Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Twelve




Two years later…

               Nakatitig lang si Miguel sa picture nila ni Yumi sa desktop ng laptop niya. It’s been two years since they last saw each other. Two years na rin niya itong sinusuyo sa email pero ni isang reply, wala siyang nakuha. He tried to call her in any number she used to  have but all lines seemed to be disconnected. Nevertheless, he never stopped sending messages to her everyday via email. Hindi siya sigurado kung nababasa pa ba iyon ni Yumi o hindi. He was just damn frustrated to know where she was. Hindi nga niya alam kung paano siya naka-survive ng dalawang taon na malayo sa mag-ina niya.  Araw-araw siyang nag-aalala. Maya’t maya siyang nagdadasal para sa kaligtasan ng mag-ina niya.

                “Ayen, sa tingin mo anong itsura ng baby namin ni Yumi?”  tanong niya sa kapatid niyang abala sa pagluluto. Kasalukuyan siyang nakatambay sa kusina ng bahay ng kapatid.

                “Hmm, maganda siya at pogi ka.Malamang ang cute-cute ng baby nyo. Bakit naman kasi tinataguan ka pa rin ni Yumi?”

                He sighed. “If only I know the answer. Pinagdadamot na niya sa akin ang anak ko. I asked her for even five minutes of webcam call just for me to see my baby but she never replied. Nag-message na nga ako sa kanya kahapon. I begged for pictures of my baby. Kahit picture na lang muna. Malaman ko lang kung anong itsura niya. It’s been two years of heartbreaking days, Ayen. Ewan ko nga kung paano pa ako nakakagising sa umaga after ng magdamag na pag-iisip kung kamusta ba sila, nagkakasakit ba sila, nahihirapan ba si Yumi.” 


                “O kuya, bawal na ang mag-emote di ba?” Niyakap siya ng kapatid. During the process, he had his sister and the rest of the family beside him. Nakatulong ng malaki sa kanya ang family support para hindi mawalan ng lakas ng loob. His family was helping him to find Naiomi.  “Mahirap talagang hanapin ang ayaw magpakita, kuya.”

                “Hanggang kelan pa kaya kami ganito? My baby needs a father. I have to be with my baby. I have to be with Naiomi. We actually deserve a complete family.”

                “Eh wala tayong magagawa.Hangga’t ayaw niyang magpakita, hindi mo siya makikita.”Tinapik nito ang balikat niya.“Sana lang, maawa na siya sa’yo kasi ako naiinip na ako sa dalawang taon na nakalipas na para tayong naghahanap ng karayom sa buhangin.”

                Napailing na lang siya.

                Vlad entered the kitchen. Tinapik din nito ang balikat niya. “Baka sa katititig mo dyan, magsalita na iyang laptop mo kuya.”

                “Wag mo akong kuyahin, baka masapak lang uli kita. Magkaedad tayo, pare,” biro niya.

                Tumawa lang ito. “Alam mo, di mo siya makikita sa ganyan, ang dapat na ginagawa mo, tumatanaw sa labas. Hindi ko pa nakikita si Naiomi pero may babae sa labas kanina pa siyang nakatingin sa bahay—“

                Hindi na niya ito pinatapos. Agad siyang tumakbo palabas ng bahay. Kung si Yumi iyon o hindi at least hindi niya pagsisisihan na naman na lumagpas ang pagkakataong iyon. Nakita niya ang babaeng sinasabi ni Vlad. May isinilid itong puting sobre sa wiper ng kotse niya. Confirmed, si Naiomi nga iyon.

                “Yumi!”  Lumingon ito sa kanya pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Hinabol niya ito ngunit bago siya makalabas ng gate ay nakasakay na ito sa isang kotse. Sinubukan niyang habulin ang kotse but it’s quite too late…again. Plate number na lang ang nakita niya. An opportunity passed again. Why are you doing this to me, Yumi?

                Nanlulumong bumalik siya sa kotse niya at kinuha ang sobreng isinipit nito sa wiper. Isang papel ang bumungad sa kanya. Nanginig ang kamay niya nang mapagtantong iyon ang certified true copy ng birth certificate ng anak nila ni Yumi. Her name is Jheymie Crystal Catacutan… Tears fell from his eyes. Despite of what had happened, he was thankful that Naiomi honored him to be Jheymie’s father. She even patterned the name to their late parents—his father and her mom.

