Skip to main content

Senang Hati Music Lounge 2: Fall or Nothing- Part 1




Agang-aga ay mainit ang ulo ni Dana. Ito na naman ang araw na kinabubwisitan niya. Iyong tipong agang-aga ang sasalubong sa kanya ay mga bonggang bagay na may kinalaman sa pag-ibig… katulad ng scenario sa harap niya ngayon. Ang pinsan niyang si Limien at ang asawa nitong business partner din niya na si Hamiel ay abala sa paglalambingan sa loob pa mismo ng opisina niya.  May-ari sila ng isang veterinary clinic kung saan siya at si Hamiel ang mga doctor na gumagamot sa mga hayop na may sakit. Kumpleto sa equipments ang clinic nila kaya marami silang suking clients. Nagtitinda din sila ng mga gamot, vitamins, pagkain, at lahat ng needs ng isang pet owner para maalagaan ang kanilang pets.

Aside from being part of the famous Karisma Band, Dana and the rest of the gang are doing the things they wanted to do as ordinary person. In her case, abala siya sa pagiging doctor ng mga hayop.
          
          “Hamham ko, gusto mo ba ng kape? Pagtitimpla kita?” lambing ni Limien sa asawa.

                “Wag na Mien. Dito ka na lang sa tabi ko.” Niyakap pa ng mahigpit ni Hamiel si Mien at hinalikan sa pisngi. “Love you, Mien ko.”

                “Love you too, Hamham ko.” Gumanti ng halik si LImien dito.

                Napangiwi si Dana. How she hated romantic scene! Mula nang durugin ng pinong-pino ng isang lalaki ang pananaw niya sa pag-ibig ay huminto na siyang maniwala na totoo ang love. Ngunit sa tuwing makikita niya ang pinsan na sobrang madly in love sa mister nito, plus iyong mga innocent pa-sweet ng dalawa, aminado siyang may inggit siyang nararamdaman. A part of her might still be hoping that a guy will love her like how Hamiel loved her cousin. Pero malabo pa sa mata niya ang bagay na iyon dahil nangako na siya sa sariling din a muling papayag na may lalaking pumasok sa puso niya. Sarado na iyon, naka-lock na, may electric shock wave, laser light protector at security code. Ang sinumang sumubok pumasok sa puso niya ay siguradong mahihirapan o kaya naman ay sumuko na lang basta-basta dahil natuto na siya ng malaking leksyon sa buhay.

                “O, Dana. Kanina pa you?” tanong ni Limien. Nanatili ang mag-asawa sa  pwesto nila.  Nakaupo sa sofa at magkayakap.


                “Oo kanina pa ako. Umayos nga kayo! Wala kayo sa sariling kama nyo!” She winced sabay about face.

                “Ang bitter mo talaga cousin,” comment ni Mien.

                “Of course, bitter is next to better!”

                “Una kaya ang better sa bitter sa dictionary,” hirit ni Hamiel.

                 Tinapunan niya ng tingin ang tatawa-tawang business partner niya. “At talagang naisip mo pa iyon? Tse! Nagpagawa ako ng aking dictionary at doon magkasunod sila. Bitter muna bago better!”  Binigay niya dito ang hinihingi nitong mga files. “Complete files na iyan. Wala ka ng ibang gagawin kundi i-submit yan sa BIR and of course, magbayad ng tax. Bawasan natin ang yaman mo, Hamham!”

                “Oy, bat ako lang babayad ng tax? Business natin itong vet clinic ah.”

                “Wala akong pera at pag-ibig. Ikaw meron, kaya kayang-kaya mo na iyan!” Binuntutan pa niya iyon ng tawa.

                “Cool!” hirit ni Limien sabay tawa na rin. “Pagbigyan mo na Hamham ko. Singilin na lang natin siya pag may pag-ibig na siya uli.”

