Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Thirteen





A sweet smiled curved on Naiomi’s lips when she opened her eyes.  Si Miguel na himbing na himbing sa pagtulog sa tabi niya ang nag-good morning sa kanya. It was their first morning after their wedding rites. Finally, totoong-totoo na, legal na silang mag-asawa sa batas at sa mata ng Diyos. Ngayon, totoong Mrs. Naiomi Catacutan na siya… hindi dahil sa Casa de Yumi kundi dahil sa simpleng dahilan na  minahal nila ni Miguel ang isa’t isa.

 Miguel breathed, a sign that he was already half- awake. Iniyakap nito ang isang braso sa waist niya. Napangiti si Yumi.  Gumanti siya ng yakap dito plus halik sa ilong nito. Then he lazily opened his eyes. 

“Good morning, king arrogant Miguel!” She winked.

He gave her a quick kiss on lips. “Good morning, my talkative queen.” Pagkatapos noon ay niyakap lang siya uli nito. “A very good first morning isn’t it?”

“Yes.” Akmang babangon na siya nang pigilan siya nito. “I-check ko kung nakapagluto na si Alice.” Kasalukuyang nasa bahay ang pamilya ng all around julalay ni Miguel sa Cebu dahil dumalo ang mga ito ng kasal nila. 

“Mamaya na.Baka tulog pa rin ang mag-asawa. Alas singko pa lang naman,” katwiran ni Miguel. Wala ng nagawa si Yumi but to stay.  Nauwi lang tuloy silang dalawa sa titigan sa umaga. “Thank you for reminding me what love means, Yumi.” 


“Hanggang ngayon nagba-vow ka pa rin? Tapos na kasal natin. Kahapon pa,” biro niya.   

Kumunot ang noo nito. “Whatever!” 

She softly laughed. “Sungit.” She attempted to rise from bed again but he  stopped her again and hugged her tight. “Di naman na ako mawawala sa’yo, Migs. Titingnan ko lang kung may breakfast na. Marami pa tayong gagawin.” 

“Like?” 

“Magbubukas pa tayo ng gifts.”  Bumangon na siya ng tuluyan.

“And then?” 

“Aasikasuhin pa natin si Jheymie.” 

Lumingon si Miguel sa crib ng baby. Their little angel was still asleep. “I think she still fine sleeping. What more?” 

“Maglo-laundry pa ako ng wedding dress ko pati na rin ng suit mo.”

“Ipa-laundry na lang natin iyon.” 

“No! Ako ang maglalaba noon.” 

“Fine! What more?” 

“Basta marami pa!” 

“Like?” He grinned. And she knew what he’s thinking.  Pinandilatan niya ito and he just laughed. 

“Iyong iniisip mo, hindi iyon makakasama sa listahan ng gagawin natin today pag di ka pa bumangon dyan.”

Agad na bumangon ito at nag-ayos pa ng kama. “I’m actually fully awake. Let’s get started.”  On cue nagising na si Jheymie. 

Nagkatinginan silang mag-asawa. “O yan, start the job, Migs. Ayusin ko lang ang agahan.” She gave him a quick kiss on lips. “Happy first morning, Migs. I love you.” 

“Happy first morning. I love you.” Binuhat nito ang baby at sumunod sa kanya palabas ng kwarto. 

Naiomi prepared the table for breakfast with the help of Jay’s wife. Pagkatapos ay masayang pinagsaluhan nila ang unang agahan nila bilang isang buong pamilya. Sunod nilang inasikaso ang  pagbubukas ng mga regalo.

They were in the middle of opening gifts when Jay entered the living room. May bitbit itong isang gift.

“Sir, may nag-iwan sa labas.” Iniabot nito ang gift kay Miguel pagkatapos ay lumabas na ulit.

“Kanino naman kaya galing ito?” kunot noong tanong ni Miguel. 

