Skip to main content

This Time I Mean It- Chapter One





“Masaklap! Ang saklap ng aking kapalaran!” Parang baliw na nagmo-monolog si Eingel sa comfort room ng Fidelity Publishing House na pinagpasahan niya ng kanyang novels. 

She has been trying to enter the world of publishing for the past two years but she always end up being rejected.  Buti na nga lang at hindi pa siya nilalagay sa block list ng company bilang  record holder sa padamihan ng rejected manuscript. Sa tagal na nga niyang sumusubok na makapasa sa publisher ay naging kaibigan na niya ang mga staff roon lalo na ang editor na laging napapagbagsakan ng novels niyang palaging naba-basted.  

“Napakasakit. O sadyang kay sakit sa puso ang ma-basted n’yo!”

Hinarap niya ang sarili sa salamin. Mula nang makatapos siya ng pag-aaral sa college sa kursong Business Administration ay wala na siyang hinangad kundi ang mabalikan ang first love niya—ang magsulat. Kahit mahirap ay pinagsasabay niya dati ang pagtatrabaho bilang teller sa bangko at ang unti-unting pagsusulat ng novels pag-uwi niya sa bahay. Dumating pa siya sa puntong iniwan na niya ngayon ang trabaho sa bangko para lang magsulat.  Being a published author was her real biggest dream maliban sa yumaman at makabingwit ng prince charming of course. Pero talagang malupit ang tadhana para sa kanya. 


 “Wag kang susuko, Eingel. You have the talent, the beauty and the power—” Pati siya mismo ay napakunot-noo sa huli niyang nasabi. “Saan galing iyong power?”

Umiling na lang siya nang hindi ma-justify ang sinabi niya sa sarili.  Binalingan niya ang hard copy ng kanyang newly-rejected novel. “Well, well, well. Pasensya ka na Liz and Serg, hindi nila nagustuhan ang kwento nyo eh,” tukoy niya sa mga characters ng novel niya. “Pero wag kayong mag-alala, kahit na-reject kayo, mahalaga pa rin kayo sa akin. Isasama ko kayo sa collections ko.”

Nalungkot si Eingel nang maalala kung anong klaseng collection ang meron siya. Collection ng mga rejected manuscript.  Namataan niya ang pinto ng kalapit na cubicle at iyon ang pinagdiskitahan. Hinampas niya iyon.

“Para sa pamasaheng nasayang sa pagpunta ko dito!” Hinampas niya uli ang pobreng pinto. “Para sa make-up kong naglaho lang para sa wala!” At hinampas uli. “Para sa mga papel at folder na pinagkagastusan ko sa printing para lang pala ma-reject ng publisher na ito!”

Doon na nga niya inilabas ang galit. “Para sa di ko matanggap na side comment ng rejection na ito!” Isang malakas na sipa ang iniwan niyang souvenir  sa kawawang pinto bago siya tuluyang lumabas ng CR.

Sinabihan  siya ng editor na kulang sa romance ang novel niya. Kulang daw sa expression ng love. Dapat daw ay mag-boyfriend na siya nang mabuhay naman ang romantic bones niya. Humanap daw siya ng mabo-boyfriend, ng inspirasyon, ng lalaking bubuhay sa romantic sense niya.

“Hah! Boyfriend? Hindi ko kailangan ng boyfriend!” sambit niya habang naglalakad na siya sa hallway patungong elevator. “Awa  mula sa inyo ang kailangan ko! Parang awa nyo na tanggapin nyo na akong writer dito! Ano pa bang hahanapin nyo sa akin? Maganda naman ako at talented ah! Miracle, I need miracle!”  Idinipa pa niya ang mga braso habang nagi-speech siya.

Ting! In arms wide open pa ang mga kamay at feel na feel pa niya ang kanyang  monolog nang bigla na lang bumukas ang elevator at caught in the act siya ng nag-iisang binatang sakay noon. Agad tuloy niyang ibinaba ang mga braso niya.

Natigilan siya nang magtagpo ang mata nila ng binata. Few seconds more, she recognized the familiar face of that man. Lalo lang tuloy siyang naestatwa. Bakit sa dinami-daming oras  ay ngayon pa niya makakasalubong ang lalaking iyon? Kung kelan haggard na haggard ang itsura niya at kahit galing siya si CR ay hindi niya naisipang magsuklay man lang.  

He curved his lips and showed off a sweet smile as he went out of the elevator and walked towards to her.

Oh no! Bakit ang gwapo mo pa ring lalaki ka? Bakeeeetttt??!!!

“Eingel, it’s nice to see you here. What’s up?” nakangiting tanong nito.  His voice was still enchanting like before. And seeing him that close allowed her to see how handsome he has been after almost seven years. “Eingel? Are you okay?”

“H-ha?”

“Hindi mo na ako natatandaan? It’s me, Marion Jhon Chavez you’re college—”

“Oh! It’s you!” putol niya sa dapat sana’y sasabihin nito. Hindi niya lalo matatanggap kung ipapamukha pa nito sa kanya ang nakaraan nila.

