Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Love On, My Rakista Chic- Part 3



“Ikaw talagang niyog ka!” Binato ni Phi Nat ng nadampot na tsinelas ang tatawa-tawa niyang kakambal nang sa wakas ay nakita niya ito at saktong hindi na niya kasama si Christel. Tapos na ang tour nila sa buong Hacienda Canilao Farming Facility at Resort pati ang meeting with his twin. Sa meeting palang kanina ay nangangati na ang kamay niyang batuhin ito sa kalokohang ginawa nito. Sigurado siyang ito ang naglagay ng Twerk It Like Miley video niya sa kotse niya. Ito kasi ang huling gumamit ng sasakyan bago niya iyon gamitin. It was consequence out of their silly bet games. Natalo siya kaya napasayaw siya ng Twerk It Like Miley. Wala siyang intension na ipakita iyon kahit kanino lalo na kay Christel. Pero itong talipandas niyang kapatid... ang sarap gawing gata!

               “Easy, bro. I just did a favour and of course tamang ganti na rin. Muntik na akong mabasted ni Victoria dahil sa halip na Forevermore ang music na pina-play mo sa mall e  naging Akin Ka na Lang. Akala tuloy niya niloloko ko lang siya. Now we’re quits!” Coco grinned. “Malay mo naman, after seeing you dancing sexy, magkagusto na siya sa’yo.”

                “I don’t want it that way.”

                Coco offered him a glass of fresh buko juice and took his own.  Kasalukuyan silang nasa kusina ng  main house ng Hacienda. “So, finally! Nakakita ka na rin ng pam-forevermore mo.”


                “Baduy mo, bro!” They laughed. “I don’t know. I just want it to be a little slow. May nase-sense kasi ako sa kanya. Parang di siya interesado sa relationship.”

                “May babae bang ganon? Ang alam ko kasi ang mga babae, kinikilig ang mga iyan sa mga gwapong mukha tulad natin, natutulala sa abs na meron tayo, at natutuwa sila pag nagpapa-cute tayo.”

                “Well, si Christel, napapatawa ko siya pero iba e. Para siyang may baong Great Wall of China sa pagitan namin. According to my sources, she never had any guy involved in him romantically.”

                “No more. She’s involved with you... because of you. Mas maswerte kang ikaw ang first guy niya.”

                “Paano kung di ko magawa iyong gusto niya sa relationship? I don’t even know how to make her notice me. She’s different. Mahirap siyang ligawan.”

                His bro tapped his shoulder. “You’re a guy, bro. We have the charm to make a woman fall in love with us.  I wish you luck, bro.”

                Napainom siya ng fresh buko. May point ang kakambal niya. In the first place, bakit nga ba masyado niyang iniisip ‘yon?

                “Magaling kang magluto. Ipagluto mo kaya siya. Idamay mo kami ni Vicky ah,” sabi nito sabay alis ng kusina.

                Napailing na lang siya. Well, suggestion taken.  Nag-iisip na siya ng pwedeng lutuing hapunan nang pumasok ng kusina si Christel.

                “Phi Nat? Or Coco?” alanganing tanong ni Christel nang mapatingin siya sa pinto ng kusina.

                He grinned. “Who do you think I am?” He looked at her in his most loving way.

                In return, Christel came near him and looked at him intently. “You’re Phi Nat.”

                “Paano mo nasabi?”

                “I believe Coco will not talk to me like that.”

                He laughed. “Ang babaw naman ang justification.”

                Tinawanan din siya ito. “In fairness, magkamukha talaga kayong dalawa. Nakakaloka kayong tingnan,” she said.

                “You’ll get used to it. Lalo na kung sasagutin mo na ako,” biro niya. Pinandilatan siya nito. “Ng deal sa business proposal ko.”  Hindi na naman ako makalusot.  

                She smiled. “Anong meron sa dinner?”

                Saka lang niya naalala na magluluto pala siya. “I plan to cook. Anong gusto mo?” He smiled.


                IKAW ANG GUSTO ko. Ay ano ba iyan, Christel? May sanib ka na naman ni Limien? Christel remained smiling at him while trying to let go of his image dancing sexy in her mind. Kung bakit ba naman kasi ang lakas ng impact noon sa kanya. “I have a better idea. Let’s cook together.”

