Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Love On, My Rakista Chic- Part 4



“Malapit na ako sa Senang Hati, Christel. I’m sorry, I’m kinda late.” Phi Nat was still driving his way to Senang Hati. Na-late siya ng alis sa opisina niya dahil inatake pa siya ng hika. Hindi na niya iyon sinabi sa girlfriend dahil ayaw niyang mag-alala pa ito.  

                “Hindi ka na aabot sa first song namin. On set na kami in five minutes,” malungkot na sambit nito sa kabilang linya.

                Being in every show of Karisma Band became part of their relationship. Ganon kalaki ang suporta niya sa girlfriend ngayong ito na muna ang female lead vocalist ng band. The former vocalist, Limien was advised by doctors to rest because of her complicated pregnancy. At alam niyang kabado pa rin hanggang ngayon si Christel tuwing kakanta ito sa stage. His purpose was to cheer her up. As long as he believes in her, alam niyang magiging okay lang ito. Siya ang nagbibigay dito ng lakas ng loob.

                “Sorry talaga, Christel. Punish me if you want to. I’m still stuck in traffic.”

                “Hindi lang ako sanay at kinakabahan ako. I have to go, Phi Nat. Ingat sa pagda-drive. On stage na kami.”


                “Kahit wala pa ako dyan, isipin mo lang na naroon ako sa usual spot ko. Kaya mo iyan okay? I love you, Christel.”

                “Yeah, kaya ko ito. I love you.”  The call ended.

                Alam ni Phi Nat na may konting tampo ang girlfriend. Babawi na lang siya mamaya pagkatapos ng gig.

                Few minutes pa bago siya nakarating sa Senang Hati. Nahirapan pa siya sa parking dahil   sobrang dami na namang tao sa bar na iyon. Agad siyang tumuloy sa mesa malapit sa stage. Naka-reserve na ang seat na iyon sa team backstage, ang grupong nabuo ng mga boyfriends at girlfriends ng Karisma Band members.

                Nasa party mood na ang paligid. The band was playing their rendition of Outside.

                “Gotta be so strong. There's a power in what you do, now every other day I'll be watching you. I’ll show you what it feels like now I’m on the outside. We did everything right, now I’m on the outside...”

                Agad niyang kinawayan ang girlfriend na kumakanta. Christel showed off her sweet smile that moment their eyes met.  “I love you. I’m proud of you,” he mouthed.  Lalong lumapad ang ngiti nito.

                Their relationship had gone so far. Ni hindi na nga nila namalayan na nakaisang taon na sila. And tonight is their first anniversary. Every part of their relationship came smoothly. Magkasundo ang pamilya nila. Nagkakatampuhan man sila paminsan-minsan, madali din nilang naaayos ang mga issues. For Phi Nat, he already found his girl. And I hope she feels the same way towards me, too.

                Ilang songs pa ang kinanta ng grupo bago sila nag-break. Agad siyang pumunta sa backstage at sinalubong ito ng yakap. “It feels so good to watch you singing up-stage with that sweet smile of yours,” he whispered in her ears.  “Happy anniversary,  my rakista chic.”  He moved a little and rewarded his princess a sweet quick kiss.

                “Happy first year, my blogger prince. Pasensya ka na at dito lang tayo mag-celebrate,”  she said.

                Ngumiti siya. “Well your work and this place can’t stop me from being your sweet blogger prince.” Kinuha niya ang isang long box sa bulsa niya at ibinigay dito. “Open it.” She did.  It was a necklace na G-clef ang pendant. It was made of white gold and finest diamonds. The value doesn’t matter to him dahil pagkakita pa lang niya sa kwintas na iyon, alam na niyang para kay Christel iyon.

                “I think it’s too expensive—”

                “Christel, no talk about money okay?” Kinuha niya ang kwintas at isinuot dito. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang girlfriend. “I knew it will fit you well. That is me. Para kung hindi ako makasama sa gigs mo dahil kailangan kong magtrabaho, hindi ka na kakabahan kasi suot mo iyan.  Katabi mo ako sa bawat performances mo. I’m more than a proud boyfriend here. Never ever forget that.”

                  Teary eyed na niyakap siya nito. And it felt like he already conquered the world with that simple sweet hug. Then she moved a bit enough to see his face. “No matter what, I will always be your sweet rakista chic.”  Then she kissed him on his lips.

                “Bawal na ang PDA sa backstage!” Hamiel interrupted. The rest of the band members and team backstage just laughed.

                Andami palang nanonood sa kanila. Eksaheradang binalingan ni Christel si Hamiel.  “Now you know the feeling!” Nasundan uli iyon ng tawanan at asaran hanggang sa bumalik na ang banda on stage. Balik table na rin si Phi Nat.

                Inuunti-unti lang niya ang mga served na food sa table niya habang proud na pinapanood ang girlfriend nang may babaeng tumawag sa pangalan niya. Natigilan siya nang makilala ang babaeng nakatayo sa harap niya.

                “Hannah Fay...” he softly uttered.

                Ngumiti ito. “Good, hindi mo pa ako nakakalimutan Phi Nat. Nice to see you here.” Umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat niya. Well, that seat was supposed to be for Christel. Umuupo sa crowd ang Karisma band pag may ibang performer on stage.      

                “Same here.” How can I forget you? I almost marry you way back then.  

