Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Fourteen




“Anong sinasabi nyong hindi nyo pa pwedeng hanapin ang mag-ina ko? Isn’t it clear enough that my wife and daughter are missing right now?!”

                Kasalukuyang nagwawala na si Miguel sa presinto sa Cebu. Wala ng paglugaran ang halu-halong panic, takot, pag-aalala na nararamdaman niya sa pagkawala ng mag-ina niya. At ang mga pulis na kausap niya ngayon ay parang walang pakialam at kampante pa.

                “Sir, wala pa pong twenty-four hours na nawawala ang mag-ina nyo. Sumusunod lang kami sa standard operation procedure, Sir,” anang pulis na kausap niya.

                “Damn that standard procedure! Hindi nyo ba naiintindihan ang sinabi ko? May kumuha sa mag-ina ko. At pag di pa tayo kumilos ngayon, we never know baka kung ano na ang ginawa niya sa pamilya ko.”  Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na sapakin ang pulis na kausap.

                “Sir, nakita mo ba na kinuha ang mag-ina mo?” sabat na tanong ng isa pang pulis.

                “No.”

                “Iyon po ang punto namin dito, Sir. Hindi nyo naman nakitang may pwersahang tumangay sa mag-ina nyo. Maari pong hindi kidnapping iyon. Ni wala po tayong suspek. Hindi rin po natin alam kung ano ang totoong nangyari sa mag-ina nyo—”

                “It’s your job! Kaya nga kayo pulis!”


                “Sir, pwede rin po kasing kusa kayong iniwanan ng mag-ina nyo—”

                “Do you think you’re making sense here?—”

                “Miguel!” Dumating na si Hamiel mula pa Maynila at inawat siya sa pakikipagdebate sa mga pulis.  “Let me talk to them. Hindi lahat ng bagay pwedeng daanin sa init ng ulo, okay.”

                Frustrated na umupo siya sa waiting area ng presinto at hinayaan na lang niyang ang kuya niya ang makipag-usap sa mga pulis. Sa tanang buhay niya, ngayon lang niya naramdaman na sa kabila ng lahat ng meron siya, may mga bagay pa rin na kahit anong pilit niya, wala siyang magawa.  Tulad ngayon, kailangang-kailangan siya ng kanyang mag-ina, pero heto siya ngayon…walang magawa kahit magmakaawa pa siya sa mga pulis.

                Maya-maya pa’y tumabi na sa kanya ang kuya niya. “They’ll be starting the search in an hour. Mag-conduct lang daw sila ng briefing and planning. Sinabi ko na rin na kumuha ng detalye sa kulungan kung saan naroon si Carlene. All we have to do now is to wait.”

                “Salamat kuya.”

                Tinapik nito ang balikat. “You had through a lot, you can pass this one too.”

                Umiling siya. “Wala na akong tiwala sa sarili ko ngayon kuya. Wala akong silbi. Kamalasan lang ang dala ko sa lahat ng taong pumaligid sa akin.”

                “Don’t say that. Dad will not be happy hearing your words and watching you the way you are today. Wag kang susuko. You love her so much, don’t you?” Miguel nodded. “Then fight for her. Though clueless tayo sa situation ni Yumi and Jheymie ngayon, sigurado akong ikaw din ang pinagkukunan ni Yumi ng lakas ng loob.  Hangga’t lumalaban  siya, lumaban ka rin.”

                May point ang kapatid niya. Miguel kept his brother’s words in mind. Ang mga sumunod na minuto ay nilaan na lang ni Miguel sa pagdadasal habang hinihintay na matapos ang meeting ng mga pulis.

                “O, Sir Miguel. Anong ginagawa mo dito?” kaswal na tanong ni Jay kay Miguel nang pumasok ito sa police station.

Bumangon ang kapraningan niya. Agad niya hinablot ang kwelyo ng oplo shirt na suot nito sabay tulak dito sa pader. “Nawawala ang mag-ina ko. Saan mo siya tinago?”

“Sir, wala akong alam sa sinasabi mo,”seryosong sagot nito.

But he knew, he might be one of the suspects. He pushed him against the wall even harder. “Wag tayong maglokohan. Imposibleng hindi mo naisip gumanti. Ilabas mo ang mag-ina ko.”

