Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Love On, My Rakista Chic- Part 1



Philip Nathaniel suddenly got bored. Kaya naisipan niyang gumawa ng something unusual para sa kanya. He decided to watch movie alone. Karamihan ng laman ng sinehan ay mga couple na nagde-date. Pero deadma lang si Phi Nat. He just broke up with a not so remarkable ex girlfriend. And he’s fine with it. Finally, he had more time for himself. Ilang buwan ding nagsayang siya ng oras sa babaeng hindi naman pala siya gustong mapangasawa kaya humiwalay na siya. He wanted to find a woman that will join him in his dreams of raising their own family. Hindi niya iyon nakita sa ex.

               Moving on, Phi Nat continued making his life worth it to be a family man someday. Handling Canilao Foods Corporation, he made sure that he would do business at his best.

                But for now, I want to kill my boredom a bit.  Hindi siya actually fan ng mga local made movies but for a change he tried, watching this movie starring Piolo Pascual and Toni Gonzaga. Right before the movie started, a woman come near him.

                “May nakaupo sa tabi mo?” tanong nito. The woman has a soft sweet voice. Binalingan niya ito. Madilim sa loob ng sinehan at hindi niya halos maaninag ang mukha nito. But he had a feeling na  chic ang makakatabi niya.

                “Ah, wala.” He stood up and offered his seat to her. “Dito ka na lang.” Siya na ang lumipat ng upuan.  

                “Thank you.”


                As they seated together, hindi maiwasang maamoy niya ang pabango ng katabi. She smelled so good to his senses.  Stop it Phi Nat. You’re here to watch movie not to find a date. Pero hindi niya mapigilan ang sarili. The movie started and he couldn’t resist from looking at his left side from time to time. Tumatawa ito na parang walang pakialam sa paligid nito. Kulang na nga lang ay mahampas siya nito sa tuwa o sa kilig. Napapangiti naman si Phi Nat lalo na nang maaninag niya ang mukha ng babae sa tabi  niya. Salamat sa liwanag ng wide screen ng sinehan. He was able to witness the pretty face of his movie seat mate. Pwede!

                Without letting her notice, sinusulyapan niya ito. Until, the movie rolled into a heart-melting scene. Maganda din pala ang ganitong movie... kasing ganda ng katabi ko. Napailing si Phi Nat sa kakornihang naisip niya. Susulyapan na lang niya sana uli ang katabi nang marinig niyang humihikbi ito. Tuluyan na niya itong binalingan. Naka-focus ang mga mata nito sa wide screen, teary-eyed, at tila na-carried away na ng eksenang pinapanood.

                "Kailangan mong malaman kung bakit isang umaga, nagbago ang lahat. Bakit wala na siya. Bakit mag-isa ka na lang. Kailangan mo ng dahilan di ba?"

                "I loved him first."

"And you let go of your chance."
 

                “Aww. Ang saklap!” The girl uttered as she sighed, wiped her tears, and smiled a bit.

                Weird.  Babaeng  tumatawa ng wagas at umiiyak sa panonood lang ng pelikula. Pero sa hindi malamang dahilan, parang cute ang tingin ni Phi Nat dito at hindi weird. This woman is interesting. Very interesting.

               
                PANAY ANG hikab ni Christella habang pinipirmahan ang mga  cheque sa working table niya. She managed Arevalo Trading Company, ang company na itinayo niya sa tulong ng mga magulang right after niyang magtapos ng Interior Designing course. So far, after dealing with the business for years,  ATC became one of the top business in the industry that deals with export of Philippine-made shoes, bags, clothing, handicrafts and furniture abroad.   And that made her a  young millionaire up to date.

                Aside from that, nagagawa din niya ang pinakapaborito niyang parte ng buhay niya... ang maging band performer. She was the bassist of the famous, Karisma Band kasama ang mga childhood friends niya.  Sikat na din ang grupo nila at may kani-kanyang fans. Pero siya, chill lang. Kahit saan namang banda, palaging ang lead singers ang mas kilala. And on Karisma case, the married couple Hamiel and Mien got the fame and Christella was very much happy for it. At least, kahit part siya ng Karisma, nakakalabas pa siya ng bahay ng walang road manager o security na kasama.

