Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Eleven




Mabigat ang loob ni Yumi habang pinagmamasdan ang isang lab result. She just found out that she’s pregnant and that resulted to a tough decision. Sa araw ding iyon, puputulin na niya ang kahit anong kaugnayan kay Miguel. Hindi siya masaya sa desisyon pero iyon ang tama. Hindi niya kayang ilagay sa alanganin ang buhay ng pamilya niya lalo na ang buhay ng baby nila ni Miguel. Batid niyang hangga’t konektado siya kay Miguel, nasa panganib ang buhay ng pamilya niya dahil hindi pa rin nahuhuli si Carlene. A decision must be made.

               Kinuha niya sa  bedside drawer ang envelop kung saan nakalagay ang papeles  ng Casa de Yumi. It all started with that house. Sa unang pagkakataon, maluwag sa kalooban niyang tinanggap na hindi na talaga mapupunta sa pamilya niya ang casa. Ibabalik na rin niya iyon kay Miguel. Tutal naman, wala na ang kanyang ina. At dahil doon, hinding-hindi na magiging kumpleto ang Casa de Yumi.  Inilagay niya sa  isang file case ang mga papeles. Hinubad niya ang kwintas na unang regalo ni Miguel sa kanya. Hinubad na rin niya ang unang wedding ring nila at ang kanilang engagement ring. Tears fell from her eyes. Ise-seal lang sana niya ang file case nang mabalingan niya ang kanyang lab test result. Kinuha niya iyon at isinilid din sa file case. Miguel deserved to know that she’s carrying his first born.  Miguel was still in coma. And  she found the situation perfect for her escape. Hindi niya alam kung anong magiging reaction ni Miguel sa pag-iwan niya dito pero isa lang ang sigurado siya… kailangan na niya itong gawin.

                Bitbit ang file case ay lumabas na siya ng kwarto. Pupuntahan niya si Miguel. Inabutan niya ang kanyang ama na abala sa pagkakahon ng kanilang mga gamit. Bago matapos ang araw na iyon ay babyahe na sila papunta sa bago nilang tirahan. Lilipat na ang pamilya niya sa isang lugar kung saan sila magsisimulang muli.


                “’Tay, pupunta po muna ako kay Miguel sa hospital.”

                Malungkot na binalingan siya ng kanyang ama. “Sigurado ka na ba sa desiyon mo?”

                “Tay, ito iyong tama.”

                “Anong tama sa paninisi mo kay Miguel sa pagkawala ng nanay mo?”

                She was pissed off. “Anong gusto nyong gawin ko? Lapitan ko pa rin siya na parang walang nangyari? Ituloy ang lahat ng nasimulan namin kahit na tuwing makikita ko ang mukha niya ay naaalala kong siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko? Gusto nyo ba na sa araw-araw na lang para tayong mga siraulong kabado at napapraning na baka maya-maya lang isa na naman sa pamilyang ito ang patayin ng  ex wife niya? Ni hindi nga tayo naprotektahan ng sinabi niyang security natin. Namatay na si Nanay Crista. Tama ng may isang nasakripisyong buhay para mapatunayan ko na walang magandang maidudulot ang maging karelasyon ni Miguel.”

                “Paano ang baby nyo?”

                “Hindi ko iyon ililihim sa kanya, ‘Tay. Pero hanggang doon na lang iyon. After all, hindi pwedeng malaman ng ex niyang may anak kami.Hindi na siya pwedeng lumapit pa sa pamilya ko, hinding-hindi na.”

                Her father sighed. “All of a sudden,parang hindi na ikaw ang anak ko, Yumi.” Natigilan siya sa sinabi nito.  Binago na nga ba siya ng sitwasyon? “Sige na, lumakad ka na.” Ipinagpatuloy nito ang pagkakahon ng mga gamit.

                “Sige po.”  Papalabas na siya ng bahay nang biglang mag-ring  ang phone niya. Bigla siyang kinabahan nang makitang tumatawag sa kanya si Amhiela. Napalingon siya sa kanyang ama na nakamasid lang sa kanya.  Agad niyang sinagot ang tawag. “Amhiela? May nangyari ba kay Miguel?” nag-aalalang tanong niya agad.

