Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Eight



Eingel was busy with filing. Absent ang secretary ni Marion at dahil wala naman siyang masyadong ginagawang articles at press releases ay siya ang nag-reliever sa secretary nito. Natapos na niyang i-schedule ang evaluation ng mga bagong libro na ire-release sa bookstore pati na rin ang schedule of appointment ni Marion ay naayos na rin niya at nai-remind na niya dito. Madalas na siya ang pumapalit sa secretary nito kaya gamay na niya ang trabaho.

            Nang matapos ang mga urgent tasks ay sinunod na niya ang filing sa drawers. Inayos muna niya ang files sa mesa pagkatapos ay oraganized na pinaglalagay ang mga yon sa  respective drawers.   “Ay!” Nagulat siya nang pagbaling niya sa drawer ay nakatayo sa tabi nito si Marion, nakangiti habang as usual pinapanood na naman siya. “Nanggugulat ka, Sir. Bad iyan!”

            Lumingon ito. “Wala namang ibang tao ah. Bakit nagsi-Sir ka pa sa akin?” Pabirong nagtaas ito ng kilay.
  
          Natawa siya. Nilapitan niya ito. Tinuwid niya ang nakakunot nitong noo gamit ang kanyang thumbs. “Di bagay. Pumapangit ka. Wag ka ng gaganon okay?”

            “Okay, sabi mo e.”

            “May iuutos ka?”


            “Ah yeah, sumama ka sa akin, mag-store visit tayo. Mag-ayos ka na, I’ll wait for you in my office.” 
Tiningnan nito ang patas ng folders sa mesa. “Wag mo na ring gawin iyan. Mapapagod ka lang. Hayaan mo na ang secretary ko ang gumawa niyan.”

            “Pero—”

            Nagulat siya nang halikan siya nito sa pisngi. “Basta, wala ng pero okay? See you.” Pagkatapos ay bigla na lang itong umalis at naiwan siyang nawiwirduhan dito.

            “Kiss tapos walang pero? Sounds familiar ah. Baliw talaga iyon. Style ko ‘yon eh! Walang originality.” Bumalik siya sa mesa niya para mag-ayos pagkatapos ay pumunta na siya sa office nito. Papasok na sana siya nang may marinig siyang parang nagtatalong mga boses ng dalawang lalaki.

            “Sinabi ko na po. Hindi ko po gusto ang maging doctor. Sinunod ko na kayo. Pero hindi nyo ako mapapaalis dito sa opisina ko Dad. Kahit anong sabihin nyo sa bookstore ko, dito ako masaya. Dito ko nakita ang self-worth ko. Sinubukan ko naman maging mabuting doctor. Napagod lang ako sa dalawang taon ko sa hospital.”

            “Ano bang mapapala mo sa bookstore na ito? Pera?  Hindi mo naman kailangan pa yon. Sobra-sobra pa nga ang meron ka. Anak, nagtapos ka ng medicine. For Pete sake, don’t waste your time in this twaddle business. Anong gusto mong gawin habambuhay? Magtinda ng libro?”

            “Dad, wag nyong maliitin ang negosyo ko. Wala ni piso mula sa pera nyo ang ginamit ko dito. You certainly don’t have the right to insult my business Dad. No matter what you say, I will never go back to hospital. This is my sanctuary, this is my life. And I belong here.”

            “Kung ayaw mo talagang bumalik sa hospital, pakasalan mo na lang si Raiza.”  

            Natigilan si Eingel sa narinig pero hindi niya magawang umalis dahil gusto niyang marinig ang isasagot ni Marion.  Kilala niya ang pangalang nabanggit. Iyon ang babaeng inakala niyang

            “Do you think I’ll buy that option Dad? This is insanity. If you want to hold shares to that freaking hospital then find your own ways. Wag nyo kaming mga nananahimik na anak ninyo ng may-ari ng hospital na iyon ang ginagawa ninyong alay para sa sarili nyong benefit. If you don’t mind, Dad, I’ll go. I still have store visits to do. And that’s a lot better than listening to you.”

            “Why did you love this bookstore so much, son? Hindi ka naman mahilig magbasa. I can’t see the logic.”

            “The reason dad? Once I fell in love with a sweet girl who loves books and wants to be a a published writer. Para sa kanya ang bookstore ko. Para sa future naming dalawa.”

            Dumoble ang kabang naramdaman ni Eingel. She couldn’t believe what she just heard. Lumayo siya sa pintuan at umupo sa sofa sa waiting lounge sa dulo ng hallway na yon na yari sa glasswall ang haligi at tanaw ang kabuuan ng Maynila.

            Hindi maalis sa isip niya ang narinig. Parang pirated na Mp3 na pinapatugtog sa pirated na player. Paulit-ulit pero hindi nakakirita sa halip ay nakakagaan pa sa damdamin. Sinabi ba niya talagang para sa akin ang bookstore? Wala naman siyang alam na iba pang naging ka-close nitong book lover at aspiring writer na na-in love ito maliban sa kanya.

            “Eingel…”

            Narinig niyang tinawag siya ni Marion ngunit lipad pa rin ang isip niya.

            He moved in front of her and held her shoulder. “Eingel, okay ka lang ba?”

