Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Ten



Maraming gumugulo sa isipan niya habang pabalik na siya sa bahay ni Marion. Anong gagawin niya kung sakaling totoo ang sinabi ni Raiza? Kaya ba talaga ni Marion na gawin iyon sa kanya? Takot siyang matuklasang totoo ang lahat ng iyon.  Kahit pa maunawaan niya ang  magiging paliwanag nito, sigurado siyang masaktan pa rin siya.

            Inabutan niya si Marion na  nanonood ng TV habang nakahiga sa kama nito sa  kwarto.  Pinatay nito ang TV nang makita siya. “Ang bilis mo naman ata.”

            Seryosong lumapit siya dito. Tatanungin na sana niya ito pero naunang pumatak ang luha niya. Sa halip na magtanong, niyakap na lang niya ito.

            “Eingel, anong problema? Bakit ka umiiyak?”  He kissed her temple and embraced her back.

            Bumitaw siya sa pagkakayakap dito at matapang na hinarap ito. “Nagsinungaling ako. Hindi ako sa Fidelity nagpunta. Nakipagkita ako sa ama mo at kay Raiza.” 

            Biglang nag-iba ang expression ng mukha nito. Kung kanina’y mukhang alalang-alala ito, ngayon ay tila nagagalit ito. “Bakit ka nakipagkita sa kanila? Kung nilait ka nila o sinabihan ka ng kung anu-ano, wag mong intindihin lahat ng iyon. Ako ang boyfriend mo. Ako ang pakikisamahan mo  at hindi sila. Wala silang magagawa kung ikaw ang mahal ko.”

            Umiling siya. Tears fell from her eyes. “Totoo bang binayaran mo ang Fidelity para ma-published ang novel ko?”


            Natigilan ito. Kahit hindi ito  nagpapakita ng kahit anong reaction, bakas sa mga mata  nito ang takot. “Eingel, it’s not really like that—”

            Huminga siya ng malalim para pigilang magwala. “Oo o hindi lang, Marion.”

            He bit his lower lip at tumungo. “Oo.”

            Tears fell from her eyes again. Daig pa niya ang  muling na-reject ng publisher. Higit pa ang sakit na nararamdaman niya. Malinaw na binayaran lang ni Marion ang pangarap na pinaghirapan niyang abutin.

            “Bakit? Bakit kailangang paniwalain mo akong nag-succeed ako sa bagay na pinangarap ko, Marion? Nakakaawa na ba ako para bayaran mo ang Fidelity? Ganon ba ka-pathetic ang tingin mo sa akin? O sa tingin mo rin hindi ko kaya? Akala ko pa naman ikaw na yung pader na masasandalan ko anytime. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko? Dinala mo ako sa taas at hinayaan mo lang akong maiwan doon ng mag-isa. Ang labo mo, Marion.” Sinubukan niyang magpakahinahon.

            Ikinulong ni Marion ang kanyang mukha sa mga palad nito. He was gazing at her with his pair of eyes that silently asking for forgiveness for understanding. “It’s not like that. Charlotte and I had a deal. She will publish all your submitted novels in special condition. I told her that if your novel fails to earn in the market, I’ll pay for the cost just let Fidelity gave you the chance. But right there on that talk, she refused to accept my deal. Titingnan daw muna niya kung may potential ang novel mo at saka kami mag-uusap. Siya mismo ang bumasa at after five days we talked at sinabi niyang di ko na kailangang makipag-deal dahil siya mismo ang nag-approve ng novel mo.”

            Good news para kay Eingel na na-published ang novel niya dahil totoong pumasa iyon sa evaluation at hindi dahil nabayaran ang Fidelity. But the fact that Marion attempted to buy her dreams broke her heart.

            “Pero sinubukan mong bayaran sila kapalit ng katuparan ng pangarap ko. Bakit? Anong dahilan mo?”

            Umiling ito. “Mahal kita, Eingel. Ang gusto ko lang naman ay matupad mo ang pangarap mo. Maaaring mali ang paraan ko pero ang ginusto ko lang naman ay makitang masaya ka kasi nagawa mo ng makapag-release ng libro. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka.”

            “Para mapasaya ako?”

            “Mahal na mahal kita. Eingel. I’m sorry.”