“Ikaw na magbukas niyan. Ikaw na rin bahala kay Jheymie. Lalabhan ko muna iyong wedding gown ko,” litanya ni Yumi sabay halik sa pisngi niya. They let Jheymie played on her own  in the crib while they were checking the gifts one by one.  

“O, sige.”

Iniwan niya si Miguel. Tumuloy siya sa laundry area para labhan ang kanyang wedding gown pati na rin ang tuxedo na sinuot ni Miguel. A memory of a one of a kind romantic wedding day showered her day dreaming moment. It was still unbelievable that finally, they were now one family. Parang kahapon lang, araw-araw siyang nalulungkot dahil hindi buo ang pamilya niya. Ngayon naman, walang kalugaran ang saying nararamdaman niya.Sana lang magtuloy-tuloy na ganito kami kasaya.

Bigla na lang sumulpot sa laundry area si Miguel. He was carrying Jheymie ang looked agitated. He grabbed her hand and pulled her going out. “We have to go out.”

“Ha? Bakit?”

“Don’t ask, just go!” Ibinigay nito ang bata sa kanya at pinauna siyang lumabas. He was still in panic when he pressed the intercom. “Lumabas kayong lahat. May bomba sa loob ng bahay,” mando nito sa lahat ng kasambahay nila thru intercom.

“Ano?”

Nagmamadaling kinaladkad na siya nito hanggang sa makalabas na sila ng bahay kasama ang mga kasambahay. Sa isang iglap, napuno ang paligid ng bahay nila ng mga pulis, SWAT team, Bomb Squad at paramedic. 

Natutulala na lang si Yumi. “Ilang minutes ba?Di naman siguro sasabog ang bahay natin, di ba?”

“The bomb indicator was 10 minutes. But it’s been twenty minutes and no explosion happened.” Niyakap siya ni Miguel at humalik ito sa noo ng bata. “Maybe it was already defused.”

“Kay Carlene ba  galing?”

“Yeah, Tumawag pa siya at sinabing mag-rest in peace na daw tayo. Hindi ko lang alam kung paano niya ito nagagawa ngayong nakakulong na siya.”

An operation officer approached them. “Sir, Ma’am, wala pong nakitang bomba sa loob ng bahay nyo. Iyong inakala nyong bomba ay stop watch lang. My team is currently searching the area to make sure that nothing will explode after the investigation.”

“Thank you, Sir.”
Agad na nagpaalam ang operation officer at bumalik sa loob ng bahay.

“Once ma-clear na ang bahay, umalis na muna kayo. Hindi tayo ligtas dito. Mauna na kayo ni Jheymie sa Casa de Yumi.” Binalingan ni Miguel ang mag-asawa. “Alice, sumabay ka na kay Yumi.Jay, magpaiwan muna tayo dito.”  

“Sige, Sir.”

“Teka, anong magpapaiwan ka? Paano kung totohanin ng baliw na iyon ang pagbomba sa atin?” tanong ni Yumi.
           
           “Yumi, mauuna lang kayo ng isang araw.”

“Pero—”

“Yumi, wag nating pagtalunan  ito. Let’s meet there. Okay?” He sincerely pleaded. “Sisiguraduhin ko lang na di na ito mauulit.”

Wala ng nagawa si Yumi kundi ang sumunod dito. After all, Miguel was the head of the family. Ito pa rin ang magdedesisyon para sa kanila.


“SIR MIGS, pagkatapos mong kausapin iyong Carlene na iyon, makakauwi na ba tayo sa Cebu?” tanong ni Jay sa kanya.

“Depende,” sagot ni Miguel.  Kasalukuyan silang lulan ng kotse papunta sa bilangguan kung saan nakakulong si Carlene.

“Depende? Eh kasi Sir, may sakit ang misis ko. Katatawag ko lang sa kanya at tinatanong na kung anong oras tayo uuwi.”

He nodded. “Marunong ka bang mag-rosaryo?”

“Yes Sir.”

