Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Seven


“I found out that you’ve been trying your luck on us for the past two years. I admire your will power, Eingel,” sambit ni Madam Charlotte Malgapo, ang big boss ng Fidelity. Kasalaukuyan siyang nasa office nito para daw i-discuss ang ilang matter ng novel niya at ng kanyang napipintong bonggang writing career.

            “It was highly needed by someone who wants to achieve something. No pain, no gain,” she answered.

            “Tama. And now, pay off time. Welcome to my palace. At dito, tutulungan ka naming lahat— me, my staff especially the editors, and your co-writers. We will develop you to be a better writer as time passes by. For now,” iniabot nito sa kanya ang manuscript niya, “ito muna ang i-focus natin. May mga corrections, suggestions, comments, and overall rating sa loob ng  manuscript mo. You have to edit and proofread your work as soon as you can and submit the edited one via email na nakalagay din sa evaluation sheets. Other important details are on the evaluation sheets. You just have to strictly follow instructions and recommendations. Charmie will take care of you regarding inquiries.”

            “Thank you, Ma’am.”

            Ngumiti ito. Sa tingin ni Eingel ay hindi nalalayo ang edad nilang dalawa ng May-ari ng Fidelity. It’s just, sinuwerte lang din itong maging mayaman at siya ay katamtaman lang. Keri lang.

            Matapos ang ilang minutong usapan tungkol sa publication process ay masayang lumabas siya ng office nito at bumalik sa editor’s office. Masayang sinalubong siya ni Charmie. “Bongga! Nakapasok ka na rin sa wakas. Pa-Starbucks ka naman.”

            “Next time, pag nakita ko ng  libro iyong novel ko. Thank you, Charmie ha.”


            “Sus, walang dapat ika-Thank you sa akin. Mag-thank you ka do’n sa boyfriend mong nagdala ng MS mo dito. Kinindatan niya kasi ako, kaya ipinasa ko na ang MS mo kahit di ko pa nabasa,” biro nito. “Alam mo naman ako, pusong mamon at nadadala talaga ako sa kindat.” Binuntutan pa nito ng tawa ang biro.

            “Kung alam ko lang na kindat lang pala ni Marion ang katapat mo, matagal  ko na siyang dinala dito ano?” patol niya sa biro nito.

            “Pero seriously, ang swerte mo sa boyfriend mong iyon ha. Sabi ko sayo e. Ang kailangan mo lang ay boylet, inspiration.”

            “Charmie, hindi ko boyfriend yon.”

            Kumunot ang noo nito. “Talaga? Eh ang sabi niya, girlfriend ka daw niya e. Ay mas bongga yon, kine-claim ka na niya agad kahit di pa kayo. Ang taray!”  Ibinigay nito sa kanya ang infosheet na kailangan niyang i-fill up para maprocess na daw ang payment sa novel niya.

            Napapangiti na lang siya. Ang malaman na sa ibang tao ay sinasabi ni Marion na girlfriend siya nito… nagbigay ng kakaibang kilig iyon sa puso niya.  

            Her phone rang. Si Marion the Pogi ang nagbi-blink sa screen sa cell phone.           Hinayaan lang niyang magring ang phone niya at inasikaso na lang ang pini-fill up-an na form. 

            “Oh, kung di mo Fafa e bakit may ganyang drama. Iba ang pangalan sa cell phone tapos siya pa ang nagdala ng MS mo dito. Ay naku ‘day, kung ako sa’yo ike-claim ko rin siya ng bonggang –bongga.”

            “Nasosobrahan ka na sa pocketbooks kaya nasasabi mo iyan.”  Tumigil na anfg pagri-ring.

            “Pero aminin mo ‘day, type mo rin si fafaness.”

            Binalingan niya ito. “Type na type na type kaya give up ka na. Hindi ko siya ibibigay sa’yo.” Ibinigay niya dito ang infosheet.

            “Yan ang sinasabi ko. Sige, umuwi ka na at magsulat uli. Samantalahing may kasama kang poging fafaness. At sa susunod isama mo siya dito para mabusog naman ang mata ko.” 

            “Basta tingin lang. No touch!” sakay niya sa biro nito bago siya lumabas ng office. Nagulat na  lang siya nang makita niyang naglalakad palapit sa direction niya si Marion. “Uy, anong ginagawa mo dito?” Hindi ka pa tapos maging stalker ko? Ang ganda ko talaga.

            “Ah, may kinausap ako sa Sales. Major client natin ang Fidelity kaya personal kung inaasikaso ang mga kliyente ko. Tapos na ba ang meeting mo with editor?”