                Then they did. Habang nagluluto ay di maiwasan ni Christel na silip-silipin ang katabi. She was cooking some veggies while Phi Nat was cooking a beef dish.  He seemed to be serious in his cooking stuff, a pogi points for her. Big plus ang lalaking magaling magluto para sa kanya. Her heart skipped. Bakit nga ba uli ako andito? For now she felt like he was the reason why and not business. Iyong tipong  parang may kung ano sa puso niyang nagsasabing hindi masama na bigyan ng chance ang lalaking ito na makapasok sa buhay niya.

                Naramdaman na ata ng binata na nakatitig siya dito kaya bigla itong napatingin sa kanya. Too late na para umiwas ng tingin dahil caught in the act na siya.

                “You’re staring at me,” Phi Nat said in his sweet voice na parang may halong kilig. “That’s nice.”

                Lalo lang tuloy lumakas ang kabog ng puso niya. “Don’t flatter yourself, Mr. Canilao. Napatingin lang ako, hindi ako nakatitig sa’yo,” palusot niya.

                He just lovingly stared at her. “Okay lang naman na titigan mo ako. Pero mas maganda kung nakatitig din ako sa’yo para quits at mas sweet.”

                Ganito ba ang pakiramdam ng mga characters sa paperback novels? Bakit di ko maalis ang tingin ko sa gwapo mong mukha? Natatakot na si Christel sa nangayayari kaya kahit ayaw niya pang umiwas ng tingin ay pinilit niyang gawin. “Masusunog ang beef mo pag di mo pa binalikan iyan,” sabi na lang niya sabay patay ng gas stove. Okay na ang niluluto niya.

                “Hindi talaga ako makalusot sa’yo ano?”

                “Suko ka na?”

                “Ako pa? I’ll wait until you’re ready. Basta ang mahalaga, alam mong gusto kita at andito ako para sa’yo.”

                “Bakit ang prangka mo tungkol dyan?” She felt her heart melted with those sweet words.

                “Nabisto mo na ako sa viral video. Ide-deny ko pa ba iyon sa’yo?” Phi Nat went to the ref and got some spices.  “Wala namang masama. Single tayo pareho, pwede naman tayong magligawan.”

                Silence took over for a while hanggang sa nag-change topic na sila. “Phi Nat?”

                “Hmm?” nakangiting binalingan siya nito.

                “I heard that Danica Urbano’s show wants to interview you. Why do you keep on turning them down?” Alam niya iyon dahil si Danica mismo ang nagkwento sa kanya. Tumatanggi nang paulit-ulit itong si Phi Nat sa interview.

                “Oh, that one?” Umiling ito at nakangiting binalingan siya. “Kung merong first time sa mundo, meron ding right time. If I’m going to show up on a national tv show, it will be something worth it...”

                “Ah...” She nodded.

                “With you.”

                “Huh?”

                He showed off his sweetest lovely smile. “It will only be worth it if I’m with you.”  

Napatumbling ata ang puso niya sa sinabi nito. Para umiwas sa usapan, kumuha siya ng bowl at sumandok ng gulay na niluto niya. “Nagugutom na ako. Ihain ko lang ‘to ha. Sumunod ka na.”

 Pagkatapos ay inilagay niya ang niluto sa dining table kasama ng iba pa nilang naunang lutuin. Ang konting distansya niyang iyon kay Phi Nat ang tumulong sa kanya para maunawaan ang sarili. Mukhang ilang araw pa lang, nagugustuhan na niya ito. She was in the middle of thinking if she will let him court her or not when her phone rang. Dana was calling.

                Lumabas siya sa garden sa tabi ng kusina. Right timing ang tawag ni Dana. Kailangan niya ng matinong advice.

                “Christella Azel Arevalo!!!” Dana exclaimed as she answered the call.

                “Stress ka na naman ba at buong-buo na naman ang pangalan ko, Danielle Ahne Ferrer?” patol niya.

                “Kinidnap niya ako.”

                “Sino? May nakikidnap bang nakakagamit ng phone?”  Napailing siya.

                “I mean, si Golen, kinidnap niya ako tapos dinala niya ako sa Enchanted Kingdom. You know how special that place to me and it feels like...Oh my God! I think I’m in love again!”

                “Mabuhay! Wala ng reyna ng bitterness!” biglang sabat ni Cielo. Conference call pala iyon.

                “Siraulo!” sabi ni Doc Geo at Hamiel.

                “Masisiraan na nga ata ako ng ulo,” sabi ni Dana. She really sounded like she’s in trouble. Walang pinagkaiba sa nararamdaman niya.  “Guys, anong gagawin ko?”