            Nag-angat siya ng tingin at sinalubong siya ng mga matang  tila palaging sinusuyo siya. She felt her heart melted. Sobrang thankful siya at itong lalaking ito ang binigay ni Lord para mahalin niya at mahalin din siya ng sobra pa nga sa naisip niyang matatanggap mula sa isang lalaking nagmamahal. She didn’t say anything. Niyakap lang niya ito nang mahigpit. Iyon ang paraan niya para ipakita dito ang pagmamahal niya kahit di naman niya masabi.

            Nagulat man sa ginawa niya ay gumanti ito ng yakap. “Manghuhula ka ba?”  tanong nito.

            “Hindi. Pero nakikita ko sa mata mo, kailangan mo ng hug mula sa cute mong…” Natigilan si Eingel dahil di naman niya alam kung anong dapat bang itukoy sa kanya. Kaibigan, special friend, lover, o employee.

            “First love.”

            “Ha?” She felt her heart went crazy moves again.

            “Hindi mo maisip ang tamang sasabihin kaya tinulungan na kita. Salamat sa hug my cute first love. Kailangan ko nga ito.”

            For few minutes, they stayed that way. Buti na lang at madalang ang tao sa floor ng building na yon. Until, they both decided to leave the office for store visits.


            “MAY TANONG ako, Marion.”

            “Ano?”

            Nasa pangatlong branch na sila ng Miracle Books. At kada branch ay iyon at iyon din ang napapansin niya. Blangko pa rin iyong specific shelf na madalas niyang mapuna. “Napansin ko kasi na sa lahat ng branches ng Miracle palaging bakante iyang shelf na yan malapit sa entrance. Itatanong ko lang sana kung bakit? Kasi sa tingin ko, iyan na iyong pinaka-perfect na spot sa  isang libro. For sure kapag diyan nilagay ang libro, mapapansin agad ng kahit sinong papasok.”

            “That’s exactly the reason. Napaka-perfect ng spot na iyan kaya wala pa yang laman. Hinihintay ko pa ang librong ilalagay diyan.”

            “Ah…” Naglakad siya sa palibot ng shelf at tiningnang maiigi ang blangkong shelf. “Ang swerte ng mga librong malalagay dito pati na rin ang author.”

            “I hope so, maging swerte nga siya dahil napili ko siya. Sana ma-appreciate niya yon.”

            “Ha?”

            “Ah, ang ibig kong sabihin, iyong book author ng books na ilalagay ko diyan in case may magustuhan na ako. Sana magustuhan niya ang spot na ibibigay ng Miracle para sa kanya. Tumingin ito sa wristwatch. “Nagugutom ka na ba? Maglunch muna tayo bago tayo pumunta sa main branch.”

            He gently held her hand as they walked towards the exit. Nakatingin sa kanila ang mga staff ng Miracle particular na sa kamay nilang holding hands ang drama.  Tiningnan niya ito pero tila wala naman itong pakialam kung pagtinginan sila. Instead, he seemed to look so proud he’s finally holding a girl’s hand as if it was the first time he did that.

            “Wag mong problemahin ang mga matang nakatingin sa’yo. Nagugulat lang ang mga iyan dahil wala namang akong special girl na isinasama sa store visit at hinahawakan ang kamay tulad nito. Ikaw ang una.”

            “Wag kang masyadong sweet sa akin. Baka ma-fall ako.”

            Inakbayan siya nito. “Natatakot ka ba?”

            “Hindi.”

            “Then good. For this time I really mean it. I’ll do anything to win your heart, Eingel and I’ll start today.”

            She just smiled and enjoy the moment. Start today ka diyan. No need, nakuha mo na ang puso ko Marion. Isang I love you lang naman, sasagutin na talaga kita.

            Nag-lunch sila sa isang restaurant pagkatapos ay nagtungo na sila sa main branch ng  Miracle Books. She noticed something strange when Marion held her hand again as they enter the mall where the main branch was located. Nanlalamig ang kamay nito.

            Nag-aalalang binalingan niya ito. He looked like nervous on something she’s not sure of. “Marion, okay ka lang ba? Nanlalamig ang kamay mo and you look like nervous.”

            Bumuntong hininga ito, humintong maglakad at hinarap siya nito. He gently held her hands and lifted them and set them near his chest. For few seconds, he just lovingly gazed at her. She felt her heart melting with happiness. She’s a romance writer and she knew what the meaning of that scene was. Perhaps, the long wait is over.

“Eingel, it took me years to find you. It took me long time planning for this. It took me lots of dreams to make this come true. Now that I have you this close, I just can’t waste any single second. I have to cut the fear that one day, I’ll wake up and discover that you’re gone or you’re just unreal and I’m still dreaming. Eingel, mahal kita. Siguro nong college hindi ko pa naiintindihan ng ayos iyon. Hindi lahat ng bagay sa atin noon ay sineryoso ko. But this time…right this time I meant it so well. I love you so much. And I’m more than ready to show you how much I meant it.”     

            “Marion…”

            He motioned her to look on her left. She followed. Nasa tapat na pala sila ng main branch ng Miracle books. Pero hindi iyon ang ikinagulat niya. May laman na ang bakanteng shelf na kanina lang ay tinanong niya kay Marion ang dahilan kung bakit matagal na iyon bakante. At ang mas shocking, kilala niya ang librong nakadisplay sa shelf na yon.


             PREVIOUS                                                NEXT 

Comments

Hanna Ryanne said…
Book mo un eingel

Haba ng hair mo tehhhhhhhhhh


Waaaaaaa ang gandaaaaaaaa


Tnx Ms Melai

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…