Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter Five


“Thanks, Ms. Sevillejo. We’ll just give you a call.”
           
Kung hindi lang talaga kawalang modo ay nakapagtaas na ng kilay si Eingel. Anak ng  resume! Matapos siyang paghintayin ng halos dalawang oras bago makapag-exam and another two hours bago sa interview na iyon, wala siyang napala kundi ang pinakanakakayamot na linya ng mga HR staff para sa mga aplikanteng hindi nila type.

            Ngumiti siya ng pinakaplastik na ngiti na kaya niya pakatapos ay badtrip na lumabas na siya ng building. Isa na naming failure a job application. Nilakad niya ang kahabaan ng The Fort hanggang sa makarating siya sa parke habang iniisip niya kung saan na siya pupulutin once wala na siyang maibayad  sa renta ng bahay at wala na rin siyang perang  pambili ng pagkain.  Malayo ang province kung saan naglalagi ang mga magulang niya. Ayaw rin namang niyang umuwi doon ng walang kahit anong maipagmamalaki sa mga magulang.

            Sa inis ay huminto siya sa paglalakad at ipinukpok sa noo niya ang envelop na hawak. Pumikit siya at pagkatapos ay sumigaw siya. Kiber kung may mairita. Ang gusto lang niya ay ilabas ang asar niya. “Sumpain kayong mga kompanya kayo! Ang ganda kong ito, dinedeadma nyo lang? Magsawa kayo!” sigaw niya with full conviction.

            “Ako hindi!”


            A familiar voice interfered. She opened her eyes and discovered that Marion was standing few inches away from her, watching her intently with his pair of smiling eyes and mischievous grin. She felt her heart go crazy again.

            Alanganin siyang ngumiti. “Hi.” Kumaway pa siya. “Ikaw talaga Marion, pakalat-kalat ka lately ha.”

             “Hindi naman, nagkataon lang.”

            Nagkataong kung saan ako naroon, sumusulpot kang parang kabute? Echoserong wagas ka, Marion! “Ah ganon ba? Galing ako dun sa inaplayan ko na as usual, hindi na naman ako tanggap. Sige ha. Nice seeing you here, mag-aaply pa ako e. Babu, Zagu!” About face. Pasimple pa niyang sinabunutan ang buhok niya habang naglalakad palayo. Ang bruha mo talaga kahit kailan.

            “Sa akin ayaw mo ba?”

            “Ha?” Kunot-noong binalingan niya ito. He was just following her steps in very manly adorable way.

            “Sa akin, sa kompanya ko, ayaw mo bang mag-apply?”

            “May hiring ba sa inyo o pumaparaan ka na naman?”

            He smiled and pinched her nose. “Not just because you know I like you, you will abuse my weakness baby. May hiring sa amin kahit sa HR ka pa dumiretso kung wala kang tiwala sa amo.”

            You like me? Eeeeeeee! Kilig much! “Weh? Saan ba office mo?”

            Inginuso nito ang isang building at  bumulaga sa kanya ang malaking sign board. Miracle Bookstore Head Office.

            “As you enter the lobby, tell the receptionist that you have appointment to the HR for job vacancy application. I’ll call the HR Head right away. Goodluck, Eingel. See you later.”

            “Later?”

            “Yes, I’ll be conducting the final interview.”


            DAHIL walang choice, sinubukan na rin niya ang mag-apply sa Miracle. May advantage din naman iyon sa kanya. Una, malalapit siya sa mga libro. Pangalawa, malalapit siya lalo kay Marion. Aminado siya nanunumbalik na ang pagka-crush niya dito.  Mula nang isulat niya ang novel na ito ang inspirasyon ay nagising na lang siyang crush na ito uli.

            Kahit bigatin ang backer ay dumaan siya sa proseso, kumuha ng exam at interview. Pagkatapos ay pinapunta na siya sa office ng CEO, none other than Marion Jhon Chavez. She was shocked what she found out. Alam niyang nagtatrabaho ito sa Miracle pero hindi niya naisip na ito pala mismo ang may-ari. Lalo tuloy siyang nahiya. Marion had gone far from who he was back in college. Asensadong-asensado na ito samantalang siya…wala pang matinong buhay kung tutuusin. Napabuntong-hininga siya. Bakit nga ba unfair ang mundo minsan, lalo na sa akin? It seemed like the world had changed, buhay na lang niya ang hindi. Kung may nabago man, lalong naging complicated lang ang status ng life and love niya.

            Bumukas ang pinto ng office ni Marion. “Come in, Ms. Sevillejo.”

            Sumunod siya dito sa loob ng office nito. Pinaupo siya nito sa sofa sa receiving area ng opisina. Hawak nito ang isang folder na sa tingin niya ay naglalaman ng records and credentials niya na hiningi ng HR. Umupo ito sa tapat niya.

            “Hindi ako nagkamali di ba? Andito ka na sa office mo for final interview.”

            “Ah, Sir Marion—”

            Kumunot ang noo nito. “Saang planeta galing ang Sir?”

            “Ah, di ba aplikante ako at ikaw ang big boss dito. Gumagalang ako sa may authority.”

            “No need.”

            “Ayaw mo ng ginagalang?” kunot noong tanong din niya. Anong gusto mo? Ginagapang? Oooppss!

            “Of course gusto ko, pero kung tayo lang namang dalawa, bakit kailangan pa iyon?” sagot nito habang iniisa-isa ang mga papel sa folder na hawak.

            “Kasi dapat kang galangin. Employee-employer relationship.” Ito na ba ang interview? Kelan kaya ikaw magtatanong ng may kinalaman sa trabaho?

