Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Seven



                “Iyong gamot mo anak, nasa bedside table. Inilagay ko na kung anong oras mo iinumin ang mga iyon. Are you sure na kaya mo ng mag-isa lang dito?” tanong ng ama ni Naiomi.

                “Yes, ‘Tay,” matamlay na sagot niya. She’s still in fever and cough. Nakahiga lang siya sa kama dahil mataas pa ang lagnat niya.  Walang naiwan sa bahay nila sa araw na iyon.  Maraming pasyente sa hospital kaya di makapag-off ang kanyang ama. Ang kanyang ina ay may inaasikaso din sa trabaho na urgent matter. At ang kanyang dalawang kapatid, magkasabay na nagkaroon ng kani-kanilang teambuilding activity sa companies na pinagtatrabahuhan ng mga ito. Walang choice si Yumi kundi ang alagaan ang sarili.

                “May pagkain sa baba, anak ha. Initin mo na lang pag nagugutom ka na.”  Humalik ang kanyang ama sa kanyang noo.  Pagkatapos ay malambing nitong hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Papasok na ako sa trabaho. Kung magkaproblema tawagan mo ako o ang nanay mo. Mag-undertime daw si Crista para maalagaan ka.”

                “Sige po, ‘Tay. Ingat po.” Nang makaalis ang kanyang ama ay bumalik siya sa pagtulog. Naalimpungatan lang siya nang may marinig siyang busina ng sasakyan. Di niya sana papansinin iyon nang masundan iyon  ng sunod-sunod na katok sa pintuan nila. Kahit masama ang pakiramdam ay pinilit niyang bumangon. Sino ba iyang istorbo na yan? Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan. After so much effort nakarating din siya sa pintuan at marahan niya iyong binuksan.

                Bumulaga sa kanya ang gwapong mukha ni Miguel na may bitbit na bouquet of flowers, at isang bag na sa wari niya ay may lamang pagkain. Tila unti-unting bumilis ang tibok ng puso niya. Kung lagnat o kilig ang dahilan, hindi siya sigurado. All she knew was this guy in front of her was giving her lots of strange good feelings that she can’t explain well.


                “Hi! Pinagpalagay kong may sakit ka pa kaya nagpunta ako dito. Pwedeng pumasok?” Pagkasabi nito ay tumuloy na ito sa loob ng bahay niya kahit di pa siya sumasagot. Pagkalagay nito ng bag at bulaklak sa center table sa sala ay binalingan siya nito.                                                                                            “Isara mo agad ang pinto. Masama sa’yo ang malamigan.”

                “Miguel…”

                Nilapitan siya nito. “Bakit?”

                “Ah…” Speakless ang ganda mo, Yumi. Speakless!

                Sinapo nito ang noo niya. “You’re still in high fever. Dapat nagpapahinga ka lang. Saan ang room mo?”

                “Ha?—ay!” Biglang kumirot ang ulo nang buhatin siya nito kaya napapikit siya.

                “Tell me where your room is. Dadalhin kita doon.”

                “Upstairs, iyong room sa kaliwa.”

                Hindi na siya umapila dahil bukod sa masama ang pakiramdam niya, masarap ang feeling na buhat-buhat siya ni Miguel. Oh my Miguel, ano bang ginagawa mo sa akin? Still keeping her eyes shut, naramdaman niyang maingat siyang inihiga nito sa kama. Pagkatapos ay kinumutan siya nito.

                “Yumi?” Hinaplos nito ang pisngi niya.

                She opened her eyes and was greeted by his adorable face in few inches away from her. Kaya sa halip na makalma ay lalong nagta-tumbling ang puso niya. Mabilisang naalala niya ang webcam kiss. Will that happen for real now? Oh my… “Hmm?” Nagayuma na ba kita at mag-I love you ka na sa akin?

                “Kumain ka na ba?” 

                “Ha?” Nalaglag ang panga niya sa pagkadismaya. Bakit ko ba naisip  na magkakagusto din ang lalaking ito sa akin?