                He leaned on his car and gathered courage to look over the photos. When he felt that he’s calm already, he started to look at the photos one by one. Pictures iyon ng anak niya mula ultrasound hanggang sa ipanganak ito… hanggang sa latest. Once again, napaluha siya.Sa mga pictures pa lang, alam niyang napakarami ng pangyayari sa buhay ng anak niya ang na-miss niya.

                He grabbed his phone and called his secretary. “Jeanie, may ipapahanap ako sa’yo.“Ibinigay niya dito ang plate number ng kotse. “Alamin mo kung sino ang may-ari. Call me immediately once you get the details.”

                “Yes, Sir.”

                Muli niyang inisa-isa ang mga pictures. They got a sweet cute angel.  Nakuha ng bata ang mata at labi niya.Napangiti tuloy siya. Hindi mapagkakaila na anak niya si Jheymie. Muling pumatak ang luha niya.Damn, I want to carry her.  Kinakain na naman siya ng frustration niya. Hanggang sa yakapin siya ng kapatid. Bumigay ang defenses niya. Sa loob ng dalawang taon, never siyang umiyak. Bagama’t halata ng lahat na malungkot siya, walang kahit sinong nakakitang umiiyak siya. Akala niya ay mapapanindigan niya iyon. Not until this day came.

                “I want her. I want my baby in my arms, Ayen. Gusto kong yakapin ang mag-ina ko.”  His sister didn’t reply.  Bagkus ay hinayaan siya nitong umiyak hanggang sa makalma siya.

                “Take it as a good sign kuya. Binibigyan ka na niya ng access. Soon, she will let you see your child for sure. Just be patient.”

                His phone rang. Agad niyang sinagot ang tawag mula sa secretary niya. “Any progress?”

                “Sir, I got the details. The car was owned by Mr. Patrick Saavedra.”

                “Thank you.”  The guy was one of his clients too. May-ari ito ng isang preschool sa Cavite. Mukhang tama si Ayen, he’s just few steps away from his love now.

                                                                        
                “GOODBYE Teacher Yumiiiiiiii,” pamamaalam ng mga prep students ni Yumi. Huling klase na niya iyon sa taon dahil bakasyon na naman. Sa susunod na linggo ay aakyat na sa stage ang mga babies niya.

                “Goodbye, dear babies. Be good on your vacation okay?”

                “Yes, Teacher.”

                Isa-isa ng nagsitakbuhan palabas ng classroom ang kanyang mga estudyante. Inihatid niya sa tingin ang mga bata. Isang taon na siyang nagtuturo sa bagong exclusive school na iyon. Isang taon din siyang huminto sa pagtuturo nang magbuntis siya at manganak kay baby Jheymie. Iniligpit na rin niya ang mga gamit. Lumabas na rin siya ng classroom nang masigurong  lahat na ng babies niya ay kasama na ng mga sundo ng mga ito.

                Sumaglit siya sa faculty office para kunin ang gamit niya.  Naabutan niya sa mesa niya ang isang bouquet of flowers. Agad niyang binalingan ang hinalang niyang nagbigay noon sa kanya.“Teacher Patrick, makulit ka rin ano? Hindi na ako nagpapaligaw kaya wag ka ng mag-aksaya ng pera para bigyan ako ng bulaklak.”

                Swabeng tumitig lang sa kanya ang co-teacher na isang taon na ring nagpapalipad-hangin ng panliligaw sa kanya. “Alam kong basted na basted na ako, Teacher Yumi kaya matagal ko ng itinigil ang hobby kong ligawan ka. Hindi sa akin galing iyan.” Sumandal ito sa inuupuang swivel chair sa cubicle nito.

                “Ha? Eh kanino galing ito?”

                “Ewan ko, andyan na iyan nang dumating ako e.”

                Kunot-noong kinuha niya ang bulaklak. Isang card ang nakita niyang nakasipit sa bulaklak. Agad niyang binasa ang note.

