Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Fall or Nothing- Part 4





Dana was busy preparing herself for a simple date. Niyaya siya ni Golen na lumabas uli. Hindi na niya mabilang kung ilang beses silang lumabas dalawa. Kahit gaano siya ka-busy, gumagawa ng paraan si Golen para magkasama sila. Pag may gig siya, andoon ito. Pag may work naman siya, dumadalaw ito sa clinic niya pagkatapos nitong magtrabaho. At dahil doon, lalo silang napalapit sa isa’t isa.

                Her phone rang. She picked her phone and found out that it was another unregistered number calling. Alam na niya kung sino iyon. Her ex-boyfriend was back. Few weeks ago, tumawag ito sa sa clinic niya, hindi niya ito kinausap. Ilang beses na rin itong tumawag sa bahay niya. Hindi pa rin niya ito kinausap. The last time, her father was the one who talked to him. After that, hindi na uli ito tumawag sa bahay. Akala niya ay mananahimik na ito nang sabihin ng kanyang ama na may nagpapasaya na sa kanyang iba, which is true. Kahit hindi pa sila official ni Golen, aminado siyang masaya siya sa pagdating nito sa buhay niya. Pero and ex niyang ito, matigas ang bungo, nangungulit pa din.

                She sighed. She grabbed her phone and slided the screen to answer the call.

                “Please Dana, let’s talk. Gusto ko lang namang mag-sorry ng personal. Gusto kong magpaliwanag. Gusto kong ayusin ang lahat—”

                One again, she sighed. “You don’t have to do a lot of effort, JM. Isa lang ang gusto kong gawin mo.”


                “Kahit ano, Dana sabihin mo lang. If you want me to marry you, I will marry you.”

                Nakuyom ni Dana ang isang kamay at napairap. Ang kapal talaga ng bungo ng isang to! “I have five words for you, baby.” She grinned. “Ang kapal ng mukha mo!” Then she ended the call. Ngunit talagang may pagsakapal talaga ng bungo itong ex niya. He called again and Dana answered again. “Nakalimutan ko rin palang sabihin na, you’re such a loser.  Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para maniwala sa’yo.”

                “Pwede bang mag-usap muna tayo, bago mo ako pagsabihan ng ganyan? Tatanggapin ko lahat ng sinasabi mo, but please let me explain first.”

                You’re so grrrr! Naha-highblood na siya. Kung bakit ba naman kasi nya sinagot ang tawag na iyon. An idea popped in her mind. She calmed herself and grinned. “Gusto mong mag-usap tayo?”

                “Ng personal, yes.”

                “Pagbibigyan kita.”

                “Thank you. I hope it’s not too late for us to fix this—”

                 Naiirita siya sa narinig. “Mag-uusap tayo…sa korte! Magdala ka ng abugado mo!!” She ended the call. Nadampot niya ang unan sa kama at inihagis iyon sa inis. Kung kaharap ko lang ang hayop na iyon, bugbog ang abot niya sa akin.  

                She was aware of what her ex was doing. Sumemplang ang showbiz career nito nang takasan nito ang kasal nila last year. Nawalan ito ng endorsements, shows at gig. Nagpunta ito ng Malaysia para don subukang sumikat pero dahil uso din ang karma, minalas din itong sumikat doon. Ngayon, bumalik ito sa Pilipinas. Hindi naiwasang maungkat ang issue sa pagitan nila. Muli silang napunta sa headlines ng showbiz talkshows. And her ex might be grabbing the opportunity to gain popularity again. Pero iba na ang takbo ng mga issues ngayon. Si Dana ang pinapanigan ng mga tao. Di tulad noon na nagkaroon siya ng bashers dahil sa paninirang ginawa ng handler ni JM sa kanya. Naglabasan ang katotohanan ngayon. At higit sa lahat na lalong nagpasaya kay Dana, lumabas na katawa-tawa at loser si JM sa pagtatangka nito ngayong i-broadcast ang paghahabol nito sa kanya. Akala ata nito ay makakatulong pa iyon para ibangon ang bumagsak nitong career.

