Skip to main content

Find Your Way To Me: Loving You In So Many Ways- Chapter Five




“Ah, Miguel, pasensya ka na ha. Kaldereta lang ang mao-offer namin sa’yo,” sambit ni Aira.

                “Wag kang mahiya ha. Feel at home,” dagdag pa ni Ericka.

                Kapwa parang sinaniban ang dalawang kapatid ni Naiomi pangiti-ngiti at panay ang pa-cute habang asikasong-asikaso si Miguel.  Habang siya, walang pakialam sa lalaking ito. Tinitingnan lang niya ito ng masama habang sarap na sarap ito sa pagkaing niluto niya.

                Tila ang bait –bait na nilalang na tinanguan ni Miguel ang mga kapatid niya habang asikasong-asikaso ito ng mga iyon. Kung alam nyo lang. Iyang si Miguel na iyan ay…masa…masa… oo na mabait nga iyan. Shy type lang. Lalong  naasar si Naiomi. Mukhang crush nga niya si Miguel dahil ni ang sabihing masama ang ugali nito ay di na niya masabi kahit sa sarili lang niya. Kaya sa halip na mag-violent reaction pa siya ay hinusto na lang niya ang sarili sa pagkain habang nakatingin ng masama dito.

                 Mukhang sarap na sarap ito sa luto niya at tila walang pakialam kung isang putahe at kanin lang ang nakahain sa mesa. Ni wala nga silang juice. Malamig na tubig lang  ang na-offer nila dito pero walang reklamo ito. King Arrogant, the Hitler Nazi boss Miguel, kumakain ng pagkain nilang mga simpleng tao lang.  Di siya makapaniwala. Nang tumira siya sa Casa de Yumi, nalula siya sa mga pagkain. Pang-sosyal na resto ang mga pagkain. Parang every meal umoorder ng pagkain sa kung saan-saang mamahaling resto ang peg. Pero ang kwento ng asawa ni Jay, si Miguel daw ang nagluluto.

                “Sige kaon lang, may sagol man naghilo…” Pinigilan niyang matawa nang sinamaan siya ng tingin ng dalawang kapatid nang sabihin niyang may lason ang kinakain ni Miguel.


                 Tiningnan siya ng masama ni Miguel. “Di ba sabi ko, wag mo akong kakausapin sa local dialect?”

                “Wala naman akong sinabing di maganda, Migs.” Binalingan niya ang mga kapatid. “Di ba, mga sissy?” Dinaan niya sa tingin ang mga kapatid.

                “Ah, oo!”  alanganing salo ni Aira.

                Binalingan ito ni Miguel. “Anong sabi niya?”

                Tumingin sa kanya ang kapatid. Nginitian lang niya ito. Pagkatapos ay bumaling na ito kay Miguel. “Ah sabi ni ate, sige lang daw kain ka lang para daw mawala ang hilo mo sa gutom,” pagsisinungaling nito. “Si ate ngapala ang nagluto.”

                “Really?” Saktong nakanganga siya ng malaki at akmang susubo ng pagkain nang balingan siya nito. “You’re a good cook.”

                Walang pakialam na itinuloy niya ang pagsubo habang tinitingnan ito ng masama. “Alam ko.”

                “Wag mo akong tingnan ng masama.”

                “Wag mo akong utusan!”

                “Sige, ikaw rin.  Mabubusog ka agad,” kibit-balikat na binalik nito ang atensyon sa pagkain.

                Ano daw?  Wala sa planong napagmasdan niya tuloy ito. Nakaupo ito sa tapat niya. Tila masarap nga itong pagmasdan. Kagwapuhan pa lang nito, ulam na. Nyay! Nakakabusog ka nga! Umiling siya. Waaah, di pwede ito! I don’t have crush on you Miguel!  Ibinaling niya ang atensyon sa pagkain. “Baka di kamo ako matunawan.” She took her last scoop of food at uminom ng tubig.

                “Nice, sabay pa kayong natapos,” komento ni Ericka.

                On cue nagkatinginan sila ni Miguel. Pareho ngang empty na ang plato nila.

                “Ang cute nyong dalawa. May dapat ba kaming malaman kung bakit kayo ganyan ka-sweet?” pangisi-ngising tanong ni Aira.

                “Oh well, it’s because we are—” Natigilan ito at tinapunan siya ng masamang tingin nang pasimpleng sipain niya ito sa tuhod.

