Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Six



Young Servers Club Reunion, Laiya, San Juan Batangas.

            Maraming dumalo. Halos lahat ng members ng batch nila ay naroon. At kahit iyon ibang mga sa ibang bansa na naninirahan para makapagtrabaho ng maayos sa ibang bansa ay nagsi-uwian din. Sa dami nila, si Eingel ang nalulula sa maaaring naging gastos ni Marion sa gathering na iyon. Being the club’s president of their batch, he carried all the expenses. Iba na talaga ang mayaman, kung makapagtapon ng pera…wagas.

            Nakaupo siya sa banig na nakalatag sa white sands ng Laiya beach. May mga finger foods doon like fruits, chips at barbecues habang ang ibang foods ay nasa kalapit na cottage lang. Most of her former organization mates are enjoying their moments in beach waters. Katatapos lang din niyang lumangoy kasama ang mga girl friends niya na sina Eina, Ynna, Elii at Mara.

            “O ano na girl, pagkakataon mo na,” panimula ni Eina. “Akitin mo na si Marion.”

            “Oo nga , Eingel, Di ba crush mo siya dati?”  dagdag pa ni Elii.

            “Eh hanggang ngayon naman ata crush niya pa rin e. Eingel, sige na akitin na iyan!” hirit ni Ynna.

            “Oo nga suportahan ka namin. Basta ang pusta ko, basted,” sabat ni Mara.

            “Ako, aprub. Magiging sila. Ay bet na bet ko!”

            “Sa tingin ko, nagliligawan na yan e. Sakalan na!”

            “Pag hindi naging sila ni Fafa M, kami lang. Mas bet ko yon!”



            Napailing na lang siya habang natatawa. Kung baliw at baliwan din lang ang topic wala ng hihigit pa sa kanyang mga kaibigang ito. Pero hinayaan lang niya ang mga itong humirit tutal naman wala namang idea ang mga ito na mas nauna siyang pagsawaan ang pagsulyap-sulyap kay Marion kahit na ang totoo, walang sawa pa rin siya kahit ilang linggo na siya sa Miracle.

            “Adik ka talaga Ynna, wag ganon!” sita ni Eina. “Dapat fair share, sa akin ang mata.”

            “Sa akin ang yaman niya, inyo na siya. Wala akong pakialam sa kanya.”

            “Mukhang anda lang, Elii?” bawi ni Ynna.  “Sa akin ang lips, ang abs at ang—”

            “Inangkin mo na e, tirahan mo naman si Eingel.”

            “Di na, sa inyo na lang sawa na ako e,” tugon niya sabay kagat sa pobreng pork barbecue. The girls threw her a doubt look. “Oh bakit?”

            “Sawa ka na?” ulit pa ni Eina sa sinabi niya.

            “May hindi ba kami nalalaman?” usisa ni Mara.

            “W-wala ah.”

            “Wala ka diyan, e kanina sa van, sarap ng kwentuhan nyo ni Fafa M. Mukhang hindi nyo first time magkita after years,” comment ni Ynna.

            She smiled. “Hindi naman talaga.”

            “Nagkita na kayo noon pa?”

“Ilang beses?”

“Saan kayo nagde-date?”

“Kelan naganap ang first kiss?”

“Naka-first ka ba o home run?”

“Kelan ang kasal?”

“Buntis ka?”

Nagkabuhol-buhol na sunud-sunod ang hirit ng mga kaibigan niya. Sumobra na tuloy ang layo ng naabot ng usapan nila. Naalala niya ang pinakahuling panaginip na kasama si Marion. They were happily married with a baby in her dreams.

“Ang adik nyo lang ha? Hindi ganon iyon.” Kumuha siya ng panibagong barbecue. “I worked at the Miracle. Boss ko siya.”

“Boss lang?” tanong ni Mara. “Walang more than that?”

“Wala.”

“Eh bakit sa dinami-dami ng kompanya sa Miracle ka nag-work?” ususa ni Ynna.

“Dahil doon ako dinala ng tadhana.”

“Taray!” Sabay-sabay na hirit ng mga ito.

 “Well, kidding aside alam naman natin na matulungin lang talaga siya. Naawa na ata siya sa akin dahil jobless ako.”

“Hindi rin. Type ka no’n,” hirit na naman ng mga ito.

“Speaking of, nasaan na ba si Fafa Marion?”

Tumingin sila sa dagat kung saan andoon ang grupo ng mga boys. On cue, Marion rose from the water and walked towards them in his adorably sexiest way. He was just wearing nothing but swimming shorts.

Literal na napanganga siya pero agad din naman niyang tinikom ang bibig bago pa siya mahalata. This guy really has everything to offer. Pasimpleng nagtilian ang mga kaibigan niya lalo na nang lumapit na si Marion at sa kanya na tumitig. Basang-basa ito.

“Ahm, Eingel. Can you do me a favor?” Tumabi ito  sa kanya.

“Ah, ano iyon?”

“Ah Eingel,  alis muna kami,” sabi ni Ynna.  Nagsitayuan na rin ang iba.

