Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Nine




“What kind of music are you into?” tanong ni Naoimi habang naglalakad sila papauwi mula sa masaya at wonderful night sa Senang Hati.  Miguel was holding her hand tight while they were in the middle of that walk. Malapit lang ang bahay nila sa bar pero parang ang haba ng nilalakad nila. It seemed like she was counting every second of it slowly.

                “You won’t believe me I bet but I’m into rock songs,” sagot nito sabay baling sa kanya.  Pilit niyang wag matawa. “Pwede kang tumawa, Yumi. I know, it’s funny. A silent serious guy like me plus rock songs is quite ironic.”

                She laughed softly.  “Hindi ko lang ma-imagine na kumakanta ka ng rock songs tapos walang emotion iyong mukha mo. Rock on!” Tumawa din ito sa sinabi niya.

                “Marunong din ako sa piano pero konti lang.”

                “Wow, ikaw na Migs!”

                “Ang gwapo? Oo naman.”

                “Yabang!”

                “Don’t you ever deny, Yumi. Unang araw pa lang noong magkita tayo, type mo na ako. I know it.”

                “Wow ulit, kapal muks. Ikaw nga itong in denial na gandang-ganda ka sa akin.”


                “Noon lang. Iba na ngayon.”

                “Hindi mo na ide-deny na gandang-ganda ka sa akin?” biro niya.

                “Let’s say, tanggap ko na ang masaklap na kapalaran ko sa’yo.”

                Sinimangutan niya ito. Tumawa lang ito in return.

                Yumi was so glad she was able to break the ice between her and Miguel. Akala niya dati, hindi na niya ito makakasundo. Kulang na lang ay literal silang magbugahan ng apoy noong una silang magkita. But looking at them now, walang makakapagsabing hindi sila nagkasundo noon. They were more like a sweet couple… if only Miguel would really brave enough to love her too.

                Naiomi knew it well. She might be special for Miguel but the thing was, this guy seemed like a non-believer of true love. Malay niya kung kaya lang ito lumalapit sa kanya dahil sa ngayon, napapasaya niya ito sa pagiging simpleng lukring niya. The issue above love wasn’t clear at all.

                “Ikaw? What kind of music are you into?” tanong ni Miguel.

                “Gusto ko iyong mga love songs, instrumental music, classical. Kaya nga fan ako ng banda ng kapatid mo. Love na love ko iyong mga renditions nila ng iba’t ibang love songs. I’m a fan of Yiruma too.”

                “So predictable for a prep teacher yet so ironic for your attitude,” seryosong sambit nito.

                “Ewan ko sa’yo.”

                All of a sudden, in the middle of their walk under the moon scene, bigla na lang bumuhos ang ulan.  Hinila siya nito para tumakbo ngunit pinigilan niya ito.

                “Basa na tayo ng ulan at saka wala rin naman tayong masisilungan.” Dalawang kanto pa ang layo ng Casa de Yumi. “Wag na lang tayong tumakbo, mag-feels like walking in the rain na lang tayo.”

                “Will that be okay for you?” Nag-aalalang binalingan siya nito. “Baka magkasakit ka na naman.”

                She smiled. “Hindi iyan!”  Hinila niya ito sa  bahagi ng kalsada kung saan malakas ang buhos ng ulan. Nakita niyang parang naiilang itong nagsashower  sila sa ulan. “Kelan ka huling naligo sa ulan?”

                “Well, sa naaalala ko bata pa ako mga five years old, si kuya ten years old at si Amhiela years years old. Tumakas lang kami ni kuya Hamiel para makapaligo sa ulan kasi ayaw ng magulang namin  na naliligo kami sa ulan. Noong nakita kami ni Daddy, pinagpapalo kami.”

                “Ang cute nyo naman. Eh di iyakan na kayo after ng paluan?”

                Inakbayan siya nito at nagpatuloy silang maglakad sa gitna ng ulan. “Hindi nga, tawa pa kami ng tawa. Kasi di naman masakit ang palo ni Dad. Parang lambing lang nga. Mas masakit mangurot ang mama ko.” Miguel sighed. “I miss Dad.”