                Napakamot na lang sa ulo si Hamiel dahil sa halip na umalma ang pinsan niya, sa kanya pa ito kumampi. “Kailan pa naging basis ng yaman ang pag-ibig?”

                “Ngayon, dude! So ikaw na ang bahala diyan ha,” hirit ni Dana. Tango lang ang sinagot ni Hamiel pagkatapos ay bumalik na naman sa pakikipaglambingan sa asawa nito. Napangiwi na lang siya. “Di na ako magtataka kung bukas makalawa, magkapalit na kayo ng mukha.”

                “Okay lang iyon, Dana. Gwapo at maganda pa rin naman ang kalalabasan,” sagot ni Limien sabay tawa habang yakap-yakap ang asawa.

                “Aarrgh, eeewww talaga kayo! Sobrang eewww na iyang sweetness nyo. Alis na nga ako!” hirit na lang niya para maka-escape na siya. Because right that moment, nararamdaman na naman niya ang di mawaring bitterness err inggit sa successful mala-teleserye slash fairytale love story ng dalawa.

                “Ingat ka, Dana!” pahabol ni Hamiel.

                “Sila dapat ang mag-ingat sa akin!”

                 “Makasalubong ka sana ng bagong fafa!” patawang pahabol naman ni  Mien.

                “Tse!”

                The couple just laughed. Napailing na lang din siya at napatingin. Mabuti na rin pala at mga siraulong nagpapanggap na matino ang mga kaibigan niya. Kung nagkataon sigurong hindi, malamang sa matagal na siyang nag-suicide matapos madiskaril ang buhay niya nang iwan siya ng mapapangasawa dapat niya.

                Lumabas siya ng clinic at tumuloy sa parking lot. Agad siyang sumakay sa kanyang Lexus LS F Sport car niya. After a heart-crashing love life phenomena last year, Dana promised herself that she will only fell in love with cars. Yes, kotse. Mas interesado na siya sa mga poging kotse kesa sa mga jerk guys na naglipana sa mundong ginagalawan niya.

                “Okay, Lex. Our destination for today is Antipolo Rizal. Pabibinyagan na kita!” sambit niya sa kotse. Lahat ng kotse niya ay may pangalan. And this new one was Lex.

                She started the engine. Hinawakan niya ang rosary na nakasabit sa rearview mirror at nag-sign of the cross like what she usually do before driving. Then she started driving her way to north.

                Hindi pa siya nakakalayo sa Quezon City ay nag-ring ang phone niya. Her bandmate and her most bff among the group was calling. She picked the headset and answered the call. “Christella Azel Arevalo! Kaloka ka. Ngayon ka lang nagising?”

                “Char! Kailangang buo ang pangalan ko Danielle Ahne Ferrer?” panggagaya nito sa pauso niya. They laughed. “Bruha ka, ako kaya ang sumalo sa gig mo kagabi sa Senang Hati kaya wag mong question-in kung bakit late na ako nagising. Saan ka? Breakfast tayo.”

                Sinipat niya ang relo. “Maga-alas doce na, ganda. Tanghalian na po iyan. Pa-Antipolo ako ngayon, si Mathew na lang ang yayain mo.”

                “As if namang mayayaya ko iyong magtagal ng isang oras sa resto. Baka nakakadalawang subo pa lang ako e may hospital emergency na iyon. Ayaw ko ng ganong drama.”

                She laughed. Minsan na rin kasi niyang naexperience iyon sa kabanda. Kung hindi nga lang sila magkakaibigan, baka nagkaaway-away na sila dahil doon . “Si Hinaro.”

                “Oh girl, give me a break. Ayokong mag-almusal err tanghalian ng stocks.”

                Napatawa na naman siya. “Oo ngapala, maagang stress sa utak iyang si Hinaro. Hmm, si Cielo na lang. Game iyon. Hindi naman busy iyon kahit busy siya.” Happy go lucky type of businessman kasi si Cielo.

                “Ayokong maging third party sa romance nila ng mga chowchow niya. At saka, baka ako pa pagbayarin no’n ano. No way!”

