Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Ten




Matamang pinagmamasdan ni Miguel si Yumi over a webcam chat. It’s been two months since they decided to have a relationship. Ngayon ay nasa ibang bansa na naman siya at naiwan ito sa Laguna. But like how they used to be, it seemed like the distance between them were just inches and not miles.

               Kasalukuyang abala si Yumi sa paggawa ng visual aids na ginagamit nito sa pagtuturo samantalang si Miguel, hindi makapag-concentrate sa binabasang business proposals. I rather gaze at her than do business.  He still felt strange but he’s fine with it.  Dati, kahit nanay niya ay hindi makakapagpaawat sa kanya sa pagtatrabaho. Pero ngayon, kahit di siya iniistorbo ng girlfriend kusa siyang napapahinto para namnamin ang mga sandaling tulad nito. Malaya niyang natititgan ito habang abala ito sa ginagawa.

                Bigla itong bumaling sa camera at caught in the act siyang nakangiting nakatitig lang dito.  Ngumiti ito at pinandilatan siya. “Miguel, hindi ka matatapos sa ginagawa mo diyan kung papanoorin mo lang ako.”

                “I miss you…”

                “Eeeeee! Miguel naman e!” Hinawakan nito ang mahabang buhok at itinakip sa pisngi at bibig nito. That cute child-like act of her made him miss her more. “I miss you too, Migs.” Binitawan nito ang buhok at sumeryoso. “Kelan ka ba uuwi?”

                “Di ko pa alam sa ngayon. Why are you looking at me that way, Yumi? May problema ba? Kung may problema at kailangan mo ako dyan, uuwi ako,” nag-aalalang litanya niya. Seryosong-seryoso kasi ang mukha nito na parang may gustong sabihin sa kanya.


                “Nakausap ko na ang mga magulang ko tungkol sa atin.”

                Kinabahan siya. Aminado siyang pressured siya pagdating sa mga magulang ni Yumi. Ganon talaga siguro pag gusto ng isang lalaking maging right and perfect man sa mata ng mga magulang ng babaeng minamahal. “Anong sabi?”

                “Umuwi ka daw at mag-uusap kayo,” sambit ni Yumi, still in serious mode. “Kasi…”

                “Kasi ano?”
                She lovingly gazed at him and smiled as she showed her left hand to him. He was stunned for seconds. Yumi was now wearing his ring. “Kasi handa na akong maging Mrs. Catacutan.”

                “Yumi…” He was speechless. Yes, hinihintay niyang maging handa si Yumi na magpakasal sa kanya. Pero hindi niya inasahan iyon sa araw na iyon. “You surprised me. I don’t even know what to say. Thank you. I love you.”  Yumi was just watching his reaction, teary eyed. “Hey, wag kang umiyak. Ako dapat ang umiiyak, Yumi. You have no idea how important this to me.”

                “Alam ko, mahalaga ito sa’yo…sa akin din Miguel. Bago ko kinausap ang magulang ko, binuksan ko iyong velvet box at pinag-iisipan ang pagpapakasal sa’yo. Mahal kita, Miguel.”

                “I love you too, Yumi.”

                “Yes, I know. Wala akong maisip na dahilan para hindi mangarap na makasama ka habambuhay bilang asawa mo. Kaya, Miguel, tinatanggap ko na iyong proposal mo.” Tears of joy fell from Yumi’s eyes. “Gusto kong malaman mo na hindi ako magpapakasal sa’yo dahil sa Casa de Yumi o dahil may nangyari sa atin. I want to marry you Miguel because you simply complete me.”

                “Yumi, thank you for loving me. Dati akala ko, hindi para sa akin ito. But when you came to my life, I was renewed. Natuto akong magmahal, natuto akong maniwala at magtiwala sa ibang tao.”

                “No, Miguel. I must be the one thanking you for loving me. Pero agree ako diyan sa sinabi mo. Akala ko rin hindi ka marunong magmahal kasi ang press release mo, heartless ka. Ang hindi alam ng iba, isa kang super loving guy.”

                “Sa’yo lang ako ganyan, Yumi.”

                “Ah, so exclusive package pala iyon. Lucky me!” patawang hirit nito.

                Ilang segundong katahimikan. They were just staring at each other, silently wishing that they were not miles away from each other that time. Kung nasa Pilipinas lang siya, malamang kanina pa siyang nakatakbo papunta dito… just to have few seconds of kiss and minutes of hugs perhaps.

