Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Fall or Nothing- Part 2





“Kilala nyo ba siya?” Dana burst out of little hot seat conversation for Cielo.

 Kasalukuyang naka-break pa sila sa backstage ng Senang Hati at pinapagtripan ang kanilang birthday boy. Isinalang muna ang mga clubbing songs para sa mga gustong sumayaw at magparty-party mode sa loob ng lounge. For Karisma band, it was an ample time to relax and rest. Dahil after few minutes, sila na naman ang sasalang sa stage until the night ends.

Di pa rin maka-move on si Dana. The nerve of that guy! Gigil na gigil siyang batuhin ito ng gitara niya kanina sa sobrang inis. Pasalamat kang lalaki ka at nasa audience ang aking magulang at… at… ggrrr! Ayoko na ng eskandalo please lang!

She knew it. She can actually vibe it. Bukas, malamang na nasa blind item na naman siya or showbiz news. For she knew that the public was waiting for her to find a new prince charming after she had an epic fail wedding. At dahil nasentro na siya sa tsismisan ng publiko noon ayaw na niyang maulit pa yon.


“Sino?”  Korong tanong ng mga kasama niya.
            
    “Iyong lalaking kumanta kanina,” Dana rolled her eyes when she remembered how that guy used his charm to catch her attention… err, nabudol-budol ka lang Dana.   
            
    “Si Philip Nathaniel Canilao?” tanong ni Christella.
            
    “Wow buong-buo, anong middle name?” birong tanong ni Cielo.
         
       “Fajutagana. May-ari ng Canilao Food Corporation. Single, 30 years old, yummy and cute.”
          
      Nagkatinginan silang lahat. For the very first time, naging interesado na sa lalaki itong si Christella. “Wow, dalaga ka na Christella! Manlibre ka naman!” hirit  ni Cielo.
            
    . “Ikaw ang mapera kaya. Bawasan natin iyan!” Christella answered.
         
        “Ayoko nga, para sa future ko yon.” At nagsimula na namang magkuripot ang overly kuripot nilang kaibigan. Hindi maiwasan ni Dana ang mapailing na lang.
           
     “So kasama sa future mo si Danica?” tanong ni Limien aiming to put the birthday boy on hot seat again.
           
     Cielo just smiled. “Oo naman. Walang thrill ang buhay kung wala siya. Aasarin ko pa siya hanggang sa umakyat na siya sa langit at doon magkalat ng kabaliwan.”
           
      They all laughed. “Eh teka, di nyo naman sinagot ang tanong ko e. Hindi si Phi Nat, iyong isa, iyong naka-kurbata pa!” hirit ni Dana.
        
        “Ah, that’s Golen Castillo of Neryz Ennael and ZLCD Services. He owns several companies listed in stock exchange wherein stock prices are usually rising. Magandang mag-invest sa kanya,” litanya ni Hinaro.
            
    “Nosebleed!” korong hirit nila sabay tawa.
          
      Biglang tumayo si Dana. “Salamat sa information. Ngayon alam ko na ang pangalan ng siraulong iyon!” On cue nakapa niya ang ID ni Golen sa bulsa.  Ay luka-luka, nageffort ka pang magtanong e nasa bulsa mo lang ang sagot.

Lumabas siya sandali para sana makapagpahangin. Hindi makakabuti sa banda kung  badtrip siya. Baka maapektuhan ang pagtugtog niya.  Inilabas niya mula sa bulsa ang ID ni Golen at tiningnang maigi ang details ng ID.

“A Castillo. Mayaman, check. Maangas, check. Walang konsensya, check.” Napatingin siya sa ID picture. Aminin man niya o hindi obvious na gwapo ito. Being a Castillo, which was known for hotel and resto business and  blessed by good-looking race, hindi na siya magtataka kung maging  business world heartthrob din ito. “Gwapo, maganda ang lips, makinis ang kutis, ang cute ng smile… all check!” Biglang naalala niya ang eksena kanina sa Senang Hati stage. “Erase! Antipatiko 101% check!”

Napailing siya. Stop wasting your time on him. For sure, pinagtitripan ka lang niya.