                Her phone rang again and it was the ex again. “I don’t want to talk to you anymore! All I want you to do is to stay away from my life and don’t ever use me to regain your career. Kapal ng apog mo! Hindi ko na problema kung ako sikat pa din, ikaw laos na. Iyan ang di mo matanggap di ba?”

                “Dana, you’re just angry. Let’s just talk please. Alam kong mahal mo pa rin ako. And that guy na nali-link sa’yo, it’s just a show, I bet. Alam ko, ako pa din ang mahal mo. Bumalik ka na sa akin.”

                “I don’t owe you any explanation about him. Let’s just say, oh well, karma karma din pag may time, JM. See you in court.”

                Nag-ring na naman ang phone niya for the nth time. Gigil na gigil na talaga si Dana at gusto na niyang manapak. Kaya naman sinagot niya ang tawag at di na nag-abala pang tingnan kung sino ang tumatawag. Sure siyang si JM na naman iyon.

                “Ano ba JM? Tigilan mo na ako. Wala akong pakialam kung hindi ka maka-move on na may ibang lalaking pwedeng magmahal sa akin ng totoo. Na may ibang lalaking alam kung ano ang tunay na magpapasaya sa akin. Na may lalaking kayang gumawa ng paraan para mapuntahan ako, makasama ako, at mapasaya ako, in his simplest ways. Hindi ko na problema kung di mo matanggap na may iba na akong mahal. He’s more than worth it. I can’t even compare him to you because his love is so incomparable. And if you still don’t get it, I’ll tell you this. Mahal ko siya at hindi ito tulad ng pagmamahal ko sa’yo. It was like this is my first time to fall in love. I love Golen Castillo so please, get out of my life!”

                Nanahimik ang kausap niya sa kabilang linya. Buti nga natauhan ata.  She kept the line and waited for her ex to say something or cut the call.

                “Dana…”

                Natigilan siya. That voice wasn’t her ex.  She checked her phone. Literal na napanganga siya nang makita niya kung sino ang caller…no other than Golen Castillo.

                Homaygas! Bigas!  Para siyang nabuhusan ng yelo. Nakapag-confess siya ng feelings niya 
for Golen nang hindi niya namamalayan. Literal na sinabunutan niya ang sarili. Kiber kung magulo ang bagong suklay niyang buhok.

                “Dana… are you still there?”

                “Hi Golen. Cancel muna ang date natin. Bye!” She ended the call without letting him say anything. Humiga siya sa kama at nagpagulong-gulong sa sobrang tense.  Paano ka haharap sa kanya ngayon? Bakit naman kasi di mo tiningnan muna kung sino ang caller bago ka nag-monolog? Lord, anong gagawin ko?  

                Her phone rang and it was Golen again. She shut her eyes. “Y-yes?”

                “You can’t cancel a date just because I accidentally found out that you’re in love with me, sweet lady.”

                “I’m sick Golen. Contagious kaya walang date okay.”  Anong pagdadahilan iyan ‘te? Paki-explain.

                “Your father just told me that you’re already preparing up there, so don’t make excuses. At saka, kailangan nating pag-usapan iyang sinabi mo kanina.”

                Ala, nasa baba na pala siya! “Wag kang feeling, Golen.” Inayos niya ang buhok sa salamin. “Wrong call iyon. It wasn’t for you.”

                “But I was the one who called and I heard my name after the word love.”

                She imagined him, staring at her grinning and smiling while saying that line. Kilala niya si Golen, bihadong tumbling na ito sa tuwa ngayon at siya… nganga! 

                “Still it wasn’t for you. It’s for JM.”

                “At nakikipagtawagan ka na pala sa ex mo. My bad, I wasn’t informed.”

                Napatawa siya. “Jealous?”

                “More than jealous. But I’m fine. I’m very fine after hearing my name next to I love you. Well almost. You’re forgiven.”

                “Shut up Golen!” She screamed.

                In her mere surprise, he just laughed. Ni hindi man lang ito na-offend sa pagshut up niya dito. Samantalang iyong ex niya pag biniro niya ng ganon, nagagalit agad. Oy Dana, stop comparing. Golen’s love is incomparable remember? 

