Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Eight




Napapangiti si Miguel habang nagmamaneho siya papunta sa office ng MC Securities and Equities. Kagagaling lang niya sa Keithan Apparels kung saan nagtatrabaho ang kanyang bunsong kapatid. Naglakas-loob siyang lumapit dito at makipag-ayos. It turned out well. Tama ang kuya Hamiel niya. Madaling  suyuin si Amhiela. Inihatid niya ang kapatid sa bahay nito at ibinigay niya dito ang contact details ng nabalitaan niyang faith healer. Hindi rin siya naniniwala sa mga ganoong bagay pero may kakilala siyang napagaling ng isang faith healer. Besides, hinangaan niya ang determination ng kapatid niyang makahanap ng paraan para gumaling ang asawa nitong kasalukuyang lumalaban sa multiple sclerosis. And because he knew that Vlad was Amhiela’s happiness, he’s more than willing to help.

                Happiness. Dati hindi niya alam ang ibig sabihin ng bagay na iyon. Ilang taong doomed ang tingin niya sa buhay niya. But when he met Naiomi, unti-unting nagkaroon ng ibang ambiance ang dating madilim niyang mundo. And before he noticed it, he already found his happiness on her.

                He was driving smoothly along the skyway nang may mapansin siyang motorsiklong tila sinusundan siya. Iba ang kutob niya. Dalawang tao ang nakasakay sa motor, parehong nakaitim na damit. He drove attentively. In the middle of the skyway kung saan nasa edge side siya ng skyway  ay nakita niya sa side-mirror na naglabas ng baril ang nakaangkas sa motor. The next thing he knew, napaputukan na nito ang gulong ng sinasakyang kotse at halos nawalan siya ng control. Kinabahan siya. He tried his best to keep safe. Tinapakan siya ang preno at kinabig ang manibela. The car stopped before it hit the edge of the skyway. Napabuntong-hininga siya. Thanks to his drag racing skills taught by his kuya Hamiel. Kung hindi dahil doon, tiyak na mahuhulog ang kotse sa ilalim ng skyway. He can’t even imagine what would happen to him if that thing occurred. He tried to calm down when an MMDA officer knock on the window. Lumabas siya ng kotse. Mabilis na nagdatingan ang awtoridad maging ang namamahala ng Skyway.


                “Sir, okay lang po ba kayo?” tanong ng traffic enforcer.

                “Yes, I am.” Hinilot niya ang kaliwang braso na tila sumasakit. Tolerable naman iyon kaya di na niya pinaalam. Sinilip niya ang gulong ng kotse. Putok ang left tires at nagkalat ang basyo ng bala ng baril malapit dito.  “Boss, may nakita akong nakamotor, may angkas. Noong una, sumusunod-sunod lang sa akin then napansin ko ng bumunot ng baril iyong nakaangkas, tapos pinaputukan na ang gulong ng kotse ko.”

                “Nakita nyo po ba ang plate number, Sir?” tanong ng pulis.

                “How can I do that if my focus is on my driving?” iritadong sagot niya dito. “Muntik na akong mamatay. Maiisip ko pa bang tingnan ang plate number ng motor?”

                “Aba Sir, nagtatanong lang po kami para sa imbestigasyon. Mabuti pa po Sir, pumunta po muna kayo sa presinto para makapag-file ng complaint. Ipa-tow na lang po natin ang kotse nyo para maimbestigahan.”

                “Okay.” Iniabot niya dito ang calling card. “Coordinate well and feed me updates. Siguraduhin ninyong mahuhuli nyo ang gun man.”

                “Makakaasa po kayo.”

                Kinuha niya ang gamit sa kotse at agad na kinuha ang cell phone at nagdial ng number. “Jeanie, I’m in the middle of skyway.” Sinabi niya dito ang eksaktong location niya.  “Magpadala ka ng sundo.”

                “Nasiraan po kayo, Sir? Magpapadala rin po ba ako ng mekaniko?”

                “No, Jeanie. Naaksidente ako.”

                “Po?!” bulalas nito na tila nataranta na.”Sir, kailangan nyo po ba ng ambulansya,  paramedic, funeraria—ay ano ba yung sinabi ko?”

