Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Four



Punong-puno ng energy at enthusiasm si Eingel habang nagta-type sa kanyang laptop. Sa tingin niya, 24 hours na siyang di humihinto. Wala talaga siyang planong huminto, may hinahabol siya oras, panahon at quota. Kailangan niyang matapos ang nobela niya at maipasa as soon as possible.

             May narinig siyang iyak ng bata. “Marion, si baby asikasuhin mo muna.”

              Bumangon si Marion at humalik sa pisngi niya bago nito pinuntahan ang baby sa crib. “Tama na yan, mahal. Magpahinga ka muna,” malambing na sambit nito sa kanya.

              Hindi naalis sa monitor at keyboard ang atensyon niya.  “Konti na lang, nagmamadali ako.”

              Inagaw ni Marion ang laptop sa kanya. Sinubukan niyang agawin yon pero hindi niya magawa.  “Tama na muna sabi, mahal. Magpahinga ka muna.”

              “Hindi pwede! Akin na iyan. Love story natin iyan dapat matapos ko na agad iyan para maging bestseller author na ako.”

              Nakipagmatigasan sa kanya si Marion. “Ano ba, Eingel. Sino bang mas mahal mo? Ang writing career mo o ako?”



              “Syempre ikaw, Marion. Ikaw ang mahal ko,” she uttered loudly while she was in the middle of a dream. Bigla siyang nagising at napakunot ang noo sa weird niyang panaginip. How could she say she loves him?  At bakit sila may baby sa panaginip niya?  Ang layo ng  fast forward ha! Asawa agad? Di ba pwedeng jowa muna?  At talagang naisip pa niyang maging boyfriend si Marion someday?

              “Good you’re awake now.”

              Nahigit niya ang hininga pati na rin ang kumot na yakap-yakap niya para takluban ang sariling mukha dahil sa kahihiyan nang makita niya si Marion. He was magnificently seating on the swivel chair of her study table while flipping the pages of her latest rejected novel. Waaaaaah! Anong ginagawa ng lalaking ito dito?  That’s when she remembered. Nahilo nga pala siya kanina sa may paradahan ng tricycle at…at… Homay! Momay! Bakit wala na akong maalalang kasunod?

              Pumikit na lang siya uli at tuluyang takluban ang mukha niya ng kumot. Naramdaman niyang umupo sa gilid ng kama si Marion. Bakit ba wala ng eksenang di siya napapahiya sa binatang ito? 

              “Eingel…”

              “Tulog ako!”

              “Yeah, so you’re sleep talking huh.”

              “Oo bakit may reklamo ka? Bahay ko to, mag-sleep talk ako kung kelan ko gusto.”  She heard him chuckled and laughed softly. And she found it sexy. Jusmeeee!

            “Kumain ka na muna habang natutulog ka, Eingel. Wait there, I’ll prepare your food okay?”

            “Go sago!” tugon lang niya.

            Nang makalabas ito ng silid ay saka lang niya inalis ang kumot sa mukha niya sabay bangon. Pero nahilo siya kaya slow motion na humiga siya ulit. Ngayon ay naalala na niya, hinimatay ngapala siya.

            Pipikit na lang sana siya nang mapansin niyang malamig ang silid. Bukas ang aircon. Pinilit niyang bumangon ng kama at dali-daling lumapit sa aircon para patayin iyon. Biglang bukas naman ng pinto at pumasok si Marion.

            “What the hell are you doing?” he slightly shouted. Agad nitong binaba ang tray sa study table niya at nilapitan siya.

            “Bakit mo binuksan ang aircon? Matakaw sa kuryente iyan. Tataas ang bill ko niyan e nagtitipid nga ako—aww!”

            Tinapik ni ang kamay niyang nakahawak na sa switch ng aircon para i-off yon. “Wag mong papatayin iyan.”

            Pinagtaasan niya ito ng kilay  na nag-emphasize naman ng hilong nararamdaman niya pero hindi siya nagpahalata. “Bahay ko ito! At hindi ako nage-aircon dahil maaksaya sa kuryente. Anong mahirap intindihin do’n—oy ibaba mo ako!”

  Walang sabi-sabing binuhat siya nito. Wala siyang naging choice kundi ang kumapit sa balikat nito sa takot na baka ibagsak nga siya nito. Nagkaroon tuloy siya ng chance na makita ito sa super ultra mega malapitan. Iyon tipong pag nag-pout siya ng lips ay saktong makakanakaw siya ng halik sa pisngi nito.  Bingo!

            Maingat na ibinaba siya nito sa kama. “Ano bang problema mo, Marion ha? Para gusto ko lang makatipid sa kuryente, issue na ba yon?”