Marion was her college crush. At dahil sa pahamak na Friendster noong kapanahunan pa ng Friendster at wala pang Facebook, nalaman nito na crush na crush niya ito. Doon na nagsimula ang paglapit nito sa kanya hanggang sa naging mabuti rin silang magkaibigan na nauwi na rin sa ligawan. Hindi niya ito agarang sinagot dahil nag-aaral pa sila noon.  She believed in his word that he will patiently wait. At nung araw  ng graduation nila, kung kelan handa na siyang sagutin ito, ay saka naman niya nalamang may girlfriend na ito. Nasaktan siya noon pero hindi niya nagawang magalit dito. Wala siyang ibang sinisi kundi ang sarili niya. Sa palagay niya kasi ay napagod itong maghintay sa kanya kaya nito nagawang manligaw sa iba. Maluwag na tinanggap niya ang nangyari at umiwas na lang siya dito. At matapos nga ang college years pitong taon na ang nakakalipas, ngayon lang muling nag-krus ang landas nila.

“Remember me?”

She recovered from her shock mode. Kailangan niyang umayos bago pa siya tuluyang magmukhang tanga dahil nakatulala lang siya sa gwapo nitong mukha. Nagpaskil siya ng plastic na ngiti. “Oh yeah, it’s you!”

He then flashed his signature breath-taking smile. “Yeah, it’s me.”

“Yes, it’s you. It’s really you. Oh, nice to see you, babu!”  Bigla siyang nag-about face at  naglakad palayo dito.

Pero kahit ata hindi siya nagsuklay ay mahaba pa rin talaga ang buhok niya dahil hinabol siya ni Marion. “Eingel, wait!”

“Pasensya ka na, Marion. Nagmamadali ako.”

“Can I get your number? Or your address then?”

“Sensya na rin, NPA ako. Wala akong permanent address.” Pati siya ay napangiwi sa napaka-corny niyang hirit.

“Your number?”
 
“Pasenya na nagmamadali ako eh. Kailangan ko ng makauwi. Naghihintay na sa akin iyong pusa ko, hindi pa siya kumakain eh.”

“Eingel….”

“Wag ng makulit, babu!”

“I think you’re taking the wrong way.”

“Huh?” Napahinto siya sa paglalakad at napagtantong nasa maling direction nga siya.

“If you are really in hurry and not just trying to avoid me, you should take the elevator instead of going to the comfort room, you know.”

Ay huli sa akto ka na naman Eingel!, sita niya sa sarili. Alanganing ngiti ang ipinaskil niya bago siya muling bumaling dito at mabilis na naglakad pabalik sa elevator. Gustong-gusto na talaga niyang makatakas doon sa kahit anong paraan.  “Naligaw lang ako. Bago lang kasi ako dito. Sayonara babu!”  Nilagpasan niya ito nang hindi man lang ito tinitingnan. Baka kasi matulala na naman siya.  Pagkatapos ay pumasok na siya sa elevator. The elevator door was about to close when Marion appeared outside in front of him.

“See you next time, Eingel. Take Care.” A sweet smile of his was the souvenir left for her as the door closed.

Saka lang nakahinga ng maluwag si Eingel. Pambihirang pagkakataon nga naman. Hindi pa siyang handang makita ulit ang binatang iyon. Hindi pa, lalo na ngayong napakagulo ng buhay niya. Technically, wala siyang trabaho, wala siyang pera  at struggling pa rin ang drama niya. Wala siyang maipagmamalaki sa binatang sa tingin niya pa lang, alam na niyang successful na ito sa buhay.  Pinaparusahan na ba ako ng langit?

The image of Marion’s sweet breath-taking smile registered her mind. Biglang kumabog ang puso niya. Nothing has changed on him. Kung may nabago man, mas gwapo ito ngayon kesa noon.


ANG SHORT encounter pa rin nila ni Marion ang laman ng isip ni Eingel nang makarating siya ng bahay.  Hindi niya alam kung bakit pero hindi talaga maalis-alis sa isip niya ang eksenang iyon.

“Eingel!”

Ang landlady ng inuupahang apartment ang nakasalubong niya sa gate pa lang ng apartment compound na iyon. Ito pa ang isang bangungot!,  sambit niya sa sarili. Mula nang mawalan siya ng trabaho ay nag-iba ang trato sa kanya ng landlady nila. Kulang na lang ay gipitin siya nito ng todo o literal na palayasin. Akala ata ng matandang dalaga na ito, wala  na siyang pambayad ng renta.

“O Aling  Celia, wassap!”

“Hija, kailangan ko ng pera. Magbayad ka na ng renta.”

“Bukas pa po ang bayaran ah.”

“Eh ano naman? Ilang oras na lang din naman. Wala namang mababago kung magbayad ka na ngayon at hindi bukas kung talagang may pambayad ka.”