            Nahigit niya ang hininga nang balingan siya nito. He lovingly stared at her. “Ayaw ko ng ganong relasyon.” He leaned closer to her. Pasalamat si Eingel at may center table in between. Dahil kung wala, mukhang lagot na naman ang beauty niya sa kilig. “Kung ikaw at ako rin lang, ibang relasyon ang gusto ko.”

            Nangisay sa kilig ang puso niyang hindi na tumigil sa pag-tumbling. Umiwas na lang siya ng tingin at inilibot ang tingin niya sa paligid ng office. “Ahm, maganda ang office mo ha.”

            “Salamat.”

            Nakita niya ang isang picture nito sa wall, nakaputing robe ito sa picture at sa tabi nito ay isang certificate na may kinalaman sa medicine. “Ahm, Marion, licensed doctor ka na ba?”

            “Oo.”

            “Eh kung doctor ka na, bakit nagtayo ka ng bookstore?”  Binalingan niya ito. As usual, caught in the act na nakatitig na naman ito sa kanya. Pinandilatan niya ito.

            He grinned. “Sa pagkakaalam ko ako dapat ang nagi-interview sa’yo at hindi ikaw ang mang-usisa sa akin. Doctor ako at affiliated din sa isang maliit na pedia clinic. I’m a part time, doctor, part time businessman.”

            “Ah...Marion—”

            May kumatok at agad din namang pumasok. Staff yon ng HR. Iyon din ang nag-interview sa kanya. “Sir ito na po ang files ni Ms. Sevillejo.” Nagulat ito nang makita nitong nakaupo na sa sofa pero wala itong sinabi.

            “Salamat,” he replied. In few seconds nawala na ang HR staff.

            Nagtatanong ang kanyang mga mata nang balingan niya ito.

            “Wala pa sa akin kanina ang files mo nang papasukin kita. Ayaw ko namang ma-bore ka doon sa waiting area sa labas habang ginagawa ng staff ko ang processing ng application mo. At saka, mahihilo ka lang sa dami ng nagpapauli-uli doon sa labas.”

            Isn’t he the ultra mega extra over sweetest? “Salamat.”

            “Eingel, you’re work will include preparing press releases for all events, promotion, news, and announcements of Miracle. This will handle both in prints and online. I’m the head of the advertising department thus, you’ll be reporting directly to me.” Sinabi pa nito ang mga posibleng maging trabaho niya bilang in-house technical writer, trabahong pinangarap din niya kung sanay nakatapos siya ng journalism. Binigyan siya ng pagkakataon ni Marion na matupad ang isa sa mga bagay na inakala niyang hanggang tanawing pangarap na lang kahit na academically, hindi siya qualified.

            “Malinaw ba, Eingel?”

            “Yes.”

            “Good. You will start tomorrow. Dito ka na lang muna sa office ko mag-report. Ipapahanda ko na ang table mo para bukas.”  He offered his hands to her. “Eingel, welcome to Miracle.”

            “Salamat, Sir Marion.” She accepted his hands. Muntik na siyang mapatawa nang  automatic na sumimangot ito.

            “Ikaw ha. Saka ka lang mag-Sir pag may ibang tao. Kung tayong dalawa lang naman, wag na.”

            “Eh paano kita ia-address pag tayo lang? Pare, dude, hoy, bro, brad?”

            “Wag mo akong tanungin at baka di mo magustuhan ang sagot.” He laughed.

            “Bakit? Ano bang gusto mong itawag sayo?”

             Inayos nito ang pagkakahawak sa kamay niya. In a snap, magka-holding hands na sila at hindi na magka-shakehands. “Mahal.”

            Siya naman ang natigilan. Mahal? Sounds family tree. Nailang siya. Her system liked the warmth of his hands while her heart was celebrating victoriously.

            He pinched her nose. Iyon ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. “Ang cute mo talaga pag tulala ka. Chill lang. Pumaparaan lang ako, Eingel. Baka lang kasi makakalusot.”

            “Makulit ka rin ano?”

            “Nakukulitan ka na sa akin?”

            “Hindi.” Naku-cute-an ako,promise! Wagas! Plangak!

            “Then good.”  Tumingin ito sa wrist watch.  Pagkatapos ay hinila na siya nito papalabas ng opisina. “Let’s have some lunch together. I-celebrate natin ang araw na ito.”

            “Huh? Anong meron?”


            Binalingan siya nito, nginitian at kinindatan pa. “Basta.”




       PREVIOUS                                                           NEXT 

Comments

Apple Jane said…
Hi!po sa writer talagang hinihintay ko ang karugtong ng story n Ito,kilan po pala ang next chapter??pwidi po b mgrequest ,sana gawa din kau ng story sa buhay ng mga OFW!!!thanks po!!!goodluck more power!!!
Hanna Ryanne said…
Bwahajahahahhahaha ang haba ng hair mo eingelllllllll ahahhahahahahha

Ayeeiiiii konting push nalang at magkakaroon ka narin ng published book at may fafa ka ahahhaa

Tnx Ms Melai

Galing mo talaga
Melai said…
tom(saturday) ung next. sige apple jane, consider ko yan, character na OFW. wala pa akong ganyang character. Willing ka bang maging character ko?? Hehe
Anonymous said…
Wow. Next chapter please :)
Sana more.novels.to.come Misa Melai :D
Apple jane said…
Opo hehe char!!!aabangan ko talaga kwento n yan!!!reading is one of my hobby kc,,thanks again Miss melai..God Bless!!

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…