                “Buhay pa ako, ipapafuneraria mo na ako?” asik niya. Hindi ata tamang tinaranta niya ang secretary niya.

                “Sorry po Sir. Sige po tatawag na po ako ng ambulan—”

                “Iyong company car lang ang kailangan ko. I’m fine.  I just have to get out of this place.”

                “Wait a minute, Sir.“ Ilang segundong nawala ito at naka-hang lang. “Sir, on the way na po ang company driver dyan. Sigurado po kayo Sir, hindi nyo kailangang magpadoctor?”

                “I said, I’m fine. Pakitawagan ang mama ko at mga kapatid ko. Papuntahin mo sila sa office.”

                “Yes, Sir.”   

                He ended the call. Ibubilsa na lang sana nya ang Iphone nang mag-beep ang message alert noon. He viewed the message from Yumi. Migs, nasa airport na kami nina Ericka at Aira. Salamat uli sa libreng airfare going Cebu. Alam ko busy ka sa trabaho. Okay lang wag ka munang mag-reply. Kakain ka ng mabuti mamayang dinner ah. Wag ka na ring magbabad sa opisina mo magdamag. Baka ma-engaged ka na sa swivel chair mo diyan. Haha.  

                Sa kabila ng katakot-takot na pinagdaanan niya kani-kanila lang, nagawa pa niyang ngumiti. He replied. Have a safe trip, Yumi. Lalo siyang napangiti nang mag-reply ito ng smiley with heart emoticon. Naurong lang ang ngiti niya nang ma-realize na ang cheesy ng bagay na iyon.

               
                “SERYOSO ATE?” korong tanong nina Ericka at Aira habang nasa lanai sila ng Casa de Yumi. Kararating lang nila at mga kapwa di pa inaantok kaya tumambay muna sila sa favorite place nilang magkakapatid sa bahay na iyon.

                Sinamantala ni Yumi ang pagkakataong sila lang tatlo ang magkakaharap para ikwento ang katotohanan sa dalawa niyang kapatid. Lahat ng detalye mula simula hanggang huli ay ikinuwento niya sa mga ito. “Seryoso.” She sighed.  

                “Teka, nagpakasal kayo para makuha mo itong casa pero hindi na-file ang kasal nyo kasi kasal siya sa iba na sabi mo hindi din naman naging karelasyon ni Kuya Miguel,” sambit ni Ericka. Tumango lang siya. “Tapos na-divorce siya sa Carlene  na iyon then binalikan ka na niya para kausapin tungkol sa filing ng kasal nyo.”

                “Tapos, sinabi niya na may kasal man o wala, ibibigay niya ang casa sa akin.”  She sighed.

                “Ate ang haba ng hair mo!May gusto talaga sa’yo si Kuya Miguel!” sambit ni Aira sabay tili.

                Kunot-noong binalingan niya ang kapatid. “Sissy, imposible iyang sinasabi mo. Ilang beses niyang sinabi noon na di niya ako type at kahit araw-araw pa daw kaming magkita e hindi siya mag-aaksaya ng attention sa akin.”

                “Noon iyon ‘te. Noong wala pang effect ang ganda mo sa kanya. Iba na ngayon, naakit mo na kasi siya,” sabat ni Ericka. “Lakas-tama nga iyon sa’yo. Nagpaalam pa nga siya kay tatay na manliligaw sa’yo.”

                “Puro kayo kalokohan e,” nakasimangot na hirit niya. “Iyong ligaw-ligaw na iyan, hindi naman niya inamin iyan sa akin.”

                “Ano bang problema ate?” tanong ni Aira. “Ayaw mo ba kay Kuya Miguel? Wala bang spark, kaba, kilig at daydreaming?”

                Humiga siya sa bench at tumingala sa langit. “Iyon ang problema e, meron n’on.”

                “Ayeeeee!” korong nagtilian ang dalawa niyang kapatid.

                “Hoy, wag nga kayong maingay! Baka magising si guardia civil slash all around eklavu ni King arrogant Miguel.”

                 “Eh ate, anong problema kung gusto mo rin si Kuya Miguel? Di na naman siya taken, pareho na kayong pwedeng-pwedeng mag-mingle.”