                 “So, uuwi ka na ba?” malambing na tanong ni Yumi.

                An idea popped his mind. “No. Saka na lang tinatamad pa akong mag-empake.” He even lazily laid on his swivel chair.

                Sinimangutan siya nito. “Okay ka lang Miguel? Kanina lang, mas malupit pa sa nanalong Miss U ang itsura mo tapos ngayon, parang walang nangyari? Hello! Engaged na tayo. At kasasabi mo lang kanina uuwi ka pag kailangan kita.”

                “Matakot ka kung wala akong naging reaction kanina. That’s enough. Besides,” kinuha niya ang business proposal na hawak kanina, “I still have to finish lots of work here—“

                “Bahala ka na nga sa buhay mo!” She winced. Napikon ata ito sa kanya.   Kinuha nito ang itinabing gawain kanina at hindi na siya inintindi.

                He grinned. “Yumi…”

                “Offline ako!” nagsusupladang hirit nito.

                He chuckled. “Yumi…”

                Itinapat nito ang palad sa webcam. “Talk to my hand!”

                “I love you, Naoimi!” lambing niya dito.

               “Kung di ka uuwi, di na kita kakausapin! Wala na ring kasal, okay?” The video went black. At napakamot lang sa batok si Miguel.

               
                NAKASIMANGOT lang si Yumi habang nagba-browse ng internet. Kanina pa niyang hinihintay na mag-online si Miguel. Tatlong araw na silang hindi nakakapag-webcam chat dahil din naman sa kanya. Sinabi niya kasi ditong ayaw na niya itong kausapin kung di ito uuwi. Hah! Takutan lang talaga iyan!  Ang gusto lang naman niya ay umuwi ito, makasama niya at mayakap kaya niya sinabi iyon. Alam niyang di siya hihindian ni Miguel kaya naaasar na siya ngayong tatlong araw na, wala man lang panunuyong nagaganap. Ni hindi siya nito tinatawagan o tinetext. Hindi rin ito nago-online.  Napipikon na talaga siya at the same time ay natatakot na din. Mula nang maging sila ni Miguel, hindi lumilipas ang isang araw na hindi ito tumatawag o nagtetext sa kanya kahit gaano pa ito ka-busy.

                 “’Nay, paano kung ayaw na ni Miguel magpakasal dahil sinungitan ko siya?” tanong niya sa nanay niya na abala sa pagluluto ng kung anu-ano.

                “Anak, hindi naman ganyan kababaw iyong love ni Miguel sa’yo. Malay mo naman pinapalipas lang niya ang init ng ulo mo. Ganyan ang tatay mo sa akin. Pag nasusungitan ko siya, umiiwas siya ng konti para hindi ko siya mapag-initan,” tugon ni Nanay Crista.

                “Kilala ko si Miguel, ibang klase iyon e. Naku Nay, paano kung may nangyari sa kanya? Baka nagkasakit siya o naaksidente na naman.” Lalong natakot siya sa mga naiisip. “Hindi pa naman nahuhuli iyong Carlene na iyon.”  Napraning na siya. She grabbed her phone and dialed his number. Lalo siyang nag-alala nang unattended ang phone ni  Miguel. “’Nay, unattended!”

                “Naiomi, tumigil ka nga sa pagpapraning mo sa sarili mo,” sabat ng kanyang ama. Umupo ito sa tabi niya dala ang isang kape. “Malay mo natakot lang siyang makausap ako. Gusto mo ba ng kape anak para lalo kang mapraning?” Lalo siyang napasimangot.

                “Marco! Hindi ka nakakatulong,” sita ng nanay niya. “Mabuti pa, i-check mo iyong bine-bake kong cupcakes para maging cute ka naman ngayong araw na ‘to Marco,” hirit ng nanay niya.

                Napakamot sa ulo ang tatay niya.  Agad namang tumayo ito at sinilip ang cupcakes sa oven.

                “Eh ‘Nay, ba’t andami ata ng niluluto nyo? May bisita ba? May occasion ba?”

                Nagkatinginan ang mga magulang niya. “Ah, wala naman anak. Trip  ko lang. Mabuti pa sakyan nyo na lang ang trip ko. Magbihis ka anak. Tapos mag-ayos ka, iyong parang may date,” sambit ng nanay niya.

                “Ha? Eh bakit?”