                “Good friends,” salo ni Naiomi. “Kasi itong si Migs, wala siyang masyadong friends.  Eh naawa naman ako sa kawalan niya ng social life kaya nag-volunteer akong maging kaibigan niya. Iyon lang.”

                “Pero parang di naman friendly iyong ginagawa nyo e,” puna ni Ericka. “Cute kasi, pam-pocketbook.”

                “Eh bagong version iyon ng friendship. Kami ang magpapauso ni Migs,” katwiran niya.  “Di ba?” baling pa niya dito.

                Umiling si Miguel. “You’re talking non-sense. Pero dahil pinakain mo ako, sige papalagpasin ko iyan.”

                “Ewan ko sa’yo. Bakit ka nga kasi nagpunta dito?” Tumayo siya at niligpit ang pinagkainan 
nila. Hindi man lang ito nagpakitang tao na tutulong kuno sa paglilinis kapalit ng pagpapakain niya dito. Wag ka sanang matunawan, Miguelito!

                “Nothing much at all. I just want to see you bago ako umalis. Bukas na ang alis ko. Ibibilin ko rin ng personal ang Casa de Yumi.”

                “Ibibilin? Hindi ba nabili na namin ang casa sa’yo?” tanong ni Aira.

                Binalingan ni Miguel si Naiomi.

                “Ah, ano kasi mga sissy,” salo ni Yumi. “Iyong casa, kalahati lang ang ownership ko doon kasi, ayaw niya talagang ipagbili ang casa. Kaya iyon, kesa naman zero, pumayag akong property natin ang casa. May-ari pa rin siya ng casa, joint ownership.”

                Nagsitanguan ang mga kapatid niya. Wish niya lang maniwala ang dalawa at wag ng mang-usisa.

                “Most of the time naman nasa ibang bansa ako kaya walang magiging problema on my part,” paliwanag ni Miguel. May kinuha ito sa bulsa ng body bag na dala at iniabot sa kanya. “Yumi, ito na iyong mga keys. Pina-duplicate ko na lahat ng susi.  You can visit the casa anytime you want. Just let me know para makapag-prepare ng ayos sina Jay doon pag bumisita nyo.”

                She nodded. “Salamat.” Nakaramdam na naman siya ng tila kakaiba nang hawakan nito ang kamay niya para iabot ang susi. Agad niyang inilayo dito ang kanyang kamay bago pa nito mahalatang bigla siyang kinabahan.

                On cue kapwa silang napatingin sa dalawa niyang kapatid na nasa isang tabi lang at pangisi-ngising nakatingin sa kanila. Nakaramdam ang dalawa kaya nagkanya-kanya na sila ng excuse para makaalis.

                “Ay ate, diyan muna kayo, may tatawagan ngapala ako, work related,” excuse ni Aira.

                “Ah, ako din ate, palabas na ata iyong hinihintay kong movie sa Cinema One. Titingnan ko muna ha,” excuse na rin ni Ericka.

                 In few seconds more, sila na lang dalawa ni Miguel ang nasa kusina.  “So, secret is really secret, Yumi.”

                “Oo, kaya wag na wag kang gagawa ng ikakagulo ng sitwasyon natin. Dapat nga di ka nagpunta dito.”

                “Bakit naman?”

                “Iniisip ng mga kapatid ko na manliligaw na kita dahil may padalaw-dalaw kang nalalaman with flowers eklavou pa.”

                “Well, you know it Yumi…”

                “Oo na alam ko. Di mo ako type. Wag mo ng ulit-ulitin. Unli ka na e,” hirit niya. “Kaya nga sabi ko, ginugulo mo lang ang lahat sa pagpunta mo dito. Pwede naman mag-meet na lang sa ibang lugar e.”

                Umiling lang ito. “Wala ka ng magagawa.” May kinuha itong velvet box sa body bag na bitbit nito. “This is for you. Don’t forget our agreement. We’ll chat, as soon as I get there in US.” Naglakad na ito palabas ng bahay nila. Speechless na sinundan lang niya ito papalabas.  At bago ito tuluyang makalabas ng gate ay binalingan siya nito. “Wear it always. I’m sure, it will look perfect on you.”