                “Basta, it’s complicated, Ericka.”

                Hindi sigurado si Yumi kung ano ba talaga ang iniisip ni Miguel. Yes, sabi nito manliligaw ito and after that, tuluyan na nga itong naging  mabait sa kanya. Nami-miss niya tuloy ang kasungitan nito. Mula noong nagsimula itong mag-open up sa kanya ay nagbago na ito. Masarap sa pakiramdam na patulan ang ilusyon na maaaring mahalin din siya ni Miguel pero natatakot siya.

                Can he really fell in love? Paano siya makakasiguradong mamahalin din siya ni Miguel ngayon dalawang beses nga nitong nagawang magpakasal ng walang romantic na dahilan. Naalala niya ang velvet box. Hanggang ngayon ay hindi pa niya iyon nabubuksan. She promised herself that the moment she open the box, there’s no holding back. Bubuksan lang niya iyon kung handa na siyang magpakasal uli dito at hindi niya gagawin iyon dahil lang gusto niyang maangkin ang Casa de Yumi kundi dahil gusto niyang maangkin ang puso ni Miguel.

                “Siguro wala pang exchange of I love you kaya ka ganyan ate,” sambit ni Aira.

                “Siguro nga.” Iyon din naman ang hinihintay niya. Hindi niya alam kung kelan siya nagkaroon ng special feelings para kay Miguel. Basta ang alam niya, sa mga sandaling iyon, nahulog na siya.

                “Di bale, may chance ka pa.” Ericka grinned.

                “Chance?”

                “Oo may chance ka pang magpa-charming. Kung natatakot ka na di ka talaga love ni Kuya Miguel at kaya niya lang ginagawa ito sa’yo kasi nga nagshe-share kayo sa iisang bahay, puwes kumilos ka na. Tama na ang mother superior image mo ate. Make the moves.”

                “Pano? Ako ang manliligaw? Ayoko naman noon.”

                “Hindi naman ganon. Gawa ka lang ng moves para ma-in love siya sa’yo.”

                Paano naman iyon?  Inisa-isa niya ang line of interest ni Miguel. Cooking. Napailing siya. Pang-lutong bahay lang siya pero ito ay pang-cuisine. She put imaginary x on her imaginary check list. Foreign exchange and stocks.  Wala siyang alam doon. Rock music. Masakit sa bangs niya dahil ayaw niya ng rock songs. Drag racing. She sighed. Ayaw pa niyang mamatay.

                Naisitorbo ang pagninilay-nilay niya nang biglang sumulpot si Jay. “Ma’am Yumi, si Sir Miguel po nasa midnight news. Naaksidente daw po si Sir.”

                “Ano?” Bigla siyang kinabahan. Napabalikwas siya ng bangon mula sa bench at nagmamadaling dumiretso sa pangalawang palapag ng bahay at agad humarap sa tv.  Andon ang misis ni Jay na nanonood din ng balita. According sa news, nagmamaneho si Miguel sa skyway nang pagbabarilin ang gulong ng kotse nito ng isang lalaking angkas sa isang motor.  Walang Miguel na nakita sa news clip. Ang kapatid nitong si Amhiela ang humarap sa interviewer para magbigay ng official statement. Okay lang daw si Miguel pero madali lang sabihin iyon sa media para di na maging malaking issue ang nangyari.  Lalo siyang nag-alala kay Miguel nang ipakita sa news ang itsura ng kotse nito. Nasa gilid na ito ng skyway, few inches lang ang layo nito sa pagkahulog mula sa taas ng skyway. 

                “Tatawagan ko si Miguel.”

                She grabbed her phone and dialed his number ngunit unattended na ito. Lalo siyang nag-alala. Come on Miguel, ano ng nangyari sa’yo?  Sunod niyang tinawagan ang number nito sa bahay ngunit wala ring sumasagot. Sinubukan niya na lahat ng contact number nito. Kinuha na rin niya ang laptop para icheck kung online ito. Pero walang ni isa man sa mga iyon ang naka-connect kay Miguel. Doon na magsimulang mapaluha siya sa pag-aalala.

                “Hindi ko siya ma-contact…” sambit niya. “Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.”  Pinawi niya ang sariling luha.

