Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Love On, My Rakista Chic-Part 2

                


“Dadalawin ko ba o hindi? Dadalaw? Hindi! Dadalaw. Hindi…”  Christel was busy counting the coins in her purse while helping herself to decide. After Phi Nat’s hika incident, nabalitaan niyang naka-confine pa rin ito sa hospital. 

                “Dadalaw…” Finally, last 1 peso coin determined the winning decision.   She sighed. Nahihiya kasi siyang dumalaw though, a part of her ay gustong personal na alamin kung anong nangyari sa lalaking iyon after nitong hikain sa kalagitnaan ng titigan blues nila.

                “Alam mo, Christel, madali lang ang dumalaw. In fact, ang lapit lang ng hospital kung saan siya naka-confine. I can accompany you,” offer ni Cielo.

                “Di ba nakakahiya? Babae ako tapos ako ang dadalaw sa kanya.”

                “Dadalaw ka lang naman. Hindi ka naman manliligaw di ba?” Cielo laughed. “Don’t  tell me, gusto mong manligaw?”


                “Adik ka talaga.” Tiningnan niya ng masama si Cielo. He was eating some muffins while his attention was on his laptop.

                Kasalukuyan silang nasa conference room ng Pontez Media Productions at hinihintay ang mga kabanda for a meeting with the boss which so happened to be Cielo’s father.

                Dahil busy na naman si Cielo sa kung anong ginagawa nito sa laptop ay nakipag-conference na lang siya sa sarili. Pupuntahan mo ba o hindi? Sabi ng barya sa mesa, dalaw ka na. Now na!  She sighed.

                “Oh my!” Cielo suddenly gasped.

                Binalingan niya ito. Nakatingin pa rin ito sa laptop, seryosung-seryoso. “Ano? Nakita mo na naman ang Danica baby mo sa Instagram?” Ganito kasi palagi ang reaction ni Cielo pag nakikita nito ang dine-deny nitong love interest sa kung anu-anong posts sa Instagram, Twitter, at Facebook.

                “No.” Umiling ito pagkatapos ay binalingan siya. “Have you checked social networks for the last two hours?”

Umiling siya. “Hindi pa.”  Kung may tsine-check man siya from time to time, business email niya lang iyon.

                Tumayo ito, bitbit ang hawak na laptop at tumabi sa kanya. Ipinakita nito sa kanya ang naka-view sa monitor ng laptop nito. “Trending ka. 3 hashtags sa twitter and Instagram at kumakalat na ang posts sa Facebook.”

                “Huh?” Bumungad sa kanya ang pictures taken nang huling gig nila sa Senang Hati. Random ang mga pictures sa trending topic portal. Ang iba doon ay nang kumanta siya. Pero most ay noong makasama niya sa stage si Philip Nathaniel Canilao. “#ChristelRocks, #ChristelofKarisma, #Christel&GuitarGuy? Wait. Naiintindihan ko ang 2 hashtags. Pero itong huli, ano iyan?” 

                Nagulat si Christel sa mga nakikita. Hohemji! Bakit ang cute namin ni Phi Nat sa mga ito? Naalala niya ang gabing ‘yon while the crowd was teasing them. Ayieeee!

                “The audience loves the two of you together!” Richael entered the room with a big smile. “Mukhang ikaw naman ang hot topic of Karisma this time.”

                   Dumating na ang iba pa nilang kabanda. Mukhang alam na rin ng mga ito ang trending issue niya dahil lahat sila ay nakangiting binati siya.

                “Teka lang. Okay lang ba talaga ito?” alanganin niyang tanong.

                “It’s okay. As long as positive ang dahilan kung bakit ka trending, wala tayong magiging problema,” Mr. Herald Pontez said. He’s one of the big bosses of Pontez Group and the father of Cielo.

                 Wala sa sariling nasuklay niya ang laylayan ng buhok niya. This was new to her. Oo, madalas na trending ang Karisma Band after their gigs. Pero collective iyon. Buong banda ang involved. O kung individually naman, sina Cielo at ang mag-asawang Limien at Hamiel ang madalas maging talk of the town. Sa tagal na ng banda nila, ngayon lang naging siya ang nag-trending.