                “Yumi…”

                Natigilan siya. It wasn’t Amhiela on the other line. It was Miguel. “Migs! Ikaw na ba talaga iyan, Miguel?” Tears started to pour on her cheeks. Sa wakas, tapos na ang paghihirap ni Miguel sa pagiging in coma.

                “Yeah. Sa’n ka?” He softly whispered.

                “Nasa bahay ako. Papunta na ako diyan.” Tinanguan niya ang ama at saka siya naglakad papalabas ng bahay. She kept the line open. “Kamusta ang pakiramdam mo?”

                “I’m fine, but I feel so weak.”

                “You just woke up, Migs. Makaka-recover ka din.” Then an awkward silence came in. Nagbigay iyon ng pagkakataon kay Yumi para maalala ang kanyang decision. Lalong nagsunod-sunod ang patak ng luha niya habang naglalakad siya papunta sa kanto kung saan siya mag-aabang ng masasakyan.

                “Yumi…”

                “Hmmm?”

                “I’ll wait for you here.”

                “Yeah. Just stay put and rest well. On the way na ako.”

                “Take care, Yumi. I love you.”

                She cut the call without even saying anything. Mixed emotions ang nararamdaman ni Naiomi. She was indeed glad that finally Miguel was out of danger. But she found the situation unfair. Hinding-hindi na nga siguro niya maiiwasang isipin na buhay ng kanyang ina ang nawala kapalit ng buhay ni Miguel...kapalit ng true love experience niya. Hindi din niya maunawaan kung bakit napakahirap para sa kanilang dalawa ang magmahalan. Perfect naman sana ang lahat, kung hindi lang may nambaril sa bahay nila na ikinamatay ng kanyang ina. Mahal kita Miguel pero hanggang dito na lang tayo. And she would stand on her decision.


                “MAMA, I won’t be sleeping that long again,” hirit ni Miguel. His mom didn’t stop kissing his forehead while hugging him like a baby.

                “Anak, naman. hayaan mo na si mama.” Hinaplos nito ang buhok niya.

                He looked up to face his mom. On cue, tears fell from his Mama Mhiel’s eyes. “Ma, hindi na ito mauulit.”

                “Dapat lang.” Pinawi nito ang sariling luha. “Mahirap mag-alala ng nag-iisa, anak. Una ang kuya mo naaksidente at nacoma din. Tapos si Amhiela, naging risky din ang panganganak niya before. And now, ikaw. But among the three of you, mas natatakot ako sa sitwasyon mo. Wala pa ring lead ang mga pulis tungkol kay Carlene pero iyon gun man mo, umamin ng binayaran siya ng malaki para patayin ang girlfriend mo.”

                “I guess my speculations are right. Kailangan kong gumaling agad para mabantayan ko si Yumi. And that Carlene must rot in jail as soon as possible.”

                “Miguel, there’s something about the incident that you need to know.” His mom looked  worried.

                “Ano po iyon?”

                “It wasn’t only you who were shot that day.”

                “Sino pong nadamay?” He suddenly felt agitated.

                “Naiomi’s mother.”

                He was shocked. “Kamusta siya? Okay lang po ba siya?”

                Lalong nadagdagan ang bigat ng kalooban niya nang umiling ang kanyang ina. “She passed away on that day.”

                Natigilan siya. Tila namanhid ang kanyang katawan sa narinig. No! This shouldn’t be happening.  Sa pagkagulat ay wala siyang nasabi.

                “Kalilibing lang ng nanay niya noong isang araw. Your girlfriend was still in grief so I hope you won’t make things difficult to her. Sa tingin ko din, may kinikipkip siyang sama ng loob. Never ka niyang dinalaw mula noong mamatay ang kanyang ina. Though, Hamiel and Amhiela kept on sending her updates. She’s in the middle of difficulties, Miguel.”

                Biglang siyang natakot. Posible kayang sinisisi siya ni Yumi sa pagkamatay ng ina nito kaya hindi ito dumadalaw sa kanya sa hospital? Dumoble ang takot na naramdaman niyang nang maisip niyang baka bigla na lang din itong makipaghiwalay dahil sa nangyari. She didn’t even sounded glad when he called her a while ago.

                On cue, bumukas ang pinto. “ Good afternoon po,” agad na pagbati ni Yumi sa kanyang ina.

