Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Six




Miguel…” His father reached his hand and held it tight.

                After years of hiding his emotions to people, Miguel once again felt all the pains and hatred he was keeping. Di man niya ginusto, di niya mapigilan ang sarili na magtanim ng hinanakit sa kanyang magulang at mga kapatid.  He even didn’t know why he should sacrifice his dreams for family businesses while his two siblings were free to do what they want. But right that moment that his father was looking at him with sincere apologies reflecting on his eyes, he felt helpless like a little boy who needs a fatherly care and love…malayo sa Miguel na matatag at walang sinasanto.

                Nakahiga ang kanyang ama sa hospital bed, mahinang-mahina na matapos itong atakihin sa puso. He knew, his father was about to go. He just didn’t want to entertain the thought.

                “Forgive me, Miguel.”

                “No!” Umiling siya. “Wala po kayong kasalanan sa akin. My life is my choice. Don’t be sorry, Dad.” He tried his best not to cry.

                “You know, it’s not true. I pushed you to that kind of life you are living now.” Tears fell from his father’s eyes.  And that hurt him more. Kung pwedeng makipag-trade ng buhay, ginawa na niya. “I’m sorry, anak. It didn’t mean that I don’t love you. I didn’t mean you to feel that way. I love you, son.”

                “You don’t have to be sorry. I’m your son and what you taught me are the best lessons in life. I love you, Dad. Don’t leave.” Sa mga sandaling iyon ay may abiso na sila mula sa doctor. His father was getting weak and doctors can’t do anything more to save him.

                “I don’t want to leave but I have to.” He looked sincerely in his eyes. “Miguel, pirmahan mo na iyong waiver. If I lost my heartbeat, just let me go. I don’t want to suffer more. Masaya na akong nakita ko kayong lumaki, umasenso sa buhay. Masaya na akong nakasama ang mama mo. Please sign that   waiver.”              

                “No Dad! Ayoko! I’m more than willing to forget another dream just don’t leave us. Please stay.” Hindi niya kayang gawin iyon. Para na ring inutos ng kanyang ama na patayin niya ito. He can’t.

                 “Do it for me, son.” The last time he heard that line, his father asked him to give up PMA. “Please, sign the the DNR order for me.” Umiling lang siya. “Kung wala ka ng sama ng loob sa akin anak, gagawin mo ito.”

                Napakabigat na responsibilidad ang binigay sa kanya ng kanyang ama. Bandang huli, tumango siya.  Kung sa ganoong paraan ay mawawala ang kanyang ama in his peaceful way, then so be it.

                “Salamat, anak. Kung mawala ako, wag mong iiwan ang mama mo. Please forgive Hamiel and Amhiela, too. Wala naman silang kasalanan sa’yo.”

                “Hindi ko pa po kaya Dad pero susubukan ko.” Malaki ang naidulot na sugat sa kanyang pagkatao ng sama ng loob niya sa mga kapatid. Umabot na iyon sa hindi pakikipag-usap sa mga ito.

                “Gawin mo, anak. Para sa akin at para sa sarili mo. You have to free yourself. I don’t want you to get hurt again, Miguel.”   Tahimik siyang lumabas ng ICU at nakipag-usap sa mga doctor ng kanyang ama. Pinirmahan na din niya ang Do Not Resuscitate order kahit masakit sa kalooban niya.

                Guilty feeling hit his head when he heard that sound that indicated that his father was already in flat line. And because the doctors have DNR order, walang ginawa ang mga doctor kahit magmakaawa ang kanyang ina at kapatid. Naging magulo na ang lahat hanggang sa namalayan na lang niyang pinaghahampas na siya ng bunsong kapatid, accusing him of killing his own father.

                “Bakit ka pumirma? Bakit mo hinayaan na lang mamatay si Dad? Pinatay mo siya!”  Ipinamukha sa kanya ng kapatid niya na nagkamali siya ng desisyon sa unang pagkakataon. And it’s too late.