                “This is amazing. Hindi ko ine-expect na makikita uli kita ngayon. I just arrived from Japan.”

                Me too. And I hope you leave. Napansin niyang nakatingin na sa kanila si Christel. Alam niya ang tingin na iyon. Though ngayon lang niya nakita ang expression na iyon ni Christel, alam niyang nagseselos na ito.

                “So what brings you here at Senang Hati? With your boyfriend?”

                Iniwan siya ni Hannah Fay dahil humindi siyang tumira sa Japan kung saan ito nakatira dahil nasa Pilipinas ang negosyo niya. Lumalala lang ang away nila dahil nawala na ang love nito sa kanya at napatungan pa ng ibang emotional issues. No third party involved. Hindi lang talaga sila pareho ng pananaw sa buhay. But despite of the pains, never siyang nagalit dito. Ganoon niya ito minahal. Few months before he met Christel ay nalaman niyang in a relationship na rin ito sa isang Fil-Scottish businessman. 

                Ngumiti ito. “I don’t have a boyfriend now. Kaya nga ako andito. Sabi kasi sa signage sa labas, ‘A place where you find your happiness.’ I’m hoping to see mine and... I saw you. Ikaw, same reason din ba?”

                Ngumiti din siya. Iyong ngiting may halong sweet victory over an ex. “Yeah. In fact, I also did found my happiness here.” Nilingon niya ang stage kung saan kumakanta si Christel. “She’s there up stage singing one of my favorite songs of her.” Christel was singing her version of Airliner.  Tinitigan niyang ang girlfriend ng buong pagmamahal, silently telling her that she’s more than his ex.

                Sinulyapan niya saglit si Fay at nakita niyang malungkot na tumingin din ito sa stage. “So totoong kayo na ni Christella of Karisma. Akala ko, chismis lang iyon.” Bumaling ito sa kanya. “Binuo niya ang parte ng pagkatao mo na nasira ko.” Nangilid ang luha nito. “Mabuting nakilala mo siya.”

                Wait, what’s happening? “Fay... Okay na iyon. Wag ka ng ma-guilty. Okay na ako.”

                Tumango ito. “ Then good.” Pilit na ngumiti ito. “I can see how in love you are now. I’m glad I see you here, Phi Nat.” Tumayo na ito at agad na lumayo.

                Guilt feeling covered his heart. Did I just say anything wrong?     
               

                HINDI MAGAWANG ALISIN ni Christel ang tingin sa eksena sa harapan niya. Phi Nat was talking to a girl. Oo nakatingin sa kanya si Phi Nat. And those eyes were telling her how much he loves her. Pero hindi niya magawang deadmahin ang babaeng umupo sa mesang iyon. She was looking at him in a strange way. Tingin ng umaasa... nasasaktan. Lalo dumami ang tanong sa isip ni Christel nang biglang tumingin sa kanya ang babae, teary-eyed na ngumiti sa kanya pagkatapos ay may sinabi ito sa boyfriend niya at nag-mega walkout.  Anong ibig sabihin no’n? Sino siya?  At nang balingan uli niya ang boyfriend ay parang natigilan lang ito sa eksena.

          Hindi niya alam kung paano naitawid ang pagkanta sa kabila ng kawalan niya ng concentration. Humingi siya ng few minutes break sa banda. She had to know the truth. Nang bumaba siya ng stage ay umalis sa mesa si Phi Nat. Alam niyang sasalubungin siya nito sa dressing room.  

                Nang magtagpo  sila ay hindi naman niya alam kung saan magsisimula ng pagtatanong kaya nanatiling tahimik siya hanggang sa ito na ang nagsalita.

                “Nakita mo iyon, alam ko. Hindi kita niloloko. Kung iyon ang iniisip mo, maling-mali iyon. Hindi ko iyon kayang gawin sa’yo,” sinserong sabi nito habang nakatitig sa kanya.

                “Alam ko. Pero iyong babaeng kausap mo kanina, mukhang nasaktan siya kung anuman ang sinabi mo.” Hinawakan niya ang kamay nito. “Let’s talk about her.” Wala naman siyang nararamdamang selos. Pero natatakot siya sa maririnig. Pumasok sila sa dressing room at umupo sa sofa roon.

                “She’s Hannah Fay Yamiro, my ex. Three years ago, iniwan niya ako. We broke up kasi ayaw kong sumama sa kanya sa Japan. You know how dedicated I am to show the world that Filipino products are best choice. I can’t do my vision if I go with her so she left me.”

                   Naalala ni Christel nang sabihin din nito sa kanya iyon. They shared the same vision in business. Nakakalungkot na na-dumped pala ito ng isang babaeng hindi ito kayang unawain. “Gaano kalalim iyong relationship n’yo noon?”

                Niyakap siya nito. At humilig siya sa balikat nito. “Do we really have to talk about it? Ayokong masaktan ka, Christel.”

                “Usapang magkatropa, higit sa mag-boyfriend ito. Naku-curious ako sa kanya.  Kasi kung papatulan ko ang nakita ko, mukhang di pa siya nakaka-move on sa’yo.”

                Hinalikan siya nito sa noon a palagi nitong ginagawa pag humihilig siya sa balikat nito. “Wala na siyang magagawa ngayon kasi sa’yo na ako at matagal na akong naka-move on sa kanya.”