Itinulak siya nito. “Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung gusto kong gumanti, sana pinatay ko na lang ang mag-ina mo noong araw na namatay ang pamilya ko.”

Inawat na sila ni Hamiel. “It’s not the right time to fight.” Binalingan siya nito. “Migs, sampung taon na nating empleyado si Jay. Hindi siya ang may gawa nito.”

Still, he observed the way Jay reacted on the situation. At sa loob ng sampung taon, ngayon lang siya naging di sigurado sa pagkakakilala niya dito. A part of his senses was telling him that this guy should not be trusted anymore.

“Nagsisimula na bang maghanap ang mga pulis? Tutulong ako,” offer ni Jay.

Umiling siya. “For what? Para ma-redirect ang search operation at masiguradong hindi matutunton ang mag-ina ko?” sarkastikong hirit ni Miguel.

“Kung ako ang kumuha sa mag-ina mo, sa tingin mo ba magpapakita pa ako? Nagpunta ako dito para lang alamin ang progress ng kaso ng  mag-ina ko. Marunong naman akong tumanaw ng utang na loob. Sampung taon, kayo ang bumuhay sa akin at sa pamilya ko. Hindi naman siguro masama kung tumulong ako ngayon matapos nyong bigyan ng disenteng libing ang mag-ina ko.”

“Hindi ko na kailangan ang tulong mo.”

“Sige.” Bigla na lang din itong umalis nang hindi niya ito payagang sumama sa search.

“You really have a hard treatment to people,” umiiling na comment ng kapatid niya. “You’re like Dad in that way.”

Napakamot na lang siya ng ulo dahil totoo naman yon. Kung may namana siya sa ama niya ng 100% iyon ay ang pagiging arrogant niya. Finally, lumabas na ang mga pulis at binigyan na sila ng detalye kung paano nila hahanapin ang mag-ina niya.

          Nilibot nila ang buong bayan, pati na rin ang mga kalapit na baryo. Naghiwalay silang magkapatid ng sinamahang grupo upang maging mas madali ang paghahanap. Bilang na bilang niya ang bawat minutong lumilipas at sa bawat pagpatak ng oras at wala siyang maaninag na progress sa search operation ay lalong kinakain ng takot ang puso niya.
         
       His phone rang. “Yes, kuya. May progress na ba?”

                “With your wife and child, wala pa. But bro, we have to go to Manila right away.” Panic was in his brother’s voice.

                Kinabahan na naman siya. “Why?”

                “Naaksidente si  Ayen at Vlad. Critical sila.”         

                And once again, he felt his entire body went numb out of fear.


                MATAMANG nakatitig si Miguel sa altar ng chapel sa loob ng hospital kung saan naka-confine sa ICU ang kapatid niyang bunso at ang asawa nito. According sa initial investigation ng mga pulis, sinadya ang nangyari. May nagputol ng break plug ng kotse ng kanyang kapatid.

                Lord, isn’t it too much for our family?  Hirap na hirap na ang kalooban niya. Agaw-buhay ngayon ang kanyang kapatid at ang asawa nito ay kinailangang putulan ng binti para maligtas sa panganib. Both were still unconscious and in critical condition. Nawawala pa rin ang mag-ina niya, anytime ay posibleng mawala ng tuluyan ang bunsong kapatid niya. At that very moment, hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin.

                He found himself kneeling on the pew. He closed his eyes and prayed. I know You know that I stopped being a church goer when You took Dad away from us. I rarely prayed too. But Lord, please let my sister live. Her baby needs her. Make Mama stronger.  I can’t stay here long. I have to find my wife and baby too. Lord, please guide me. Ngayon lang po ako hihiling sa Inyo. Makita ko na sana ang mag-ina ko at maging okay na sana si Ayen at ang asawa niya.  

                He stayed that way, kneeling, asking, begging to God until he gathered some strength and will to move forward. Nag-sign of the cross siya at saka bumalik sa may ICU. Nilapitan niya ang kuya at mama niya.

                “Ma, I wanted to stay but I’m sorry…” He felt tears falling from his eyes. “I have to find my wife and my baby.”