            Inalis niya ang kamay nitong nagkulong sa mukha niya. “Para mapasaya ako? Mahal mo ako? O mahal mo ang sarili mo? Ayaw mong magpakasal kay Raiza, ako ang dinahilan mo. Ayaw mong magdoctor,  ang bookstore na sinabi mong para sa akin ang dinahilan mo. Ginawa mo lang ba akong excuse? Iyan ba ang love na pinagmamalaki mo sa akin?”

            Sumama ang timpla ng facial expression nito, waring tinamaan sa sinabi niya. Pero higit pang sakit ang tumatama sa puso niya. Napaglalaruan lang ba sila ng tadhana o talagang ginamit lang siya ni Marion para makatakas sa mga bagay na ayaw nitong harapin?

            “Kahit kelan, hindi ko naisip na gawin kang excuse. Wala naman akong idea na magkikita tayo uli bago ko pinatayo ang Miracle. Wala akong planong magpakasal kay Raiza, bumalik ka man o hindi. Buong buhay ko, minahal lang kita kahit hindi kita nakikita. Lalo kitang minahal nang muli tayong magkasama.  Hindi ko alam na ganyan lang pala kababaw ang tingin mo sa  pagmamahal ko.”

            Moment of silence came in. Kapwa sila nakatingin sa magkaibang direction. Tuloy lang ang pagpatak ng luha niya habang pinipilit na maliwanagan. Naiintindihan niya na dahil gusto ni Marion na maging masaya siya, lahat ng paraan ginwa niya kahit pati iyong mali. Nakalimutan  isipin kung ano sakali ang mararamdaman niya.  And that’s killing her heart slowly.

            She didn’t know what to do. Breaking up with him, she knew will never be a good decision. But in that time, she really wanted to run away from him.

            Hinawakan muli nito ang kamay niya. “Eingel… I’m sorry. I’ll pay for whatever consequence you’ll be giving me.”

            Nagpumiglas siya. “Yeah, pay for it. You just have to do one thing.”

            “Ano?”

            “Don’t you ever show your face to me again.” 

            Pagkasabi noon ay mabilis na umalis siya. Marion tried to run after her but she didn’t let him catch her. Alam niyang isang yakap lang mula dito ay magbabago ang isip niya sa naging decision.     
           

            “HAY, BUTI pa ang isda. Pag nahuli na ng mangingisda at natsugi, tapos na ang problema,” hirit ni Eingel habang naghuhugas ng isda. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng mga magulang sa probinsya at iniwan niyang lahat ng di magagandang nangyari sa Maynila. Isa lang ang natangay niya. Iyong love niya kay Marion na hindi niya magawang ibaon sa limot kahit ilang buwan na ang nakakaraan. “At walang reklamo ang isda dahil tanggap na nila sa simula palang ang morbid na ng magiging ending nila. Ang iba nga sa kanila, Aalagaan pa ng husto, ibi-breed, papakainin pa ng fish pellets, papa-experience sa kanila ang sarap. Pagkatapos naman, papatayin din sila ng walang laban sa harvest season. Parang love, minsan papaasahin ka sa happy ending tapos iiyak ka lang pala.”  Naalala niya si Marion. Ayaw man niyang isipin ito, walang nagawa ang isipan niyang may unlimited memory kung paano pinakita ni Marion kung gaano siya nito kamahal. Maging siya ay nalulungkot na ganito ang naging ending nila. Dahil sa isang wrong move nito, natakot na ang puso niyang pagkatiwalaan ito.

            “Ate, nabasted ka ba ng lalaki?”

            Iyon ang nagpabalik ng utak niya sa reality. Her younger sister was laughing while she was dealing with the fish. “Ikaw, nag-aadik ka ano?” balik niyang tanong dito. “Ang ganda kong ito, mababasted ng lalaki. No, never.”

            “Eh kasi naman naghuhugas ka lang ng isda diyan e naisingit mo pa ang love.”

            “Tinzz, naku. Wag mong asarin iyang ate mo. Ngayon na nga lang umuwi ang ate mo eh inaasar mo pa,” sita ng kanyang ina. “Eh anak, nawalan ka lang ba talaga ng trabaho kaya ka umuwi o may lalaking iniiwasan mo?”

            “Isa ka pa ‘Nay e. Mas magaling pa talagang ang pobreng murdered na isda na lang ang kausapin ko.”