                “Let it happen, Dana,” sabi ni Christel. “Hindi masamang magtiwala uli. Malay mo, siya pala ang kailangan mo para makitang hindi lahat ng lalaki ay katulad ng gago mong ex.”

                “Agree!” sabi ng lahat.

                “Hashtag Hugot ka, Christel bebe. By the way, okay ka lang ba dyan sa Hacienda Canilao?” tanong ni Hinaro. Biglang napunta sa kanya ang usapan.

                She sighed. “Sabihin nating parang pareho ata kami ng problema ni Dana ngayon.” She never lied to her set of friends. Proven na kasi na solid ang pagkakaibigan nila.  At alam niyang makakakuha siya ng advice sa mga ito.

                In her mere surprise, tumili si Dana at napapalatak ang mga boys. “Finally, may lalaki na ding nakalagpas sa Great Wall of China na nakaharang sa harapan mo,” hirit ni Hamiel.

                “At yey! Dalaga na talaga si Christel!” hirit ni Cielo. Wala na talaga itong nasabing matino... Kailan nga kaya ito magtitino?

                “Hindi ko alam ang gagawin ko.”

                “Wala kang gagawin, hayaan mo lang siya. Go with the flow,” Doc Geo said. And everyone agreed. “Iyon ang gawin nyong dalawa. At pag niloko kayo o pinaasa ng mga lalaking iyan... si Hinaro na ang bahala.”

                “Oy bakit ako?” alma ni Hinaro.

                “Para magka-purpose ka naman,” Hamiel said.

                “Teka, kulang tayo. Hindi ko naririnig si Limien,” sabi niya.

                “Oh, nahihilo siya. Eto nakatulog na. Alam nyo na, confirmed. We’re having a baby!” masayang announcement ni Hamiel. “Tatay na ako!”

                Everyone congratulated him. Halata sa boses ni Hamiel ang saya. And Christel suddenly felt like she wanted to witness that kind of happiness too from her future guy.  Natapos ang usapang iyon tungkol sa guesting nila sa The Morning Talk with Danica sa susunod na linggo kung saan inihahanda na niya ang sarili kung sakaling madawit si Phi Nat sa itatanong sa kanya sa interview.


                THE MORNING Talk with Danica show started. More or less ay alam naman nila ang mangyayari dahil my briefing naman bago magsimula ang show at napag-usapan na din ng show at ng talent manager nila ang mga itatanong. Isa na nga doon ang tungkol kay Phi Nat. Ready na siya sa ma-showbiz niyang isasagot.

Bago sila umalis ng Hacienda Canilao ay nagkapirmahan na sila tungkol sa business venture. Alam niyang dahil doon ay magiging mas malapit silang dalawa. Pero ang bagay na iyon, mas gusto muna niyang hindi alam ng ibang tao. She wanted it to be private... very private. 

                Nagsimulang ang show sa pagkanta ng Karisma ng isa sa mga songs sa kanilang upcoming new album. Patikim kumbaga. It was followed by interview sessions about their new album at tungkol sa mga taong na-involved sa mga kabanda niya. Kasama na rin sa napag-usapan ang official announcement nina Limien at Hamiel about their baby. Save the best for last daw... kaya naman nag-commercial break muna bago siya usisain ni Danica for two reasons... dahil isa na daw siyang trending princess at kasabay niya ay nakilala ng publiko si Phi Nat bilang trending prince. Few minutes more, balik on set na sila. Kinakabahan siya. Baka makalimutan niya ang na-practice niyang sagot about Phi Nat issue.

                “Christella, for the past few weeks, you invaded the social media for a very good reason and was held as the trending princess of the year. How did you deal with it? Kamusta iyong adjustment?” tanong ni Danica.

                “I am surprised, I admit. Wala kasi talaga akong kaalam-alam na in just a snap, magiging viral topic ako online. We all know that the natural-born celebrities of Karisma are Hamiel, Limien and Cielo. So sanay akong nasa a little shadowed side of the limelight. Iyong okay lang na magkape ako ng walang security. Iyong kaya kong i-manage iyong crowd. Then after that trending pics, photos and articles, hindi ko na pwedeng gawin iyong mga ganon dahil dumami ang followers ko talaga,” she answered.

                “At iyon ay dahil kay Mr. Philip Nathaniel Canilao.” Danica added and she nodded.

                The crowd cheered. Medyo nagulat pa si Christella. Iba talaga pag gwapo. Pangalan pa lang ang nasabi ng host, tilian na agad. Paano pa kaya kung magpa-interview na rin si Phi Nat? Pero mukha namang hindi ma-showbiz ang lalaking iyon.  

