Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Nine



She walked towards the store while Marion just stayed beside her. Confirmed. It was her first published novel who won the place. Tears of happiness fell from her eyes. This didn’t only mean how much he supported her on her writing endeavor. Gaya nga ng sinabi nito kanina, patunay iyon kung gaano siya nito kamahal.  And all in all, she was just crying and speechless while she was staring at her books perfectly arranged on that particular shelf.

            He embraced her from her back. “Before I met you during college years, I don’t have dream of my own. I just follow my father’s command. He asked me to take medicine then I took it since I don’t care about the future at all. Then I met you. You are girl full of dreams. You inspired me, until one day I finally have my dream. I want to be yours. I want to be part of the dreams you are making. I want to be someone that will make your dreams better than you expected. I dream your dream.


             “Few years ago, I started fulfilling my dreams having you as my inspiration. I quit my career in hospital and build Miracle. Bawat sulok ng Miracle ay ikaw ang aking inspiration. Because I know how much you love books, I’m sure one day I’m going to see you again inside my bookstore. Umasa ako na sana makita kita uli at magawa kong ipaliwanag sayo ang nangyari sa past. And of course you know it. I want to win your heart again. Also, pinatayo ko ang Miracle para maging sanctuary ng mga susulatin mong libro. Hindi ko nakalimutan  ang big dream mo. And this shelf? This is only made for you. Lahat ng branches ng Miracle may nilaan akong shelf para sa magiging mga libro mo. Para sayo lang. This had been empty for years. Finally, you made it and this shelf is now full of your trophy. Ginawa ko itong lahat sa isang simpleng rason. I love you Eingel. I never loved anyone else than you. I never even feel this way until I have you in my life. I hope one day, I can finally, marked your heart as mine.”

            Hinarap ni Eingel si Marion. No right words can describe how happy she was having him in her life.  Pinawi niya ang sariling luha.  Sapat na lahat ng kanyang narinig para mapatunayan kung gaano siya kamahal nito. Oras naman para suklian iyon ng pagmahahal at kagandahan niya.

            “Marion, kulang ang thank you para pasalamatan ka sa lahat ng ginawa mo para sa akin.” She teasingly smiled. “Pwede na ba ang I love you?”  

            He smiled pagkatapos ay nagseryoso ng mukha. “Hindi.”

            Nagtaas siya ng kilay. Akala ko ba ang bonggang heartness kez ang type mo?  “Hindi?” Sumimangot siya.

            He laughed and lovingly embraced her. “Dapat I love you very very very much.”

            She lovingly embraced him. “I love you unlimited.” She laughed.

            “Anong I love you unlimited? Bakit ayaw mong mag-I love you very very very much?” may himig na pag-iinarte este lungkot ang tinig nito.

            “Hoy lalaki, mas marami iyong unlimited sa tatlong very mo ano.” He laughed. “You will never win my heart, Marion for you already have it yours since then. I love you unlimited.”

            “That’s so sweet, Mahal. I love you… unlimited.”

            Natawa siya sa panggagaya nito sa pag-I love you niya. Naghiwalay na sila at magkahawak ng kamay na naglakad palabas ng Miracle Books at nagtungo na sa parking lot. Still, natatawa pa rin siya.

            “Bakit ka ba tawa ng tawa?” tanong nito.

            “Sabihin mo nga uli iyong I love you unlimited?”

            Huminto sila sa paglalakad, saktong nasa tapat na sila ng kotse nito. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at tinitigan siya. “I love you..,” he moved closer to her face, “unlimited.” He claimed her lips. And for a couple of seconds they shared the one unique language of love that doesn’t need words to utter. A loving kiss that expressed thousands of undefined words that only heart can understand well. 


            MAAGANG nag-invade si Eingel sa bahay ni Marion. Isang buwan na ang kanilang relasyon at naging hobby na niyang magstay sa bahay nito kapag weekends. All weekend together starts with a yummy breakfast for two.

            “Good morning, upo ka na diyan. Malapit na itong maluto.”