                Napabalikwas si Miguel ng bangon mula sa kama. That dream about that day when his father died kept on occurring in his dreams these past few days. Why Dad?   Why did you ask me to do something wrong? Tears fell from his eyes. Kung may isang bagay siyang pinagsisisihan ng buong-buo, iyon ay ang pagpirma sa Do Not Resuscitate Order na iyon na isa sa mga hiling ng kanyang ama.  Mahigit tatlong taon na nang mamatay ang kanyang ama. Tatlong taon na  niyang sinisisi ang sarili. Tatlong taon na rin niyang pinaniniwalaan na kasalanan niya kung bakit namatay ang kanyang ama. Hirap siyang patawarin ang sarili kaya kahit ang patawarin ang kanyang mga kapatid ay di niya rin magawa. Iyon din ang dahilan kung bakit pinaninindigan niyang wala siyang puso sa ibang tao. Alam niyang kahit gumawa siya ng mabuti, hindi noon matatabunan ang katotohanang hinubog siyang maging bato ng mga angst niya sa buhay.

                 Pinawi niya ang sariling luha. It was his birthday. Pero wala siya sa birthday party at wala rin siyang  dapat ipag-celebrate. It was just another dark day of his life.  At tulad noong nakaraang taon, muling  pinaalala sa kanya ng kanyang ama ang bahagi ng buhay niyang gusto niyang takasan at kalimutan. Muli nitong pinaalala sa kanya na nangako siyang susubukan niyang patawarin ang mga kapatid niya. The thing was, he didn’t know how.

                He sighed. He probably needed a talk. He needed someone who can understand him without any judgment. And the only person that popped of his head was Yumi.  He grabbed his phone and dialed her number.  Napakunot ang noo niya nang i-cancel nito ang tawag.  Why the hell?  He tried again. Pero kina-cancel talaga nito ang call niya. On the third time he was pissed off. He ended sending her messages.  Why are you cancelling my call? You’re heartless! You know I can easily cancel our deal. So if you don’t want to lose Casa de Yumi, get yourself online now!

               
                MUNTIK NANG mabitawan ni Yumi ang cell phone nang mabasa niya ang message Miguel. Bad mood na naman ata ang King Arrogant Miguel na ito.  Naghahapunan siya kasama ang ama’t ina nang ulanin siya ng text messages mula ditong may threat pang kasama. Sa takot niyang baka totohanin nito ang threat ay agad siyang nag-online nang makapag-solo na siya sa kusina.

                Agad siyang nag-chat ng message for Miguel. Ano na namang problema mo at ang kagandahan ko na naman ang binubulabog mo?

                He immediately replied.  Video call.  

                Napailing siya. Palautos talaga si Miguel, bagay na ayaw ni Yumi sa lalaki. Kaya nga di niya rin maintindihan ang sarili kung bakit sa dinami-dami ng di niya gusto sa ugali ni Miguel, nawawala iyong lahat pag tinititigan na siya nito… kahit sa webcam lang.

                On cue, the webcam box appeared on her laptop screen. Saktong shuma-shot ng alak si Miguel. Napailing na lang si Yumi.  “Anong drama iyan?  Naglalasing ka?”

                “Nope. I just need this to calm myself. Buti naman nadadaan ka pa rin pala sa santong sindakan, Yumi. Inom tayo o!” He offered his wine glass to her over webcam.

                Tuwid pa itong magsalita, kaya sigurado si Yumi na hindi pa nga ito lasing. “Tama na nga iyan.  Alcohol can never solve problems. Talking about your problem does.”

                Natigilan ito at marahang ibinaba ang wine glass na hawak. “Minsan ba naramdaman mo ng parang nag-iisa ka lang? Iyong marami namang tao sa paligid mo pero parang di ka nag-exist?”

                “Mumu lang ang peg?”  hirit niya.

                Umiling ito. “I envy you.”   Natigilan si Naiomi at hinintay na lang ang sunod nitong sasabihin. “May mga kapatid kang sweet sa’yo. May magandang family relationship ka, may magulang na nakasuporta,  may nag-aalala sa’yo. I don’t have that.”

                “Bakit naman? May dalawa kang kapatid at may nanay ka pa.” 

                Ikinuwento ni Miguel sa kanya ang relationship nito sa pamilya. She found out that he was not that close to his siblings. Sa katunayan, hanggang ngayon ay may problema pa ito sa mga kapatid. Hindi ito nakikipag-communicate sa mga kapatid, taliwas nila nina Ericka at Aira na kung tutuusin ay nakatira na sa iisang bubong pero walang sawa pa ring nagkakamustahan. Ikinuwento na rin nito ang tungkol sa pagkamatay ng ama nito at ang pinagsisihang bagay na kung tutuusin ay hindi naman nito kasalanan.