 At kapag minamalas nga naman, si Golen pa ang una niyang nakita nang lumabas siya sa lanai ng lounge. On cue, lumingon ito at napatingin sa kanya. Huling-huli pa ng kanyang mga mata kung paanong nag-slow motion na nag-curve ang lips nito para bigyan siya ng sweet charming smile. He’s using his weapon err asset on her. She rolled her eyes as her defense.

Hindi pa nakuntento itong si Golen sa pagpapa-cute nito. He slowly walked towards her… catwalk like a superb model ang peg.

“So, Dana… our date is on tomorrow okay?”

She  rolled her eyes again. “Date? Siraulo! Kayong mga lalaki sa simula lang naman kayo sweet, caring at gentleman. Pag nakuha nyo na ang loob ng babae, lalabas din ang totoo nyong kulay. Maitim ang budhi! Manloloko, babaero, walang paninindigan...all in all, walang kwenta.  Pwede ba? Wag mo na akong bigyan ng eksena. Who knows katulad ka rin nila, sa simula lang okay. Pag nakuha mo na ang loob ko, what’s next? Iwanan mo rin ako. Kaya bakit pa tayo magsasayang ng oras mag-date? Sorry, hindi ako interesado sa isa na namang manloloko.” She blew her breath. Dire-diretso kasi siyang nagsalita. In fairness, nakakapagod pala yon.  

“ Dana, wag mong lahatin. Marami din naman matino, one woman man, seryoso at kaya kang mahalin ng totoo. kaya kang ipagtanggol, ipaglaban, ipaglaba, ipagluto, ihatid at sunduin. And in your case, I can be the one. Gonna give me my chance?”

Napanganga siya sa sinabi nito.  How can you be so straight forward?  Isang araw pa lang silang nagkikita, kung maka-offer itong si Golen wagas. Mambobola alert activated on her system. Binobola ka lang niyan. Ganyan din ang walanghiya mong ex, binola ka sa una. Tapos iiwanan ka sa huli.

“Chance?” Inirapan niya ito. “Chance-senin mo yang mukha mo!”

Nagulat si Dana nang hawakan ni Golen ang kanyang kamay at inilagay iyon sa pisngi nito. She felt some strange current flowing from her fingers the moment she touched his soft cheeks. He then sincerely gazed on her eyes like how romance heroes caught the heart of their heroines.

Her heart skipped. Delikado siya. It’s been so long since she last felt that strange feeling. And she knew it. That act of him was attempting to break the blocks of ice covering her heart. “A—anong ginagawa mo?” tanong niya dito habang sinusubukan niyang iiwas ang mata niya sa pagkakatitig nito.

“Pinapatsansingan sa'yo ang mukha ko. I'm just following your demands. So can we have our date now?”

“Bi-bitawan mo ang kamay ko.”  She definitely knew that she needed to escape.

Sa halip na sundin siya nito ay inilapit pa nito ang mukha sa kanya. “Say yes first.”

“No!”

On cue, bigla na lang may camera na nag-flash. The next thing they knew, nasa paligid na ang press media. At pinagkaguluhan na sila ng mga showbiz writers and reporters.

“Ikaw ba ang bagong boyfriend ni Dana?”

“Bakit ngayon ka lang lumabas?”

“Totoo bang ikaw ang dahilan kung bakit contented na si Dana sa buhay niya ngayon?”

 “Dana siya ba ang dahilan at masasabi mo ng naka-move on ka na sa failed wedding mo?”

“May takot ka pa bang magpakasal?”

Iling lang ang naisagot niya.  Di siya ready sa ganong posibilidad. Things got more complicated than what she expect. Di na siya naka-react pa nang kabigin siya ni Golen aiming to protect her form the press at  mabilis na dinala siya sa loob ng Senang hati. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi na niya namalayan na nasa backstage na sila. Safe and far from the press.

“Anong nangyari?” tanong ni Richael.

“Dinumog kami ng press--“

Agad na lumabas ng backstage ang kanilang road manager. Natigilan na lang si Dana. May trauma pa siya sa press media kaya nang lapitan sila ng press at nagtanong ng kung anu-ano ay nawala siya sa kanyang composure.

