Skip to main content

Random Thoughts: Gaano Nga Ba Kahirap ang Break-ups?


                May mga pagkakataon na di natin inakala na mangyayari. Kahapon lang masaya kayo tapos biglang mag-aaway, magkakasagutan, hindi maiintindihan ang isa’t isa. Bibitaw ka, bibitaw din siya. Dati magkasabay kayong naglalakad sa iisang direksyon. Ngayon ay magkasabay pa rin naman kayong naglalakad...sa magkabilang direksyon habang paulit-ulit na sinasabi ng utak mong, “Tapos na. Bumitaw na siya.”

                Pakiramdam mo, pinaglaruan ka ng tadhana. Maayos ka naman dati nang bigla siyang dumating. Ginulo niya ang puso mo... ang mundo mo. Binigyan ng kulay ang black and white mong buhay. Pinatawa ka, pinakilig, minahal. Wala namang nagsabi sa’yo na sa ending pala, iiwan ka lang niya. Paiiyakin. Sasaktan.  

Gaano nga ba kahirap pagdaanan ang break-ups?

1.   Lutang ka sa sariling pag-iisip. Walang definite term ito kung gaano katagal. Depende kung kelan mo maramdaman na handa mo ng tanggapin na wala na siya. Hindi na siya babalik, hindi na siya magte-text, hindi na siya tatawang kasama mo, hindi na siya mag-iiwan ng sweet kiss bago siya umalis pagkahatid  sa’yo sa bahay nyo.

2.       Nakakabaliw. Iyong tipong nanonood ka ng hardcore comedy tv show or movies pero tumutulo ang luha mo dahil maaalala mo siya na dati ay kasabay mo sa pagtawa, kaagaw mo sa popcorn, at kayakap mo sa lamig tuwing magsisine kayo.  O makikitawa ka sa punch lines habang umiiyak. Mas baliw tingnan.

3.       Lahat ng break-up songs ay ginawa para sa’yo. Relate ka sa lahat. How Do You Heal a Broken Heart? Where Do Broken Hearts Go? Someone’s Always Saying Goodbye, You’ve Made Me Stronger, I Love You Goodbye. Mapapakanta ka na lang ng Putchaway the pictures, putchaway the memories na di mo mawari kung  Art of Letting Go ba talaga ang kinakanta mo o ginagawa mong excuse ang song para makapagmura with class.


4.       Matutulog kang umiiyak at gigising ka kinabukasan na napapaiyak. 

5.       Pakiramdam mo end of the world na bukas dahil wala na ang taong inikutan ng mundo mo. Ganon kaeksaherada.

6.       Magre-replay ng walang permiso sa inaagiw mong utak ang mga huling conversation n’yo bago kayo maghiwalay. Lahat ng masasakit na salitang nabitawan mo at nabitawan niya ay lalong naging masakit habang paulit-ulit mong naalala. Masusundan pa ito ng alaala ng inyong magandang relasyon na nasira dahil lang sa hindi kayo nagkasundo... pwedeng sa maliit o malaking bagay man.

7.       Kung noong naghiwalay kayo ay inisip mong kasalanan niya ang lahat, ngayon ay mari-realized mong kasalanan mo din naman.

8.       Makakaisip ka ng mga aggressive ideas. “Kung puntahan ko kaya siya? Kung tawagan ko kaya siya, mag-sorry ako at makipagbalikan? Kung maglasing kaya ako at magmakaawa sa kanya?” Ibababa mo pa ang sarili mo wag lang siyang tuluyang mawala. Pero bandang huli maiisip mong mas mahal mo ang sarili mo kesa sa kanya kaya hindi mo itutuloy ang plano.

9.       Lahat ng bagay sa paligid mo, palaging associated sa kanya. Ang lugar na madalas n’yong kainan, ang mismong mesa, pinggan, baso kutsara at tinidor na ginamit n’yo, ang kalsada na madalas n’yong lakaran, ang mga kantang sabay n’yong kinakanta kahit pareho kayong wala sa tono, ang mall na madalas n’yong puntahan at kahit ang CR na pinasukan niya dati... lahat iyon may bahid niya. 