                “Alam mo ba kung sino ang nagpasimuno ng trend na iyan?” tanong ni Hamiel.

                “You know?” tanong na sagot niya.

                “Si Mr. Guitar Guy!” koro nilang sagot sabay, “Ayieee!”

                “Wag n’yo akong echosin!” Pakiramdam niya ay napapagtripan lang siya. How does one single night will level up her popularity? Teka, paano na ako magkakape sa Kofi Cups nang walang security?

                 “Walang nange-echos, Christel.” Richael showed her the posts.

                Pictures with Phi Nat ang mga nakita niya under the source account, phi_nathaniel sa Instagram at Twitter with the caption, “A Jam with Karisma’s Angel, Christella. Photo credits to my twin bro, Coco.”  Nakalagay din sa post ang tatlong hashtags.

                “I think this guy has a crush on you, Christel Bebe,” Doc Geo said. He was also looking at the photos on his laptop. Nasa magkabilang-tabi nito ang mag-asawa. “He gazed at you differently.”

                “Look of love,” hirit  ni Hinaro.

                “Nagkatitigan lang, look of love na agad? Di ba pwedeng sinungaling ang pictures?” kontra naman ni Dana.

                “Hay, naku, Dana. Ang bitterness, lumalabas! Pakitago na lang uli. Hindi lahat ng guy katulad ng umag mong ex ano?” sabi ni Limien.

                Umiling si Christel. Bakit ba napunta sa love ang topic e wala namang ganon? Ang advanced naman ng mga ito. Inabala niya ang sarili sa pagba-browse sa laptop na nasa harap niya. May mga articles na rin pala tungkol sa kanya at sa lalaking iyon. “Teka, bakit naging biglang viral ang mga post ng lalaking iyon eh wala naman iyong pinagkaiba sa ibang pictures with fans?”

                “Eto ata ang sagot dyan. Watch the video,” sabi ni Richael. She connected the laptop to the projector. Nalipat sa white screen ang atensyon ng lahat. Few seconds more, she saw a video of her singing their band’s rendition of When I Dream About You.  It was just a simple cell phone video at first hanggang sa biglang lumitaw sa video si Phi Nat. Now, it looked like a selfie video of him singing the same song with her while she was his background up stage.

                “...When I dream about you, that’s when everything’s all right. You’re in my arms, here next tome, forever. When I dream about you, girl you never go away. Just close my eyes, wait for my dreams, ‘cause I still love, loving you...”

                Nang sumapit ang song sa adlib part...
                
             “I can’t help but sing with you, Christel. Rock On, My Rakista Chic! I’m just so happy tonight that I’ve finally found you...” Then the camera focused on her while she was busy on her guitar adlib. Pagkatapos ay bumalik na kay Phi Nat.  He smiled. “Isn’t she so amazing?” Lumingon ito sa kanya at muling bumalik sa camera ang tingin... then went back singing with her. “...’cause I still love, loving you.”
                
                 Christel felt her heart went out of her system in a bit. Ano iyon? Kilig? The video was so... sweet.

               “Awww! Ang sweet!” Limien exclaimed. Binalingan nito si Hamiel. “May tumalo na sa sweetness mo!”

                “Ako na naman ang nakita mo,” reklamo ni Hamiel na ikinatawa ng lahat.

                “Oh well. Hindi na ngayon... si Mr. Guitar Guy na,” Limien said.

                “Ibigay mo na kay Christel iyan. Akin ka na e,” hirit naman ni Hamiel.

                “Cheesy!” korong sabi ng lahat.

                Christel crumpled a tissue and threw it to him. “Pinamigay n’yo na naman ako.”

                “Para maranasan mo namang magka-love life ano,” sabi ni Limien.

                “Hindi ako interesado.”

                Richael caught their attention again. “As of the moment, the video earned 1.5 million views in just two hours and still counting. Isa-isa na ring napo-post online ang mga positive articles about Christella’s performance and this guy’s identity pero wala pa kaming nakikitang statements mula kay Mr. Canilao. According to Danica, tumanggi pa daw ang pamilya ni Mr. Canilao na ma-interview ito kasi naka-confine pa ito sa hospital up to this moment.”