                “Sige na, sagot na sa tanong ko.”

                Napakamot ito sa batok. “Well, pumasok na sa isip ko noon na pakasalan siya. Hindi na nga lang kami umabot sa proposal ko kasi iniwan na niya ako. Alam mo Christel, iyong taong nang-iiwan kahit bumalik pa iyon, hindi na noon mabubura iyong sakit na iniwan nila sa taong naiwan. Sinabi ko sa kanyang totoo ang tag-line ng Senang Hati. I found my happiness here. It's you. At one point siguro inisip niya na may babalikan pa siya sa akin after niya akong iwan. And it was just a while ago when she learned that she’s gone wrong.”  

                  “Paano kung makipagbalikan nga siya sa’yo?”

                Alam naman niya ang sagot ni Phi Nat pero natatakot pa rin siya.

                “Once in my life, I loved her. Past tense.”  Tinitigan siya nito. “I love you in every single day and I always will. Present and future kita. Wala kang dapat ikatakot, Christel.  Hindi masisira ng isang ex ang pagmamahal ko sa’yo.”

                Niyakap niya ito. Christel wanted to believe in him. Pero isang bahagi ng puso niya ang natatakot. Paano kung may mabago sa pagbabalik ng ex nitong mukhang in love pa dito? Could she win the battle for his heart? Matapang na ba siya ngayon para ipaglaban si Phi Nat?
               

                WEEKS PASSED. Akala ni Christel na madaling kalimutan ang eksenang iyon ng ex ni Phi Nat.  Pero hindi. She became more curious about her to the point na hinanap niya sa internet ang tungkol dito. That ex of her present is just someone like her... young millionaire and an achiever.  Sa kakahanap niya ng information tungkol kay Hannah Fay ay dinala siya sa searches sa mga lumang post sa blog ni Phi Nat. There were lots of pictures of them when they were together. At may mga videos pa.

                Hindi alam ni Christel kung shunga lang ba talaga siya o masokista lang. Pinagkatitigan pa niya ang mga iyon at pinanood ang mga videos kahit alam niyang makakaramdam lang siya ng selos. Those were evidences of good relationship indeed. Hindi maintinidihan ni Christel ang sarili. Kay Phi Nat na mismo nanggaling na wala siya dapat alalahanin dahil past is past. Pero hindi niya maiwasang i-compare ang sarili sa ex nito.  By reading all the post in blog of Phi Nat, alam niyang minahal ito ni Hannah Fay noon. At hindi iyon madaling pantayan.

                Umiling siya.  I have to stop this. I have to stop hurting myself.  She closed the tab and just opened her email. Kinabahan siya nang maka-receive ng email mula kay Hannah Fay.

                Hi, Miss Christella. I hope in a way that you know me. Don’t worry, this message will not gonna ruin what you and Phi Nat has. I wrote this letter for you not to worry about me anymore. Babae din ako, kung ako ang nasa tayo mo, magkakaroon din ako ng fear sa pagbalik ng ex ng taong minahal ko.

                I want you to know na hindi ako andito para guluhin kayo. Gusto ko lang na malaman mo kung gaano ka kaswerte na minahal ka ni Phi Nat. He’s always a proud person. Hindi siya mahihiyang ipaalam sa tao ang nararamdaman niya sa’yo. Yes, he used to blog about me... but when I read his posts about you... those are way different. The way he looked at you that night was far better than he used to when we were still together. Minahal ko siya, kilala ko siya. I think, he’s more than in love with you.

                Nakakainggit ka. He never sang a song live in front of people just to surprise me. But with you, he did it... sa national tv pa. He cared about you more than he did to me. Sinabi niyang ikaw ang happiness niya. He never saw me as his happiness before. Kaya alam ko, Christella, mas mahal ka niya kesa sa akin. Kaya kahit ano sigurong gawin ko, hindi ko na siya mababawi.

                May mga pakiusap ako sa’yo. Wag mo siyang sasaktan. He was yes a tough one but he also has a fragile heart. Nang iwan ko siya, gumuho ang mundo niya. Naduwag akong ayusin ang gulong ginawa ko... hinayaan ko lang siyang masaktan. Wag mong uulitin ang ginawa ko.

                Mahalin mo siya ng buo at tanggapin mo ang mga bagay na kaya at di niya kayang ibigay. Suportahan mo siya sa mga gusto niyang gawin at wag mong kakalimutang iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Iyon ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kabila ng pagbibigay niya ng buong buhay niya sa akin. And I reget those things... If only I could turn back the time, I will love him more than I did. But I already lost my chance...

                Tears fell from her eyes out of too much emotions. Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Hannah Fay dahil hindi na ito pwedeng mahalin ni Phi Nat... dahil nasa eksena na siya. Ganon nito kamahal ang boyfriend niya. Bagay na hindi siya sigurado kung kaya niyang pantayan.  Hindi niya kaya ang ginawa nito. Kung magpapalit sila ng sitwasyon ni Hanna Fay, hindi niya kayang sumulat sa taong piniling mahalin ng mahal niya. This girl was so brave to send that message to her.