                Niyakap niya ito. “Okay lang iyan. For sure ngayon, masaya iyong ama mo na nakikitang okay  na kayong magkakapatid.”

                “Sana nga masaya siya. We wanted him to be at peace.”

                “He is for sure.”

                Huminto sila sa paglalakad. Bumitaw ito sa yakap niya pagkatapos ay hinawakan nito ang dalawa niyang kamay. She touched her cheeks and fixed the hair that covered her face.  “You are a fan of Yiruma right?” She nodded. “So you know Kiss the Rain?”

                 “Yes, isa iyon sa favorite kong pieces ni Yiruma. Why? Alam mo ba kung paano iyon tugtugin?”

                “No.” Umiling si Miguel, still his eyes on her while smiling impishly. Then he moved closer to her face. “Alam ko kung paano iyon gawin.”

                In just a snap, he leaned down and claimed her lips. Yumi felt like her world became other dimension. Nawalan siya ng pakialam sa mundo…kung may makakitang kapitbahay man o may mapadaan na baranggay tanod sa dis-oras ng gabi. Ang tanging alam niya sa mga sandaling iyon ay ibinibigay ni Miguel sa kanya ang damdaming  ngayon lang niya naramdaman.  Instead of being scared due to that strange feeling, Yumi felt more excited that she never thought she would respond on that fierce sweet kiss. Iniyakap niya ang dalawang kamay sa ulo nito as if asking him not to stop… for that sweet fierce kisses were so enticing. But when she felt him touching hers, she suddenly stopped.

                Natauhan siya, Hindi nila dapat ginagawa iyon. Heck, they were not even in relationship! Bigla siyang natakot na baka pag nakuha nito ang gustong makuha sa kanya ay matulad siya sa ibang babaeng na-involved dito. That one night, may turned to be a nightmare.  And she didn’t like the idea. Tila napasong lumayo siya dito.

                “Yumi…”

                Tinalikuran na niya ito at walang sabing nagmadali siyang maglakad papunta sa bahay.

                “Yumi wait!”

                Hinabol siya nito. Pero di niya ito binigyan ng pagkakataong mapigilan siya sa paglalakad hanggang sa makarating na sila sa bahay.

                “Anong problema?” he shouted.

                Napilitan tuloy siyang balingan ito. Nasa lanai na sila ng bahay. “Miguel, anong ibig mong sabihin talaga noong sinabi mo, let’s own the night tonight? Do you mean you want to have me tonight? Tapos pagkatapos ng gabi, paano tayo bukas? Parang walang nangyari? Back for being friends?”

                “What the hell are you talking about?” kunot noong sambit nito.  “Ang gusto ko lang naman maging masaya tayo at mag-enjoy tayo sa date na walang iniisip na problema. Ano nga bang problema? I don’t even know one. Do we have? Then, tell me what’s the problem. Is it the kiss? Yumi, it wasn’t even our first—”

                “Aaarggh!” Nasapo niya ang noo at of frustration. Hindi ata sila nagkakaunawaan ng King arrogant na ito. At pakiramdam  niya sasabog siya kung hindi niya masasabi dito ang nararamdaman. “Fine! Gusto nimo mahibaw-an kung unsa akoang problema? Ikaw ang problema naku! Bisan dili ko gusto na tagadon ta ka dili gyud naku malikayan. Usahay lamiaa nimong i-prito sa pagkadautan mo pero mibag-o ka ug naboutan. Dili gyud naku madugayan ang imong panan-aw kay murag magkagusto ko sa imohaa. Kahibalo ko na dili ka magkagusto nako pero nahigugma ra giyapon ko nimo. Kana ang problema ko kay nahigugma ko nimo,” she confessed. Wala siyang pakialam kung di nito naintindihan ang sinabi niya. “Mas malaking problema pa iyon kesa sa pagtaas ng baha sa Maynila!”

                Tila gusto na niyang mamato ng pakalat-kalat na paso nang makita ang reaction ni Miguel. He was smiling impishly as if kinikilig ito sa confession niya…as if naintindihan nito iyon.

                “Well, I don’t see any problem with your problem.”