            He touched his knotted forehead then gave her the darkest doubt look she ever seen on him. “Yes. It is an issue. You have the symtoms of heat stroke, you have low blood pressure and freaking symptoms of over-fatigue.” May inabot itong papel sa kanya na may nakasulat na doctor’s order. “Doctor ako and you have to listen to me. You need to be isolated in an airconditioned room for the next forty eight hours.”

            “Pero paano ang bill ko?”

            “Let me handle it, for God sake! Baka gusto mong kumain muna bago nating pagtalunan ang electric bill mo?”   

            Pissed off na ata ito sa kakulitan niya kaya nanahimik na lang siya habang kumakain. Sopas ang inihain nito sa kanya.  Ang sarap, saan kaya nito binili? Dahil nasarapan at gutom nga, mabilis niyang naubos ang laman ng bowl. 

            “Mukhang okay naman ang sopas ko ano? Gusto mo pa?”    Walang anu-ano’y sambit nito. Wala na ang tonong tulad kanina na parang papatay ito anytime.

            Ikaw ang nagluto nito? Sa gulat ay binalingan niya ito. He was sitting on her swivel chair again and busy watching her. Kung gaano na siya katagal pinapanoon nito, hindi niya alam. Nailang siya sa sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. It was like his way of telling her how special she was for him.

            Nang hindi siya sumagot ay lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. “Eingel, don’t mind the electric bill. Nakausap ko na si Manang na sa akin na lang ipadala ang bill ng kuryente mo ngayong buwan.”

            “What? Bakit mo naman ginawa ‘yon?  Dahil ba alam mo na wala akong trabaho? May ipon pa naman ako.”

            “It’s not like that.” Umiling ito. “Gusto ko lang masigurong hindi mo papatayin ang aircon dahil lang gusto mong makatipid kahit na alam mong makakasama iyon sa’yo. You scared me when you fainted. At kung di ka mage-aircon possible na maulit ang nangyari sayo kanina. Paano kung makasama na sayo next time? Paano kung wala ako sa tabi mo pag nangyari yon?”

            Naguguluhan siya sa sinasabi nito. Sa way nito ng pagsasalita ay parang alalang-alala ito sa kanya. Bakit naman? In love ka pa rin ba sa akin, Marion?  She shook her head. Imposible ang iniisip niya. Sa palagay nga niya never itong na-in love sa kanya. Dahil kung mali siya, bakit ang bilis nitong  ipagpalit siya noon?

            “Sorry,” sambit niya. “At salamat na rin.”

            “Eingel, may gusto sana akong itanong.”  

            Ibinigay niya dito ang bowl. “Sorry ko di ko pala nasagot ang tanong mo. Oo gusto ko pa. Masarap ang luto mo.”

            Kinuha nito ang bowl pero ibinababa din nito sa mesa. “Hindi iyan ang itatanong ko sana.”

            “Ano?”

            “Bakit ka umiiwas sa akin?”

            “Hindi ako umiiwas sa’yo,”  pagde-deny niya.

            “Wag tayong maglokohan. Hindi naman ako manhid.  Kahit anlapit ko sa’yo, ramdam kong umiiwas ka sa akin. Mula noong mag-graduate tayo ng college, iniwasan mo na ako.”

            She sighed. “Hindi naman ako umiiwas talaga sa’yo, Marion.  Nahihiya lang ako sa’yo. Tingnan mo nga, ikaw asensadong-asensado na. Eh ako, heto wala paring naaabot. Walang trabaho, struggling, walang direction. Wrong timing ka kasi. Dapat hindi muna tayo nagkita. Dapat saka na lang tayo nagkita pag ayos na ang buhay ko.”

            “Bakit kailangan pang maayos ang buhay mo bago kita makita? It doesn’t matter to me. Alam mo nang makita kita uli, sobrang saya ko kaso iniwasan mo lang ako.  Sinabi kong  gusto kita, nag-walkout ka. May mali ba sa akin?”

            Umiling siya. “Magulo lang lahat sa mundo ko ngayon, Marion. Sana, wag ka ng makigulo pa kasi baka mabaliw na ako.”

            Hindi nakatakas sa kanya ang biglang paglungkot ng mga mata nito bago pilit na ngumiti. “Sorry, hindi ko naman alam na nakakagulo pala ako. Pero hindi ko pwedeng palagpasin na lang ang pagkakataon ngayong magkasama na tayo.” Ini-offer nito ang kamay sa kanya. “Let’s start being good friends again, can we?”

            Mabilisang pag-iisip. Hindi naman siguro masama kung maging magkaibigan uli sila. Tinanggap niya ang kamay nito. “Sige ba, payag ako.” Natigilan siya at tila ganon din si Marion.  Having his hands against her gave some thrilling sensation to her system. A sweet strange feeling she didn’t know at all. Nagkatinginan silang dalawa. Kasabay na noon ang pagkabog ng puso niya. Aminin man niya o hindi, na-miss niyang matitigan ng mga matang iyon. On the second thought, masama atang tinanggap ko ang friendship.Naman! Baka magkagusto uli ako sa lokong to ah.