                Fear covered Christel’s heart. Paano niya papantayan ang pagmamahal na iyon? Am I enough for him? Does he deserve me at all? She felt bad for herself ngayon pinagdududahan niya ang sarili. Hindi siya confident na tamang pinili siya ni Phi Nat over sa selfless woman na ito.  Plus the fact na alam niyang minahal din ito ni Phi Nat dati... buong-buo. Walang pagkakaiba sa pagmamahal nito sa kanya.

                Nagsimula siyang mawalan ng kumpyansa sa relationship nila. Kaya ba niyang maging mas deserving para kay Phi Nat? Paano? Lalabanan ba niya ang sariling takot o palalayain na lang niya ito para mapagbigyan ang ex nitong labis na nagmamahal din dito? She found herself lost at that moment. 

                Her phone rang. Phi Nat was calling. Pinawi niya ang luha at sinagot ang tawag.

                “I’m on my way. Mga fifteen minutes na lang andyan na ako sa bahay n’yo,”  Phi Nat happily announced.  

                “O-okay. Ingat ka sa pagmamaneho ah,” sagot niya sa medyo garalgal na boses dulot ng pag-iyak.           

"Hey, bakit ganyan ang boses mo? Are you crying? Is there something wrong?" he worriedly asked.

Huminga siya ng malalim para pigilang mapaluha uli. "Phi Nat, we have to talk about something."

"You're making me worried. Andyan na ako. Few minutes more okay? I love you."

I do too. She hang up and wasn't able to reply when tears felt from her eyes again.

Hindi siya sigurado kung tama ba ang desisyon niya pero alam niyang dapat niyang harapin ang sitwasyon. Pinawi niya ang sariling luha at inihanda ang sarili. Bigla siyang kinabahan nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya at nasundan iyon ng marahang pagbukas.

Pumasok si Phi Nat na agad na yumakap sa kanya. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. He moved a little to gaze at her.  That pair of expressive eyes never failed to show how much he loves her.

I'm sorry my blogger prince but I think this is the best for us. Alam ni Christel na dapat ay sinisimulan na niyang kausapin ito pero sa halip ay napaiyak lang siya. Lalo lang ding bumakas ang pag-aalala sa mukha nito.

"Tell me what's wrong."

"Sorry, hindi ko lang alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang, nasasaktan ako."

"Saan? Bakit?"

Huminga siya ng malalim. "Hannah Fay sent me an email."

Napakunot ang noo nito. "Don't mind her. Kung anuman ang sinabi niya sa'yo para umiyak ka ng ganyan, hindi mo iyon dapat paniwalaan. Ikaw at ako lang ang relasyon natin. Hindi siya kasali. Sa akin ka maniwala."

Umiling siya. "No, it's not as simple as it is." Kumalas siya sa yakap nito. She grabbed her laptop and let him read the email.

Pinagmasdan ni Christel si Phi Nat habang nagbabasa. Sa simula ay halos walang emosyong mababasa sa mukha nito ngunit pagtagal ay unti-unting nakaaninag siya ng lungkot at hurt feeling.

"I never doubt your love for me, Phi Nat. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na may taong magmamahal sa akin ng tulad ng ginawa mo. Ibinuhos mo ang buhay mo para sa negosyo natin, para mas mapatatag ang relasyon natin...para sa pagmamahal mo sa akin.  And I'm very much thankful na naging boyfriend kita. Mahal na mahal kita. Everything is perfect and it's more than I wish for."

"Maniwala ka man o hindi, ngayon lang ako nagmahal ng ganito sa'yo lang." Binalingan siya nito. “I’m sorry that this email is hurting you, Christel.”

"When I received that email from your ex, I thought galit siya or aagawin ka niya. But no...this girl loves you like I do or maybe more than I can. She was so brave to tell me those things na tanging nagmamahal lang ng totoo ang kayang gumawa. Sa tingin ko, naging biktima lang kayo ng wrong timing sa love. Iyong tipong right love, wrong time."

               Hinawakan ni  Phi Nat ang kamay niya at mataman siyang tinitigan. "Nasabi ko na sa'yo na hindi mababago ng ex ang pagmamahal ko sa'yo. Everything between me and Fay are all in the past. I didn’t feel the same way now. I feel sorry na ngayon lang niya na-realized ang worth ko. It’s very much too late."

"Para sa'yo, oo. Pero sa tingin ko, hindi pa  siya handang kalimutan ka."

"Problema na niya iyon. Bakit kailangang madamay tayo? Ayoko ng pinatutunguhan ng usapan na ito!" Tumayo ito. He looked a bit frustrated. "Wag mong sabihing iiwanan mo ako, at itatapon pabalik sa kanya? For damn sake! Hindi pa ba malinaw na pinili kita? Na wala na akong pakialam kahit ano pa ang malaman ko tungkol sa kanya?"

"Pinili mo ako. Pero deserve din niya ang chance na mapili mo.”

                “What the hell are you talking about?” he shouted. Then few seconds more he sighed at mas kalmado na nang muli siyang balingan. “Why do I have this feeling that I’m about to lose you? Are you giving up? May nagawa ba akong mali?” Nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Lumuhod ito sa harap niya at hinawakan ang kamay niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama. “Please, don’t do this to me, Christel. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magkaganito.”

                She sincerely looked at him. “Remember the song that brought us together?”

                “Dream About You.”