            “Ang bango naman niyan, Eingel. Anong meron sa agahan ngayon?”  sambit ni Marion.

            “Nothing special. Arozcaldo lang naman ito para sa boyfriend kong kagagaling lang sa sakit.”  She turn off the gas range pagkatapos ay nilapitan niya ito. Dalawang araw itong hindi nakapasok sa trabaho dahil sa trangkaso. Agad niyang sinapo ang noo nito. “Wala ka ng lagnat ah.” She kissed his forehead.

            “Syempre, magaling kang mag-alaga e.”

            She pinched his nose. “Bolero.”

            Binalikan niya ang arozcaldo. Sumandok na siya para sa kanilang dalawa ng boyfriend niya.  Ilang minute pa ay kumakain na sila ng agahan. Matamlay pa rin si Marion ngnuti kumpara sa dalawang nakaraang araw, mas malakas na ito. Nakakakain na ito ng matinong pagkain hindi tulad nitong nakaraan na puro soup at tinapay lang ang gusto nitong kainin.

            Napangiti siya nang mas nauna pa nitong naubos ang laman ng bowl nito kesa sa kanya. “Want more?”

            He smiled and nodded.

            Tumayo siya para ikuha ito ng second serving. Pagbalik niya sa mesa ay nakapikit ito at nakasandal sa upuan. “Marion?”  She touched his cheeks. Hindi na ito mainit pero halata pa rin sa mukha nito ang pagod at panghihina dulot ng lagnat. “Nahihilo ka ba sa gamot?”

            “Sort of.” He opened his eyes at nag-aalalang tumitig sa kanya. “Eingel,  masaya ka bang naging boyfriend mo ako?”

            She kissed him. “Oo naman, ikaw ba hindi na masaya?”

            “Masayang-masaya ako. Pero, I’m worried.”

            “Worried saan?”                                                                                           

            “Baka biglang magbago ang isip mo at iwan mo ako.”

            Hinila niya ang upuan papalapit dito at doon umupo. She got spoon. Siya na ang nagsubo dito. “Hindi naman ako basta na lang na-in love sa’yo, Marion. Bakit naman ako biglang magbabago ng isip? Wala naman tayong problema ah. O meron ba at hindi ko alam?”

            Umiling ito. “Wala naman. Nevermind. Kung anu-ano lang siguro talaga ang naiisip ko.” He took the spoon from her and put it back to the bowl. Pagkatapos ay niyakap siya nito. “I love you unlimited.”

            “I love you very very unlimited,” sagot niya. Bumitaw siya dito. “Mamaya sasaglit ako sa Fidelity para sa result noong dalawang novel ko. Pero hindi ako magtatagal at babalik din ako dito. May gusto ka bang kainin? Ibibili na lang kita mamaya.”

            Umiling ito. “Wala. Okay na ako dito at sa fruits.” He grinned. “Basta mamaya pag uwi mo meron akong hug unlimited at kiss unlimited.”

            She laughed. Sa kanya natuto ang boyfriend niya sa pag-overuse ng salitang unlimited. Pag nagkukulitan sila at naglalambingan madalas siyang humingi dito ng hug unlimited at kiss unlimited.

            “Sure, may lambing unlimited din basta magpapakabait ka dito. Matutulog ka lang at di ka muna magtatrabaho okay?”

            “Yes my cute first love.” He kissed him again before she left him alone at home.

            Ang totoo, hindi sa Fidelity ang punta niya. Tinawagan siya ng ama ni Marion at nakiusap itong makipagkita siya dito nang hindi alam ng anak nito. Kung ano ang dahilan kung bakit kailangang ilihim nila iyon kay Marion ay hindi niya alam. Ang alam lang niya, bilang girlfriend ni Marion, hindi naman masamang makipagkita siya sa ama nito.  Sa isang restaurant sila nagkita. Pagkapasok pa lang niya ay namataan na niya ang ama nito sa isang sulok at may kasamang babae na sa tingin niya ay halos kasing-edad niya. When she moved closer, she recognized the woman. Si Raiza.