                 She felt her heart skipped. First gift niya iyon from stranger. May bulaklak na nga siya, may gift pa. Daig pa ni Miguel ang aakyat ng ligaw. Kung di lang sana niya alam na di siya nito type, malamang na ma-in love siya dito ng tuluyan. Kahit may ugali itong di niya ma-gets, alam niyang sweet ito in his own way. By looking at the velvet box, siguradong alahas ang laman noon.     Magpapasalamat sana siya nang bigla na lang humarurot papalayo ang sinasakyan nitong sports car.

                Napailing na pang siya. Ang lalaking iyon, darating ng walang pasabi tapos aalis ng walang paalam! Adik!

                Binuksan niya ang velvet box. Isang white gold necklace iyon na may maliit na heart pendant with fine diamonds. Tingin pa lang sa pendant, mukhang mamahalin talaga. She can’t even imagine how much that precious jewelry costs. May nakita siyang papel at napakunot lang siya sa nakasulat.  A reminder of our little secret, my Mrs. Catacutan. Pakiramdam  ni Yumi ay tumambling hanggang kabilang kanto ang puso niya sa kaba.   


                MIGUEL WAS patiently waiting for Carlene in a coffee shop. It’s been a month since he left the Philippines to visit his late father’s businesses in US. Siya na ang nagma-manage ng lahat ng negosyo ng mga magulang niya. Sa susunod na buwan naman ay lilipat na siya sa  Australia. Masyado siyang naging abala sa pag-aasikaso ng mga naiwang trabaho dito kaya ngayon lang din siya nagkaroon ng time para ma-meet si Carlene.

               “Oh, Miguel.” Agad na humalik si Carlene sa kanyang pisngi na binalewala lang niya. “I’m sorry for being late. Na-stuck ako sa meeting. So what’s up, hubby?” tanong nito nang umupo ito sa tapat niya.

                He disregarded her question. “I heard you already had your green card,” kampanteng tanong niya after sipping his black coffee.

                “Yeah, thanks to you. Kamusta ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag noong nasa Pilipinas ka?”

                Hindi pa rin niya sinagot ang tanong nito. He just wanted to get out of that marriage as soon as possible. Lately ay di na niya nagustuhan ang inaasal ni Carlene. She was literally flirty towards him and that annoyed him. “Now that you already got what you want, we should end the drama now.” Walang pasakalyeng ibinigay niya dito ang pipirmahan nitong divorce papers.

                “What’s this?” tanong nito habang binubuklat nito ang mga papeles sa folder.

                “Marunong kang magbasa, di ba? Tapos na ang drama. Mag-divorce na tayo para makapamuhay na tayo ng atin separately.”

                “Wow, Miguel! I can’t believe you.  Do we really need this?” Lumipat ito sa tabi niya at hinawakan nito ang kamay niya and moved closer to him. “I thought we’re okay. I thought, our marriage can be real. We can make all of these real actually.” She gave him a kiss in her most flirty way but he just moved away. Niyakap pa siya nito. “I like you, Miguel. I want you. You can be mine and I’m perfectly yours.” Inalis niya ang kamay nito.

                “Wake up, Carlene! We’re just friends. That’s all I can give.  I can’t love you.” He put distance between them. “I want the divorce now.”

                “No! Hindi pa natin nasusubukan kaya mo iyan nasabi. You must love me, Miguel. I can certainly make you happy.”

                “Carlene, our marriage is for benefits only. I don’t have plans to love you so you better sign those papers.”

              Tumayo na ito. “Hindi ako pipirma. Hindi ako papayag na mapunta ka sa ibang babae. Legally, asawa mo ako. Sa akin ka lang. Hinding-hindi ako makikipaghiwalay sa’yo.”

                Nakuyom niya ang kamay sa pagpipigil ng galit. Kung lalaki lang ang kausap, baka kanina pa niya ito nasuntok. “We have an agreement, Carlene. Hindi mo ako mahahawakan sa leeg.”

                “Believe me, Miguel. I can.”  Then she walked out and let him devastated.

                Damn that girl! Mainit ang ulong umalis na rin siya at umuwi. Hindi siya pwedeng matali habambuhay kay Carlene. Kailangan niyang makaisip ng paraan. Humiga siya sa kama. “How can I file my marriage with Yumi if I’m stucked here?” Natigilan siya. Hindi niya alam kung saan galing ang thought na gawing legal ang kasal nila ni Yumi. Yes indeed, the wedding was not filed in civil registry. Pinaniwala lang niya si Yumi na legal ang lahat kesa aminin ditong kusang loob niyang ibinibigay ang casa dito. Things were now getting more complicated than he thought.
          