                 “At dahil maingay ang mga pangalan n’yo these past few days, Pontez Media decided to release a new album,” Mr. Herald announced. “And I think I want that song to be the carrying single. What do you think guys?”

                Everyone agreed. Pero si Christel, nao-overwhelmed pa din.

                “So Christel, dadalaw ba tayo?” Cielo suddenly uttered and everyone just grinned at her. Kahit na hindi magsalita ang mga ito, gets na gets na niya ang gustong iparating ng mga ito sa mga ngiting iyon.

                Napangiwi siya. Hindi. Kailangang kong lumayo sa kanya.


                MAAGANG pumasok sa office si Christel. Kahit medyo busy sa magkakasabay na trabaho sa Arevalo Trading at recording rehearsal ng banda para sa new album, nanatili si Christel na masigla. Trending pa rin siya dahil sa mga pinagpo-post ni Phi Nat sa social networks. Pero never siyang nag-react sa posts na iyon. Hindi pa rin naman niya nakikita uli ang binata. Basta ang alam niya, okay na ito at nakalabas na ng hospital dahil yes, naging constant reader na rin siya sa blog site nito. 

                Pinanindigan niyang wag dumalaw noong naospital ito para iwas issue na rin. Nagpadala na lang siya ng flowers doon from her mom’s flower shop. Pero nabalewala ang effort niyang wag ma-issue dahil nalaman din ng mga tao na concern siya sa lalaki. He posted the picture of the flowers and card in his blog. Kaya kahit, “Get well soon!” lang ang nakalagay doon ay nagkaroon pa rin ng kilig malisya sa mga followers nila.

                Nag-grow ang fans club niya dahil sa nangyari. Nagkasundo na rin sa pampa-power trip sa kanila ang followers ni Phi Nat sa blog nito at fans club niya. Spell sikat. Iyon ang nangyari sa kanya.  Buti na lang at positive ang issue tungkol sa kanila. Mas problema ng banda ngayon ang issue tungkol kay Geo na may sinaktang sikat na shoe designer at ang issue ng pagiging chickboy ni Hinaro.

                “Good Morning, Ma’am Christel!”  Gerline, her reliable secretary came in.

                “What’s my schedule for today?” tanong niya habang pumipirma ng mga documents.

                “You have a meeting with Mr. Hiroshi Hotoki of HBH network at 1pm. Band Rehearsal at 3pm and meeting with the sales department at 5pm.”

                “Good.”

                “For this morning, nasa waiting area si Mr. Philip Nathaniel Canilao of Canilao Foods Corporation.”

                Natigilan siya at binalingan si Gerline. Nakangisi ito sa kanya. Alam niyang follower din ito ng binata dahil active ang secretary niya sa pagpo-post ng comments sa mga trending posts ni Phi Nat. “Ano daw pakay?”

                “Nagre-request siya ng appointment for a business proposal.” Iniabot nito sa kanya ang isang folder at binasa nang madalian ang laman noon. True indeed, business proposal nga. “Papapasukin ko ba o pabalikin ko na lang for scheduled appointment?”

                “Let him in.”  She said while reading his proposal. Sa palagay niya ay magandang business opportunity ang ino-offer sa kanya ng Canilao Foods Corporation. Isa sa mga natutunan niya sa pagnenegosyo ay ang wag magpalagpas ng magandang opportunity.

                “Okay!” Tila kinikilig na pumunta ito sa pinto at binuksan iyon. “Sir, you can come in.”

                Samantalang siya ay naka-focus na sa binabasang proposal. Kinapa ng kanan niyang kamay ang ballpen sa pen holder at minarkahan ang mga parts ng proposal na hindi malinaw sa kanya. Itatanong niya iyon kay Phi Nat. Until, she was done.  

                “Hi! Good morning!”

                “Ay Phi Nat!!” Nabitawan niya ang folder at ballpen na hawak sa gulat. There in the visitor’s chair was Philip Nathanniel Canilao, smiling at her. Nakahalumbaba ito sa mesa at titig na titig sa kanya.  Saan ‘to dumaan? Ba’t di ko napansin? Her short attention to other details did it again. “Where the hell did you come from?”

                “My mother’s womb?” pilosopong sagot nito sabay ngisi.