                Danica faced the audience and told some short background about Phi Nat. “For those who haven’t know who is Philip Nathaniel, siya iyong nag-post ng trending video ni Christella in a kind of sweet way.” Binalingan siya nito. “Totoo ba na nagkita na kayo ng personal and you get along?” 

                “Yes we did meet each other and we are currently working for some business venture,” she happily said. Okay lang naman sigurong malaman ng mga tao iyon... Well, nasabi din naman iyon ni Phi  Nat sa blog nito.

                “Ang tanong ng netizens at ng karamihang andito sa studio, ano nga ba ang real score between you and Phi Nat?”

                The crowd cheered again. Ganon pala pag may ka-love team. Christel couldn’t believe this. Miminsan siya mag-comment o mag-tweet back sa mga post ni Phi Nat. Lahat iyon nabibigyan ng meaning ng mga tao kaya nag-lie low na rin siya. Kahit kasi smiley emoticon ang i-comment niya, mag-earn pa din ng mga comments na nagpu-push sa kanilang maging real life partner. Kung alam lang nila na hindi na niya kami kailangang i-push. Nahulog na ako sa kanya.  

                She smiled. “We’re good friends as of the moment.” Safe answer pero hindi pa rin bibiguin ang mga tao sa gusto nilang marinig. Golden rule nila sa interview iyon.

                Danica smiled and faced the audience. “Well, let’s see if ganon din ang isasagot niya sa tanong. Please welcome, ang pinakahihintay ng lahat,  the blogger businessman, Mr. Philip Nathaniel Canilao!”

                Christel heart skipped kasabay ng pagkagulat niya.  Ang sabi ni Phi Nat ay may aasikasuhin daw itong client noong araw na iyon kaya hindi niya naisip na mapupunta ito sa show. Lalong kumabog ang puso niya nang makitang andoon nga si Phi Nat at bigla na lang tumugtog ang mga kabanda niya.  Wait, anong nangyayari? Hindi ko ito alam!

                Phi Nat just smiled at her as he walked towards her direction. Natigilan na siya. Nagtilian ang mga fans nila sa audience.  And when he raised his hand with a mic and started singing,  Christel felt her world suddenly stopped for a moment.

                 “You know I’d fall apart without you. I don’t know how you do what you do. ‘Cause everything that don’t make sense about me, makes sense when I’m with you...”

                Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya. Sa maikling panahon, alam na niya ang mga tingin na iyon. Nagpaparamdam ng sinserong damdamin para sa kanya. 

                “’Cause I wanna wrap you up, wanna kiss your lips. I wanna make you feel wanted. And I wanna call you mine, wanna hold your hand forever and never let you forget it. Yeah, I, I wanna make you feel wanted...”

                He was a good singer. Alam niya iyon dahil napanood niya lahat ang mga videos nito. But Christel never thought that he could sing that way... so lovely... so enchanting. At ang mga matang hindi humiwalay sa kanya... ang bumago sa takbo ng buhay niya...ay ang lalaking ito na hinaharana siya.

                “As good as you make me feel, I wanna make you feel better. Better than your fairy tales, better than your best dreams. You’re more than everything I need... All I ever wanted.”  

                Ang mga tingin na iyon... na waring humihingi sa kanya ng pagkakataong mapansin.  He faced the audience sa huling part ng song and he earned the crowd as fast as how he was able to melt her heart.

                “Mr. Philip Nathaniel Canilao! Welcome sa The Morning Talk with Danica.”  Magiliw itong binati ni Danica. “Please join us here with Christella.”

                “Thank you,” sabi ni Phi Nat.

                Nagulat si Christel nang humalik ito sa pisngi niya nago umupo sa tabi niya. Of course, kasama iyon sa briefing... ang i-kiss sa pisngi ang babaeng guest. Pero hindi e. Ba’t ang bilis ng tibok ng puso ko?

                “Finally, the trending princess and his prince are here. So Phi Nat, how do you feel now?” si Danica.

                “I’m fine.” Binalingan siya nito saglit at nginitian. “I should be fine sitting here beside her.”

                Nagtilian ang audience.  Ngumiti lang siya. Daig pa nila ang mga sikat na love teams ngayon sa nangyayari.

                “Good. So, simulan na natin ang kwentuhan. Phi Nat and Christel, we have some questions about the two of you. We’ll show you some pictures at the screen and let’s talk about it. I hope you too can share some of your thoughts,” Danica said.

