Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Fifteen




Inilagay ni Miguel ang bulaklak sa tabi ng lapida ng kanyang ama. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi noon. “Dad, palagi mong sinasabi na magiging okay lang lahat kasi andyan ka. Sana andito ka para sabihin sa akin na magiging okay din ang lahat. Dad, natatakot na ako ngayong di ko pa rin makita si Jheymie. What if something not good is happening to her right now? Dad, help me please?”

               He blew a deep sigh to remind himself that he should not cry over his father’s grave. “Sige na naman, Dad. Tulungan mo naman po akong hanapin ang apo nyo. Hindi pa ako lubos na nakakabawi kay Jheymie. I really can’t afford to lose her forever.”  Inalis niya ang mga damong nagkalat sa lapida ng libingan ng kanyang ama. “Dad, si Ayen… she’ll be okay right? Wag mo muna siyang kukunin, Dad. Losing another one from our family will entirely break me. Tulungan mo siya, Dad.”

                His visit to his father’s grave ended with prayers for his father’s soul. Nang makapagpaalam sa ama ay pinuntahan naman niya ang puntod ng ina ni Yumi. Ito ang unang pagkakataon na dinalaw niya ang puntod ni Nanay Crista mula nang mamatay ito.

                Inilagay niya ang bulaklak sa tabi ng lapida nito at nagdasal. Pagkatapos ay mataman niyang tinitigan ang lapida. “Nay Crista, sorry po. Hindi ko po naalagaan ng husto si Yumi. Sorry po kung nasa state of catatonic stupor pa rin po siya hanggang ngayon. Hindi ko po ginusto ang mga nangyari. Alam ko alam nyo kung gaano ko kamahal ang anak nyo. Habambuhay ko pong patutunayan iyon sa inyo. Nay, tulungan nyo akong mahanap ang apo nyo. Kailangan ko kayo…”


                His phone rang. His mom was calling. “Yes, Ma.”

                “Pumunta ka muna dito sa hospital… si Ayen…”  

                “May nangyari ba sa kanya?” Kinabahan siya.

                “Gising na siya.”

                He blew a sigh of relief. “Thank God.” Thank you, Dad.  “Sige, Ma. Papunta na ako diyan.”

                Agad siyang nagpaalam sa puntod ni Nay Crista at tumuloy sa hospital kung saan ilang buwang na-coma ang kapatid niya.  Kahit papaano ay nabawasan ang tinik sa puso niya. But the relief was gone when he found out his sister’s condition. Ayen was declared to be in permanent disability. Habambuhay na daw itong bed ridden, hindi na makakapagsalita… hindi na makakabalik sa dati nitong buhay. He felt sorry for his sister but he will never let her feel that way.

                Hinawakan niya ang kamay ng kapatid at tinitigan ito with all his might, letting her feel that no matter what happen they should stay in positive side. “You are strong, Ayen. You are a fighter. You will never fight alone. Remember this hand of your kuya Miguel. I’m on your side.”

                His sister despite of her condition managed to smile as tears fell from her eyes.
               


                “HINDI PO siya ang anak ko.” Umiling si Miguel sa kausap na may dalang baby girl. Hindi ito ang unang pagkakataon na may kumatok sa bahay nila na may dalang baby girl at sinabing ang baby na dala nila ang nawawala niyang anak. Mula nang manawagan si Miguel sa television, radio station pati na rin sa social media at nagsabing magbibigay siya ng malaking halaga sa taong makakakita sa anak niya, madalas ng may dumadating sa office nila o sa bahay na may dalang two years old na baby girl. Karamihan ay oportunista lang. Hindi pa rin siya sumusuko. Lahat pa rin ng paraan kahit desperate ways, pinapatulan niya dala ang pag-asa na matagpuan na sana ang anak.

                He blew a sigh nang palabasin na ng secretary niya ang latest oportunista. Andami ng batang kahawig ng kanyang anak ang nakita niya. But none of them was his daughter. He was certain about it. May birthmark ang anak niya sa likod at tanging sila lamang pamilya ang may alam. That greatly helped them finding the right one.

                Kung bakit naman kasi maraming kahawig ang baby ko.  Malungkot na pinagmasdan niya ang asawa na kasalukuyang binabantayan ng   mga kapatid nito. Maliban sa pag-iyak nito noong isang araw, wala na itong naging ibang reaction. She was still suffering from catatonic stupor.

