Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Fall Or Nothing- Part 3





Natahimik na lang si Dana. Ano pa nga bang magagawa niya? Nakidnap na siya ni Golen. At siya naman sa di niya rin mawaring dahilan ay nagpa-kidnap nga naman. She remembered what Limien and Christel used to tell her. Maybe, I needed a time off and enjoy the moment for a while.  Hindi niya alam kung anong meron kay Golen. Hindi rin niya alam kung anong misteryo ang nangyayari sa buhay niya ngayon. Ang sigurado lang siya… Golen was giving her the feeling she was afraid to feel again.  
               
 “Pwede kang magsalita, Dana. It won’t kill you at all,” basag ni Golen sa katahimikan habang nagda-drive.

                Binalingan niya ito. His focus was on the road. “Ganyan ka ba manligaw? Aggressive?”

                “Huh?” kunot noong sinulyapan siya nito. “So pumapayag ka ng manligaw ako?”

                “I asked a question first, Sir.”  She rolled her eyes.

                Ngumiti lang ito at umiling. “Okay. I don’t know. Hindi ko naman inakalang aggressive pala ang dating ko sa’yo. Well, it’s been a while since I last courted someone.”

                “At paano mo niligawan yung girl? Kidnapping din tulad nito?”


                “This is a date not a kidnapping, Miss Ferrer,” pagtatama nito. Her eyebrows just rose up and in her mere surprise, he just softly laughed.  “College pa ako noong huli akong nanligaw at nakalimutan ko na kung paano yon.”

                Napakunot ang noo niya. “Maniwala sa’yo. Iyong handsome face na iyan, di man lang nanligaw nitong mga nakaraang taon? Oh well, maybe you got used to be courted by women instead of courting them.” Katulad ng hinayupak kong ex.

                “Jealous?” he grinned. “Mula ngayon, di na ako papaligaw sa babae, promise. Sa’yo lang.”

                Out of nothing, nahampas niya ito sa balikat. “Feelingero ka din ano? Jealous ka dyan? 
Kaka-highblood ka. Ibalik mo na lang ako sa bahay.”

                “Di ka na mabiro, Dana. Chill out.”  He pinched her nose.

                “Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!” She winced.

                “Okay. Magligawan na lang tayo.” He winked.

                Biglang kumabog ang puso niya. Hohemji! Ano ba itong nangyayari. Tadhana, please explain! She sighed. At para hindi na lumala ang kilig, nanahimik na lang siya ulit.

                “Hey, nanahimik ka na naman. Okay lang naman kung tarayan mo ako ng tarayan kung doon ka sasaya, Dana.”

                She sighed again. Pagbibigyan niya ito. “Golen, alam mo pa ba ang ginagawa mo ngayon? Baka kasi epekto lang ito ng puyat, alak o jetlag, you know. Hindi ko kasi ma-gets itong ginagawa mo. I already told you that I am not open to relationships anymore. Binasted na kita—”

                “Eh ayaw ko ngang mag-give up.”

                “Paki-explain nga. Iyong mas mahaba sa one sentence. Enlighten me!” She insisted.

                “Later. We’re here.”   The car stopped. 

Sa kakadada niya, hindi niya namalayang nasa parking lot na pala sila. Napalingon siya sa bintana. Nasurpresa siya nang malaman niya kung nasaan sila.

Biglang nabago ang mood ni Dana. Binalingan niya ito and he was caught in the act of staring at her.  “H-how did you know that I… I wanted to go to this place?”

“May nakapagsabi sa akin na ang tanging lugar na makakapagpasaya sa’yo ay amusement park. Since I have a mission to cast away those sad eyes of yours, I decided to bring you here. Welcome to Enchanted Kingdom.” He winked.

Aminin man niya o hindi, na-touch siya sa effort ni Golen. Mukhang pinaghandaan nga ni Golen ang araw na ito. Napangiti siya. “Nag-effort ka talaga ano?”

Napangiti ito at napakamot sa ulo. Ang cute ng loko. “Well… I hope you like being in here.”