                “I will kung lalabas ka na ng kwarto mo in 10 seconds or else, may hello kiss ka sa akin.”

                “Ha?”

                “Ten…nine… eight…” At binilangan nga siya nito.

                “Bilangan ba ako, kaloka ka! Masyado kang nagmamadali! Wait lang!”

                “Seven…six… five…”

                Kinuha niya ang wedge shoes at madaliang isinuot. Hindi niya alam kung bakit pinatulan niya ang trip ni Golen. On the second thought, magpa-out na lang kaya ako para may hello kiss ako? Ay ang landeyyy!

                “Four… Three…”

                “Andyan na!”  nagmadali siyang makarating sa pinto.

                “Two…”

                She opened the door. “One!”

                Bumulaga sa kanya si Golen in his cute charming smile. She felt her heart skipped. May bitbit itong roses na nasa paso. “Dana…” Iniabot nito ang halaman sa kanya.

                “Thanks.” Tinanggap niya ang halamat at inilagay sa loob ng kwarto niya. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung paano ito haharapin ngayong alam na nitong mahal niya ito.

                “Dana…”

                “Hmm?” Pagbaling niya dito ay kiss sa cheeks ang sumalubong sa kanya. She felt happiness overflowing in her system. Dumoble ang kabang naramdaman niya.

                “Thank you for recognizing my love for you.” 

                “That doesn’t mean sinasagot na kita. I’m still on the process, Golen.”

                He smiled and gazed at her. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan iyon habang nakatitig sa kanya. “I’ll be with you throughout the process. And I’ll make sure that you will never change your mind putting my name after the words, I love you.” He winked.

                 Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Golen! Akala ko ba shut up ka na?”

                He laughed. “Don’t you know that you’re kasungitan makes you more seductive to my eyes? And wow, you’re blushing.”

                “Naman eh!’ maktol niya. “Awat na Golen,please?” Natatawa siya kahit hiyang-hiya na siya dito.

                “Okay, I’ll stop. Let’s go?”

                She nodded. They walked out of the house. Papalabas na sila ng gate nang dumating si Richael.

                “Hindi kayo pwedeng magchorlahan ngayon, Dana,” hirit ng kanyang manager. “We have to talk.” Bumaling ito kay Golen. “Without you.”

                “Okay, I’ll understand.” Golen just nodded and left her a kiss on cheeks. “Just call if you need me.”

                “Later, I will.”


                “SO SERYOSO siya? That’s what you’re trying to say, Richael, right?” tanong ni Dana. Ang date sana nila ni Golen ay nauwi sa isang meeting with her family and the whole Karisma Band member.

                “I’m not certain but that’s possible.” May inabot sa kanya si Richael. Printed article iyon. “Exerpt ng exclusive interview ng isang showbiz mag iyan at sinabi ni JM diyan na kaya siya tumakas noong araw ng kasal nyo kasi iyon ang iniutos sa kanya ng handler niya. At the end of the article, binanggit niya ang pag-alis niya sa management ng handler niya and the reason is, ikaw Dana.”

                “Ha?” Mabilisan niyang binasa ang article. Nahagip ng kanyang mata ang isang line. I tried, but I can’t live normally after losing Danielle Ahne. It feels like half of my life died. Hindi ko ginustong iwan siya. Ang pagkakamali ko, nakinig ako sa handler ko…”

                Natigilan si Dana. Naguluhan. A devil just pushed JM to wreck her believe that he was a real love. Hindi na tuloy niya alam kung papaniwalaan niya ang article o papaniwalaan pa rin niyang manloloko ang ex niya.

                “Kahit na, nasaktan ang anak ko. Hindi namin iaatras ang kaso sa lalaking iyon dahil lang dyan,” her father stated.

                “Danica had an interview with him. Sabi ng cute kong girlfriend, mukhang sincere nga,” sabi ni Cielo.

                “Pero bakit ngayon lang niya sinabi? Bakit hindi siya nagpaliwanag? Still, gago pa din siya sa paningin ko. Mas pinili niya ang career niya kesa sa akin.” Dana uttered.