                “Yeah, right!” she sarcastically exclaimed. “Wala ka talagang masasabing problem dahil hindi mo naman ako naiintindihan.”  Kinuha niya ang dalawang tuwalyang nakasampay sa gilid ng lanai. Towel nila iyon ni Aira. Ginamit niya ang towel ng kapatid at inihagis niya kay Miguel ang  tuwalya niya.

                “Naintindihan kaya kita. Sabi mo,  gusto ko bang malaman kung ano ang problema mo? Ako ang problema mo. Kasi kahit ayaw mong mapansin ako, napapansin mo ako. Minsan ang sarap kong iprito dahil ang sama ng ugali ko pero bigla akong nagbabago at nagpapakabait. Hindi mo kayang tagalan ang mga pagtitig ko sa iyong mga mata dahil lalo lang ikaw naaakit. Alam mong malabong mahalin kita, pero naramdaman mo pa rin. Iyon ang problema mo.  And lastly sinabi mong gusto mo ako. By the way, I love the last line.”

                Daig pa ni Yumi ang nabuhusan ng nagyeyelong tubig. Bingo! Alam na alam na ni Miguel na may gusto siya dito. “Pa-paano ka natuto—”

                “Iyong bago kong secretary, marunong mag-Cebuano. Nagpaturo ako.”

                “Ah…” Yan kasi, ano na ngayon Yumi? Nganga ka na lang!  “Ahm, sige goodnight.”  About face. Tapos na ang gabi ng pagpapahiya sa sarili. Kailangan na  niya ng escape. Ikaw naman kasi Yumi, napaka-lady Gaga mo rin e,  sermon niya sa sarili. Papaakyat na siya ng hagdan nang tawagin nito ang pangalan niya. Nilingon niya ito.  

                “Gihigugma ko sab ikaw.”

                Natigilan siya kasabay ng biglang pagkabog ng puso niya. King arrogant Miguel just said what she wanted to hear from the start. He just said he loves her too. But still, she’s afraid to give in. “Migs…”

                Lumapit ito sa kanya. “I mean it Yumi. Mahal din kita. I don’t how, when or what happened. All I know and I’m certain is that I love you… I love you so much.”

                “Wag mong sabihin iyan Miguel dahil lang alam mo ng may gusto ako sa’yo.”

                Umiling ito. “Matagal ko ng gustong sabihin ito pero pati ako hindi sigurado noon. But after that kiss, my heart already decided.” Niyakap siya nito. “I know it’s you or nothing. It doesn’t matter who love first or who love next. What more important is that we both know now that we love each other, right?”

                 Her heart felt like being wrapped by Miguel’s love. That was one of the happiest moments for every woman. Iyong marinig na mahal din siya ng lalaking minahal niya. She felt her eyes filled with tears of happiness. She embraced him back. “Nakakaloka ka, Migs!”

                He chuckled. “Well, I guess you made me a better man. And I made you the craziest woman!”

                She laughed while tears of happiness kept on pouring. “Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ano bang dapat sabihin? Ikaw kasi, binibigla mo ako.” She moved a little, enough to gaze on his expressive eyes. Umiwas siya nang tingin nang kiligin siya sa pagtitig nito.

                “You don’t have to say anything now. Alam ko naman na nakakagulat iyong confession ko. I just love you, Naiomi. And I really want to start a new beginning with you.”  He lovingly wiped the tears on her cheeks.

                Binalingan niya ito. “Migs… iyong velvet box… singsing ang laman noon di ba?”

                “Hindi mo ba iyon binuksan?” Umiling ito. “Alright, I confess again. Magpo-propose na talaga ako dapat sa’yo noon. A real proposal because I wanted to be yours. Kaso lang nabadtrip na ako kasi pinagtawanan mo lang iyong effort kong magpaalam sa tatay mo para maligawan kita ng pormal.” Sumimangot ito na tila nagtatampong bata.

                She softly laughed and gave him a quick kiss on lips that made him smile. Waaahh, ang gwapo-gwapo! “Sorry naman, akala ko talaga joke iyon e.”

                Hinawakan nito ang tuwalyang nakatalukbong sa ulo niya. He even dried her hair using that towel. “Can this be official?”