“Of course. Ang tagal na nung makapunta ako dito. At dahil dyan magiging mabait na ako sa’yo, promise!” You deserve my kindness now Golen. Pasalamat ka, di ako makakatangging maging masaya. Bigla siyang napaisip at napangiti sa naisip niya. “Tara na! Excited na ako sa mga rides!” Bababa na sana siya ng kotse nang pigilan siya nito. “Bakit?”

 “Here!” May cap itong isinuot sa kanya. “Hmm, mukhang hindi matatago ng cap na ikaw si Dana Ferrer of Karisma.”

“You mind being dragged with another controversy?” Inalis niya ang cap. “Iyong effort na alamin kung anong magpapasaya sa akin at iyong pagdala mo sa akin dito, sapat na yon para mapatunayan mo na somehow serious ka na nga sa akin. Pwede naman tayong hindi na bumaba—”

“No! Hindi ako takot ma-issue. Takot akong dumugin ka ng fans tapos hindi kita maprotektahan ng ayos.” Inagaw nito ang cap sa kanya at isinuot uli sa kanya. Pagkatapos ay may kinuha ito sa bag. “Ikaw na lang magsuot nito. Isinuot nito ang shades sa kanya. “Yan, better.”

Natameme na lang si Dana. Now she realized that it has been so long when she was last treated like that by a man. Inaalagaan, inaalala, inaasikaso… tinatratong special. And somehow, she liked the feeling.

“Golen…”

“Hmm?”

She smiled. “Space Shuttle ang una nating sasakyan ha?”

“Whatever you want, my sweet lady.”


ALIW NA ALIW si Dana sa paglilibot sa Enchanted Kingdom. Feeling niya, bumalik siya sa pagkabata, noong panahong hindi pa siya masyadong kilala sa showbiz industry at malaya pa siyang maging ordinaryong tao. Nasakyan na nila lahat ng rides. Walang reklamo ang kasama niya at game na game kung saan man niya gustong sumakay, extreme rides man o hindi. And that added to his pogi points in her eyes.

Binalingan niya si Golen at napatawa siya. Iniiling nito ang ulo. “Okay ka lang?”

Bumaling ito sa kanya at ngumiti. “Naiwan ata sa Space Shuttle iyong kaluluwa ko.” Nakakadalawang ride na sila sa nasabing extreme ride.

She laughed. Hinila niya ito. “Ganon ba? Balikan natin!” She walked back towards Space Shuttle.

He motioned his hand as if telling her to leave.  “Ikaw na lang, pakibaba ng kaluluwa ko. Ingatan mo ha, precious iyon.”

She smiled. “I change my mind. Umupo na lang tayo don!” Hinila niya ito sa isang bench at umupo sila.

“Kanina ko pa hinihintay na sabihin mo iyan,” he commented.

“Sus, nahihilo ka na pala, di mo pa sinabi.”

“Well, jetlag plus, hangover plus that ride is not good combinations right?” Sumandal ito sa sementadong haligi. He then closed his eyes.

And that gave way for Dana to have some moment to stare on his face. Ano nga bang meron kang lalaki ka? Pinakiramdaman niya ang sarili. She promised herself that she will be hooked to any guy after what had happened to her past. Pero heto siya ngayon, tila nahu-hook na kay Golen kahit two days pa lang itong nanggugulo sa buhay niya. Napangiti siya.

Hey Dana, too early pa para mag-isip ng kung anu-ano. You don’t know this guy well. At hindi mo alam kung hindi nga ba siya katulad ng ex mo. Ganito din ang eksena dati. Na-hook ka lang sa ex mo at nagulat ka na lang, kayo na. At mas nagulat ka pa na matapos mo siyang mahalin, tatakbuhan ka niya sa araw ng kasal nyo.  

Dahil sa paalala ng isang bahagi ng isipan niya, natakot siyang muli. Ang ngiti ay napalitan ng lungkot. Tila unti-unting bumabalot uli ang yelo sa puso niya. Ngunit nang maalala niya ang efforts na ginawa ngayon ng binata sa kanya ay tila kusang nabasag ang yelong unti-unting bumabalot sa kanyang puso. Napailing siya. Naloloka na ata ako. Bibigyan ba kita ng chance o hindi?  

“Golen?”

“Hmmm?” sagot nito kahit nakapikit pa din.

“Do you know that we have a childhood connection like what the showbiz articles were saying?”