            Nalaglag ang balikat niya. Akala pa man din niya ay sinundo siya nito. Nalungkot tuloy siya. “Katatapos lang. Papunta na nga ako ng office e.”

            “Wag ka ng pumasok, kahit isang linggo. Tapusin mo muna ang editing ng manuscript. Wala naman tayong urgent  press release or announcement e.”

            “Seryoso ka? With pay?” biro niya.

            “Oo ba at ako na ang gagawa ng leave of absence slip mo,” seryosong sambit nito. Pinauna siya nitong makapasok sa elevator.

            “Joke lang iyong with pay, pero tinatanggap ko iyong leave. Salamat Marion ha.”

            “Thank you na naman?”

            “Ayaw mo ba? Sige bawiin ko ang thank you palitan ko ng salamat.”

            “Hmmm, I have a better idea.”

            “Ano naman?”

            He winked. “Sumama ka sa akin.”  
             

            SA TAGAYTAY ang naging ending nila ni Marion. Nang umalis sila ng Fidelity ay tumuloy sila sa bahay niya para kumuha ng damit at kunin ang laptop niya. Wala siyang idea noong una until sinabi nitong mag-stay sila ng dalawa hanggang tatlong araw para matapos niya ng walang istorbo ang editing ng novel niya. May bahay pala ito sa Tagaytay na malapit lang sa medical clinic na affiliated din ito. 

            Nakatulong sa kanya  ang ginawa ni Marion. May ibang energy na dala ang Tagaytay sa kanya habang nage-edit at nag-iisip ng mga bagong isusulat. Sabi ng kanyang editor makatatlo  pa daw na independent novel ay pwede na siyang magpasa ng series. Iyon naman ang bago niyang target.

            Second day na nila sa Tagaytay. Abala siya sa kalagitnaan ng novel niya nang bigla niyang maisipang magbackup file. Pagkasave niya sa flash drive ng novel niya ay bigla na lang namatay ang laptop niya. Sinubukan niyang buhayin pero ayaw na.

            “Naman! Ikaw talagang laptop ka, kung kelan ka kailangan saka mo pa naisipang umepal.” Nasapo niya ang noo. Balak pa man din niyang i-overnight ang editing para kinabukasan ay pwede na siyang  gumala. Sayang naman ang Tagaytay kung matatapos ang bakasyon niya sa loob lang ng bahay ni Marion.

            Nang hindi na talaga bumuhay ang laptop niya ay nilingon niya ang pinto ng kwarto ni Marion. Wala ito sa bahay at kasalukuyang sumama sa isang medical mission. “Siguradong may laptop ito o kaya pc.”  She dialed his number. Three rings after, ay sumagot na ito. “Marion, may problema ako.”

            “Bakit? May nangyari ba sayo diyan? Okay ka lang ba?”  Nag-aalalang tanong nito.

            “Relax, okay lang naman ako. Pero iyong laptop ko hindi. Give up na siya. Kakapalan ko na fezlak ko. May laptop ka ba o kaya PC  dito? Pahiram at pagamit naman oh.”

            He sighed. “Iyon lang naman pala. Akala ko kung ano ng nangyari sayo. Pumasok ka sa kwarto ko. Nakapatong sa working table ko ang laptop. You can use it.”

            “Yehey! Salamat Marion ha. Teka anong oras ka uuwi?”

            “Bakit? Nami-miss mo na ako? Three-thirty pa lang ah. Ikaw talaga.”

            “Ewan ko sa kaadikan mo.”

            “Baka gagabihin ako.”

            “Ganon ba? Sige ipagluluto kita. Para pagdating mo, kakainin mo na lang bago ka magpahinga okay ba yon?”

            “Okay na okay.” 

            “Sige.”

            All of a sudden, they hang up. Hinintay niyang i-end call nito ang tawag pero nanatili iyong nakahang-up. Until, Marion uttered her name in his sweetest way. “Eingel…”

            “Hmm?”

            “Your call made me feel a lot better after having exhausting day here. Your sweet voice is my stress therapy.”

            Napangiti siya. She felt her cheeks became warm. Alam niyang nagba-blush siya sa sweetness nito. “Nakakapagod ba diyan?”

            “Oo, maraming mga bata ang kailangan ng medical attention sa lugar na ito. Break time ko lang ngayon. Timing pa ang tawag mo. Salamat ha.”

            “Wag kang papagutom diyan. Iyong bag na dala mo kanina may sandwich don.”

            “Nakita ko nga. Kinain ko nga agad e. Ahm… Eingel, masaya ako kasama kita.”

            “Ako din naman.”

            “Talaga?”

            “Oo naman.”

            “Great.   Ahm, I… I have to cut the call. Mag-iingat ka diyan sa bahay ha. I’ll try to be home as early as I can. You can invade my room and do whatever you want there.”