                “Basta!”

                Naguguluhang ini-off niya ang laptop niya. Papasok na siya sa kwarto niya nang makasalubong niya ang mga kapatid. Bihis na bihis ang mga ito. “May lakad kayo?”

                “Wala ate. Sakyan lang natin ang trip ni ‘Nay. Magbihis ka na rin,” sagot ni Ericka.

                “Ganon?”

                Pumasok siya ng kwarto na naguguluhan pa rin. Nagkibit balikat na lang siya at nagbihis at nag-ayos pagkatapos ay bumaba na siya sa kusina. Lalo siyang nawirduhan nang makitang abalang-abala ang pamilya niya sa paghahanda ng pagkain. May hindi sinasabi ang mga ito sa akin.  

                “Iyong dessert ba, okay na Aira?”

                “Yes, ‘Nay.”

                “Meron kayong di sinasabi sa akin—“

                A warm familiar pair of arms embraced her from her back. “Meron nga.” It was followed by a quick kiss on her cheeks.

                “Miguel!” Agad niya itong hinarap at niyakap ng mahigpit. “I miss you! I love you!” Dalawang buwan silang magkalayo kaya sulit na sulit ang mahigpit na yakap.

                “I miss you so much.” He lovingly kissed on her temple. “Love you.” They moved a little enough to watch each other’s face. He gave her a quick kiss on lips. “Hindi ka na ba nagtatampo?”

                Umiling siya. “Hindi na. Andito ka na e.”

                He smiled. “Good. Yumi, may naiwan ngapala akong cake sa kotse. Okay lang ba ikaw na ang kumuha?” Binalingan nito ang kanyang ama. “May pag-uusapan lang kami ni tatay.”  He offer the car keys to her.

                “Sure.” Tuwang-tuwang lumabas siya ng bahay para puntahan ang kotse nito. Ngunit hindi kahon ang nakita niya sa loob ng kotse kundi isang card na napapalibutan ng  rose petals at isang bouquet ng pink roses.

                Kinuha niya ang card at binasa ang nakasulat doon.  Hindi nga siguro kapani-paniwalang may puso rin ako para magmahal. Wala naman talaga noon hanggang sa makilala kita. Bato man ang puso ko, handa itong magbago basta sa tuwing mumulat ang mata ko, wala akong ibang makikita kundi ang matamis mong ngiti at ang pares ng iyong mga mata na nagpapaalala sa akin kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig.  She felt her heart skipped once again. Ano pa nga ba ang hahanapin niya kay Miguel? He was the sweetest among the guys she knew.

                “Though I know the answer, I still wanna ask.” Miguel said. Nilingon niya ito. Sumunod pala ito sa kanya. “Will you marry me, Naiomi Dellano?”    

                “I-translate mo muna itong nasa card sa Cebuano at titingnan ko kung magbabago ba ang sagot ko sa tanong mo.” She grinned.

                “Ha?” Bigla itong natigilan sa sinabi niya. “Hindi pa ako, fluent. Andaya mo naman. Pwedeng push ups na lang?”

                She laughed. “Sige na translate na, andaming arte pa e.” Iniabot niya dito ang card. Napakamot ito sa batok bago binasa ang nasa card  na bigay nito.  “O ano kaya ba?”

                Mataman siya nitong tinitigan. “Basta para sa’yo kahit ano pa iyan, kaya ko.”

                Lihim na kinilig si Naiomi. Kung pakiligan din lang naman, isa si Miguel sa magaling magpa-sweet.

                Tumikhim ito at muling tumitig sa kanya. “Dili man katouhan na naa pud ako kasing-kasing sa pagbati og paghigugma. Pero tinuod ka waa man kaniadto hangtud makaila ta ka. Bato man akoang kasing-kasing, andam ni mubag-o basta kada pagmata naku wala koý makita-ang lain kundi kanang imong matam-is nga paghiyom, ung kanang managpares nga maanyag nimong mata na magpahinomdom sa akoa kung unsa ba gyud ang kahulugan sa gugma…”  seryosong sambit nito.

                Napatawa si Yumi. Walang mali sa translation nito. It’s just, she found him cuter in that way of speaking. Niyakap niya ito. “Yes, Miguel. I will marry you.”

                “Thank you.”

                Nakuha  ang atensyon nilang dalawa ng motor na  papalapit sa kanilang dalawa, nagulat siya nang makita niyang may baril na hawak ang angkas sa motor.