            “Eingel…”

            “Hmmm.”

            “About your rejected novel, you should give yourself another try. You can make it and I will always believe in you.”

            “I will.”


              “HACHUUUU!” Pag minamalas nga naman. Ilang linggo after niyang himatayin dahil sa pausong heat stroke na yon, heto naman siya ngayon. Walang tigil sa pagbahing dahil sa sipon. Bumebenta tuloy sa kanya ang tissue manufacturer at water station. Hindi siya umiinom ng gamot sa paninindigan na maari naman siyang gumaling sa pamamagitan ng water therapy. Pauso lang din niya yon dahil ang totoo, inaatake na naman siya ng kakuriputan dahil kailangan na talaga niyang mag-cost cutting. 

            Nevertheless, nothing stopped her from reaching her ultimate dreams. Pinagsabay niya ang paghahanap ng trabaho at pagsusulat ng bagong novel na idinadasal na niya ng bonggang-bongga para pumasa. Ang siste, mukhang kasama na rin siya sa nakararaming Pinoy na hirap maghanap ng trabaho. It’s been weeks, pero wala pa ni isa sa mga in-apply-an niya ang tumatawag.

            She was editing and proofreding her novel prior to printing and submission.  “Yes!”  Sigaw niya nang sa wakas ay nakarating na siya sa last paragraph. Niyakap niya ang kanyang laptop. “I love you, my dear laptop! I love you wagas na wagas!” She even kissed the laptop screen sa sobrang tuwa niya.

            That novel was very intimate and special to her. Sinabi niya kasing iyon na ang huling attempt niya kaya ibinuhos na niya ang lahat sa novel na iyon. Kapag na-reject iyon ay hihinto na muna siya para makapagtrabaho at makapag-ipon uli. All previous comments from her rejected novels were noted and considered. Sinugurado niyang eliminated na sa novel na iyon ang mga nakaraang pagkakamali. Aside from that, most of the scenes from the novel is quite personal. Ang ilan sa mga eksena doon ay nangyari sa kanya mismo…at ang live leading man niya? Si Marion. She remembered his adorable face. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong pag-aalaga sa kanya noong nagkasakit siya. Which reminds me, hindi pa pala ako nakakapag-thank you ng bongga sa kanya. Napabuntong –hininga siya habang naaalala kung paano siya nito binuhat, kinimutan at inalagaan. Daig pa nila ang magboyfriend sa eksenang iyon.

            Pini-print na niya ang novel nang mag-ring ang cell phone niya. Her heart skipped when she saw the name, “Marion the pogi” blinking on the screen of her cell phone.  Agad niyang sinagot ang tawag.

            “Hello, Ma—chuu!” di niya napigilang humatsing. Napairap siya sa kahihiyan. Wala na atang matinong eksena pag involved si Marion. Ano ba? She grabbed the tissue. Inilayo niya ang cellphone at suminga. Tama ng marinig nitong napaka-wa poise niyang bumahing. Over na kung marinig pa nitong mas wa-poise siyang suminga.  Nang matapos ay ibinalik niya ang cell phone sa tenga. Laking gulat niya at busy tone na lang ang narinig niya. Nilayasan ako? Loko yon ah!

            Sa inis ay inihagis na lang niya ang cellphone sa kama. Kinuha niya ang bagong biling dyaryo at nagbrowse ng job openings sa classified ads habang busy ang printer niya sa pagpi-print. Walang oras na dapat masayang. Kailangang mag-unahan sa swerte ang manuscript niya at ang power niyang makakuha ng bagong trabaho.

            Her phone rang again. “Marion the pogi” na naman ang nagbi-blink. Tiningnan lang niya ng masama ang cellphone niya. Di pa rin niya ito napapatawad sa paghang-up nito sa naunang tawag. Inaatake na nga siya ng kawirduhan. She grabbed the cell phone at tinitigan lang ng masama ang nag-iingay na phone. “Hachuuu!” Kumuha siya ng tissue at suminga. Huminto ang pagri-ring kaya inihagis niya uli ito sa kama.

Finally, tapos na ang printing. Nag-ayos lang siya ng workplace at naligo para madala na niya sa Fidelity ang bagong manuscript niya. Papalabas na siya ng bahay nang sunod-sunod na katok naman ang bumulabog sa kanya.

            Pagbukas niya ng pinto ay warm big hug agad ang sumalubong sa kanya.

            “Eingel!”

            Waaahhh, ano bang eksena to? Bakit nahuli ito sa sinusulat kong novel? Marion, bakit ang bango mo?