                “Sir, kape po?” Jeanie interrupted.  Ibinaba nito ang tasa ng kape sa mesa niya. Mula nang magkasakit si Yumi, nagdesisyon siyang sa bahay na lang muna magtrabaho. Dito na  rin niya pinapapasok si Jeanie.

                “Jeanie kung sakaling anak mo iyong nawala, anong gagawin mo?”

                Umupo ito sa visitor’s chair. “Gagawin ko rin ang ginagawa mo. Hindi ako titigil hangga’t di ko nakikita ang anak ko. That’s what responsible parent should do. Huwag kang susuko, Sir. Kahit walang extra na bayad, tutulungan kitang mahanap si  Jheymie. Gabi-gabi ko ngang pinagdarasal na sana makita natin siya.”

“It’s really so damn frustrating and painful.”

“Naiintindihan kita, Sir. Tatay ka, magulang ka. At kahit kailangan, walang ibang hinangad ang isang magulang kundi protektahan, alagaan at siguraduhing ligtas ang kanyang anak. Kailangan ka ng asawa mo at ng baby mo. Magpakatatag ka.”               

                Coming from a mother  for years, Miguel felt like he was talking to his mom and not to his secretary. Halos hindi siya maasikaso ng kanyang ina dahil mas pinili niyang sa bunsong kapatid niya ito magbuhos ng atensyon. But he knew well, his mom was praying with him all this time. “Salamat, Jeanie.”

                Jeanie just smiled and nodded. Nag-ring ang phone. His reliable secretary answered the phone. “I’ll ask Sir Miguel.” Binalingan siya nito. “Sir, Mr. Patrick Saavedra is outside. Dadalawin daw si Ma’am Yumi.”

                He nodded. “I’ll manage.”  Lumabas siya ng office at sinalubong si Patrick.  “Mr. Saavedra, please come in.” He walked with him going to the lanai where Yumi was staying with her sisters.

                “Sa news ko lang nalaman ang nangyari sa kanya kaya naisip ko agad na dumalaw,” sambit ni Patrick. May bitbit itong isang basket ng assorted fruits at isang bouquet ng flowers.

                “Pasensya ka na. Sa dami kasi ng nangyari sa amin, hindi ko na na-contact iyong ibang mga naging kaibigan ni Yumi. Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako, pare. Sabi kasi ng doctor, makakabuti daw sa kanya na nakikita iyong mga taong malapit sa kanya.” 

                “Okay lang. Kamusta ba siya?”

                Umiling si Miguel. “Physical health wise, she’s fine. But she’s still in catatonic state.”

 Finally, they reached the lanai. Pansamantalang pumasok sa loob ng bahay ang mga kapatid ni Yumi para bigyan sila ng privacy.  Hinarap niya si Yumi. Ikinulong niya sa kanyang mainit na palad ang pisngi nito. Like what she usually did, she just looked at him with no emotions at all. “Andito si Patrick, iyong co-teacher mo.” He nodded to Patrick, giving him the go signal to face Yumi.  Binitawan niya ang asawa pero nanatili siyang nasa tabi nito.

                “Hello, Yumi.” Patrick gave the flowers to Yumi.

Dahil immobile nga ito, hinawakan ni Miguel ang kamay nito para matanggap ang bulaklak. In his mere surprise, she grasped his hand. That was another reaction from Yumi since she suffered from catatonia. Napatingin siya sa mukha ng asawa. Yumi’s eyes were like reflecting fears and anger while she was staring at Patrick.  Pasimpleng hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng asawa, letting her feel that she’s fine.  Why are you having a weird reaction towards Patrick? Miguel became more observant. Marami ng dumalaw kay Yumi, pero kabukod tanging dito lamang kay Patrick nagkaroon ng ibang reaction si Yumi.

“I hope you get well soon, Yumi,” sambit ni Patrick dito pagkatapos ay binalingan siya. “Miguel, hindi na ako magtatagal. Dumaan lang talaga ako dito para makita ko siya.”

At the back of his mind, he was asking lots of questions. Dalawa lang daw ang pwedeng maging dahilan ni Yumi para mag-react.  First, it might be out of vivid recall of his consciousness and memories. And second, it might be out of recall from traumatic experience. The last time, he shouted at her unintentionally that made her cry. But now, he believed there’s something he has to figure out.