                Unang lumabas ay isang movie ticket.

                Lumingon si Phi Nat sa kanya as if asking permission if he could tell the story. She just smiled. Wala eh, tingin pa lang ni Phi Nat, mapapaoo na siya.

                “That’s where we actually met. Akala kasi ng mga tao na we personally met due to some business ventures. But the real thing is una kaming nagkita personally sa sinehan pero hindi namin kilala ang isa’t isa,” Phi Nat said. Ikinuwento pa nito ang iba pang detalye.

                Na-upset siya ng konti. Akala niya ay may ire-reserve itong si Phi Nat sa private story nila. Pero mukhang ready itong ikwento lahat.  Paano na ang very private thing ko?  

                Marami pang pinakitang pics si Danica at lahat ng iyon ay buong detalyeng ikinuwento ni Phi Nat.  Wala na. Alam na ng lahat ang nangyari, pati ang short vacation niya sa Hacienda Canilao. Marami pang tinanong si Danica sa kanila at puro safe ang sagot niya, bulgar ang sagot ni Phi Nat. Parang nagsisimula na siyang mainis at gusto na niya itong ibulsa ngayon din.

                “Phi Nat, kanina tinanong ko si Christel about your real score. Sinabi niya na you’re good friends as of the moment. And the crowd wants to know your answer.”

                Nagulat si Christel nang bumaling ito sa kanya, ngumiti at saka sumagot. “Yes indeed, we’re good friends as of now but...” Bigla nitong hinawakan ang kamay niya at muling tinitigan siya. “I will never deny the fact that I like her more than that and I’m starting to fall...”

                Ang malakas na kabog ng puso ni Christel ang patunay na...kinikilig nga siya. Nahihiyang napangiti na lang siya kasabay ng tilian ng crowd. She squeezed back his hand to warn him to shut up. Masyado na itong maraming nasabi.

                “To fall for what?” nakangiting push pa ni Danica.

                 “From this chair kung hindi ko pa ititigil ang kadaldalan ko,” biro ni Phi Nat na ikinatawa ng lahat.  Pasimpleng nahampas naman niya ito sa balikat. Kanina pa siyang awkward at lalo siyang nao-awkward sa mga hirit nito.

                “Makulit pala itong si Phi Nat. Ganyan din ba siya kakulit sa’yo, Christel?” tanong ni Danica.

                “Oo at minsan, magulo ring kausap,” she smiled. “Pero ang ugali niyang iyon I think ang nagpapasaya ng friendship namin ngayon.”

                “Do you have any message for Christel?”

                 Binalingan siya nito. “Let’s have a date tonight. Can we?”

                Kung hindi lang sila nasa national tv show ay baka tumakbo na lang siya palayo. Mapapatay niya ito for sure pag di siya nakapagtimpi. Magpi-fiesta na ang media tungkol sa kanila for sure at iyon sana ang ayaw niyang mangyari.

                “And Christel, your answer is?” tanong ni Danica.

                “We’ll see,” nakangiting sabi niya kahit na nagbi-beastmode na siya deep inside.


                PAGKATAPOS NG SHOW ay may ilang mga taong lumapit kay Phi Nat para yumakap at magpa-picture. Feeling artista lang. Pero ayaw niya talaga ang maging ganon. Ang gusto lang naman niya ay makasama si Christel. Nang matapos, hinanap ng kanyang paningin si Christel. Nakausap niya na ang ibang band members ng Karisma at nakapagpasalamat siya sa surpresang iyon for Christel. Boto pala ang mga ito sa kanya kaya tinulungan siya ng mga ito para mang-harana. Oo, harana iyon. Pero sa tingin niya ay sumablay siya. Dahil pagka-cue pa lang ng director ng Cut, agad lumayo sa kanya si Christel. Hindi niya alam kung bakit. He must talk to her.

                Abala pa ang mata niya sa paghahanap kay Christel when he heard her voice calling his name. Agad siyang napalingon. Sinalubong siya nito in her most deadly dangerous look. Patay na. Galit nga ito. “Follow me, let’s talk.”

                He did. Pumasok sila sa isang conference room. She closed the door and led her way near glasswall.

                “Seat down,” sabi ito.

                “Ah Christel, upo ka rin para makapag-usap tayo ng ayos--”

                “Upo sabi!” she yelled.

                Kakamot-kamot sa ulong umupo siya at hinintay itong magsalita.