“Saan kayo pupunta?” tanong niya.

“Ah mag-CR muna ako.”

“Magkukulot muna ako ang buhok.”

“Ha?”

“Maggawa din kami ng sand castle.”

“Maghahanap kami ng poging Batangenyong shokoy.”

“Ha?” korong sambit nila ni Marion.

“Sige ha, bye!” sambit ng mga kaibigan niya sabay sibat. Naiwan silang dalawa ni Marion.

“Ahm, Eingel—”

“Yeah, yung favor mo. Ano nga pala yon?”

“Kasi basing-basa ako, makikisuyo sana ako ng pagkuha ng pagkain, gutom na ako e.”

“Iyon lang ba sure!” Kumuha siya ng paper plate at isinandok ito ng pagkain habang tinatanong din niya kung ano ang gusto nito. Pagkatapos ay binigay niya ang plato dito.

“Salamat. Nag-enjoy ka ba?”

“Oo naman, daming pagkain e. At saka, matagal na rin nang huli akong nagpunta sa beach.”

“Sa trabaho mo?”

“Okay ka namang amo. Pampered ako.” True indeed. Nakahanap siya ng trabahong hindi siya napapagod at nase-stress masyado. Plus, nagagawa niya ang bagay na gusto niya…ang magsulat. Marion was also a boss she ever wished to serve for her whole life. Boss na gwapo, mabait, maalaga sa mga empleyado at nakakilig pang kausap. Ano pa ang hahanapin niya?

“Mabuti ba akong amo? Sabi ng ama ko, masyado daw akong maluwag sa mga empleyado ko. Baka daw ang ending, magkasungay silang lahat.”

“Hindi naman siguro. Kung may effect man iyong kabaitan mo, loyalty yon.”  Kinuha niya rin ito ng maiinom at iniabot dito ang isang basong juice.

“Salamat. Ikaw ba kumain na?”

“Oo, kanina ko pa ngang tinitikman lahat ng food e—”

Her phone rang. Kinabahan siya nang rumihistro ang pangalan ng editor ng Fidelity. Dahil naging busy na siya sa bagong trabaho, halos nawala sa isip niya ang tungkol sa under evaluation niyang novel.

She grabbed Marion’s arms bilang paghingi ng moral support. Wala siyang pakialam kung basa ito. Kailangan niya ng lakas ng loob. Nagtatanong ang mga mata nito nang balingan siya ito kasabay nama sa pagsagot niya ng tawag.

“Eingeeeeellll!” patiling sigaw ni Charmie, ang  editor na madalas sumasalo ng manuscript niya at siyang nakakausap niya palagi sa Fidelity.

“Kung makatawag ka naman ng pangalan ko, wagas. Walang bukas ba? Diretsahin mo na ako, rejected na naman ang novel ano?” Abot-abot ang kaba niya dahilan para mapahigpit ang kapit niya sa braso ni Marion. Binalingan niya ito. He was just practising his own art of gazing at her. He nodded, a gesture that she knew means it is just fine with him. Kahit parang dinudurog na niya ang braso nito ay wala itong reklamo.

He even mounted, “You can make it.”

“Loka, pwede ka ng mag-party. Sa wakas, natumbok mo ang hinahanap na kwento ng publishing namin. Your novel made it. Pinapupunta ka ni Madam Charlotte sa Lunes para pag-usapan iyong publication process ng libro mo.”

“Talagaaaaaa!!!!!” patiling tugon din niya.

“Ay kung makasigaw din walang bukas?” ganti nito. “Oo nga, paano see yah on Monday. Congrats ha. Bye.”

She was stunned for couple seconds after Charmie dropped the call. Wala sa sariling binalingan niya si Marion na tila naghihintay din sa sasabihin niya.

“I made it.”

“You made it?” He looked so happy that she finally made it.

            “Yeah, I made it!”  Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ito. Too late to realized that he was wet and half-naked. Tila napasong bumitaw siya. Nagkatinginan sila. They both smiled at halos sabay ding nag-iwasan ng tingin at parehong napapailing at napapangiti ng lihim. At tila perfect coincidence, sabay din silang nagbaling ng atensyon sa isa’t isa.

            And as if they understand each other well, they both laughed.

            “Nabasa tuloy kita,” sambit nito.

            “Okay lang, kasalanan ko naman.” Hinarap niya ito. She still couldn’t believe na finally abot-kamay na niya ang pangarap na published book at aminin man niya o hindi malaking bahagi ng tagumpay niyang iyon ay si Marion. “Maraming salamat ha. Ah no. not just that. Maraming maraming salamat, Marion.”

            “Bakit nagpapasalamat ka sa akin? On the way naman ang Fidelity sa pinuntahan ko noon kaya hindi naman abala na ako ang nagpasa ng novel mo.”