                “Christella, e wala ka ng choice. Hindi ko i-offer sa’yo ang mag-asawa. Busy sa eeww na lampungan ang dalawang iyon sa office ko.”

                “Ang sweet naman nila. Eeeewww!” patawang  hirit ni Christella.

Wala rin kasi itong kaplano-planong magka-love life kaya nagkakasundo sila sa pang-aasar sa bagong kasal na kabanda.  Kung ano ang dahilan ni Christella, wala siyang idea.

“Eeeww talaga.”  Her chatting with her friend was interrupted by a horn from vehicle right after hers. Sinilip niya sa side mirror ang sasakyan. It was a BMW M6 Convertible car, isa sa mga poging sasakyan na willing si Dana na pakasalan. Kung pwede nga lang magpakasal sa kotse nagawa ko na. “Hohemjiiii Christel! I think I’m in love!”       

Nag-menor siya para mapagbigyan ang kotseng gustong mag-overtake sa kanya sa kahabaan ng Marikina highway. “Waaaah, ang gwapo talaga!” Convertible car sa Marikina, not bad. Halos hindi niya naalis ang tingin sa convertible car habang nago-overtake ito sa kanya. Nagbusina pa ito sa kanya as signal na  pagpapasalamat nito at nagpaubaya siya. 

“Ay naku, Dana. Matutuwa ako kung lalaki iyang tinitilian mo. For sure kotse na naman iyan. Nakakagutom ka. Gora na nga ako.”

Hindi nabasag ng sinabi ni Christela ang ngiti niya sa pagkahumaling sa kotse. “Sige kumain ka na. I’ll just run after my destiny.”

“Iyong driver na lang pagnasahan mo kaya.”

On cue, napatingin siya sa back view ng driver. Built pa lang ng katawan plus angas sa pagmamaneho, sa tingin niya ay fafaness ang driver. Ang kaso lang mas gwapo pa rin sa line of interest niya ang kotse kesa sa driver. “Wala akong pakialam sa driver, pero iyong BMW M6 Convertible niya, pakakasalan ko iyon!”

“Baliw, bye na nga!”

Tumawa lang siya nang i-cut ni Christella ang call. Na-focus na lang siya sa pagmamaneho at the same time, pagsilay sa gwapong kotseng nasa harapan niya. I want a car like that! Wuuu, driver can I marry your car? Napatawa siya sa sariling kabaliwan.

She got the opportunity na magpa-cute at irampa ang kotse niya. Hindi rin naman papahuli sa papogian ng kotse ang pinakamamahal niyang Lexus LS. Bumusina siya para bigyan ng signal ang driver ng poging kotse na mag-overtake siya. Its not only you can make a show. Watch and be amazed. Noong bata pa siya, madalas siyang sumama sa drag racing pag lumalaban ang tatay niya. And she grew up supporting and watching Hamiel’s race. Halos magkakasabay din silang lumakig magkakabanda.

 The driver gave way to her.  Nag-overtake na siya at napalingon muli sa kotse pero ang siste mas napatingin siya sa driver. Tama ang hinala niya, pogi nga rin ang driver.  Ang poging sasakyan ay bagay sa fafaness na driver.  Pero at the end sa kotse pa rin siya na-focus. Bumusina siya bilang pasasalamat. The guy driving the BMW just set her a glance. Naka-shades ito at feel na feel ang pagda-drive ng kotse nito. Pagkatapos ay naungusan na niya ito…smoothly and safely.

The guy seemed to be challenged. Nag-attempt uli itong mag-overtake.sa kanya at dahil mabait siya, hinayaan  niya ito uli. Okay na sana ang lahat kung hindi lang may biglang sumulpot na motorsiklo. Umiwas ang BMW sa motor at umiwas naman siya dito. Ang ending, muntik na silang magkabanggaan. Mabuti na lang at alisto siya.