                She sighed. “Nevermind.”  Nang maka-recover sa pagkagulat ay hinawakan niya uli ang folder na nabitawan.  She acted like browsing something in the proposal kahit wala.Pa-echos lang niya ‘yon para itago ang pagkapahiya niya.

                “Your secretary let me in. Nakita ko na busy ka pa sa pagbabasa ng proposal ko kaya hinayaan na lang kita until you’re done.”

                “So, what brings you here, Mr. Canilao?” balewala niyang tanong na hindi man lang ito tinitingnan.

                “That’s too formal. I prefer to be called Philip, Nathan, or Phi Nat,” he said.

                She threw him a hindi-ako-interasado kind of look. “Whatever. Just answer.”

                “Business proposal,” seryosong turan nito. “I need a company that can distribute Canilao Foods products outside the coverage area,” may halong birong sabi nito na ikinatawa niya. “’Yan mas maganda iyang tumatawa ka sa umaga. Lovely.”

                “Bolero. Negosyo ba talaga ang pinunta mo dito?” may halong dudang sabi niya. Iba kasi ito kung makatingin. Iyong parang amazed na amazed ito sa beauty niya.

                He grinned. “My rakista chic, hindi dahil obvious na may gusto ako sa’yo eh gagamitin ko ang negosyo ko para lang magpa-cute sa’yo.  Kidding aside, I need your company to distribute Canilao Foods products abroad. I’ve been looking for a business partner for few months and your company is the best choice.”

                “Why us?” tanong niya.

                “Why not?” sagot nito na patanong din.

                “Arevalo Trading is exporting handicrafts, handmade bags and shoes, and furnitures abroad. We don’t have any experience in food industry,” she emphasized. Iyon ang isang dahilan kaya duda siyang business lang talaga ang purpose nitong si Phi Nat. How could he deal with her if her company is inexperience?

                “Good question. Well, there’s always first time in this world, dearie. Yes, you don’t have experience in food industry, I do have. You have an exemplary experience in exporting products, I don’t. Sa business na ito, I need you, you need me.  I need you for us to dominate international market. You need me to expand your product line. Hence, it’s a win-win situation. Oo, maraming nag-offer sa akin na i-export nila ang products ng Canilao Foods pero hindi ako kampante sa kanila.”

                “Why?”

                “They don’t have the same passion as mine.”

                “And you’re saying that I do? That’s why you offer the business to me and decline the rest of the potential business partners?” She leaned back on her swivel chair. Medyo nakukumbinsi na siya nito. The offer was just so tempting. Parang nai-imagine na niya ang expansion na magaganap sa business niya pag na-push na ito. And that means more income to come. Not bad for a business woman.

                “Yes. We have one thing in common or maybe two.”

                “Like?” She looked at him.

He smiled and moved closer to her. “We both patronized Filipino products. For sure pareho tayo ng vision na makilala sa mundo ang gawang Pinoy.”

                She nodded. “And the other one?”

                Nagulat si Christel nang tumayo ito at lalong lumapit sa kanya habang ang dalawa nitong mga mata  ay hindi kumakawala sa pagtitig sa kanya. Lalo tuloy siyang napasandal sa kinauupuan niya nang biglang kumabog ang puso niya. She can’t explain the feeling. It was very new for her. Ano bang ibig sabihin noon?

                He was intently looking in her eyes when he showed of his ang-cute-cute-ko kind of smile.  In fairness, ang cute nga niya. “I like you. It’s obvious. And I know you like me, too.”

                “Excuse me?” Napataas ng very light ang kilay niya. Halata ba nitong nagagwapuhan siya dito?

                He moved away and softly laughed. “I mean, I know you like my company. I know you’re investing in Canilao Foods Corporation. Hindi nga iyon ganoong kalaki for us to notice but it means you have a trust in the company.”

                “Sa susunod, umayos ka nga ng pananalita mo. Hindi ko tuloy ma-assess kung seryoso ka ba o hindi,” reklamo niya.

                “Sorry. Baka lang kasi makalusot.” Napakamot ito ng ulo na parang bata. A guilty grin of him showed off and that made him more attractive to her eyes.

                Ano iyan, Christel? Tototohanin mo ang sinabi niya? “So, you mix pambobola with business huh.”