                “I’m giving you some private time together. I’ll just be outside.” His mom gave him  a sympathy look before she went out of the room. Naiwan sila ni Naiomi.

                There were just gazing at each other at first. Miguel found it so difficult to gather the right words to tell her. Alam niya ang pakiramdam ng mamatayan ng magulang. It would never be easy to overcome.  And their situation was giving more complication to the situation.

                She sighed, gave him another fake smile, sat on the side of the bed and held his hand. “Miguel…” Tears fell from her eyes.

                “Don’t cry, Yumi.” He tried to wipe her tears but he can’t move well.  Bago pa niya maabot ang pisngi nito ay napawi na nito ang sariling luha.

                “Sorry, bigla ko lang naramdaman iyong takot na naramdaman ko noong nabaril ka.” She held his hand tight. “Hindi na ito mauulit. Hinding-hindi na. Ayoko ng maulit ang araw na iyon.”

                “Yumi…” He squeezed her hand tight, too. “I’m sorry. I didn’t want it to happen to your mother.”

                Natigilan ito at  lalong sumeryoso ang mukha. “I know… but I can’t understand why this thing have to happen.” Dahan-dahan nitong inalis ang kamay sa pagkakahawak niya.

                That stabbed his heart. Pawang alam na niya ang sunod na mangyayari. “Pagkalabas na pagkalabas ko dito, hindi ako titigil hangga’t di ko nakukuha ang justice para kay Nanay Crista.”

                Umiling si Yumi. “Mapakulong mo man si Carlene o kahit mamatay pa siya, hinding-hindi na mababalik ang buhay ng nanay ko! Wala ka ng magagawa pa. It’s too late!” Bahagyang tumaas ang tono nito. Kapwa sila natigilan. Moment of silence took over.

                Pinagmasdan lang niya ito. Pain, hatred and grief were all reflecting in her eyes. Umiwas ito ng tingin at bumuntong hininga kapagkuwa’y tumungo na lang.

                “Kung namatay din ba ako, magiging patas na ang lahat?” Miguel asked. He heard her sobbed. Kasabay noon  ay tumulo din ang luha sa kanyang mga mata. He noticed her hand, wala na itong suot na singsing. Hindi na rin nito suot ang kwintas na bigay niya. “Yumi, kung may choice ako nang araw na iyon, lahat ng balang pinaulan sa bahay nyo sasaluhin ko wag lang  may masaktan. Handa akong gawin iyon dahil mahal kita at mahal ko rin lahat ng taong mahalaga sa’yo.”

                 “Sa masabi mo iyan, wala namang mababago. My mother is already six feet below the ground.” She sighed. “Minsan ba naisip mo na ang pagmamahal ay hindi sapat para maging okay ang lahat sa ating dalawa? I’m sorry, Miguel. Natatakot akong dumating ang araw na hindi ko na maramdamang minamahal kita.  Kailangan kong i-preserve ang damdaming iyon bago pa iyon mawala ng tuluyan.” Ibinigay nito ang file case sa kanya. “Ibinabalik ko na lahat ng binigay mo sa akin.”

                “Bakit?”

                “We have to end this, Miguel.”

                “Hindi ko iyan tatanggapin.”

                “Iiwan ko pa rin iyan sa’yo, sa ayaw mo’t sa gusto. Andyan lahat ng binigay mo sa akin kasama na ang bahay, ang singsing, at ang pagmamahal mo.”

                “Hindi ko kailangan ang mga yan!” He shouted. He felt some pain in his chest. Napasinghap siya. Agad siya nitong dinaluhan. Ngunit masyado na siyang nasaktan sa ginawa nito sa kanya kaya sa unang pagkakataon ay tinabig niya ang kamay nito… silently telling her that he had enough. They stared at each other intensely. “Kung iiwan mo ako, umalis ka na lang! Wag ka ng magpaalam!” Umiwas siya ng tingin.

                This was the first time he fell in love. And this was also the first time he got his heart broken by a situation that he got nothing to defend himself. Hindi niya iyon matanggap.

                Tumayo na ito. “Aalis na na ako.” Ipinatong nito ang file case sa bedside table at naglakad na ito papalayo sa kanya.