                “May dala akong soup. Iinitin ko lang para makakain ka.”

                “Ah, okay.”

                 He moved closer to her face. Tila slow motion ang paglapit ng mukha nito sa kanya. Hohemji! She closed her eyes and wait for the sweet kiss to land on her lips.  Pero bago pa lumapat ang labi nito sa kanya ay inihit siya ng ubo. Napamulat siya, napalayo ang mukha nito sa kanya. Epic fail kiss! Kainis! Hindi ka na nga naka-kiss, inubuhan mo pa! San ka pa?  Out of dismay and awkwardness ay bumaling siya ng higa sa opposite side ng bed para di siya nito mapagmasdan habang wa-poise siyang umuubo.   

                Ngunit nanumbalik ang kilig nang haplusin nito ang likod niya aimed to help her ease the cough. Unti-unti ay nawala ang ubo niya. Humiga siya ng ayos para mailapat niya sa kama ang likod niya.

                “Sorry, hindi ko controlled iyong ubo ko,” sambit niya. Pwede bang makuha iyong kisspirin ko? 

                Umiling ito. “Don’t mind it.” Nabalingan nito ang bedside table kung saan nakalagay ang mga gamot niya. “Uminom ka na ba ng mga nito?” Inisa-isa nitong tingnan ang mga gamot.

                “Oo, kumain ako ng konting tinapay at fruits kanina tapos uminom na ako ng gamot.” She grabbed her blanket and covered herself fully.

                “Bababa na ako. I’ll prepare your food.” He started walking through the door when she called him. “Yes?”

                “Hindi mo naman kailangang seryusin ang mga sinasabi ko. Nagbibiro lang ako kahapon.”

                “Nasa Singapore ako kahapon at may plano talaga akong umuwi. Besides, this is what responsible husband does. Don’t think about it too much. Instead, magpagaling ka. I’ll be back in few minutes.”     

                Tulalang napatitig si Yumi sa pintuang isinara ni Miguel.  She just couldn’t believe it. King arrogant Miguel was in the house and would manage to take good care of her. This was the first time na may ibang lalaking nag-alaga sa kanya. Ayaw man niyang patulan ang munting damdaming sumusulpot sa puso niya pero palagay niya, nagkakagusto na siya dito. Miguel, Miguel Miguel…Kung ma-in love ako sa’yo, ano kayang mangyayari? Waaahhh rambol ‘to!  Nang walang makuhang sagot ay pumikit na lang siya at natulog.

               
                MIGUEL NEVER thought he’ll be in this situation. Kasalukuyan siyang nasa silid ng natutulog niyang asawa. Yumi is not really feeling okay. Halos tulog lang ito mula pa kanina. Gumising lang ito nang pakainin niya ito ng agahan at tanghalian para makainom ito ng gamot. Other than that, she was just resting and suffering from high fever. Pagdalaw lang sana kay Naiomi ang plano niya. But the moment  he  found out that no one was taking good care of her, his plan was suddenly changed. Heto siya ngayon, nakapwesto siya sa maliit na study table nito na may mga kiddie stuff. His laptop was on the table, wi-fi connected at nagho-home office siya habang binabantayan kung bumababa na ba ang lagnat ni Yumi. Katatapos lang niyang kausapin ang mga VIP clients ng investment firm niya at ngayon ay naga-analyze naman siya ng financial statements ng iba pang negosyong hawak niya under MDC Food Corporation.

                Naninibago si Miguel sa sarili. He wasn’t a concerned caring man at all.  Kung may naalagaan man siya sa buong buhay niya iyon ay ang ina lang niya at ang napakarami niyang alagang pusa.  Binalingan niya ang natutulog na si Yumi. What now, Migs? It’s high time to get things right. Napangiti siya. And I start by making our marriage legal and sincere.  Yes indeed, he was able to get divorced after he won a case against Carlene. Korte ang nagdesisyon para maging null and void ang kasal nila ni Carlene. Now he can file his marriage with Yumi, wala ng problema, wala ng sabit. And that was also the reason why he went back to Philippines…well, aside from taking good care of Yumi of course. Gusto niyang makausap ito tungkol sa kasal nila bago niya iyon ipa-file sa civil registry.