She parked on the side of the highway. She felt her heart racing its beat. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na niya magets kung ano talaga ang nangyari. Ang alam lang niya, muntik na siyang maaksidente. Now I know why Dad doesn’t want me to be in car racing at all.   Nagpalinga-linga siya at napanganga na lang nang makitang malayo na ang BMW. Hindi man lang ata naisip na muntik na itong makaaksidente. Na-fall out of love tuloy siya sa gwapong kotse. Another jerk guy landing on earth! “Aaargh! Wala na talagang matinong lalaki sa mundo! Walaaaaaaa naaaaa!”


GOLEN was busy driving along Antipolo Road with his BMW M6 Convertible. It’s been five years since he last took a long drive alone in Philippines’ road. Sa Hawaii na kasi siya nagtatrabaho bilang Vice President for Operations ng ZLCD Services na pagmamay-ari ng kanyang ama. At masasabi niya talagang, ‘there’s no place like home’ dahil kahit ang pollution ng Maynila ay na-miss niya.  Papunta siya sa simbahan ng Antipolo para magpa-bless ng kotse niya. Naging hobby na niya ang magpabalik-balik sa Antipolo Church- Our Lady of Peace and Good Voyage para magpa-bless ng mga sasakyang nabili niya at ng pamilya niya. The church was known for that vehicle blessing practices.

Na-enjoy niya ang long drive kahit nag-iisa siya. Somehow, na-miss niya talaga ang kalsada ng Pilipinas. Kailan kaya ako makakapg-stay na matagal dito? After few minutes, nakarating na siya sa simbahan. He parked the car in front of the church and entered the church as well. Nagsisimula na ang misa nang dumating siya. For the next few minutes, he offered his focus and time to the mass. Pagkatapos noon ay nagsimula na rin ang vehicle blessing sa parking lot. 

“Golen hijo,  may bagong sasakyan ka na naman ba?” magiliw na tanong ng pari. Palibhasa ay kilalang negosyante ang mga magulang niya, nasalo na rin nilang mga anak ang pagiging kilala lalo na sa mga government offices at simbahan. At the same time, ang paring palaging nagbe-bless sa mga sasakyan niya ay siya ring pari na ngabinyag, nag-communion, at kumpil sa kanya.

“Yes, father. Actually it’s Hershey’s car. Busy lang po ang kaatid ko sa bagong baby niya kaya dip o maasikasong ipa-bless ang sasakyan niya. I volunteered para makapasyal na rin po ako dito,” magalang na sagot niya.

“I see. Kakabinyag lang sa kambal ng kapatid mo di ba?”

“Yes, father.” Ito rin ang nagbinyag sa anak ng kapatid niya at kung magkakaanak siya, malamang na sa mabait na paring ito rin siya magpapabinyag ng anak niya. Binyag na agad, e wala pa ngang napapakasalan para maging asawa. Napangiti na lang siya sa side comment niya sa kanyang sarili.

The blessing of his car started. Nagdasal sila at  nag-bless na ang pari using holy water. Few minutes more, nabinyagan na ang sasakyan ng kapatid niya. “Salamat po, father.” Inihatid niya sa loob ng simbahan ang pari.

“Walang anuman, anak. Sana’y makadalaw uli ang buo mong pamilya dito sa simbahan.”

“Sa susunod ko pong balik dito, buong pamilya na po kami.” Suddenly he felt awkward. Kelan nga ba huling nagsimba nang sama-sama at buo ang pamilya nila? Hindi na niya matandaan. Mula kasi nang mapalipat siya sa Hawaii ay hindi na nagging madali ang schedules nilang magkakapamilya. MInsan pa nga ay di sila nagkikita-kita kahit umuuwi sila sa iisang bahay.

Matapos ang ilang kwentuhan ay nagpaalam a siya sa pari, papalabas na siya ng simbahan nang makita niya ang isang babae na nakatayo sa may kotse niya, kunot ang noo at tila may balak na di maganda sa sasakyan niya.