                “Hindi ano. Iyong business seryoso ako.  At seryoso din ako sa sinabi kong gusto kita. But that doesn’t mean na magmamadali akong magustuhan mo o ipipilit ko sa’yo na magustuhan ako. I’ll take it slow. Alam ko, hindi mo ako seseryosohin dahil isa lang naman akong stranger na naging fan mo na na-involve sa’yo dahil din naman sa kagagawan ko. We don’t have to rush things out. Pagpapaguran kong i-earn ang trust mo hanggang sa paniwalaan mong seryoso ako. Kung dumating naman sa puntong hindi mo naman ako magustuhan ay okay lang. At least ginawa ko ang lahat di ba?” He sincerely stated.                

                Tumagos sa puso niya ang sinabi ito. That made sense. So you’re not just a businessman slash blogger.You’re a man of word. Maraming words actually.  Noong una, akala ni Christel ay isa lamang itong pa-cute na tao. Hindi pala. Gumaan tuloy lalo ang loob niya dito.

                 “Hayaan mo na lang akong i-admire ka. It will never hurt you. Promise,” he added with a sincere smile.

                She nodded. “Okay. So what’s the deal?”

                “Sisimulan natin sa magandang friendship—”

                Tumawa siya. “Hindi tungkol diyan. Sa business proposal mo,” pagtatama niya.

                “Oh! Sorry,” tawa nitong parang nahihiya. Mukhang sineryoso talaga nito ang sagot kanina sa pag-aakalang iyon ang tinatanong niya. “I’ll be inviting you to visit Hacienda Canilao and Canilao Foods Corporation for ocular. I’ll give you time to think. Pagkatapos noon, baka sagutin mo na ako.” Pinagtaasan niya ito ng kilay na tinawanan lang nito. “Ng deal sa business venture, I mean.”

                Nakitawa na rin siya. “Magulo kang kausap, alam mo ba ‘yon? Sa susunod, wag mong ihalo ang business sa personal feelings. Magulo iyan.”

                He nodded. “I’ll keep that in mind.”

                “Sa secretary ko na lang ikaw makipag-usap about my schedule for ocular visit.” Tumayo siya at tumayo na rin ito. She offered her hand to him. “Thank you for the business opportunity, Mr. Can—Phi Nat.”

          The moment their hands touched she felt some strange current rushed her system. Nagkatinginan sila. Iniisip tuloy niya kung pareho silang affected sa gesture na iyon. Pero walang nagsalita. Ayaw din niyang mag-assume. Aalisin na sana niya ang kamay  nang  lalo nitong hinawakan ang kamay niya. The shakehands turned to be a sweet holding-hands gesture. And that felt better.

                Pinagtaasan niya ito ng kilay para bitawan na siya nito pero ngumiti lang ito sa kanya.
                “Bagay pala ang kamay natin sa isa’t isa,” he said while looking at their hands. “Can I take a photo?”  

                Napailing na lang siya. “Your hopeless, Phi Nat.”

                “Romantic, yes!”

                She laughed. Di rin niya alam kung bakit pero natapos ang eksenang iyon na napapayag siya nitong makuhanan ng picture ang mga kamay nila. Kinagabihan ay nakita niya ang photo with a caption, “Your hand fits in mine, like it’s made just for me... #OneD.” Pasalamat na lang siya at di nito sinabi na siya ang babaeng iyon na sinasabi ng netizens na isang maswerteng babae dahil sa kanya napunta ang bagong crush ng social media.


                “BUSINESS TRIP ito, bro. Wag ka ngang magulo!” Phi Nat winced.

Agang-aga ay sinusulsulan siya ni Coco Nat na gumawa ng moves para magustuhan siya ni Christel. Nasa plano naman niya talaga iyon pero this time, he really wanted to take things slow with Christel. Napansin niya kasing aloof ito sa issue ng love and relationship. He never heard anything about his blogs from her. Hindi nga niya alam kung nag-aksaya itong tingnan ang blog niya... kung alam nito na nanliligaw siya dito sa blog niya.

“Business trip? Lokohin mo iyang kilay mo, bro. Magkapatid tayo. Alam ko iyang nasa isip mo,” Coco Nat said.

“Eh alam mo naman pala, ba’t nangungulit ka pa?”