Pinigilan niya ang sariling mapataas ang kilay. Ibang klase talaga ang landlady nilang ito. “Sige po, sandali lang po at kukuha lang po ako ng pera.”

Pumasok siya sa loob ng bahay. Balewala namang  sumunod sa kanya ang  matanda. “Nililinis mo ba unit mo? Aba Eingel, pag naluma agad ang bahay na ito, sisingilin kita ng extra.”

Kinuha niya ang nakahandang pambayad sa renta sa kwarto niya at agad na ibinayad iyon sa matanda. “Maglilinis po ako bukas.”

Tinanggap nito ang pera at nagmartsa palabas ng bahay. Napailing na lang siya. Di man lang nagawang mag-thank you ng matanda.

Matapos magbihis ng pambahay ay nagluto siya ng hapunan at saka humarap sa laptop niya. Magsisimula na naman siya ng bagong novel. Agad siyang nagbukas ng MSWord. Pero walang lumabas na kwento sa utak niya.  Nasayang lang ang kuryente niya dahil nakipag-eye to eye lang siya sa kumukurap na cursor.

Her phone rang. Ang college friend niya ang tumatawag. 

“Oh girl!” bungad agad ni Eina sa kanya nang sagutin niya ang tawag. “Kamusta ka na girl?”

“Okay lang, buhay pa naman,” hirit niya.

“May reunion tayo, girl. Iyong buong Young Servers Club members ng batch natin. Sama ka ha.”

“Ha? Kelan ba iyan?”

Ayaw niya sana dahil dagdag gastos na naman iyon. Wala siyang karapatang magpasarap sa buhay ngayon dahil nanganganib na ang laman ng bulsa niya. Ilang buwan na kasi siyang walang trabaho at wala pa siyang makitang liwanag sa pagsusulat niya.

“Matagal pa naman, girl. Don’t worry sa gastos. All-expense paid ito. May sponsor tayo eh.”

“Sino naman?” Lalo atang ayaw niyang um-attend. Alam na niya ang mangyayari sa reunion na iyon. Lalo lang siyang manliliit gayong tila marami na sa organization members ang bigatin na.

“Sino pa ba? Your Marion Jhon Chavez of course!”

“Ha?”

“Nakipag-meet ako sa kanya kanina. Girl, ang gwapu-gwapo talaga ng crush mong iyon. Pagkakataon mo na ngayon ‘day! Walang girlfriend ang fafaness. Akitin mo na!”

“Ha?”

Naalala na naman niya ang gwapong mukha ng binata, ang magandang built ng katawan nito at ang sweet smile na iniwan nito sa kanya. She felt her heart beat faster. Napailing siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Nakita lang niya ang binatang iyon, nawindang na ang mundo niya. 

“Eingel! Uy, di ka na naman nakikinig sa akin ano? Saang planeta na naman ba naroon iyang isip mo?”

“Ha? Uy, nakikinig ako ah.”

“Weh? So anong sinabi ko?”

“Akitin ko si Marion?” Natutop niya ang bibig sa nasabi. Bakit nga ba sa dinami-dami ng sinabi nito, iyon pa ang nabanggit niya?

“Ay bongga! Iyon pa talaga ang natandaan mo. Ibang klase ka talagang babae ka. Kaya kita friend eh.  Pareho tayong ibang klase. First class!” Tumawa pa ito sa sariling joke. “So ano na?”

“Pag-iisipan ko,” tugon niya.

“Ang akitin siya?”

“Hindi!” sita niya dito. “Pag-iisipan ko kung sasama ako!”

“Ay girl, go na tayo dito. Masarap ang libre, Eingel! May chance ka pang akitin si Mr. Pogi. Nalibre ka na, may bonus pa.”

“Eina talaga, di ka na nagbago. Luka-luka ka pa rin.”

“Di ka pa rin naman nagbabago, crush na crush mo pa rin siya ano?” tukso pa nito sa kanya.

“Ewan.”

“Ewan ka diyan! Basta girl, pupunta ka ha. Ilalagay na kita sa list. Bye!”

“Ein—”

Hindi na siya nakatutol dahil busy tone na ang narinig niya.  Malas nga siguro siya sa araw na iyon. Na-basted siya ng publisher, nakita siyang mukhang batang yagit ni Marion, at nagbabadya pang maulit ang pagtatagpo nila. Anong gagawin ko?


                                                                                                                     NEXT 

Comments

Anonymous said…
struggling writer. Walang trabaho. Umaaasa sa pagdating ng kanyang prince charming. Sobrang naka-relate ako kay Eingel. GANDA PO!!!! Sana mag-update ka po asap hehehe thanks!!!!!!!
Anonymous said…
Looolaaaaskiieee!! next na po!! excited much na ako sa kwento namin ni Marion my labs!! HAHAHA. supeeer nice po tlaga! ang galing talaga ng dyosa kong lolaskiee :DD
Hanna Ryanne said…
ANG Gondo gondo gondoooo ahahahahaha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…