                Niyakap siya ng kanyang ina. “Go ahead. Mag-iingat ka lang Miguel. Kapag may nangyari pa sa’yo, hindi ko na alam ang gagawin ko.”

                “Mag-iingat ako, Ma.”

                “I’ll go with you,” offer ni Hamiel.

                “No, kailangan ni Mama ng kasama dito and it should be you.” Niyakap siya ng kuya niya. “I call you once in a while. Kung sakaling magising si Amhiela, tell her that I do love her so much kahit palagi kaming magkaaway.”

                Dala ang tatag ng loob na  hiningi niya kay Lord, una siyang pumunta sa prime suspect. But he was surprised of what he found out.

                “How did it happened?” tanong niya sa warden ng kulungan kung saan nakakulong si Carlene.

                “May bumisita sa kanya na lalaki. Nang-amok, nakapang-agaw ng baril sa pulis pagkatapos wala ng nakapigil nang barilin niya sa ulo si Carlene.”

                “Sino iyon?” Lalong tumibay ang hinala niya nang malaman niya kung sino ang pumatay kay Carlene.

                Halos wala sa sariling lumabas siya ng kulungan. This is really too much. Inilagay na nga ni Jay ang hustisya sa kamay nito. Kaya naman lalong naniniwala siyang alam nito kung nasaan ang mag-ina niya.  I have to find him.  Ayon sa mga pulis, nakatakas pa ito sa kabila ng dami ng pulis sa kulungan na iyon.

                His phone rang. “Yes, inspector?”

                “Sir, na-recover na namin ang asawa nyo. Dinala na namin siya sa hospital. Wala siyang malay-tao nang makita namin siya sa isang abandoned na dampa sa isang baryo.”

                Thank you po, Lord.  Nabawasan ng bahagya ang takot niya sa puso ngunit napapangibabawan pa rin ng pag-aalala. “Okay, pabalik na ako ng Cebu. Maraming salamat.”

                “May isa  lang pong problema, Sir.”

                “Ano?”

                “Wala po ang anak nyo—”

                “Ano?”

                “Pero wag kayong mag-alala, Sir. Hindi kami titigil hangga’t hindi namin siya nakikita.”

                Muling nadoble ang takot na inakala niyang nabawasan na. Nagmadali siyang makakuha ng flight pabalik ng Cebu. Nang makarating siya doon ay agad siyang sumugod sa hospital kung saan nila dinala si Yumi.

                Naglahong parang bula ang lakas ng loob niya nang makita niya si Yumi pagkabukas niya ng ward kung saan ito naka-confine. Agad niya itong nilapitan at hinalikan sa noo. She was still unconscious. “Yumi, anong ginawa niya sa’yo?” He asked though he knew she won’t respond at the moment.

                Mataman niyang pinagmasdan ang mukha nito. May mga sugat at pasa ito sa mukha, tanda na minaltrato ito. Pakiramdam niya ay dinudurog ng paunti-unti ang puso siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya. Ni minsan ay hindi niya hinayaan kahit ang magkaroon ng maliit na galos si Yumi mula nang mahalin niya ito. Masaktan na siya, wag lang masaktan ito. Hindi niya matanggap na may ibang taong nangahas saktan ang asawa niya. Tiningnan niya ang mga braso nitong may mga galos at pasa rin. Ganoon din ang binti nito. Hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha.

                Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. “I’m sorry, Yumi. Wala ako sa tabi mo. Hinding-hindi na ito mauulit.”

                “Mr. Catacutan?”

                Pinawi niya ang luha at hinarap ang doctor ni Yumi. “Kamusta doc ang asawa ko?”

                “May mga sugat siya at bruises but we’re glad wala kaming nakitang internal hemorrhage. She’s under sedatives now so that she can rest well. Mr. Catacutan, there’s something you really have to know and this is quite sensitive topic about your wife’s condition.”

                “Ano iyon?”

                “We found lacerations in her and those are signs that your wife was forced or raped. I’m sorry about that, Mr. Catacutan.”