                Bubuksan na sana nito ang pinto nang tawagin niya ito. “Naiomi…”   Huminto ito ngunit hindi na siya nilingon. Miguel sighed. “Mag-iingat ka.”  She didn’t said anything. Binuksan nito ang pinto at tuluyan ng umalis…sa silid niya at sa buhay niya. He was left in despair.

               
               
                “SANA, mahatulan na ang Carlene na iyon!” puno ng inis na sambit ni Ericka. “Ang dapat sa kanya, isilid sa sako, pakuluan ng sampung oras at ihawin hanggang sa maging abo!”

                “Korek! Gusto kong gawing drawing board ang mukha niya at ang gagamitin kong pan-drawing ay iyong mga surgical scalpel ni Tatay,” dagdag pa ni Aira. “Kulang pa iyon sa ginawa niya kay Nanay.”

                “Tumigil nga kayong dalawa,” sita ng kanilang ama. “May proper justice system  para 
mapagbayaran niya ang ginawa niya sa nanay nyo. Pagdasal na lang natin na pabor sa atin ang hatol.”

                “‘Tay, hindi nyo ba minsan naisip gumanti?” tanong ni Naiomi.
                Kasalukuyang silang naglalakad sa  hallway ng municipal trial court ng Laguna para sa court hearing ng kasong pagpatay sa kanilang ina at attempted murder kay Miguel. Finally, nahuli na si Carlene noong nakaraang buwan. Mula ng mapasakamay ito ng mga pulis ay mabilis na umusad ang kaso at ngayon, babasahin na ang huling hatol.

                “Anak, kung kumuha ako ng baril at iputok sa dibdib niya ng tatlong beses tulad ng  pagpatay niya sa misis ko, magiging masaya kaya ako pagkatapos?” Umiling ang kanyang ama. “Hindi. Dudumihan ko lang kamay ko at pagkatapos noon, wala rin namang mababago. Wala na si Crista. Hindi na babalik ang nanay nyo. The least thing na magagawa natin para kay Nanay ay ang mabigay sa kanya ang justice.” Binalingan siya ng kanyang ama. “Ikaw, Yumi. Anong naiisip mo?”

                Nakuyom niya ang palad. “Kung hindi kasalanan ang pumatay, papatayin ko siya. At least quits na. Pero dahil ayokong maghimas ng rehas, pwede na sa akin na makulong siya habambuhay.”

                “Korek!” hirit ng dalawa nyang kapatid na ikinailing lang ng kanilang ama.

                Unti-unti na nilang natatanggap na wala na ang kanilang ina. It would always make  them feel incomplete but they must learn how to move on.

                Papasok na sila ng hall kung saan gaganapin ang pagbasa ng hatol nang makasalubong nila sila Miguel at ang pamilya nito. Nagkatinginan sila ni Miguel. Hindi na sila nagkita at nagkausap mula nang iwan niya dito ang file case mahigit isang buwan na ang nakakalipas.

                Nagbatian ang mga kapamilya nila habang silang dalawa tahimik lang na nakatitig sa isa’t isa hanggang sa ito na ang unang umiwas. Without saying anything, nauna itong pumasok sa hall.  Pumasok na rin sila.

                Driven by faith, ang tanging seat na naiwan ay sa tabi ni Miguel. Walang naging choice si Yumi kundi ang umupo sa tabi nito. Tahimik lang sila pareho habang hinihintay na magsimula ang court hearing.

                “Masyado ka atang nag-celebrate sa break up natin,” Miguel said.

                Napakunot ang noo niya. “Wala akong alam sa sinasabi mo.”

                “Panay siguro ang kain mo to celebrate. Tumataba ka.”

                Napangiwi siya. buntis ako, siraulo ka! “Hindi mo ba binuksan ang file case na iniwan ko sa’yo?”

                “Nope. I don’t have time for drama. Bakit ko pa iyon bubuksan kung alam ko naman ang laman? Papeles ng casa at iyong binigay ko sa’yong kwintas at singsing lang naman ang laman noon di ba?”

                Now she was sure na hindi nga nito binuksan ang file case. Alam niyang iba ang magiging reaction nito kung sakaling alam nitong buntis siya. “Pag-uwi mo, buksan mo ang file case.” Wala siyang planong ilihim dito ang tungkol sa anak nila. Lumayo man siya dito, gusto pa rin niyang  dumating ang panahon na magkikita at magkakasama ang baby sa tiyan niya at ang ama nito.