                “Yumi!” Humarang si Miguel sa kanya. And the next thing she knew pinagbabaril ng mga ito ang bahay nila at ang ilan ay tumama kay Miguel habang yakap siya. Mabilis na tumakas ang salarin. Nagkagulo na sa paligid nila. Sa isang iglap, bumaksak si Miguel sa kanya…duguan.

                “Miguel!”  

                The fear doubled when her father went out their home in panic while carrying her mother. Kasunod nito ang mga kapatid niya.  Duguan din ang nanay niya.  “Nay!” Nataranta na si Yumi hanggang sa may mga taong tumulong sa kanilang pamilya para madala sa hospital si Miguel at ang kanyang ina.

               
                TULALA LANG at panay ang hikbi ni Yumi habang nasa waiting area ng hospital. Ilang oras ng nasa operating room ang kanyang ina at si Miguel. Sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ni Yumi ay nauubos din ang baon niyang tapang at lakas ng loob. Katabi niya ang dalawang kapatid na tahimik lang na naghihintay at umiiyak. Nasa kabilang ibayo naman ang pamilya ni Miguel. Umiiyak din sa takot ang mama nito at ang bunsong kapatid.  Ang tatay niya at si Hamiel naman ang kausap ng mga pulis.

                Nang hindi na niya matiis ay isinubsob na niya ang mukha sa tuhod at umiyak ng umiyak. Bakit kailangang mangyari ito sa amin? It was their official engagement day. It should be one of the happiest days of their lives. They should be celebrating. Ngunit sa isang iglap, naging parang bangungot ang lahat.  Niyakap siya ng mga kapatid.  But that can’t ease the fear she’s feeling right now. Ina at boyfriend niya ang lumalaban sa buhay ngayon. She can’t afford to lose any of them.

                Maya-maya pa’y naramdaman niya ang  yakap ng kanyang ama. “Naiomi, anak. Tahan na.”  Binalingan niya ang ama, bagama’t kalmado ito halata pa rin sa mga mata nito ang takot at pag-aalala sa lagay ng kanyang ina. Parang batang yumakap siya sa kanyang ama.  Agad naman hinaplos nito ang likod niya para pakalmahin siya. “Anak, lumalaban si Nanay Crista para sa atin. Lumalaban din si Miguel para sa’yo at sa pamilya niya. You have to be strong, we have to be strong.”

                “Natatakot ako ‘Tay.”

                “Wag kang matakot. Andito si Tatay.”  Humalik ang kanyang ama sa kanyang noo at saka niyakap din ang dalawa niyang kapatid. “Natatakot din ako, pero hindi ko kayo pababayaang tatlo kahit ano pa ang mangyari. Tahan na, anak.”

                Bigla silang napalingon sa pintuan ng operating room nang may nurse na lumabas kasunod ng  doctor na umasikaso sa kanilang ina.

                Agad na tumayo sila at sinalubong ang doctor.

                “Doc Pej Tanes, kamusta po ang misis ko?” tanong agad ng kanyang ama. Silang magkakapatid ay matamang naghihintay ng sasabihin ng doctor.

                “Tatapatin kita Nurse Marco. Your wife is in critical condition. We are able to remove the bullet near her lungs and heart. But her vital sign is not doing good.”

                Bumukas na naman ang pinto. At isang nurse ang tumawag sa doctor. “Doc Pej, code blue. Code Blue!” Nagmamadaling bumalik sa OR ang doctor.

                “No! Crista!”  Nag-panic ang kanyang ama. Tinangka nitong pumasok sa OR pero hindi ito pinayagan ng doctor.

                “Nurse Marco, hindi ka pwedeng pumasok sa loob. I’m sorry.”  Nagsara uli ang pinto ng OR. Out of frustration ay nakuyom ng kanyang ama ang palad.

                “’Tay, anong nangyayari? Anong ibig sabihin ng code blue? May nangyayari ba kay Nanay?”

                “Naga-arrest ang nanay nyo.” Tears fell from  her father’s eyes. “Cardiopulmonary arrest.” Niyakap niya ang kanyang ama. Wala na silang magagawa pa ngayon. Tanging nasa kamay na ng Diyos kung makakaligtas ang kanyang ina. “Nurse ako, pero wala akong magawa para sa nanay nyo. Sorry.”