            Parang alam na niya ang mangyayari. Alam na niya ang eksenang iyon. Ilang beses ko ng napanood ito sa tv, jusmey! 

    Nevertheless, matapang siyang lumapit sa dalawa at magalang na bumati sa ama ni Marion. “Good morning po.”

            “Maupo ka,” he uttered as he pointed to the chair opposite to him.

            “Ms. Sevillejo, hindi na ako magsasabi pa ng kung anu-ano. Siguro naman ay alam mo na ang dahilan ng pakikipagkita ko sa’yo. Hindi ka nakakabuti sa anak ko. Imagine, he devoted years in medicine and where is he now? Binubulok niya ang sarili sa bookstore niya. Business especially that bookstore  is not his life supposedly. Kung walang ikaw, dapat ay nasa hospital siya ngayon at gumagamot ng may sakit at hindi nagbebenta ng kung anu-anong libro. Isang buwan pa lang kayo, may oras ka pa para iwan ang anak ko.”

            Ng walang matinding dahilan? Nek nek nyo po! “Sir, hindi po iyan ang naririnig  ko sa anak nyo. Mahal po ako ni Marion at mahal ko rin po siya. Mawalang galang lang po pero hindi po kami mga bata para basta na lang sumunod kapag inutusan ng nakakatanda. Malaki nap o ang anak nyo at alam po niya ang ginagawa niya. Binuo po niya ang Miracle para sa aming dalawa. Hindi po ako ang sisira sa bagay na pinaghirapan po niya lalo na po ang Miracle.”

            “You’re not really sure of that. I know my son better.  Sinusunod niya ako dati, until he decided to put up the bookstore because of you and that was after his engagement with Raiza was planned.”

            “Ginagamit ka lang ni Marion para takasan ako,” sabat ni Raiza. “We’re getting married.”

            Wag kang makinig sa kanya, Eingel. Dinedemonyo ka lang niyan. Ikaw lang ang minahal ni Marion, bulong ng isipan niya. Wala siyang ibang papaniwalaan kundi si Marion lamang. Natuto na siya sa ibang tao na masyadong nagpapaniwala sa ibang tao kaya ang ending, nawawalan ng tiwala sa minamahal nila. Ayaw niyang mawalan siya ng tiwala sa pagmamahal ni Marion. She knew it, she always felt it. Mahal na mahal siya nito at hindi iyon basta-basta masisira lang ng salita mula sa ibang tao. Lalo na kung galing lang din sa babaeng ito na mukhang sumang kamote. Fit na fit kasi ang suot nitong damit.

            Ngumiti lang siya. “Alam ba ni Marion na magpapakasal kayo? Gusto mo bang itanong ko?”

            Pinandilatan siya ni Raiza sabay irap. “Writer ka di ba?”

            “So?”

            “Wag kang masyadong maging proud sa sarili mo, Eingel. Binayaran lang naman ni Marion ang publisher mo para ma-published an libro mo. Maybe Marion was just throwing you some help since you’re in mercy. So siguro naman gets mo na ang ibig sabihin noon.”

            She was shocked about what she heard. Nagtataka din siya kung bakit siya nabigyan agad ng break for 2nd and 3rd novels lalo na’t ilang beses siyang na-reject ng Fidelity. All of a sudden, pumasa ang unang novel niya at approved agad ang pangalawa at pangatlo. Di nga kaya may perang involved at totoo ang sinabi ni Raiza?

            “My son has money. He can do anything with that. Binayaran lang ng anak ko ang pangarap mo. Iyan ba ang ibig sabihin ng pagmamahal, hija? Mag-isip ka. Hindi ang anak ko ang para sayo. At lalong hindi ikaw ang para sa kanya.”


            Tumayo siya. “Tatanungin ko muna si Marion tungkol diyan.” Hindi na niya hinintay ang reactions ng mga ito. Agad siyang umalis ng restaurant na iyon na may takot sa puso dahil kalahati ng pagkatao niya ay naniniwala.




             PREVIOUS                                                      NEXT 

Comments

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…