                Pampitong paghihikab na niya habang iniisa-isa ang mga pinipirmahan documents mula sa accounting department. Dalawang oras lang ata ang tulog niya dahil late na natapos ang gig ng Karisma sa Senang Hati Music Lounge. At kahit kulang pa sa tulog, hindi naman niya pwedeng takbuhan ang responsibilidad sa company. Araw din ng sweldo kinabukasan dahil pumatak ng linggo ang ika-kinse ng buwan at kailangan niyang mapirmahan ang sweldo ng kanyang mga tauhan para mai-release 'yon. 

                Pang-walong hikab... natapos na niya ang pinipirmahan. Pinatas niya yon ng ayos at tinawagan sa telepono ang kanyang secretary. "Gerline, pumasok ka muna dito."

                "Yes, ma'am."

                Hinintay niyang pumasok ang secretary niya. Nang makarating ito, ay iniabot niya ang mga folders dito. "Paki-deliver nito sa accounting," iniabot nito ang isa pang folder na inihiwalay niya, "ito naman sa sales and marketing."

                "Okay, Ma'am... may suweldo na po ba bukas?" nakangiting tanong nito sa kanya.

                Ngumiti siya. Naiintindihan niya ang mga empleyado niya. Wala ng mas exciting pa sa news na may sweldo na sila. "I just signed the papers. Kung ma-process agad today ng accounting at ma-forward sa bangko, early tomorrow, may sweldo na kayo."

                "Yes! Salamat, Ma'am! Dadaan po ako ng canteen bago ako bumalik dito sa office, may ipapabili kayo?"

                "Ah, no thanks. Baka umuwi na din ako maya-maya lang. Thank you."

                Ang pang-siyam niyang hikab ay naganap nang lumabas na ng opisina niya si Gerline. I have to kill this sleepiness!  

                She dialled Dana's number. "Hey, coffee tayo!"

                "Pass. May kinukulam pa ako!"

                She chuckled. "Alam mo kahit anong kulam mo dyan sa walanghiya mong ex-fiance, hindi na 'yon tatablan! Wag mo ng hintayin pa yon, move on na, girl!"

                Tough ang tingin ng lahat sa best friend niyang ito. Pero alam niyang hindi pa ito maka-move on sa pang-iiwan ng ex nito sa altar.     

                "I'm not into that bullshit. Itong mag-asawang ito sa clinic ko ang kinukulam ko. Sana mag-LQ naman sila para hindi parating eeeww ang eksena dito!" reklamo ni Dana.

                Napatawa siya. Bitter talaga sa romantic scene itong si Dana. "Hayaan mo na si Kuya Hamski at Mien. Sabihin mo kasi, bumalik na lang sila do'n sa Green Haven Farm. Coffee na lang tayo dali!"

                "Sorry hindi talaga pwede, may binabantayan pa akong aso dito. Mamaya pa akong gabi available. Dinner na lang mamaya?"

                "With the guys, okay see you later."

                But she really needed a dose of coffee.  Tinawagan niya si Hinaro. "Yow, dude, what's up?"

                "If it's about your stocks, you're doing great. Oh, would you mind investing at HBH? It's a right time today."

                Hehehe. Wala na bang alam ang lalaking ito kundi stocks? "Sige, email me the details. Pero hindi yan ang itinawag ko. Coffee tayo?"

                "Oh sorry, bebe but I can't. Still have a meeting to catch. Oh I have to go bye!"

                Di na siya nakahirit pa dahil na-cut na ang linya. Next, she called Cielo. "Mr. Kuripot coffee tayo!"

                "Sagot mo?"

                "Adik you?"

                "Ikaw nagyaya e."

                "Ewan ko sa tirik-tirik mong buhok! Ano, sasamahan mo ako?"

                "Wait, I saw Danica. Mang-aasar muna ako. Call you later." Nawala na rin itong bigla sa kabilang linya.

                Bakit ba ang hirap yayain nang biglaan ang mga hudas na ito?  Next, si Geo ang tinawagan niya pero alam niyang imposibleng mayaya din niya ito. "Doc Geo, coffee naman tayo."

                "Oh Christel bebe, I hope I could but...." Umingay ng bonggang-bongga sa kabilang linya.

                "Anong meron dyan? Party?" tanong niya.

                "Ah, I'm on Emergency room and there's ahm, five more patients... bloody patients to work on."

                Napangiwi na lang siya. "Okay I got it. Have a bloody day, dude!"