         He sighed. Speaking of Yumi, matagal na nang huli niya itong naka-chat. At wala silang masyadong napag-usapan kundi ang renovation plan nito sa Casa de Yumi. Sinipat niya ang relo. Magmamadaling-araw na sa Pilipinas. Nevertheless, he opened his laptop and signed in to his Skype account and Gmail. Nagulat siya nang makitang online pa si Yumi kahit mag-alas dos na ng umaga sa Pilipinas.

                He opened a chatbox and typed in his message. Why still up? Madaling araw na diyan ah.

                Few seconds later, Naiomi replied. Loaded with lesson plan, Miguel. Nakwento ko na sa’yo di ba? Tatlong klase na ang tinuturuan ko sa isang araw, iba-iba pang sets pag MWF and TTH. Bawat klase, kailangan ko ng lesson plan.  

                Napakunot ang noo niya.  Open your webcam. I hate typing. Let’s just talk.  

                Palautos ka talaga… :P   Sumunod din naman ito kahit may konting hirit.

                Hinintay niyang mag-load ang webcam. Yumi appeared on the screen. Mukhang pagod na pagod na ito pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa kanya. Kumaway pa ito.  Agad niyang napansin na suot nito ang kwintas na bigay niya. He felt glad that she’s keeping what he said. He’s right, bagay nga dito ang kwintas.

                “Oh bakit nakakunot na naman ang noo mo? Any problem Miguelito?” Naiomi grinned.

                “Wag kang mang-asar, mainit ang ulo ko,” seryosong sagot niya.

                May kinuha itong unan sa likod nito. It was like a big egg. “O, heto ang itlog. Iprito natin diyan.”

                Napailing siya. “Baliw.”

                “Ayaw mo ng itlog?” May kinuha itong isang stuff toy. “Polar bear, ihawin natin sa ulo mo. Cool!”  Itinabi pa nito sa mukha nito ang polar bear stuff toy at ginalaw-galaw iyon na parang my hawak itong puppet.

                Lalong kumunot ang noo niya. Saan ba kumukuha ng idea ang babaeng ito?

                “Ayaw mo din? Gusto mo…” Kinuha nito ang isang hello kitty na maliit na stuff toy. “Siopao na lang!” Naglagay pa ito sa noo ng pulang art paper na ginupit nito para maghugis bilog na maliit. Pagkatapos ay pabirong sumayaw ito ng Indian dance.

                Napailing siya at pinigilan ang sariling mapangiti at matawa. Bandang huli, hindi na rin niya napigilan ang sarili. Bigla na lang siyang tumawa. Naiomi was damn so cute doing that funny thing on cam. Sino nga naman ba ang hindi matatawa sa dancing bola-bola on cam?

                Bigla itong natigilan nang mapansin siyang tumatawa. “Homaysiopao! Are you real, Migs?”

                “What kind of question is that, Yumi?” Napakunot ang noo niya pero nanatiling nakangiti dahil pigil na natatawa pa rin siya.

                “King arrogant, Miguel! Tumatawa ka, napatawa kita! Isa iyong himala sa madaling-araw!” 

                Natigilan din siya. When Naiomi came in his life, napangiti siya nito at ngayon naman ay napatawa.  He set his eyes on her. Kahit webcam lang iyon, it felt like she was just sitting on the other side of the table with him. Since you came, something in me changed. And I don’t know why, but I feel better.  “Sinong di matatawa sa pinaggagawa mo? By the way, you’re cute that way. But never do that again. That’s so scandalous.”

                “Scandalous agad? Eksaherada ka!” Inalis nito ang art paper sa noo at tiningnan siya. He smiled. “Hohemji!” Eksaheradang umarte itong hinimatay.

                “Anong nangyari sa’yo diyan?” kunot noong tanong niya.

                Tumatawang umayos ito ng upo. “Sabi ng writer doon sa magazine kung saan ka na-feature, you hardly smile. But when you did, nakakahimatay daw. I just proved it by myself.”

                Umiling lang siya. “Silly. It’s not true. You know, writers do exaggerate things more exaggerated.”