                His phone rang. Mabilis na nagbago ang expression ng kanyang mukha nang makitang tumatawag si Carlene.  Binalingan niya muna si Yumi at siniguradong tulog ito bago niya sinagot ang tawag. “What now?”

                “You can’t do this to me, Miguel!” Carlene said hysterically.

                “Move on, Carlene. I already did. Sinabi ko na sa’yo hindi mo ako mahahawakan sa leeg. I can do better than you.”

                Sinampahan niya si Carlene ng kaso at bago niya ginawa iyon ay sinigurado niya wala itong maibabato against him. Nakagawa ng paraan ang abugado niyang pagtakpan ang back issue ng ownership niya ng shares sa negosyo ng step father ni Carlene. Matapos lusutan ang issue, ipinagbili niya agad ang stocks na hawak niya nang hindi nito nalalaman.  Madali siyang nakawala sa paing sigurado siyang ipamba-blackmail nito sa kanya. Though those shares were important to his dad, he let the shares out of his life. Alam niyang mauunawaan siya ng kanyang ama sa desisyon na iyon.  

                 “Now that the court had decided, you are now free to do whatever you want and so as I. Divorced na tayo.”

                “Kilala mo ako, Miguel. Hindi ako basta-basta makakapayag.”

                “Uulitin ko, divorced na ang kasal natin. The least thing you should do is to let go of me or else I will file a case again to revoke your citizenship. You will never like that,” kalmado niyang pahayag.  “Pasalamat ka pa nga at hindi ko dinamay ang citizenship mo.”

                “Miguel, may babae ka ba sa Pilipinas kaya pilit kang nakipaghiwalay?” asik nito.

                 “It’s none of your business, Carlene. Our agreement is an agreement. I got the shares, you got the citizenship and we’re through. The marriage is over. I’m just into the agreement. Kung hindi mo iyon matanggap, problema mo na iyon.”

                “Listen. Kung mapatunayan kong may babae ka, kakasuhan kita. You messed with a wrong woman, Migs. We’re not yet through. Guguluhin ko ang buhay mo.”  

                Kakasuhan ako? Stupid. Nasundan na iyon ng busy tone. Nagkibit-balikat lang siya sabay baling sa laptop niya. Threats. It wasn’t even the first time he received threats, so why feel bothered about it? Binalikan na lang niya ang ina-analyze na data.

                “So, may iba ka pa lang asawa?”

                Natigilan siya sabay baling kay Naiomi. Gising na pala ito. Nakahiga pa rin ito sa kama at may yakap na unan habang seryosong nakatingin sa kanya.

                He sighed and sat on the side of her bed. “It’s not as devilish as what you think, Naiomi.”

                “It’s not about being kind or devilish. It’s just you having two wives. Sinong nauna sa amin? Who’s legal and who’s not? Don’t get me wrong, Migs. Alam kong wala akong karapatang magtanong pero… pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang narinig ko?” Bumangon ito at umupo habang nakasandal sa head rest ng kama.

                He looked sincerely at her eyes while telling his story. “I got married in US two years ago. It was a marriage of benefits, for me to get a certain stocks on a family owned coroporation of Carlene’s step father’s businesses and for her to gain her citizenship. We had a written agreement that once I had the stocks recorded as my own and once she got her green card we’re through. Actually, when I met Carlene, she was crying on the bench of the subway station then she told me her story. I saw a good coincidence when I found out that she’s a step daughter of the person who refused to sell their stocks to me. I took the opportunity.  I will admit that when we got married, I’m still married to her. Nang umalis ako recently,  I talked to Carlene and asked her to sign our divorce papers dahil nakuha na namin ang benefits namin sa kasalan na iyon. It was a usual thing in US, getting married with secret agenda of having green card and finally, she had hers. She refused to sign the papers. So, I was forced to file a case against her just to get the divorce. I won the case. Umuwi ako ngayon para sabihin talaga iyon sa’yo. Medyo iniurong ko lang sana ang pagsasabi sa’yo kasi mas na-focus ako sa kagustuhan kong gumaling ka muna bago sana natin ito pag-usapan.”