            Hindi siya nakakilos. Ni hindi siya nakapalag. Parang siyang nag semi-shut down. At ang tanging energized and functioning well ay ang hyper niyang pusong tila natutuwang nasa pangangalaga siya ngayon ng mga braso ni Marion.

            Until she felt her nose itching again. Hindi niya napigilan, napabahing siya. Nawala bigla ang magic, balik reality. Nabasag ang romantic trip.

            Mga matang nag-aalala ang sunod niyang nakita. Marion was worriedly staring at her. Iniangat nito ang paper bag at basket na dala. “Ahm, tamang hinala palang may sakit ka. Dinalhan kita ng prutas, gamot, at tissues.” Kumunot ang noo nito nang makitang  nakabihis siya at halatang may lakad. Bitbit pa niya ang  folder ng novel niya. “Bakit aalis ka e maysakit ka?”

            He held her hands. Pagkatapos ay hinila siya nito papasok sa bahay. “Teka Marion! Aalis ako. Importante ang lakad ko e.”

            “Adik ka ba? May sakit ka, magpahinga ka muna.”

            “Pero, kailangan kong ipasa itong novel ko,” hirit niya.

            He stopped dragging her. Kinuha nito sa kanya ang manuscript at inilagay iyon sa nadaanang center table. “Ako na lang magdadala niyan sa Fidelity. For now, rest in your bed please or else magdamag mo na naman akong makakasama niyan. Nawiwili ka na ata e.”    

            Napanganga siya. “Ikaw ata ang adik e. Pumaparaan ka naman, Marion.” 

            Tumawa lang ito.

All right he won. Sumama na lang siya pabalik sa kwarto nito habang tine-treasure ang mga sandaling hawak nito ang kamay niya. In a way, pakiramdam niya hindi na siya nag-iisa mula nang bumalik uli si Marion.

            “You should get some good rest, Eingel.” Inayos ni Marion ang magulo niyang kama at saka siya pinahiga doon.

            “Alam mo, Marion. Di ko alam kung anong meron ka at napapasunod mo ako.” Wala na nga siyang nagawa kundi ang sumunod. Humiga na siya sa kama at yumakap sa favorite unan niya.

            Marion just lovingly looked at her. “Charm lang ang meron ako, as far as I know.” He winked as he managed to cover her up with her blanket.

            Charm… kulam ata yan para sa akin.  “At kakulitang taglay.”

            “At ikaw naman, matigas ang ulo.” Pinandilatan siya nito na ikinatawa lang niya. He looked over her bedside table and found some medicines. He check them all. “Hmm, iniinom mo ba ang mga ito?”

            “Hindi, display lang yan sa table ko. Parang flower vase lang, you know?” pamimilosopo niya. He gave her a doubt look. “Ikaw naman, di na mabiro.  Iniinom ko syempre yan.”

            He looked over the medicines again. Sa totoo lang kung anu-anong gamot lang iyon na over the counter at hndi siya sure kung talagang napapagaling siya ng mga iyon or hindi.

            He then set aside some of it. “These weren’t the right medicines for you.” Inilapag nito ang mga gamot na sa mesa. “Aalis na muna ako para makapahinga ka. Dadalhin ko muna sa Fidelity ng novel mo at ibibili kita ng tamang gamot. Dapat kasi nagtanong ka sa akin ng tamang meds. Hindi ka gagaling kasi mali-mali ang iniinom mo,” may kasamang sermon hirit nito.

            “Oo na, doc. Panalo ka na!” hirit ni Eingel. “Wala na akong laban, suko na ang kagandahan ko!”

            In her mere surprise, tinawanan lang siya nito. Umiiling na naglakad ito palabas ng pinto.  “I’ll be back. Matulog ka muna.”
  
          “Okay.” Papalabas na ito ng pinto nang muli niya itong tawagin.

            “Yes? May ipapabili ka ba?”

            Umiling siya. “Wala. Magpapasalamat lang ako. Thank you for being here, Marion.”


            He smiled. And she felt her heart do some break dance. “Wala iyon.” 



PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

Anonymous said…
sweet!!!sana may dumating na isang Marion sa buhay ko...
Hanna Ryanne said…
Ayeeeiiiii nakaka kiligggggggggg waaaaaaaaa ahahhahaha

Tnx ms Melai
Casper Roah said…
Hi Ms. Melai... ganda ng mga stories mo... may wattpad account po ba kayo?
Melai said…
yes meron akong wattpad. melai_writer ang account name. Pero di lahat ng story ko andoon :)
thanks casper. --melai
Casper Roah said…
Talaga po? Wow! I-follow ko po kayo ha... love na love ko po mga stories n'yo eh... Salamat po. ^_^
Melai said…
suew. salamat casper :)

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…