                “’Tay…”  Ilang minuto lang ay lumabas uli ang doctor at hinarap sila.

                “Nurse Marco, you can come in now.”

                Naiwan silang magkakapatid sa waiting area… silently praying na sana’y maging okay lang ang lahat. Maya-maya pa’y lumabas naman ang doctor na nag-asikaso kay Miguel. Agad itong lumapit sa pamilya ng boyfriend niya. Lumapit din siya.

                “Apat na bala ang tumama sa kanya,dalawa ay dumaplis lang sa balikat niya at ang dalawa ay tumama sa lungs at liver niya. Naalis namin ang bala pero masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya. He underwent blood transfusion and during the process his vital signs went down. We are able to recover him. But I’m sorry to inform you that the patient is in coma state. As of the moment, mahinang-mahina ang pasyente.”

                Tila nabingi si Yumi sa narinig. Nagsunod-sunod ang patak ng luha mula sa kanyang mga mata. Nag-arrest ang nanay niya, comatose si Miguel. Ni hindi niya alam kung ano pa maliban sa matakot ang pwede pa niyang maramdaman sa mga oras na iyon.

                “Eh doc, kelan po siya magigising?” tanong niya.

                  Binalingan siya ng doctor. “Walang makakapagsabi, Miss. Pwede siyang magising sa mga susunod na araw, linggo o maaaring tumagal pa ng buwan.” Binalingan uli nito ang pamilya ni Miguel. “Critical ang condition niya. Kaya kailangan pong maging handa kayo.”

                “At anong ibig sabihin mo doon, doc? Mamatay na ba siya?” tanong ng mama ni Miguel.

                “We already done our part, Mrs. Catacutan. Only God will decide for his life.”  Pagkatapos noon ay nagpaalam  na ang doctor.

                Natulala na lang si Yumi sa isang tabi.   Maraming gumululo sa isipan niya. Maraming tanong na hindi naman niya masagot. Bumukas ang pinto at lumabas ang kanyang ama mula roon. Umiiyak ang kanyang ama nang yakapin nito silang magkakapatid. “Wala na si Nanay.”

                Tila namanhid ang buong katawan ni Naiomi sa sinabi ng kanyang ama. Muling nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Wala na ang kanyang ina. Crista was not just a mother to her. She was also the only person who understood her well. She was a bestfriend too. Hindi siya makapaniwala. Kanina lang ay masayang nagluluto pa ito ng kung anu-ano. Pinaghanda nito ng pagkain  si Miguel, a sign na wine-welcome na nito ang boyfriend sa pamilya. It was just few hours ago. And now, she’s gone. All of a sudden,  she became lost. Hindi na niya alam kung ano ang dapat sabihin sa ama, kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat maramdaman. Walang salitang lumabas sa kanyang bibig, bagkus ay nahusto ang pamilya niya sa paghikbi. A part of her died… kasamang namatay ng kanyang ina ang isang bahagi ng pagkatao niya.
                                                                                                               

                TAHIMIK  na pinagmamasdan ni Naiomi ang kanyang ama habang nakaupo sa tabi ng kabaong ng kanyang ina. Ikatlong araw ng burol ng kanyang ina.  Mula nang bawian ito ng buhay ay hindi na halos umaalis sa tabi nito ang kanyang ama. She witnessed how her father mourned. Minsan ay bigla na lang itong iiyak nang iiyak. At madalas tahimik lang ito habang pinagmamasdan ang remains ng kanyang ina tulad ngayon. Tahimik lang ito habang  pinupunasan ang salamin ng kabaong ng kanyang ina. Sa bawat sandali ng pagluluksa ng kanyang pamilya sa pagkawala ng kanyang ina, ramdam niya ang unti-unting pagkadurog ng puso niya. Naninibago siya. Hindi siya sanay na malungkot ang pamilya niya. Hindi siya sanay makitang lugmok sa lungkot ang kanyang ama at mga kapatid. Hindi siya sanay… at kahit kailangan ay di siya masasanay na wala na siyang nanay.