                “When you love someone, you got to learn to let them go.” Umiling ito tanda ng pagtutol pero desidido na si Christel. “Sana maintindihan mo na kaya ko ito ginagawa kasi mahal kita. That song taught us how a selfless love shall be. You are a great person. Sa sobrang buti mong tao, dalawa kaming nagmamahal sa’yo ng buo. Hindi kita kayang ipagdamot sa taong alam kong mahal na mahal ka din.”

                “Hindi ko makita ang sense nito sa relationship natin.”

                Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay. “Gusto kong makapagdesisyon ka ng malaya.  Choosing me because I’m your present is not a genuine decision. Gusto kong magdesisyon ka dahil ang taong pinili mo ang bubuo ng buhay mo ng walang regrets. Pareho lang kami ng gusto. Ang maging masaya ka.  Gusto kong makapagdesisyon ka ng walang guilt na nararamdaman na baka masaktan mo ako. Decision ko ito.”

                “What the hell do you want me to do?” may halong galit na sambit nito.

                “I’m giving you time to come up with the most sensible decision. Talk to her. Give her the chance to be heard. Then think about what your heart really wants.” She kissed on his lips and went back gazing at him. “I’ll just be here. I’ll wait.”

                Umiling. “Don’t. It will hurt you if I never come back. Katulad ng mga taong nang-iiwan, ang mga taong nang-let go, hindi na rin dapat binabalikan unless the chance is worth it.”  Tumayo ito at walang lingong lumabas ng kwarto niya. She felt her heart shattered into pieces.

               
HINDI NA NAGING masaya si Christel after that incident. That was the last time she saw him. She knew it. She already lost him. At hindi na siya umasa. Dahil noong mismong araw na iyon ay sinabi ni Phi Nat na wag na siyang umasa. Sobrang sumama ang loob nito dahil akala nito madali niya itong binitawan. Kung alam lang nito kung gaano siya nasaktan sa decision niya.

 Hindi na nagpakita sa client meetings si Phi Nat. His father, Mr. Chrysler Canilao, represented him everytime they have business meetings. Alam niyang umiiwas ito.

                But despite of the heartaches and pains, life must go on.  Katulad ngayon, katatapos lang ng meeting nila with Australian distributors para sa products ng Canilao Foods. Nakatulala lang sa laptop si Christel habang unti-unting nag-aalisan ang mga tao sa conference room. She just saw a photo-blog from Phi Nat’s site. It has a title, “Letting go and Starting Over.”  There were two pictures: Picture nilang dalawa at picture ni Phi Nat at Hannah Fay. The latter seemed to be taken recently. Mukhang nagkausap na sila… and those smiles from their faces were hurting Christel’s heart. Walang ibang caption ang picture na iyon kaya lalong napaisip si Christel. Sino kaya ang ni-let go at kanino nito gustong mag-start over? But when she realized what he said the last time… Ako ata ang natalo.

                Great. Sinunod niya ang payo ng mga kaibigan na subukang buksan ang puso sa lalaki. Natuto siyang magmahal. At tulad ng pinagdaanan ng mga kaibigan niya, naging masaya siya sa love department. Pero ganon pala iyon, kailangang dumaan ka sa proseso. Dahil after niyang maging masaya, heto ngayon siya… dumadaan sa broken hearted phase. Well at least, alam ko na ngayon na tama ang sinabi ni Bamboo sa kanta niya. Sa una lang daw masarap ang pag-ibig. Dahil pag nagtagal, bibigyan mo ang taong minahal ng samu’t saring dahilan para mahalin ka at saktan ka. Hindi mo iyon pwedeng isisi sa iba dahil ikaw ang nagmahal.

                “Christel…”

                Napaangat siya nang tingin at ang ama ni Phi Nat ang nakita  niya. “Tito, akala ko po nakalabas na din po kayo.”

                “I’m about to leave when I saw you… with that sad eyes…”

                Pilit siyang ngumiti. “I think I hurt your son so much and broke his heart.”

                Umupo sa tabi niya si Mr. Chrysler. “Mukhang ikaw din naman, nasasaktan. Alam mo anak, pag nagmamahal akala natin basta nakapagsakripisyo tayo para sa taong mahal natin ay tama na tayo. It’s not about being right or wrong. It’s about being happy or not. Sabi ng anak ko, pinamigay mo daw siya sa ex niya at hindi niya maintindihan ang dahilan mo. And he blamed himself for a while. Naglasing siya at naospital na’t lahat, tinatanong pa rin niya kung saan siya nagkamali sa relasyon n’yo. I said the same thing. Being happy. Iyon ang isipin niya, sabi ko.”

                Tinuro niya ang picture. “Sinunod po niya ang payo n’yo. I think he’s happy now. Thank you, Tito. Sa maikling panahon, naging second dad ko na kayo.” She gave him a hug for a father.

                “The story is just about to begin, dear. It’s not late to claim your happiness.”

                She nodded. “Sana nga po. See you this weekend, Tito.”  There will be a party for Canilao Group of Companies and the Karisma Band will be their guest performer.

                Later that day she decided to go out from her office. Pupunta siya sa Kofi Cups malapit sa Pontez Media.  She needed a cup of coffee and a talk with her trusted buddies. She grabbed her phone at nag-text siya sa mga kabarkada.

 Let’s meet at Kofi Cups near Pontez Media. May problema ako. Pag di kayo dumating, kukulamin ko kayong lahat!