 “Sige pare salamat.” Ihahatid niya sana si Patrick sa labas ng bahay ngunit tila ayaw ni Yumi na iwan niya ito. Binalingan niya ang secretary. “Jeanie, kindly assist Mr. Saavedra on his way out.”

“Yes, Sir.”

In few more minutes, Patrick was out of the house. Ipinasok na rin niya si Yumi sa loob ng bahay at tinipon ang pamilya sa sala.

“There’s something weird happened,” bungad niya. Nasa sala ang buong pamilya ni Yumi pati na rin ang ever reliable secretary niya.

“Anong nangyari?” tanong ni Tatay Marco. Nilapitan nito si Yumi and checked her vital signs. Binalingan nito si Miguel. “Yumi is now reflecting some emotions in her eyes.”

“Ibig sabihin ‘Tay, gumagaling na po si ate?” tanong ni Aira.

“Progressing. Pero kailangan pa nating i-consult sa doctor niya.”

“I saw fear and anger when she saw Patrick Saavedra,” Miguel declared. Natigilan ang lahat. Kilala ng pamilya si Patrick dahil minsang naging manliligaw ni Yumi ito noong panahong nagkahiwalay silang dalawa. “And for the first time, she was able to grasp my hand na parang takot na takot siya at ayaw niyang iwan ko siya with him.”

“So what’s the point?”  tanong ni Ericka.

“Posibleng may alam si Patrick sa nangyari kay Yumi,” Miguel said.

“Or pwedeng aloof lang siya sa mga lalaki. Most naman ng dumadalaw sa kanya ay babae. At dahil sa nangyari sa kanya, malamang takot siya sa mga lalaki…maliban sa’yo kuya Miguel. Kailangan ba nating pagbintangan agad si Patrick?  Siya ang karamay ng ate ko nung mga oras na wala ka kuya. Hindi ko ma-imagine na magagawa niya yon kay ate.”

“Ericka, tumayo ka sa lagay ko. Kung nakita mo lang ang takot ng ate mo sa kanya. Nakapag-decide na ako. Papaimbestigahan ko si Patrick. Kung sakaling dumalaw uli siya, act like nothing happened but never let her be alone with him.” He pulled Yumi’s wheel chair towards their room. “No one from outside should know about this. Kung gusto nyong gumaling ang ate nyo, please cooperate.”

“I agree with Migs.”

“’Tay, sa tingin nyo pwede ngang may alam si Patrick?” tanong ni Aira.

“Hayaan nating maimbestigahan siya. At kung totoo man, kakalimutan kong naging mabuti siyang tao sa pamilya natin.”


TUMAKBO si Yumi going nowhere in particular. Ang alam lang niya, kailangan niyang makalayo bago pa magbago ang isip ni Jay na pakawalan silang mag-ina. Hindi niya ininda ang mga sugat na natamo. Maingat niyang  buhat-buhat ang anak habang tumatakbo. She had to find a rescue.  It took her half an hour running and running until she reached the main road. Ang problema lang, walang dumadaang sasakyan. Nevertheless, hindi siya tumigil tumakbo hanggang sa may nakita na siyang paparating na sasakyan.

Pinara niya ang kotse at humingi ng tulong. Nagkataong kilala niya ang sumaklolo sa kanilang mag-ina. Inakala niyang ligtas na sila…

Hanggang sa napansin niyang iba ang way na tinatahak ng kotse. “Saan tayo?”

“Just sit back, Yumi.”

                “Ihatid mo na lang ako sa bahay.”

                Seryosong binalingan siya nito, not the typical expression of this guy she knew. Kinabahan siya. “Not unless I get what I need from you.” Tuluyan na siyang natakot nang pumasok ang kotse sa kalsadang halos walang mga bahay at  nasa kalagitnaan ng gubat.

                “Anong gagawin mo? Anong ibig sabihin nito?”

                “This is the real me, Yumi.”

                Huminto ang kotse sa gitna ng gubat na may kubo. Puwersahan siyang pinababa nito ng kotse at kinaladkad. Hindi niyang nagawa lumaban o tumakas dahil pinoprotektahan niya ang anak para hindi ito masaktan. Sumigaw siya, humingi ng tulong pero tinawanan lang siya nito.