            “Hindi lang naman iyon.” Sa tuwa niya ay napaluha siya. “Mula kasi sa simula, ikaw lang naman ang nagtiwala sa akin na kaya ko yon e. Na kahit nga ako suko na, ikaw hindi ka sumuko sa paniniwala mo sa writing skills ko. Mula nang magkita tayong muli, parang umayon na sa akin ang panahon. Nagkaroon na uli ako ng trabaho at eto nga, nakapasa na rin sa wakas ang novel ko. Swerte ka sa akin. Lucky charm kita.”

            He moved closer and managed to wipe her tears away. “Ako nga swerte eh.”

            “Sus, minalas ka nga sa akin. Nabawasan yaman mo. Ikaw nagbayad ng bill ko ng isang buwan tapos naging empleyado mo pa ako. Paano ka naman susuwertehin don?”

            He just smiled. “Mula kasi nang makita kitang uli, natupad iyong pangarap ko. And it all because of you.”

            “Ha? Ano naman iyon?”

            He winked. “Iyong pangarap kong makita kong natutupad mo ang pangarap mo. It is my dream to witness how you will be able to reach your dreams. It is also my dream to stay at your back to give you support and to be the first one you will run to, if you’re losing your hopes. I dream to be someone err the only guy that will be able to touch your face like this. Iyan ang mga pangarap ko. At tinupad mo yon. Now my dreams turn into goals.”

Her heart skipped a bit. Hindi siya bato para hindi kiligin sa sinabi nito.  At para hindi mahalata ay umiwas siya ng tingin.

Umayos na rin ito ng upo at ngayon kapwa sila nakatingin sa dagat. “Marion, bakit mo sinasabi iyan sa akin?” Naglakas ng loob na siyang magtanong.

“Wala naman. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Nawalan ako ng pagkakataong magpaliwanag sayo noon after college. I know I don’t need to spell it out. Alam kong alam mo ang situation natin noon. We were almost there, until I ruined everything.”

“You got a girlfriend without bothering to tell me that things had changed. You weren’t able to wait and you find someone else.” Surprisingly, wala siyang naramdamang galit o sama ng loob nang sabihin niya iyon. Siguro nga tuluyang napawi na ang sakit na dinulot ng past na iyon sa puso niya. Time heals the wound and she was already healed.

“Ang totoo, hindi ko siya girlfriend. Hindi ko siya naging girlfriend. Wala akong naging girlfriend after kong pumalpak sa panliligaw sayo.”

Shock ang unang reaction niya. All this time, inakala niyang niloko lang siya nito, pinaasa pagkatapos ay iniwan sa ere. Mali pala siya.

Hinawakan nito ang kamay niya dahilan para muling mabalingan niya ito. “Ang  ama ko ang may gustong maging girlfriend ko siya kasi anak siya ng may-ari ng hospital kung saan ginusto ng ama kong makakuha ng mas mataas na authority. Naipit ako sa sitwasyon. Dahil isa akong anak, sumunod ako sa ama ko na i-date siya, pakisamahan siya and such. At dahil lalaki akong di marunong magtaboy ng babae, I let things happened at hinayaan ko na lang na siya mismo ang magsawa at lumayo sa akin. But things got the opposite, sinabi niyang gusto niya ako at saka ko na lang sinabing hindi na pwede dahil may isang babaeng matagal kong hinintay at alam kong hinhintay din ako. She let me go, pero too late na for us. Hindi na kita mahanap kahit saan ako pumunta.”

She got lost of words to utter. Kung ganon, totoong mula noon hanggang ngayon, may gusto pa rin itong si Marion sa kanya at hindi iyon power trip lang.

“Eingel, alam kong inaayos mo ang buhay mo ngayon. Hindi naman kita pipilitin na i-entertain ang panliligaw ko. Basta sana hayaan mo na lang akong gawin iyon.  Alam kong nasaktan kita noon, hindi ko na yon mababawi pero pwede kong palitan lahat ng iyon ng love.” Tumawa pa ito. “Corny ko ba? Ikaw kasi may pa-thank you ka pang nalalaman e. Napaemo tuloy ako.”

“Ako pa ang sinisi mo?” Hinila niya ang kamay niyang hawak nito but he didn’t let her go. “Kalimutan mo na yong past na di maganda. Nakalimutan ko na nga yon e.”

“Pero—”

She moved closer and kissed on his cheek. Ikinagulat nito iyon. “Reward mo iyan galing sa akin para sa pagiging number one supporter at fan ko. Tanggapin mo na lang at wala ng pero, okay?”

He grinned. “Pag nag-pero ba uli ako may kiss uli?”

“Wala. Abuso ka!”  Tumawa lang ito.


Pero sa loob-loob niya, willing siyang magbigay ng kiss kahit every minute, every second pa.




PREVIOUS                                                       NEXT 

Comments

Anonymous said…
Nakakakilig. ............nasa my chapter 7 na
Apple jane said…
Sundan ko parin next chapter nito promise!!!c u next chapter.....
Hanna Ryanne said…
Tareyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy

Sabi ko sau eh

Magkaka published book kana

May fafa kapa

Ang haba ng hairrrrrr ahhahaha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…