                She grinned when she received confirmation replies from everyone. Papalabas na siya ng Arevalo’s Building nang makasalubong niya si Phi Nat sa lobby. Saglit silang nagkatinginan. I miss you so much, Phi Nat.  Gusto sana niya iyong isatinig pero hindi niya magawa. Takot siya sa magiging reaction ni Phi Nat.

                Tumango lang ito sa kanya.  She did the same. Bigla itong tumalikod at akmang lalakad na palayo nang tawagin niya ito. “Phi Nat...” Huminto ito pero hindi ito lumingon. “Sorry for all the pain that I did. Nasa huli nga siguro ang pagsisisi. Tama ang tatay mo, it’s not about being right and wrong. Iyong happiness at the end ang importante. Alam kong nakapagdesisyon ka na pero gusto ko pa ring magbakasakali. Kapag sinabi ko bang ikaw ang gusto kong maging happiness at the end ko, may pag-asa bang bumalik ka sa akin?”  

                Muli itong humarap at lumapit sa kanya. “Sorry, Christel...” That line broke her heart. “But I’m not Philip. I’m Coco.” Pagkatapos noon ay naglakad na ito papalayo sa kanya.

                She can’t believe it. Alam niyang si Phi Nat ito at hindi si Coco Nat. Impossible na magkamali pa siya. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin? Hahabulin sana niya ito para i-confront nang makita niyang hinabol ito ng isa sa accountant ng Arevalo Trading.

                “Sir Phi Nat! May nakalimutan po kayong pirmahan!”

Kita niyang pinirmahan nito ang hinabol na document ng empleyado niya bago ito sumakay sa kotse nito. That confirmed that he  really just lied to her face a while ago. 

                “BAKIT? GANON BA kalaki ang galit niya sa akin para sabihin niyang si Coco siya?” tanong ni Christel sa mga kaibigan. Ikinuwento niya sa kaibigan ang lahat. Ang planong coffee out ay nauwi sa pribadong heart to heart talk sa bahay nina Limien at Hamiel, still with cups of coffee and wafers.

                “Malamang!” korong sagot ng lahat.

                “Nagkamali ba ako?”  Umiling naman silang lahat. “Eh bakit ganito?”

                “Christel bebe, baka naman hindi pa ready si Phi Nat na harapin ka,” sabi ni Hinaro. “Kahit lalaki kami, naduduwag din kami.”  The guys nodded. "Iyang si Cielo, perfect sample!"

                "Ako naman ang nakita! Pero tama kayo," pag-sang-ayon ni Cielo.

                “Or maybe he’s too guarded. Pag mahal kasi ng lalaki ang babae, naroon iyong feeling na mas gugustuhin pa naming lumayo wag lang masaktan iyong taong mahal namin,” Hamiel added.

                “At epic fail iyon minsan,” side comment ni Limien. “May mga bagay kasi na akala ng mga boys iyon ang tamang gawin. Pero eventually, it will end up na sa halip na maprotektahan tayo, lalo pa tayong direktang nasasaktan.”

                “Teka lang, di ba ikaw ang unang nag-let go sabi mo?”  tanong ni Dana. “Eh di kasalanan mo. Para ka na ring nakipag-break kasi.”

                "Ang hard!" side comment ng lahat.

                “Hindi ako nakipag-break sa kanya. Binigyan ko lang siya ng time para pag-isipan kung sino ba sa amin ni Fay ang talagang gusto niyang makasama,”paliwanag niya.

                “Break up ang ibig sabihin niyan sa amin,” Doc Geo said.   

                “Ganon?” tanong niya. And the boys just nodded.

                Napaiyak na tuloy si Christel. Malay ba niya na break up na pala iyon. “I’m lost. Wala na ‘to. Laslas pulso na ito! True love na, nawala pa. So ang ibig sabihin ng blog post niya, he’s letting me go at mag-start over na siya with his ex?”

                “Only Phi Nat can answer that,” Cielo said. Hindi na nila napigilan nang mag-dial ito sa phone at tawagan si Phi Nat. Sinenyasan nito sila na wag maingay at inilagay nito ang phone sa loud speaker mode. After three rings ay sumagot na ito. “Pare, mahal mo ba si Christel?”

                Kinabahan si Christel kung ano ang isasagot nito. “Oo, bakit? Do you have any problem with that?”

                Christel heart skipped. Phi Nat still loves her! And that means... she won the battle.

                “Yes. My wife cancelled our honeymoon trip to Macau because Christel is crying so hard! Beastmode ako, pare!” biro ni Cielo.  

                  “Then, good for you! Wag na siyang umiyak, sabihin mo sa kanya pare. Siraulo lang talaga ako. It’s all my fault.”

 Christel noticed na parang iba ang tono ng boses nito. Boses nakainom...parang lasing na ata.

“Tell Christel, she’s still the most sensible decision I ever had in my entire life. Hannah Fay is certainly out of the picture after she had couple of dates with the guy she met at Senang hati that night named Benson Sandoval. Hik! Oops, sorry.” 

“Hoy, naglalasing ka ba?” Hindi na napigilan ni Christel na sumabat.

“Oh, hi my rakista chic! I’m sorry for being a jerk a while ago. Nabigla lang ako kaya sinabi kong ako si Coco. Si Philip Nathaniel talaga ang kausap mo kanina. And I was a jerk...and you’re eyes are so lovely.  Don’t worry, my friends are giving my punishment right now.”