                Naiomi felt the pain that he was carrying. Napaka-wrong timing naman ng sad mood ni Miguel. Yumi felt sad seeing him that way…on supposed happy day for him.

                “I stopped showing my care and concerns to them. Updated naman ako sa nangyayari sa mga kapatid ko dahil lahat, kinukwento ni mama. I just don’t want to get involved to them anymore. Iyong paglabas ko sa magazine na nag-feature sa kuya ko? Pinilit lang ako ni mama.” Umiling ito at uminom ulit ng alak. “I have money to buy everything I want. But those things I want to have are not for sale.”

                “Ano bang gusto mo?”

                He stared at her. Those sad pair eyes were looking at her like he wanted to see her soul. “Hindi ako masaya sa buhay ko, Yumi. I want to free myself from this burden. I want to forgive myself so that I could forgive my siblings too. But I don’t know how. When my father died, para na rin akong namatay. Kapag naaalala ko ang araw na namatay ang Dad ko, nararamdaman ko uli ang pagsisisi. Hindi ko dapat pinirmahan ang DNR Order na iyon. Kung hindi ko siya sinunod, baka hindi siya nawala.” Isinalin nito ang huling shot ng alak na iniinom nito. Sa kukuwento nito, hindi na nila namalayan na nakarami na ito ng iniinom. “Pero wala na akong magawa, kundi ang magsisi na lang.”

                Naiomi’s heart felt like crashing when she noticed those tears in the corner of his sad eyes. Ayaw niyang nakikita itong malungkot kahit di niya alam ang dahilan kung bakit niya iyon nararamdaman.  Nanatili siyang tahimik at nakikinig sa kwento nito.

                “Ang lahat ng iyon siguro ang dahilan kung bakit iniiwasan kong maapektuhan ako ng ibang tao emotionally.” Tiningan uli siya nito. “You’re the only person aside from my mom who’s unlucky to know about this. I’m a broken man pretending to be the King of Arrogance that you used to call me. Now you finally know that I’m more like a lost kid than a powerful king. Sad story right?— hey! Why are you crying?” kunot-noong tanong nito. 

                   “Ha?” She touched her cheeks. Saka lang niya napansin na napaluha na pala siya. Pinawi niya ang sariling luha. “Kasi naman, nakakalungkot naman iyang kwento mo.”  She stretched out her hands as if giving him a hug. “Hindi ko alam kung anong comfort ang magpapagaan sa loob mo, Miguel pero kung pwede lang nga, yayakapin kita ngayon huwag ka lang malungkot. Hindi kasalanan ang maging masunuring anak. Iyon ka, Migs. Sinunod mo lang naman ang gusto ng iyong ama. Hindi mo kasalanan na namatay siya. At tungkol naman sa mga kapatid mo, hindi pa huli ang lahat para lumapit sa kanila at makipag-ayos. Pero magagawa mo lang iyon kung napatawad mo na ang sarili mo.”

                “How?”

                “Ewan ko rin, pero wag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako, susuportahan kita. Andito lang ako ako palagi, pomise! Aalamin natin kung paano ka lalapit sa kanila.”

                “Thank you, Naiomi.” He tried to smile and stretched his arms like the way she did. “Thank you for listening. Thank you for understanding.”

                “Sabi ko sa’yo di ba? Magkaibigan tayo at kahit madalas kung anu-anong sinasabi mo, I’m still a shoulder to cry on, Migs. Kaya wag ka ng malungkot. You’re not alone. I will never make you feel alone. Mas gusto kong asar na asar ka sa kadaldalan ko kesa malungkot ka.” Waaah, ano ba itong sinasabi ko?

                Finally, she saw him smiled fully. The sad expressions in his eyes were gone too. “Now I realized, I must be really thankful that I met you kahit na sakit ng ulo ka talaga noong day one. Kahit ang ingay-ingay mo, you’re still worth it to talk to. I’m lucky.”

                Her heart skipped. Napangiti siya sa sinabi nito. “Sabi ko sa’yo e. Wala ka ng makikitang tulad ko na endangered specie.” Tinawanan niya ang sinabi.  Nakangiting umiling ito. “Okay ka na?”

                He nodded. “Yes. I’m better. I feel better and it’s because of you.”

                Suddenly she felt awkward. That line was really sweet. And the face who said the line was sweeter. Sinong mag-aakalang kayang magpakilig ng ganon ang lalaking ito na inakala rin niyang isang heartless? “Ah…” napaiwas siya ng tingin habang naghahagilap ng sasabihin.