“Dana—”

“Golen, umalis ka na lang.” Agad siyang lumayo dito habang pinipigilang maiyak. Ang buong akala niya ay naka-move on na siya sa kahihiyan at traumang inabot niya noong takbuhan siya ng mapapangasawa sa araw mismo ng kanilang kasal. Ngayon niya napatunayang hindi pa siya nakakatakas sa anino ng nakaraan.

He nodded.  “I’ll see you tomorrow, Dana.”

“Hindi ako umoo.”

“Alam ko. Tomorrow you will say goodbye to those sad eyes, I promise.”
            
   
                TULALA SI Dana habang nakaupo sa favorite space niya sa kwarto niya— sa may bintana kung saan nakalagay ang sofa. Hindi siya nakatulog ng ayos. Madaling araw na natapos ang gig. Usually, nakakatulog agad siya sa pagod pag dumadating siya mula sa gig. But things were different today. Hindi siya nakatulog sa kakaisip. Hindi siya nakatulog dahil sa traumang na-recover mula sa press media pero mas hindi siya pinatulog ng mga huling sinabi ni Golen.

“Tomorrow you will say goodbye with those sad eyes, I promise.”

She laid back against the sofa and sighed. “Oh, hell!” Bakit para kang bangungot, Golen?  “Kailangang matigil na ang kalokohan na ito,” she said to herself. Kakausapin na lang niya si Golen ng masinsinan, ipapaliwanag dito kung bakit talaga ayaw niyang mapalapit uli sa lalaki… at para ipaalala na rin sa sarili kung bakit di siya dapat mapalapit kay Golen.

She remembered his cute brown expressive eyes and an image of him staring at her popped out her head.

She felt her heart skipped a bit. Kaloka na talaga ito. On cue biglang pumasok sa kwarto niya ang nagtatalo niyang magulang. 

"I told you. Dapat kasi hindi mo na pinag-artista iyang anak mo. Look what happened. Hindi na natapos ang issue kay Dana. Kawawa naman ang anak mo," her mother, Penpen muttered to her father. 

"O, bakit ako? Sino bang nagpasok sa kanya sa isang diaper commercial when she was just 4 months? Not to mention the infant milk commercial, baby shampoo, baby bath soap and a lot more. Di ba ikaw ang excited at hindi ako?" her father Hansen replied.

"Ako ba iyon?" 

Her father nodded."Definitely."

But her mother resisted. "Pero ikaw ang nagbuo ng banda nila thus, kasalanan mo rin!" 

"Bakit pag kasalanan na, ako na lagi?" 

"Kasi ikaw ang ama." Penpen winced. 

"Unfair. Ikaw naman ang ina ah." 

Dana just sighed. She knew that even her parents argued on something, they will end up fixing the issue by themselves…with matching ka-cheesy-hang eksena pa.

“Sa mapag-awayan nyo yan,wala namang mababago. I’m still a celebrity and people, especially press people, love making me a center of whatever kind of stories they derived from what they saw last night,” awat niya sa magulang.  She winked as she looked at them. “Ganito talaga ang role ng aking ganda.” Nagbiro na lang siya kesa mahalata ng magulang niya na kahit siya, hindi mawari ang nararamdaman. Sa trauma bay an o kay Golen?  Napangiwi siya sa sariling side comment.

Nilapitan siya ng magulang. “Pero iba itong issue kagabi, Dana.” Her father showed her his tablet. Naka-view sa gadget ang website kung saan naipost ang so-called romance daw nila ni Golen.And the pageviews of the site continuously grow in numbers. Ibig sabihin, kalat na sa internet ang ‘love story’ niyang di niya mawari.

“Paano namang naiba?” She took her time to read the article. Napakunot siya sa nabasa. “What? May childhood romance? Childhood connection? Anong childhood connection eh kahapon ko lang nakita ang lalaking iyon?” Napailing siya.  Knowing the power of social media, alam niyang napag-fiestahan na nga siya ng mga tao at sa kwentong walang katotohanan pa.

“Well, you actually have a childhood thing with Golen Castillo, anak. May konting katotohanan ang nasa article. And in fairness, ang galing mag-research ng writer niyan,” her mother stated.