                “So tell me, ano iyong nangyari? Why are you here?” Binalingan siya nito. Galit pa rin. 

                “A surprise?” alanganing sabi ni Phi Nat sabay ngiti. Pinagtaasan siya nito ng kilay kaya inuring na lang niya ang pagpapa-cute niya. “Look. Hindi ko matanggihan si Ms. Danica. Pumunta siya sa office ko, and asked me the same thing that the crew of this show asked before. They want me here. Nahihiya naman ako at ang isang abalang tao, naabala pa just for this. So I give her my condition. You know that. Then tinawagan nila ako few days after and told me that Karisma Band will be on this show. They arranged a surprise for you. Harana iyon, modern way. I thought you may somehow like it. Pero obviously, I failed.”

                Umupo ito sa tabi niya at seryosong tinitigan siya. That pair of eyes surprisingly was not reflecting any anger taliwas sa pinapakita nitong attitude kaya hindi na siya tumigil sa pagpapaliwanag. “Hindi ko na mababawi ang nangyari. Kung nakasakit sa’yo o hindi mo nagustuhan then I must be sorry that I’m a failure. I’m just trying to break that Great Wall of China between us.”

                “Alam mo kung ano ang nakakainis? Nabigla ako. If only you told me na lalabas ka sa show sana napag-usapan nating dalawa kung ano ang pwede at di mo pwedeng sabihin.”

                “In-orient naman ako ni Richael—”

                “But she’s not me! And everything that happened a while ago, it was all about you and me. Alam mo, sana tinanong mo man lang ako kung hanggang saan ang gusto kong malaman ng publiko tungkol sa ating dalawa. Ang gusto ko sana, may bahagi ng buhay ko na pribado maliban sa negosyong hawak ko. And that one thing is you. I mean, us. Pero sinira mo na ang plano ko.” Ngayong parang ngtatampo na lang ito at hindi na galit.

                “I’m sorry...” Hinawakan niya ang kamay nito. Akala niya ay aalma ito but she didn’t. It gave him the confidence. Hinalikan niya ang kamay nito while lovingly staring at her. “Wag ka na magalit. Hindi ko na mababawi iyong mga nasabi ko, papanindigan ko naman lahat iyon eh.  Falling in love with you is the best thing I ever had in my entire life.”

                “Isa pa iyan. Muntik ng maunang malaman ng publiko ang bagay na iyan na dapat sa akin mo muna sinabi!” giit nito. “The last thing I knew, you just like me. And you almost talk about love.”

                He sighed. “Sorry na. I’m stupid, I know.”

                “Hey, hindi ko sinabing stupid ka.”

                “Okay lang, Christel. Ako naman ang nagsabing stupid ako. I just... want to love you and I don’t know how can I make you fall in love with me, too. Kaya sorry na. Ngiti ka na.”     

                She sighed. She looked at him intently and then smiled. Napangiti na din siya, napatawad na siya nito. She took off her hands from his pagkatapos ay tumayo na ito. “Pick me up from home, 7pm sharp.”

                Nagliwanag ang mundo ni Phi Nat. “You’re accepting my offer don’t you?”

                She smiled sweetly. “Don’t let me wait on our first romantic date or else...ihuhulog kita sa pinakamalapit na man hole sa bahay namin.” She opened the door and about to step out when she turned back to him. “By the way, kung may nagustuhan man ako sa ginawa mo kanina, iyon ay ang harana mo.” Then, she’s gone. Naiwan si Phi Nat na ngingiti-ngiti sa nangyari.

               
                WEEKS PASSED. The first date was followed by another and another. Christel experienced all the best that a loving guy can do for her. Sa katauhan ni Phi Nat, nagkaroon siya ng bagong best friend, kuya, tatay, nurse, assistant, driver na tagahatid-sundo...at lover. Sobrang tyaga nito sa kanya. Sinasamahan siya nito sa lahat ng gig niya. Ibinibili siya ng kape tuwing umaga. At palaging pinapabaunan siya ng mga cheesy mushy love lines bago siya matulog.  Ngayon alam na niya kung paano maging special. And she’s more than thankful that God gave him to her.  At sa lahat ng mga nangyari,hindi na niya maikakaila sa sarili na mahal na niya ito. Naghihintay na lamang siya ng tamang panahon para masabi niya iyon dito.