The car parked in front of the prison. “Start praying. May rosary sa dashboard. Hindi tayo uuwi hangga’t hindi ako sigurado na magiging ligtas na pamilya ko.” Bumaba na siya ng kotse at pumasok sa loob ng piitan kung saan nakakulong si Carlene. Agad niyang kinausap ang warden at pinatuloy siya sa visiting area at matyagang hinintay si Carlene.
      
          “What a pleasant surprise visit, Miguel,” sarkastikong hirit ni Carlene nang lapitan siya nito.
“Let me guess. Of course, it’s not good to your senses that someone was able to make fool of you.” She moved closer to him. “What brings you here? Manunumbat ka? Dadagdagan mo ang kaso mo sa akin?” She sarcastically laughed while Miguel was just looking at her.

Hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala si Miguel na ang puno’t dulo ng pagkasira ng buhay ni Carlene ay siya at ang pagmamahal nito sa kanya na hindi niya nasuklian.

“Wala na akong pakialam ngayon, Miguel. Sira na ang buhay ko, wala ng masisira pa. Magsama-sama na lang tayo sa magulong buhay.”

He got the opportunity to kneel down in front of her. Nagulat ito sa ginawa niya. “I’m sorry, Carlene.”

“Wow, Miguel! Nakikita mo ba ang sarili mo? Lumuluhod ka sa harapan ko. Ikaw pa ba iyan, Miguel?”

“Carlene, sana maging tahimik na ang lahat. Ganito ko siya kamahal. I lost the pride, I misplaced my ego. I can even kneel down, step back and ask for your pity and forgiveness…just please, spare my wife and daughter from your anger and revenge.Wala silang kasalanan sa’yo.”

Natigilan si Carlene, waring pinag-iisipan ang ginawa niya. Yes indeed, wala siyang pakialam kung magmakaawa siya dito. Ang pinaka-importante ngayon sa kanya ay ang masiguradong hindi mapapahamak ang mag-ina niya nang dahil lamang sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ni Carlene at tumungo. “Please, stop threatening my family. Kailangan ko sila sa buhay ko.”

Tila napalambot ng act naiyon ang puso ni Carlene. “Napakaswerte niya. Nakuha niya ang pagmamahal na pinangarap ko na sa akin mo ibibigay.”

“I am not the right guy for you. For the nth time, nakikiusap ako. Patawarin mo na ako. Tigilan mo na ang pamilya ko. One day, you might find the right guy for you and then you will realize that he wasn’t really me that you need. I am not meant for you.”

Inalis nito ang kamay sa pagkakahawak niya then sobbed. “I’m sorry, Miguel.”

He sighed and slowly picked up his self from kneeling. “Thank you so much, Carlene.”

Umiling ito. “No. I’m sorry, Miguel. Pero hindi ko na mababawi sa binayaran kong mga tao ang inutos ko.”

Agad siyang kinabahan.“Anong inutos mo?”

Carlene cried. “Pinapapatay ko na ang mag-ina mo ngayon. Nasa Cebu na sila. I can’t stop them now.”

“Ano?!”

                “I’m sorry Miguel.”

                He rushed himself going out of the vicinity. He got his phone and dialed Yumi’s number. Lalo siyang nag-panic nang unattended ang cellphone nito. He dialed the landline number at Casa de Yumi. Nadoble ang takot na naramdaman niya nang walang sumasagot sa bahay.

                Tinawagan niya ang secretary niya. “Jeanie, ikuha mo kami ni Jay ng ticket pabalik ng Cebu. I need the earliest flight as of this time.Papunta na kami sa airport.”

                “Okay, Sir. I’ll call you back.”

                Sumakay siya sa kotse. Ang masunirin niyang all around alalay ay nagdasal nga ng rosary. Nag-sign of the cross ito, tanda na tapos na ang pagdadasal nito. Right that moment, Miguel was silently praying too.  Lord, please take care of my family.