                She nodded. “Thanks Miguel. Para pa din akong nanaginip ngayon pero sana bukas paggising ko, walang bawian ah.”

                “After ng sangkatutak kong confession, babawiin ko pa? No way!” They both laughed until he set his expressive eyes on her again. He moved closer and gave her a sweet fiery kiss. “Thank you, Naiomi.” He whispered in her ears.

                “Ako ata ang dapat mag-thank you. Ginawa mo akong napakagandang babae ngayon kahit basang-basa sa ulan ang drama natin.”

                He chuckled. “Puyat lang iyan.” He held her hand and led her towards her room. “Better of, maligo ka na ulit at matulog.”

                “Baka puyat lang din iyang love mo ha. Sasamain ka sa akin bukas!” Tinawanan lang nito ang sinabi niya. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. Papasok na sana siya pero tila ayaw pang bitawan ni Miguel ang kamay niya. “Uy Miguelito, may bukas pa!” biro niya.

                Napakamot ito sa batok nang mapilitan itong bitawan na ang kamay niya. “I hope you had a great night.”

                “Naku di lang great. Upgraded great!” Tinawanan siya nito. “Salamat Miguel.”  

                Humabol pa ito ng quick kiss sa cheeks. “I love you.”

                She smiled. “I love you, Migs.”


                “YES, MA. Kararating ko lang po sa bahay.” Miguel was conversing with his mom over phone habang pinagmamasdan niya si Yumi na nililibot ang paningin sa bahay niya. They were back in Luzon. Nauna ng umuwi ang dalawang kapatid nito sa Laguna. He was so glad that Yumi decided to extend another solo day with him before he goes back to Australia on the next day.

                “Good, or maybe not. Nahuli na ang gun man mo pero ayaw pa ding umamin kung sino ang mastermind. Do you think it would really be Carlene?”

                “Yes, Ma. Nakausap ko ang father in law niya. May kaso si Carlene sa US. Kumuha daw ng malaking pera ng kompanya nila pagkatapos ay bigla na lang nawala. Ang hinala ng stepfather niya, ginamit ang perang iyon para bumayad ng taong papatay daw sa akin. May mga alam siya. Pumayag ang stepfather niya na mag-testify para sa kaso ko against Carlene. I told you, Ma. She’s been acting so weird when we last met. And recently, pinagbantaan pa ako. Wala ng ibang gagawa pa noon sa akin kundi siya lang.”

                His mom sighed. Ano ba kasi iyang pinasok mo anak?”

                “Ma, don’t worry. Everything is still under my control. May securities na nakabantay sa akin at sa inyo, pati na rin sa mga kapatid ko. It doesn’t matter if you recognized them. Nasa paligid lang sila at nakabantay. I pay them to keep all of us safe. Plus I have the best league of investigators and legal counsel in US.”

                 “Whatever, son! Nakaka-stress ka pa rin. Pupuntahan kita diyan.”

                “Wag po!” That slipped off his tongue. Paano niya masosolo ng tuluyan si Yumi kung darating ang madaldal niyang ina?

                “What?”

                “Ah, Ma ang ibig ko pong sabihin wag po muna ngayon. Bukas na lang po pag paalis na ako.”  Sinundan niya si Yumi nang pumasok ito sa isang bahagi ng living room niya kung saan naroon ang bahay ng mga alaga niyang pusa. He found excitement on Yumi’s eyes when she opened the door that separates the living room and the cat house.

                “Wow Miguel! Eksaherada sa dami ang mga alaga mong pusa!” bulalas nito. Natutop nito ang bibig nang mapansing may kausap pa siya sa phone. “Sorry!” she mounted.  He just smiled.

                “Got you, Miguelito! May babae kang kasama diyan kaya ayaw mong pumunta ako diyan,” hirit ng nanay niya over phone.  “Is that Naiomi Dellano? The girl who co-owns your hide out place in Cebu?”

                “Ma, you’re being nosy again.”  Yumi was now playing with some of his pets.

                His mom laughed. “So, kayo na?”

                “Yeah.”