                “Kahit sumigaw ka pa nang sumugaw, walang makakarinig sa’yo. Akin na iyang bata!”

                “No!” Ginawa niya ang lahat para hindi nito mahawakan ang anak niyang nagsimula ng mag-iiyak sa takot.

                “Ibigay mo sa akin ang bata!” He shouted then forced her to let go of the baby girl. The next thing she knew, he succeeded. Inilagay nito ang bata sa isang sulok ng dampa at saka siya binalikan. He forced to kiss her… to have her. At kahit anong iwas niya at palag niya, wala siyang nagawa…

                “Wag!!!” Yumi screamed out of nightmare. Nagising siya in the middle of the night and clueless of everything that surrounded her. Pabalikwas siyang bumangon sa kama. She felt all the fears that she felt when that scene happened. She was drawn by panic kaya nagsisigaw siya. “Tulungan nyo ako! Tulungan nyo kami!”  She wasn’t aware where she was or why she was in that room either. Ang huli lang na naaalala niya, iniwan siyang wasak ng lalaking iyon sa kubo at tinangay nito ang kanyang anak.

                 Out of fear, out of too much emotions… out of hopelessness, she cried hard. Nilibot niya ang kanyang paningin, pilit inaalala kung paano siya napunta sa silid na iyon. Anong nangyari sa akin? Nasaan ako?”  Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Nasaan ang anak ko?  

                “Yumi?” Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking agad yumakap sa kanya mula sa kanyang likod. Nabigla siya kaya nagpumiglas siya dito. “Yumi, it’s me, your husband.” Humarap ito sa kanya at ikinulong ang kanyang mga pisngi sa mainit nitong palad. “Calm down, okay? Ligtas ka na. Ako si Miguel, ako ang asawa mo.”

                Matagal niyang tinitigan ang lalaking nasa harap niya. Worries and care were reflecting in his eyes. It wasn’t like the pair of eyes of the man who ruined her life.

                “Yumi, hindi mo ba ako naaalala?”

                Muli niya itong tinitigan, pinilit kilalanin hanggang sa bigla na lang parang nag-flashback sa isip niya ang lahat. This guy was the one who showed her different versions of love… the guy who put all the effort just to have her back…Miguel was the guy she planned to spend the rest of her life with.

                “Miguel?”  she softly uttered.

                Teary-eyed na ngumiti ang asawa niya at niyakap siya nang mahigpit. “Thank God. You finally recognized me.”

                All of a sudden ay nakaramdam siya ng security. Alam niyang ligtas na siya. That warm hug from her husband made her feel secured. She embraced him tight and cried her heart out.

                “Yumi… I’m sorry I wasn’t there. Pero pinapangako ko sa’yo na hinding-hindi na iyon mangyayari.”

                She cried hard until she remembered her child. “Si Jheymie?”

                 Umiling I Miguel.  “I’m sorry—”

                “Nasaan ang anak ko?” Nagpumiglas siya at nagmamadaling lumabas ng kwarto at pumunta sa room ni Jheymie.

                “Yumi, wait!” He followed her.

                But he wasn’t able to stop her. She felt her world crashed when she found the room dead empty. Umiyak lang siya nang umiyak out of frustration.

                “Hindi ko pa siya nakikita. I’m sorry.” Niyakap siya ni Miguel mula sa likod. “Ginagawa ko ang lahat, Yumi. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita.”

                But that didn’t calm her. Humigpit ang yakap sa kanya ng asawa waring pinaparamdam nitong hindi siya nag-iisa sa pagsubok na pinagdaanan. He felt what she felt. She spent time crying. They stayed that way for couple of hours.  Miguel was hugging her with all his heart while she was crying in too much emotion. Until, she felt asleep that way.

                 
                MIGUEL was so damn worried while walking back and forth along the hallway outside his home office. Kasalukuyang nasa loob ng office ang mga imbestigador at kausap ang asawa niya.  Andoon din nakabantay ang ama ni Yumi at ang doctor nito upang masigurong hindi mapapalala ng imbestigasyon ang condition ng kanyang asawa. Yumi started regaining her consciousness after she had a nightmare few weeks ago. And that’s also the night after Patrick’s visit. Bagama’t hindi niya matanong directly ang asawa dahil natatakot siyang makasama iyon dito, malakas ang kutob niya.