                “Ate, kalma lang. Baka may inaasikaso lang kaya di pa siya makasagot ng tawag,” sabat ni Ericka.

                “Siguro nga, Ma’am. Kasi kapag may nangyayari kay Sir Miguel, tumatawag naman sa akin ang secretary niya,”sabat ni Jay.

                Ngunit hindi noon napagaan ang pag-aalala niya. Paano kung tinatago lang pala sa press ang tunay na lagay ni Miguel? Sa halip na makalma, lalo tuloy siyang kinabahan. Magiging kalmado lang siya kung makikita niya mismo si Miguel.

                On cue, may narinig silang boses ng dalawang nag-uusap mula sa baba.

                “So this is the house you’re talking about. It’s beautiful.”

                “Yes, kuya. Actually, wala pa akong nagagalaw sa original design ng bahay. I’ll find this house magnificent.” Boses iyon ni Miguel.

                Agad na tumakbo siya pababa ng ground floor ng bahay to be sure. Pagkakababa niya ng hagdan ay si Miguel agad ang nabungadan niya. May kasama itong isang lalaki ngunit di na niya napagtuunan iyon ng pansin dahil nagkatinginan na sila ni Miguel. May bitbit itong traveling bag.

                “Yumi, it’s kind of late. Bakit gising ka pa?” He walked towards her.

                She felt tears fell from her eyes out of too much relieve from the thought that he might got himself hurt on that accident. Sa di niya alam na dahilan ay agad  niyang sinalubong ito ng yakap habang patuloy siya sa pag-iyak.

                Mukhang nagulat ito sa ginawa niya ngunit agad din namang yumakap sa kanya bilang tugon. “Hey, what’s wrong? May nangyari ba dito?”

                “Bakit di mo sinabing naaksidente ka pala? Bakit di kita ma-contact sa lahat ng contact numbers mo? Bakit di ka man lang nagsabi?”

                “Yumi…”

                “Alalang-alala ako sa’yo.”

                He tapped her head. “I’m fine. Wag ka ng umiyak.” He moved a bit to be able to see her face. Papawiin sana niya ang luha sa pisngi ngunit naunahan siya nito. “Tahan na.”

                “Sa susunod kung may mangyari sa’yo, good or bad lalo na kung bad, sabihin mo sa akin ha.”  He nodded. “Wala bang masakit sa’yo?”

                “Braso ko lang. May konting muscle strain but I’m fine—“

                Biglang siyang tumili. Napansin na niya sa wakas ang kasama ni Miguel. And it’s no other than her ever unbeatable crush in showbiz, Hamiel Catacutan. “Hamiel! Is that really you?” In snap iniwan na niya si Miguel at nilapitan na niya si Hamiel at tinitigan ito. That handsome bro of Miguel just nodded while smiling. Nagulat ata sa warm reaction niya. “Ay! Bongga! Ako nga pala si Yumi.”

                “So the house is named after you,” Hamiel commented.

                Ngiting-ngiting siyang tumango. “Yes. Casa de Yumi is the name of this humble home and Yumi is me. Naiomi Dellano for long. I’m a prep teacher.”  Binalingan niya si Miguel at hinalikan sa pisngi. “Salamat sa pasalubong!”

                “What? Anong pasalubong?” kunot-noong tanong nito.

                Itinuro niya si Hamiel na napapangiti at napapailing na lang. “Siya, ang iyong lovable cute kuya.”

                Once again Miguel was in poker face and looking at her fiercely. “You are impossible Naiomi Dellano. Matulog ka na nga.”

                On cue dumating pa ang mga kapatid niya. “Ay si Hamiel! Kuya Miguel, thanks for granting our wish,” hirit pa ni Ericka.

                “Pa-picture kami!” excited na hirit naman ni Aira pagkatapos ay excited na nagtilian at lumapit  kay Hamiel ang dalawa. Naki-join na rin si Yumi.

                Pero bago pa mapagsamantalahan nilang tatlo si Hamiel ay tiningnan na sila ng masama ni Miguel na pawang may pagbabanta. Natahimik tuloy sila. “You are all impossible!” The next thing they knew nakapag-walkout na ito.