                Well I guess, I'm gonna have a date with myself again.  Kinuha niya ang hand bag  na mismong siya ang nag-design at  lumabas ng office. Nakasalubong niya ang secretary. "I have to go somewhere. Kung may important urgent matters, saka mo lang ako tawagan okay? Anyways, you can text me anytime. Hindi na ako babalik sa office today. Ikaw muna ang donya ng opisina ko." She winked.

                Napangiti lang ang secretary niya. "Si Ma'am talaga. Ingat ka po."

                She went to the parking lot and look around...searching for her car. Christella was a careless person and had a short detail about things around her... except about business and her music of course. At isa lang ito sa mga usual problems niya. Nakakalimutan niya kung saan niya nai-park ang sasakyan. Minsan pa nga, saka lang niya napapansin na kotse ng kapatid ang nadadala niya sa opisina kapag nasa gitna na siya ng kalsada. She didn't know if it was a manifestation of a certain memory disorder but she's fine with it. 

                And where did I leave that car?  

                "Hindi mo talaga makikita ang sasakyan mo kasi kotse ko ang tinangay mo." She heard from her back. Napatingin nga siya sa car keys na hawak. And her father was right.  Susi nga ng kotse ng kanyang ama ang natangay niya.

                Napakamot siya sa ulo nang balingan niya ang ama. "Sorry Dad."

                 "It's okay baby." They switch off the car keys. Inakbayan siya ng ama. "Ihahatid kita sa sasakyan mo, anak. Saan ba ang punta mo?"

                "Magkakape lang po."

                "With someone."

                "Alone, Dad."

                "Kailan ko kaya mababalitaan na nagko-coffee ka with a guy? Or have a date with someone aside from your childhood friends?"

                Heto na naman po tayo. It was always her father's question. Tumatanda na din daw kasi siya at ever since, wala pa siyang naipakilalang lalaki sa magulang. Well, she never had an interest with love at all. Yes naniniwala siya sa destiny and faith. Witness siya ng ganoong klaseng love na pinagdaanan nina Hamiel at Mien. But she never imagined herself being in that in love situation. Or maybe I haven't found the guy I'm melting my heart with.  Sa katwiran niya, pag dumating eh di go. Pag wala eh di wow. It's not a big deal for her.

                She unlocked the car. "Pag meron, Dad ikukwento ko agad sa inyo. Pero as of the moment, nage-enjoy pa akong maumay sa sweetness ni Kuya Hamski at Mien." She laughed.

                Love...A guy to fall in love with... Lahat ng kabarkada niya ay na-in love na once in their lives. May nasaktan, may naloko, may nanloko, may nawalan ng amor sa love at may sinuwerteng mauwi sa happy endings. Hindi makita ni Christel ang sarili sa ganoong sitwasyon.

                "At bakit ko nga ba iniisip pa ‘yon?" She continued driving.

She parked the car and entered Kofi Cups with a smile. Pumila siya para um-order hanggang sa mapansin niyang nagtitinginan ang mga tao at tumitingin sa counter... particularly sa binatang nasa unahan niya sa pila.

                Gwapo siguro ito. Nama-magnet ang mga girlaloo. But she actually didn't care. Naiilang lang siya kasi pakiramdam niya ay sa katitingin ng mga ito sa lalaking nasa harap niya ay baka makilala na rin siya ng mga tao. Though hindi naman siya pansinin sa banda, may mga iilan din naman siyang fans.

                Then she heard it now.

                "Wait guys, is that Christella of Karisma?"

                "OMG, siya nga!"

                Bigla na lang may sumulpot sa tabi niya. "Christel? Di ba ikaw iyong bassist ng Karisma Band?"

                Ngumiti lang siya ang tumango.  A must iyon sabi ni Richael. Kapag nag-approach ang fans, ngiti lang lagi. Kahit gusto niyang mapag-isa at magtago sa mesa sa hiya. Yes indeed, mahiyain siya... hindi lang halata.

                “Pwedeng magpa-picture?”

                Tumango lang siya uli.

                Lumingon ang binatang nasa unahan niya nang magkaroon ng commotion. Checked. Gwapo nga ito kaya pala nagtitingian ang mga girlaloo. Pero hindi na niya na-control ang mga sumunod na nangyari. The next thing happened, nagsilapitan na ang mga customers sa kanya, nagpa-picture, nagpa-pirma ng album at magazine ng Karisma.