            “Eh kasi naman anak, ilang beses ka na namang nawalan ng trabaho sa Maynila at nagpalipat-lipat ng kompanya, ngayon ka lang naman umuwi dito na iyon ang dahilan mo,” katwiran pa ng kanyang ina.

            Gusto niyang sumigaw at magwala. Ayaw niyang pag-usapan si Marion pero ang magkaroon ng pamilyang tulad ng pamilya niya, good luck na lang kung makatagal pa siya sa pananahimik.

            “Trabaho nga lang po. At saka sabi naman ng publisher ko, pwede naman daw pong magsubmit na lang po ako   ng novel via internet. At dahil wala na nga po akong trabaho doon, mas okay na pong dito na lang ako. At least kasama ko kayo.”

            “Wala talagang boyfriend? Eh ate, sino yung kainuman ni tatay sa labas?”

            “Ha?” Agad siyang naghugas ng kamay.

            “Oo nga anak. Boyfriend mo daw eh kaya pinapasok na ng tatay mo at naku ayon, nayaya na sa inuman.”

            Marion? Agad siyang sumilip sa bintana kung saan tanaw ang lilim ng punong mangga kung saan madalas naglalatag ng mesa ang kanyang ama para makipag-inuman sa mga katropa nito. Confirmed.  Nakita niya si Marion, ang kaisa-isang kainuman ng kanyang ama. Panay ang tagay ng kanyang ama ng gin dito habang tila may mga ikinukwentong seryosong bagay. Malayo ng konti sa bahay ang puno kaya hindi masyadong dinig ang usapan ng mga ito. “Marion. Ano bang ginagawa ng lalaking iyan dito?”

            “Boyfriend mo ba ate? Ang pogi!”

            Sinamaan niya ng tingin ang kapatid.  Na nag-peace sign lang sa kanya. Pinagmasdan niya ito mula sa malayo. Lihim na pinakiramdaman din niya ang sarili. Wala na siyang makapang galit o sama ng loob dito. Ang tanging nararamdaman lang ng puso niya ay ang pagka-miss dito at ang katotohanang mahal na mahal pa rin niya ito.  Sa nakalipas na ilang buwan ay natutunan ng puso niyang patawarin na ito at tanggapin na lamang ang paliwanag nito. Ilang beses din niyang pinalangin  na sana ay suyuin pa siya nit matapos niyang magpakalayu-layo. Lihim niya itong hinintay. And now, then long wait is over.

            Agad siyang lumabas ng bahay at pinuntahan ang mga ito. Tumayo si Marion nang makita siya. Natigilan siya nang maramdaman na naman niya ang muling pagtalon ng puso niya. In few seconds they just gazing at each other, tila sinulit ang ilang buwan na hindi sila nagkita.

            “Anak, nakausap ko na iyang boyfriend mo.  Napakabait na bata at mahal na mahal ka. Kung anuman ang pinag-awayan nyo, ayusin nyo na iyan.” Tumayo ang kanyang ama  at nilapitan siya. Hinila siya nito papalapit kay Marion. Pagkatapos ay masayang pinagmasdan sila ng kanyang ama. “Mga anak, marami pang mas mabibigat na problema ang maaring dumaan sa inyo pero kung mahal ninyo ang isa’t isa, malalagpasan nyo yon ng ayos.” Agad ding iniwan sila ng  kanyang ama para daw mapag-isa sila at makapag-usap ng ayos.

            Umupo siya sa binakanteng upuan ng kanyang ama. Magkatapat sila ni Marion.  Tahimik lang sila pareho at ito, busy na naman sa pagtitig sa kanya.

            O, magtitigan na lang tayo ng isang linggo. Bet mo? Napagdiskitahan niya ang bote ng gin cuatro. Nakaisip siya ng magandang idea. Binuksan niya ang bote at nagsalin ng gin sa baso niya at sa baso ni Marion. Pagkatapos ay seryosong binalingan niya ito. Muntik na siyang matawa nang mapansing tila nagtataka ito sa kinikilos niya.

            “Tagay,”  utos niya dito.

            “Eingel, pwede naman tayong mag-usap ng walang gin—”

            “Tagay sabi eh. Tatagay ka o palalayasin kita?”

            “Eto na!”  Agad nitong ininom ang laman ng baso nito.

