Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Three


Bagsak ang balikat ni Eingel habang naglalakad siya palabas ng building ng Fidelity Publishing House. Bitbit niya ang latest rejected manuscript niya. Sa madaling sabi, basted na naman ang manuscript niya at iba na ang hatid ng rejection na iyon sa kanya.   I’m dead. I’m really dead.
            
           Nagself-declaration na siya ng bankruptcy. Gipit na gipit na siya. At wala na siyang panahon pa para mag-emo sana pero heto siya, wala sa sariling naglalakad papunta sa MRT station, malungkot, bigong-bigo at nagugutom. Hindi na siya nakapag-agahan sa pagmamadali… at pagtitipid. Madalas na siyang nag-skip ng pagkain para makatipid. Umaasa siyang matatanggap na sana ang manuscript niya pero ang ending, umuwi pa rin siyang luhaan.

            Wala pa rin siya sa sarili nang makapasok siya sa tren. Tulala lang siya at nagbabadyang pumatak ang luha niya anytime. Napagmasdan niya ang mga tao sa MRT, may isang naka-corporate attire.  Fine, I’m jobless. Ang isa naman ay may nakasabit na SLR camera sa leeg.  I can’t get my dream come true. May isang maman na nagbibilang ng barya. I’m running out of money, too. Napalingon siya sa kaliwa niya at may magsyotang sweet na sweet sa isang tabi. And I’m loveless forever.  Napabuntong-hininga siya.  Kawawa nga ako.


            Tears fell from her eyes.  Hindi na niya napigilan ang mga luhang iyon na patunay na suko na siya sa pagmamatapang. Kung anu-ano tuloy ang naiiisip niya. Kakalimutan na niya ang pagsusulat at babalik na lang sa pagtatrabaho. Baka naman hindi para sa kanya ang writing. Hirap na hirap na kasi siyang abutin ang pangarap na iyon.  Pero lalo lang siyang naiyak sa naisip na iyon. Kahit anong mangyari alam niya sa puso niya na hindi niya kayang talikuran ang pagsusulat kahit paulit-ulit siyang ma-reject. Nai-set na kasi niya sa life goal niya na ang maging published author ang hinangad niyang lifetime career trophy. 

            Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga palad. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin ng mga makakakita sa kanya. Kahit na mapagkamalan siyang iniwan ng boyfriend o asawa, binuntis at hindi pinagutan o namatayan ng poodle. Wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya noong mga sandaling iyon ay ang umiyak bilang simbolo ng pagsuko niya.

            Ano bang problema? Bakit ang lupit ng tadhana sa akin? Maganda naman ako ah. Sabi ng mga kaibigan ko maganda naman ang ginagawa kong kwento. Bakit lagi akong bigo? Sawi? At cute? Bakeeettttt???

            Nagulantang at naalarma ang buong sistema niya nang may biglang yumakap sa kanya. Familiar ang mga bisig na iyon ngunit hindi niya maalala kung kelan at saan niya huling naramdaman ang yakap na iyon. At dahil na-shock siya sa pangyayari ay hindi agad siya nakapag-react.

            Ang bango!  May bigla siyang naalala. Kilala niya ang men scent na iyon. Naamoy na niya iyon ng bonggang-bongga. Nagising siya sa reality at agad siyang kumawala sa taong yumakap sa kanya.

            “Ikaw na naman?!” Hindi siya nagkamali. Si Marion nga ang binatang bigla na lang yumakap sa kanya.

            “Eingel, kung hindi ka niya gusto, kung hindi ka niya mahal, hayaan mo na lang siya. Hindi naman niya alam kung anong nawala sa kanya matapos ka niyang saktan,” sincere na  sambit nito na tila balewala ang pagsigaw niya dito.

            Napangiwi siya. “Ano ba yang pinagsasabi mo? Mabuti pa, Marion lumayas-layas ka na sa harapan ko at baka ikaw pa ang mapagbalingan ko ng galit sa mundo!” Bakit nga ba  napapadalas ang di sinasadyang pagkikita nila? At palaging nangyayari iyon tuwing not in good condition siya tulad noong una nilang pagkikita after ng napakaraming taon.