                Nakuyom niya ang palad. Bumangon ang galit sa kanyang puso. Kung hindi niya matanggap na may taong nanakit sa asawa niya, mas lalong hindi niya matanggap na may umabuso dito. Naiwan tuloy siyang tulala, umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin nang iwan siya ng doctor. Right at the moment, gusto niyang pumatay… gusto niyang patayin kung sinuman ang may gawa nito sa asawa niya, mapatunayan mang si Jay iyon o ibang tao.

                Muling bumukas ang pinto at humahangos  na pumasok ang mga kapatid ni Yumi at ang ama ng mga ito.

                “I’m sorry po, ‘Tay,” sambit niya na nagpalingon ng mga ito sa kanya. Lumuhod siya sa harap ng pamilya ng asawa niya. Hindi niya natupad ang pangako niya sa pamilya nito na hindi na mauulit ang tragedy sa pamilya nila. He was a big failure and he was ready to face all the insults and blames from them. “I’m sorry po.”

                “Kuya Miguel, wag ka ngang ganyan. Di ka naming sinisisi,” sambit ni Ericka.

                “Oo nga kuya, magiging okay din lahat,” dagdag  pa ni Aira.

                Pero hindi iyon nagpatinag sa kanya sa pagluhod. Seryosong nakatingin lang sa kanya ang ama ni Yumi. At kung dati ay takot siya sa Dad niya, di hamak na mas takot siya kay Tatay Marco.

                “Anak, tumayo ka nga.” Saka lang siya tumayo mula sa pagkakaluhod. “Tama sila, di ka namin sinisisi. Nang pakasalan ka ng anak ko, kasama niyang pinakasalan sa’yo ang mga ganitong bagay na pwedeng mangyari nang di inaasahan. Wag mo kaming isipin. Iyong apo ko, nawawala pa. Iyon ang isipin mo.”

                He nodded. “Salamat po, ‘Tay.”

                Niyakap siya nito. A fatherly hug. Tila muli niyang naramdaman ang yakap ng ama na nagsasabing wag siyang mag-alala dahil andon ito sa tabi niya. “Kami na ang bahala kay Yumi. Promise mo lang na maiuuwi mo ang apo ko.”

                “Promise, ‘Tay.” Lumapit siya sa nahihimbing na asawa at hinalikan ito sa noo. “Sana pagbalik ko, gising ka na. I love you, Naiomi. Ibabalik ko si Jheymie, pangako.”


                KUYOM ni Miguel ang palad sa ilalim ng mesa habang kaharap si Jay nang dalawin niya ito sa presinto. Ayon sa mga pulis, kusang sumuko ito para harapin ang kaso nito sa pagpatay kay Carlene. Seryoso lang ang mukha nito, tila walang bahid ng pagsisisi sa kasalanang nagawa.

                “Ano bang pinunta mo dito? Tatanungin mo ako kung bakit ko pinatay si Carlene? Siningil ko lang siya. Buhay ng pamilya ko ang kinuha niya,  buhay din niya ang naging kapalit. Sira na ang buhay ko dahil sa nangyari kaya di na ako natakot sirain ng tuluyan ang buhay ko.”

                “Ikaw ang kumuha sa mag-ina ko.”

                “Oo,”matapang na sagot nito.

                Lalo siyang ikinuyom ang palad sa pagpipigil na maupakan ito. Kung hindi lang siya makukulong din doon kapag nag-create siya ng gulo baka kanina pa niyang nasuntok ito mailabas lang ang laki ng galit niya dito. Napamura siya. “Nakaganti ka na, masaya ka na ba?  Kinuha mo na nga ang mag-ina ko, sinaktan mo pa siya.”

                “Walang-wala pa iyon kumpara sa naging hirap ng asawa’t anak ko.”

                “Hindi kami ang pumatay sa mag-ina mo!”

                “At hindi dapat ang mag-ina ko ang napatay nila kundi mag-ina mo! Lumagay ka sa posisyon ko, Sir Migs. Pasalamat ka pa nga pinakawalan ko pa ang asawa’t anak mo. Kasi kung di ako natalo ng konsensya ko, itutulad kita sa kamiserablehan ko.”

                “May konsensya ka pa sa lagay na iyan? Pinagsamantalahan mo ang asawa ko! Di mo man lang ba naisip ang asawa mo?”   