                Moody talaga! “Uy, Miguelito! Anong nangyari sa’yo?!” she shouted.

                “Shut up!”

                Pero sa halip na ma-offend ay natawa na lang siya.


                PANAY ang silip ni Yumi sa pintuan ng kwarto ni Miguel. Mukhang walang balak lumabas ng kwarto ang lalaking iyon. Sabi ni Jay, nag-home office daw ito.   Nabo-bore na siya sa bahay. Kanina ay nakapaglibot-libot na siya sa garden. Nakigulo na rin siya sa kusina. Gusto na niyang lumabas ng bahay at pumunta sa gig ng banda ng kapatid nito. Kaso wala siyang makasama. Ang dalawa niyang kapatid ay pareho may overnight reunion kasama ang mga dating kaklase ng mga ito bago sila lumipat sa Laguna. Gusto rin sana niyang maki-reunion sa mga friends niya doon kaso ayaw naman niyang iwan mag-isa si Miguel. Umalis na rin kasi ang kapatid nito para sunduin ang asawa sa airport at didiretso na sa Senang Hati Music Lounge Cebu para sa gig.

                Mayaya na nga lang si Haring Hitler. Kumatok siya sa pinto ng kwarto nito bago niya iyon binuksan. Nakita niya itong nakaupo sa swivel chair ng study table nito at seryoso ang mukhang nakatutok ang paningin sa laptop.

                “Miguel…”

                “What do you want? I’m busy.”

                On cue narinig niya ang familiar sound effects ng Tetris Battle. Alam niyang sound effects iyon ng laro dahil madalas din siyang mag-ubos ng oras sa paglalaro ng Tetris.  “Busy sa Tetris?” Di niya naiwasang mapatawa. Magiliw na lumapit siya dito.

                Seryosong tinitigan siya nito. “Masama bang seryosohin ang Tetris? Hindi naman manyapa’t full time businessman ako, wala na akong karapatang maglaro.”

                “Andami mo ng sinasabi ngayon, Migs. Improving!” Inakbayan niya ito. “Tama na iyan, dude. Lumabas na lang tayo. Panoorin natin ang kapatid mo sa Senang Hati.”  She felt some strange but good to her senses current when he simply embraced his arms on her waist.

                He smiled. “Well, kanina pa nga kitang hinihintay na yayain akong lumabas.”

                “Sows! Akala ko kasi busy ka sa home office mo. Nagpapa-cute ka lang pala habang nagte-Tetris.” She laughed.  Hinila na niya ito. “Tara na.”

                He logged off his laptop and lovingly held her hands. Sa isang iglap, magkahawak sila ng kamay na lumabas ng bahay. Nilakad lang nila hanggang kanto kung saan naroon ang bar. Agad silang humanap ng pwesto na malapit sa stage. At dahil hindi pa naman tumutugtog ang Karisma band, nagkwentuhan na muna sila ni Miguel tungkol sa aksidente nito kahapon.

                  “Hanggang ngayon gumagala-gala pa din iyong gun man mo?” She felt scared. What if, nakasubaybay lang ang gun man na iyon kay Miguel para this time ay tuluyan na ito dahil nag-mission failed iyon sa unang attempt na patayin ito.

                “Well yes. Pero di naman siguro niya malalaman na nasa Cebu ako,” sambit nito sabay inom ng SanMig. “I never thought Carlene will do this to me. Siya ang primary suspect dahil siya ang huling nagbanta sa akin. The truth,  hindi naman ako natatakot para sa buhay ko.” He held her hands and sqeezed them tight. “Natatakot akong madamay ka. Possible iyon kung si Carlene nga ang may pakana nito.” He lovingly looked into her eyes. “Yumi… hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyari sa’yong di maganda. Mag-iiwan ako ng security para sa iyo at sa pamilya mo.”

                “Teka sandali, security agad? Paano ka naman?”

                “Babalik na ako ng Australia. Walang access doon si Carlene. Safe ako doon. At saka pinpahuli na na siya. Ang problema lang, nagtatago na rin siya. But I’m certain, she can never find me in Australia. Sorry kung nadadamay ka. Kung ayaw mo ng security, palihim na lang kitang pababantayan. I just want to be sure that you will be okay.”   