            “Pero kailangan mo ako dito. Baka mamaya tumalon ka na lang bigla sa riles dahil bigo ka sa love—” 

            “At sino namang may sabi sa’yo na bigo ako sa love? Ang problema sa’yo, assume ka ng assume! Hindi ako, bigo sa love at kahit mabigo ako, hindi akong iiyak na parang tanga dahil lang sa lalaki. Na-reject ang manuscript ko, wala akong trabaho, naghihirap na ako at gutom na ako. Iyon lang ang problema ko—” Natigilan siya.  Bakit nga ba niya sinasabi iyon?

            Ini-announce na ang sunod na station stopover kung saan din siya bababa.

            “Ah…Eingel—”

            Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naghanda na sa pagbaba sa tren. “Nevermind kung anong narinig mo. At wag na wag mo akong susundan, kundi ikaw ang itutulak ko sa riles.” Pinandilatan niya ito.

Itinaas nito ang dalawang kamay as a sign of backing off. “Okay. Take care coz I care!” pahabol pa nito.

“Tse!”

 She walked out fast of the MRT and made sure that Marion will never find time to ruin her day again.   Huminto siya sa loading station ng mga bus at naghintay ng masasakyan. Pasimple din siyang  lumilingon, sinisiguradong hindi niya nasusundan ni Marion. Walang anino o kahit anong sign na nasundan nga siya nito. Sa di niya mawaring dahilan, ay bigla siyang nalungkot at hindi man lang siya nito hinabol. Kaloka ka Eingel, anobey?!

            She shook her head as she rode the ordinary bus. Umupo siya sa gitnang bahagi ng   bus malapit sa bintana. Muli ay bumalik sa isip niya ang ine-emote kanina. Dati, hindi siya sumasakay sa ordinary bus. Lahat kasi ng usok, dumi, at iba pang air pollution ay makukuha pag sumakay sa ordinary bus. Katwiran niya noon, sayang naman ang ganda niya kung magugulo lang ng masamang hangin ng Maynila. Pero ngayon, di na niya iniisip yon dahil kailangan niyang magtipid ng pera, Kung pwede nga lang maglakad na lang pauwi, gagawin niya wag lang mabawasan ang pera niya sa bulsa.

            She sighed. Nakakabaliw talagang mag-isip kung saan kukuha ng pera. Nag-aaway na rin ang isip niya kung maghahanap na ba siya ng trabaho o kaya naman ay subukang muli ang magpasa ng novel sa huling pagkakataon. Naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Hindi na niya solo ang upuan kaya pinaghusto na lang niya ang atensyon sa tanawin ng mausok na Maynila habang hinihintay  na singilin siya ng kundoktor.

            “Saan po kayo?” tanong ng kundoktor kaya napabaling siya.

There she found out who’s the passenger beside her. Si Marion na naman.  Nginitian pa siya nito. Bakit andito na naman ang isang ito? Talagang nang-aasar ang isang ‘to ah!  Pinandilatan niya ito bago binalingan ang konduktor. “Estrella po.”

“Bale dalawang Estrella brad,” sabat naman ni Marion.

She rolled eyes and turned to him. “Nang-aasar ka ba talaga? Bakit ba sunod ka ng sunod?” Kung bakit ba naman sulpot ito nang sulpot tuwing bad day niya? Dito tuloy nabubunton ang galit niya sa mundo.

“Sa Estrella naman talaga ang punta ko ah,” balewalang sambit nito sabay bayad ng isang daan sa konduktor. “Keep the change, brad.”

 “Salamat po, Sir.”

Napanganga siya. Libre yon, nilibre siya nito. Dahil ba alam na nitong wala siyang trabaho? Iniinsulto mo ba ang kagandahan ko?   Binigay niya dito ang dose pesos pero hindi nito tinanggap. “Marion, hindi ako nagpapalibre.”

“Hindi ko pinagbabayad ang babae kahit kailan at alam kong alam mo iyan.”

Right. Ever since, never siya nitong pinagbayad noong college pa lang sila pero hindi ito ang tamang oras para tanggapin niya ang panlilibre nito. Pakiramdam niya ay  mas pinaparamdam nitong kapos siya sa pera. Eh bakit? Hindi ba? Okray ng kanyang isipan. Napanguso na lang siya ng wala sa oras.

“Ah, Eingel…”

“Bakit ba ang kulit-kulit mo at pina-power trip mo na naman ako? Ano bang nangyari sa’yo after years at ang weird weird mo na ha?” Binalingan niya ulit ito. “Hindi ka naman ganyan kakulit dati ah—oy tinititigan mo na naman ako. Sasapakin na kita eh!” He was gazing at her as if he found her so amazing. At habang nakikita niya ang pares ng matang iyon na tila inaakit siyang titigan din ito ay nawawala siya sa composure niya. Her heart skipped a bit when his lips curved a smile. Pinandilatan niya ito. And that made him laugh.