                Magiliw na in-entertain ni Christel ang mga fans. Kahit na nahihiya siya, alam niyang hindi niya dapat binabalewala ang mga taong naging dahilan ng pagsikat ng banda.

                "Ang ganda-ganda mo sa personal Ikaw na ang fave Karisma member ko!" sabi ng isa.

                "Ako din! Ikaw na ang idol ko!" sabi pa ng isa.

                “Salamat sa inyo,” tanging nasabi niya.

                Patapos na ang instant meet and greet niya with fans nang umeksana si Mr. Pogi.

“Ahm excuse me!” The guy in front of counter line interrupted and smiled at her. “Let me take your order, Miss Christella.”

                “Oh, thank you. But I can manage,”  sabi niya. “Patapos na naman e.”

                On cue another bunch of teenagers rushed in to take photos with her. Napangiwi siya.

                “I think it’s taking the other way around.” The guy grinned. “Your coffee?”

                She gave in. “Just a cup of espresso. Thank you.”

                The guy just smiled and went back to the counter as she continued entertaining the fans. Until finally, natapos din ang mga fans na gambalain ang inaantok niyang pagkatao. She remembered her coffee. Pumunta siya sa counter.

                “I’ll serve your coffee, Ma’am. Umupo  ka na. Baka napagod ka sa mga fans mo,” nakangiting sabi ng crew. Kilala na silang magkakabanda sa branch ng Kofi Cups na iyon dahil favorite tambayan iyon ng barkada niya.

                “Okay here’s the payment.” Ibinigay niya ang  500 bill.

                “Paid na po Ma’am. Binayaran nung binata na umorder para sa inyo.”

                “Oh...Okay, thanks.” Speaking of, where is that guy? Nagpalinga-linga siya sa paligid pero wala na doon ang binata. Ano iyon? Lumayas na siya after i-order ako? Di man lang ako nakapagpasalamat. Di man lang siya nagpakilala... pogi pa naman. Natigilan si Christella sa iniisip. At kelan pa siya naging interesado sa pogi? Wala ngapala sa listahan ng buhay niya ang love life.

                Few seconds more, the crew served the coffee.

                “Kilala nyo ba ang um-order ng coffee ko?” tanong niya sa crew.

                “Hindi po Ma’am. Akala ko nga po boyfriend nyo iyon e.”

                “No, hindi ko siya kilala.”

                “Baka, fan nyo po.”

                “Maybe, thanks.”

                Iniwan na siya ng crew. Nagkibit-balikat na lang siya at binalingan ang coffee niya. May tissue na nakalagay doon na may note.

                Dear Miss Christella,

                I’m glad, I finally found you.
                 
Napakunot ang noo niya. Tinawag uli niya ang crew na nag-serve ng coffee niya. “Kanino galing itong tissue?”

                “Doon po sa um-order sa inyo. Ilagay daw namin pag nag-serve na kami ng kape sa’yo. Sweet po ano?”

                 Sa di mawaring dahilan ay napangiti siya. Misteryosong poging lalaki. Sino kaya siya?


                “Hello, everyone! Mabuhay!” Christella entered the back stage of Senang Hati Music Lounge. Bumati siya sa mga andon nang hindi man lang tinitingnan sila dahil ang paningin niya ay nasa binabasang papeles na hawak. It was an important report from marketing department na hindi niya kayang palagpasin.  Sakbat niya sa kanang balikat ang  bass guitar at sa kaliwa naman ay native shoulder bag na isa sa mga paborito niyang design.

Nasa  papeles pa rin ang mata niya nang ibaba niya ang gitara sa mesa. Nawala lang siya sa focus nang mahuli niyang nagmo-moment ng quick kiss ang mag-asawa sa isang tabi. “Oy, kayong dalawa, wag kayong PDA. Yuck kayo!”

They all laughed. Doon lang niya napansin na nasa may mesa pala si ang road manager nila at tila busy sa kung anong ginagawa nito s laptop.

“Anong PDA, dalawa lang kayong audience, PDA na agad?”  reklamo ni Mien.

“Nag-asawa ka lang Mien nagkaganyan ka na.” OA na lumapit siya kay Mien at hinawakan ito sa magkabilang balikat at OA na naglitanya. “Nasaan na ang dating Limien na di makabasag pinggan ngunit nakakabangga ng kotse? Ang Limien na demure pero nagtu-two piece at nang-aakit—aray!” pabirong hinila ni Hamiel ang dulo ng mahaba niyang buhok. Binalingan niya si Hamiel. “Ano ba, Manong Hamon?! Kung naiinggit ka sa bongga kong long hair, magpa-extension ka!”