10.   Maaalala mo pa  nang paulit-ulit kung gaano kayo kasaya dati... at kung gaano ka kalungkot ngayon.

11.   Gugustuhin mo at aayawan mo din na magkita kayong muli. Natatakot kang makita siyang may kasama ng iba habang ikaw hindi pa maka-move on.

12.   Mapapagod ka sa pagiging busy ng katawan mo sa kakagawa ng kung anu-ano sa pag-aakalang pag marami kang nagagawa ay lilipas din ang sakit na nararamdaman mo. Ngunit sa sandaling huminto ka na sa gawain ay puno na naman ng mukha niya ang isipan mo.

13.   Mauubos ang mga tanong mo na walang sagot. “Bakit mo ako iniwan? Bakit ang dali mong bumitaw? Hindi ba ako kamahal-mahal? Niloko mo lang ba ako? Anong nangyari sa pangako mo? Anong nangyari sa ating dalawa? Babalik ka pa ba? Pag bumalik ba ako, babalik din ba tayo sa kung ano tayo dati? Mahal mo pa ba ako?” At itatanong mo ang pambansang tanong ni Basha kay Popoy. “Pwede bang ako na lang? Ako na lang ulit?”   

Break Ups. Kasama iyan sa dapat nating i-take risk pag pumasok tayo sa relationship. Masakit isipin. Pero wala e, sadyang may mga relasyon na worth it ipaglaban at may ilan na dapat nang sukuan.



Comments

Anonymous said…
Masakit at mahirap tanggapin na hanggang ngayon
mahal mo parin after all these years...
borken hearted,in despair,baliw,etc.lahat ng yan
mararanasan mo pag nasaktan ka..at wala ka ibang matakbuhan
kundi sa mga lovesongs na nakakarelate sa pinagdadaanan mo.


Anonymous said…
Hindi ko man naranasan yang break-ups na yan kasi onli man lang meron ako first and last jejeje.. pero naranasan ko ang pinaasa at umasa..masakit ang maiwan sa eri! masakit ang salitang "Akala ko ba"... mas masakit pa ata ung sa break-up kasi don alam mo na iniwan (may closure) ka na talaga... sa pinaasa at umasa wala eh basta na lang naglaho at di mo alam kung saan ka lulugar..."Lutang" baga. Hindi mo alam kung papano ka magreact. Nakakaloka un! at least kung may break-up may masisisi ka may dahilan/rason magemote .. may karapatan ka magtanong at mangarap ng second chance... sa pinaasa "nganga!

nakakaloka ang life!
kiz said…
ang sakittttttttttttt
Anonymous said…
nung nabasa ko tong post, nasabi ko sa sarili ko, napagdaanan ko na yan. nandito na ko sa estado na kung saan GRADUATE ng matatawag. kung dati umiyak din ako, tinanong ko sarili ko ANO PA BA ANG KULANG? ANO YUNG MALI KONG NAGAWA? hanggang sa sinisi ko ang sarili ko. maraming WHAT IFs. pero ngayong stable na, may sarili ng pamilya, NAGPAPASALAMAT ako dahil lahat yun napagdaanan ko. iisa lang naman ang ibig sabihin ng mga naranasan natin, ISA YUNG LEKSYON NA DAPAT NATING TANDAAN AT ISAISIP. dpat yun sakit ang gamitin natin na daan para maging WISE tyo, na hindi na maulit yung mga maling nagawa natin, na dapat hindi man tama pero sakto sa mga desisyon na magagawa natin. thankful ako kasi dahil sa mga naranasan ko na sakit, nakilala ko ang tunay at totoong tao na magmamahal saken.

hindi man perpekto ang married life ko, pero masaya ako at kuntento dahil sa mga naranasan ko. pag iisipin ko un past ko, napapangiti na lang ako dahil sa mga kabaliwan na nagawa ko, hahaha!

sa mga babaeng iniwan, wag kayong magmukmok, be thankful dahil nakilala at dumaan sya sa buhay mo. one way or another, may naturo syang isang mahalagang bagay na magiging parte ng buhay mo. just relax cuz God has something better for you ^_^

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…