                Hindi pa nahuhuli ang pumatay sa kanyang ina na siya ring dahilan kung bakit hanggang ngayon ay comatose pa din si Miguel. Gusto niyang mahuli na ang Carlene na iyon… ang babaeng obsessed sa boyfriend niya na siyang dahilan ng paghihirap nilang lahat ngayon. Nahuli na nga ang gun man pero nananatiling malaya ang may kagagawan. Hindi maiwasan ni Naiomi na magtanim ng sama ng loob. A part of her was blaming Miguel. Kahit anong iwas niyang isipin iyon, nararamdaman pa rin niya ang paninisi dito. Nagulo na ang lahat sa buhay niya nang makilala niya si Miguel. Ito lang din ang dahilan kung bakit namatay ang nanay niya. Nadamay, napahamak at nawala ang kanyang ina dahil lang may isang babaeng gustong patayin ang boyfriend niya.

                Magulo ang isipan niya. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Miguel, pero natatakot din siyang may magbago sa kanilang relasyon once na magising na ito mula sa pagka-coma. Hindi niya mapapangako na di niya ito masisisi sa nangyari. Mabigat ang kalooban niya. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya magawang dalawin ito sa hospital. Hindi niya alam kung paano haharapin si Miguel ng wala siyang nararamdamang sama ng loob dahil ang pagkamatay ng kanyang ina ang naging kapalit ng buhay nito.

                Ano nga ba ang dapat kong maramdaman?  Mahal na mahal niya si Miguel. Pero mas mahal niya ang kanyang ina. And now that her mother was gone because of him, she was left shattered.

                “Ate, bigyan mo ng pagkain si tatay. Ayaw niyang tanggapin iyong pagkaing binibigay ko e.” Iniabot ni Aira ang sandwich at juice sa kanya. 

                Kinuha niya ang inabot ng kapatid. “Sige, ako na ang bahala.”  Nilapitan niya ang kanyang ama. “’Tay, kumain ka na.”

                “Hindi ako nagugutom,” tugon nito habang nakatitig lang sa kanyang ina.

                “Hindi pwedeng hindi po kayo kakain. Wala pa kayong kinain mula kagabi,” hirit niya sabay abot dito ng sandwich at juice. She set her eyes on her mom’s coffin. Sa kabila ng biglaang pagkamatay ng kanyang ina, walang bakas ng hirap sa mukha nito. Her mom looked like at peace upon her death. “’Tay… paano tayo sa mga susunod na araw?”

                “Hindi ko alam, anak. Hindi ako handa sa ganito, Yumi. Noong pinakasalan ko ang nanay mo, pinangako ko sa kanya na hindi na siya mag-iisa. Sasamahan ko siya kahit anong mangyari, kahit saan, kahit ano pa man ang sitwasyon. Sabi ko mabubuhay kami ng sabay pero nakalimutan kong isipin na pwede nga rin palang mauna ang isa sa amin.” Nagsimula na namang umiyak ang kanyang ama. “Hindi man lang niya narinig iyong huling I love you ko. Nawalan siya ng buhay na hindi ko hawak ang kamay niya. Pakiramdam ko, hindi ko natupad ang pangako ko sa huling pagkakataon. Tatlong araw na lang ang meron ako para maparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, anak. Pag nilibing na si  Crista, hindi ko na siya makikita kahit kalian.”

                That scene broke her heart. Siya man ay maraming regrets sa biglaang pagkamatay ng kanyang ina.  Niyakap niya ang ama. “Hindi rin po ako nakapag-I love you kay Nanay. Sabihin ko man iyon minu-minuto ngayon, hindi na niya iyon maririnig. Ni hindi ko pa siya naibabalik sa Casa de Yumi gaya ng promise ko. Natatakot ako ‘Tay. Di ko na mararamdaman iyong yakap niya. Wala nang inang mag-aalala kung kumain na ba ako o hindi pa.” Tears fell from her eyes. “Hindi ko alam kung kaya kong mamuhay ng normal kahit wala na si Nanay.”

                Lumipas ang ilang minutong magkayakap lang silang mag-ama. Nagdadamayan, habang nakatitig sila sa kabaong. Hanggang sa ipilit niya uli dito ang pagkain. Napilitan na rin itong kunin iyon.

                “Si Miguel, dinalaw mo ba siya? Kamusta na siya?” tanong ng kanyang ama habang kumakain ito.

                Umiling siya. “Natatakot akong harapin siya, ‘Tay. Natatakot akong may maramdaman akong galit.”

                “Yumi, hindi ginusto ni Miguel na mamatay ang nanay mo.”