                Inihanda nila si Yumi para sa interrogation ng pulis. He knew this would be difficult to her. Gusto sana niya itong samahan sa loob ng room ngunit inabisuhan siya ng mga pulis na mas makakabuting hindi niya ito samahan. Ang ending,    heto siya sa hallway, palakad-lakad, pasilip-silip sa pintuan, nagdarasal at nag-aalala.

                “Kuya, sa tingin mo kaya na ni ate?” tanong ni Ericka.

                “Sana…para matapos na rin ito. Siya lang ang makakapagbigay ng lead. Siya lang ang makakapagsasabi kung sino ang gumawa nito sa pamilya namin.” He sighed. 

                Lumabas ang isa sa imbestigador. “It was confirmed, Mr. Catacutan. Si Patrick Saavedra nga ang dumukot sa iyong mag-ina matapos silang pakawalan ng first suspek. Magpapalabas na kami agad ng warrant of arrest para maimbitahan namin siya sa presinto.”

                Bumangon ang galit sa puso ni Miguel. Ilang taon niyang kliyente si Patrick. Mabuting tao ang pagkakakilala niya dito. Iyon pala’y halos wala rin itong pinagkaiba sa dating tauhan na si Jay.  

                “Ate, Kuya…” Aira entered rushing in. “Nasa labas si Patrick, bibisita daw uli.”

                “What?”

                “The nerve of that bullshit.” Nakuyom niya ang palad. “But good enough…” Binalingan niya ang imbestigador. “Anong kailangan naming gawin?”

                Madaliang binigyan sila ng instructions ng pulis. Pinabalik agad ng pulis sina Aira at Ericka sa gate para papasukin si Patrick and act like nothing happened.  They prepared Yumi to act like she was still in catatonic stupor condition. The investigators prepared for the entrapment. When everything was settled, the game started.

                “Miguel… natatakot ako.”

                “Don’t worry, Yumi. I’ll stay at your side. Your dad will be there too. Hinding-hindi ka na niya masasaktan.” He kissed on her head then pushed the wheelchair. “I love you.”

                “Love you, too.” Yumi sighed and prepared her act.

                Dinala niya ang asawa sa lanai kung saan pinatuloy nina Ericka at Aira si Patrick. The guy seemed to be clueless of the set up.

                “Pare.” Casual na nakipagkamay si Miguel dito. “Napadalaw ka ulit.”

                “Yes, just wanted to see her again and to give her these stuffs from her previous students.” Iniabot nito sa kanya ang isang box.

                “Thanks, have a seat.”

                Hinayaan niya itong kausapin ng kung anu-ano sa asawa niya na pawang wala itong kasalanan sa misis niya. 

                His phone rang. Hindi naka-register sa cell phone niya ang tumatawag. “Excuse me, I have to answer this call.” Pumalit sa pwesto niya ang ama ni Yumi.  Pumasok siya sa loob ng bahay para sagutin ang tawag.

                “Mr. Miguel Catacutan. Ako po iyong katulong ni Mr. Patrick Saavedra. Nasa akin po ang anak nyo, Sir. Tinakas ko lang po siya. Andito po ako sa labas ng bahay nyo.” Bakas ang takot sa boses nito.

                Without even thinking twice, tumakbo siya palabas ng bahay nila. Doon ay nakita niya ang isang babae bitbit ang kanyang anak. Aligaga ito, palingon-lingon sa paligid at tila takot na takot. Hindi na siya, nag-isip o nagduda. Agad niyang tiningnan ang likod ng bata at halos mapaiyak siya nang sa wakas makumpirmang iyon nga anak niya.

                “Jheymie, anak.” Agad niyang binuhat ang bata. Nangingilid ang luhang pinasalamatan niya ang babaeng nagdala ng baby niya. “Maraming salamat.”

                “Wala po iyon, Sir.” Biglang natakot ito nang may makita ito sa likod niya. “Si Sir Patrick!”

                Agad ng tumakbo palayo ang babae ngunit hindi na nito nagawang makatakas. She was shot by someone from his back. Kinabahan na siya.

                “Wag ka munang magsaya, Miguel.”