            Para fair ay ininom din niya ang sa kanya. Pinilit niyang wag magpahalata na napangitan siya sa lasa. Hindi talaga siya  pwedeng maging manginginom.  Pweh! Bakit ko pa kasi natripan ang gin na ‘to? Ang chaka ng lasa!  Magsasalin pa sana siya sa baso niya nang pigilan ni Marion ang kamay niya.

            “Tama na, baka malasing ka. Ako na lang.”

            Lihim na naman siyang kinilig. Kahit kailangan talaga ay sweet itong si Marion sa kanya at kahit ilang buwan din silang hindi nagkita, walang nagbago sa pagiging natural na malambing ito.

            “Kaya mo?”

            “Basta para sayo, kaya ko.”

            Testing his guts, nagsalin uli siya ng gin sa baso nito. Walang reklamong nilagok nito iyon. At isa pa at isa pa. Hanggang sa tingin niya, may tama na ito. Nagbo-volunteer na nga ito  ng tagay at nang-aagaw pa ng bote.

            “Na-miss kita, Marion.” Natigilan ito, tila hindi nito ine-expect ang sasabihin niya. “Surprised?”

            “The thing I thought you will say is, ‘I don’t want to see you anymore’ and not ‘I miss you’.”

            “I didn’t mean that line pero sineryoso mo.”

            “Hinanap kita. Malay ko bang lalayo ka ng ganito kalayo.” He held her hands. “Ang layo-layo. Di mo lang alam kung saan-saan kita hinanap.Nagkanda-ligaw-ligaw pa ako. Pinuntahan kita sa dating mga lugar na alam kong pinupuntahan mo. Sa dati mong tinitirhan, sa bookstore, sa ilalim ng mesa, sa banyo, sa kusina, sa kaldero, sa bulsa ko—”

            Napatawa siya. “Uy! Anong tingin mo sa akin ballpen? Makikita mo sa bulsa mo?” Lasing na nga ito at  halo-halo na ang sinasabi nito.

            “Huh? Ano bang sinabi ko?” nang-agaw pa uli ito ng tagay pero pinigilan niya ito. He just tapped her hands. And she did the same sabay agaw ng baso. “Kala ko ba gusto mong tumatagay ako?”

            “Hindi na. Lasing ka na.”

            “No!” tanggi nito.  “Kilala pa kita, thus hindi pa ako lasing.”

            “Weh, sino ako?”

            He set his glance on her. Kahit mapungay ang mata nito dahil sa epekto ng alak, hindi noon nabago ang kabog ng puso niya nang titigan siya nito. “The one I love the most. You are the one I wanted to live with for the rest of my life. The woman I miss so much. Iyong babaeng hindi masyadong maganda pero napakaganda sa paningin ko.”

            Napataas ang kilay niya. Ang ganda na, binasag mo pa e. “Ganon?”

            “Ahuh.” He held her hands. “I’m sorry, Eingel. Sometimes people do crazy stupid things out of love. Alam kong unacceptable pero nagawa ko iyon sa’yo dahil mahal kita, ayokong masaktan ka. Ayokong makitang malungkot ka, umiiyak dahil binasted ka ng publisher like how you used to when I saw you at the lrt few months ago. It would break my heart. Kaya, iyon. Kung anu-ano na ang nagawa ko. Stupid, I know. I’m sorry.”

            “Bakit di mo man lang sinabi agad sa akin?” may halo pa ring hinanakit na sambit ni Eingel.

            “Natakot ako. Na baka di mo maintindihan. Na baka isipin mo na wala akong tiwala sa’yo na kaya mong maging published author kaya ko inisip yon. Baka mawala ka sa akin.”

            “It did happened…almost.” Tears fell from her eyes. “Alam mo ba, pakiramdam ko ang tanga ko noon. Akala ko okay ang lahat.  Iyong pagbalik mo sa buhay ko? Parang lucky charm ka. Noong dumating ka, na-publish ang novel ko sa wakas, naging tayo, naramdaman ko na masarap pa lang maging heroine ng sarili  kong love story habang ikaw ang aking prince charming. May mga naging problema tayo pero napagdaanan natin. Buo tayo, totoo, sincere. Until that day, I found out about that.” 

            Tumayo si Marion at niyakap siya. “I know now my fault, Eingel. Please, give me another chance. I will never hurt you again. You will cry out of hurt, I swear. I love you.  I mean it.”