                “Hindi na kita girlfriend. Hindi ako susunod dahil lang sinabi mo,” he sarcastically said.

                “Bahala ka. Walan sisihan, Migs.”

                “Whatever.”

                Nagkibit-balikat na lang siya. Hanggang sa ipasok na ng hukuman si Carlene. Nakaposas ito at escorted ng dalawang pulis. Nakuyom ni Yumi ang kamay nang magkatinginan sila ni Carlene. It wasn’t the first time she saw this criminal but still she felt the same. Gusto niya itong pulbusin.

                Huminto ito sa tapat niya. Tinapunan nito ng tingin si Miguel pagkatapos ay bumaling uli sa  kanya.  “Hindi ko alam kung bakit kahit paghiwalayin ko kayo, nananatili si Miguel sa tabi mo. Naiinggit ako sa’yo.” She didn’t say anything.  Binalingan nito si Miguel. “Bakit mas pinili mong ibigay ang buhay mo sa kanya? Nauna naman ako sa kanya ah.”

                Hinawakan ni Miguel ang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. “Napaghiwalay mo nga kami. You succeeded. But I will never love any woman more than I love Yumi. Mahal ko siya. Iyon lang ang simpleng dahilan kung bakit pinili ko siya, Carlene.”

                “Unfair ka pa rin, Miguel.” Tears fell from Carlene’s eyes when she walked away going to her place.  Hindi maiwasan ni Yumi ang maapektuhan sa sinabi ni Miguel at ng mainit nitong kamay na nakahawak sa kanya. Those truly touched her heart and melted the walls she built between them. Ang malamang mahal pa rin siya ni Miguel even after a month of break up ay nagdulot ng kakaibang saya sa puso niya.

                Binalingan niya ito. Caught in the act na nakatitig din ito sa kanya. Bigla itong umiwas ng tingin at dahan-dahang binitawan ang kanyang kamay. Uusisain sana niya ito nang biglang pumasok na sa hall ang Judge at nagsimula na ang reading. Idineklara ng guilty si Carlene sa patung-patong nitong kaso at hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.

                Tuwang- tuwa ang pamilya niya. Nabunutan na sila ng tinik ngayong nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ina. Definitely, magiging at peace na rin ang kanyang ina kung saan man ito naroon.

                “Congratulations, Yumi,” Miguel uttered.

                Tumango siya.  “Sa’yo rin. Congratulations and thank you.”

                “Tinupad  ko ang pangako ko. And now that we already gave justice to Nanay Crista, maybe I can finally take the right move for the two of us.”

                She felt her hear skipped when he lovingly gazed at her. Handa na siyang magsimula uli with Miguel. True indeed, pinawi ng pagkapanalo nila sa korte ang lahat ng alalahanin niya. Wala ng pwedeng maging dahilan para manganib uli ang buhay ng pamilya niya sa piling ni Miguel dahil nakakulong na si Carlene. Tutal naman, mahal pa rin niya ito at ganon din ito sa kanya. Wala ng pwedeng maging dahilan para hindi sila magsimulang muli.  “Miguel, handa ako na—”

                “Pinapalaya na kita.”

                Napanganga siya sa sinabi nito. “Ha?”

                “Naisip kong tama ka. Kailangan nating ipreserve ang pagmamahal na nararamdaman natin sa isa’t isa bago pa iyong mawala. I guess, it’s high time to end. I’m leaving the country for good. I’m sure that you will never see my face anymore. I’m setting you free. Goodbye.”  Then he walked away from her without even letting her to speak up.

                Ano kamo?


                NAKATULALA  lang sa kisame si Miguel habang nakahiga sa kama. Hindi niya akalain na magagawa niyang mag-goodbye kay Yumi nang hindi naluluha. Of course, he didn’t want to do this. Pero mahal niya si Naiomi.  Ayaw na niya itong pasakitan pa. Kaya kahit labag sa kalooban niya, pinalaya niya ito.