                Naramdaman niya ang dulo ng baril sa ulo niya. Natigilan siya. He secured his daughter. Para kung sakaling paputukan nga ni Patrick ang ulo niya, sigurado siyang mabubuhay ang anak niya.            

                “Saavedra, ibaba mo ang baril.”

                Before he noticed it, napapalibutan na sila ng pulis. Nakatutok ang baril ng mga ito kay Patrick habang nasa ulo pa rin niya ang  baril ng huli.

                “Hindi pa ako tapos. Huhulihin nyo rin naman na ako, lulubusin ko na. Ibigay mo sa akin ang anak mo, Miguel.”

                “Wala kang karapatan sa anak ko, Patrick.  Ako lang ang pwedeng humawak sa kanya.” Narinig niyang kinasa nito ang baril.

                “To give you an idea, dalawang baril ang hawak ko. Ito ang isa,” itinuon nito ang baril sa ulo niya, “At ang isa ay pwedeng-pwedeng pumatay sa pamilya mo sa loob. Mamili ka, ibibigay mo sa akin ang anak mo, pauulanan ko ng bala ang pamilya mo sa loob, o baka mas gusto mong mauna ka na sa langit at doon na lang kayo mag-family reunion?”

                “Di mo ba nakikitang marami din baril ang nakatutok sa’yo?”

                “Wala naman akong pakialam. I just don’t get it. Carlene was mine, until you entered the scene. Iniwan niya ako para mahalin ka. Then after I moved on and found Naiomi, she ended choosing you. Hindi ko matanggap na namatay si Carlene dahil sa’yo. It shouldn’t happen to her if only she chose me over you. Kaya wag kang magtanong. Hindi ako natatakot mapatay ngayon. Pero bago pa mangyari iyon, sisiguraduhin kong  hinding-hindi ka na magiging masaya. In that way, I can give justice to Carlene.”

                He was surprised by the revelation. Hindi niya alam na related pala si Carlene kay Patrick. “Patayin mo na ako. Ako lang naman ang dahilan di ba? Ang anak ko, may magandang future pang naghihintay sa kanya, and so as my wife.”

                “I still want you to suffer more. Akin na ang anak mo.”

                “Patayin mo na lang ako. Mamamatay muna ako bago mo siya makuha.”

                The next thing he knew, may narinig na siyang putok ng baril. He took the opportunity to run and save his daughter’s life. Nagawa siyang mahabol ni Patrick pero hinding-hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari. Lakas-loob na nanlaban siya. He succeeded. Sa pangalawang pagkakataon ay nakawala siya. Umiiyak na sa takot si Jheymie kaya niyakap niya ito ng mas mahigpit dala ang dasal na sana’y maramdaman ng anak na gagawin niya ang lahat mailayo lang ito sa panganib.

                “Baby, don’t worry. Hinding-hindi kita pababayaan.”

                “Miguel!”  Napahinto siya nang marinig ang sigaw ng asawa.

                And it was too late. A car was coming to hit him. Tumalikod siya para protektahan ang anak. He felt the impact. And the next thing he knew he was already lying in the middle of the road. He felt his own blood flowing. Niyakap niya ang anak. He felt like crying when he noticed that his daughter had wounds too and unconscious.

                “I’m sorry, Jheymie.”

                “Miguel!” Kita niya sa mata ng asawa ang takot at panic.

                Agad siyang dinaluhan ng asawa. He took his strength para ibigay dito ang anak nila. “Si Jheymie, unahin mo siyang dalhin sa hospital…”  Hindi na niya namalayan kung ano pa ang sunod na nangyari. Everything turned black at all.





PREVIOUS                                                       NEXT

Comments

Selena said…
Aaawww... :(
kiz said…
arukupo jusko.. ang sakit sa dibdib ng mg scenes T_T next na ate!!! :)
Nonziewonzie said…
huhhuuhu!!ano na ang mangyayari sa last chapter?sana buhay pa si miguel at baby jheymie:( next chapter na pohhh....
Anonymous said…
speechless.............. huhuhuhuuhuh

cutiediba
Naiomi Catacutan said…
Speechless. Sakit sa dibdib! Huhuhuhuhuhu :( Migueeeellll! T____T
grabe naman tragedy ito...
histanika said…
nakakabitin naman po :((((

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…