Lalong umugong ang tawanan nila.

“Oh, may gyera?” Pumasok si Hinaro sa kagitnaan ng pagpapatawa ni Christela.

 “Pare, pag inilagay si Christella sa stock market anong value?” tanong ni Hamiel.

“Hmm, bad stock iyan. Not recommended,” patol ni Hinaro.

“Ang sama mo!” Pabirong sumimangot siya.

“Kung ikaw lang naman ‘yon, but when it comes to Arevalo Trading, highly recommended na mag-invest sa’yo. Kaya Hamham, mag-add ka ng investment sa lukring na iyan. Ikaw rin Richael. Her company is doing well in the stock market.”

“Thank you so much, Hinaro. I love you talaga.” She even pouted her lips na ikinatawa ng lahat. 

Binelatan lang siya ni Hinaro.

“Ganon? Saka na wala pa akong pera,” sabat ni Richael.

“So billionaire ka na, Christella?” tanong ni Mien.

“Hindi naman. Hindi pa,” Confident niyang sabi. Minsan lang naman siya magyabang... Or shall we say sa business lang naman siya mayabang dahil sa larangan ng pagnenegosyo ay may pagyayabang naman talaga siya.

“Wow! Kung ganon, manlibre ka naman!” Bigla na lang sumulpot si Cielo na parang kabute lang.

“Tse! Mukha kang libre e mas mayaman ka pa sa aming lahat. Ikaw kaya ang manlibre, Mr. Kuripot?” sagot ni Christella na tinawanan lang nila.

 “Ayoko, wala akong pera!”

“Lokohin mo ang chowchow mo!” buska nilang lahat sabay tawa.

Christella will never trade her friends for anything in the world. Para sa kanya ang mga baliw-baliwan niyang mga kaibigan na nagpapanggap na matitino sa harap ng ibang tao ang pinakamahalagang kaibigan sa mundo.

Few minutes more, nagsidatingan na sina Dana at Mathew na lalong nagpagulo ng usapan. No dull moments. Iyan ang rule nilang magkakabarkada. Akala lang ng lahat, seryosong mga music- inclined persons sila. Pero ang totoo, mababaliw ang makakasaksi sa pambaliw na pag-uusap ng Karisma.

Until, they were advised that the program will start.

“Wait sinong mauunang mag-perform?” Hamiel asked.

“Si Christella!” sabi ng lahat.

“Hoy, teka lang. Bakit ako agad? Baka mag-alisan ang mga tao. Wag ako, nahihiya ako.” Tonight is  different night. Mag-re-shuffle sila ng lahat to give each other their chances to sing a song. Lahat sila ay nag-practice maging vocalist. Pero ang problema ni Christel, may stage fright siya as singer. Mas feel niyang tumugtog ng gitara at magtago sa likod ni Hamiel.

“Nakakatuwa ka, bebe Christel. Ikaw nga ang voice coach ng grupo pero ikaw ang mahiyain,” sabi ni Mathew.

Alanganing napangiti siya.  She had a formal lesson in music vocal and instruments kaya siya ang tumayong music arranger at voice coach nina Hamiel at Limien. Pero never niyang inisip na magiging singer siya.

Inakbayan siya ni Hamiel. “You can do it... even better than us. Group hug guys for Christel!”

Pero sa halip na siya ang yakapin ni Hamiel ay si Limien ang niyakap nito habang nakayakap sa kanya ang iba.

“Ang galing ng group hug mo, manong hamon! Wag ng uulitin ah. Ang eeewww eh,” patawang hirit niya na ikinatawa ng lahat.

Pumayag na siya. Siya ang mag-opening song. Kaya ko ‘to! Ngunit nang lumabas na sila sa stage at nakita niya kung gaano karami ang tao... Hohemji! Katapusan na ng mundo ko!


“I FOUND HER!” Phi Nat declared to his family.  Kasalukuyan silang nasa maingay na Senang hati Music Lounge para i-celebrate ang maraming bagay. First, the success of his Ate Apple and Rover’s wedding, the engagement of his twin brother Coco Nat and Victoria and of course... their birthday. Thirty years old na sila ng kakambal. And he thought, it’s high time to take love as a serious thing.