                “If that’s the case, close the issue,” suggest ni Hamiel.

                “You mean, makipag-usap si Dana sa lalaking siraulong iyon?” tanong ni Christel. “Wag girl, masasabunutan kita.”

                “Ang pangit ng suggestion mo, Hamham ko!” apila ni Limien. Bumaling ito kay Dana. “Wag na wag kang makikipagbalikan

                 “Kitang-kita namin kung paano ka umiyak at nasaktan noon. Tapos kakausapin mo pa siya? Para ano? Magulo uli ang mundo mo? I-consider mo ang pakikipagbalikan mo sa kanya? Malabo iyan,” hirit ni Mathew.

                “Teka lang, ang sabi ni Hamiel, close the issue. Dana and JM should talk. Kailangan nilang magkapaliwanagan, tapusin ang hang-up issues nila. Ganon lang,” sabi ni Hinaro.

                “And I should decide,” hirit ni Dana.

                “And you should consider Golen. Sayang naman si fafa Golen kung papalagpasin mo siya at pipiliin mo iyong lokong JM na iyon,” hirit ni Limien.

                Si Golen…suddenly hindi alam ni Dana kung ano nga ba ang desisyong makakabuti sa lahat. Yes, mahal niya si Golen. Sa maikling panahon, si Golen ang nagparamdam sa kanya na worth it pa ring ma-in love. Ayaw niya itong saktan. But a part of her was scared. Natatakot siyang makipagusap kay JM. Takot siyang matuklasan na despite of what he had done to her, a part of her heart was still for JM. Ayaw niyang maramdaman iyon. Not now, lalo na’t nakapagdesisyon na ang puso niyang mahalin si Golen.

                “Decision time.” She caught everyone’s attention. “I’ll talk to him. Then, I want an exclusive interview with Danica Urbano to answer everything. Sa kanya lang ako papa-interview.”

                “Good, tetrending ka na naman and that means yayaman na naman ako—aray!” Binato ni Dana ng unan si Cielo. Ito kasi ang executive producer ng mga shows ng famous talkshow host na si Danica.

                “Cielo!” sita ng lahat.

                “Joke lang! Peace!”
               


                WHERE NA YOU, GOLEN? Dana sighed. Hindi na niya nakakausap si Golen. The last time he called, sinabi nitong pupunta ito sa Singapore para sa negosyo. Pero feeling niya, hindi naman iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Sinabi kasi niya dito na makikipag-usap siya kay JM. After niyang masabi iyon, parang nalungkot na ito.

                Hindi ko naman sinabing makikipagbalikan ako sa lalaking iyon ah… She sighed.

                Ngayon ang araw ng pakikipag-usap niya kay JM. Buong gabi na niyang pinag-isipan ang mga sasabihin dito. It was a tough decision, but she has to be ready for it.

                 The clock ticked at six in the evening. Sinilip niya sa loob ng clinic si Hamiel. May inooperahan pa itong aso na nasagasaan ng tricycle. “Hamham, I have to go.”

                “Sige, ako na bahala dito. Ingat ka ha.” Nilingon siya nito. “Whatever your decision is, we will always be there after you. Mahirap intindihin ang love pero magkakaunawaan din kayo ng love pag napagdesisyunan mo ng magmahal ng totoo.”

                “I’ll keep that in mind.” She smiled. She grabbed her bag and went out of the clinic.

                “Sasamahan kita.”

                “Ay palaka!” Nagulat siya sa biglang nagsalita nang makalabas siya ng pinto. Nasa gilid lang pala si Golen at tila inabangan lang siya nitong lumabas. Hinampas niya ito. “Ano ka ba? Ba’t ka nanggugulat?”

                “Hindi kita ginulat, tensyunado ka lang siguro.” He offered his hand to her. “Sasamahan kita sa kanya.”

                “Are you sure?” Nag-aalangan siya. Kahit pa hindi sabihin ni Golen, malinaw na torture iyon para dito.