                I was able to preserve the love I have in you for two years… still I miss you so bad, I miss your hug, your smile… your kiss. Don’t you think two years were long enough for me to prove you that no matter how far you go, no matter how long this drama will last,  and no matter what happen my love for you will never change?

                “Miguel?” Natigilan siya. Natunton na siya ni Miguel.

                For the past two years, she became guarded towards Miguel. Yes, she read all his emails that made her updated to his feelings, situation… and love. Walang mintis, araw-araw na nagpapadala sa kanya ng email si Miguel. Every message was not just simple message. Each signified how much he loves her and their baby. Kahit wala itong idea kung babae ba o lalaki ang anak nila, palagi nitong sinasabi sa mga messages nito na wag kakalimutang ibulong sa anak nila na mahal na mahal nito ang bata. Dalawang taon niyang tiniis din na hindi sumagot sa mga email nito. Ang totoo, wala siyang mukhang maiharap dito matapos ng lahat ng nangyari. Miguel, despite of his attitude and such, was still a man that was too good to be true. And once, she thought this guy didn’t deserve someone like her.  Pero tulad nga ng sinasabi ng iba, maloloko mo ang lahat ng tao pero hinding-hindi mo maloloko ang sarili mo.

                She still had Miguel in her heart and she wanted him back. At panahon na siguro para magkalakas ako ng loob na humarap sa kanya.  Takot siyang hindi na muling tanggapin ni Miguel tulad noong huli silang nag-usap pagkatapos ng hearing ng kaso ng pagkamatay ng kanyang ina. Pero batid niyang panahon na rin para ayusin lahat ng issues na tinakbuhan niya. And Jheymie needs to have a loving hug from her father.

                An image of Miguel smiling at their baby popped her imagination. Napangiti siya.

                “Teacher Yumi, iyong ama ba ng baby mo ang nagpadala niyan? Naku, maymga lalaking ganyan talaga. Iiwan ang babae pag nabuntis tapos pag naipanganak na iyong baby bigla na lang susulpot—aray!”

                Hinampas niya ito ng folder sa balikat. “Basag trip ka din e.”

                “Oy, reality iyon!”Natatawang hirit nito.

                “Bitter ka lang!” biro niya.

                "Siguro nga."He laughed. “Siguraduhin mo munang mahal na mahal ka nga ng lalaking iyan bago ka umoo uli.”

                “Ha?”

                “Two years ka na ring malayo sa kanya. No one from your friends here asked about him. Kahit ako hindi ko alam ang buong kwento nyo. Ang alam ko lang, di ka handang humarap sa kanya kaya. Yet,  you looked different since the other day when I accompanied you to bring that photos to him. And not to mention that you never smiled that way before…never until you hold that bouquet in your arms.”

                “Patrick…”

                “Alam mo ba, naawa ako kay Miguel noong sinamahan kita. He tried his best to chase us. Doon pa lang alam ko ng special ka rin sa kanya. Matagal ko na siyang kilala dahil hawak ng kompanya niya ang management ng shares ng prep school. I never thought I would see him frustrated. Hindi kasi ganon ang pagkakakilala ng karamihan kay Miguel. At ikaw lang ang  bumali sa pagkatao niya.” Umiling ito. “Ano ba'to?Pahingi na lang ng number ng kapatid mo. Si Ericka na lang ang liligawan ko.”

                Napangiwi siya. “Ewan ko sa’yo. Nakakaloka ka, Teacher Patrick.”  He just laughed. Binitbit na niya ang mga gamit niya. Papalabas na siya ng faculty nang balingan niya uli ito. “Salamat Patrick.”

                “Nothing for a friend.”

                Kakaibang saya pa din ang nadarama niya hanggang sa makauwi siya. Agad niyang inilipat ang mga bulaklak sa vase pagkatapos ay inabala na niya ang sarili sa pagbababantay at pakikipaglaro. Bumukas ang pinto ng kwarto niya.

                “Ate, halika do’n. You have to see something,” sambit ni Aira.

                “Ano bang meron?” kunot noong tanong niya sabay buhat sa anak niya at lumabas ng kwarto. Naabutan niya sa sala ang ama at si Ericka na pawang may pinapanood sa may gate mula sa bintana.