Confirmed lasing nga ito.  Kalat-kalat na ang sinasabi. “Sinong friends? Anong punishment?” Allergic ito sa alak. Baka hikain na naman ito.

                “I have here scotch whisky, vodka, and brandy!”

                Nagkatinginan silang magkakaibigan. “I think I shall go where he is,” Doc Geo said.  “And bring an oxygen tank for medical rescue.”

                “Sama kami!” Hamiel and Hinaro said.

                Tinanong na rin ni Cielo kay Phi Nat kung nasaan ito.   

                “Sasama rin ako,” sabi ni Christel. Nag-aalala siya dito. The last time itong naglasing ay naopspital ito ayon sa kwento ng ama nito. Pag nagkataon, hospital na naman ang ending nito due to asthma attacks brought by too much alcohol intake.

                “Wag muna. Lasing iyon, hindi ito ang tamang panahon para mag-usap kayo,” sabi ni Limien.

                “True. Let the guys handle this,” sabi naman ni Dana.

                "Okay sige. Boys kayo na ang bahala." Pumayag na rin si Christel. “Thanks, Cielo.” 

                “Beastmode pa rin ako dahil na-cancel ang honeymoon trip namin dahil misis ko ang nakabasa ng text mo,” natatawang hirit nito. “Mas love ka ng asawa ko kesa sa akin.”

                “Peace!” She even did the peace sign. “Pasabi kay Danica, love ko din siya.” Cielo just rolled his eyes.

                “Hey! My rakista chic! My Christel, I love you so much! Say you love me, too!” narinig nila over loudspeaker call.

                “Si Cielo ‘to, pare! Siraulo!”

                They laughed. Parang nabunutan ng tinik sa puso si Christel. Mahal pa rin siya ni Phi Nat. At alam niyang pagkatapos ng lahat ng ito ay babalik din sa kanya ang blogger prince niya. And once he did, she promised herself that she will never let her happiness go.


                CANILAO Group of Companies party. Karisma Band was already in the venue and preparing themselves for a night of party. Christel’s make-up was already done. Inaayos na lang ng stylist niya ang kanyang buhok. Nakasimangot lang siya. She waited for Phi Nat for the past few days. Nahulasan na si Phi Nat sa pagkalasing and such pero wala ni anino nito ang nagpakita sa kanya. That made her think na nasabi lang siguro ni Phi Nat iyon dahil lasing ito. Baka umaasa na naman siya sa wala. Hopia na talaga ang peg ko.

                Hindi na rin siya umaasang makita ito sa party. Mas magaling nang wag umasa kesa ma-disappoint. Kung maaayos pa ang relasyon nila, magiging masaya siya. Kung hindi na ito makikipagbalikan, masaya na rin siyang nalaman na minahal siya nito ng totoo. Lipas na ang drama season niya. Ang gusto na lang niya ay... Ano nga bang gusto kong mangyari?  She sighed. Oo na, gusto ko na siyang makita, mayakap... mahalin.  

                “Guys, eto na iyong changes line up natin. Bale iyong sequence ng mga songs lang ang napalitan.” Namigay ng playlist copies si Richael.

                Napangiwi si Christel.  “Kailangang first song natin ang Dream About You? Hindi ba pwedeng sa huli na lang ito? Pag wala ng tao?”

                Her bandmates just laughed at her.

                “Nakikita ko ang old self ko sa’yo, Christel. Wag ganon! Kaloka ka,” hirit ni Dana.

                “Don’t worry mahal ka noon. Naumay nga kami sa pagmamahal niya sa’yo e,” dagdag pa ni Hamiel.  

                “Ay naku, echos iyan. Hindi ko ma-feel iyang chever na iyan!”  

                “Eto ipapa-feel ko sa’yo!” Ibinigay ni Richael ang isang bouquet of flowers. “Pak! Ang haba ng hair.” 

                Nagulat siya. Kinuha niya ang nakasipit na card sa bulaklak.

                My Rakista Chic,
                                Make your boyfriend proud tonight! I love you so much. We’ll see each other again. Just wait.

                                Your Blogger Prince

                Napangiti siya. “Nasaan siya?”

                Richael just grinned. “Secret!”

                “Ang bad n’yo! Andito ba siya? Ilabas n’yo ang blogger prince ko!”

                “Mamaya na iyan, on stage na kayo. Dali!” pag-iiba ng topic ni Richael.
                Masayang lumabas sa stage si Christel. Sa tagal niyang naging lead vocalist ng banda, nasanay na rin siyang humarap sa crowd. Confident na siya. Sabi nga ni Phi Nat, she should make him proud tonight. At gagawin niya iyon. Isinakbat niya ang gitara at inihanda ang sarili sa first set.  She was about to greet the audience nang biglang marinig niyang tumugtog na ng gitara si Hamiel. Hindi iyon ang first song nila at hindi niya kabisado ang kantang iyon. They didn’t even practice that one. Nagtatakang nilingon niya ang mga mga kabanda. Nakangiti lang ang mga ito.

                Until she heard a familiar voice.

“Oh don’t you dare look back. Just keep your eyes on me. I said,  you’re holding back. She said, shut up and dance with me! This woman is my destiny. She said, ooh ooh ooh, shut up and dance with me...”