                I will never love any woman more than I love Yumi. Mahal ko siya… Napailing siya.  Yeah, right. Love. Damn freaking love! He sighed. Bumaling siya sa kaliwang bahagi ng kama niya. Parang tulad sa mga napapanood sa movie, naalala niya ang imahe ni Yumi nang gabing nahimbing ito sa kama niya. Her eyes, her messy hair, her soft lips… their unforgettable night.  Na-imagine niya ang mga ngiti ni Yumi nang unang umagang gumising sila sa iisang kama. Daig pa niya ang nakapag-close ng million worth of deal sa stock market sa sobrang saya niya noong mga sandaling iyon. Akala  niya noon ay magtatagal ang lahat… masisira lang pala ang lahat sa isang iglap.

                Napatitig siya sa unan, inalala ang mga sandaling nakahiga sila sa kama na iyon at nagtatawanan… nagkukwentuhan. Wala sa sariling sinubukan niyang haplusin ang imahe ni Yumi nang bigla iyong naglaho. Wala na… masakit mang tanggapin, wala ng magiging sila.

                Then he remembered how she looked at him for the last time. Alam niya, nararamdaman niya. Mahal pa siya nito. Pero hindi na siya kasing tapang ng dati para sumugal uli. Sa halip na muling magtapat, pinalaya na niya ito. At nasa huli talaga ang pagsisisi.  Dahil matapos niyang umuwi ay saka lang niya naramdaman ang epekto ng desisyon niya.

                Namataan niya ang file case sa bedside table at naalala niya ang sinabi nito kani-kanina lang. Ano bang meron pa sa file case? Out of curiosity ay kinuha niya iyon. Isang kahon ang nakita niya. Binuksan niya iyon at kumpirmadong laman noon ang kwintas at singsing na binigay niya dito. Pinagmasdan niya ang mga iyon. Bakit napakadali para sa’yo na isuko ako, Yumi?  Wala siyang magawa dahil alam niyang nakapagdesisyon na ito. Inilagay niya ang singsing sa kwintas at pinagmasdan ang mga iyon. Nang magsawa siya ay ibinalik niya sa kahon ang mga iyon. Tiningnan niya uli ang iba pang laman ng file case. Puro papeles na ang naroon. Napabuntong-hininga na lang siya nang mahawakan ang titulo ng Casa de Yumi. Napaka-special ng bahay na iyon. Maliban sa natagpuan niya ang sarili sa bahay na iyon, tinuruan din siya ng bahay na iyon na magmahal ng too. Inisa-isa niyang tingnan ang mga papeles hanggang sa may makita siyang medical certificate at at laboratory test result.

                Agad niyang binasa ang laman noon. Natigilan siya at biglang kinabahan. Naiomi was pregnant.  Sa isang iglap ay napuno siya ng mixed emotions. Kakaibang saya ang naramdaman niya ngayong nalaman na niyang buntis ito. Kaya pala siya nananaba.  Ngunit bigla siyang sinukob ng takot nang maalala niyang nagpaalam na ngapala siya dito. Damn! I don ‘t even know where she live today. Bakit ba ngayon ko lang binuksan ang file case na ito?  Dumoble ang takot na naramdaman niya. Paano kung hindi na niya ito makita? Nagmamadaling kinuha niya ang car keys sa bedside table at lumabas ng kwarto.

                “Miguelito! Saan ka pupunta?” sita ng mama niya. “May lagnat ka pa oy!”

                “I have to see Naiomi, Ma. I have to talk to her.”  Nagmamadaling lumabas siya ng bahay.

                “Nag-usap na kayo kanina di ba?”

                “Ma, she’s pregnant. For damn sake, I have to find her.”

                Natigilan ang kanyang ina. “Okay. Ingat.”

                Few minutes more he was driving to nowhere. Matagal ng umalis sa dating bahay ng mga Dellano ang pamilya nito.  He grabbed his phone and dialed Yumi’s number. It was unattended. He dialed her father’s number. Ito rin ang number na madalas niyang tawagan para ipaalam sa ama nito ang pag-usad ng kaso laban kay Carlene. Lalo siyang natakot nang unattended na rin ang number na iyon. Sinubukan niya ring tawagan ang dalawa nitong kapatid. Unaattended din ang numbers ng mga ito. Out of frustration ay inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. He felt his eyes shedding tears. Malalayo na siya sa mag-ina niya. Hinding-hindi na niya mayayakap pa ang kanyang anak. He can’t afford that to happen.