Naalala niya si Christel. Sobrang saya niya noong isang araw nang finally ay matukoy na niya ang minsang naging movie seat mate niya. Nakita niya ito sa Kofi Cups at surprisingly, he found out that she was part of a famous band, Karisma. Kaya nang malaman niyang may regular gig sa bar na iyon ang banda... doon niya niyaya ang pamilya. Kumpleto silang lahat na magkakapatid, kasama ang magulang nila at ang mga sibling-in-law niya.

“Sino?” tanong ng Tatay niya.

               “Iyong movie seat mate na kinukwento mo anak?” excited na tanong ng Mama niya.

                He nodded. “Yeah. That’s why I asked you guys to be here.  Her band will perform.”

                “Wait, Karisma member ang mystery girlaloo mo?” tanong ni Apple. He just nodded. “Kaloka ka! Ngayon mo lang nalaman iyon e sikat na sikat ang banda.”

                “Eh si Limien at Hamiel lang ang kilala ko sa kanila e,” hirit niya. “But that was before. Tonight is a different night.”

                “Oh my! In love na rin ang Phi Nat ko. Mamaya niyan, mag-aasawa na rin, magkakaanak, magkakaapo... iiwan mo na rin ang Mama Mayii mo,” exaggerated na hirit ng nanay niya.

                Siniko ito ng Daddy Chrysler nila. “Ang advance  na naman ng iniisip mo.”

                “Eh tingnan mo sila oh. May kanya-kanya ng love ang mga yan. Maiiwan na talaga tayong dalawa.” His mom sighed.

                “Oh, hindi ka pa rin mag-isa. Dalawa pa rin tayo.”

                Napangiti si Phi Nat. Paano ba naman siya hindi maniniwala sa love kung mismong magulang niya ang perfect sample? 

                “So twin bro, anong plan mo for her?” Coco Nat asked.

                “Wala pa. Gusto ko lang siyang makita ngayon,” sabi niya. Para siyang nagayuma. Hindi mawala sa isip niya ang imahe ng mukha ni Christella mula nang hindi sinasadyang makita niya ito s Kofi Cups noong isang araw.

                “Sus, wag ng mabagal. Kantahan mo siya Phi Nat brittle!” His Ate suggested.

                “Oo nga anak, i-cheer ka namin!” gatong pa ng Mama niya.

                Naku po. I’m in danger.  “No, mapapahiya lang ako sa harap niya.  I will not do that.”

                “You will or else, ikaw ang babayad ng lahat ng ito,” his father added.

                Napamulagat siya. Even his father was pushing him at the edge of the cliff. Ni hindi nga alam ng mga ito  kung marunong ba siyang kumanta o hindi. “I can’t believe this. April fools ba ‘to? Baka pag kumanta ako mawalan ng tao.”

                “Oh come on son, I know you know how to sing,” his mom said.  

                “How?” dudang tanong niya.

                “Because I’m your mother. So gora na anak, kumanta ka sa free jam ah.”

                On cue, Limien of Karisma band caught their attention.  “Okay we’re now opening the stage for free jam.  Guys, just be free to come over and jam with us. Sinong unang biktima natin ngayong gabi?” patawang hirit ni Limien. Napatawa na tuloy lahat. At kinabahan na si Phi Nat nang ibuyo siya ng pamilyang maging clown sa gabing yon.

“Ako daw!” or daw?  Phi Nat gave in. First time niya sa Senang Hati at napagtripan siya ng mga kapatid at magulang na itulak sa stage.  Baka after nito, hindi na ako makabalik.  What the hell? Wala na siyang choice. He just prayed na makisama ang boses niya sa kanya mamaya. Lumakad na siya papuntang stage.

“Go kapatid! Kahit anong kalabasan niyan, mahal ka namin!” sigaw ni Ate Apple.

“Video-han kita para may souvenir! Happy birthday sa atin ‘tol!” sambit ni Coco Nat.

“Anak ko yan! Gwapo, single, at mabango!—” hirit ng kanyang ina.

“Mayii!” sinita ito ng tatay niya. “Wag mong ibenta anak natin!”

“Okay lang yan,  Chrys malaki na yan pwede ng ibenta!”