                “Yumi…”

                “Yes?” sagot niya nang hindi bumabaling sa camera.

                “Look at me.”

                Napilitan siyang harapin ito. He was smiling again on her. Oh my gulayness! Print screen mode! Ngumiti din siya dito at pasimpleng nagpi-print screen. Bongga! Ngunit natigilan siya nang may ipinakita itong picture niya na screen shots din.

                “You look lovely while you’re blushing, Yumi,” he grinned.

                Tinakpan niya ang mukha niya ng plato. “Waaah, bakit mo ako pini-print screen? Adik ka, Miguel! Hindi ako blushing!”

                “Why? Madami pa ako dito na magpapatunay na nagba-blush ka, wanna see it?”

                Lalong uminit ang pisngi siya sa sinabi nito. Waaaahh. Kalma lang!  She sighed. Binitawan na niya ang plato at pinandilatan niya ito. “Madaya ka!” He just laughed and that made her feel glad. “Sige dahil birthday mo, pagbibigyan kita.” She did some pa-cute pose. “Sige mag-screen shot ka hanggang sa magsawa ka. Basta wag mo lang akong ibebenta ha.”

                Natigilan ito.  “Alam mong birthday ko?”

                “Oo naman alam ko. Ikaw lang e, wala kang bilib sa ganda ko.”

                “Bakit hindi mo ako binabati?” ungot nito.

                Saka lang niya naalala na may ibibigay ngapala siya dito.   Agad siyang tumayo at kinuha sa ref ang cake na binili niya. Nilagyan pa niya iyon ng kandila at saka siya bumalik sa harap ng camera. “Emo ka kanina e. Hindi magandang timing na batiin ka.” She smiled. “Happy birthday, Miguel.” Ipinakita niya dito ang birthday cake habang kinakantahan niya ito ng Happy Birthday. Habang kumakanta siya ay nakangiting nakatitig sa kanya ito. “Oh, blow your candle na, sabay tayo.” Lumapit din ito sa webcam na animo’y magblow nga ng candle. “Nag-birthday wish ka pa ba?”

                “Yes.”

                “Anong wish mo?”


                “Bakit ko naman sasabihin sa’yo?”

                “Malay mo, wish fairy pala ako,” she winked and that made him smile. “Good sinusunod mo ang payo ko. Dapat madalas kang tumatawa at ngumingiti kesa seryoso at malungkot ha.”

                “Sayo lang ako ganito, Yumi.”

                “Ha?” Natalo ng pagkabog ng puso niya ang pagintindi sa sinabi nito. Tama ba ang intindi ko na sa akin ka lang ngumingiti?

                Umiling ito. “Nothing. It’s kinda late. Let’s call it a night. Salamat uli, Yumi. Iyong birthday cake, ikaw na ang bahalang umubos para sa akin. Soon, we’ll share cakes when I go home.”

                Kunot-noong tumango siya. “Okay.  Matulog ka na, wag ka ng mag-iinom ulit ha.” He nodded too. “Happy birthday. At ang wish ko para sa’yo…” Pumikit siya at taimtim na humiling.  Sana, mapalaya at mapatawad mo na ang iyong sarili at maging masaya ka na lagi.  Nagmulat siya ng mata. “Iyon… nakapag-wish na ako.”

                “What’s your wish for me?”

                “Bakit ko sasabihin, wish fairy ka ba?” Sumimangot nito na tinawanan lang niya. “Goodnight Miguelito!” Kumaway pa siya.

                He smiled and pouted his lips aiming to give her a kiss. “Goodnight.”

                The webcam box turned black. Kasabay noong nablangko si Yumi. Did he just give me a kiss?  Nag-flashback sa isip niya ang webcam kiss.  Waaaahh, sayang hindi live! She ended up laughing impishly while her heart was in happy rhythmic beat.


                 “SIGURADUHIN mo, Jeanie na mapapagamot mo ng ayos si Chloe.” Ang tinutukoy ni Miguel ay ang isa sa marami niyang alagang pusa.   Bilang secretary niya sa Pilipinas, kasama sa trabaho ni Jeanie ang alagaan din ang mga alaga niya. He loved having cats. Sa office niya sa Pilipinas, maging sa office  niya sa Australia ay may mga alagang pusa siya. Nagpagawa pa talaga siya ng room para sa mga alaga niya.