Sinipat niya ang relo.  Anytime ay darating na si Christel. Tumanggi itong magpasundo sa bahay kahit nag-volunteer siyang sunduin ito. Magkita na lang daw sila sa Kofi Cups. At dahil excited, thirty minutes early pa siya.

“Eh kasi alam ko rin na pag tinopak ka, may tendency kang magpalagpas ng opportunity!”

“Shut up, bro! Mabuti pa, ayusin mo na lang ang Hacienda Canilao. Pag ikaw pumalpak sa ocular visit na ito, ililibing kita kasama ng mga tanim mo!” biro niya.

“Rakenrol, bro!”

He grinned and ended the call. On cue, napatingin siya sa main door nang bumukas iyon. Iniluwa noon si Christel, in her simple pants and tee. She took off her shades and smiled at him as she continued walking towards his direction. What a lovely scene in the morning!  

Tumayo siya at sinalubong ito. “Good morning, Christel.”

“Good morning! Sorry late ata ako ng few minutes.”

Umiling siya. “Well your timing is just right.” Kinuha niya ang travelling bag na dala nito. “Do you want anything before we leave? Coffee? Pastry? Medyo malayo din ang Batangas from here.”

She looked at the menu and looked back to him. “Just a cup of cafe macchiato and chocolate oats chip.”

“Okay then.” He led her in a comfy sofa to wait. Pagkatapos ay um-order na siya. Binalikan niya ito after few minutes and they rode in his car.

“So what’s the itinerary today?” tanong ni Christel.

He put his seatbelt on. “Hey kakasakay lang natin ng kotse, itinerary agad?  Ni hindi ko pa nga na-start ang  makina,” Phi Nat said. Sobra palang workaholic ito... mas workaholic pa sa kanya.

She posed a guilty smile. “Sorry nasanay lang ako na ganon, araw-araw. Bahay, trabaho, bahay, gig—”

“No dates?” Umiling ito. And he was surprised. “You haven’t dated?” She nodded. “Come on, hindi ba nakikita ng mga nakakasalubong mong lalaki kung gaano ka kaganda? I mean, you are amazing and I can’t believe that men would just ignore you.”

She smiled. “Makakarating ba tayo sa Batangas nang hindi ka nagmamanehoat nambobola ka pa sa umaga? Hindi ba dapat umaalis na tayo? Malayo pa ang Batangas at lumalamig ang kape.”

He chuckled. Tablado na naman siya. But he found it cute. “Seatbelt, please.”

Inilagay ni Christel ang kape sa coffee holder sa pagitan nila at kinabit nito ang seatbelt. Few minutes more they were on their way to the province.

“Phi Nat?”

“Hmm?” saglit niya itong sinulyapan para malaman nitong nakikinig siya kahit nasa kalsada ang mata niya.

“Wala akong mai-share na dating experience kaya wag ka ng mang-usisa.”

Huminto ang sasakyan sa tollway counters. Iniabot niya muna ang bayad sa kahera at saka binalingan si Christel. “Sabi ko nga, there’s always a first time in this world. Treat this trip as a date.” He winked.


NAPANGAGA SI Christella sa sinabi ni Phi Nat. Anak ng almonds!  Pero bago siya mahalatang naka-catch me I’m falling na siya sa mga moves ni Phi Nat ay binalingan niya ito at nagpanggap siyang di siya interesado. “Excuse me?”

“Business date.” He winked again.

She rolled her eyes and decided not to comment anymore. Instead, inabala na lang niya ang sarili sa pang-uusisa sa kotse nito. “Mind if I open your dashboard compartment?”

“Nope,” he said while his focus is on the road. Nagulat siya nang makita ang laman ng compartment nito. Albums ng Karisma from ancient years to present. Mukhang bago pa lahat ang mga iyon. “Hindi ka naman fan ng Karisma?”

He laughed. “Well I am. Pero dati, hindi ako eager bumili ng cd’s. I just have your band’s songs from Itunes. At dati si Limien at Hamiel lang ang kilala ko, until I met you in that cinema.”

“What? Sa pagkakatanda ko, sa Kofi Cups tayo unang nagkita,” naguguluhang sabi niya. Saan galing iyong cinema?