                Christel was not in the mood to work that day. Medyo hindi maganda ang pakiramdam niya. But still, pumasok siya sa trabaho para maging abala nang sa gayon ay hindi niya mapansin ang sumasakit niyang puson.  Kasalukuyan siyang nasa office niya at nagbabasa ng mga reports. Napatingin siya sa monitor ng PC niya at napangiti. Naka-video call sila ni Phi Nat. Abala din ito sa trabaho. Lately ay naging abala ito sa negosyo kaya medyo nabawasan ang oras nito sa kanya. Pero gumawa pa rin ito ng paraan para ma-break ang distance nila pag hindi sila pwedeng magkasama ng personal— video chat.  And somehow, it became a habit.

                “Christel...” bumaling ito sa kanya. “May free schedule ka ba sa Sabado? Nag-request ng confirmation ng meeting iyong international distributor natin sa Macau.”

                “Wait lang.” She checked her planner. “Okay ako 4pm until 7pm. Senang Hati ako ng 9pm onwards. Confirm mo na lang.”

                He nodded. “Okay ka lang ba? Parang matamlay ka,” nag-aalalang sambit nito.

                She smiled. “Okay lang naman. Masakit lang puson ko.”

                “Monthly visitor? Gusto mo bang umuwi na? Susunduin kita.” Hindi pa din nawawala ang pag-aalala sa mata nito.

                “Okay lang ako, Phi Nat.” On cue, bigla siyang nahilo. Napasandal tuloy siya sa swivel chair niya.  Haaay, kay hirap talagang maging babae.

                “Wait there, stay put. Pupuntahan na kita.”

                “Huh?” Pero bago pa niya naintindihan ang sinabi ni Phi Nat ay naka-logout na ito.  Hinayaan na lang niya. Sumandal siya uli sa swivel chair at ipinikit ang mata dahil nahihilo pa rin siya. Hindi maganda ang resulta ng ilang araw na puyat at period.

                Few minutes more, narinig niyang may tumatawag sa pangalan niya kasabay ng mainit na palad na marahang tumatapik sa pisngi para gisingin siya. “Christel?”

                Dahan-dahang nagmulat siya ng mata at sinalubong siya ng mga matang nag-aalala ng lubos sa kanya. “Phi Nat, anong ginagawa mo dito?”

                “You don’t look okay,” sa halip ay sagot nito. Kinuha nito ang phone niya at nilagay sa bag niya. Pagkatapos ay sinakbat nito ang shoulder bag niya. Inalalayan siya nito. “You must take the day off. Ihahatid na kita sa bahay or maybe I should bring you to the hospital first.”

                Hindi na siya nakapalag. Masama din naman ang pakiramdam niya kaya nagpatangay na lang siya dito. “Sa bahay tayo. Ang OA mo, monthly period lang ito. Hindi ito,  life and death situation.”

                “Sorry nag-aalala lang—hey!” Agad siyang niyakap nito nang mahilo na naman siya. Iniupo siya nito sa sofa. Hinaplos nito ang noo niya at hinalikan iyon. “Do you have a room here?”

                “Yes, there!” Itinuro niya ang katapat na pinto.

                Agad siya nitong binuhat at dinala sa pad niya. Sakto namang pagkababa niya sa kama ay kumirot ng bonggang-bongga ang puson niya. Napangiwi siya.

                Nataranta naman ito. Hinawakan nito ang kamay niyang sapo ang kanyang puson. Inalis nito ang kamay niya at ito na ang humilot para maibsan ang sakit.

                “May pwede ka bang inumin to ease the pain or anything to make you okay? Nag-aalala talaga ako sa’yo,” sabi nito. Yes indeed, a trace of worry covered his face.

                May itinuro siyang cabinet. “May hot compress do’n—”

                 “Okay!”

                Hindi pa siya tapos sa sasabihin ay agad na nitong kinuha ang hot compress at lumabas ng kwarto.  Napangiti siya. Paano nga naman ba siya hindi mai-in love dito?  Iniwan agad nito ang trabaho para alagaan siya. At ramdam niya ang kagustuhan nitong bumuti agad ang pakiramdam niya. Phi Nat, mahal na kita. Kelan ka kaya magpo-propose? Yes she was just waiting. Dahil sa mga sandaling iyon, sigurado na siya sa nararamdaman. Handa na siya sa love department.

                Ilang minutes pa ay bumalik na si Phi Nat dala ang hot compress. “Eto na oh.”

                Kinuha niya iyon at inilagay sa puson niya. “Mawawala na ang sakit nito maya-maya lang kaya wag ka ng mag-alala. Pumapangit ka, Phi Nat,” biro niya.