Nagmulat ito ng mata at nginitian siya. “Naikwento nga ni Mama kanina bago ako umalis.” May kinuha ito sa bulsa. It was a picture. “Ang cute natin dito.” He gave the picture to her.

She smiled. “Yeah.”  Napatingin siya sa picture. Hindi niya maalala ang moment na iyon pero alam niya siya ang batang babae sa picture.

                 “Cute din ang smile mo ngayon.”

               “Ha?” Napatunghay siya at binalingan ito.

He just winked. “Continue being happy like that, Dana. Mas bagay sa’yo.”

“Hilo lang yan, Mr. Castillo.”

“Seryoso ako.”

“Oo na, mission accomplished ka na. Salamat ha.”

“Yes!”  He smiled.

She looked at her watch. “Umuwi na kaya tayo. Malapit ng maubos iyong five hours mo. Kilala ko tatay ko, mapapatay ka no’n pag di mo agad ako naiuwi sa tamang oras.”
            
    Tumayo ito at ini-offer ang kamay sa kanya. “As you wish. Tara na.”
         
       This time hindi n niya tinanggihan iyon. Ang byahe nila pabalik sa bahay niya ay iba compred sa byahe nila papuntang Enchanted kanina. Kung anu-ano lang pinagkwentuhan nila. Parang getting to know each other ang peg. And that made her realized that he was a good man indeed.
            
    Bumaba si Dana ng kotse nang pagbuksan siya ni Golen.
            
    “So, let’s call it a day?” tanong ni Dana.
            
    “I want it to be called as Happy day.”  He smiled.

She smiled too. “Salamat, Golen. Kahit kidnapping ang peg mo kanina, na-enjoy ko ang EK. “Bata pa ako noong huli akong makarating doon. Somehow, nakakamiss din.”

“Can I ask something?” She just nodded. “It is the place that can make you happy, wag mong sabihing hindi ka man lang dinala doon ng jerk ex mo?”

Umiling siya. “He never did. Sabi niya, that is just for kids. It’s not for him. Alam mo naman siguro na sikat na singer-actor siya. Kahit hiniling ko iyon sa kanya noon, humindi siya. Ang sabi niya, too busy daw siya para magpunta lang sa lugar para sa mga bata.”
            
    “Stupid of him!” he muttered.
        
        Napatawa siya at kinilig. Pabirong hinampas niya ito. “Ikaw naman, masyado kang affected.” Natigilan siya. At ikaw Dana, bakit biglang hindi ka na affected? Dati, hindi niya kayang ikwento ang kahit anong tungkol sa jerk ex niya. Pero ngayon, kagulat-gulat na naikwento niya ng konti ang ex niya na parang wala lang. Am I now ready to move on?  
            
    “Well, hindi niya alam ang na-miss niya. Hah! Masaya ako at hindi ko na-miss ‘yon.”
            
    Napakunot-noo siya. “Ano ba iyang sinasabi mo Golen?” 
            
    “Nothing.” He waved his hand instead. “I have to go. I’ll call you, can I?”
            
    “No problem.” Kahit nawiwirduhan siya, pinalipas na lang niya.
          
      “Great.”  He went back to his car. Papasakay na ito sa driver seat nang tawagin niya ito. “Yes?”
         
       “If you really want to know everything more than the 4 boxes in your car, you can ask Kisses.” Ang tinutukoy niya ay ang asawa ng kapatid ni Golen na isang event coordinator.
            
    “Okay then. Thanks.” 

                “For what?”

                “For trusting me.”

                “I’m the one who must say, Thanks.”

                “For what?”

                “For trying to make me happy today. Ingat Mr. Castillo!” Ang kiss ko? She smiled. “Bayeee!” Tinalikuran na niya ito bago pa nito makitang namumula siya sa naiisip na kalokahan. Mahirap talagang maging pinsan ni Limien minsan. Nakakahawa!

               
                “SO WHAT’S the status?” tanong ni Limien kay Dana. Kasalukuyang nakatambay ang buo niyang barkada sa pet clinic niya. Kanya-kanya ng trip ang mga ito. Doc Geo was looking at the pet toys, Hinaro was busy with his laptop, Christel was dealing business with Hamiel, Limien was helping her with inventory and Cielo was busy playing with her chowchow patient.