 “Sir, musta po?”

                “We have to be in Cebu right away. Drive in. Sa airport tayo.”

                “Yes, sir.”Agad itong nagmaneho.

                Miguel tried his best to stay calm but he just simply can’t. Gulong-gulo ang isip niya sa pagpa-panic to the point na hindi niya na alam kung ano ba ang dapat gawin. He dialed Yumi’s number and Casa de Yumi’s landline number but the situation was still the same. Napu-frustate na siya. He was terribly worried and agitated.

                “Damn!” Sinapo niya ang noo.

                “Sir, may problema po ba?” tanong ni Jay while driving.

                “I hope there’s nothing but there is.” His phone rang. “Yes, Jeanie.”

                “Sir the earliest flight will be an hour and thirty minutes from now. Will you take that flight, Sir?”
                Nasapo niya ang noo. “Wala na bang mas maaga pa diyan?”
             
              “Na-check ko na po lahat ng airlines. That’s the earliest I’ve got.”

                “No!” he shouted. “I have to be in Cebu in few minutes. Ihanap mo ako ng jetplane, private plane, or helicopter.”

                “Sir, saan po ako hahanap? Wala naman po tayong private plane—” He sensed the tension in his secretary.

                “I hell don’t care kung saan ka kukuha, just provide me a way to be with my family now! It’s your job! Do your job well!” His defenses broke down when he felt his tears starting to fall. His voice turned low too. “Please Jeanie, I’m begging. Find me a plane. My family needs me. Papatayin nila ang mag-ina ko. Please, I desperately need a help.”

                “Sir, calm down. Ako na po ang bahala. Just be in the airport. I’ll call you back.”

                “Thanks, Jeanie.” He ended the call and wiped his tears.

                Finally,  nakarating sila sa airport. Agad silang bumaba ng kotse.

                “Sir Migs, paano po ang mag-ina ko? Andoon rin sila sa bahay. Hindi rin sinasagot ng misis ko ang tawag ko,” tensyunadong  tanong ni Jay.

                Umilig siya. “I actually don’t know—” Nabigla siya nang itulak siya ni Jay. Napasandal siya sa kotse.

                “Dinala mo ang pamilya ko sa panganib na ito tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Hindi mo alam? Sir Miguel, ito ang tandaan mo. Kapag nadamay ang mag-ina ko sa gulong pinasok mo, kakalimutan kong amo kita.” 

                “Just hold your words, Jay. Ipaalala mo iyan sa akin kung may mangyari nga sa mag-ina mo. Pero wag mong kalimutan na nasa panganib din ang mag-ina ko. Higit sa mag-ina mo, mas nanganganib ang asawa’t anak ko. Pareho lang tayong mamatay-matay na dito sa pag-aalala. Argument is not good for us at the moment.”

                His driver slash all around servant just kept his mouth shut until the private plane provided by his reliable secretary became ready to fly them back to Cebu.

               
                “JHEYMIE BABY, gusto mo ba nito?”

Though Yumi knew her baby will not say yes or no, she stillasked her. Kasalukuyan silang naglilibot mag-ina sa mall. Balak niyang bilhan ng mga bagong damit si Jheymie. Hindi kasi lahat ay nadala niya dahil nagmadali rin siya sa pag-eempake dahil excited ang asawa niyang ipatapon sila sa Casa de Yumi.

                “Ano baby? You want this pink? Or this apple green one?” Her sweet baby just smiled at her. Napangiti din siya sabay halik sa bata. “Tanungin na lang natin  ang tatay mo.”  Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Napakunot siya nang makitang patay ang cellphone niya. “Naku, baby dead battery na ang cellphone ni  nanay. Bibilhin na lang natin ito pareho para may dalawa kang bangong damit.”