Napangiwi si Phi Nat. Nabiyayaan talaga siya ng mababait na kapamilya, medyo pare-pareho lang silang may pagkabaliw.

Umakyat siya ng stage. Limien greeted her. “Pangalan?”

“Philip Nathaniel.”

“Suking tindahan?” Tumawa ang mga tao.

“Wala pa naman. May tindahan ka ba? Iyon na lang.” That earned another batch of laugh from crowd.

 “Bakit mo naisip na gusto mong maging biktima?” tanong ni Limien.

“Ah, dahil birthday ko. Birthday naming ng kakambal ko,” sagot niya.

“Wow, happy birthday, sa’yo Philip Nathaniel. The stage is yours now.”

“Pwedeng iuwi?”

People laughed. Pati si Limien ay napatawa din.

“Sige, baklasin natin mamaya. Tutulungan kita,” patol ni Limien sa joke niya. Then he was instructed to shortly discuss whatever he will sing with the band. Natigilan siya nang makita ng malapitan si Christella. She was indeed beautiful from afar… but she is much prettier now that they were just few inches away. Natulala tuloy siya. At wala sa sariling kinuha ang gitara.

“Anong song?” tanong ni Christella sa kanya. Sinulyapan lang siya nito at muling ibinalik sa gitara ang atensyon. Hindi ata siya nito nakilala.

“Ha?” tanging nasambit niya habang pinagmamasdan ito.

Binalingan siya nito. “Anong kakantahin mo?”

“Ah, Everything of Michael Buble…” Parang na-magnet siya at ang gusto na lang niya ay titigan ito. Out of focus, basta na lang niya isinakbat ang gagamiting gitara.

“Baliktad.” Nilapitan siya ni Christella at tinulungan siyang ayusin ang gitara. He smelled the familiar fragrance that brought him back to the memory of meeting her for the first time. Malala na ang tama mo, Phi Nat. Totoo ba yan? O baka naparami na ang nainom mo?

“Yihiiiiiii!” the crowd suddenly teased them. Halos magkasabay na napatingin sila sa crowd, nagkatinginan at nag-iwasan ng tingin.

“Uyyyy, bagay!” Hamiel stated na lalong nagpalala ng pang-high school na tuksuhan ng mga tao roon.

“Weeeee, love team!” tukso ng mga kabanda nito.

“Want her number, dude? Bigyan kita later,” udyok pa ni Cielo.

Napapangiti lang si Phi Nat habang di niya maiwasang titigan si Christella habang inaayos nito ang gitara.

“Oy, di ako for sale!” reklamo ni Christella kay Cielo pagkatapos ay binalingan siya nito at nginitian siya. “Okay na, pwede ka ng kumanta.”

“Salamat.” He then faced the audience. “Happy birthday to me and my bro, Niyog!”

The crowd laughed. He then sung while playing guitar.

                You’re a falling star, you’re the get away car. You’re the line in the sand when I go too far. You’re the swimming pool, on an August day. And you’re the perfect thing to say.


                NAKAKAHALATA NA ako ah. Panay ang sulyap ng lalaking ito sa kagandahan ko. True indeed. Hindi naman manhid si  Christella para hindi mapansin na panay ang lingon sa kanya ng Philip Nathaniel na ito habang kumakanta at siya naman ay tumutugtog ng gitara. Ewan niya nga lang ba kung nagagandahan lang talaga sa kanya o... may something e.  The way that the guy looked at her made her feel that they had met before. Pero dahil nga siguro sa short attention niya sa details ay nakalimutan na niya.

   … And in this crazy life and through these crazy times, it’s you…it’s you. You make me sing. You’re every line, you’re every word, you’re everything….
            
           The audience cheered after he ended the song.

“Once again, thank you Mr. Philip Nathaniel Canilao.” Nakipag-shakehands si Hamiel kay dito. “Any message for Christella?”

Yihiii! Nagtuksuhan na naman sa loob ng music lounge. Pasimpleng pinandilatan niya si Hamiel nang may halong malisyang binalingan siya nito.

 Binawi lang niya ang expression nang nakangiting binalingan siya ni Phi Nat. “Ah, Christella, ang cell phone number ko ay 0906—” That earned bunch of laughs from the audience. In fairness, natawa din siya. “Joke lang iyon. See you next time, Miss Christella.”

                Ngiti lang ang sagot niya and just a snap, nakababa na ito ng stage.  Isa pala itong Canilao, marahil ay isa sa mga may-ari ng Canilao Group of Companies kung saan siya may investments. 