                “Yeah, what’s the status?” tanong uli ni Mathew nang hindi siya sumagot.

                “Status ng alin? Kung stock iyan, si Hinaro tanungin nyo,” paiwas na sagot ni Dana kahit alam naman niyang iyong status nila ni Golen ang tinatanon ng mga ito.

                “Huh?” kunot noong ungot ni Hinaro nang marinig nito ang sariling pangalan. For sure, wala na naman sa kanila ang atensyon nito… malamang nasa stock or ka-YM na naman ito si Zette.

                No, it’s not you, Hinaro. Just go back to your planet,” hirit ni Christel pagkatapos, ay binalingan siya nito. “Anyare na sa inyo ni Golen?”

                Sasagot sana siya nang humirit si Cielo. “Hindi na nagparamdam sa’yo after mong gawing stock room ng gamit nyo ng ex mo ano? Sabi ko naman kasi sa’yo, iyong lalaking iyon, mukhang di mapagkakatiwalaan.”

                Batuhin kaya kita ng aquarium, Cielo? “Oo na panalo na kayo. Yan sinubukan ko ng mag-entertain pero nganga pa din. Sabi ko sa inyo, wala ng matinong lalaki sa mundo! Kayu-kayo na lang.” She sighed. Ilang linggo na ang lumipas. Hindi na nga nagpakita si Golen matapos ang gabing iyon. Sinabi nitong tatawag ito. Naghintay siya pero walang call mula dito ang nangyari. Nadismaya lang siya. Akala pa man din niya ay iba si Golen. “Siguro naniwala siya sa nabasa niyang articles doon sa box. Na kaya ako iniwan ni JM dahil demanding ako a pinilit ko siyang pakasalan ako. Baka natakot si Golen nag anon din ang mangyari sa kanya.”

                “We all know baby it’s not true,” Hamiel hugged her. Nagsilapitan din sina Hinaro, Mathew at Cielo at naki-group hug.

                “Kung maniwala siya doon, siya ang nawalan,” hirit ni Hinaro.

                “Maybe he’s not the the right one,” Mathew stated.

                “Kung hindi na siya tumuloy sa pang-aakit sa’yo, baka bading siya,” out of this world hirit ni Cielo na ikinatawa nilang lahat.

                Binatukan niya si Cielo. “Okay na eh. Touched na ako. Teary-eyed pa nga. Binasag mo pa!”

                “Para nagpapatawa lang naman. Ang seryoso natin. Hindi ito bagay sa image ko,” hirit pa din ni Cielo. “But seriously, maybe he’s not yet the one, Dana—”

                “Or maybe he’s just late!” Korong hirit ni Christela at Limien habang nakatingin sa glasswall sa main entrance ng clinic.

                Napalingon din tuloy doon si Dana. Bumababa ng kotse si Golen at pumasok sa clinic niya. On cue, nagsipulasan ang mga girl friends niya habang ang mga boys ay humarang sa harap niya. Blocking kayo mga friends! Sa isang iglap, hindi na ma-reach ng paningin ni Dana ang binata.

                Tila nabigla si Golen nang makapasok ito sa clinic. “Anong kailangan mo?” tanong ni Hinaro.

                “Andyan ba si Dana? Gusto ko siyang makausap.”

                “Bakit?” tanong ni Hamiel.

                “I will explain about something.”

                “What’s that something?” tanong ni Mathew.

                “It’s between Dana and me only.”

                “Wala si Dana, naiwan sa bahay naglalaba—aray!” hirit ni Cielo. Binatukan niya ito.

                “Guys! Usap kami, layas kayo!” hirit na ni Dana bago pa lalong gumulo ang usapan dahil sa magulong hirit ni Cielo.

                The guys threw her a doubt face. Pinandilatan niya ang mga ito. “Dali! Doon kayo sa loob, maglinis kayo doon! Dali!” Pinagtulakan na niya ang mga ito. Hanggang sa naiwan na lang silang dalawa ni Golen.

                “Pasensya ka na sa mga iyon. Alam mo na, mga protective kasi ang mga iyon,” sambit niya dito.