                Binalingan siya ng kanyang ama at nagbigay ng space para makasilip din siya sa bintana. “You must see what’s happening.” Kinuha nito sa kanya ang baby.

                Natigilan siya nang makita ang sinisilip ng mga ito. There in the gate was Miguel. May mga nilalagay itong kahon at supot sa gate nila. He was so damn serious while checking the boxes. Pagkatapos ay emotional na tinitigan nito ang mga gamit. Sa palagay ni Yumi, mga gamit iyon para sa baby nila. A warm feeling touched her heart. Something in Miguel was changed a bit. Iba ang inaasahan niyang actions ni Miguel ngayong alam na nito kung nasaan siya. Kung ang dating arrogant Miguel ang nasa harapan ng gate nila ngayon, malamang na kanina pa itong nakapasok ng bahay for confrontation. Nai-imagine pa nga niya ang signature na pagsusuplado nito at ang demanding attitude nito. Ngunit malayo na iyong mangyari sa nakikita niya. Sa palagay niya, mag-iiwan lang ito ng gamit sa labas at hindi na rin siya pipiliting makipag-usap.

                No, tama na ang dalawang taong taguan at iwasan.  A decision was made. Kinuha niya ang  baby mula sa tatay Marco niya. “One favor dear family. Doon muna kayo sa mga kwarto nyo. Bigyan nyo  muna kami ng moment ni Miguel.”

                “Go ahead, anak,” nakangiting sambit ng kanyang ama.

                “Go, ate!” korong cheer niya Aira at Ericka.

                “Text mo na lang kami kung pwede na kaming lumabas ng kwarto,” hirit ni Ericka.

                “Siraulo.” They laughed.

                She took a deep breath before she step out of the main door. Mukhang abalang-abala si Miguel para mapansing papalapit na silang mag-ina dito. Pinipigilan niyang mapaluha habang pinagmamasdan ito. How she missed him so much. At once na bumalik ito sa buhay niya, nangako na siya sa sarili niyang hinding-hindi na niya ito pagtataguan, tatakbuhan… hinding-hindi na niya ito pakakawalan.

                Binibilang nito ang mga boxes nang buksan niya ang gate. “Miguel…”

                Natigilan ito. Pagkatapos ay bumaling sa kanya. Napansin nito ang batang buhat niya. Nagpapalit-palit ang tingin nito sa kanila, until Yumi noticed the tears forming at sides of Miguel’s eyes. Bigla itong umiwas ng tingin at pinawi ang sariling luha. “Sorry. I’m just too emotional I guess.” Binalingan siya nito. “I just ahm, dropped by to bring this stuff for… Jheymie. I didn’t mean any bother and such—”

                Pinabuhat niya dito ang bata. “You deserved this moment, Miguel.” Kusa ng pumatak ang luha ni Yumi nang makita niya ang reaction ni Miguel. Halata dito ang magkahalong excitement at saya nang sa wakas ay mabuhat na nito ang baby nila sa unang pagkakataon.

                Halik agad sa noo at pisingi ang isinalubong ni Miguel sabata. “I love you, my baby.”

                Ibinaling na ni Yumi ang tingin sa mga kahon. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya. It’s been two years. Gusto rin niyang mayakap si Miguel pero hindi niya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap dito para ma-resolve ang issues nila.

                “Masyado atang marami itong dala mo.One year supply na ba ito?” biro niya.

                He chuckled. “Hindi ko kasi alam kung ano pa ang kailangan ng baby kaya binili ko na lahat ng possible needs.”

                Moment of silence. That prepared them for more sensitive topics to tackle. Binalingan niya ito. She felt her heart skipped when she caught him doing his usual hobby of gazing at her in silence. “Miguel!” sita niya dito.

                “Don’t ask me why I’m gazing at you now. You already knew the answer. Nothing was changed in me, Yumi. I still love looking at youthisway.I miss this actually.”

                Umiwas siya ng tingin at binuksan ng ayos ang gate. “Pasok ka muna.Hindi maganda kay baby ang masyadong naiinitan.”