                Hinawakan nito ang kamay niya. “Kahit kalian, walang sinumang may hawak sa puso mo kundi ikaw lang, Dana. Kung piliin mo siya, wala akong magagawa kundi tanggapin. Ex mo iyon e. Handa ka ngang pakasalan siya noon di ba? Ako… bigla lang naman akong dumating sa buhay mo. Hindi mo nga ako sinagot kahit sinabi mo sa JM na iyon na mahal mo ako.” May pinawi ito sa mata. That’s when she noticed that he was teary-eyed. “Ihahatid kita sa kanya, hihintayin ko ang desisyon mo at rerespetuhin ko iyon.”

                Tears fell from her eyes.  Di na niya napigilan ang sariling yakapin ito. “Mahirap magdesisyon, Golen. Ayokong manakit ng damdamin ng kahit na sino. Ayokong umiiyak ka dahil sa akin.”

                He moved to be able to see her face. Ikinulong nito ang kamay sa kanyang pisngi at pinawi ang mga luha niya. “Can I be honest?” She nodded. “I’m scared. I don’t know what will happen after you talk with him. But please promise me that you will never forget that someone here will love you as long as the roses I gave you were still alive and growing. I love you so much.”

                “Golen…” Pinawi niya ang mga luhang dumaloy sa pisngi nito. She then stared at him. There’s no doubt, love was reflecting from his eyes. At hindi bato si Dana para hindi maapektuhan ng pagmamahal na iyon.

                “I think we better go.” Kumalas ito sa pagkakayakap niya at pinawi ang sariling luha. “Baka ma-discover akong actor dito. Pang-MMK na itong eksena natin.” He tried to crack a joke but fear and pain was in his eyes.

                Mas pinili ni Dana na wag na lang munang magsalita. Tahimik ang nagging byahe nila papunta sa resto kung saan sila magkikita ni JM. Paminsan-minsan nililingon niya si Golen. Seryoso lang ito habang nagmamaneho. Kung pwede nga lang hilingin na may mangyari wag lang siyang matuloy sa pakikipagkita sa ex niya. Parang ayaw na niyang tumuloy… pero kailangan ko na ring tapusin ang drama na ito.

                The car stopped at the parking lot of the resto. Napansin agad ni Dana na nasa loob na ng resto si JM.  Binalingan niya si Golen. Nakatingin din ito sa direction na tiningnan niya kanina.

                “Mukhang kanina pa siya diyan.  Hintayin na lang kita dito,” sambit nito in a sad tone. Umiwas ito ng tingin.

                “Golen…”

                “Sige na. Baka magbago pa ang isip ko at itakbo na lang kita palayo sa kanya.”

                That melted her heart.  Golen’s love seemed so unreal. How can you sacrifice your happiness for me, Golen? Ganon siya nito kamahal. Inisang-tabi ni ang sariling kaligayahan dahil mas importante dito ang kaligayahan niya. “Ten minutes.” She uttered.

                “Huh?”

                 “I’ll be back in ten minutes. Kahit orasan mo pa ako. I’ll promise, I’ll be back.”

                Bumaba siya ng kotse at pumasok sa resto. Agad siyang umupo sa tapat ni JM.

                “Flowers for you, Dana.” Binigay ni JM ang bulaklak pero di niya tinanggap. Inilapag nito ang bulaklak sa mesa. “Umorder na tayo—”

                “No need. Let’s get started.”

                He nodded. “I’m sorry for all the pain I gave you, Dana. Believe it or not, I loved you so much. Aminado ako, tanga ako dahil nakinig lang ako noon sa handler ko. Kahit ayokong saktan ka, nagawa ko dahil iyon ang desisyon nila para sa akin. Oo, tama ka, nawalan ako ng sariling desisyon dahil sila ang nagdedesisyon para sa akin. I’m so stupid of letting you go. Mahirap para sa akin ang nakaraang taon na wala ko. Doon ko narealized na nagkamali akong nakinig ako sa kanila. Kung babalik tayo sa nakaraan, hindi kita iiwan. Mamahalin kita ng buong-buo.”