                Napakunot ang noo nito. “Hindi ko siya pinagsamantalahan, Sir Migs.”

                “Utang na loob, aminin mo na lang  ang totoo. Tutal, mabubulok ka na dito, maging tapat ka na lang.”

                “Hindi ko siya pinagsamantalahan. Nabugbog ko siya nanlaban siya kaya mas nasaktan ko siya pero hindi ko ginawa ang binibintang mo. Pinakawalan ko na sila noong isang gabi bago ko patayin si Carlene. Hinayaan ko siyang tumakbo palayo kasama ang anak nyo. Iyon ang totoo.”

                “Nasaan ang anak ko?!”

                “Hindi ko alam! Hindi ka ba nakikinig? Magkasama sila nang pakawalan ko siya.”

                Miguel felt so hopeless when he went out of the precinct. Lalong gumulo ang lahat dahil sinabi ni Jay.

                “Kung totoo ang sinabi ni Jay, it means may ibang gumalaw sa asawa ko na posibleng siya ring kumuha sa anak ko. Ganon ba iyon, inspector?” tanong niya sa pulis na kasama niyang mag-interrogate. 

                “Posible, pero possible ding nagsisingungaling lang siya. Ipagpapatuloy namin ang investigation habang hinahanap namin ang anak mo.”

                 He sighed. Pakiramdam niya, habang tumatagal mas lumalabo pa ang chance na matagpuan niya si Jheymie. He was just praying that wherever his daughter was, he hoped that she’s safe.

                Matapos  ang interrogation kay Jay ay pinagpatuloy nila ng mga pulis ang paghahanap sa anak niya. Bumalik sila sa lugar kung saan natagpuan ng mga pulis ang misis niya. Umaasa na baka may mga karatig bahay na nagmagandang loob na alagaan ang anak niya. Matyaga siyang nagbahay-bahay. Hindi siya napagod magtanong ng paulit-ulit sa bawat bahay na pinuntahan nila, ngunit wala ni isa man ang nakakita sa kanyang anak.

               “Sir, ginabi na tayo. Bukas na lang natin ituloy ito.”

                Bagsak ang balikat na tumango na lang siya. Nasa byahe na sila pabalik ng city nang tumawag ang ama ni Yumi. “Tatay Marco, bakit po? May nangyari p okay Yumi?” nag-aalalang tanong niya agad nang sagutin niya ang tawag.

                “Bumalik ka muna dito sa hospital anak. Nagising na siya.”

                Tila nabunutan siya ng tinik sa good news na narinig. “Diyan na po ako didiretso.Nasa byahe pa po ako.  Kamusta po siya?”

                “Kailangan nating pag-usapan ng personalang condition niya.”

                Kinabahan siya sa sinabi ni Tatay Marco. “Sige po.”


                MALUHA-LUHA si Miguel habang pinagmamasdan niya si Yumi. It’s been two days since she woke up but still Miguel wanted to cry every time he looked in his wife’s pair of eyes.  Iyon ang araw na ilalabas nila sa hospital ang asawa. Nakaupo ito sa kama at nakatingin lang sa kawalan. Unfortunately, Naiomi was in state of catatonic stupor. Bagama’t gising ito ay para naman itong walang malay. Hindi ito kumikilos unless may taong magbibigay ng external stimuli para ito ay gumalaw. She rarely moved at all. At tuwing titingnan niya ang mga mata nito parang hindi siya nito nakikita.

                Ikinulong niya ang mukha nito sa mainit niyang mga palad at tinitigan niya ito. bagama’t nakatingin din ito sa kanya, walang mababasang kahit anong emosyon sa mga mata nito. “Mahal na mahal kita, Yumi. Hindi ko alam kung paano pero kakayanin natin itong pagsubok na ito. Lalaban ka, okay? Gagaling ka.” Hinalikan niya ito sa labi. Bahagya siyang nalungkot nang hindi rin ito nag-respond. “Ibabalik ko si Jheymie. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita.”

                Nahihirapan ang kalooban niya, ngunit wala siyang magawa. Kung maari lamang na makipagpalit ng posisyon, simula pa lang ng paghihirap nito ay makikipagpalit siya. Ngunit sadyang ay pangyayari sa buhay na di kayang baguhin, ipilit man at gustuhin natin.