                “So, as of the moment, we’re not yet married?” He nodded. “And you already let me believe that we already are huh.” Umiwas ito ng tingin at mukhang nagtatampo.

                He lovingly held her hands.  “Sorry, if I lied. All I think about is that having Casa de Yumi will cast away the worries and sadness in your eyes. Kaya nagawa kong wag na lang sabihin sa’yo agad-agad.”

                Binalingan siya nito and she took her hands away from his. And that made him sad. She seriously looked at him. He just managed to gaze on her. “Paano kung makatagpo ka uli ng babaeng umiiyak at kailangan ng tulong mo and the only way to help is to marry that girl? Makikipaghiwalay ka rin ba? Sasampahan mo rin ako ng kaso? Iiwanan mo rin ba—sorry!” Umiwas uli ito ng tingin nang bigla nitong bawiin ang sinabi. “Hindi ko dapat sinabi iyon. It’s out of the line.”

                A part of his heart was wrecked by those words. Ano pa nga bang aasahan ng isang babae sa kanya? He did it not once and he knew that Yumi was having a fear that he will do the same to her.  Silence took over. Parang may masamang espiritung nagpatahimik sa kanila dalawa which was very unusual. Until, Miguel got the courage to speak up.

                “No! It will never happen.”

                “How sure you are?”

                “We both want Casa de Yumi. As long as we both want the house, nothing can interfere.”

                Binalingan uli siya nito. “Bahay lang ang casa. Pag may nakita kang bahay na mas maganda sa Casa de Yumi, magiging wala na ring importance sa’yo ang bahay.”

                “Ang bahay na iyon at ikaw.” Inayos niya ang kumot nito pagkatapos ay masuyong tinitigan niya ito. “Sapat na iyon para sa akin.” He found amusement in her eyes. Waring di ito makapaniwala sa sinabi niya.

                Umiling ito at humiga sa kama. “Miguel, nakakahilo iyang sinasabi mo. As in!”  Bigla na lang itong nagtalukbong ng kumot.

                He chuckled. “Yumi, hindi ko muna ipapa-file ang kasal natin. I’ll give you time to decide. Wag kang mag-alala, Casa de Yumi can be yours forever, magdecision ka man na itutuloy natin ang filing ng kasal o hindi. Bibigyan kita ng rights.”  At ayoko na ring ang bahay lang ang dahilan ng kasalan na ito.

                Bigla nitong ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa mukha nito. “Anong Casa de Yumi can be mine forever kahit na di tayo kasal? Adik ka ba? Ibinibigay mo na sa akin ang Casa?”

                He smiled.  “That will make you happy so why not?”

                “Miguel…”

                “Hmmm?”

                “Crush mo ako ano?”

                Oo.  But since he’s not yet ready to admit that, he just laughed. Sinapo niya ang noo nito. “Good thing wala ka ng lagnat. You have to rest more so that tomorrow, you can go back to work.” He changed the topic.  Umayos siya ng upo. Sumandal siya sa bed rest at iniakbay ang kamay niya sa ulunan at balikat nito habang ito ay nakahiga. It was like hugging her while she was in bed. “Wag mo na munang isipin ang tungkol sa kasal. Enjoying the moment we have today is a much better idea, right?”

                 Tiningala siya nito. “Hindi mo sinagot ang tanong ko.”

                He grinned. “I already did.”

                “Waaahhh, Miguel. Anong hangin ba sa ibang bansa ang nalanghap mo at nagkaganyan ka?”