                Nagkibit balikat ito. “Pero alam mo dapat tumatawa ka once in a while at maging palangiti ka. Bagay sa’yo ang nakangiti. Although, bagay din naman sa’yo ang seryoso. Light up your life, Migs. Makulay ang buhay sa sinabawang gulay!” Tinawanan nito ang sariling sinabi.

                Napailing na lang si Miguel. Napawi na ang init ng ulo niya. “Thank you, Yumi.”

                Natigilan na naman ito at tiningnan siya. “Wow, maganda atang tuwing madaling-araw  tayo mag-usap. Bukod sa tumatawa ka, aba, ang bait bait mo pa. Nagte-thank you ka pa! Blessing in the dawn! You’re welcome, Migs. At least nawala na iyang kunot sa noo mo. You looked more relaxed. Wag ka kasing masyadong seryoso sa buhay. Madali kang tatanda.”

                “Andami mo talagang gustong sabihin ano?”

                “Talking is my hobby. Giving my opinion and thoughts is my past time.” She smiled. Ngunit bigla itong napapikit sabay sapo sa noo nito.

                “Okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya. Pag-aalala. Kailan nga ba siya huling nag-alala sa ibang tao? Hindi na niya matandaan nang huli siyang makaramdam ng pag-aalala para sa ibang tao. And it was first time to feel that way towards a woman.

                Nagmulat ito ng mata at ngumiti sa kanya. “Nahilo lang ako sa antok.”

                “Matulog ka na. You had a long day.”

                “Sige matutulog na ako. At ikaw, kung ano man iyang kinainit ng ulo mo, maaayos din iyan. Wag mo na pakaisipin.” She smiled.

                He just smiled back. At pagkatapos nilang magpaalam sa isa’t isa ay nag-logout na rin siya. Nangingiti pa ring humiga siya sa kama. He grabbed his phone and search for her picture. You’re one of a kind, Yumi. I think I like you.   But when the thought sinked in his head, he immediately changed his mind. No, it’s not a like. She’s just a distraction, deny niya sa sarili.


                NAIOMI stretched her arms upward. Katatapos lang niyang i-check ang mga workbooks ng mga prep school babies niya. How she loves being a teacher. She felt being fulfilled whenever she see her babies improve and learn a lot as time passes by. Kaya kahit sa simula ay color pink ang ikinukulay ng mga bata sa elepante sa simula ng kanyang klase, alam niyang darating din sa puntong matutuklasan ng mga ito na dark gray talaga ang kulay ng elepante at the end of the school year. Katulad ngayon, makalipas ang limang buwan, alam na ng mga babies niya na wala talagang pink, yellow, green at pulang elepante.

                Itinabi na niya ang mga workbooks at kinuha ang kanyang laptop. She checked her email.  Bahagya siyang nalungkot nang wala pa rin siyang natatanggap na email mula kay Miguel. Their last talk was when she saw him smiled for the first time.  Ni hindi na nga niya napigilan ang sariling magnakaw ng mga screen shots nito habang naka-video call sila. Iyon din ang latest wallpaper sa desktop screen ng laptop niya ngayon.     

                Siguro talagang busy pa sa pagka-busy ang lalaking iyon. Sana okay lang siya.  Iniwan niyang nakabukas ang laptop niya sa mesa at saka niya hinarap ang pagluluto ng hapunan nila. Araw ng Biyernes, wala siyang pasok dahil foundation day sa school kung saan siya nagtuturo.

                Abala na siya sa pagluluto nang dumating ang kanyang ama’t ina.

                “Wow, nagluluto na si Yumi. Anong hapunan natin anak?” tanong ng kanyang ina.

                Humalik muna siya sa pisngi ng ina. “Tinola lang, ‘Nay. Si Itay?” Paglingon niya ay nakita niyang kunot ang noo ng kanyang ama habang nakatingin sa laptop niya. Iyong picture ni Miguel! Lagot! “H-hi ‘Tay…” bati niya dito.

                “Ito ba iyong Miguel na nakita ng mga kapitbahay na dumalaw sa’yo dito dati?” bagkus ay tanong ng kanyang ama.