                Lumipas ang ilang buwan. Walang nagbago sa condition ni Yumi. Minsan ay titingin ito sa kanya pero wala pa ring emosyong makikita sa mga mata nito. Hangga’t kaya niya, personal niya itong pinapakain, pinapaliguan… inaalagaan.  Inaasikaso muna niya ito bago siya umalis para hanapin ang nawawala pa ring anak. Kapag wala siya, ang tatay nito ang umaasikaso dito.

                Hindi siya humihinto kahit ang mga pulis ay tumigil na as actual search para sa anak niya. Kahit malaki na ang nagagastos niya sa pagbabayad ng mga private investigators ay hindi pa rin siya tumitigil. Kahit ano gagawin niya, matagpuan lang ang anak. Kahit mga investigators ay nahihirapang hanapin ang anak niya dahil sa kawalan ng lead lalo na ngayong napatunayan na ng korte na nagsasabi ng totoo si Jay.  Hindi nito ginalaw ang asawa niya at pinatakas nito ang mag-ina niya ng magkasama. May ibang taong involved na siyang may dahilan kung bakit nasa state of catatonic ang asawa niya. Pero walang lead ang imbestigador. 

                Walang amang mapapagod para sa kapakanan ng pamilya. Kaya kahit hindi na siya makakuha ng sapat na tulog sa pagsasabay-sabay ng paghahanap sa anak, pag-aalaga sa asawa, at pagtatrabaho, hinding-hindi siya susuko. Kahit pa nga ba madalas ay umuuwi siyang bigo. Tulad ng araw na iyon.

                Mainit na ang ulo ni Miguel dahil dalawa sa investigators na binabayaran niya ang nag-resign. Wala na daw kasing patutunguhan ang paghahanap sa anak niya. Ang isa pa dito ay nagsabing nagsasayang lang daw siya ng pera. Wala kasi silang lead. Naghahanap lang sila by chance. Aminado siyang hopeless ang sitwasyon pero mas ayaw naman niyang huminto sa investigation. If only Yumi can tell what happened. Pero hindi niya makausap ang asawa. Hindi pa ito nagsasalita mula ng magising ito.

                Pinuntahan niya ang asawa niya sa kwarto. Nakaupo ito sa sofa, still nakatingin sa kawalan. Lumuhod siya sa harap nito. Humalik siya sa noo nito at tinitigan niya ito. “Yumi, you have to talk.”

                Pero tulad ng dati wala pa rin itong reaction.  Pumikit siya ng mariin para pigilan ang sarili niyang matalo ng frustration. Muli niya itong tinitigan. “Hindi ka ba nagsasawa sa sitwasyon mo? Yumi, utang na loob, lumaban ka naman.” Hinawakan niya ito sa balikat. “Magsalita ka na. Ikaw lang makakapagsabi kung anong nangyari sa’yo at kay Jheymie.”

                Tinitigan lang siya nito na parang wala  itong naririnig tulad ng dati. Natalo na si Miguel ng frustration niya. Niyugyog niya ito at nasigawan. “Damn, Yumi! Labanan mo naman iyang sakit mo! Pagod na pagod na rin ako.Maawa ka naman sa akin. Bakit ako lang ang lumalaban dito?” His voice echoed in the room. “Nasaan si Jheymie? Sabihin mo sa akin kung nasaan ang anak natin! Ano? Tititigan mo na lang ako? Habambuhay ka na lang ganyan? Nakakasawa na ang ganito, Yumi! Nakakasawa na! Damn it!”

                Alam niyang mali ang ginagawa niya ngunit sa mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang sarili. He sighed. Ang pagkakahawak niya sa balikat nito ay nauwi sa pagyakap niya dito ng mahigpit. Yakap na humihingi ng tawad…yakap na magpaparamdam dito kung gaano niya ito kamahal. “I’m sorry, Yumi. I’m sorry.”