“Sige, Ma. Patulan natin iyang article na iyan. Sinasabi nyo bang meron pala akong invisible childhood sweetheart na hindi ko maalala o nakita man lang? Mumu ba siya dati? O hangin? ” She smiled at her parents. Pero umurong ang ngiti niya nang makitang seryoso ang kanyang ina. “Seryoso?”

Nagkatinginan ang magulang niya. Itinuro ng kanyang ama ang naka-frame na poster sa kwarto niya. It was a poster of a baby shampoo commercial she did when she was just 2 years old. May kasama siyang bata sa poster.

“Believe it or not, that child with you in that commercial was Golen Castillo.”

Kulang ang salitang ‘nganga’ para i-describe ang reaction niya sa sinabi ng kanyang ama. 

A knock from the door interrupted her shock mode. Her younger brother, Ross Denson Ferrer entered the room.

“Ate, may bisita ka.”

 Tumayo siya para puntahan ito. “That must be Richael.”

“Hindi e. Golen Castillo daw,” sabi ng kapatid niya. “Ahm, nakakahiya ang itsura mo ate. Magsuklay ka muna para naman hindi ma-turn off ang manliligaw mo.”

Natigilan siya sabay ng tila pagkabog ng puso niya. Anong ginagawa ng bakulaw na iyon dito?  Sa halip na lumabas ng kwarto, dumiretso siya sa kama. “Sabihin mo tulog ako, may sakit, nababaliw o kaya nag-aadik. Umalis na lang siya. Hindi prepared ang kagandahan ko sa kanya.”

In her mere surprise, her family just laughed out loud.


DANA ENDED up with Golen in the entertainment room. Puno ng katahimikan ang silid. And the guy, who managed to ruin her peaceful beauty just spend time gazing at her and that made her heart consistently beat fast.

Hanggang sa siya na rin ang bumasag sa katahimikan. “Ano na? Kung titingnan mo lang naman pala ako, e di sana nag-download ka na lang ng picture ko sa internet at ipaskil mo sa wall ng kwarto mo at hindi ka na napagod pang hanapin ang bahay namin at bwisitin ang umaga ko. Hindi ka pa ba contented sa gulong ginawa mo kagabi?—” She was interrupted by his curved lips smiling at her. “Naman Golen!” She looked at him with her knotted forehead.

“So kung magdownload ako ng photos mo sa internet at ilagay ko nga sa kwarto ko, hindi ka magagalit?” Inirapan lang niya ito. In return, she just smiled at her.” You know what, Dana? You should sometimes learn how to tone down your voice, relax a bit and enjoy the good side of life. Masyado kang highblood.”

 “As if you cared.” She winced.

“And what if I do?” He looked at her as if she suddenly became a heroine from the most epic romance novel and she was one meter away from his hero. “Look, wala ako dito kung hindi ako concerned… err I’m actually not just concerned, I’m worried.”

 “Worried because you had been dragged by controversy with a celebrity? Nawala sa isang iglap ang privacy mo and you want me to join your misery? On the record, Mr. Golen Castillo, you dragged yourself to this issue all by yourself last night.”

He nodded. “And on the record too, Miss Danielle Ahne Ferrer,I don’t have any regrets about last night and I’m not here to blame you. I’m here to help, to assure that you’ll just be okay…and I have a mission.”

“Mission? No one told me that you’re a missionary,” pamimilosopo niya. “Ano namang kalokohan iyan? Tell me, bakit ka ba talaga andito? Pag may nakaalam na press na andito ka, lalong gugulo ang issue, alam mo ba yon?”

“Remember, I promise you last night that you will say goodbye to that sad eyes today. All I wanted is to make you realized that I can be much different from that jerk guy who hurt you last year. Yeah, it’s too early to say but, I think I like you. And I’m a kind of guy that won’t let the opportunity passed without doing anything.”

Bakit ang sweet mong loko ka? Anong misteryo ito? Paki-explain please? She sighed. “Sa pagkakatanda ko kagabi, binasted na kita. Hindi na ako open sa relationship. Gusto kong tumandang mag-isa.” Ows? Di nga?  Hirit  niya sa isip.

