya, wala na rin siyang mapagkwentuhan ng mga lalaking gwapo sa paligid niya. “Kung buhay ka pa, malamang hindi nauubos ang kwentuhan natin tungkol sa boys.” Kaso... wala na nga ito. Pinawi niya ang sariling luha.

Binago na siya ng panahon. Wala na siyang interest sa boys ngayon. Wala na rin siyang pakialam sa love. Wala siyang tiwala sa mga lalaki.  Dahil tuwing may lalaking lalapit sa kanya, isang tao lang ang naaalala niya... ang lalaking pumatay sa ate niya. Tumanda na siyang naniniwala na walang magandang maidudulot ang lalaki sa buhay niya kundi sakit at panganib.

Nanatili pa siya sa libingan ng kapatid ng ilang oras pa bago siya nagdesisyong umuwi. Pagkarating niya sa inuuwing condo unit ay isang bouquet of flowers ang naabutan niya sa pintuan ng kanyang unit. Kinuha niya ito at tiningnan ang card. Hindi na siya nagtaka sa nabasa.

Vel,

Have a great day ahead. Take care always!

                                                                Jam

Napaisimid siya. Stalker ata ang lalaking ito. She just moved in to that condo unit few days ago. Ipinagbili na kasi niya ang tirahang naiwan sa kanya ng mga magulang. Akala niya ay maiiwasan na  niya ang araw-araw na pambubwisit ni Jam sa kanya. Pero mukhang na-under estimate niya ang kakayanan ni Jam na maging stalker. Tatlong araw lang naging tahimik ang buhay niya. Walang annoying flowers and letters mula kay Jam at walang kahit na anong may kinalaman sa lalaki. Ngayon, mukhang babalik sa dati.

“Wala talagang alam ang lalaking ito kundi mambwisit!” she said to no one. Wala naman kasing ibang tao sa hallway maliban sa kanya. Itinapon niya sa  trash can sa labas ng unit niya ang punpon ng bulaklak bago siya pumasok sa loob. Bumuntong-hininga siya para mabawasan ang pangigigil niya. Wag lang talagang magkakamali ang lalaking ito at talaga masasakal niya ito.

Her landline phone rang. Agad niyang sinagot ang tawag.

“Hi Vel!—”

“Ang kapal ng mukha mo! Lumipat na ako ng bahay, nasundan mo pa rin ako! At sinong may sabi sa’yong pwede mo akong tawagin sa nick name ko? Close tayo? Tigilan mo nga ako. Not me! Not me!” gigil na tirada niya nang hindi man lang inaalam kung si Jam nga ba ang nasa kabilang linya.

“Miss Mariole, this is your new boss, Mr. Earl Devin Santiago and I don’t give a damn in whatever problem you have in this world. I want you in my office very early tomorrow morning.” Call ended.

             Napangiwi si Vel. Bakit sa dinami-rami ng panahong mapapahiya siya ay ngayon pa? And of all the people, bakit sa new boss pa niya? Hala! May trabaho pa kaya ako bukas?  Kung bakit kasi hindi niya inalam kung sino ang tumawag. “Kasalanan ng Jam na iyon! Malas talaga siya kahit di ko ipa-Feng Shui!”


                                                                              
                                                                              NEXT

Comments

Nice story...umpisa pa lang magand na. :)
waaaaaaah wala pa rin kasunod... next chapter pls.
Hannah Fay said…
Kaabang-abang ate!! 😁
Anonymous said…
Mukhang maganda! Next na agad! :-)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…