Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Two



Ilang araw na, wala pa ring kwentong pumapasok sa isip ni Eingel. Tuwing haharap siya sa laptop at tititig sa monitor habang bukas ang blangkong MSWord, walang lumabas na matinong kwento sa isip niya. Nauuwi lang siya sa paglalaro ng City Ville at Mafia Wars sa Facebook.  Kaya naman bago pa maubos ang oras niya sa wala, siya na mismo ang nagtanggal ng internet connection niya para sana maka-concentrate.

            Pero kahit wala na siyang distraction at ang tanging MSWord na lang ang nakikita niya, wala pa ring lumabas na idea sa kanya.

            “Maybe today isn’t my day again.” Pinatay niya ang laptop at humiga na lang sa kama at nagmuni-muni. Mag-iisip muna siya ng kwento bago humarap sa laptop. Ngunit sa paglapat ng  kanyang katawan sa kama ay bigla na lang niyang naalala si Marion. Dumapa siya sa kama at isinubsob ang mukha sa unan. “Mangkukulam ata ang isang iyon! Bakit di ko siya maalis sa isip ko?!”

            Isa iyon sa dahilan kung bakit tuliro siya at hindi makaisip ng kwento. Nagagawa niyang mag-establish ng character ng babae ngunit pagdating sa lalaking character isang particular na tao lang ang napapagbasehan niya—si Marion.  At tuwing sasagi sa isip niya ang romance, sweetness, at ang nakakabaliw na suggestion ng kaibigang editor na mag-boyfriend na siya para mabuhay ang romantic bones niya, ang binatang iyon pa rin ang tanging nage-exist sa isip niya.


            Bumangon siya sa kama. “Hindi pwede ito! Hindi! Hindeeeee!” gigil na sambit niya. She had to do something. Kailangang makapag-produce uli siya ng novels bago pa mag-zero balance ang bank account niya.  Money and passion. Kung dati ay passion lang ang habol niya sa pagsusulat ngayon ay kasama na sa hinahabol niya ang kabayaran.

            Kinuha niya ang tuwalya at diretso sa banyo para maligo. Kailangan niyang humanap ng inspirasyon at hindi niya isasama sa inspirasyon ang pa-cute na Marion na iyon.

            After an hour, nakarating na rin siya sa pinakamalapit na mall sa bahay niya.  Naglibot-libot muna siya hanggang sa maisipan niyang tumambay na lamang sa Miracle Books, isang sumisikat na bookstore na may iba’t ibang branches sa mga malls.

              Sa pagpasok niya sa bookstore na iyon ay unang natapunan ng mata niya ang isang empty bookshelf. Bakit kaya sa lahat ng branches ng Miracle, blangko ang bookshelf sa corner  na ito? Isa iyon sa mga napapansin niya sa Miracle. Ilang branches na ng bookstore ang napuntahan niya. Halos, pare-pareho lang din  ang ayos ng bookstore sa magkakaibang branches at lahat ng napuntahan niyang branch ay may isang corner na agad  mapapansin ng sinoman pagkapasok pa lang ng bookstore. Napakagandang spot iyon para sa mga libro. Tiyak na mapapansin agad ang librong mailalagay doon. Pero sa tagal ng  nasa business ang bookstore hanggang ngayon ay empty pa rin ang shelf na iyon. Curiosity showered her mind. Bakit nga  kaya?

            Nagkibit-balikat na lang siya at nagtungo sa hilerang ng mga tagalong romance pocketbooks. Pinagmasdan niya ang mga libro. High school student pa lang siya ay pinangarap na niya na someday, makikita niya ang sariling libro kasama sa mga librong mahihilera sa bookstore. Kaso nga lang inabot na siya ng twenty seven, hindi pa rin niya natutupad ang pangarap niyang iyon.

            Di bale, darating ang moment to shine ko. Makakarating din ako sa bookstore. Mabuti na lang at hindi siya iyong type ng tao na madaling sumuko. May isang tao kasing naniniwala sa kakayanan niya at patuloy na nagpapalakas ng loob niya.

            Napangiwi siya nang maalala kung sino ang tinutukoy niya. Si Marion na naman. Ito kasi ang madalas magbigay sa kanya ng encouraging words mula noong malaman nitong dream niyang maging writer.  Pasimpleng hinawakan niya at sinabunutan niya ang sariling buhok. Ang purpose niya sa paglalagalag na iyon ay kalimutan ang munting pagkikitang muli nila ng binata pero kahit ano atang gawin niya ay mangungulit at mangungulit ang isip niyang alalahanin ito.

            Lord naman! Para saan po ba’t patuloy kong naaalala ang lalaking iyon?  

            “Excuse me. Any problem, Eingel?”

            Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng familiar voice na iyon. There in between bookshelves was Marion. He was smiling at her while he was leaning on the edge of the bookshelf where she was busy reminiscing her dreams and life goals.

            “You need some help? May problema ba? Maybe I could assist you.”

            Nakasuot ito ng corporate suit at may name plate na tulad ng staff ng Miracle. Kung ganon, sa Miracle pala ito nagtrabaho at malamang, mataas ang posisyon nito. Teka, medicine ang course mo, bakit andito ka sa bookstore??? “Ha? Ah w-wala  naman. Okay lang ako sige.” She was about to escape again when he grabbed her hands.

            Agad niyang naramdaman ang kakaibang pakiramdam hatid ng malambot nitong kamay na nakahawak ng mahigpit sa kanya. Napatingin tuloy siya dito. Agad din itong napatingin sa kanya. Posible kayang naramdaman din nito ang tila kuryenteng dumaloy sa sistema niya nang maglapat ang kamay nila?

            Kumawala siya sa pagkakahawak nito.

            “Ah Eingel, I wasn’t able to get your number the last time. Can I have it now?” tanong nito.

            “Ah, wala akong cell phone ngayon eh,” pagdadahilan niya. Ang totoo ay ayaw lang niyang ibigay dito ang numero niya. Baka lalo siyang mabaliw. Heto nga’t kinakausap lang siya nito ng mga ordinary topics eh nawawala na siya sa sarili. Paano pa kaya kung tawag-tawagan siya nito? Baka hindi na niya magawa ng tuluyan ang novel niya at sa mental institution na lang siya bumagsak.

            “Oh!” May kinuha ito sa bulsa. Hinawakan muli nito ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang isang cell phone. “Here’s mine. Take it. It’s yours now.”

            “Ha?” Hindi siya nakakilos sa kalituhan. Bakit siya binibigyan nito ng cell phone?  Mukha na ba talaga siyang naghihirap? “No!” Ibabalik sana niya ang cell phone pero nakita na niyang naglalakad na ito palayo sa kanya. Nilayasan na pala siya nito nang hindi niya namamalayan dahil wala siya sa sarili. “Marion! Aaanhin ko ito? Uy!”

            Huminto  ito sa paglalakad at lumingon sa kanya sabay ngiti. Kumabog na naman ang puso niya na tila kinikilig siya.

            “Ay ang gwapo naman no’n!”

            “Ay ang swerte natin. Sa akin ba siya nakatingin?”

            “Ilusyunada ka ‘day! Hindi naman tayo kilala niyan eh.”

“Kung kasing gwapo naman niya ang iilusyunin, ay game ako diyan!”

            Napangiwi si Eingel sa mga side comment ng mga babaeng nagbubuklat din ng pocketbooks sa tabi niya. Pasimple niyang sinulyapan ang mga iyon. Mga college students ang mga iyon at naka-school uniform pa. Mga bata nga naman. Kung anu-ano ring napupulot sa pocketbooks.

            “Eingel….” Napabalik kay Marion ang atensyon niya.

            She offered back the cell phone to him. “Di ko ‘to matatanggap. Aaanhin ko naman ito? At saka sa’yo ito eh.”

            Ngumiti uli ito. “You will know its purpose later. Take care, Eingel. And don’t worry.” Inilabas nito sa bulsa ang isa pang cell phone at ipinakita sa kanya. “I still have one.”

            “Pero—”

            Tinalikuran na siya nito at mabilis na itong naglakad palayo. Wala na siyang nagawa kundi ang itago ang cell phone sa bag niya. Ano daw? Ang weird ng lalaking iyon! Sinubukan pa rin niyang hanapin ang binata sa buong bookstore pero hindi na niya ito nakita.

             Naguguluhan tuloy na lumabas na lang siya ng bookstore. Nagtuloy siya sa paborito niyang fastfood at umorder ng value meal. Ngayon talaga niya napapractice ang art of thriftiness often called as pagkukuripot.  Kung dati ay bumibili rin siya ng sundae at fries, ngayon ay tanging value meal with drinks na lamang ang binili niya para makatipid. 

            Malapit na siyang matapos kumain nang lapitan siya ng isang service crew at nag-serve ng fries at sundae sa table niya.

            “Ah, hindi ako um-order  nito,” sambit niya.

            Ngumiti ang binatang crew. “Kayo po ba si Miss Eingel Sevillejo?”

            “Yes.”

            “Para sa inyo nga ito. Enjoy your meal, Ma’am.”

            “Pero…teka—”

            She heard a phone ringing from her bag as the service crew went away. Agad niyang kinuha ang cellphone ni Marion na nagri-ring. Ang pangalan ng binata ang nakita niyang naka-register na caller sa screen.

            “Hello?”