                Tumawag siya sa Pilipinas para kamustahin ang lagay ng negosyo pati ang lagay ng kanyang mga Persian cats. Nalaman niyang may sakit ang isa sa favorite niyang pusa.

                “Sige, Sir. Tatawag na lang  ako sa veterinary ng mga alaga nyo—”

                “No. Tatawagan ko si kuya. Gusto kong siya ang mag-aasikaso kay Chloe.” True indeed, susubukan niyang maging malapit uli sa mga kapatid kahit di niya alam kung paano.

                “Okay, Sir.”

                “Sige. Tatawagan kita uli.” He ended the call. Sumandal siya sa swivel chair niya and sighed. Then he dialed his Kuya Hamiel’s number. 

                Makatatlong ring ng phone ay sumagot ito. “Miguel, kamusta ka? May problema ba? Tell me…”

                A warm feeling touched his heart. His kuya never changed. Kahit di sila nagkakausap, may nagiging tampuhan at minsan ay nauuwi sa upakan, nananatili pa rin itong  kuya na mapag-alala.

                “Kuya, may oras ka ba ngayong araw?”

                “Oo naman, basta ikaw. Nasaan ka ba?”

                “Nasa Singapore ako kuya. Pero iyong pusa ko, kailangan ng medical attention. Nasa office ko sa MCSE si Chloe. Pwede mo ba siyang tingnan for me?”

                He heard his brother sighed. “Pusa lang pala. Ikaw naman, pinakaba mo ako. Akala ko kung ano ng nangyari sa’yo. Tamang-tama, andito ako sa Manila. Pupuntahan ko na agad ang mga pusa mo.”

                “Salamat kuya. At saka… sorry.”

                “Miguel, ako ang dapat mag-sorry sa’yo. Sorry dahil ikaw iyong sumalo sa responsibilities na dapat ako ang gumagawa. Sorry dahil hindi man lang kita tinulungan. Pero nakaraan na iyon. We can’t do anything more but to move on. Ano bang ginagawa mo diyan sa Singapore? Kung saan-saan ka na nagpupunta.”

                “Business as usual.” Magaan na ang naging conversation niya sa kanyang kuya. Pakiramdam niya ay nabawasan ang tinik sa  puso niya. “Hindi ko nga alam kuya kung paano ito lahat na-handle ni Daddy. I will always look up to him and admired him for being such a good businessman.”

                “Migs, pwede bang humingi ng pabor sa’yo?”

                “Ano iyon, kuya?”

                “Gusto kitang  tulungan sana sa pagma-manage ng negosyong iniwan ni Dad. Kaso wala akong masyadong alam, turuan mo ako.”

                Napangiti siya. “Iyon lang ba? Walang problema. Basta iyong mga pusa ko, ikaw na ang bahala sa kanila at free of charge kuya.”   

                Narinig niyang tumawa ang kapatid niya. “Deal. Pag naturuan mo na ako, pagtulungan natin ang management sa business nina Mama at Dad para naman mabawasan na rin ang trabaho mo at makahanap ka naman ng totoong asawa. Malapit ka ng ma-divorce. The next time, dapat totoong asawa at love life na iyang aasikasuhin mo. Hindi puro negosyo.”

               An image of Yumi flashed his mind.  Asawa… baka mahabol lang ako ng taga ng ama ni Yumi pag nagkataon. “Iyong marriage mo na lang ang pagtripan mo, wag mo ng idamay ang personal kong buhay.”

                “Masarap ang may asawa, Miguel. Masarap ang may love life.  Masarap ang may inspirasyon.”

                Meron naman akong ganon kuya, if you only knew.  His marriage to Yumi was also a secret to his family. “Kamusta si Ayen?” pag-iiba niya ng topic.  Mula noong magkasagutan silang magkapatid dahil sa issue ng gender crisis ng napangasawa nito ay di na sila nakapag-usap muli.          

                  “She badly needs our support and help. May sakit iyong asawa niya. Vlad has multiple sclerosis and the condition is getting worst from time to time.”

                “Makakatulong ba kung tumulong ako? You know it kuya, mas malaki ang galit niya sa akin.”

                “Madaling suyuin ang bunso natin. Ang gawin mo, go home here and talk to her.”