“That won’t put me down.” Iniabot nito sa kanya ang rose na nasa paso. “Hangga’t buhay ang halaman na iyan, magtiwala ka sa akin.”

Hindi niya kinuha iyon kaya ipinatong na lang nito sa mesa ang halaman. “Wala kang alam sa nangyari.” Her tone suddenly turned low. She was directed to her plan of telling him everything he has to know for a purpose. Ayaw din naman niyang sa bandang huli ay may taong madamay sa kaguluhan ng puso at isipan niya. She’s definitely not ready for a relationship. And she has to stop him from intruding her peaceful life, lalo na ngayong may kawirduhan siyang nararamdaman dahil sa biglang pagsulpot nito sa buhay niya.

“Handa akong malaman lahat. Care to share? Perhaps, I needed to earn your friendship and trust first, right?”

She sighed. “Alright. Mapilit ka, e di sige.” Tumayo siya. “Samahan mo ako sa basement.”

Napakunot ang noo nito sabay tayo. “Anong gagawin natin do’n?”

“Maglalaba,” pilosopong biro niya.

In her mere surprise, she heard him laugh softly. Susme! Ang gwapong tumawa.  

Pagkarating nila sa basement ay agad niyang tinungo ang dulong bahagi ng bodega. Akmang bubuhatin niya ang isang malaking kahon nang pigilan siya ni Golen.

“Let me,” salo nito.

Hinayaan niya lang ito. “Ilabas mo yan.” Pinagtuturo pa niya ang tatlo pang kahon. “Pati iyon, iyon at iyon.”

Walang reklamong inilabas nito ang malaking apat na kahon. Lumabas na rin sila ng basement pagkatapos. “Then what now?”

“It’s all yours.”

“Huh?”

“Lahat ng gusto mong malaman sa love life kong ibinaon ko na sa limot, nasa apat na kahong iyan. Ayokong magsayang ng oras magkwento sa’yo at maging sentimental or emotional. Siguro nga, pinadala ka ni Lord sa buhay ko para maging madali sa aking itapon ang mga gamit na iyan. Ikaw na bahala diyan. Itapon mo, sunugin mo, ibaon mo sa hukay, I actually don’t mind at all. Just promise me that you won’t return those scrap to me.”

Nagkibit-balikat ito.  Inilagay na nito isa-isa ang mga kahon sa kotse nito. “Okay. But you have to promise me one thing too.”

“Ano naman?”

“You’ll be going out with me today.  You owe me a date, remember?”

“I owe you a friendship. Take it or leave it.”

“I’ll take you instead.”   He grinned.

Hinawakan nito ang kamay niya at isinakay sa kotse. “Uy, saan mo ako dadalhin? Kidnapping to!”

“Humingi ako ng limang oras sa magulang mo para makasama ka.”

“Hindi pumayag ang tatay ko, sure yan!” She resisted.

He smiled. “Actually, he did.”  She attempted to escape but he immediately locked the door. “Don’t worry, you’ll safe with me.”

 “Nakakatakot iyang statement mo.” Hindi siya actually natatakot dito. Mas natatakot siya sa reaction ng puso niyang tila hyper sa kilig.

He laughed. “Seatbelt please—”

“No!”

He moved closer to her. She shut her eyes.  Wait! Ang bango mo! And before she knew it, he was able to embrace her and wraped the seatbelt on her.

“Better. Enjoy this ride with me, Dana.”

Before she could actually say her last resistance, the car already blew away from her house. Kidnapper! Help!  


PREVIOUS                                                            NEXT

Comments

Anonymous said…
at last after yers.. (yers talaga) naud din sya.. Nid ko pa mag throw back para maalaalalahat ng buhay ni Ni Dana at Golen hahaha


cutiediba
Anonymous said…
anggggggggggggg gandaaaaaaaaa~!!! kahit matagal akong nghintay sulit na sulit~! ahahahha XD

~Rika
kiz said…
next please??? *beautiful eyes* bitin muchhhhh.. excited nako anong kakiligan moments ang magaganap. haha

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…