            “Eingel…” Her heart started to beat faster again when she heard his voice. Pakiramdam niya ay may kasamang affection ang pagkakabanggit nito ng pangalan niya. “Enjoy you’re favorite sundae and fries.”

            Tama ang hinala niya. May kinalaman nga si Marion sa weirdong nagaganap.

            “Nasaan ka?” tanong niya dito.

            “I’m just here watching you from afar. Pasensya ka na kung parang stalker ang ginagawa ko sa’yo. Naiilang ka sa akin, iniiwasan mo ako. Alam ko iyon, Eingel.  I don’t know your reason but it makes me feel something is wrong with me. And since you kept on escaping whenever I’m near you, I have to do this thing just to make sure you are okay in any place and time.”

            Napakunot ang noo ni Eingel.  Ano naman kaya ang nakain ni Marion at bigla itong naging concern sa kanya? “Hindi kita ma-gets alam mo ba iyon?  Nasaan ka ba?”  

Nagpalinga-linga siya para hanapin ito. Alam niyang andun lang ito sa malapit sa kanya. Lumingon siya at nakita niya ito, ilang mesa lamang ang layo mula sa kanya. He was staring at her direction while his left hand was holding the cellphone on his ears and the right was handling a sundae cup.

Iniangat nito ang sundae sa kanya. “Eat your sundae bago matunaw.” Then, he smiled.

Hindi siya umiwas ng tingin. Nanatili silang nagtititigan. At kahit malayo ito ay tila kitang-kita niya ang expressive nitong mga mata. He was like a hero from her novels who stared at a heroine because of love. Pero walang love sa pagitan nila ni Marion. So bakit ganyan ka na lang makatingin sa akin? Gusto sana niyang itanong dito pero di niya magawa.

“Why are you doing this to me?” Iyon na lamang ang itinanong niya over the phone. 

“Can I sit beside you?” he questioned instead. “I’ll tell you my reason.”

Bumuntong-hininga siya. “Okay.”

Mabilis pa sa alas-kwatrong pinutol nit ang tawag at umupo agad ito sa bakanteng silya sa harapan niya.

For the next few seconds, he devoted his time staring at her as if memorizing every detail of her face. Nako-conscious na tuloy siya ngayon habang abala ito sa pagtitig sa kanya ay sinasabayan iyon ng pagkabog ng puso niya. Gusto niyang umiwas ng tingin pero hindi niya magawa. Pawang ang mga matang iyon na nakatitig sa kanya ay sapat ng rason para wag umiwas.

But she had to. Kung hindi ay baka matapos ang araw na iyon ay magkagusto na naman siya dito. Dumampot siya ng fries at isinubo dito. “Gutom ka pa ata, Marion. Sige, kain ka oh!” Sinubuan uli niya ito. In her mere surprise, hindi man lang ito tumanggi. Mukhang feel na feel pa nitong sinusubuan niya. 

“Sweet mo pala, Eingel.”

“Marion, pinaupo kita dito para sabihin sa akin ang dahilan mo kung bakit mo ginagawa itong mga kawirduhan na ito at hindi para bolahin lang ako,” sambit niya sabay iwas ng tingin. Ang sundae na order nito para sa kanya na lang ang pinagbalingan niya.  

“Ah, yeah.”

“So bakit nga?”  Binalingan niya uli ito. He was staring at her again. “Pambihira ka, Marion. Hindi ako maglalaho sa harap mo kaya pwede mong alisin ang ganyang tingin sa akin. Or sige ituloy mo pa iyang kapraningan mo at lalayasan talaga kita.”

“Uy wag naman, sige hindi na kita tititigan.”

“Reason? Nagmamadali ako. Sana sinasabi mo na ang dapat mong sabihin.”

“Nagagandahan kasi ako sa’yo ngayon. Na-love struck ako sa’yo Eingel— Uy saan ka pupunta?”

Ipinatong niya ang cellphone nito sa mesa at walang paalam na tumayo siya at naglakad palabas ng fastfood. Di siya makapaniwala sa sinabi nito. Maliwanag na pinagtitripan lang siya. Maganda? Ako maganda? Bulag ata ang isang ‘to. Hindi ba niya nakikitang mukha na akong batang yagit? Haggard na haggard na nga ako. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay!

“Eingel, wait!”

“Maghanap ka ng ibang pagtitripan, Marion.”

“Sinong nangti-trip sa’yo? Seryoso ako!”


Tinapunan niya ito ng masamang tingin. “Seryoso rin ako. Ipapapulis kita pag di mo ako tinigilan.” 



PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

Hanna Ryanne said…
Cant wait sa next epi waaaaaa ang gondooooooo

Tnx Ms Melai
Anonymous said…
hahahahahaha ganda talaga next na po hahahahaha

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…