                Inilagay niya ang dalawang damit sa push cart. Bumili na rin siya ng mga pambahay na damit ng bata. Bumili rin siya na iilan para sa kanya at kay Miguel. Nang matapos siyang mamili ay dumiretso na siya ng uwi. Kailangan niyang makapag-charge ng cellphone at baka kanina pang tumatawag ang nerbyoso niyang asawa.

                In few minutes of driving her hubby’s car, she safely reached home. Bumaba siya ng kotse at agad niyang inalis ang seatbelt kay Jheymie. Natutulog ang bata kaya maingat niya itong binuhat para hindi ito magising. Ibababa niya muna ito sa crib bago niya ipasok ang mga pinamili niya.  Papasok na siya ng bahay nang bigla siyang kabahan nang di niya alam ang tuwirang dahilan. Nagtaka siya nang mapansing nakakawang ang main door ng casa.Kahit tadtad ng security devices ang bahay ay nananatili silang maingat. Iniwan niya si Alice at ang baby nito sa bahay. Kilala niya ang dalawa, hindi rin pabaya ang mga ito.

                Bakit bukas ang pinto?

                Gathering her might not to panic, dahan-dahan siyang pumasok sa bahay. She heard a loud music from the built in sound system sa bahay. Doubts were lingering her mind. Though hilig ni Miguel ang rock songs, hindi uso sa bahay ang magpatunog ng ganong kalakas.

               She continued walking. Tiningnan niya ang sala kung saan niya iniwan si Alice at ang baby nito. Natulala siya nakita.Diyos ko!  Nablangko siya sa takot. Nakahandusay sa sahig si Alice at halos malunod na sa sariling dugo. Few meters awaywas Alice’s only child in same situation. Kinilabutan si Yumi.At that moment, tinalo siya ng takot.Natigilan siya. Ni hindi niya alam kung anong gagawin, lalapitan ba niya ang mag-ina o tatakbo palabas.  She gathered her courage to do the latter. What if nasa bahay pa ang killer? Kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon dahil hindi na sila ligtas. Nagmadali siyang tumakbo palabas ng bahay, umiiyak, takot na takot. Dahil sa pagmamadali niya ay nagising na rin ang buhat-buhat niyang bata at nag-iiyak na rin.

                “Jheymie, wag kang umiyak.Si nanay ang bahala sa’yo.” She ran to nowhere. Hindi siya tumigil sa pagtakbo hangga’t wala siyang makitang ibang tao na pwede  siyang humingi ng tulong.  Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip niya.  Silently ay nagdadasal din siyana sana wala na ang killer sa paligid. Until, a familiar car rushed in.

                “Miguel!”  mangiyak-ngiyak na sigaw niya. Agad na huminto ang kotse at bumaba roon si Miguel at Jay.

                “Yumi—”

                Agad siyang yumakap dito.Ligtas na ako… ligtas na kami. Just being in Miguel’s arm, she knew she will be safe then.

                “Tell me what happened? May humahabol ba sa’yo?”nagpalinga-linga pa ito.

                She sobbed. “Wala, “ iling niya. “Pero si Alice… sina Alice!”

                Agad na tumakbo pabalik ng Casa de Yumi si Jay. Susunod din sana si Miguel pero pinigilan niya ito. Paano kung bumalik ang mga pumatay kina Alice? Call it selfish, pero ayaw niyang mapahamak ang mister niya.

                “Calm down, Yumi…”

                “I can’t…” 

                Kinuha nito si Jheymie sa kanya at pinatahan. “Anong nangyari?”

                “P-pag uwi ko… patay na sila. Duguan sa sala.” Fear embraced her again. “Di ko alam kung paano nangyari iyon.” 

                Niyakap siya ng asawa.  Halata dito ang frustration sa nangyari. “Inutos ni Carlene sa tauhan niya na ipapatay kayo. Nagkamali sila ng biktima. I’m sorry, Yumi. It’s all my fault again.”

                Umiling siya. “Malalagpasan din natin ito Miguel. Basta wag mo na kaming iiwan. Takot na takot na ako.”