                “Ikaw ang bahala,” sagot na lang niya. Wala rin naman siyang magagawa kung mapilit itong si Miguel.

                Natahimik sila pareho hanggang sa magsimula ng mag-perform ang band ng kapatid nito.

                “Yumi…”

                “Hmmm?”

                “If something went wrong, I want to keep a memory that will remind me how lucky I am I have you.”

                She felt her heart skipped. “So what do you want?” Gusto ko ding mag-keep ng memory at paniwalaan na kahit konti, totoong special din ako sa’yo.

                “Let’s own the night tonight.”

                On cue, they heard the sweet voice of Hamiel Catacutan singing the band’s rendition of Air Supply song entitled, Having You Near Me.

                I came to you and never asked too much. Wondering what you would say. Hoping you’d undersrtand it’s not a role a usually play...

                 Inaya siya ni Miguel sa gitna ng dance floor, iniyakap nito ang mga braso sa kanyang baywang, at itinuon ang expressive nitong mga mata sa  pagtitig sa kanya. On that special moment she felt like the most loved women on that place where people find their happiness as the music lounge taglines’ said.  

                Don’t speak too much of what what’s been going on. The past is over and gone. Give me your troubled mind, you know it’s used. I can do so much for you. I want you…

                “Tonight, there’ll be no worries, no threats… no fears, no doubt.” He moved closer to her. Inilapat nito ang pisngi sa kanyang pisngi at bumulong. “We own the night tonight, free, happy, and fine. Can we?”

                Having you near me, holding you near me. I want you to stay and never go away. It’s so right. Having you near me, holding you near me. I’ll love you tonight and feel so right…

                “Yeah. Tonight, I’m your queen, the sexy, witty, sweet, and alluring queen. O walang violent reaction or else, solohin mo iyang night mo.”

                He chuckled. “I’m fine with it.” He moved a little to set a glance on her. “I’ll just be your loving king.”

                They both smiled. And continued dancing like there’s no tomorrow.

                 I’ll love you tonight, it feels so right…feel so right…






PREVIOUS                                                             NEXT

Comments

Anonymous said…
OHMYGULAY as in capital OMG! bakit naging sweet si sir Hitler. Hindi naman natamaan ng bala un.. tsk naloka tuloy ako, imagine mo pati funeraria eh nasabi ko dahil lang sa nierbyos... yan talaga pag ang amo ay mashungits.. pero in fairness dahan2 na sya naging nice... kilig2....

lab ko na ata sya...lol!

Slry,

Jeanie d sexytary...(ang magreact pangit!)
Anonymous said…
ayeeeiiii kaka kilig nmn

hello poh Ms Melai

im Hanna G. Rakman

hehe

idol poh kta
Naiomi Catacutan said…
Waaaaaaaaaaaaaaaah! Pwedeng sumigaw? NAKAKAKILIG! WAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Inlove na ba sakin si Miguel? WAAAAAAAAAAAAAAAH! Paganda ng paganda. :) Nakakakilig pero hindi pa din nawawala yung mga part na nakakatawa. Hahahaha. Dami kong tawa sa funeraria. Hahahahaha! :D Tapos pagdating ni Hamiel deadma na si Miguel. Hahahahaha! :) Paganda ng paganda, lalong nakakakilig, tapos hindi nawawala yung mga part na nagpapatawa sa readers. Consistent ang galing! Idol na talaga kita Ate Melai! Next naaaaaaa! :)))))
Ericka said…
wahhh!!!! nakakakilig na!!! hahaha.. at the same time nakakatwa!! hahahaha :)))) iyhhh!! naeexcite na ko!!! next na ate melai!! :d
Can't help but smile and get kilig... :)
kiz said…
para akong maiihi sa kilig hahahahaha
Anonymous said…
makikireact lang ako. Wahahahaha!
-mio ang dakilang extra (chos) naiilusyon lang po ako (makikiuso na rin ako) ang magreact panget! XD
Ay. Ang sweet na ni miguel.! Kinkilig ako=)
Wala na bang exposure si Migs the cat? Huhu hahahaha

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…