                Tinawagan niya ang lawyer niya. “Attorney, ahm. Do you have address of Mr. Marco Dellano?” Agad namang binigay ng abugado ang address sa Batangas. Pagkakuha ng address ay nagbyahe na siya papunta sa probinsya. Pagkarating niya sa tamang address ay bumaba agad siya ng kotse at lumapit sa gate.

                “Tao po! Yumi! Yumi!”

                “Kuya pogi!” Napalingon siya. Isang teenager ang lumapit sa kanya. “Umalis na diyan sina ate Naiomi. Kanina lang sila naglipat-bahay.”

                “Saan sila lumipat?”

                “Walang sinabi e. Wait, ikaw ba si Mr. Miguel Catacutan?” He nodded. Ngumiti ang teenager. “Sabi ni Ate Naiomi, ibigay ko daw ito sa’yo pag dumating ka.” Isang white envelop ang iniabot nito sa kanya. Ang galing ni ate. Sabi niya kasi baka daw bago maggabi dumating ka dito. Sige kuya pogi. Bye!”

                “Salamat.”

                Sumakay uli siya sa kotse at saka niya binuksan ang sobre. Isang note ang unang bumungad sa kanya.

                Migs,

                Hindi ko ipagkakait sa’yo ang karapatan mong malaman na buntis ko. Yeah. You probably saw my lab test sa file case. Alam ko rin na once malaman mo iyon ay susugod ka sa bahay namin kaya umalis na kami. Buntis ako, iyon ang dahilan kung bakit ako tumataba at hindi iyon dahil nagmamatakaw ako sa pagse-celebrate ng break up natin. Sarap mong sapakin din e. Alam mo, kung nag-I love ka kanina, hindi naman ako tatakbo palayo ng ganito. You chose this drama. Hindi naman ako desperada para magmakaawa pa sa’yo. After all, I deserve that  treatment. Nauna naman akong lumayo.
                Hindi ako nagsasara ng pinto, Miguel. Someday…somehow, magkikita din tayo. I-preserve mo iyong love natin ah. Para pag nagkita tayo… mahal mo pa rin ako dahil sigurado akong pagdating ng panahong iyon, mahal pa rin kita.  

                Yumi
               
                Tears fell from his eyes. What I have done? Kinuha niya sa sobre ang mga pictures. Unang ultrasound iyon ng baby nila ni Yumi. Lalo siyang nasaktan. Lalo siyang nalungkot. For the first time in his life, he made the worst decision ever. Kung hindi lang sana niya pinairal ang pride niya, wlaa siguro sila sa ganitong sitwasyon. Pinagmasdan niya ang ultrasound. I will never stop searching for you because I will never stop loving you at all, Yumi.



PREVIOUS                                                        NEXT

Comments

Racquel Arcega said…
ganda ganda naman!!!! keep it up melai! merry christmas!
Nonzie Wonzie said…
naku naman, ang ganda ng chapter na ito, ms author, pwedi poh bah ichristmas gift nyo sa aming readers ang happy ending nila ni naiome at miguel?hehehe thanks poh, keep up the good work and MERRY MERRY CHRISTMAS and ADVANCE HAPPY NEW YEAR!
Naiomi Catacutan said…
Nakakabaliw ang chapter na to! Grabeeee! Nakakaiyak. Nakakakatawa. Nakakakilig! Hahahaha. Ramdam na ramdam ang bawat scenes. Ang ganda. Galing galing talaga ni Ate Melai! :)))) Next chapter na kaagad. :)
Ericka Dellano said…
waahhh!! wala akong masabe!! hahaha.. this chapter is full of happenings and surprises!!! hahaha.. iyhh grabe..

ang ganda tlga ng story na to!! hahaha.. next Chapter na Ate Melai.. nakakabiten ehh!! hehehee :))

Merry Christmas nga pla!! :>
Ril Tim said…
Geeeez! Lahat na ngemotion nagawa ko na. Super thumbs up Ate Melai!
Pinapaiyak mo talaga ako, Melai!
kiz said…
ee naknakan ka kasi ng kalanturan Migs, ayun na ee! muntik pa matuluan ng luha ung laptop ko. haha. next na po! bago nmn magnew year ate melai. haha
Nakakaiyak tlga ..
Ang ganda ng story-!!

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…