“AHA! HULI kang kotse ka!” Dana grinned. Pag susuwertehin nga naman siya. Hindi na siya nahirapang hunting-in ang poging kotse na muntik ng gasgasan ang Lex niya. Sa dinami-dami ng pupuntahan nito ay don pa talaga sa pupuntahan niya. Magpapaschedule siya ng car blessing sa simbahan na iyon sa Antipolo. At malamang, ganon din ang pakay ng jerk na may-ari ng kotseng tinititigan niya ng masama ngayon. “Nasaan ang amo mo?! Asan? Akala mong kotse ka! Hindi manyapa’t gwapo ka pati driver mo, papalagpasin kita!”

Kumuha siya ng bato sa gilid ng parking. Akmang gagasgasan na niya ang kotse nang matigilan siya. Milyon ang halaga ng kotse. Type niyang magkaroon ng ganoong kotse. Hindi niya magawang gasgasan man lang ang kotse na iyon. “Aaaargh! Nasaan ba ang amo mo? Siya na lang ang babangasan ko!”  Napapikit siya ng mariin out of frustration.

“Bakit sino ka ba?”

Aba, sumasagot ang kotse! Astig, wala sa sariling side comment niya. Napamulat siya ng mata nang ma-realize niyang hindi kotse ang sumagot kundi ang may-ari nito mismo.

“Anong balak mong gawin sa kotse ko?” The voice came from her back.

Yan, Dana. What now, panindigan mo iyang kalokohan na iyan! She inhaled and faced the guy fiercely. “Buti naman andito ka na.”

Kunot-noong tiningnan siya ng binata. She did the same, slow motion nga lang ang version niya para mas feel na feel niya ang pagtingin dito mula paa hanggang ulo. Gone with his shades, the guy indeed looked regal. Mukhang mayaman, damit mayaman, kutis mayaman, amoy mayaman. Pasok ang binata sa tinatawag ng mga kababaihan at sangkabadingan na fafable. Oy anong pagsilip iyan Dana? Muntik ka na niyang ipadala sa purgatory!

Man-hater alert activated. Bumalik ang asar niya sa binata. Fine gwapo nga ito, pero di pa rin niya ito mapapatawad sa ginawa nito sa kanya.

“I think I don’t know you at all, Miss. Ex ba kita?” curious na tanong ng binata.

Jerk! She rolled her eyes. “Excuse me! Ngayon lang kita nakita sa tanang buhay ko. Ex ka diyan. Di ko papatulan iyang mukhang iyan. Feeling mo naman.”

Seryosong napailing ang binata.

Bakit pati pag-iling nakakagwapo sa asungot na ‘to?    

“Hindi ba?  Sorry for that. Then what’s your problem with my car?” The guy didn’t sound annoyed at all. Sa halip ay parang nage-enjoy itong hina-highblood siya.

 Dana sighed. “Iyong kanina sa Marikina.”

“Huh?”

“Damn! Anong klase ka bang tao? Or elyen ka ba? Muntik ka ng makasagasa kanina, hindi mo man tinigilan at tinanong kung okay lang ako? Palibhasa kasi iyang mga kasing gwapo mo, parepreho lang kayong jerk! Ang yayabang nyo pero mga duwag naman sa responsibilities!”

“Huh? Teka Miss. I don’t know what you are talking about—”

“Anong you don’t know what I’m talking about? Hoy lalaki—”

“Wait—” A ringing tone interrupted. The guy kept distance to answer a phone call.

Nakuyom ni Dana ang kamay sa inis. Hindi pa niya nasasabi ang gustong sabihin sa gwapong binata na driver ng gwapong sasakyan. Inagawan pa siya ng phone call ng moment. Kahit gusto niyang batuhin na lang ng kung anong mahagip ang binata ay pinigilan niya ang sarili. After all, nasa harap sila ng simbahan. Nakakahiya kay Lord. She just waited until he was done with the phone call.