                Umupo ito sa gilid ng kama at ipinatong ang kamay nito sa kamay niyang may hawak sa hot compress. He gazed at her in a very lovely way. “Simula ngayon, kasama mo ako tuwing magkaka-period ka. Aalagaan kita ng husto hanggang sa mawala na ang sakit. Basta wag mo na lang uli akong tatakutin. Muntik ka ng himatayin, for damn sake! Promise me that you will always tell me the real thing everytime I ask you if you’re okay.”

                Napangiti siya. “Oo na po. Salamat, Phi Nat. Andami mo ng nagawa para sa akin.”

                Ngumiti na uli ito sa wakas. “Wag mong isipin iyon. Hindi dapat tayo nagbibilangan. Ang mahalaga, andito tayo pareho. Masaya, buo. Take a good rest, my rakista chic. I’ll just be here with you.” He moved closer to her and kissed her cheeks.

                Napapikit siya para itago ang kilig. Hinayaan  na lang niyang isipin nito na sumunod lang siya sa sinabi nito. Ilang saglit pa ay nakatulog na siya.  Nang magising siya ay tanghali na. Naramdaman niyang mainit pa din ang hot compress. Ibig sabihin, sa ilang oras niyang pagtulog ay hindi nito hinayaang lumamig ang hot compress.  Nagpalinga-linga siya at hinanap si Phi Nat pero wala ito sa kwarto. 

                On cue biglang bumukas ang CR at lumabas ito. Agad itong ngumiti nang makitang gising na siya. “Feeling better?”

                She nodded. “Thank you for taking good care of me.”

                Umupo ito sa gilid ng kama at tinitigan siya. “Wala iyon. Mahal kita e.” Hinawi nito ang buhok sa noo niya at muli siyang hinalikan sa noo pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan din iyon habang nakatitig sa kanya.

                That melted Christel’s heart. That pair of eyes, iyan ang gusto kong makita tuwing gigising ako sa umaga. Napatitig din siya dito tuloy waring kinakabisado ang lahat ng anggulo ng gwapo nitong mukha. 

                “Don’t look at me like that, Christel. You’re melting my heart,” he lovingly said.

                “Just like the way you melted mine,” nakangiting sagot niya. 

Ngumiti ito at umiling na pawang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Bumangon siya sa kama at walang sabi-sabing niyakap niya ito sa balikat. “Thank you for coming into my life. Thank you for the love.”

                Iniyakap nito ang mapagmahal nitong mga braso sa kanyang baywang. “Did I just break the Great Wall of China of yours?” he teasingly whispered.

                “Yeah, sort of and more than that.”

                Humigpit ang yakap nito sa kanya.  Mag-I love you ka na, dali na! But that didn’t happen. Unti-unting bumitaw ito sa pagkakayakap niya. Umupo na lang din siya ng ayos. Muli silang nagkatinginan,  napangiti, nag-iwasan ng tingin at sa bandang huli ay bumalik din sa isa’t isa ang tingin. Ano pa bang hinihintay mo, Phi Nat? Mukhang binabasa nito kung ano ang nasa isip niya. The way he looked at her made her feel like he wanted to do something but unsure if she would allow him to do so.

                “Is that more than that means—”

                Hindi na niya ito hinintay. She pulled him enough for their lips to touch. It was just seconds of smack kiss but for Christel, it was like a long slow motion movie. Kumabog ang puso niya nang ulitin iyon ni Phi Nat. Then, their eyes met.  It was her first kiss, and she wanted this man to be her first boyfriend, first love, her every first.

                “Okay, I got it. I got you. I love you.”

                “Thank you for being my first love. And by the way, I love you, too.”

                Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang dahan-dahang pag-curve ng lips nito na parang inaakit siyang halikan ito muli. “Salamat sa hot compress, napasagot na rin kita.”

                 “Speaking of, malamig na nga ito.” Ibinigay niya dito ang hot compress.

                He nodded. “Boyfriend duty calls. I’ll be back. Stay put and love me more okay?” He kissed her lips again befor he left the room.


                May boyfriend na ako! Dalaga na ako! Woohoo!


PREVIOUS                                           NEXT

Comments

Kiz Urbano said…
Waaaaaaaaahhh.. more more. Akala ko naman sa show ko sasagutin. haha kilig teh. next po. hahahaha.
Dalaga na akooooooooooo..
Renz Francis said…
Kilig much!!sana mapost agad mga kasunod..hehehehe excited na me..

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…