                “Ano bang problema mo sa akin? I’m just showing you the sweet real side of me.” He kissed on her forehead. He didn’t care if she smelled like medicine and sweat combined. “Swerte ka dahil ikaw lang may alam na ganon ako.”

                She looked up to him. He smiled when he noticed the pink shades blushing on her cheeks. “Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon?” tanong ni Yumi.

                “Hmmm, kinikilig sa akin?—aray!” Pasabunot nitong hinila ang buhok niya. Pero sa halip na mairita, heto siya at natatawa pa. “Hey, that’s physical injury!”

                “How could you be so straight forward? Nakakainis ka.”

                “It’s obvious, you’re blushing!”

                Mas hinila pa nito ang buhok niya. “No, I’m not! Dahil lang sa lagnat iyon.”

                “Okay, okay. You don’t have to pull my hair if you feel shy letting me know that you like me. I’m fine with that thought actually.”

                “Ang yabang lang e ano?” Sa wakas ay binitawan nito ang buhok niya. Nagkatinginan sila. He smiled, she smiled back.  She looked at him the way he dreamt to be seen by a woman. No doubt, he finally found his the one. Bigla itong pumikit at huminga ng malalim.

                “Nahihilo ka?”  nag-aalalang tanong niya.

                “Oo, nakakahilo kasi iyang ginagawa mo sa akin, really. Kung may crush ka sa akin, pwede mo namang aminin iyon, keri iyon ng ganda ko ano?” tugon nito habang nakapikit ito. “Hindi iyong binibigyan mo ako ng clueless clues.”

                He chuckled. “Itulog mo na iyan.”

                “Iyong hilo ko?”

                “Hindi. Iyong pag-iisip mo na may crush ako sa’yo.”

                “Siraulo.” She grabbed her pillow and hugged it.  She opened her eyes and smiled at him. “Thanks again for being here, Migs.”

                “It’s nothing.” Nothing compared to what you have done to me.  


                MAGAAN na ang pakiramdam ni Naiomi nang magising siya kinabukasan. It was just five in the morning. Nagplano talaga siyang gumising ng maaga dahil papasok na uli siya sa trabaho. Naalala niya ang nangyari kahapon. Napangiti siya. Inalagaan talaga ako ni Miguel!  And she found it sweet. And in fairness sa kanila, they were sweet, not the typical scene whenever they’re together. O baka pinagbigyan lang niya ako dahil inaapoy ako ng lagnat. Napailing siya. Does Miguel really change for good?

                Binalingan niya ang mesa niya. Wala na roon ang laptop ni Miguel. No sign of Miguel in her room anymore. Sa natatandaan niya ay naabutan pa ng nanay niya si Miguel kahapon. Andon pa rin ito nang maghapunan na siya at nakatulog na uli. Malamang, umalis na ito nang masigurong okay na siya. Hmmp, di man lang nagpaaalam.  Ngunit nang maalala ang pag-aalaga nito sa kanya ay napawi ang kanyang tampo. Keri lang, naka-quota naman ako ng sweet memories kahapon.  

                Unconsciously nahawakan niya ang noo niyang hinalikan ni Miguel nang nakaraang gabi. Kasabay noon ay kumabog ang puso niya. May gusto nga kaya si Migs sa akin? Eeeeee! Kilig! Imagining Migs giving her sweet gestures and attention made her feel more excited for the next coming days. Nakangiti, tulala at parang lukring pa siya nang biglang bumukas ang pinto.

                “Ate, anong petsa na? Kung papasok ka na ngayon, mag-ayos ka na,” hirit ni Aira na nagpabalik sa kanya sa earth.

                “Oo, papasok na ako.”  Bumaba na siya sa kama.

                Tumawa naman ang kapatid niya. “Bilisan mo, ate tapos baba ka na agad ha.”

                “Bakit?”

                “Wala lang, hinihintay ka na ng agahan.”

                She laughed. “Sira!”