                “Kuya Hamski, break muna ako,” sabi niya kay Hamiel. He just nodded to her. She immediately went to the dressing room.

                Parang familiar siya. Saan ko kaya siya unang nakita?  Nagkibit-balikat na lang siya habang papasok  sa dressing room.  

                “Hi!”

                Natigilan siya nang makita si  Phi Nat. May hawak itong stemmed peach rose. “Paano ka nakapasok dito?” kunot-noong tanong niya. 

                “Pinapasok ako ni Ms. Richael. Ibibigay ko lang ito.” Iniabot nito sa kanya ang rose. “I’m glad that I finally found you.”

                Sounds familiar. “Wait...” Kinuha niya ang tissue paper na kasamang nai-serve sa kanya sa Kofi Cups noong isang araw. “Are you the same guy who bought me a coffee at Kofi Cups?”

                “Ahuh. Hindi mo ako naaalala?”

                Umiling siya. “Sorry ah. Makakalimutin ako sa mukha ng mga taong nakakasalubong ko.”

                “It’s okay.” He offered his hand. “I’m—”

                “Philip Nathaniel Canilao. Nagpakilala ka na kanina on stage.”

                 He grinned. “Oo ngapala.” Binawi nito ang kamay.

                “Thank you sa rose at sa coffee,” nakangiting sambit ni Christella. Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya sa binata.

                “Welcome.”
                On cue, bigla silang nagkatitigan. Parang may magnet na nag-attract sa kanilang dalawa. Iyong katulad ng napapanood sa tv, sa teleserye... sa wide screen. Luma-love story na ba ako? Nabigyan siya ng pagkakataong matitigan ang mukha nito.  His chinito expressive eyes... his sift lips... his fair skin... Gwapo nga. Pero... parang aside from coffee shop ay nakita ko pa siya somewhere.  

                “Christel...” He was still gazing at her. Parang may gusto itong sabihin na di nito masabi.

                “Hmm?”  Titigan pala ang trip mo ah. Sige titigan pa more!  

                Nanatili itong nakangiti at nakatitig sa kanya hanggang sa mapansin niyang parang kinakapos ito ng paghinga.  “Uy, okay ka lang?”

                Hanggang sa nag-give in na ito. “H-hindi ako makahinga...”

                Nawala na ang kilig scene, nawala na ang ngiti nito. Agad itong namutla at siya... nataranta na.

                “Anong nangyayar sa’yo? Kaloka ka! Entrepreneur ako, hindi ako doctor!” Inalalayan niya ito sa sofa sa loob ng dressing room. Kumuha siya ng kahit anong pwedeng ipampaypay dito. She tapped his back habang pinapaypayan ito. “Uy, ano ba? May gamot ka bang dala?”

                Sapo nito ang dibdib. Umuubo ubo at di na niya makausap hanggang sa mawalan ito ng malay at bumagsak ang ulo nito sa kanya.

                Ay! Kaloka! Anong gagawin ko sa’yo? Hindi ako ready sa mouth to mouth!  Napailing siya sa naiisip. Bakit ba puro kalokohan ang naiisip niya sa panahong dapat ay tumatawag na siya ng doctor?

                On cue, Doc Geo entered the room. Hindi na rin namalayan ni Christel na nakita pala ni Richael ang nangyari at nakahingi na ng rescue sa kabanda niyang doctor.                             

                “Anong nangyari?” tanong ni Doc Geo.

                “Di ko alam. Nagtitigan lang kami, kinapos na siya ng paghinga e—‘’ natutop niya ang bibig sa sinabi.

                Kasabay noon ay tiningnan siya ng masama ni Geo.

                Nag-peace sign siya. “Hinika ata tapos nag-fainting galore.”

                Umiling ito at inasikaso na si Phi Nat.

                Ano nga kayang nangyari sa kanya? Hindi kinaya ang beauty ko?  Napailing siya. Nahawa ka na sa pagkalukring ni Limien, Christel.  

              Binalingan niya si Phi Nat. Still, wala pa rin itong malay.  Sana... maging okay ka na. Sayang, ang pogi mo pa naman. Hihi.  





PREVIOUS                                     NEXT

Comments

Anonymous said…
next na ang tgal ng ud mo.. lol!!
cutie here...

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…