                Pumasok ito sa loob. “Teka lang.” Iniabot nito sa kanya ang bata. “Ipapasok ko muna ang mga gamit, mauna na kayo sa loob.” Humalik ito sa noo ng baby pagkatapos ay tumitig sa kanya.

                Tinitigan din niya ito. Ang kiss ko nasaan na? Then he grinned as if he was able to read what’s on her mind. “Oy Miguelito, iyong mga gamit ba ipapasok mo ba o nganga ka na lang diyan. Alam ko maganda ako—”

                “You didn’t change,” hirit nito nang balikan nito ang mga kahon. Binuhat nito ang dalawa at sumunod sa kanya.

                “Yes. I’m still pretty, sexy, and cute,” hirit niya. Just like the old times. Napangiti siya.

                “I’m not pertaining to that. I’m pertaining to you, talking non-sense about yourself and such.”

                Pabirong tiningnan niya ito ng masama.“Ang sama mo talaga!Gusto mong sipain kita palabas ng bahay?”

                “I’m just kidding, Yumi.” Nagnakaw ito ng kiss sa pisngi niya pagkatapos ay umuna ng lakad sa kanya papasok sa sala para ibaba ang bitbit nitong kahapon. "I miss you."

                Wala siyang ibang naging reaction maliban sa kilig.


                ABALA si Yumi sa paghahanda ng midnight  snack. Inabot na ng gabi si Miguel sa bahay nila. Hindi na niya ito inabala at inagawan sa bata. Alam naman niyang sabik na sabik na itong makasama ang baby nila. She let him be with baby alone for the whole day. Sumisilip lang siya sa kwarto from time to time to remind him what to do.  And the last time na sumilip siya sa kwarto bandang alas diyes ng  gabi, nakita niyang nakatulog na sa sofa sa tabi ng crib si Miguel habang hawak pa nito sa isang kamay ang empty feeding bottle at sa isa naman ay bimpo.

                She found the scene so loving. She knew well. Hindi siya nagkamali sa lalaking mamahalin. Above all the traits that made him so ideal, he  was simply understanding and caring.

Biglang pumasok sa kusina si Miguel."Sorry, I fell asleep. Napuyat ka na tuloy."

"Okay lang iyon. Malikot na si Jheymie, anticipated kong mapapagod ka. Have a seat." Inihain niya sa kitchen counter ang baked cookies na ginawa niya. "Coffee?"

"Yes,please."

Agad siyang nagtimpla ng kape para sa kanilang dalawa. She then gave him the cup of coffee and sat beside him.

He took a piece of cookie and ate. "Masarap."

She smiled. "Salamat."

"Masarap din sa pakiramdam." He stared at the coffee.

Matamang pinagmasdan lang ni Yumi si Miguel habang nakangiti ito sa tasa ng kape. Perhaps he was reminiscing those moments when he’s with their baby.

"Thanks, Yumi. Thank you for letting me be with Jheymie today."

"You can be with Jheymie anytime. Tinupad ko ang pangako ko sa'yo. Mula nang pinanganak siya, araw-araw kong pinapakita sa kanya ang picture mo at sinasabi ko sa kanya na mahal na mahal mo siya. Ang cute niya di ba? Kamukha mo nga siya eh."

"Sorry ha.Wala ako sa tabi mo noong pinanganak mo siya. Wala ako sa tabi nyo ng two years."

"Kasalanan ko iyon, Migs. Ako dapat ang mag-sorry. Ako naan ang lumayo, ako ang naglayo sa kanya. I’m sorry, Miguel."

Silence took over. In few minutes, nahusto sila sa pagsasalo sa cookies at kape. Nagtitinginan sila at minsan ay nag-iiwasan ng tingin. Marahil ay pareho silang naghahanda ng right timing para mapag-usapan ang sensitive topic about their relationship.

                “Iyong love ba, na-preserve mo?” korong tanong nila sa isa’t isa.

                Natigilan sila pareho, napangiti hanggang sa nag-iwasan na sila ng tingin at muling nagkatinginan na naman. In that point ala na ni isa sa kanila ang umiwas ng tingin.
                
                ”Yumi…”

                “Hmmm…”

                “Hindi pa naman huli para maayos natin ang lahat di ba?”

                She nodded. “Oo naman.”