                Napangiwi siya. Naku lagot talaga ako! Wala na siyang nagawa. Ngayon ay tila hinahanap pa ng kanyang ama ang ibang mga screen shots sa laptop niya. “Ah…”

                “May picture diyan si Miguel?” Nakisilip na rin ang kanyang ina. “Aba, oo nga. Kay gwapong bata talaga. Sana andito naman ako pag dumalaw siya ulit.”

                “Crista!” sita dito ng tatay niya.

                “Oh, bakit? Totoo naman na gwapo oh. Di ba anak?” baling pa sa kanya ng kanyang ina.

                “Well, opo—”

                “Nanliligaw ba siya sa’yo, Naiomi?” usisa ng kanyang ama. “Webcam screenshots ang mga ito ah.  So nagkakausap pa pala kayo kahit nasa ibang bansa na kamo siya.”

                “Hindi po siya nanliligaw.” Susko, wish ko lang! Kelangan ko pang mangisay o magpakabaliw para lang mapansin niya e. “Ah, tungkol lang po sa casa iyong pinag-uusapan namin lagi.”

                “Lagi? Tungkol sa casa kamo? Anong tungkol sa casa ang sinabi mo para mapangiti mo ng ganyan ang lalaking iyan over webcam? Kung tungkol lang sa casa, kelangan pa ba talagang magwebcam?”

                “Ah…eh…”  Nawalan na siya ng idadahilan. Kung bakit nga naman kasi niya naiwang bukas ang laptop niya?

                “Marco, pagod ka na sa trabaho. Wag mo ng pagbalingan ang anak mo—” awat ng kanyang ina.

                “Iyang suot mong kwintas—”

                Hinalikan na ito ng kanyang ina kahit sa harap niya maawat lang ito sa kakatanong. “Crista, wag kang istorbo at kinakausap ko ang anak ko.”  But he did give her mom a quick kiss in return.

                That was so sweet indeed. Wish niya lang talaga na makahanap siya ng lalaking kasing sweet at responsible ng kanyang ama at sana’y magkalove story rin siyang kasingganda ng love story ng kanyang mga magulang.

                Natigilan siya. Paano mangyayari iyon kung nakatali na siya ngayon kay Miguel na kahit ata ligawan niya ay di siya magugustuhan. Umiling siya. “’Tay, di po nanliligaw sa akin ang masungit na lalaking iyan. Naga-gwapuhan lang po ako sa kanya kaya ginawa kong wallpaper. At saka di po ako type niyan.  Itong kwintas naman po, ewan ko sa kanya kung bakit niya binigay. Sayang naman kung di ko isusuot.”

                Her phone rang. Nakapatong sa tabi ng laptop niya ang kanyang cell phone.

                “Sa palagay ko, may gusto siya sa’yo anak. He’s calling,” sambit ng kanyang ama.  

                She grabbed the phone at kumpirmadong si Miguel nga ang caller. She ended up cancelling the call.  Ibinaba niya ang phone sa mesa at binalikan ang niluluto. “Malapit na po itong maluto. Magbihis na kayo para makapag-dinner na. Late daw po uuwi sina Ericka at Aira, ipagtira na lang natin—” Her phone rang again.

                Ininguso pa ng ama niya ang cell phone niyang di niya dinadampot. “Same guy.” Hindi niya pinansin ang nag-iingay na cell phone. Bagkus ay inasikaso lang niya ang niluluto. Lumapit sa kanya ang kanyang ama at humalik sa pisngi niya. “Mukhang sa wakas, may natipuhan ka ring lalaki na di artista.”

                “’Tay!”

                Tumawa ang kanyang ama. “Wala namang masama na magkagusto ka sa kanya as long as walang ibang nililigawan ang lalaking iyan at hindi ka niya sasaktan.” Pagsambit noon ay lumakad na ito papunta sa kwarto. Napanguso lang siya.  

                  “You’re cute father is right. So nanliligaw na ba anak?” hirit pa rin ng nanay niya.

                “Hindi nga po, ulet-ulet lang ‘Nay?” Napakamot pa siya sa batok.

                “Okay, okay. Just answer the phone. Baka nami-miss ka na niya.” Sumunod na rin ang kanyang ina sa ama niya. She grabbed the phone and just stared on it while Miguel’s cute screen shot photo appears on the screen while ringing. She felt her heart skipped a bit. Napailing siya. She cancelled the call again. May gusto ka nga kaya sa akin. Migs?  The idea was really good in her senses. Mapap-tumbling siya sa tuwa kung nagkataon. Ngunit nang maalalang hindi ngapala siya nito type ay biglang gumuho ang kanyang ilusyon. Waaahh, this can’t be!  