                Agad siyang naligo at nag-ayos ng sarili. With her teacher’s uniform plus the workbooks, lesson plan and her bag, masayang bumaba siya ng hagdan. Finaly after being absent for two days, she’s going back to school and see her babies. Muntik na siyang mahulog ng hagdan nang makita niya si Miguel, facing her father over cup of coffee. Nakatalikod ito sa kanya.  Waahhh, ibig sabihin hindi umuwi si Miguel? Wow, ang ganda ko, ten thousand times upgraded!

                “Siguro nga dapat ko ng tanggapin na ang mga anak ko, hindi na sila mga bata. Soon, ang tatlong maria ko, makakatagpo na rin ng kani-kanilang mamahalin at mapapangasawa. Miguel, all I want for my daughter is to find her happiness. Pumapayag na ako,” litanya ng kanyang tatay.

                “Salamat po, Sir Marco,” Miguel replied.

                “Ay! Bongga!” tili ng dalawa niyang kapatid.

                “Oy, kayong dalawa. Kung makatili kayo ha, wag ganyan. Mahiya kayo kay Miguel,” sita ng nanay niya sa mga kapatid.

                “Ay sorry naman, na-excite lang,” hirit ni Ericka.

                “Pwede ba kuya Miguel next time isama mo naman si Hamiel at saka iyong pretty wife niya para makapagpa-autorgraph kami?” sambit ni Aira.

                “Sure, I’ll try,” tugon ni Miguel.

                Huh? Pumayag? Kuya Miguel? What’s happening?

                 “Yan! Mas bongga iyan!” hirit ni Ericka.

                “Kayo talagang dalawa! Pagpasensyahan mo na ang mga ito, hijo. Fan na fan ang mga iyan ng Karisma Band.”

                “Pati nga po si Yumi. Kapatid ko po agad ang bungad niya sa akin when we first met,” sagot ni Miguel na ikinatawa ng lahat.

                “Wait family tree! Anong meron?”  Umeksena na siya. Natigilan tuloy ang lahat at biglang nagkanya-kanya na ng exit.

                “Male-late na ako. Bye Kuya Migs, bye ate!”  Nauna nang umalis si Aira.

                “Uy teka lang sasabay ako, Aira. Bye all!” Ericka followed.

                “Exit na kayo agad after kong mag-grand entrance? “ hirit niya.  “’Nay…”

                “Kumain ka na, ipinagluto ka ni Miguel.  Aalis na rin ako.” Kumaway ang kanyang ina kay Miguel at humalik sa pisngi niya.

                “Sige po, ingat po ‘Nay,” naguguluhan pa ring sambit niya.

                Nagpapalit-palit ang tingin niya sa kanyang ama at kay Miguel. The latter held her hand. “Umupo ka na at kumain.”

                “So wala talagang mage-explain? At ikaw Migs, hindi ka pa umuuwi. Super nakakahiya na sa’yo.”

                “Uuwi din naman ako mamaya pagkahatid ko sa’yo. Wag kang atat palayasin ako.”

                “Hindi kita pinapalayas—”

                “Anak, pumayag na akong ligawan ka ni Miguel.”

                “Ano po?”  bulalas niya. Tila nabingi siya sa narinig. Tama ba iyong hahagip ng eardrums ko? She felt her heart skipped. Natigilan tuloy siya.

                Tumayo na rin ang kanyang ama. “Papasok na ako anak. Isara nyo ng ayos ang bahay.” He kissed on her cheeks.  Tinapik nito ang balikat ng katabi niyang si Miguel.  “Take good care of my princess. I trust you, Miguel.”

                “I will, Sir. Thank you po.”

                Her father nodded, set a glance on her and impishly smiled before he left. Naguguluhang  binalingan niya si Miguel. “Oy, Migueli—at bakit ka nakatingin ng ganyan? Nalipat ba sa’yo ang lagnat ko?” He was lovingly gazing at her. “Ano na namang sinabi mo sa pamilya ko?”

                “Nothing. Kumain ka na at mahuhuli ka na rin.”  Iniabot nito sa kanya ang spoon.