                “Kaya naman pala kahit may gustong pumatay sa’yo e kalmado ka pa rin. Sige na, mag-moment na kayo. I’ll see you tomorrow, son. Be safe.”

                “Ewan ko sa’yo, Ma. I’ll call you later.” He ended the call after he said goodbye and I love you to his loving mom.

                He grabbed the container where cat foods were stored. “It’s time to feed them up!” Umupo siya sa gilid ng pinto and started feeding cats with his bare hands. Few seconds more, nagsilapitan na ang ibang mga pusa sa kanila.

                “Grabe, Migs. Andami nila at puro pa Persian at Siamese,” sambit ni Yumi. Umupo ito sa tapat niya at nakigaya sa ginagawa niya. Tuwang-tuwa ito habang napapalibutan ng mga alaga niya.

                “May mga crossbreed na rin actually. Like this one and that one.” Itinuro niya dito ang mga Persian-Siamese crossbreed.  “Maliban sa trabaho, sa kanila lang ako naging abala. Pero ngayon, babawasan ko ng konti ang oras sa kanila para sa isang magandang teacher na nasa harap ko ngayon.” He grinned. She just smiled at him.

                All of a sudden, napatitig na lang siya habang magiliw itong nagpapakain ng pusa. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, parang gusto niyang tumigil saglit ang oras para maging mas mahaba pa ang panahong kasama niya ang girlfriend niya. “Ayoko ng umalis.”

                Bigla siyang nilingon nito. “Miguel, hindi naman manyapa’t may maganda, sexy and alluring girlfriend ka e magkakaganyan ka na.” Napatawa siya sa sinabi nito. “Bukas, babalik din tayo sa sarili nating buhay. Ako, bilang teacher ng mga kids at ikaw bilang Hitler boss!”

                “I’m not a Hitler boss. I’m just a strict one,” apila niya.

                “Pareho lang iyon.”

                Nagkibit-balikat na lang siya. “Yumi, magiging okay tayo kahit magkalayo tayo di ba?”
               

                TINIGILAN MUNA ni Yumi ang pagpapakain sa mga pusa. Umupo siya sa tabi ni Miguel at yumakap siya dito. “Walang mababago. Tulad ng dati, webcam chat lang ang katapat niyan.”

                He kissed on her temple. “Mas gusto ko iyong ganito tayo. Pag magkalayo na tayo wala na akong sweet hug at sweet kiss.”

                She kissed on his cheeks. “Eh di webcam hug at webcam kiss. Araw-araw pa kung gusto mo.”

                “It is good but not enough.” He sighed. “Ngayon pa lang nami-miss na kita.”

                She faced him and brushed his hair with her fingers. He just lovingly gazed at her. Waaaah, ang gwapu-gwapo naman ng boyfriend ko. Matapos nitong magtapat ng pagmamahal sa kanya, tila biglang naglaho lahat ng takot at alinlangan niya. She felt like complete just having him beside her. A part of them eventually changed but they both knew the changes were for the better.

                 A sweet idea popped on her head. “Migs, gusto mo bang ma-miss ako lalo?” malambing na sambit niya. She kissed on his nose.

                He grinned. “Baka ako ang ma-miss mo lalo.” He held her nape and gave her a round of blistering sweet kisses.

                A strange but good thrilling sensation ran through her veins as Miguel lovingly embraced her. He was giving her all the reason to fell in love with him every minute… every second. Ramdan niya sa bawat halik nito kung gaano siya nito kamahal. She lovingly responded to his ardent kisses aiming to tell him that he was the only man she will be in love with. Dahan-dahan siya nitong itinayo mula sa pagkakaupo nila sa carpeted na sahig. They continued kissing while embracing each other. They were like dancing with their own music as he lifted her up. Awtomatikong iniyakap niya ang mga braso sa leeg nito.

                He stopped and gazed at her.  “Is this really what you wanted Yumi?” tanong nito habang buhat siya nito. He was about to bring her to his room.

                She nodded. “Let me know how far our love can go, Migs.”

                “I’ll take it as a yes.”  