Few seconds after, nagmamamadaling lumapit sa kanya ang binata. “I’m sorry I’m in a hurry.”  Pumunta na ito sa may driver seat.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap!”

Bumunot ito ng kung ano sa wallet. “I had an emergency. Here. Take my Id. I have to go.”

“Ha?” She winced.

In a snap, nakasakay na ito ng kotse. And for the second time, natakasan na naman siya nito.


“ARE YOU enjoying the night Senang Hati?” Hamiel asked the audience. Bilang sagot ay nagsigawan ang crowd. The band took it as yes. It was another successful Senang Hati Anniversary night. Karisma Band was still on stage, assisting the audience who wanted to participate in free jam. Usual, tradition na iyon sa Senang Hati gabi-gabi. Para makapahinga sa pagkanta ang lead vocalist na sina Limien at Hamiel, nagtatawag sila ng audience na kakanta. And the last victim was a Food Corporation young director na ipina-pair up kay Christella na naging tampulan ng mala-highschool na tuksuhan sa loob ng Senang Hati.

“Once again, thank you Mr. Philip Nathaniel Canilao.” Nakipagshakehands si Hamiel kay Phi Nat. “Any message for Christella?”

Yihiii! Nagtuksuhan na naman sa loob ng music lounge. “Ah, Christella, ang cell phone number ko ay 0906—” That earned bunch of laughs from the audience. “Joke lang iyon. Eto totoo na. See you next time, Miss Christella.”

Dana’s most bff just smiled at him. In fairness, may something cute sa kanilang dalawa. At bitter ka na naman, Dana.

“Alright! Who’s next?” tanong ni Hamiel sa crowd.

On cue, namataan niya sa audience ang lalaking sumira sa araw niya kaninang umaga. Lord, bakit andito ang tukmol na yan? Bakeeeet? Hindi pa talaga siya nakaka-move on lalo na pag naiisip niyang muntik ng mabangasan ang pinakamamahal niyang Lex.

   The guy, na hindi niya pinag-aksayahang alamin ang pangalan kahit binigay nito ang Id nito sa kanya, ay nasa gitnang bahagi ng audience na tila saying-saya dahil napapaligaran ito ng mga babae. Lalo tuloy nagbelow zero at umabot ng 6 meters below the ground ang appeal nito sa kanyang mga mata. Nakatagpo na naman siya ng lalaking tulad ng lalaking nang-iwan sa kanya. Walang kwenta at masarap isako ng buhay.

At para tuluyang mabwisit siya, tinitigan pa siya ng binata at kinindata. Grabe, gwapong-gwapo lang sa sarili ang peg? Ipakulam kita diyan nang makita mo ang kaya kong gawin sa’yo. Pero dahil siya ang tipo ng babaeng palaban, inirapan niya lang ito sabay ngiti pagkabaling niya sa kabilang side ng audience. Napanganga na lang siya nang mag-volunteer ito for free jam. Anak ng gasolina naman o!

“Another guy from the audience!” Hamiel announced as the guy reached the stage. “If I’m not mistaken, you are a Castillo right?”

The guy nodded. “Golen.” Nag-shakehands ang dalawa pagkatapos ay sinabi na nito ang gustong kantahin. Lalong nabuwisit si Dana nang sa kanya pa talaga sinabi ng Golen na iyon ang song. “Collide.”

Mas bagay sa’yo ang Sirena, dude! “Collide daw,” walang ganang sabi niya sa mga kabanda. Ibinigay naman ni Hamiel ang mic dito at saka nag-exit ng stage.

Golen smiled at her. Pinagtaasan lang niya ito ng kilay. Napaismid lang ito sabay ngiti sa audience. “I don’t really sing but my staffs are very eager to push me on stage. Wala kayong bonus dahil diyan,” Golen stated.

“Sir, baba ka na. Ako na lang po diyan. Mas kailangan namin ang bonus!”  A girl from the table shouted.