                “Alam ko po, ‘Tay. Pero kung di dahil sa kanya, hindi naman ito mangyayari sa atin—”

                “Don’t think that way, Naiomi. Wag mong sisihin ang boyfriend mo. Hindi siya ang may hawak ng baril na pumatay sa iyong ina.” Pinawi ng kanyang ama ang mga luha sa pisngi niya. “Anak, wag mong kakalimutan na ang boyfriend mo, lumalaban pa sa buhay niya hanggang ngayon para din sa’yo. Walang kasalanan si Miguel. Hindi naman din tayo sigurado sa talagang nangyari.”

                “Anong ibig nyong sabihin ‘Tay?”

                “Di ba kagagawan ito ng isang babaeng obsessed kay Miguel?” She nodded. “Iyong balang tumama sa boyfriend mo, pwedeng hindi iyon para sa kanya.”

                “Para sa akin?” Ngayon lang niya naisip na posibleng ganon nga iyon.

               “Posible. Posibleng ang gusto ng babaeng iyon ay mawala ka sa buhay ni Miguel. But since Miguel loves you so much, he didn’t let any bullet hit you. Anak, miminsan lang darating sa buhay ng isang tao ang pagkakataong matagpuan ang taong magmamahal sa kanya ng lubos. I believe that guy, your guy was the one for you. Ang one great true love, minsan lang darating sa buhay mo. Magmahal ka man ng iba, hinding-hindi na iyon magiging katulad ng pagmamahal mo sa iyong one great true love. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan mo ngayon, Naiomi. Pero bago ka magdesisyon, pag-isipan mo munang mabuti.”



PREVIOUS                                                              NEXT

Comments

Jez Galvez said…
waaahhhhh! naiiyak akooo!
Anonymous said…
shocks.... my tearsssssssss.. pls stop from falling, sipon enough na.. sinok oh my pede ba tumigil kayo! bat sabay2 kayong 3 ha! kainis, tapos itong tissue walang magawa na pigilan to.

Yumi wag kang magalit sa amo ko, hinarang na nga ung bala na para sa sana u, maawa ka sa amo ko, pagnawalan ako ng work, humanda ka sa akin!

OMIGOSH! ito na naman si otor...

Sir Hitler pls, come back! we need u!

praying for u!,

ur sexytary...
Ericka Dellano said…
huhuhuhuhu ;((( :(( huhuhuhu.... naiiyak ako!!! huhuhuhu.. wala na kong nanay!!! huhuhu..

nakakadala ang chapter na to!! super nakakaiyak.. huhuhu :((

iyhh!! excited na ko sa next chapter!! next na..! :))
kiz said…
*hikbi* grabetehhhhh.. nd ko kineri ang sakit ng dibdib ko habang binabasa tong chap nato.. can't wait for the next chapter ate!! :D
Naiomi Catacutan said…
Alam niyo ba, bago ko pa man basahin yo, alam ko at inaasahan ko ng nakakaiyak or masakit sa puso yung chapter na to. Nagready pa nga muna ako bago basahin kasi baka maiyak ako. Tapos sabi ko pa sa sarili ko habang papunta palang ako dito sa blog ni Ate Melai hindi ako iiyak. Pero anyare? Di ko napigilan. Naiyak ako, sobra ;( Hindi ko napigilan yung luha ko nung namatay na si Nanay Crista. Grabe. Naiyak ako. :( Tapos si Miguel, nag-aagaw buhay pa, kasabay ng pagkawala ni Nanay Crista. Ang sakit-sakit nun. Tapos yung feeling na NAALALA KO YUNG KILIG REPUBLIC NA SI ZYREN AT LEANNE PA ANG BIDA... YUNG NAKAKATUWA AT NAGSISIMULA PALANG DIN YUNG LOVE STORY NI MARCO AT CRISTA... PERO NGAYON, WALA NA SI CRISTA... HUHUHUHUHUHU ;( NAIIYAK AKO HANGGANG NGAYON. :( Ang galing galing talaga ni Ate Melai. Ramdam na ramdam yung bawat eksena eh. Next na please. Huhuhuhu. :(
Melaiiii! Pinaiyak mo na naman ako.
:'(
bakit ganun may sad moment...ganda ng mga unang chapters tapos bigla ganito kakalungkot naman
Rika said…
Wàaaaaaaaaaaaaaaaa ayoko ng umiyak!! Pero hindi ko mapigilan maawa ka naman sa mga readers mo ate melai wag naman gnitong ksakit!!! Huhuhuhuh :(((( ;<(((

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…