                Another round of passionate kiss happened as he carefully laid her on his bed. Buong pusong tinanggap lahat ni Yumi ang pwedeng mangyari sa gabing iyon. She was ready… she actually have no idea that she would be ready for this until she fell in love with Miguel. Every kiss, every touch, every stare, every gasp, and every soft whispers of I love you’s made her feel how good it is to be woman…  a special woman who is able to make a man feel so alive and complete. They went through it and share the night of romance with no doubts, no worries and no fears of what will happened for the next coming days.

                “You are amazing, Naiomi Dellano.” He lovingly kissed on her forehead and on her nose as he laid next to her.  

                “You are so loving and caring, Miguel.” Yumakap siya dito. “Malayung-malayo na yan sa sinasabi mong masama ang ugali mo. Kaya wag mo na uling sasabihin na ganon ka ha.”

                “From now on, hindi na.” He kissed her temple.  “I love you.”

                “Halata ko na nga na love na love mo ako. Ilang beses kong narinig iyang I love you sa’yo,” she grinned. “I love you so much Miguel. I never thought this day would come but I have no regrets. Thank you for sharing a wonderful night with me.”

                “Don’t worry. We have more nights and even days once you accepted my ring.”

                Pabirong pinalo niya ang balikat nito na ikinatawa lang nito. Now that he mentioned the ring, dapat na nga siguro niyang pag-isipan iyon. Is she ready to be named Mrs. Naiomi Dellano-Catacutan for real?



PREVIOUS                                                                  NEXT 

Comments

Anonymous said…
Oh my...oh my.. dapat nito may umento ako sa boss ko, grabe sobrang laki ng pakinabang nya sa akin ha.. ayan nagkalablyf

waaaaaaa... super duper kilig na ako kay sir hitler.... grabe dami kung tawa dito sa pagturo ko ng bisaya sa kanya... havaness ng hair ni Yumi huh!...

bb otor sensya na mukhang lagi akong nauuna sa comments box, unsaon kay kanindot man ning storyaha sang akong amo.

Naiomi Catacutan said…
Grabeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Mahal na mahal ko yung chapter na to. WAAAAAAAAAAAAAAH! NAKAKAKILIGGGGGGG! WAAAAAAAAAAAH! Nakakainlove si Miguel! WAAAAAAAAH! Ang ganda ganda talaga! Aalis si Miguel? Huhuhu :( Pero ang ganda. Next na next na :)
Jez Galvez said…
ang gandaaaaaaaaaaaaaaa, nikikilig akooo melaizkie wahahaha
Anonymous said…
ang gandaaaaaa waaaaa

-Hanna G Rakman
Anonymous said…
waaah! kinakabahan ako sa next chapters.. sobrang gaganda ng mga chapter,, nakakakilig kaya lang yng upcoming chapters eh.. :(

pero thumbs up! the best ka talaga ate Melai! :D

-Pej
nonzie wonzie said…
naku ang gandaaaaaah talaga!grabeh, almost one week of no internet connection and electricity dahil kay bagyong pablo sa wakas nabasa ko ka rin ang latest post!nakakakigig talaga!cant wait for the next chapters.:)well done gandanf author:)
Mmmeeelllaaaiii!!! Napaiyak ako sa sobrang intense ng pagmamahalan nila!
Anonymous said…
Wàaaaaaaaaaaaaaaaaà grabe! Kinilig akosa confession ni yumeyyyyyyyyy! Ikaw na yumeyy! Ang haba na ng hair umabot talaga sa cebu!!! Titaaaaaa sana may gnito rin ako!! Kilig much! Gusto ko umiyak!
Rika said…
Wàaaaaaaaaaaaaaaaaà grabe! Kinilig akosa confession ni yumeyyyyyyyyy! Ikaw na yumeyy! Ang haba na ng hair umabot talaga sa cebu!!! Titaaaaaa sana may gnito rin ako!! Kilig much! Gusto ko umiyak!
Apple jane said…
Huh!!a climax of satisfaction!!sbra
Nkakakilig grabe!!
!!!!!!!!miss ko tuloy sa asawa ko,ahayyyy buhay abroad buti nlang may mga novel nkakawala ng pangungulila!!!gudluck God bless

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…