            Pinawi niya ang luha at napangiti. “Pasalamat ka, mahal kita. Kasi kung hindi, never mo ng masisilayan ang ganda ko.” She opened her arms to welcome him back. “I’ll give you your fair chance, Marion. Pero sa susunod na saktan mo ang heartsung ko, sa Tralala na ako magtatago. Hinding-hindi mo na ako makikita. ”

            He moved a little to face her. Bakas sa mga mata nito ang relief dahil binigyan na niya ito ng chance. He managed to lovingly wipe her tears away while gazing at her. And that healed her heart.  “I will never allow that to happen. I will never let you stay away from me anymore.”

            “Hmm, paano kung tumakbo ako ngayon?” She grinned.

            He just smiled and embraced his loving arms around her waist. “You can’t. I will never let you go. Hah! Ngayon pa? Matapos kong maligaw, lumagpas at mapunta sa maling munisipyo, at habulin ng mga aso pagkababa ko ng kotse, papatakasin pa kita? Hindi na.”

            Napatawa siya. “Pinagdaanan mo talaga iyon?” He nodded. She smiled and kissed his cheeks. “Mahal mo nga ako.”

             “Are you still in doubt?”

            “Noon, hindi. Pero after kong masaktan, medyo,” pag-amin niya. “Pero let’s see, prove it.” She winked.

            “Oh well, I have lifetime to prove that I love you unlimited, Eingel. I swear, I meant it.”  

            He moved closer and grabbed her nape. “And I start my proof with this.” The moment his lips touched hers, Eingel felt that finally she found her prince once again.”


            They shared their sweet kisses as they promise to stay together no matter what happen. From that day, no one can separate them and no one can spoil the happiness and love they have for each other. Finally, Eingel found her hero in a romance story wherein she was the heroine.



THE END



        PREVIOUS                                     

Comments

Apple Jane said…
Nakakakilig naman ang ending my mga guy pa kya ganyan ngAun??Sanandaj ko din bago mong story,more power in Godbless!!
Anonymous said…
kakakilig talaga to the best hehehehe sana makahanap me ng kagaya ni Marion :-D galing mo talaga Miss Melai
Hyacinth Blue said…
Very kilig to the maxxx! ^_^ Congrats for finishing another blockbuster story. :)) Looking forward to more beautiful stories from you, Ate Melai!
Hyacinth Blue said…
Ate Melai, pde pong magtanong? May book 2 po ba ung love story nina loui and mharlen? ^_^
Melai said…
Meron sana kaso hindi ko na nagawa. At ayaw na ni Loui. Hehe. Naabuso ko na daw private life ng kaibigan ko na yon kaya ayaw na niya. Arte ano? Haha. But to give you an idea, they were happily married now with 3 years old twins and an upcoming baby girl.
shanime said…
Wow i love it sana ganito din love story ko heheehe wish ko lng swerte ni eingel
Anonymous said…
BAkit bitin? Hindi ako satisfied sa kilig moments nila? Haha naging bitter na cguru ako ahaha.. hinahanap ko ang kilig at heartache ng mga bida.. more power sa upcoming novels nyo po ate melaii!!
kiz said…
ang gandaaaaa.. ang ganda ganda ko. hahahaha. choz.
ate melai. iba ka talaga magsulat. ung KILIG andun talaga eh. ^_^
namiss ko magbasa. nagmarathon ako d2. hahaha. half day ngbasa sa office. hahaha. :D
Anonymous said…
your stories are keeping me awake at night.. gabi kasi ang work ko eh.. anyways detailed lahat ng gawa mo at napakaganda ng mga stories mo.. pinabasa ko sa isang friend ko na babae at ayun binigay ko site ng blog mo... more power to your upcoming stories.. big thumbs up for you Ms Melai
Melai said…
Maraming Salamat :)
Hannah Fay said…
And here i am again. Reading your awesome stories!
It never fails ate melai. Hehe. Ayan napa english tuloy. ����
Anonymous said…
HI ms melai,


ask lang po baka pwede ninyo dagdagan itong kwentong ung tipo na itatama ang mali tapos ma-acept ng family ni marion ung gusto nya sa buhay. at magpakasal sila tapos magkaanak. kasi bitin po eh



salamat,

from riyadh

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…