               


PREVIOUS                                                     NEXT 

Comments

Naiomi Catacutan said…
Confirmed! May gusto ako kay Miguel! Hahahahaha! Grabe... lahat ng updates maganda!! Nakakakilig!! Dami kong tawa sa webcam scene.. Hahahaha :)) Next na agad! Ang ganda eh :)
kiz said…
kumpirmado.... may gusto na ako kay Miguel. wahahahaha. ohmamamia.. kinikilig ako :"> Yumi akin na lang kwento mo hahahaha

Most Popular Posts

Kofi Cups and Sweets Series 2: Kissing Mr. King of Anything- Part 2

“Yes! Mahabaging langit, thank you!” bulalas ni Erika matapos niyang i-save ang ginagawang report. Alas-sais na ng umaga at wala pa siyang tulog. Pinagpuyatan niya ang reports na pinauwi sa kanya ni Cholo.
                “Anak, ang aga mo atang gumising, may himala?” bungad ng kanyang ama nang bumaba ito mula sa hagdan. Kagigising lang ng tatay niya.  Sa kusina kasi siya nag-work para hindi mamalayan ng kanyang ama na hindi siya natulog.
                “Anong maagang gumising? Hindi pa natutulog iyan,” sambit ni Nanay Cattie.
                Napapalatak ang kanyang ama. “Na naman? Aba umaabuso na iyang boss mo ah. Ilang araw ka ng ginagabi ng uwi, ginugutom ka na nga tapos may take home ka pang trabaho. Mag-resign ka na dyan, anak,” sambit nito sabay halik naman sa ulo niya pagkatapos ay hinalikan nito ang kanyang ina. Sweet indeed.  Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na malambing sa isa’t isa, hindi niya maiwasang mag-wish na sana ay makatagpo rin siya ng true love kat…

Find Your Way To Me: Loving You In so Many Ways- Epilogue

Five years later…
                 Naalimpungatan si Yumi nang humampas sa kanyang pisngi ang malamig na hangin. She slowly opened her eyes and noticed that the window was slightly opened.  She sighed. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama. No trace of Miguel was beside her. Another morning without Miguel. Napailing na lang siya. Doing the usual routine, she got herself up and went out of the room. Tahimik na tahimik ang Casa de Yumi.
                Matamang pinagmasdan ni Yumi ang kabuuan ng Casa.  Tulad nilang mag-asawa, napakarami na ring pinagdaanan ang bahay na iyon mula nang ipatayo iyon ng kanyang mga magulang hanggang sa maging property iyon ng ibang tao and lastly, naging property  ng asawa niya. Not to mention na sa Casa de Yumi nagsimula ang maituturing na love story nilang dalawa ni Miguel. 
                Bagama’t may mga nangyari din doon na hindi maganda, para kay Yumi ang bahay na iyon pa rin ang gusto niyang maging tahanan habambuhay. Pinaayos muli nila ang b…

Find Your Way To Me: After The Love Has Gone- Chapter One

“Kuya, para po!” agad na sambit ni Vel. Kung kelan naman kasi kailangan niyang magmadali eh saka naman hindi nakisama ang kotse niya. Napilitan tuloy siyang mag-jeep sa kabila ng marami niyang bitbit na tracing papers, blue prints at kung anu-ano pa. Pero ang siste, hindi siya narinig ni manong drayber kaya sumigaw na siya with feelings. “Kuya!!! Paraaaa!”
                Huminto ang jeep kasabay ng pagtingin sa kanya ng lahat ng kapwa pasahero. Eh ano? Kesa lumagpas pa ako ng mas malayo ano?  Deadma na sa reaksyon ng mga kapwa pasahero. Mala-donya siyang bumaba ng jeep sa tapat ng ZLCD Realty Corporation Building. Hindi siya pwedeng ma-late dahil iyon ang unang araw ng new boss nila sa opisina... at iyon din ang araw na malalaman niya kung may trabaho pa siya o magaalsa-balutan na siya at magsa-sayonara opisina.
                Naalala  na naman niya ang nangyari. Ang shungabels mo rin naman kasi talaga, Aveline! She had been working at ZLCD Realty Corporation for six years. Nagsimula…