                 Suddenly, he heard her sobbed. Natigilan siya. Kumalas siya ng bahagya sa pagkakayakap dito upang mapagmasdan ang mukha nito. Sa unang pagkakataon, matapos itong ma-diagnosed na may catatonic stupor ay nakitaan niya ito ng ibang reaction. Umiiyak ito habang malungkot na nakatingin sa kanya.

                What I have done?  “I’m sorry, Yumi. Wag ka ng umiyak.” Pinawi niya ang mga luha nito at ikinulong ang mga pisngi nito sa kanyang maiinit na palad. “Hindi ko na ito uulitin, promise. I’m sorry.” Niyakap niya ito at hindi niya ito binitawan hangga’t hindi ito tumatahan. Sa mga sandaling iyon ay nagalit siya sa sarili. Nagkaroon nga ng ibang reaction ang asawa niya pero hindi iyon ang reaction na ginusto niyang makita.

                He kissed her temple and softly whispered. “I love you so much, Yumi. We should be fighting together.” Pinagsalikop niya ang kanilang mga kamay. “This burden will end up soon… just be strong and keep on fighting with me, my talkative queen. Nami-miss na kita, nami-miss ko na ang kaingayan mo. Promise hindi na ako magrereklamo sa mga non-sense but sweet thoughts mo, bumalik ka lang sa dati, Yumi.”


                Hinusto niya ang mga sumunod na sandali sa pagyakap dito ng mahigpit hanggang sa huminto na ito sa pag-iyak. Napatahan niya ito pero sarili naman niya ang hindi niya napakalma. He leaned on her shoulder and silently cried.



PREVIOUS                                                         NEXT

Comments

Naiomi Catacutan said…
Grabe! Waaaah. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Feel na feel ko na FYWTM nga itong binabasa ko. Ang bigat bigat sa puso :( Waaah grabe. Napagsamantalahan ako. Nawawala pa si Baby Jheymie. :'( Tapos nasa state of catatonic pa ko huhuhu :"( Kawawa naman si Miguel. Saka, sino bang gumawa nito? Waaah dinaig pa nito yung mga teleserye sa tv. winner na winner ang chapter na tp! ganda! kakaiyaaaaak! next na next na!
Anonymous said…
Namen... ano ba yan! bat ganoon ang nangyari? Nasaan na ang baby? Bat naman kasi itong si Jay ang bad nya.. hindi ko na sya bati! Kung di nya kinidnap eh di sana mawawala ang bata buti nga sa kanyan makulong 4ever & ever amen!

Hoi kung sino kang damuho kang may gawa nyan lumaba ka at itapon kiat sa dagat-dagatang apoy bad ka as in to d max. grrrrrrrr! Makita lang at makilala kita kung sino ka i assure u dila mo lang ang walang latay!

Shock sobrang emo ko today ah.. ewan ko sa may gawa nito trip nya lang mang-inis. Niinis nga ako.

Sir Migs, hindi na kita tawaging hitler, i will pray for you & ur family. Keep holdin on!

Carried away!
lady natsume said…
My god...ano nangyari...sino kumuha kay baby...huhuhuh...keep fighting kya nyo yan....aja....
Ericka Dellano said…
waahhh!!! naman!! ano na nangyari sa pamangkin ko??? ohhheemm!!! grabe na to!!! naaawa na ko sa ate ko tsaka kay kuya migue! . hay nako anu ba yan.. hehehe:)
next na !! ang ganda.. feel na feel ko tlga ang FYWTM! ftw to Ate Melai :D
Eh? Di ako maka-get over sa nangyari kay Yumi... :(
nonzie wonzie said…
gravehhhh na man...ang heavvvvvyy sa drama!!!! hindi ako makaget-over kung anong nagyare kay yumi at kung sino ba talaga ang lead sa pagkuha sa bata nina yumi at migueeel...ms author pakipost na po sa susuno na chapter,parang pasan ko rin ang problema nila,chos lng!hehehehe
nonzie wonzie said…
gravehhhh na man...ang heavvvvvyy sa drama!!!! hindi ako makaget-over kung anong nagyare kay yumi at kung sino ba talaga ang lead sa pagkuha sa bata nina yumi at migueeel...ms author pakipost na po sa susuno na chapter,parang pasan ko rin ang problema nila,chos lng!hehehehe

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…