Hindi siya pwedeng  magkamali. Boses iyon ni Phi Nat.  Gets na niya. Na-set up na naman siya ng isang modern harana. Nag-dimlight ang buong lugar at isa lang ang nakita niyang  maliwanag. Sa dulo ng crowd audience ay may nakita siyang led balloon na G-clef shaped. Papalapit sa kanya ang may hawak ng balloon. Hindi na niya kailangang manghula. Alam niyang si Phi Nat iyon. Hanggang sa biglang may spotlight na nagliwanag sa harap niya. Phi Nat was revealed by the light, holding the balloon and lovingly gazing at her while singing...

“We were victims of the night. The chemical, physical, kryptonite. Helpless to the bass and the fading light. Oh, we were bound to be together... bound to be together...”

The song Shut Up and Dance was making the crowd into happy mood. Mukhang buong Canilao Group of Companies ay may participation sa mob harana na ito.  Umabot muli sa chorus ang kanta umakyat na si Phi Nat ng stage.

Iniabot nito ang led balloon sa kanya. At muli siyang tinitigan. She just can’t take her eyes away from him.

“A backless dress and some beat up sneeks. My discotheque, Juliet teenage dream. I felt in my chest as she looked at me. I knew we were bound to be together, bound to be together...

He held her hand and motioned her to look at the crowd and she was surprised. Staffs of Canilao Group of Companies were holding glow in the dark balls that formed a remarkable question, “Will you marry me, my rakista chic?” 

She felt her heart jumped out from her chest. Is it real? Inaalok na nga ba siya nito ng kasal? Hindi siya makapaniwala. Para siyang nananaginip.  Binalingan niya si Phi Nat at muling tinitigan. Are you real?  Dahil sa mga oras na iyon parang hindi ito totoo. Pero kung panaginip ka, bukas mo na lang ako gisingin... magpakasal muna tayo.  

“Deep in her eyes, I think I see the future. I realize this is my last chance. She tool my arm, I don’t know how it happened. We took the floor and she said... Oh don’t you dare look back. Just keep your eyes on me. I said,  you’re holding back. She said, shut up and dance with me! This woman is my destiny. She said, ooh ooh ooh, shut up and dance with me...”

                Then the band continued to play a background rhythm of the same song. Phi Nat held her hand.              “Christel... the long wait is over. Alam ko, ang tagal kitang pinaghintay. Kung tinuruan ka ng relasyon natin na magmahal in a selfless way, tinuruan naman ako ng relasyon natin na maging patient. Because all I want is to be your right love at right time. Kaya hinintay ko ang tamang panahon kung kelan hindi na magulo ang isipan mo at handa na akong maging karapatdapat sa'yo.

                Sinunod ko ang gusto mo dahil mahal kita. Kung anuman ang gusto mo, buong puso akong susunod. Pero hindi ko na rin kinaya ang lungkot na nadagdagan pa ng guilt nang malaman kong hindi ka na naging masaya nang bumitaw ka sa akin. Sorry if I talked to you while drunk the last time. Pero kahit may tama ako noon, alam ko lahat ng sinabi ko at lahat iyon ay sincere.

                Andito na ako Christel. I already let go my ex and thanks to you na-save pa namin ang friendship. Now I'm taking my chance to start over with you."

                Huminga ito ng malalim na parang kinakabahan at saka muling tumitig sa kanya. Love was reflecting in his eyes. "Sa harap ng buong Canilao Group, ng Karisma Band, ng kapwa ko team backstage, ng buong pamilya ko at ng pamilya mo... Christella Azel Arevalo, will you marry me and start over? "

Tears of joy covered her heart. "Can I hug you first before I give my answer?"

He joyfully open wide his arms agad siyang yumakap dito and whispered. "Alam ko na ang definition ng love. It means, Philip Nathaniel Canilao. Thank you so much for coming into my life." Kumalas siya sa yakap nito. pareho na silang umiiyak. Halos magkasabay nilang pinawi ang luha ng isa't isa at sabay din napatawa.

"Ano na? Lahat naghihintay ng sagot," he said over mic.  May kinuha ito sa bulsa.  In a snap ay may hawak na itong singsing. "Will you be my Mrs. Canilao?"

"Yes, my blogger prince. I will marry you!" Kinabig siya nito at hinalikan.


The crowd cheered.  And the band managed to make the scene more hyper as Hamiel sang a part of the song again.  Another love story was created at Senang Hati. Another proof that love is indeed magical and that music lounge is really a place to find someone's happiness.



      PREVIOUS 

Comments

kiz said…
Waaaaaaaaaahh.. ate Melai. kahit kelan ka, sa isang chapter, napakilig moko, napaiyak, at napasaya ng bongga. Ituloy na ang honeymoon namin ng mister ko sa Macau <3 <3 <3
Angel Jang said…
waaaahhh grabe ganda pinaiyak mo naman ako miss melai (marissa tiquis babayev)...
Ang ganda nang stories npasaya npa iyak ako..i like it..
Hannah Fay said…
Ateee! Hindi pala na-post yun una kong comment. Hahaha! Kiligmats sa modern harana. ♥️♥️♥️
Khate Juanzo said…
You're really the best ate Melai!😘 I'm thankful isa ako sa mga nakabasa ng masterpieces mo😭😭 so great

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…