Eh baliw ata ang isang ‘to ah!  Natahimik siya habang pinagmamasdan ito. Hanggang sa unti-unti nae-enjoy niya ang eksena. A guy laughing shamelessly in an ordinary bus without thinking what other passengers would say. Plus the fact na mukhang hindi ito belong sa kakarag-karag na bus na iyon dahil sa suot nitong business suit pero tila wala itong pakialam. Isn’t it a good scene?

Ting! Bright idea. That’s incredibly a good scene for a new novel.  In an instant ay may lumitaw na magandang eksena sa isip niya. There it was. Nagkaroon na siya ng magandang inspirasyon. At dahil do’n napatawad na niya ito sa pagiging makulit. Ngumiti na lang siya at bumaling na lang uli sa bintana. Huminto na rin sa pagtawa si Marion nang manahimik siya.

Tumayo ito at ibinaba ng half ang bintana pagkatapos ay umupo uli sa tabi niya. “Sorry kanina. Nabigla ata kita sa MRT. Ayoko kasing makitang malungkot ka at umiiyak kaya niyakap kita. Sinundan kita para mag-sorry.”

Kunot noong binalangan niya ito. “So wala ka talagang pupuntahan sa Estrella?” Wow, mahaba ang hair ko today kahit na basted ang MS ko. Naalala niya ang sinabi ng editor ng Fidelity. Kailangan niya ng inspirasyon, ng boyfriend material… lalaking bubuhay sa romantic bones niya.

“Meron, ihahatid kita. Wag ka ng tumanggi. Pambawi ko iyan sa pangungulit ko.”

Pero nakabawi ka na, kanina pa e. “Sige.”

Silence took over. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana  at iniiwasan na balingan pa  ito. But her senses never failed to feel his domineering presence beside her. Hindi mapakali ang puso niya sa kakatalon lalo na’t nararamdaman niyang pinagmamasdan siya ni Marion. Ah! Ano ba ‘tong feeling na ito?

Binalingan niya ito and damn she was right. He was just looking at her as if he wanted to memorize every corner of her face.

“May problema ka ba sa akin, Marion?” alanganing tanong niya.

“Problem? Wala.” He moved closer and curved a smile. “Interes, meron.”

Dumoble ang kabang naramdaman niya at dahil na rin gutom at puyat, iba ang epekto nito sa kanyang katawan. Parang anytime, hihimatayin siya.  He was lovingly staring at her patiently waiting for her to react or say something. Pero ang problema she can’t say anything.

“Oh, Estrella, baba na!” sigaw ng kunduktor.

 “Ah—baba na tayo.”

Suddenly the magic was lost. Salamat kay manong kunduktor. Nakatakas siya sa hot seat. Tumayo na sila para bumaba.

He moved to give her a way. “After you.”

Pinauna siya nitong makababa ng bus.  Naglalakad sila papunta sa sakayan ng tricycle nang biglang nagdilim ang paningin niya dala ng magkakahalong gutom, puyat at init ng panahon.

Marion, immediately wrapped his arms to support her. Siguro nga,  binigay ni Lord sa kanya ang pagkakataong makulit nito dahil darating siya sa ganitong sitwasyon. At least, hindi siya hihimataying mag-isa at lalabas na super kaawa-awa.

“Eingel…” may himig na pag-aalalang sambit nito.

            She raised her hand, a sign that she’s fine. “Puyat ako at hindi pa ako kumakain mula kaninang umaga. Mainit pa. Tara, hatid mo ako sa bahay at tutal naman gusto mong bumawi, ibili mo na lang ako ng pagkain.”

            “Damn! It’s already three in the afternoon!” sinenysan nito ang tricycle driver.


            “I know. I know!” Then suddenly she went blank. Hinimatay siya.



PREVIOUS                                                                NEXT

Comments

Hanna Ryanne said…
Kapag umiiyak broken-hearted na agad agad fafa Marion?ahahahaja

Ayeeii cant wait sa next

Tnx Ms Melai
Anonymous said…
NAKAKAKILIG!!!!! Next na po hehehehehehehe
ROLF said…
Wow Galing ng Rom-Com mo! Maganda ang latag, aabangan ko ang twist ng kwento?
Melai said…
Thank you po :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…