                “I’m sorry!” koro ulit na hirit nila.

“You’re forgiven,” in chorus again. Napatawa na lang silang dalawa.    

                “Miguel…”

                “Don’t worry. I love you still, Yumi.” He winked. “Wala kang magiging problema sa akin.”

                Napatawa na lang siya sa kilig. “I love you ka diyan! Hindi naman ako maga-I love you sa’yo.”

                “Oh, hindi ba? My bad.”  Nag-sad face pa ito na lalo niyang tinawanan.

                “Well, iba kasi ang tatanungin ko.”

                “Ano iyon?”

                “Pwede bang mag-demand uli sa’yo.” She grinned.

                “Sure. May kailangan ba kayo ni baby?”

                “Meron.”

                Sumeryoso ang mukha nito nang muli siya itong titigan. “Anong kailangan nyo pa? Baby stuffs? Bagong bahay? Kama? Tell me, I’ll give it to you.”

                “Ikaw…”  Natigilan ito sa sinabi niya. “Kailangan ni Jheymie ng ama. At ako, kelangan ko ng…”

                “Asawa?” Nagliwanag ang mukha nito.

                “Hindi naman basta asawa lang. Syempre, iyong super alluring ganda ko, deserving naman na magkaroon ng true love experience mula sa isang too good to be true but real loving guy—“

                  Hindi na niya natapos ang sasabihin. He held her nape and sealed their reunion with a sweet kiss. Once again, her heart recognized the familiar rhythm. “Stop talking non-sense, Yumi. By the way, I love you so much. Inuulit ko lang kasi baka nakalimutan mo ng sinabi ko iyon kanina. Mas magandang topic iyon kesa sa mga sinasabi mo.”

                Pabirong hinampas niya ang balikat nito. “Basag trip ka talaga!” He just laughed and kissed her nose. “I love you so much, Miguel. Will you marry me?”

                “I should be the one asking that baby. Are we getting married for real now? Isang tawag ko lang sa coordinator ng kasal natin, pwedeng-pwede na nating ituloy ang kasal kahit next week na.”

                “Next week agad? Nagmamadali ka? Di ba pwedeng bukas para mas madali?” biro niya

                Tumawa ito. How she missed those bunches of laughs. “Two years ang nawala sa ating dalawa, kailangan ko iyong habulin.” Niyakap siya nito ng mahigpit. “Are you ready for this?”

                “Ako pa ang tinanong mo, Miguel. Eh di ba ako nga ang unang nag-alok. Handa na talaga ako. Ikaw, ready ka ba?” Gumanti siya ng mahigpit na yakap dito.

                He moved a little to be able to watch her face. “Matagal na akong handa, sa isip, sa puso, at sa bulsa.”

                She grinned. “Good!” Sinulit nila ang gabi nang magkayap habang inuubos ang nakahaing kape at cookies.



 PREVIOUS                                                     NEXT   

Comments

Anonymous said…
ohhh. hah!!!!!!!! kilig moments na.. waaaaaaaaaa si sir hitler naging romantic na.. ay ganyan pa ang marinig mo sa lab ot ur life "matagal na akong handa na ako, sa isip, sa puso at sa bulsa" naman kung di ka magkumahog pakasal agad...

Jeanie d sexytary
Anonymous said…
super ganda, tita mel! :DDD nku naman!! nakakainis si yumi! pinaghintay pa talaga si migz ng two years ! pero ang cute pa rin!!! :D
Ericka Dellano said…
Wahhhh!!! Kinikilig akoo!!! Iyhhh... Hahaha... La na ko masabe!! Hahahahaha.. Ang galing mo tlga ate melai!!:))) hehehehe next na!! Biten much!!:)
Naiomi Catacutan said…
WAAAAAAAAAAAAAAAH! KINIKILIG AKO SOBRA. SA WAKAS OKAY NA ULIT. WIIII. KAKATOUCH YUNG MGA SCENES NI MIGUEL AT NI BABY JHEYMIE. NAKAKAKILIG TALAGA. GANDA GANDA. NEXT AGAD. :D HIHI
Anonymous said…
wow!!!can't help smiling while reading the story...just read 2 novelas since last night and this story is far much better.

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…