                Nauwi siya sa malalim na pag-iisip kung paano siya lalapit sa bunsong kapatid para humingi ng tawad matapos ang phone conversation nila ng kuya Hamiel niya. Basta ang alam lang niya, kailangan niya iyong subukang gawin upang masimulan na niyang ayusin ang buhay niya. 

                  He smiled and grabbed his phone. He dialed a number. “Yumi, I’m one step ahead. Tinawagan ko ang kuya ko. And everything went well.”

                “Wow, good news iyan—“ na putol ang sinasabi ni Naiomi sa kabilang linyang nang  sunod-sunod itong umubo.

                “Are you sick?” Nag-aalalang tanong niya dito.

                “Unfortunately yes. May konti akong lagnat at ubo.”

                “Uminom ka na ba ng gamot?”

                “Oo. Okay lang ako Migs. Pwede pa nga sana akong magtrabaho ngayon kaya lang kasi baka mahawa ang mga estudyante ko kaya di na ako pumasok. Ngapala, salamat sa flowers at sa package na pinadala mo. Para saan ba iyon?”

                “Ah that one? Pasasalamat ko lang sa’yo. Masasarap iyong mga pastries at chips na pinadala ko. I’m sure you and your sisters will love them.”

                “I really appreciate that. Thank you ulit.” Inubo na naman ito. “Sorry, active talaga iyong ubo ko. Good thing hindi ito malilipat via phone. Kung nagkataon, mahahawaan pa kita.”

                “Yumi, magpahinga ka ng ayos, kumain ka ng madaming prutas at uminom ka ng gamot. Ayokong nagkakasakit ka. Nag-aalala ako.”

                “Migs…”

                “Hmmm?”

                “May nabago sa’yo.”

                “Anong nabago?” kunot-noong tanong niya.

                “Mabait ka na sa akin.”

                He chuckled. “You’re just sick and we’re not together. Hintayin mong makauwi ako diyan, babawiin mo iyang sinabi mo for sure. I’m still your King Arrogant, Queen Talkative.”

                “Ganon? I’m not talkative. I’m conversational.”

                “Pareho lang iyon.”

                “Magkaiba spelling noon at saka mas sosyal pakinggan iyong conversational.”

                “Whatever. I have to end the call. And you have to take a good rest. Tatawagan na lang kita uli.”

                “Okay bye, Miguelito!”

                Napangisi siya. Kung dati ay asar na asar siyang tinatawag siya nito sa buo niyang pangalan, ngayon ay parang nasasanay na siya. “Kaya ka nagkasakit siguro kasi andami mo ng violations sa rules ko na pinapalagpas ko. Pasaway ka kasi.”

                “Kung ganon, uwi ka dito. Alagaan mo ako.”

                He grinned. “I won’t do that. Bye.”  He ended the call. Napailing siya habang nangingiti.

                He dialed again and called his secretary. “Jeanie, i-book mo ako ng earliest flight tomorrow morning pabalik ng Pilipinas. Thank you.”




PREVIOUS                                                          NEXT 

Comments

Naiomi Catacutan said…
Waaaaaaaaaaaah! Kinikilig ako! Waaaaaaaaaaah! Di ako makamove on sa webcam scene. Nakakakilig!!!! :)))) Kawawa naman si Miguelito. :((( sana maging okay na siya :((( Next chapter na kaagad! Gandaaa!!!! =))))
Anonymous said…
Omygulay pauwi ung amo kung mashungit, patay na naman ang buong opis nito, pero infairness mahinahon syang nag-utos ha at wow, ang sweet ni sir Hitler ah... Inlababo lang?

Dear Sir,

Sir, pakabait ka na, para naman mas dadami ang kikiligin sa you...

Lab ur secretary.
I'm beginning to fall for Miguel ^_^
Ericka said…
waahhh!!!! ang baet na ng brother in law ko!! hahaha... lolsss... :)) iyhh!! nakakakilig cla ni ate!! haha... next na.. waahhh!! nakakakilig!!!
Anonymous said…
SUPER DUPER KILIG! waaaaaaaaaaaa! galing! Next na! :DDDD God bless you, Tita Mel!

-Hannah
kiz said…
I won't do that tapos biglang ganon. hahahaha. adik.. ihhhhhhhh.. kiliggggg :"> I love you MIguelito. hahahah
Nonzie said…
suppperrrr kilig talaga!hehehe parang walang webcam sa pagitan nilang dalawa kong mag-usap!hanep!hehehe

Most Popular Posts

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…