                Umiling lang siya habang nakatingin dito at nakikinig. Matagal niyang inasam na mangyari ang araw na iyon but it’s too late. Kinapa niya ang puso. Wala siyang nadama n kahit na anong kaba o anumang sign of love. And she was glad, her decision was proven right. “You broke my belief in love. Sinira mo ang paniniwala ko sa happy endings, sa forever, sa commitment. Sinira mo ang image ng mga lalaki sa isipan ko. My heart was shattered into pieces. Until someone came. He picked the shattered pieces of my broken heart. He gave me happiness I never thought I could feel again. He let me believe in love again. He can sacrifice his own happiness  for me. That guy? He was just outside waiting for my decision if I will choose to go back to you or I’ll stay with him. Hindi niya ako ipinagdamot sa’yo kahit iyon ang gusto niyang gawin. Mahirap talikuran ang taong alam mong totoong magmahal, JM. Kaya nga di ko rin maintindihan kung bakit mo ako iniwan dahil dinikta iyon ng ibang tao.”

                “I’m sorry. Kung bibigyan mo ako ng chance na patunayan kung gaano kita kamahal maybe—”

                “You’re forgiven. But I want to say sorry too. I can’t love you back now. Minahal kita JM. Past tense. I can’t let true love just passed by from my hand without experiencing how greatful it is to be loved and love by someone who deserves it. Ayokong matulad sa’yo.” Tumayo na siya. “I’m really sorry. I hope you find your right one too. Sorry if it’s not me anymore.” Papalabas na siya ng pinto nang may maalala pa siyang sasabihin dito. “About the case, iaatras ko na ang kaso laban sa’yo to express my apologies for not giving you the chance. May isa lang akong favor na hihilingin sa’yo.”

                “What is it?”

                “Let’s close the issue. Kung sakaling magkita uli tayo, pretend that you don’t know me at all.”  She then walked out of the resto. Hindi na niya tiningnan ang reaction ni JM. Ayaw na rin niyang makita iyon.

                Agad siyang sumakay ng kotse. She sighed.

                “Nine minutes,” sambit ni Golen.

                “Huh?”

                “One minute na lang, akala ko hindi ka na babalik.” He leaned back in driver seat.

                Ginaya niya ito. “Tama ang decision ko.”

                “Sino bang pinili mo?”

                Inabot niya ang kamay nito. “I’m sorry Golen.”

                He sighed and didn’t talk. Binalingan niya ito. Her heart melted when tears fell from his eyes.

                “I’m sorry kasi…”

                “Pinili mo siya?”

                Umiling siya. “Look at me.” Ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay. Napaiyak na rin siya sa tuwa. “I’m sorry that it takes so long and so many drama before I finally was able to say that, I love you, Golen Castillo.”

                Sa sobrang tuwa ay agad siya nitong niyakap. “Thank you, Dana.”

                “Gaya ng sinabi ko sa kanya, hindi ko pwedeng palagpasin ang true love nang hindi iyon nai-experience. To love and be love of someone who deserves it. And that guy, is you.” She moved to be able to face him. “Well, I only had two choices at all. To fall for you or nothing. I rather fall because I know you will be there to catch me.”

                “I will not just catch you. I will take care of you and make sure that you will never get hurt again. I love you so much, Dana.”

                “I love you too, Golen.”

                “So talagang mission accomplished na ako ah. This is so great!”

                “Not yet.”

                “What more do you want, my sweet lady?”

                “What you think, Golen?” She winked.

                He grabbed her nape and moved closer to her. “Here’s your true love kiss.” He leaned down and awarded her a sweet fiery kiss that defines his sweet love to her. Finally, Dana found true love once again. “Sino ng mas gwapo ngayon? Itong kotse ko o ako?” he asked

                “Hmmm, iyong kotse mo pa rin.” Sumimangot ito at napatawa siya. “Pero mas love ko na ang driver.”

                “Good you say that.” He then kissed her once again.



PREVIOUS                                                     NEXT STORY

Comments

Angel Jang said…
weeehhh ganda tawa at iyak ako e hehehe ...
Ericka said…
ayieee!! kakilig!! hahahahahaha... :))

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…