                Miguel kissed on her forehead. “Wag ka ng matakot, andito na ako.”


                “LALAPIT BA TAYO?” tanong sa kanya ni Yumi.

                Miguel and his family were inside the car in the middle of the cemetery. Nakatanaw silang mag-asawa sa nagaganap na libing ng mag-ina ni Jay. Hindi sila nakadalaw sa burol dahil abot-langit ang galit ng kanilang ever reliable driver particular na sa kanya. Pero hindi kaya ng konsensya niya na wag makiramay. After all, nasakripisyo ang buhay ni Alice at ng musmos nitong anak para maligtas ang kanyang mag-ina.

                “Hindi natin alam kung anong magiging reaction niya.” Hawak-hawak ni Miguel ang tseke na gusto niyang ibigay kay Jay bilang tulong.

 Alam niyang aalis na ito sapamilya niya. Kahit di maganda ang naging kalabasan ng lahat, gusto pa rin niya sana na makapagsimula ng maayos na bagong buhay si Jay gamit ang perang ibibigay niya.  Pero ang problema, hindi siya sigurado kung anong magiging interpretation ni Jay sa pag-aabot niya ng malaking halaga.

Hinawakan ni Yumi ang kamay niya. “Mabait naman siya. Kung anuman ang nasabi niya sa atin noon, dala lang siguro ng galit, sama ng loob at sakit. Naiwan siyang mag-isa, Migs.”

                “At kasalanan ko.”

                “No, kasalanan ni Carlene.”

                He sighed. Walang segundong hindi siya nakonsensya sa nangyari. Pero kahit mabaliw siya sa kaka-entertain sa guilt niya, hinding-hindi na nito mabubuhay ang mag-ina ng tauhan niya.  Unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao. Tapos na ang libing.Hinintay lang nila na maiwan si Jay mag-isa sa may puntod. When that happened, they took the courage to approach him.

                “We’re verysorry. Nakikiramay kami ng pamilya ko,” sambit ni Yumi.

                Nilingon sila ni Jay. Walang emosyong makita sa mukha nito. “Wala na ang mag-ina ko. Patay na rin ako.”

                “Ahm, I know na magre-resign ka na sa akin. I hope makatulong ito sa’yo.” Iniabot ni Miguel ang tseke.

                Tiningnan ni Jay ang tseke. Wala pa ring ibang reaction ito.“Salamat.Iba talaga ang nagagawa ng pera, ano Sir? Nagawa nyong bigyan ng mahal na libing ang mag-ina ko. Nabigyan nyo pa ko ng pera. Hindi nga lang nabibili ng pera ang buhay, Sir.”

                “I know but you can start over with that—”

                “Makakabili ba ito ng mapagmahal na asawa?Makakabili ba ito ng anak?”Umiling ito.

                “Wala na kaming magagawa pa kundi ang mag-sorry at siguraduhin na mabibigyan ng justice ang nangyari kina Alice,” sabat ni Yumi. "Iyongperagamitinmoparamagsimulaulingbuhay."

                Bigla itong nagkaroon ng ibang reaction. Tila bumangon ang galit na kinikimkim sa puso nito. “Justice.Oo naman, Ma’am. Sisiguraduhin ko ring makukuha ko ang hustisya para sa mag-ina ko. Salamat.”

                Miguel found his reaction so weird. Kinukutuban tuloy siya nang di maganda.“Sige, mauna na kami.”  There was something in him that silently telling him to go before anything not good happen.

                Papalayo na sila dito nang humabol pa ito ng offer. “Pasaan ba kayo? Gusto nyo bang ipag-drive ko kayo? Pasasalamat na rin sa perang binigay nyo sa akin.” Kalmado ito ngunit may himig na di nila mawari kung dapat ba silang kabahan o napa-praning lang sila sa nangyayari.