                “Ano nga sinabi mo sa kanila?” Sinimulan na niyang kumain ng soup na alam niyang luto ni Miguel. Natikman na niya ang soup na iyon noong nasa Casa de Yumi siya.   

                “Kung ano ang sinabi ng tatay mo, iyon na iyon.”

                “You mean, manliligaw ka sa akin? Are you serious?” Natatawang hirit niya. “Anong nangyari sa’yo? Di ba ang sabi mo dati, hindi mo ako type? Joke yan Migs, ano?” Tumawa pa siya ulit. “Natawa ako do’n ah. Effective.” But deep inside, malakas ang kabog ng puso niya.

                Sumeryoso ang mukha nito, naging poker face. Humigop ito ng kape at tumayo. “I’ll wait you in the car,” sambit nito sabay walkout.

                Kunot-noong pinagpatuloy niya ang pagkain, madaliang  hinugasan ang pinagkainan nila at saka lumabas ng bahay.  Tahimik lang si Miguel habag nagmamaneho ito papunta sa school kung saan siya nagtuturo. Pasimpleng sinusulyapan niya ito. Seryoso lang ito na tila na-bad trip. Ay mali ba akong sinabi?

                The car parked in front of the school where she was working. Saka lang siya nagkalakas ng loob na magsalita. “Salamat, Migs. Thank sa pag-aalaga sa akin at saka sa paghahatid mo  ngayon. Ingat ka sa byahe mo pabalik ng Manila.”  Bababa na siya ng kotse nang hawakan nito ang kamay niya. She felt her heart skipped. Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay pagkatapos ay sa mukha nito. He was lovingly gazing at her.

                “Wag mong ipapa-file ang kasal natin kung hindi ka pa handang maging misis ko.” Inilagay nito ang isang velvet box sa kamay niyang hawak nito. “Open it and wear it when you’re ready. I’ll patiently wait.”

                Natigilan siya. By just looking at the velvet box, she’s pretty sure that there’s a ring inside. Hohemji? Marriage proposal ba itey?  Tatanungin pa sana niya ito nang bigla itong bumaba ng kotse para pagbuksan siya ng pinto. She sighed. Inalalayan siya nitong bumaba ng sasakyan. Wala siyang masabi… dahil pakiramdam niya ay nananaginip siya. Miguel said, he’s going to court her a while ago. Wala pang isang oras, nagbigay na ito ng singsing. Aba baka matapos ang araw na ito, may baby na kami? Agad-agad? So fast!

                “Take care and don’t forget to take your vitamins para di ka na balikan ng lagnat mo.  I’ll go ahead.” Pagkasabi noon ni Miguel ay agad na itong sumakay ng kotse at nag-drive palayo. Inihatid na lang niya ito ng tingin. Kung anu—ano kasing iniisip mo, yan tuloy. Hindi ka man lang nakapag-flying kiss!  Napailing na lang siya habang naglalakad papasok ng gate ng eskwelahan.



PREVIOUS                                                           NEXT

Comments

Anonymous said…
Ohmygulay... ang sweet naman ni Sir Hitler... Graviness to the maxx, speakless ang bida. Sayang hindi tuloy naka score kasi naman sinumpla ba...

sir Hitler can't believe it as in nagbago ka na talaga...

kiligness

ur secretary
itzmekimy said…
haha grbe ntatapakan kna buhok ni naomi.. ang swerte ng bruha!haha
Naiomi Catacutan said…
Waaaaaaaaaaaaah! Grabe na iteyyyy! NAKAKAKILIG!!! Inaalagaan ako ni Miguel. Kung ganyan ang eksena kahit araw-araw akong apuyin ng lagnat okay lang! Hahahaha! Liligawan daw ako oh. Kilig! Tapos, baka hindi pa matapos ang araw may baby na kami. Dami ko tawa. Hahahahaha! Eeeeeeeee! Next na next na! :)))))))
Anonymous said…
nice nice melaizkie ang galing ;) next na :D

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…