            “Sige. I promise a decent yummy dinner for you.”

            Nang mawala na ito sa linya ay agad siyang sumugod sa kwarto nito. Pagpasok pa lang, alam ng lalaki ang may-ari. The room was plain black and white, organized lahat ng gamit.  Agad niyang nilapitan ang working table nito at binuksan ang laptop.  Laking gulat niya nang makitang pagmumukha niya ang wallpaper nito sa laptop. It was a perfectly edited randon pics niya na halos puro stolen shots. Kung ganon, ninanakawan na pala siya ng pictures eh wala pa siyang kaalam-alam.

            Kaloka, wala pala kaming pinagkaiba. Napapailing na isinaksak niya ang USB importer ang flash drive niya at sinimulang mag-edit. For the next few hours she was concentrating on editing until she remembered her promise to cook him a decent yummy dinner.  She saved the file and went out to the kitchen.  Niluto niya ang specialty niyang kare-kare. At nang matapos ay bumalik siya sa kwarto. Itutuloy na sana siya ang editing nang biglang namatay ang ilaw, nawala ng kuryente at tanging ilaw sa laptop lang ang nagbigay ng liwanag sa silid. Kinabahan siya. Takot siya sa dilim, lalo na kung mag-isa lang siya sa dilim. Kasalanan iyon ng ultra megang lakas ng imahinasyon niya at ng kakapanood niya ng horror films.

            Kinapa niya ang cellphone sa mesa at agad na tinawagan si Marion. Agad na sumagot ito. “M-marion. Walang kuryente, ang dilim-dilim. Natatakot ako.” She sobbed. Sa sobrang takot ay hindi na niya namalayan na umiiyak na pala siya. She felt strange cold wind blew in her nape. Napatili siya sa takot. “M-marion! Umuwi ka na please.”

            “Relax, Eingel. I’m just few blocks away. Sorry di ko naisip na pwedeng mawalan ng kuryente, hindi ko na set sa automatic shifting of electricity ang generator. Hello? Please stop crying. Malapit na ako.”

            “Wag mong ibaba ang phone. Natatakot ako.”

            “Yeah hindi, nasaan ka ba? Andito na ako sa labas ng bahay.”

            “Sa kwarto mo.”

            Nawala na ito sa linya. Kinabahan siya at lalong natakot. She heard footsteps fast approaching. Nasundan iyon ng pabalandrang pagbukas ng pinto at familiar na mga brasong agad yumakap sa kanya. Kumawala lahat ng takot niya. “Bakit ka nawala sa kabilang linya? Sabi ko wag mong ibababa ang phone e.” She sobbed while she was resting on his chest.

            “Dito na ako, wag ka ng matakot.” He lovingly caressed her hair and kissed her temple, giving her assurance that she will just be okay because she was already in his arms.  Hanggang sa nagkakuryente na uli pero nanatili silang magkayakap.  “You’re shaking, Eingel.”

            “Natakot lang ako.”

            He moved a little to see her face. Nag-aalalang mga mata nito ang nakatitig sa kanya. He lovingly wiped her tears and touched her cheeks. “Ayokong nakikita kang ganyan, Eingel. What do you want me to do to make you feel better?”

            “Just stay with me, Marion. I’ll be better.”

            He moved closer and kissed her forehead. “I will.” Then he lowered his lips to claim hers. It was just a quick kiss but that simple kiss gave Eingel a sort of strange feeling she can’t even describe in one word. Bago sa kanya ang kakaibang pakiramdam na parang magkahalong saya at kilig nang saglit na maglapat ang labi nila ni Marion.

            “I hope it can help,” he uttered the embraced her with so much love and comfort.

            She doesn’t speak up. She didn’t say anything. Pero isa lang ang sigurado siya. Ngayong gabing ito, napatunayan niyang mahal nga siya ni Marion at ganon din siya. Isa na lamang ang hinihintay niya…ang masabi nito directly sa kanya ang salitang, “I love you.”



           PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

Anonymous said…
ang taray te, ikaw na para-paraan lang para makatsansing lang kay Fafaness.

Melai.. hay miss u!

asan na ung mga kwneto naming. kalahati na ang 2014 hahahaha.. jowk

cutiediba
Apple jane said…
Hmmmm binibinitin talaga ni Miss Melai ang story!! God Bless hope more story to come!!I'm your never ending follower!!!
Melai said…
waah ate jeanieeee! sensya na, may mga book projects pa kasi... hehehe. amisyuuu.

Thanks apple jane :D
Hanna Ryanne said…
Ang gandaaaaa

Cant wait sa next epi

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…