“Oh. Maybe you forgot, too. We once seat beside each other in a movie house.” Binalingan siya nito. She was still in her knotted forehead. “Starting Over again, Piolo, Toni? You asked if you can seat beside me and—”

 “You stood up and offer your seat instead. Yeah, naalala ko na. Ikaw pala iyong poor guy in the middle of couples—sorry!” natutop niya ang bibig sa sinabi. Iyon kasi ang unang pumasok sa isip niya nang makita niya ito sa sinehan. Iyong tipong, kawawang nilalang naman ito at nag-iisa habang puno ng couples ang paligid. Iyon din ang dahilan kaya nag-decide siyang tabihan ito.

“It’s okay. Nakakatawa lang iyong poor guy in the middle of couples. Siguro kaya ka tumabi sa akin kasi naawa ka.”

“Hindi ano. Mukha ka kasing mabait kaya ako sa’yo tumabi.”

“Okay.”

“Can we listen to something?”

“Teka lang!”

Pipigilan sana siya nitong pindutin ang on button ng state of the art nitong sound system with screen monitor but it’s too late.  She already did. Pumailanlang sa loob ng kotse ang recorded voice niya at nakita niya ang sarili sa video. Isa lang iyon sa mga videos niya na naka-post sa personal youtube channel niya. She was singing Airliner that time. Biglang kumabog ang puso niya. May tama ata talaga ang lalaking ito sa kanya.  The idea that she was his company everytime he drives made her heart skipped higher. 

 “Masarap mag-drive pag boses mo iyong naririnig ko,” he explained.

Binalingan niya ito. Mukhang proud pa ito na nahuli niya ang pagka-super fan nito sa kanya. “Malakas ang tama mo sa akin ano?” biro niya.

“Sobra. Sana ikaw rin.”

“Ha?”

“Wala.”

Narinig kita, loko! She pressed the next button sa touch screen monitor nito. Video na naman niya singing a cover of Love Me Like You Do iyon. “Wala bang hindi ako?” She laughed.

He did, too. “Meron iyan just keep searching.”  

Nakailang lipat na siya pero wala siyang magustuhan. Maliban sa video niya at ng banda niya ay mga music videos ng ibang RNB songs ang naroon. Until, her attention was caught by a video. It’s not a music video. It was a video of Phi Nat singing... Twerk It Like Miley while dancing sexy... professionally sexy. Tumititig ito sa camera na parang siya ang tinititigan nito... nakakaakit, nakakawala ng huwisyo ng very light.  It was very different from the trending Twerk It Like Miley videos. And she was like... Hohemji.... me and my innocent eyes!!! Gusto niyang ilipat na lang sana pero napatitig na siya.   

It took seconds before Phi Nat noticed it. “No, not that! Ilipat mo!” nahihiyang in panic na sabi nito.

Akmang ililipat iyon ni Phi Nat nang pigilan niya ito. Too late na nang ma-realized niya ang ginawa. Siyet! Baka akalain nito, bet na bet ko siyang makitang nagse-sexy dance. Bakit hindi ba?

Hanggang sa umabot sa famous chorus ang kanta at wala ni isa sa kanilang nakapaglipat.

                Start Twerk it like Miley... Twerk it like Miley...

Bago pa siya maakit ng tuluyan sa sexy video ay siya na mismo ang nag-stop noon. Kinuha niya sa bag ang earphone. She connected it in her Iphone at sa bintana na lang bumaling. Suddenly ay naging awkward ang sitwasyon. Pasimple niyang sinilip si si Phi Nat. Namumula ito sa hiya kaya hindi na niya ito inabala. Ba’t naman kasi may video siyang ganon sa kotse niya? It’s not even posted in his blog meaning hindi niya iyon gustong ilabas. And, ang sexy pala niya, in fairness. And... and... ano ba itong iniisip ko?  

On cue, Twerk It Like Miley played in her Itunes and the image of Phi Nat dancing sexy kept on polluting her mind until the song ended.



PREVIOUS                                       NEXT

Comments

Renz Francis said…
Ganda!done reading part two of phi nat..excited po sa susunod..yehehe pa post po,agad ha ms melai..love ur stories..kinikilig na nmn ako..

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…