“Wuuu! Bilisan mo nga at baka masipa pa kita pababa ng stage,” pasimpleng hirit ni Dana. They were just inches closer kaya sure siyang narinig nito iyon.

“You don’t have to hate me that much, Miss Ferrer. For a truce, this song is for you.”

“Truce your face!”  asar natugon niya

“What?

“Wala sabi ko, It was them you have to face. Dun ka sa audience humarap.”

Umiling lang ito. Dana started strumming the guitar then Golen started to sing.

The dawn is breaking, a light shining through. You’re barely waking and I’m tangled up in you, yeah.  I’m open, you’re closed. Where I follow, you go. I worry I won’t see your face light up again. Even the best fall down sometimes. Even the wrong words seem to rhyme. Out of the doubt that fills my mind. I somehow find, you and I collide….

 Kinindata siya nito at alam na niya ang mga ganong strategy. Nagpapa-cute ang loko.  And for the nth time, babasagin niya ang trip nito. Tiningnan niya lang ito ng masama, iyong tipong aakalain nitong may balak nga talaga siyang sipain ito pababa ng stage. Pero sa halip na umiwas ng tingin, mas pinili ni Golen na titigan siya habang naggigitara siya at ito naman ay kumakanta na parang bawat lyrics ng kanta ay inaalay nga nito sa kanya.


 I’m quiet you know. You make a first impression. I’ve found I’m scared to know I’m always on you mind. Even the best fall down sometimes. Even the stars refuse to shine. Out of the back you fall in time. I somehow found you and I collide…

  The way he sung that song created a feeling that went straight to Dana’s heart.  Dana felt scared at instant. The last time she felt that way, she fell in love with the wrong guy. No Dana. He was just making something out here. Umeeksena lang iyan. Wag kang papaeksena.  

Umiwas na siya ng tingin bago pa siya magoyo. Pagkatapos nitong kumanta ay nilapitan ito ni Hamiel.

“So that song ay para kanino nga, Golen?”

Hindi na hinintay ni Dana na mapagtripan pa siya ni Hamiel on stage. Wala siyang kawala pag ganon. Nag-excuse siya agad. Nasa side stage na siya nang marinig niya ang sagot nito.

“Kay Dana Ferrer. Alam ko na ang kasalanan ko sa’yo. Sorry naman, hindi ko naman alam na ikaw pala iyong driver nung Lexus at hindi ko rin alam na ninerbyos ka sa little accident na iyon sa kalsada kanina,” kampanteng sagot nito sa tanong ni Hamiel.

I-broadcast ba? Siraulo kang lalaki ka! Napailing siya. Hinawi niya ang kurtinang pumapagitan sa side at center stage. “Ewan ko sa’yo. Bumaba ka na dyan! Ayokong ma-eskandalo!”

Golen looked at her at the side stage and grinned. And over mic, he said something that put her in another complicated situation. “What? Para matapos na ito, magde-date tayo? Sure!”
Napanganga siya kasabay ng mala-highschool na cheer ng audience. I’m dead.  




         PREVIOUS                                                      NEXT

Comments

Ericka said…
Wahh!! I love you fafa Golen!!! wahh next na!! :)))
Welcome back sa pagsusulat, Melai! Madaming nakamiss sa mga story mo at isa ako sa mga 'yon. See you soon!
kiz said…
next pleaseeeeeeeeeeee :)) namiss koto :))
Anonymous said…
sana po may next na....
Anonymous said…
next po??
eingel brixx said…
Lolaaaskiiieee!! Next na. :D balik tambay na nman ako sa blog mo. XD binasa ko ulit ung mga stories mo pra ma refresh sa utak ko. Hahaha. ^^

Excited na ako sa next update. Gusto ko ung character ni Dana. :D

I misa ya lolaskiiee! ^O^

More power and God bless! :)))


-Eingel.ΓΌ

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…