                Nagkatinginan silang mag-asawa. Yumi just nodded. Pareho lang siguro sila  ng iniisip. Pagbigyan na lang si Jay, para walang gulo.

                “Sa airport. Babalik na ng Maynila ang mag-ina ko. Susunduin sila ng kapatid ko doon.”

"Ihahatid ko na kayo." Umuna si Jay ng lakad patungo sa kotse nila.

Tahimik ang nagging byahe nila papunta sa airport. Pinapakiramdaman ni Miguel si Jay habang tahimik itong nagmamaneho. Alam niyang may nabago at may mali pero hindi niya matukoy. Hanggang sa makarating sila sa airport. Bumababa si Jay ng kotse at pinagbuksan sila ng pinto tulad ng palagi nitong ginagawa.

Bumaba silang mag-asawa. Buhat ni Yumi si Jheymie habang siya ay tinulungan ni Jay magbaba ng bagahe.

"Sige po, Sir mauna na rin po ako," pamamaalam ni Jay sa seryosong tinig. "Ingat kayo, ma'am." Hindi na nito hinintay ang sasabihin nilang mag-asawa. Basta na lang ito naglakad palayo.

                “Tumawag ka once na magkasama na kayo ni kuya Hamiel.”  He kissed  on Yumi’s cheeks and baby’s forehead. “Take care.”

                “Okay, ikaw rin. Sunod ka agad.”

                He nodded. Pinagmasdan niya ang asawa’t anak habang naglalakad papasok ng paliparan. Tumuloy siya sa  NBI para alamin ang update sa investigation ng murder case sa Casa de Yumi. Inabot din iyon ng ilang oras na meeting. Nang makalabas siya ng presinto ay agad na nag-ring ang phone niya. His kuya Hamiel was calling.

                “Yes, kuya. Kasama mo na si Yumi?”

                “Iyon nga itinawag ko sa’yo. Natuloy ba siya? Wala pa siya dito sa airport. I checked her flight, wala ang mag-ina mo sa listahan ng passengers doon sa flight na sinabi mo sa akin.”

                “What?” Agad siyang sinukob ng takot. Nasaan na ang mag-ina ko?



PREVIOUS                                                             NEXT

Comments

Anonymous said…
OMG! nagmagic ng jet plane ang sexetary ni Sir King arrogant.

waaaahhh naman wala sanang kinalaman si Jay sa pagkawala nila Yumi, makalbo ko un! kaya pala ayaw mapost eh dahil mukhang may kabalbalan syang gawin hehehe peace Kulog, or let's hope that he is in positive side sana sya...

after all the errors napost din, congrats otor sa tiyaga!

Jeanie d magician
Nonziewonzie said…
sa wakas na post din ms author:) mejo kinabahan ako sa latest chapter,wag naman sana maging complicated ang twist sa magiging resulta ng edning,hehehehe cograts author, kipitup:)
Anonymous said…
ate melai! ang sakit po sa puso! :"< T.T
Ericka Dellano said…
waahh!! nakaka suspense naman!!! hahahaha :)) ano kaya nangyare kina Ate Yumi!??? huhuhuhuhu

iyyhh!! kaka excite!!! nexxtt na!!! :D :D
Naiomi Catacutan said…
HOMAYGADINESS! Suspense iteeeey! Nakakakilig na nakakaiyak. Kawawa naman si Kambal Jay nawalan ng mag-ina. Pero, scary siya. Papatayin yata kami ni Baby Jheymie. Exciting! Next na agad Ate Melai! Ganda ng update :)
Anonymous said…
Ganda story. Kakaexcite ang mangyayari. Galing ng twist ng author. Kip it up. Wait ko ang next chapter
Apple Jane said…
Npakabrutal Aman ng panahon para ky bossing,kawawa ung family ni Jay ,,mas lalo pang naging complicated ung situation nila huhuhu!!!
Melai said…
Thank you po sa lahat. keep on reading po.

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…