                “Dana…” He held her hand. And the moment his hand touched her skin, she felt her heart starting to beat it’s on sweet rhythm. He sighed while gazing at her.

                “May problema ba, Golen?”

                Umiling ito pagkatapos ay hinila nito ang kamay niya dahilan para mapayakap siya dito. Then he lovingly wrapped his loving arms around her. “Naiintindihan ko na kung bakit nagsara ang puso mo sa mga lalaki. Napakasama niya para iwan ka sa altar habang kinakasal kayo. Napakasama niya para saktan ka ng ganon. Hindi mo deserve ang gagong lalaking tulad niya.”

                Dana felt her heart, wala na siyang pain na maramdaman ngayong naalala niya ang pinagdaanan niya. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay comfort… mula sa binatang hindi naman niya alam kung bakit bigla na lang sumulpot sa buhay niya.

                “Akala ko tulad ka rin niya…” Biglang lumabas iyon sa bibig ni Dana.

                He moved a little to be able to gaze at her. “No!   Hinding-hindi ko magagawa iyon sa’yo.” Hinalikan nito ang kamay niya. “I will make you believe in love again, Dana.”

                She looked into his eyes. All she could see was a pair of eyes reflecting sincerity, love and honesty. Malayo sa iniisip niyang baka matakot itong tumuloy ng panliligaw dahil sa mga negatives na pinagsasabi ng ex niya against her na alam niyang nabasa nito sa mga articles na nasa 4 na kahong ibinigay niya dito.

                “Inisa-isa mo ba ang nasa apat na kahon?” he nodded. “Nabasa mo iyong mga articles na may statements ng ex ko?”

                He nodded again. “None of them were right, I bet.”

                “What if he’s right. Demanding ako.”

                “Mag-demand ka lang, marami akong supplies ng understanding dito.”

                “What if, irresponsible ako.”

                “Impossible iyan. Malayo sa pagkakakilala ko sa’yo.”

                “What if, hindi ako marunong magmahal?”

                “Mamahalin kita. And later on, matutunan mo na ring magmahal.”

                Kumabog ang puso niya. Suko na ang yelo niyang puso. She has to admit, she was now falling for him. “Paano kung pilitin kitang pakasalan ako?”  She winced.

                “Hindi mo na kailangang pilitin ako. Kusa akong magpapakasal sa’yo.” He winked. “Kahit nga ngayon na—aray!”

                Kinurot niya ito sa tagiliran sabay layo dito. “Ngayon agad? Nagmamadali ka?”

                Napakamot ito sa batok. Waahh ang cute! “Baka lang makakalusot.” She rolled her eyes  and set her eyes on him again. “Alam mo bang sa tuwing nagtataray ka, lalo akong nahu-hook sa’yo?”

                “Talaga lang ha?” Sadyang inirapan niya ito. And he just laughed. “Alright, tanggap ka na!” She winked.

                “Sinasagot mo na ako?”

                “Agad-agad na? Manligaw ka kaya muna?”

                Hinila uli siya nito at niyakap. “Thank you for the chance, Dana.”

                “Iisang chance lang iyan, Golen. Kapag sinayang mo, wala ng second chance, okay?”

                “More than okay.”

                They were interrupted by a phone call from her landline phone. Sinagot niya ang phone call. “Ferrer Pet Hub, good afternoon.”

                “Dana, can we talk? I know now my mistakes. Pinagsisisihan ko na iyon. Pwede ba tayong mag-usap sandali?”

                Natigilan siya. Kilala niya ang boses na iyon. It’s been a year but she’s sure that it was him on the other line. Hindi pa niya nakakalimutan ang boses na iyon. Suddenly, wala siyang nasabi. Nablangko ang isip niya. Of all the chances, why now? 

               
                PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

Anonymous said…
Kilig-kilig moments na naman.. jejeje

Sana lagi update nito, wag naman sana abutin ng 48 yers..jowk.. i know busy ka...

Nakakawala kasi ng stress eh, parang timang lang na ngumingiti sa harap ng pc.

Rgdards,

Cutie
Angel Jang said…
wow ganda sana mapost agad ang kasunod one of the best talaga mga stories mo ms. melai inaabangan ko to lagi e ...
Ericka said…
wahh!! kabiten!! next na! :)) hahaha :D

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…